Agatha POV
Ilang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang kay Melissa at simula no’n ay hindi na masyadong umuuwi si Ethan dito sa mansion, kung umuwi man siya ay kukuha lang ng gamit at pagkatapos ay aalis na agad.
Ilang beses ko na din siyang sinubukan na kausapin pero hindi niya man lang ako pinapansin at kung kakausapin niya man ako ay nauuwi lang din sa away, hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa kaibigan niya na alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan.
Palagi niya sinasabi sa akin na siya ang nagbabantay kay Melissa para na din daw makabawi sa kasalanan ko dahil ayaw niya naman na ako ang magbantay sa kaibigan niya dahil baka daw mas lalo itong mapahamak. Sa totoo lang nasasaktan ako dahil iniisip niya talaga na kaya kung manakit ng ibang tao.
Gian POV Pagkatapos naming mag usap ni Agatha ay dumiretso na ako sa silid kung saan si Melissa at naabutan ko sila ni Ethan na masayang nag uusap. Sa totoo lang ay naaawa ako kay Agatha dahil sa nangyayari ngayon sa kanila ni Ethan na dalawa, pagkakita ko pa lang sa kanya kanina ay alam klung sobra siyang nasasaktan, stress at halatang walang tulog. Hindi ako naniniwala na may kinalaman siya sa pagkalaglag kay Melissa sa hagdan at alam kung ang kaya niyang gawin kahit kaibigan ko pa siya. Alam ko na hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya kay Ethan at gagawin niya ang lahat makuha lang ito. Umpo lang ako sa bakanteng upuan at mayamaya pa ay pumasok ang doctor para icheck ulit si Melissa kaya lumabas muna kaming dalawa ni Ethan. “Kamusta na siya?” tanong ko sa kaibi
Agatha POV Halos tatlong linggo na simula mangyari ang pagkalaglag ni Melissa at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ni Ethan, kung no’ng unang mga araw ay umuuwi pa siya dito ngayon ay hindi na. Minsan si Gian pa ang kumukuha ng damit niya sa bahay. Unti unti na din akong nahihirapan dahil sa paglilihi ko pero wala naman akong magawa kung hindi ang magtiis dahil wala pa ding nakakaalam na buntis ako kahit mga kaibigan ko. Tama nga ang sabi sa akin ng doctor na makakaramdam na ako ng kakaiba dahil ng unang punta ko sa kanya ay halos isang buwan na akong buntis at ngayon at magdadalawang buwan na ito. Kasalukuyan akong nandito sa pool habang hinahayaan na nakalubog ang mga paa ko sa tubig. Naalala ko na naman ang nangyari ng isang araw na tinawagan ko si Ethan, gusto ko kasi na magpasama sa kanya sana
Belle POV Tanghali na ng matapos ang meeting namin nila Gian kaya nagpasya akong bisitahin si Agatha dahil naawa ako sa kalagayan niya at alam kung nagkukulong na lang siya sa mansion. Ang balita ko ay hindi na umuuwi si Ethan do’n at si Gian na lang ang kumukuha ng damit niya dahil mas kailangan ni Melissa ng makakasama sa therapy niya, pero hindi ako naniniwala dahil alam kung gawa gawa niya lang ‘yon para makuha ang atensyon ni Ethan. Una pa lang talaga ay hindi na ako sang ayon sa pagtira niya sa bahay nila Ethan at hindi nga ako nagkakamali dahil mukhang plano niya talagang sirain ang relasyon ng dalawa at itong si Ethan naman ay naniwala agad. Ng makarating ako sa mansion ng mga Hernandez ay hinanap ko ang mga maids pero wala akong nakita kahit na isa sa kanila kaya inisip ko na baka nasa day off ang mga it
Agatha POV Nagising ako ng may marinig akong dalawang boses na nag uusap, kahit hindi ko sabihin ay alam ko kung sino ang mga ‘yon. Dahan dahan kung iminulat ang mga mata ko para makumpira na silang dalawa nga ang nandito. Ng tuluyan na akong makadilat ay inilibot ko ang paningin ko at puro puti ang nakikita ko. Kahit hindi ko na tanungin ay alam kung nasa ospital ako. Mayamaya pa ay nakita kung napatingin sa gawi ko si Zey kaya mabilis siyang lumapiy sa akin. “Best mabuti at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?” sunod sunod na tanong niya. Hindi ko pinansin ang kanyang mga tanong. "Anong nangyari?" Nakita ko naman silang nagtinginan na dalawa kaya ipinikit ko ang aki
Belle POVIsang linggo na nakalipas ng ma ospital si Agatha at mamatay ang kanyang anak at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap at isa pa mas lumalala ang kalagayan niya. No'ng unang mga araw ay napapansin namin na parang may nag iiba sa kanya. Madalas siyang umiyak hanggang isang isang araw pagbisita ko ay naabutan ko siyang kausap ang manika na binigay s kanya ni Zey.Hindi ko 'yon pinansin dahil iniisip ko na hayaan na lang muna siya pero habang tumatagal ay nagtaka na ako na tinatawag niya itong anak niya, kapag nalalayo ang manika sa kanya ay nagwawala siya at sinasabi na huwag kunin ang anak niya sa kanya.Kinausap din kami ng doctor na mukhang isa ito sa nagiging epekto sa kanya nadedepress siya at nagkakaganyan siya dahil sariwa pa sa utak niya ang nangyari at hindi niya pa tanggap ang pagkawala ng kanyang anak.Hindi din namin pinaalam kay Ethan ang nangayari dahil ayaw ni Zey at naiintindihan ko naman siya dahil gusto niya lang protektahan ang kaibigan niya. Mas ma
Abala ngayon si Zey at Belle sa pag aayos ng gamit ni Agatha, pati ang mga bills ay nabayaran na din nila, ngayon kasi ang araw na madidischarge ang dalaga sa ospital pero iuuwi nila 'to ibang bahay na pag mamay ari din ni Belle.Napagpasyahan kasi nilang do'n na muna manatili si Agatha habang nagpapagaling ito. May kasama silang isang nurse na siyang titingin dito. Habang ang doctor naman ay pupunta na lang do'n isang beses sa isang linggo para icheck ang progess ng dalaga."Maayos na ba ang lahat?" tanong ni Belle kay Zey.Tumango naman ang dalaga. "Wala na naman tayong nakalimutan kaya ayos na."Sinenyasan naman ni Belle ang kanyang driver na ilagay na sa kotse ang mga gamit para makaalis na din sila at hindi abutin ng hapon sa byahe. Kinausap lang nila saglit ang doctor at pagkatapos ay umalis na. Hindi din naman naging matagal ang naging byahe nila dahil hindi naman malayo ang lugar ng bahay na pag mamay ari ni Belle. Ng makaratin sila sa bahay ay ibinaba na ng driver ang mga ga
Ethan POVIlang linggo na ang lumipas simula ng maging maayos ang kalagayan ni Melissa at ng makauwi kami dito sa bahay pero hindi namin nadatnan si Agatha, ilang beses kung sinubukan na tawagan siya pero hindi niya ito sinasagot. Nagpunta na din ako sa condo niya pero wala din siya do'n kahit ang mga staff na pinagtanungan ko ay sinabing hindi daw ito nagpunta dito.Sobrang nag aalala na ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din siya umuuwi. Ilang beses ko na din tinanong si Zey at Belle pero wala din silang alam kung nasaan ito. Alam kung hindi naging maganda ang huling pag uusap namin at nasaktan ko siya sa mga nasabi ko pero kasi mali naman talaga ang ginawa niya kay Mel."Baby, balik ka na. Namimiss na kita." bulong ko.Mayamaya pa ay umupo sa tabi ko si Melissa. "Iniisip mo pa rin siya hanggang ngayon? Ilang linggo na siyang hindi umuuwi baka talagang ginusto niyang umalis na talaga." anas nito sa akin."Girlfriend ko siya kaya natural lang na hanapin ko siya. I know he
Gian POVNapatingin ako kay Belle ng biglang tumunog ang kanyang phone at tumayo ito para sagutin ang kung sino man ang tumatawag. Nakaraan ko pa napapansin na parang may itinatago ito sa amin, hindi ko lang matanong sa kanya dahil baka mali lang din ako ng iniisip.Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit gano'n na lang siya magsalita kay Melissa para bang galit na galit siya dito sa hindi namin alam na dahilan.Mayamaya pa ay tumayo muna ako at nag excuse kay Ethan at Melissa. Naglakad ako papunta sa gawi kung nasaan si Belle at nakita ko naman na seryoso ang kanyang mukha habang may kausap sa phone. "Mabuti naman at nakatulog na siya." rinig kung saad ni Belle. sino naman kaya ang tinutukoy niya at sino ang kausap niya.Naglakad pa ako palapit sa kanya ng mapatigil ako sa paghakbang dahil sa pangalan na narinig ko."Uuwi ako diyan mamaya, nandito pa kasi ako sa kanila Ethan. Magiging maayos din ang lahat at gagaling din si Agatha."Ilang segundo pa ang lumipas bago ibinaba ni Belle
Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay
Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l
Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n
Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna
Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni
Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko
Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga
Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas
Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag