Share

Chapter 3

Dreadful

"Tarantado yun' ah!" sinubukang kumawala ni Kuya Levi pero pinigilan agad siya ni Kuya Leon.

My heart sank as what had happened affected the whole mood of my brothers and even my cousins.

Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. It looks like my brothers and my cousins are very pissed on what had happened.

"Ipagpaumanhin niyo na lang sa inasal ng captain namin. Don't worry, we will talk to him. Usapan isa usapan. Kasali na kayo sa team namin." saad ng isa sa member ng team nasa pagkakaalam ko siya yung Ruiz ang apelyido. Bumaling ako sa aking mga pinsan at nakita ko ang pagkairita sa mga ekspresyon nila.

They don't join if the captain of the team doesn't agree with his teammates.

"Wala na akong pakialam. It's up to him and his decision. We are not going to join if he doesn't agree with us." saad ni Kuya Levi at nauna ng maglakad paalis. Sumunod na rin sila Ross kaya kami ay napasunod na rin.

"Ayoko na sa kanya! Kahit gwapo siya ang pangit pala ang ugali niya." saad ni Raya.

Wala rin akong masabi dahil hindi ko rin alam ang aking sasabihin.

Even though he saved me from the ball earlier.

Hindi ko rin alam kung bakit biglang naging ganun ang kanyang ugali sa aking mga pinsan. Ipiniling ko na lamang ang aking uli upang itigil ang aking pag-iisip.

I never thought that someone would offend us like that. This was the first time we were treated like this.

"Bakit ganoon niya tayo tratuhin? I understand, that maybe he hates us but hindi iyon ang dahilan para maliitin niya ang kakayahan nila Levi," ani ni ate Estelle.

"Well, whatever it is. Hayaan na natin. Let's just behave and focus on our studies. Hindi maganda sa image natin ang mga ganitong bagay kung papatulan natin. I think that guys looks famous." As I have observe, maraming tao sa campus ang humahanga sa kanya. Kaya hindi maganda para sa amin upang magkaroon ng kaaway.

"Lex is right. Let's go." tumango kami lahat habang hinihintay magbihis ang mga boys.

"Huwag niyong hayaan magdrive sila Kuya Levi, at Adam! Kumukulo mga dugo niyan. Mamatay tayo!" saad ni ate Estelle ng sumakay kami sa sasakyan ni Thor. Napatawa kaming lahat sa sinabi ni ate Estelle. Kahit anong nangyari ngayong araw na ito nagtatawanan pa rin kami.

"Estelle Ansherina Serviano! Kapatid ba talaga kita?" wika ni Adam na umupo sa passenger seat. I see that kuya Zaxton will be driving.

We all went to the nearest mall to buy some stuffs. Nagshopping kami ng aming dadamitin maging ang aming susuotin para sa birthday ni Lola bukas. Kuya Zaxton paid for it all using his black card. Regalo sa kanya ng matapos siyang grumaduate ng collage. My family is rich but we only shop once a week. Hindi na rin kami nagtagal sa loob dahil marami pa kaming kailangan ihanda sa mansion para bukas.

"Happy Birthday, Grandma!" bati ko kay Lola Brenda, dad's mom. She smiled at me and hugged me.

May party ngayon sa mansyon. Dapat ay maliit lamang na party lang pero my aunt invited people, nagmukha tuloy malaki. My grandmother was surprised to see us all together again. Kadarating lang din ng mga magulang ng aking mga pinsan ngayong araw na ito. Mabilisan din ang naging set up at paghahanda. Mga ka-negosyo at kaibigan lang dapat pero pati mga politiko ay nandito.

Nagsuot ano ng asul na casual dress para ngayong gabi.

"Thank you, Lexie. I hope you're doing fine." saad ni Lola Brenda. She smiled at me and hugged me tightly.

Napatingin ako nang dumating na ang pinsan ko at isa-isa nilang binati si lola. Isinabit ni Raya ang braso niya sa akin. We are all wearing casual attire. Napalingon ako sa aking mga pinsan na lalaki at napanganga dahil sa kanilang mga kasuotan ng kapansin-pansin. They are all wearing a black tuxedo with different color of neckties.

Kulay puti ang suot ni Raya ngayon. Plano naming yayain si lola sa hapag ngunit marami pang bisita ang naghihintay sa kanya.

"Sige na at kumain na kayo sa loob. Ayos lang ako at batiin niyo si lolo niyo kapag nakita niyo siya. Itong mga batang ito talaga walang pinagbago." wika ni grandma na nagpapatawa sa aming lahat. Binigyan siya ng huling yakap.

I admire my grandma and grandfather's love story. Kahit hindi si lolo ay mahal niya pa rin ito. We grew up with her principles. Kahit na masama ang nangyari sa aking pamilya ay paniniwala ko pa rin ang kanyang mga sinasabi sa amin. I remember she told me before.

Love is not only a commitment. It also requires sacrifice.

Kasama niya ang mga ilang politiko sa isang lamesa na nasa malapit sa outdoor pool. Sa loob ng mansyon ang buffet table maging ang mga inumin kaya muli kaming pumasok sa loob. A different aura of politicians makes the environment heavy.

"Puro mga politiko. Nakakatakot makipag-usap," puna ni Daphne habang naglalakad kami papasok ng mansion.

"Nandito daw mga kaibigan ni Kuya Zaxton." saad naman ni Shivani.

"Weh hindi nga? Saan banda?" asar naman nasabi Hannarah. Binatokan siya ni Ate Estelle na ikinatawa namin.

Nakakalula ng makipag salamuha sa mga tao hindi dahil marami kami kundi sa aura na nakapalibot sa lugar. I wonder why I grew up in this kind of family. Alam na alam na sila ay galing sa mataas na estado. Maging ang kanilang mga titig ay para bang magaling kumilatis. Maybe because of the issue about my parents divorce.

"Let's get some food everyone." masayang sabi ni ate Estelle pero hinila siya ni Carson. Nanlaki ang aking mata at agad kung nasapak si Carson. ate Estelle was wearing a tube black dress.

"Sorry not sorry! Huwag mo kasing hilain si ate Estelle. Nakadress siya." pagpupuna ko sa kanya. He walk out after that. Nagtaka ako sa kanyang kinikilos.

"Amanda." natigilan ako ng tinawag ako ni Kuya Leon sa aking likuran. He was wearing a black tuxedo with a black ribbon. His hair was perfectly fixed. Kumunot ang aking noo ng seryoso siyang tumitig sa akin.

"Dad, wants to talk to you." seryosong saad niya sa akin. Nag-iba agad ang timpla ng aking mukha. Humigit din ang hawak ko sa dulo ng aking damit.

It's been a month since I last received an invitation to meet him but I wasn't ready at that time.

Galit pa rin ako sa kanya dahil sa kanyang ginawa. My mom doesn't even want to talk to me about it. Yun yung rason kung bakit napalayo ang aking loob sa aking pamilya maliban lamang sa aking mga pinsan. I was desperate for answers about my questions but no one answered it. Hindi ko alam na invited pala si dad sa birthday ni lola. What in the world is he doing here?

I sighed and nodded at him.

"Kumain na kayo. Huwag niyo na akong hintayin." wika ko at naglalakad patungo sa table kung saan nakaupo ang aking ama. He is with some people na ngayon ko lang nakita.

"Hi dad, why did you call me?" nilibot ko ang aking tingin sa mga ka-table ni dad na para bang gusto kong umalis. They are looking at me from head to toe.

What the hell is going on?

"Maganda siya Landon. Mana kay Ailee. Bakit mo pa pinakawalan?" sabi ng isang matanda. I don't want to be rude to infront of my dad so I keep myself calm.

"Ang unika ihija ng pamilya ko. Bantay sarado nga lang sa dalawa niyang kapatid," pagpapakilala sa akin ng aking ama. Naguguluhan akong tumingin sa aking ama.

"Bagay siya sa anak ko." Nanlaki ang aking mata at takang napatingin sa matandang lalaki na kaibigan ata ng aking ama.

What is going on?\

"If my son and your daughter would be together, we can make a large dynasty in Cagayan De Oro and Cebu." saad ng matandang lalaki. Mag lalong humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking suot na dress. What the hell is this? I didn't came here for this stupid conversation.

"Mawalang galang na po. But can I talk to my dad? Privately." I tried to ask politely but bitterness can be found through my voice.

"Oh! Sure no problem hija. Sasabihin ko talaga ito sa aking anak." humalakhak pa ito na para bang tuwang-tuwa.

Hindi ko na pinansin ang matandang iyon at pumunta na ako sa gilid. I'll just wait for him to get out of here. Kanina ko pa pinipigilan ang aking sarili. Why did he suddenly showed up?

"Amanda, anak..." I looked at him. Alam kong hindi siya tinatanggap ng mga investors sa company ng Serviano Clan na sinimulan niyang muli matapos ang divorce. Hindi niya pwedeng kontrolin ang mga iyon dahil sila ang makakatulong sa kanya upang muling bumangon ulit.

"Papayag ka ba don, dad? Making me a deal to have your company back? After two months of not answering my calls or even explaining?" mahinhin kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ko tinanong ang mga iyon pero ilan lang yun sa mga tanong na gusto kong itanong sa kanya.

Naninikip ang dibdib ko. Now, that I'm facing my dad. Marami akong gustong sabihin sa kanya at itanong. I want answers about his actions. Ayoko ng ganito. He is still my dad. Gusto kong humingi siya ng tawad. He's supposed to protect me.

"You're still single right? Why don't you give it a try. I met his son and he seems to be a good man. You're still my daughter and I want the best for you. This thing is good for us. But I won't force you, Lex."

"That's not what I want you to say dad," I said in a small voice. Nagtitimpi ako hindi ko gusto magkaroon ng scene.

"I'm not forcing you to agree with it."

Umayos ako ng tayo at tumingin sa paligid. I saw my cousins looking at me with so much worry. My brothers stares are priceless. I looked back at my dad's eyes hoping he would read what's on my mind.

"Not forcing? I don't know about that, dad. I guess you really don't care at all. Excuse me." wika ko bago tumalikod.

Umalis ako doon dahil baka iba pa ang aking masabi. I might burst any minute. Hindi ko sila sinasagot or nagrerebelde. I don't have courage unlike kuya Levi. Kaya bago pa ako makapagsalita ng iba aalis na lang ako. Alam ko na gustohin ko man na tanong kay dad ang mga nangyari nung wala ako, ay alam kung hindi niya masasagot iyun. Marami nangangailangan ng atensyon niya doon kaya alam kung hindi niya ako masusundan.

Nagmamadali ako sa paglabas sa mansyon papunta sa likod ng parte ng mansyon. There is a garden near the pool which leads to a mini maze. Base sa pagkakaalam ko, si Tito Calvin ang nagpagawa nito dahil malaki daw ang naging parte nito sa love story nila. Even with my mom and dad. I don't know about Tito Anton, Tita Hailey, and Tito Tyrone's stories about the maze.

Mabilis akong pumasok ng maze habang tumatakbo gamit ang aking heels. This heels are damn killing my toes. Medyo natapilok ako dahil sa mga damo na aking naapakan.

Kainis! Ang sakit!

Mabilis kong inalis ang aking heels at tumakbo. I ran and followed the maze as there was no exit. Halos naligaw ako. I think I underestimated my uncle's work. Naligaw ako. But at least no one will ever find me. Gusto ko lamang mapag-isa.

Nakarinig ako nang lagaslas ng tubig kaya sinundan ko iyun. My eyes widened as I saw a waterfall at the end of the maze. Nakapalibot ang limang bench doon at kita ang reflection ng buwan at mga bituin sa tubig na nasa ibaba.

Bahagya akong lumapit doon at napangiti. This is beautiful. Ngayon ko lang na diskubre na may talon pala malapit sa mansion na ito. I can't imagine my mom and dad in here. Mapait akong ngumiti. I wish I could turn back time.

"I didn't know you wanted to be a runaway Juliet."

Natigilan ako at napako sa aking kinatatayuan. I will never forget his voice. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyun. My heart began to beat again. Ang lalaking nagpapalito sa akin.

"The difference is...hindi si Romeo ang nakahanap sayo." saad niya. Napalunok ako.

Nanatili ang aking tingin sa talon. I don't know what to do. My whole being is in confusion. Naging blanko lahat ng aking iniisip ng marinig ang kanyang baritonong boses. Because of him, I lost myself.

"Hindi ka ba titingin sa akin?" napasinghap ako at doon lamang lumingon sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. There, I saw his world of distracting smile with his dimple ang kanyang mga mata na tila nakakatunaw. He's fitted with long sleeves that shows his broad shoulders and his manly build with black pants. Naglakad siya papalapit sa akin at lumuhod. I swallowed and stared at him. Mauubosan yata ako ng hininga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

He raised my leg and put on my heels. back on. With him putting my heels on my toes, and with me looking at him. We look like anime characters. He raised his gaze and glanced at me before smiling at me. I tried to hold in my admiration even though we are so close to each other.

"Is this okay?" tanong niya sa akin. Marahan akong tumango. He stood up looking intently at me.

Ito ang unang beses na napatitig ako sa kanya ng malapitan. I can't stop admiring his looks. Para nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"Why are you here alone?" he asked. I felt like my knees were shaking.

"Wala namamasyal lang," saad ko. I'm still confused as to why he is talking to me. I thought he hates us?

"Liar, I know about the deal and meet the son," masama ko siyang tinignan.

Is he a spy or something?

"Alam mo naman pala bakit mo pa tinatanong," hindi ko na naitago ang pagkairita ko pero imbis na magambala ay tinawanan niya pa ako.

Damn! Why does he look more handsome when he laughs?

"Easy, he is my dad. Kaya alam ko," Napatingin ako sa kanya. What the heck! Seriously?

"It's not me. It is my brother." saad niya. Para akong naupos na posporo ng marinig ang kanyang sinabi.

I thought a slight ray of hope that it was him suddenly turned into sadness. Worst thing is, Dad made a deal with someone I don't even know. Colton is a nice guy, based on the first time I met him but I don't know why I feel disappointed right now.

"Is it Colton?" tanong ko. Nakita kong nag-iba bigla ang kanyang expression. Nagdilim ang kanyang mukha pero mabilis yung nawala.

"Naalala mo pala pangalan niya." saad niya. Of course, I wouldn't even be that idiot. I never even met a guy named Colton in my whole life just this time.

"Bakit? Naalala ko naman yung sayo ah.."

I saw his expression change again. Marahan siyang ngumiti. I can't believe I'm this close to him. Hindi ako yung tipong mabilis maging kaclose especially when it comes to boys. It is the first time that I can't take my eyes off on someone. Alam kong masama ito para sa akin.

"Really? Then what is my name?" I stepped back as he began to step forward. He's so close. His scent is damn addicting.

I can't speak because he is so close to me. If this is a dream I hope I won't wake up.

"Tell me then....".

Napaawang ang aking labi. His baritone voice makes me want to hear more. Para bang may kakaiba sa boses niya na nakakaakit. It sends shivers down my spine.

"Damien." bulong na sabi ko. He smile widened. Pati ang kanyang mga mata. Naalala ko tuloy nang una ko siyang makita sa parking lot. He was smiling like this too.

Did he see me last time? Does he really hate us?

"That's nice to hear that you remembered my name." wika niya habang patuloy pa rin ang paghakbang tungo sa akin.

"Ano ang buong pangalan ko?" saad niya.

"Say it." seryosong sabi niya.

Screw It! Is he commanding me?

"Luke Damien Cuevas."

Patuloy pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko akalain na magugustuhan ko ang pagsasabi ng pangalan niya.

"Nice to meet you Lexie Amanda Serviano."

I can't help but smile. He knows my name. I will never forget this day. The night we called each other's names.

It's like a dreadful dream.

"Did you agree?," napatingin ako sa kanya habang patuloy kaming naglalakad pabalik sa mansyon.

"Anong sinabi ng dad ko?" tanong niya.

"Hindi ako pumayag.."

Even though he is my dad. I still wanted answers. He never even messages me or calls me if I'm okay after their divorce and now he's commanding me to get married.

"Bakit mo natanong?" matapang na sabi ko sa kanya. I saw him licked his lips.

"Nothing. Kailangan lang kita makilala dahil malaki ang chance na maging kayo ni Colton," saad niya. Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o hindi.

"We are not going to date. Hindi ako sumang-ayon." saad ko.

I don't know what will happen next after that disagreement.

"Well, you never know. Hindi mo kilala ang ama ko. My dad always gets what he wants." natigilan ako sa sinabi niya.

"So does my dad," I paused for a while.

"Do you also have a fiance?" it's over Lex.

Panindigan mo ang tanong na iyan.

I waited for his answer. I feel like I'm dying to know his answer. We already passed the last maze and already went out. I was just following him.

"I--"

"Lexie!" Naputol ang kanyang sasabihin ng may sumigaw ng aking pangalan.

Napalingon kami sa pwesto ni Kuya Zaxton na kasama si Kuya Leon.

They are both wearing their white long sleeves. Mabilis sila lumapit sa amin. Kuya Leon is still holding a glass of wine.

"Where have you been?" alalang tanong ni Kuya Leon.

"We've been looking everywhere for you." dugtong sabi ni Kuya Zaxton.

Napatingin sila ng masama kay Luke na para bang may masamang ginawa sa akin.

They are showering him with deadly stares. Nanatiling blanko naman ang mukha ni Luke na nanatiling tuwid ang kanyang tayo.

"Kuya, Chill. Naligaw lang ako sa maze. Luckly, he help me out." paliwanag ko sa kanilang dalawa.

Masyado siyang magaling mag-laro. Marunong siyang magtago ng totoo niyang nararamdaman.

He is too good na parang sanay na sanay na siyang itago ang nasa loob niya.

"Lex, I need you to come with me." seryosong sabi ni Kuya Leon at naunang naglakad. Tuning in ako sa kanya upang magpasalamat.

"Thank you for saving me from that ball yesterday and for getting me out of the maze today." napahawak ito sa batok niya at ngumisi.

"No worries. I'll go ahead. Ikaw na bahala sa kapatid ko. He needs a lot of help especially in the part of giving a backbone." I watched him pass by me before heading inside.

"I need to talk to him. Sundan mo muna kapatid mo kanina pa mainit ulo niyan." saad ni Kuya Zaxton bago naglalakad patungo sa loob.

Huminga ako ng malalim at sumunod. Nauna siya ng naglalakad patungo sa hardin. Tumigil siya sa tapat ng isang malaking puno bago humarap sa akin. Tumitig lang ako sa kanya bago siya nagsalit

"Look, Lex I want to say sorry for not telling you about dad." panimula niya.

"It's fine, " walang ganang sabi ko at tinuro ang kanyang hawak. "Your drinking again, Kuya."

He chuckled and patted my head. "Yes, I am. So, what will you do?

I rolled my eyes at him. "Akala ko pa naman importante. Una na ako."

Aalis na sana ako ng pigilan niya ako. Inis akong bumaling sa kanya. Nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng pag seryoso ang kanyang mukha.

What is it this time?

"It's about Luke...." He said.

Nanlaki ang aking mata. My heart started to pound rapidly. Just by hearing his name, it makes me quiver.

"Alam kung may gusto ka sa kanya." he said seriously.

Paano niya nalaman? Nandoon ba siya kahapon? Nakita niya ba kami?

Napaiwas ako ng tingin at napa kagat ng ibabang labi. Hindi ako mapakali sa sinabi sa akin ni kuya. Kapatid ko nga talaga siya, kilala niya ako kahit ilang taon na niya akong hindi nakakasama.

"I want you to stop liking him, Lex," seryosong sabi niya. Muli akong bumaling sa kanya.

"I know you're still confused, but I hope you will remember this," he said.

Kumunoot ang aking noo at tumitig sa kanya. Hindi ko pa rin maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

"He is already engaged to someone and soon you'll also be his sister in law if you agree on our father's proposal. Hindi ko gustong masaktan ka, Lex," nalaglag ang aking panga sa aking narinig. Gusto kong mag salita ngunit parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. Parang isang milyong punyal ang tumurok sa aking puso.

Napakagat ako ng labi at hindi alam kung anong magiging aking reaksyon.

I still can't process what's really happening.

I was right. A guy like him that has charms is impossible to be single!

"Stop those feelings, Lex. Because his heart is already taken by someone else."

At that moment, my heart was once again shattered...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status