Share

Kabaklaan 3

Author: JC Pamplona
last update Huling Na-update: 2023-03-02 18:39:38

HABANG naglalakad si Wella palabas ng kanto ay hindi maiiwasang may mga kalalakihang manukso sa kanya. Kumekendeng-kendeng siyang naglalakad sa eskinita ng kanilang barangay na ani mo'y beauty queen na wala namang beauty.

Sipol doon, sipol dito, sabay sabing, "Sexy! Wampibti!"

Iyan ang mga naririnig niya sa kanyang pagrampa. Pero kiber ang bakla, diretso pa rin ang hada kahit hindi naman kagandahang tingnan sa full-pack make up niya.

"Ay! Ganda yarn? Sa'n ka na naman haharot, 'te? May booking ka?" salubong na tanong ni Ava nang matanaw siya nito sa kalsada.

"Maghahanap ng trabaho. Wala na kasi akong pambili ng panty liner ko," seryosong wika ni Wella.

Hagalpak naman ng tawa ang kaibigan sa sinabing dahilan niya. "Bakla, anong gagawin mo sa panty liner? Itatapal sa santol mong kumakalembang? Wala kang merlat kaya huwag kang mangarap na may tatapalan kang butas."

Tumalim ang tingin ni Wella sa kaibigan, "Hoy! Baklang pinaglihi sa posporong sunog! Para sabihin ko iyo, may merlat ako!" may kompiyansang wika nito sa kaibigan.

"At nasaan, patingin?!"

"Sa... sa likod," tugon ni Wella na hindi sigurado sa sagot. Lalo pa tuloy siyang tinawanan ng kaibigan sa naisip niyang dahilan. Bakit ba naman kasi nasa likod ang merlat na sinasabi niya?

"Aling merlat? 'Yong umuutot?" tanong ni Ava at mas lalo pang nilaksan ang tawa na wari'y nanadyang maimbyerna ang kaibigan.

"Tse! Palibhasa, 'yang merlat mo, isang tapikan na lang lumalabas na agad ang jerbaks!" Hindi talaga siya titigilan ni Ava sa pang-i-imbyerna nito kaya minabuti na lang niyang iwasan sa halip na patulan.

Alam kasi niyang masasayang lang ang oras niya kapag kinausap pa niya ito. "Bakla, pasalubungan mo na lang ako ng boylet. 'Yong mabibilaukan ako sa laki ng... alam mo na!" At talagang nagbilin pa ito sa kanya.

"Oo, bibigyan kita. 'Yong sisiguraduhin kong hindi lang lalamunan mo ang dudurugin. Pati apdo mo, wasak. Baklang 'to!" bawi ni Wella sa kaibigan.

"Bet ko 'yon! Sige, bakla! Ingat!" Matapos ang chickahang naganap sa pagitan ng dalawang baklang magkaibigan, dumiretso na si Wella sa paradahan ng jeep kung saan siya madalas sumakay papuntang bayan.

"Kuya, saan ang next destination ng jeep na ito?" tanong ni Well sa barter ng jeep ngunit laking gulat niya nang humarap sa kanya ang lalaking nakatalikod na tinanong.

"H-Hi! Hindi ba ikaw 'yong..." Halos malaglag ang suot na pantalon ni Wella nang makita kung sino ang lalaking napagtanungan. Iyon ay walang iba kundi ang nagpapatibok ng kanyang imaginary merlat na si Hans.

"Ah... eh... eke nge..." ang maharot na sambit ng baklita dahil alam niya kung ano ang tinutukoy ng binata sa isipan.

"Sorry nga pala sa nangyari. I don't mean it," nakangiting sambit ng binatilyo sa baklitang feel na feel ang paghingi ng paumanhin sa kanya nito.

Sino ba naman kasing hindi kikiligin sa ganoong klaseng binata. Halos lahat ng kababaihan at sangkabaklaan sa kanilang baranggay ay halos malaglag ang panty at panga sa taglay nitong kaguwapuhan. Bukod pa roon, nakakaakit ding tingnan ang bumabakat nitong pagkalalaki. Kumbaga, fitted shirt kasi ang suot nito kaya halos bumakas na ang malapad nitong dibdib at ang nagsusumigaw nitong abs na pakiwari ni Wella ay binati siya ng mga ito nang nakangiti.

Halos maglaway ang baklita sa nakikitang ka-macho-han ng binatilyo. Kulang na lang ay lumuhod ito at lawayan iyon. Pero s'yempre, bilang isa siyang mahinhing bakla, hindi dapat siya magpahalata na kanina pa niya gustong lapain si Hans. Kaya mabilis nitong binawi ang sarili sa nakakalasong pag-iisip at tumingin nang diretso sa binatilyo.

"Wala 'yon. Hindi nemen mesyedeng mesheket?" Wala. Kahit anong pilit niyang hindi maging maharot sa pananalita ay hindi pa rin nita mapigilan ang sarili habang kaharap ang lalaking nagpapatibok ng kanyang imaginary merlat.

"Okay ka lang ba talaga? Bakit gan'yan ka magsalita?" usisa ng binata.

"Oo naman. Okay lang ako." Saglit silang nagkatitigan na mas lalo pang nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Nakaramdam siya ng pagpapawis ng kili-kili sa kaba dahil noon lang talaga niya nasilayan ang magkalaglag panty na kaguwapuhan ni Hans. "S-Sige, aalis na ako." Mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin sa binata dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili at luhuran niya ito.

Jusko! Hindi pa siya p'wedeng magpakarupok. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Plano pa pa niyang maging reyna ng sangkabaklaan at ipakalat sa buong mundo ang rainbow colors. Pero paano niya magagawa iyon kung may Hans na pipigil sa kaniya?

"Hoy, bakla! Sasakay ka ba o ano? Isa na lang ang kulang!" sigaw sa kaniya ng dispatcher at nagising siya sa katotohanang mag-isa na nga lang siya dahil wala na sa harap niya si Hans.

"Kuya, for your information, hindi ako bakla?" Halos mawala ang itim sa kaniyang mga mata sa pag-irap niya sa lalaking amoy araw na at iisa lang ang ngipin sa harap.

"Eh, ano ka?" tanong sa kaniya nito.

"Ako ay isang..." Umikot muna siya na parang turumpo sabay sabing "Dyosa!" nang humarap sa dispatcher. Napatawa naman ang mamang kausap.

"Hoy! Wala pa akong nakikitang Dyosa na kasing pangit mo!" Imbyerna ang Wella. Tawagin ba naman siyang pangit ng mas pangit pa sa kaniya.

"Kung ako, pangit, ano ang tawag mo sa sarili mo?" nakataas ang isang kilay niyang wika. Hindi niya mapapalagpas ang sinabi ng lalaking iyon sa kaniya.

"Sa guwapo kong 'to, maraming nagsasabi sa akin na kamukha ko raw si Paulo Avelino," may kompiyansang saad ng lalaki habang hinihimas ang kaniyang baba na wari mo'y nagpapa-cute.

Binigyan niya ng nakaririmarim na ngiti ang lalaki. Hinimas niya ang pisngi nito na para bang inaakit. "Oo nga, kamukha mo nga si Paulo."

"Avelino?" ani ng lalaki.

"Paulo Pustiso! Huwag kang mag-ilusyon, kuya. Baka nga mas makinis pa ang p'wet ni Paulo Avelino sa iyo!" wika ni Wella.

"Aba! Bastos 'to, ah!" Akmang sasampalin ng lalaki si Wella pero mabilis na nahawakan ito ng isang lalaki.

"Boss, huwag kang masyadong agresibo. Hindi tama 'yan," saway nito. Lalong tumibok nang mabilis ang puso ni Wella nang makita kung sino ang lalaking nagligtas sa kaniya nang muntik nang dumapo sa kanyang mukha ang makalyong palad ng lalalaki.

"H-Hans?"

Bongga! Kahit walang merlat, feeling naman niya ay naka-jackpot siya noong mga oras na iyon. Taob ngayon sina Catriona at Pia sa taglay niyang ganda.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Riz Monreal
Si Hans na pork and beans. ...
goodnovel comment avatar
Batangueña03
*thin na condom pala..haha namali pa nga ng type
goodnovel comment avatar
Batangueña03
Oy wella sponsoran na lang kita ng condom na thick at lube pampadulas pina-open mo na yan BD mo..haha at naku-naku kilig na naman ang bilat mo wella este lawit pala:)My ultimate crushie..Paulo Avelino..haha.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 4

    “HAAAY... ang hirap humanap ng trabaho for today’s video. Magpakap*kpok na lang kaya ako,” usal ni Wella sa kanyang sarili habang naglalakad papuntang sakayan nh jeep. “Ay, no! Sayang ang ganda kez! Hindi bagay sa akin ang maging p*karat na lang. Wiz ko bet maging p*kpok!” kontra din niya sa sarili. Ang tila nakikipagtalong baklita ay bigong makahanap ng trabaho sa araw na iyon. Inikot na niya ang buong ka-Maynilaan pero kahit isang kompanya ay hindi man lang siya in-entertain — kung hindi naman daw kasi walang bakante ay mga babae ang hanap. Sa maghapong paghahanap ng trabaho ay nakaramdam na siya ng pagod.Minabuti niyang umuwi na lang at ipagpabukas ang paghahanap ng trabaho. Isa pa, hindi na rin sapat ang perang dala niya para magpunta pa sa kung saan-saan. Pamasahe na lang pauwi ang kasya sa bente pesos na laman ng kanyang pitaka. Kailangan na naman niyang manghiram sa kung sino-sino para lang may maipanggastos siya. Madiskarte naman sa buhay si Wella. Iyon nga lang, sadya nga y

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 5

    NANLALAMBOT na umuwi ang baklang si Wella matapos ang maghapong paghahanap ng trabaho. Dinaig pa niya ang pokp*k na g*nahasa ng sampung lalaki dahil halata na sa mukha nito ang pagod. Napansin naman siya ni Ava na nakatambay sa tindahan. Lumapit ito sa kanya habang pinapakpak ang kornik na dala. “Accla, anez nangyari sa 'yo? Dinaig mo pa ang nag-booking! Akala ko ba maghahanap ka ng worklalu? E, bakit parang hindi ka pa nagkakatrabaho ay hagardo versoza ka na?!” usisa ni Ava. “Witchikels na ng powers ko ang maghanap ng work, Accla. Hindi ko keri! Puro merlat ang hanap nila?” reklamo ni Wella. “Ayan kasi, magpalagay ka muna kasi ng pukelyas bago ka maghanap ng worklalu. Tingnan ko lang kung hindi habulin ng mga iyan at ng mga shotoko!” suhestiyon ni Ava. Maganda naman ang ideya nito. Kaya lang, may nakaligtaan siyang isipin.“Alam mo, ang pangit mo na nga, wala hindi ka pa marunong mag-isip. Paano ako magpapakabit ng pukelyas kung wala akong anda!? S'yempre kailangan kong mag-workla

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 6

    “MGA kapitbahay, babae na ’ko!” Nagtitiling lumabas si Wella ng kuwarto at pumunta sa harap ng kanilang bahay dahil sa tuwa. Tulad ng ibang bakla, gusto niya ring maranasang magkaroon ng pukelyas. Pero hindi niya akalaing isang kuwintas lang pala ang makatutupad ng kanyang pangarap na maging isang tunay na babae. “Babae na ako! Babae na ako!” wika niya sa bawat taong makakasalubong niya. Nagtataka lang ang mga nakakasalubong niya dahil sa inaakto niya. Wala yatang ideya ang bakla na ang layo ng hitsura niya sa Wella na kilala ng buong Barangay Maligaya.Habang hibang na hibang sa anyo niya si Wella ay nakita naman niya ang kaibigang si Ava. “Acclaaa!” salubong niya sa kaibigang kasalukuyang tumutuhog ng fish ball sa kanto kasama na naman ang isang lalaki. Noong una ay hindi siya pinansin nito pero nagulat na lang si Ava nang bigla niya itong yakapin nang mahigpit. Marahas na itinulak ni Ava si Wella.“Teh, hindi tayo talo! Shotoko rin ang bet ko kaya lumayo ka sa akin. Baka majombag

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 7

    “AKO nga pala si Hans. And you are?”Sh*t na malagkit! Malagkit pa semilyang mainit-init! Ano ngayon ang gagawin ni Wella? Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pagkakataon, ngayon pa talaga nagtagpo ang landas nila ni Hans?Napalingon naman si Wella sa pader at napansin niya ang isang pader na may nakasulat na pangalan. ‘Cindy’ is the name written on the wall. “Ah... eh... Cindy! My name is Cindy,” pakilala niya rito. Wala nang choice si baklita. Kung hindi siya mag-iisip ng ibang pangalan, baka kung anong isipin ng binata. “Cindy. Nice name. It’s nice to meet you.” Inilahad naman ni Hans ang kamay nito sa kanya. Napakagat ng labi si Wella na nagpakilalang si Cindy dahil kitang-kita niya kung gaano kalapad ang kamay ng binata. May nagsabi sa kanya na kapag daw malapad ang kamay ng lalaki, malaki din daw ang k*****a nito. Ibig sabihin lang niyon ay bukod na pinagpala si Hans sa lalaking lahat. Daks kung daks kumbaga. Aarte pa ba siya? Eh, kung nasa harapan na niya ang grasya, isusubo n

    Huling Na-update : 2023-04-01
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 8

    WALANG kamalay-malay si Wella na nakangiti siya habang naglalakad pauwi. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ng baklita ang mga nangyari simula pa kanina. Para kasing nananaginip siya nang gising habang kausap niya ang lalaking matagal na niyang gusto. Iba talaga kasi ang effect ng ka-macho-han at kaguwapuhan ni Hans sa kanya! Kulang ang sampung panty na malalaglag sa kanya kapag kaharap na niya ito. “Accla, amakana. Kanina ka pa pangiti-ngiti riyan,” sita ni Ava nang mapansin siya. Kanina pa sila naglalakad pauwi pero hindi pa rin talaga magawamg alisin ni Wella ang ngiti sa mga labi niya.“Kasi naman. . . ang yummy kasi ni Fafa Hans. Knows mo 'yon? Pinapa-ezmayl niya ang aking heartsung!” Kinikilig pa si Wella habang nagbibitiw ng mga salita. That was the first time Wella felt that kind of happiness in her heart. “Oh, huwag masyadong umasa. Hindi mo pa masyadong kilala si Hans,” paalala ni Ava sa kanya.“Ay, teh! Wititit mo need mag-worry so much sa akez. Keri ko ’to. Crush lang na

    Huling Na-update : 2023-04-02
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 9

    ISANG pak na pak at plangak na plangak na umaga ang sumalubong sa baklitang si Wella. Feeling si Sleeping Beauty pa ang bakla na iminulat ang mata nang marinig nito ang tilaok ng manok sa kanilang bakuran. Nang makabangon ay uminat pa at pakiwari'y fresh na fresh ang kanyang pakiramdam. Paano'y masaya ang naging tulog niya kaya ganoon na lamang kung makapag-inarte.“Good morning, Bekwintas!” bati nito nang kuhanin ang magical kuwintas na pahiram ni Beki-godmother. Humagikhik pa ang bakla na tila kinikilg bago hinalikan at niyakap ang gintong alahas na nakapgbigay sa kanya ng pag-asang maangkin si Fafa Hans. Saka pa lamang siya bumangon sa kutson at humarap sa salaming ng kanyang pink na tukador. Excited siyang muling makita si Fafa Hans niya pero kailangan niya munang magsepilyo para naman hindi maamoy ng lalaking kanyang pinapantasya ang hininga niyang may amoy ng kahapon. Isinilid muna niya sa bulsa ang kuwintas at bumaba. Pagkababang-pagkababa pa lamang niya ay bumungad na sa kan

    Huling Na-update : 2023-04-22
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 10

    ISANG pak na pak na umaga ang sumalubong kay Wella na rumarampa pa papunta sa basketball court. Siyempre, hindi rin papakabog ang bestie niyang si Ava na akala mo'y babaeng marangal sa kanyang suot na tube at panty shorts with matching headband pa kahit halos wala namang buhok para magsuot noon. Keri naman, nagmamaganda lang naman ang mga accla kaya kiber na lang kung ano’ng sasabihin ng mga viewers sa rampa nila. Plangak na plangak naman sa makeup si Wella na naka-sphagetti strap na labas ang pusod at halos makita na ang singit sa suot niyang shorts. Palibhasa'y may merlat na ang baklita, confident itong kumendeng habang naglalakad papasok sa maingay na court. Hindi pa naman nagsisimula ang laro ng kanyang Fafa Hans kaya sigurado siyang nasa bench ito. “’Teh, sure ka bang hindi pa tayo late sa laro?” tanong ni Ava. “Yes, ’teh! Sure na sure akez! Alam ko kaya ang schedule ng paliga ni SK.” Kompiyansa ang bakla sa sinabi. Paano’y ka-close niya ang SK Chairman ng Barangay Maligaya

    Huling Na-update : 2023-11-09
  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 1

    "BAKLA! Ang pogi ni Fafa Hans!" kinikilig na wika ni Ava sa kaibigan niyang si Joel o mas kilalang si Wella. Bakit nga naman hindi? E, naroroon ang super ultimate crush ni Wella na si Hans — ang ultimate hunk tambay ng Baranggay Maligaya."Huwag ka ngang ilusyonada, Bakla! Akin lang siya!" May pilantik ang kamay na hinampas ni Wella ang kaibigan sa balikat. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ay muntik nang matumba si Ava. Paano ba naman kasi, sobrang payat ng kaniyang kaibigan na kahit pitikin lang yata niya ay tipong mawawalan na ito ng balanse. "Ang sakit n'on, ha? Kung ako ilusyonada, ikaw naman, ambisyosa!" may pagtawang tudyo ng kaibigan. "Feeling mo naman may kepyas ka para patulan ni Hans," dugtong pa niya."Alam mo, hindi lang pala baba 'yang matulis sa iyo? Pati rin pala 'yang dila mo matabil din? Ba't di mo subukang ipahasa nang sabay 'yan, ha?" bawi ni Wella sabay irap. "Aray! Mas masakit 'yon, ha? Ikaw naman, hindi ka na mabiro!" ani Ava subalit hindi na sumagot pa si Wella

    Huling Na-update : 2023-03-02

Pinakabagong kabanata

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 10

    ISANG pak na pak na umaga ang sumalubong kay Wella na rumarampa pa papunta sa basketball court. Siyempre, hindi rin papakabog ang bestie niyang si Ava na akala mo'y babaeng marangal sa kanyang suot na tube at panty shorts with matching headband pa kahit halos wala namang buhok para magsuot noon. Keri naman, nagmamaganda lang naman ang mga accla kaya kiber na lang kung ano’ng sasabihin ng mga viewers sa rampa nila. Plangak na plangak naman sa makeup si Wella na naka-sphagetti strap na labas ang pusod at halos makita na ang singit sa suot niyang shorts. Palibhasa'y may merlat na ang baklita, confident itong kumendeng habang naglalakad papasok sa maingay na court. Hindi pa naman nagsisimula ang laro ng kanyang Fafa Hans kaya sigurado siyang nasa bench ito. “’Teh, sure ka bang hindi pa tayo late sa laro?” tanong ni Ava. “Yes, ’teh! Sure na sure akez! Alam ko kaya ang schedule ng paliga ni SK.” Kompiyansa ang bakla sa sinabi. Paano’y ka-close niya ang SK Chairman ng Barangay Maligaya

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 9

    ISANG pak na pak at plangak na plangak na umaga ang sumalubong sa baklitang si Wella. Feeling si Sleeping Beauty pa ang bakla na iminulat ang mata nang marinig nito ang tilaok ng manok sa kanilang bakuran. Nang makabangon ay uminat pa at pakiwari'y fresh na fresh ang kanyang pakiramdam. Paano'y masaya ang naging tulog niya kaya ganoon na lamang kung makapag-inarte.“Good morning, Bekwintas!” bati nito nang kuhanin ang magical kuwintas na pahiram ni Beki-godmother. Humagikhik pa ang bakla na tila kinikilg bago hinalikan at niyakap ang gintong alahas na nakapgbigay sa kanya ng pag-asang maangkin si Fafa Hans. Saka pa lamang siya bumangon sa kutson at humarap sa salaming ng kanyang pink na tukador. Excited siyang muling makita si Fafa Hans niya pero kailangan niya munang magsepilyo para naman hindi maamoy ng lalaking kanyang pinapantasya ang hininga niyang may amoy ng kahapon. Isinilid muna niya sa bulsa ang kuwintas at bumaba. Pagkababang-pagkababa pa lamang niya ay bumungad na sa kan

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 8

    WALANG kamalay-malay si Wella na nakangiti siya habang naglalakad pauwi. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ng baklita ang mga nangyari simula pa kanina. Para kasing nananaginip siya nang gising habang kausap niya ang lalaking matagal na niyang gusto. Iba talaga kasi ang effect ng ka-macho-han at kaguwapuhan ni Hans sa kanya! Kulang ang sampung panty na malalaglag sa kanya kapag kaharap na niya ito. “Accla, amakana. Kanina ka pa pangiti-ngiti riyan,” sita ni Ava nang mapansin siya. Kanina pa sila naglalakad pauwi pero hindi pa rin talaga magawamg alisin ni Wella ang ngiti sa mga labi niya.“Kasi naman. . . ang yummy kasi ni Fafa Hans. Knows mo 'yon? Pinapa-ezmayl niya ang aking heartsung!” Kinikilig pa si Wella habang nagbibitiw ng mga salita. That was the first time Wella felt that kind of happiness in her heart. “Oh, huwag masyadong umasa. Hindi mo pa masyadong kilala si Hans,” paalala ni Ava sa kanya.“Ay, teh! Wititit mo need mag-worry so much sa akez. Keri ko ’to. Crush lang na

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 7

    “AKO nga pala si Hans. And you are?”Sh*t na malagkit! Malagkit pa semilyang mainit-init! Ano ngayon ang gagawin ni Wella? Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pagkakataon, ngayon pa talaga nagtagpo ang landas nila ni Hans?Napalingon naman si Wella sa pader at napansin niya ang isang pader na may nakasulat na pangalan. ‘Cindy’ is the name written on the wall. “Ah... eh... Cindy! My name is Cindy,” pakilala niya rito. Wala nang choice si baklita. Kung hindi siya mag-iisip ng ibang pangalan, baka kung anong isipin ng binata. “Cindy. Nice name. It’s nice to meet you.” Inilahad naman ni Hans ang kamay nito sa kanya. Napakagat ng labi si Wella na nagpakilalang si Cindy dahil kitang-kita niya kung gaano kalapad ang kamay ng binata. May nagsabi sa kanya na kapag daw malapad ang kamay ng lalaki, malaki din daw ang k*****a nito. Ibig sabihin lang niyon ay bukod na pinagpala si Hans sa lalaking lahat. Daks kung daks kumbaga. Aarte pa ba siya? Eh, kung nasa harapan na niya ang grasya, isusubo n

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 6

    “MGA kapitbahay, babae na ’ko!” Nagtitiling lumabas si Wella ng kuwarto at pumunta sa harap ng kanilang bahay dahil sa tuwa. Tulad ng ibang bakla, gusto niya ring maranasang magkaroon ng pukelyas. Pero hindi niya akalaing isang kuwintas lang pala ang makatutupad ng kanyang pangarap na maging isang tunay na babae. “Babae na ako! Babae na ako!” wika niya sa bawat taong makakasalubong niya. Nagtataka lang ang mga nakakasalubong niya dahil sa inaakto niya. Wala yatang ideya ang bakla na ang layo ng hitsura niya sa Wella na kilala ng buong Barangay Maligaya.Habang hibang na hibang sa anyo niya si Wella ay nakita naman niya ang kaibigang si Ava. “Acclaaa!” salubong niya sa kaibigang kasalukuyang tumutuhog ng fish ball sa kanto kasama na naman ang isang lalaki. Noong una ay hindi siya pinansin nito pero nagulat na lang si Ava nang bigla niya itong yakapin nang mahigpit. Marahas na itinulak ni Ava si Wella.“Teh, hindi tayo talo! Shotoko rin ang bet ko kaya lumayo ka sa akin. Baka majombag

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 5

    NANLALAMBOT na umuwi ang baklang si Wella matapos ang maghapong paghahanap ng trabaho. Dinaig pa niya ang pokp*k na g*nahasa ng sampung lalaki dahil halata na sa mukha nito ang pagod. Napansin naman siya ni Ava na nakatambay sa tindahan. Lumapit ito sa kanya habang pinapakpak ang kornik na dala. “Accla, anez nangyari sa 'yo? Dinaig mo pa ang nag-booking! Akala ko ba maghahanap ka ng worklalu? E, bakit parang hindi ka pa nagkakatrabaho ay hagardo versoza ka na?!” usisa ni Ava. “Witchikels na ng powers ko ang maghanap ng work, Accla. Hindi ko keri! Puro merlat ang hanap nila?” reklamo ni Wella. “Ayan kasi, magpalagay ka muna kasi ng pukelyas bago ka maghanap ng worklalu. Tingnan ko lang kung hindi habulin ng mga iyan at ng mga shotoko!” suhestiyon ni Ava. Maganda naman ang ideya nito. Kaya lang, may nakaligtaan siyang isipin.“Alam mo, ang pangit mo na nga, wala hindi ka pa marunong mag-isip. Paano ako magpapakabit ng pukelyas kung wala akong anda!? S'yempre kailangan kong mag-workla

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 4

    “HAAAY... ang hirap humanap ng trabaho for today’s video. Magpakap*kpok na lang kaya ako,” usal ni Wella sa kanyang sarili habang naglalakad papuntang sakayan nh jeep. “Ay, no! Sayang ang ganda kez! Hindi bagay sa akin ang maging p*karat na lang. Wiz ko bet maging p*kpok!” kontra din niya sa sarili. Ang tila nakikipagtalong baklita ay bigong makahanap ng trabaho sa araw na iyon. Inikot na niya ang buong ka-Maynilaan pero kahit isang kompanya ay hindi man lang siya in-entertain — kung hindi naman daw kasi walang bakante ay mga babae ang hanap. Sa maghapong paghahanap ng trabaho ay nakaramdam na siya ng pagod.Minabuti niyang umuwi na lang at ipagpabukas ang paghahanap ng trabaho. Isa pa, hindi na rin sapat ang perang dala niya para magpunta pa sa kung saan-saan. Pamasahe na lang pauwi ang kasya sa bente pesos na laman ng kanyang pitaka. Kailangan na naman niyang manghiram sa kung sino-sino para lang may maipanggastos siya. Madiskarte naman sa buhay si Wella. Iyon nga lang, sadya nga y

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 3

    HABANG naglalakad si Wella palabas ng kanto ay hindi maiiwasang may mga kalalakihang manukso sa kanya. Kumekendeng-kendeng siyang naglalakad sa eskinita ng kanilang barangay na ani mo'y beauty queen na wala namang beauty. Sipol doon, sipol dito, sabay sabing, "Sexy! Wampibti!" Iyan ang mga naririnig niya sa kanyang pagrampa. Pero kiber ang bakla, diretso pa rin ang hada kahit hindi naman kagandahang tingnan sa full-pack make up niya. "Ay! Ganda yarn? Sa'n ka na naman haharot, 'te? May booking ka?" salubong na tanong ni Ava nang matanaw siya nito sa kalsada. "Maghahanap ng trabaho. Wala na kasi akong pambili ng panty liner ko," seryosong wika ni Wella. Hagalpak naman ng tawa ang kaibigan sa sinabing dahilan niya. "Bakla, anong gagawin mo sa panty liner? Itatapal sa santol mong kumakalembang? Wala kang merlat kaya huwag kang mangarap na may tatapalan kang butas." Tumalim ang tingin ni Wella sa kaibigan, "Hoy! Baklang pinaglihi sa posporong sunog! Para sabihin ko iyo, may merlat ak

  • Beki-Tales Series: Cindy Wella   Kabaklaan 2

    "OKAY ka lang?" Tila tumigil ang mundo ni Wella nang marinig ang matipunong boses ni Hans. Noon niya lamang ito nakita nang malapitan kaya ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Pati ang imaginary merlat ng bakla ay hindi rin nakapagpigil at balak sana nitong dakmain ang santol na dumudungaw sa jersey shorts nito. Pero hindi, kailangan niyang magpabebe dahil baka isipin ng binata na easy-to-get siya. Enebe? Weg me ekeng tetegen."E-ekey leng eke," may harot na wika nito sabay hawi sa kapirasong patilya niya papunta sa kaniyang tainga."What?" naguguluhang tanong ni Hans. Tila hindi nito naunawaan ang winika ng Wella.Para namang nagising ang bakla sa napakalalim na panaginip at nang matauhan. Tumikhim siya at inayos ang sarili. "O-oo, okay lang.""Hans! Bola!" untag ng lalaking ka-team ni Hans. Agad namang lumingon ang binata at ipinasa ang bola sa kakampi. Subalit saglit pa nitong sinulyapan si Wella bago muling bumalik sa laro. Sa pagkakataong iyon, parang kiti-ki

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status