Lumipas ang ilang araw, akala ko matatahimik na ang buhay ko pero mali ako. Naging usap-usapan ang nangyaring gulo sa bahay nila Charlotte. Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan, kung saan puro panghuhusga ang natatanggap ko.
Nagpasya akong mag-quit na sa pagtuturo sa summer class dahil hiyang-hiya ako kahit hindi naman talaga ako ang nag-umpisa ng gulo. Disappointed na rin sa akin ang ibang magulang ng mga batang nakakita ng nangyari noong nakaraang Sabado. Hindi ko na kayang tanggapin ang masasakit na salita nila at ayokong sirain na naman ako nito kaya mas pinili kong tumigil na lang, tutal patapos na rin naman ang summer class.
I don't really want to quit but I need to do it so I could save myself, so I could have peace of mind. Bumalik na lang ulit ako sa pagtulong sa flower shop. Full time.
"Ano 'to?" tanong ko kay kuya nang makaalis ang customer. May nilapag kasi siya sa counter na isang box. Naka-gift w
"Can I ask Kelly on a date?"Napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin lang kay Brix. Sinusubukan i-process ng utak ko kung tama ba ang mga salitang naririnig ko mula sa bibig niya.Maging si mommy ay ilang minuto ring natigilan, pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi niya. Tila nasisiyahan siya sa narinig niya.I turned to my brother, he was grinning from ear to ear as if he already has an idea of what's going to happen.So, gano'n ba ako kamanhid?Nasanay na kasi ako sa mga sweet gesture niya, kaya hindi ko na napansin na may iba na palang ibig sabihin 'yon.And now he's here, ipinapaalam kay mommy ang totoong intensyon niya sa akin habang nagtitipon-tipon kami dito sa sala."Hindi dapat ako ang tinatanong mo niyan hijo, si Kelly dapat," mom chuckled. Mahina niya pang pinisil ang kamay kong hawak-hawak niya.I heard Brix cleared h
"I'm sorry," Brix apologized over and over again. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa akin habang nagmamaneho.Naiilang akong tignan siya kaya nanatili lang akong nakatitig sa dashboard ng kotse niya. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.When he kissed me earlier, I almost kiss him back. I almost got swayed in the heat of his kisses. But then, l felt guilty because I was thinking of Gab in that moment so I have to pull away.Si Brix ang kasama ko pero ibang tao naman ang nasa isip ko. I should be the one apologizing not the other way around.Pakiramdam ko sinasayang ko lang ang effort at oras ni Brix sa akin. I want to give him a chance, pero paano ko ibibigay 'yon kung alam kong sa kaloob-looban ko, isang lalaki pa rin ang minamahal ko."We're here," sambit ni Brix.Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse niya. Nakaparada na pala kami sa labas ng bahay namin. Alas-ots
"Himala ata, nakipagkita ka. Anong nakain mo?" sarkastikong tanong ni Jules sa taong kausap niya. He was sitting on an empty seat beside the array of arcade games.Nostalgia hits him while looking at the retro-theme gaming lounge beside the mall of Sunny Ville. Naalala niya, tambayan nilang barkada ang lugar na 'to kapag gusto nilang mag-relax after ng exams. Dito sila walang sawa na naglalaro ng Street Fighter hanggang maubos ang pera nila.Muli siyang napatingin sa lalaking nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwala na makikita niya pa itong muli. Nagulat pa siya nang mag-chat ito sa kanya. They were still friends in social media, pero hindi na sila nag-uusap.After what happened between him and Kelly, parang kinalimutan na rin nito ang pagkakaibigan nila."I just need to ask something," diretsong saad ni Gab. There's a serious look on his face, na siya namang ipinagtaka ni Jules."Tu
Panay ang pagkabog ng dibdib ni Kelly habang nakaupo sa isang swing sa lumang playground sa tapat ng Sunken Garden. Dito nila napagkasunduan ni Gabriel na magkita.Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya sa bawat paglipas ng sandali.Tumakas lamang siya sa kanila. Walang sinumang nakakaalam na makikipagkita siya kay Gabriel ngayon. Siguradong lagot siya sa kuya niya kapag nalaman nito ang kagagahan niya.Pakiramdam niya ang selfish niya dahil hindi na niya naisip pa ang mararamdaman ng mga tao sa paligid niya. But she badly wants to see Gabriel, maybe for one last time. Para mapakawalan na rin niya ang nararamdaman niya para dito.Nakakailang buga na siya ng malalalim na buntong-hininga habang pinagmamasdan ang mga printed flowers sa laylayan ng sundress niya.12:30 na ng tanghali pero wala pa rin si G
GabrielPatakbo akong nagtungo sa office ko dahil nandoon daw si Stella at nagwawala. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya 'yon ginagawa.Nang makarating ako sa opisina, bumungad agad sa paningin ko ang mga kumpol ng tao na nakikiusyoso sa labas ng pintuan. Agad ko silang hinawi at pinagsabihan na bumalik na sa mga trabaho nila.Nang makapasok ako sa loob, sinara ko ang pinto sa office. Laking gulat ko nang madatnan kong parang binagyo sa loob.Nagkalat sa sahig ang mga basag-basag na piraso ng vase. Maging ang mga picture frame na nasa lamesa ko lang kanina, ngayon ay nasa sahig na rin at basag na ang frame."Anong nangyari dito?!" Naguguluhang tanong ko.Nakaupo lamang si Stella sa sahig habang nakatitig sa kawalan.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Halos maitulos ako sa kinatatayuan ko nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nababak
4 years ago.I was sitting inside the consultant's room with my mom and my brother, lost in my own little world.Nakikita ko ang bawat pagbuka ng bibig ng doctor sa harapan ko, pero kahit anong pakikinig ang gawin ko sa kanya, parang lumalabas lang ito sa tainga ko.Cancer and leukemia. That's the only two words that caught my attention and I felt like I'm having a terrible nightmare right in this moment.Ang daming mga tanong na pumapasok sa isip ko. Anong mangyayari sa akin? Can I still have a normal life? Mamatay na ba ako? 20 years old palang ako. Paano ang magiging takbo ng buhay ko pagkatapos nito?Hindi ko akalain na sa isang iglap, guguho ang mundo ko.I thought what I had was just a simple flu and fatigue, but I was wrong. I keep seeing the symptoms dahil nasaksihan ko ang ito kay daddy, pero binalewala ko. Baka kasi praning lang ako.
"Tita! Ano pong gusto niyong pag-usapan natin?" puno ng siglang bati ko sa mama ni Gabriel nang makapasok ako sa kotse niya.She asked me to meet her in the park. Ilang bloke ang layo mula sa subdivision namin. Nagtaka ako dahil ito ang unang beses na ginusto niya akong makita. We're not really in good terms, actually. I could feel that she doesn't like me for her son. Kapag bumibisita rin ako sa bahay nila, napaka-aloof niya sa akin.Kinabahan ako nang makita ang madilim na ekpresyon sa mukha niya mula sa rearview mirror. Lagi akong natatakot na tumingin sa mga mata niya, nakakaliit kasi ng pagkatao ang mga titig niya.May inabot siya sa akin, it was her phone. Nagtataka man, kinuha ko na lang ito. Nang buksan ko ito, napasinghap ako nang bumungad sa paningin ko ang ilang pictures namin ni Brix na kuha niya.Nasa lobby kaming dalawa ng ospital at nakayakap ako sa kanya.That was
"Kailan mo pa ko niloloko?!!"Halos mabingi ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Gabriel. Pinuno ng boses niya ang kabuuan ng botanical garden ng aming university. Tanging kami lamang ang narito sa lugar na 'to.Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya, punong-puno ito ng galit at pagkadismaya. Siguro kung ibang tao lang siya, baka napagbuhatan na niya ako ng kamay. But knowing how he respect women, he won't hurt me or even lay his finger on me even if I'm his most hated person now."Saan ba ako nagkulang, Kelly?"I shook my head. Wala siyang pagkukulang. Halos ibigay na niya ang buong mundo sa akin.Naramdaman ko ang panginginig ng nakatikom kong mga labi. Wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko.Napayuko na lamang ak
GabrielNapakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ano mang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad."Kalma lang pare, para ka namang natatae," sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin."Ready na ba ang lahat?" tanong ko."Handang-handa na!" sabay-sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon."Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
Isang buwan na mula nang bumalik ako sa ospital. Kailangan kong manatili rito hanggang sa manganak ako. Gaya ng sabi ng doctor ko, hindi biro ang pagbubuntis ko. It's too risky so I need to cooperate with them. Dalawang doctor ang nangangalaga sa akin. Minomonitor nila araw-araw ang kalagayan ko, walang mintis. Idagdag mo pa si Brix na laging puyat kahit hindi niya duty. Binabantayan rin niya ako.Hindi naman ako nalulungkot dito sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Gaya ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila."Tignan mo sila, parang mga bata." Natatawang bulong ni Gab sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nila Brix. There's a 75 inches tv on the wall kaya nakasalampak sa sahig sina Jules, Brix, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah. Tutok ang mga mata nila
Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko sa tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel na agad akong nilapitan.Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya akong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl."Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko.Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako."Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head."I'm fine. Wala lang 'to.""Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra
Time flies so fast and before I know it, my wedding day finally arrived. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to. Simpleng civil wedding lang ang napagpasyahan naming idaos ni Gabriel. Hindi na ako naghahangad ng magarbong kasal, ang gusto ko lang ay mabasbasan ang pagsasama naming dalawa."Ang ganda mo, Kels." komento ni Danika nang matapos siyang ayusan ako.Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa salamin. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Lumapit siya sa akin, tears were already running down on her face while admiring me in my white v-neck, knee length dress."You're so beautiful, my baby. Ikakasal ka na talaga," she cried.I quickly raise my hands to wipe away her tears. "Mommy, wala namang iyakan. Mahahawa ako, eh." I said jokingly. Nakita ko siyang tumango-tango pero patuloy pa rin siya sa pagluha."Thank you, mommy. For everything." I mumbled as I pulled her into a war
GabrielNatagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa tahimik na sala ng bahay namin. Nasa harapan ko si mommy at kapwa kami walang imik. Naririnig ko ang bawat malalalim na buntong-hininga niya habang nakatitig lamang siya sa kawalan.Kahit anong mangyari, baligtarin man ang mundo, hindi nito maaalis ang katotohanan na nanay ko pa rin siya. Ibigay man niya sa akin ang blessings niya o hindi, gusto ko pa ring ipaalam sa kanya ang plano kong pakasalan si Kelly."You really love her," 'yon lamang ang tanging nasambit niya. Unti-unting tumitig siya sa akin. Nababakas ko ang kalungkutan sa mga mata niya.Muli kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Napayuko na lamang ako at naikuyom ang kamao ko na nakapatong sa hita ko, para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.My mom was my hero, silang dalawa ni dad. Sobra ko silang tinitingala at nirerespeto. Mahal na mahal ko silang dalawa. Kahit sa panaginip, hindi ko a
"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako."Baka busy lang," sagot niya.Alas-singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw, samantalang halos araw-araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya."Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot-suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko
"Ang pangit-pangit ko na!" Paulit-ulit kong iyak nang matapos si kuya sa pagshe-shave ng natitira ko pang buhok. Kinalbo na niya ako ng tuluyan para malinis tignan ang ulo ko. Wala ng natitira pa kahit isang hibla. Wala na ang maganda at itim na itim kong buhok."Don't say that. Ang ganda-ganda mo pa rin kaya," pang-aalo niya sa akin.But I could only cry harder. I don't even have the courage to look at myself in the mirror, so I just hung my head low.Ang laki-laki na ng pinagbago ng itsura ko. Hindi ko na nga makilala pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na mahanap pa ang dating Kelly. Ang Kelly na punong-puno ng sigla at sobrang positive sa buhay. Kasabay ng paglalagas ng buhok ko ay paglalagas din ng natitirang pag-asa ko."Tara na, naghihintay na ang boyfriend mo sa labas." Nakangiting sambit ni kuya habang isinusuot muli sa akin ang brown kong bonet
KellyIlang araw ng balisa si Gab. Kahit hindi niya aminin, basa ko naman sa mga mata niya ang kalungkutan. Nakangiti man siya, alam kong apektado siya sa nangyari kay Stella."Don't blame yourself, okay? It's not your fault," pagpapanatag ko sa kalooban niya.Tumigil si Gab sa pagbabalat ng mansanas at ngumiti sa akin. "Ayos lang ako, mahal."Inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. "I'm done lying so please, be honest to me as well. I know you're not okay, Gab. Come on, girlfriend mo ko. Sabihin mo sa akin kung anong nagpapabigat ng kalooban mo, hmm?"Nawala ang ngiti niya sa labi at napayuko ito. Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. "I'm sorry. Ang dami mo ng iniisip, ayoko nang dagdagan pa. Pinipilit kong ipakita sa inyo na ayos lang ako, pero ang totoo sobrang nagi-guilty ako. Paano na lang kung may masamang nangyari kay Stella? Hindi ko siguro mapapatawad ang
"Anong gusto mong pasalubong? Paalis na ako sa condo," tanong ko kay Kelly sa kabilang linya."Kahit ano na lang. Baka hindi ko rin naman makain 'yan," matamlay na sagot niya.Umuwi muna ako kaninang umaga sa condo ni Thao para kumuha ng ilang damit. I'm planning to stay overnight again at the hospital. Mag-aalas dose na ng tanghali, sabi ng kuya ni Kelly, hindi pa raw ito kumakain ng tanghalian dahil wala itong gana."Balik ka na," paglalambing nito. Napangiti na lamang ako. Her sweet voice is like music to my ears."Opo, pabalik na ko. Bibilisan ko na magmaneho," I chuckled."Huwag! Baliw ka. Binibiro lang naman kita. Take your time.""Yes, mahal. Wait for me. I'll be there in a heartbeat. I love you.""Okay. Take care. I love you too," she giggled making my heart flutters.As soon as our call ended, I hurriedly got inside my car. But to my surprise, Thao was already riding on