“Makinig ka sa amin Etheus. Kami ang mga mababait na kaibigan ng dad mo.” Bulong ni Tor sa bata. “Gwapo ka kaya huwag mong sayangin ang ka-gwapuhan mo.”Nasa kabilang sofa si Ethan katabi niya si Thunder. Habang ang dalawa ay nasa harapan nila kasama si Ethues.“Kapag big ka na mag girlfriend ka na at syempre huwag mo hayaan na i-ghost ng babae! Dapat ikaw ang gagawa nu’n. Gets mo ba?!”Etheus nod his head kahit hindi naman niya maintindihan ang sinabi ng kanyang tito.“Huwag gagaya kay dad mo na hindi marunong manligaw, okay?” Tor.Kung ano pa ang tinuro ng mga ito sa bata.Etheus came near to his father, “I want to pee po.” Sabi nito sa mahinang boses.“Do you want me to go with you?” Tanong ni Ethan sa kanyang anak.“Hindi na po.”“I’ll ask Nate's secretary to assist you.” Sagot ni Ethan bago nilisan ang office kasama ang kanyang anak.“Hoy! Aalis na ako, hindi ko na mahihintay si Nate.” Dinig na sabi ni Thunder bago isara nito ang pinto.“Akala ko ba mag-iinuman tayo?” Moonraker.
“Tangina! Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?” Singhal ko kay Hermoine nang makita ko siya sa pinag ta-trabuhan ko, “wala ka bang pinagkaka-abalahan sa buhay mo, huh! Tangina!”Paano niya nalalaman kung nasaan ako?“Bigyan mo akong pera,” deretsang sabi niya sa akin na nagpa-init ng ulo ko.Kinuyom ko ang kamao ko at tumingin sa paligid.“Kapag may nakakita sa ating dalawa dito malilintikan ka sa akin!” Gigil na bulong ko sa kanya.“Bigyan mo na akong pera para wala ng makakita sa atin.”Tumingin ako sa mga mata niya, “nag adik ka na naman ba, huh! Namumula ang mga mata mo. Hermoine wala akong mabibigay na pera sa’yo habang buhay!”Gigil na gigil na ako sa lalaking ito.“Humingi ka kay Oscar!”Pinanlakihan ko siya ng mata dahil napalakas ang pagkakasabi niya.“Tangina ka! Pinapahamak mo lang ako sa ginagawa mo! Hindi niya ako binibigyan ng pera! Tangina akala mo sa akin tumatae ng pera? Huh!”“Tangina naman! Kailangan ko ng pera! Hindi ko pa nababayaran iyung inutang ko. Kapag hindi
“Ano na naman ang ginawa mo, huh!” Napapikit ako at kumapit ng mahigpit sa kamay ni Ethan.“Pinapahiya mo talaga akong babae ka! Bakit hindi mo gayahin ang ate mo? Puro kahihiyan ang dala mo sa pamilya!”Sinasalubong ko ang galit ng aking ama dahil sa nalaman niya sa performance ko sa trabaho. Nalaman din niya na nag resign na ako.“Wala ka pa isang linggo na nagta-trabaho nag resign ka na! Ano na lang sasabihin ng kaibigan ko sa akin!”Napabuntong hininga na lang ako sa isip.“Watch your words,” madiin na sabi ni Ethan.Nagtago ako sa likod niya habang kalmado siyang kaharap ang tatay ko na galit na galit. Eh, gusto ko lang maging freelancer at maging tambay. Nakakatamad magtrabaho, ayaw ko gumising ng sobrang aga. I’m not morning person and I hate waking up early in the morning.Perfect na sana ang buhay ko kung hindi lang dictator ang pamilya na meron. And why he is comparing me to my sister? We’re different species.“I don’t want my wife to work. It was my decision,” sabi ni Etha
“Dashie, bakit mo ako iniwan noon?” Lakas na loob na tanong ko sa kanya. Ilang araw na kaming magka-usap at inaya ko siya na makipagkita at pumayag naman siya. Masaya kaming nag-uusap sa naging buhay namin hanggang sa na-open ang tungkol sa aming dalawa.Hindi siya nakasagot.Sobrang mahal na mahal ko siya noon at bigla na lang niya akong iniwan nang walang valid na dahilan. Hindi ko alam kung siya ang first love ko, madami kasi akong first love. Pero alam ko sa sarili ko na minahal ko siya ng totoo.Muntikan na akong ma-depress nang iwan niya ako.Hindi naman siya multo para i-ghost niya ako.Ngumiti ako sa kanya.“Kung sinabi mo sa akin maiintindihan ko. Pero grabe ka naman. Iniwan mo lang ako ng walang valid na reason at binlock mo pa ako,” nakangiting sabi ko sa kanya. Pinagmamasdan ko siya at tinitimbang kung may pagmamahal pa rin ako sa kanya. Sa kanya ko nakikita ang future ko. Ang dami din namin pangarap na hindi natupad, at mukha matutupad namin iyon sa ibang tao.“Alam mo ma
Nadatnan ko si Ethan na nasa opisina niya dito sa bahay. Sabi nang kasambahay namin na pinagtanungan ko ay kanina pa sya nakauwi at nagkulong kaagad siya sa office niya.I roamed around his office at napaikot na lang ako ng mata. Sumasakit ang ulo ko kapag nasa office niya ako dahil puro about sa human body ang nakikita ko.Nakita ko siya na natungkod ang siko niya sa lamesa at nakayuko siya habang nakasuportado ang ulo niya sa kanyang kamao. Tulog ba siya?“Ethan?” Tawag ko sa kanya.“Doc?” Naglakad ako ng marahan palapit sa kanya.“Doc?” Nakalapit na ako sa kanya at napapikit ang kanyang mata.Bahagya ko siyang niyugyog at nagising siya.“Wife?” Nabigla na tanong niya sa akin.“Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko dahil mukha siyang pagod na may problema.Hindi niya ako sinagot instead ay umurong siya at hinila niya ako paupo sa hita niya. Sinubsob naman niya ang kanyang ulo sa aking leeg at niyakap niya ako ng mahigpit.“Okay ka lang ba, huh? Anong nangyari?” Tanong ko sa kanya
“How dare you to step in my house?!” Ngumisi si Hermoine, “alam mo bigyan mo lang ako ng pera lalayuan ko na si Mia.”Hermoine anong pinagsasabi mo! Gusto kitang sabunutan sa mga oras na ito.“So, you’re giving him money?!” Napatalon ako sa tanong ni Ethan, nabigla kasi ako sa pagsasalita niya.“Oo sa akin niya binibigay ang pera. Kasi asawa niya ako at ginagamit ka lang niya. Pineperahan ka lang niya. Mahal mo si Mia diba? Hindi ko kayo guguluhin at ibibigay ko sa’yo ang babaeng iyan kapalit ng pera,” sabi ni Hermoine na parang nakikipag negotiate.“I don’t fucking believe you! She’s legally married to me!” Laban ni Ethan. Alam ko na pikon na pikon na siya kay Hermoine.“Hermoine manahimik ka na! Pinapahamak mo lang ako sa ginagawa mo! Kahit kailan hindi ka nag-iisip! Ako na nga iyung tumutulong sa’yo ako pa iyung pinapahamak mo!” Frustrated na sabi ko sa kanya.“Ethan huwag kang maniwala sa kanya dahil pineperahan ka lang niya,” pagsusumamo ko kay Ethan.“Ayaw mong maniwala na kas
Kailan ko pa ba ginamit ang utak ko? Bakit palagi na lang akong mali? Wala na daw akong ginawang tama. Nakatulala lang ako dito sa sofa, dito na ako natulog dahil hinihintay ko si Ethan na umuwi, pero umaga na at wala pa siya. Saan ba siya nagpalipas ng gabi? Hindi naman siya ganito dati.Siguro ganito ang nararamdaman niya kapag hindi ako umuuwi ng bahay dati. Iyung naghihintay siya sa wala. Kinakarma na yata ako.Hindi ko naman sinasadya na saktan siya. Hindi ko naman kasalanan na hindi ko mabitawan si Yunnie noon. Hindi ako nag cheat kasi bago kami maikasal ni Ethan ay may girlfriend na ako. Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat? Sa sampung ginawa ko nagkamali lang ako ng isang beses, mga pagkakamali ko na ang nakikita nila.Malalim ako na napabuntong hininga. Hahanapin ko na lang si Ethan.“N-Nathan?” Nabigla ko na tawag sa pangalan niya. Ano ang ginagawa niya dito.He roamed his eyes in the living room.“What did you do to my twin brother?” Nakaigiting panga na tanong niya
“Sino po sila?” Tanong ko sa matandang babae na nasa labas ng gate.“Ikaw ba ang asawa ni Ethan?” Nakangiting tanong niya sa akin.Sino na naman ba ito? Ilang babae pa ba kaya ang pagbubuksan ko ng gate para itanong nila si Ethan. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Hindi ko siya kilala.“Naku! Ang ganda mo anak! Ako ang nanay ni Ethan. Magaling talagang pumili ang anak ko ng babae,” masayang sabi niya while she is cupping my face.“Nandiyan ba ang anak?” Tanong niya sa akin sabay tingin sa likod.“Wala po siya d-dito,” magalang na sabi ko sa kanya. Hindi na umuuwi ng bahay si Ethan na sobra kong kinakalungkot.“Ay ganoon ba? Baka busy iyon sa hospital,” sagot niya sa akin.Pinapasok ko siya sa loob ng bahay.“Ano po ang gusto mong miryenda?” Tanong ko sa kanya at nagtawag ng kasambahay para bigyan siya ng miryenda.“Naku, hindi na. Ang laki pala ng bahay niyo,” komento niya habang nililibot ng tingin ang bahay namin. Akala ko ba walang magulang si Ethan? At sino ang babaeng itong