Capítulo Uno: The Transferee
Eight years ago…
“Buenos días, mi amor!” [Good morning, my love!] masiglang bati ni Mommy sa akin pero inismiran ko lang siya at sumubo ng isang kutsarang punong-puno ng chocolate cereal at hindi siya pinansin. “Nagtatampo ka pa rin ba dahil umuwi tayo rito sa Pilipinas?”
“Sí!” [Yes!] sagot ko bago malakas na napabuntong-hininga. “I-I just can’t understand your decision, ‘My. Why divorce Papá? Why left Spain for this… this...” I paused. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tamang salitang idudugtong ko para lang ma-i-describe ko ang bansang ito.
“This is also your country, Sasha. You are a Filipina, like me. Hindi ba’t marapat lamang na malaman mo ang isang parte ng pagkatao mo?”
“Por favor!” [Please!] Sarkastikong pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hinding-hindi ko matatanggap ang kasinungalingang sinasabi niya sa akin. “Hindi pa ba sapat na kaya kong magsalita ng language na ito, Mommy? Para lang masabi mong Filipina rin ako? Anyway, I’m going na dahil ayaw kong ma-late ako at ayaw kong makipagtalo pa lalo sa iyo.”
Iyon lang at marahas kong dinampot ang mamahaling black and purple backpack ko at walang lingon-likod na dumiretso ako sa labas ng bahay kung saan naghihintay sa akin si Benito.
“Good morning, Ma’am!” masigla pero may bahid ng sarkastikong bati niya sa akin pero inirapan ko lang siya habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan sa backseat.
Padabog na sumandal ako sa malambot na cushion ng backseat ng sasakyan at nakasimangot na pi-n-lug ko ang earphones ng MP3 player ko sa tainga ko at nakahalukipkip na tumingin sa bintana ng sasakyan.
Naiinis ako sa parents ko dahil bakit hindi man lang nila ako kinonsulta sa paghihiwalay nila? Naiinis ako sa kanila kasi puwede naman siguro nilang i-resolve ang issues nila ng hindi naghihiwalay at ng hindi maapektuhan ang buhay ko. I already had the best life in Spain and dahil nga naghiwalay na sila ay umuwi kami ni Mommy dito sa country niya, sa Philippines and what’s worst is dito na raw kami mag-s-stay for good!
Mommy transferred me to St. Benilde High for my fourth year high school and it sucks kasi panibagong adjustment na naman ang gagawin ko just to fit in and to belong. But, then again no matter where I go, I always belong.
Perks of being a beautiful heiress.
“Ma’am,” Benito called pero hindi ko siya pinansin pero makulit din talaga ang lahi niya at tinawag ulit niya ako. “Ma’am, hoy!”
“Ano, Benito?” asik ko pero natatawang napakamot siya sa ulo niya.
Yuck! Eww! Baka may kuto siya sa ulo niya! Kadiri!
“Kanina pa kita tinatawag at hindi ka namamansin. Sasabihin ko lang sana na nandito na tayo sa school mo.”
Napabuntong-hininga ako at binuksan ang pinto ng sasakyan at niyuko siya. “Ano’ng oras mo ako’ng susunduin mamaya, Benito?” nakasimangot na tanong ko.
“Alas cinco ng hapon, Ma’am at iyon daw ang oras ng uwi mo sabi ni insan.” Tumango lang ako sa kaniya para hindi na siya humirit pa pero dahil madaldal nga siya ay humirit pa rin talaga siya kaya inirapan ko na lang siya. “Grabe, Ma’am ang laki ng bago mong escuelahan, ‘no? Iba na talaga kayong mayayaman, oo!”
“You know what, Benito?” tanong ko dahilan para attentive siyang naghintay ng sagot ko. “Ang daldal mo. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako susunduin ng late kundi sisante ka sa akin, okay?”
Tumawa lang siya dahil alam niyang hindi ko siya puwedeng sisantehin dahil bukod sa hindi ko na puwedeng gawin iyon dito sa Pilipinas ay dahil sa pinsan pa siya ni Mommy. See, why I am starting to abhor this country? Nawala ang right ko na mangsisante ng mga empleyadong pangit at hindi ko naman gusto.
Padabog na ini-strap ko sa kaliwang balikat ko ang backpack ko at tuloy-tuloy na hinanap ang classroom ko pero kung minamalas ka nga naman, oo at hindi ko pa talaga mahanap-hanap ang maging classroom ko.
“¡Maldita sea!” [Damn it!] naiinis na bulong ko sa sarili ko at padabog na tumingala sa kisame para kalmahin ko ang sarili ko at marahas na napabuga ng hininga.
This country really brings out the worse in me! I can't really wait to be back in Spain.
“Uhm, excuse me?” Nakasimangot at nakataas ang kilay na nilingon ko ang pangahas na kumalabit sa balikat ko. “Alam mo ba kung nasaan ang IV-Earth? Nawawala kasi ako at hindi ko mahanap ang classroom ko,” mahinahong tanong niya habang awkward na nakatingin sa akin.
“No. No lo sé,” [No. I don’t know.] kibit-balikat na sagot ko sa kaniya.
“Ah, huh?”
Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako matawa nang makita kong confused na confused itong si Betty La Fea sa sinabi ko, “Ang sabi ko ay hindi ko alam. Naintindihan mo na ba ako, Betty?”
“Uhm, okay pero hindi Betty ang pangalan ko. Ako si Hannah Rojas, ikaw?”
Napahagikgik ako ng bahagya sa naïvety niya. “Oh! Akala ko ay ikaw si Betty La Fea.”
Napasimangot siya sa akin at napa-irap. Oh, tingnan mo nga naman at uma-attitude pa talaga itong si Betty, ha. Inikutan niya ako ng mga mata.
“Ang sama mo! Hmph!”
“Lo sé. Lo sé.” [I know. I know.]
“Puwede bang huwag kang magsalita ng alien?” pakiusap niya habang nakasunod na parang aso sa akin.
Tinanggal ko na lang ang earphones ko at ipinasok sa bulsa ng skirt ko dahil sa kadaldalan niya. Nilingon ko siya habang patuloy na naglalakad at hinahanap ang IV-Earth na classroom.
“Hindi iyon lengguwahe ng mga alien, Betty dahil wikang Español iyon.”
“Edi magtagalog ka at nasa Pilipinas ka!”
Naniningkit ang mga matang nilingon ko siya dahil nainis ako sa sinabi niya dahilan para mamutla at mapalunok siya habang napapaatras palayo sa akin.
“Betty,” tawag ko dahilan para mas lalo siyang mamutla at pahirin ng palad niya ang nagmamantika niyang noo. Eww! Kadiri itong si Betty! “Paalala lang na wala kang karapatang utusan ako, okay?”
“O-Okay.” Pumiyok pa siya sa sobrang kabang nararamdaman niya para sa akin.
Inirapan ko siya bago ako tuloy-tuloy na pumasok sa classroom ko pero may tangang paharang-harang sa daan ko dahilan para sadyang banggain ko ang balikat niya.
“Aray! Ano ba!” singhal niya pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at tuloy-tuloy at padabog na umupo ako sa bakanteng upuan sa may third row bago ko nilapag ang bag ko sa bakanteng upuan na katabi ko.
Ayaw ko ng katabi, obviously.
Sinugod ako ng babaeng binangga ko sa balikat at pinamaywangan ako at tinaasan ng kilay. Katabi niya ang ilan sa mga kaibigan niyang masama ang mga mukhang nakatitig sa akin. Ang ilan sa mga kaklase namin ay parang nanunuod lang ng pelikula dahil mga nakatanga lang silang lahat sa aming dalawa.
“Hindi ka ba hihingi ng tawad sa akin?” nagngingitngit niyang tanong sa akin pero inosenteng tiningnan ko siya.
“Para saan at bakit ko kailangang hingin ang tawad ng isang ordinaryong nilalang na kagaya mo?”
Napasinghap siya maging ang mga kaibigan niya at ibang kaklase namin dahil sa sinabi ko. Ngumuso ako para itago ang nagbabadyang ngiting gustong kumawala sa labi ko.
“A-Ano? Ano’ng itinawag mo sa akin?”
“Bingi lang?” pang-aasar ko. Humagikgik pa ako para lalo siyang mapikon sa akin. “Ang sabi ko ay bakit ko kailangang hingin ang tawad ng isang ordinaryong nilalang na kagaya mo?” pag-uulit ko.
Nanggigil siya sa sinabi ko at nakita kong gusto niya ako’ng dakmain at saktan kaya inihanda ko na ang sarili ko sa gagawin niya pero imbes na gawin niya iyong ini-expect kong gawin niya ay matinis na sumigaw lang siya at padabog na nag-walk out.
“Argh! Akala mo kung sino ka! May araw ka rin sa akin!”
Nakangiting tinaasan ko ng kilay ang mga kaibigan niya at kibit-balikat na inilagay ko sa magkabilang tainga ko ang earphones ko at nakinig na lang ng musika sa MP3 player ko.
Inilabas ko ang sketch pad at lapis ko para gumuhit ng desinyong naisip ko na lang bigla habang nakikipagsagutan sa pangit na iyon. Busy ako at sobrang naka-concentrate sa pag-drawing ng isang one-shoulder long sleeve ruffled asymmetrical black and purple maxi dress ng may pakialamerong humablot ng sketch pad ko dahilan para gumuhit ng madiin at mahabang linya ang lapis ko sa sketch pad at mapunit ito.
“What the—!” Napapaawang ang bibig na bulong ko sa sarili ko.
Magkasalubong ang kilay at kunot na kunot ang noo kong sinalubong ang tingin ng siraulong sumira sa supposed masterpiece ko pero ang hindi ko inaasahan ay ang maka-eye to eye ang lalaking may pinakamagandang pares ng brown, almost golden, eyes dahil sa tinatamaan ito ng sinag ng araw mula sa babasaging bintana sa bandang kaliwa niya, ang masasalubong ko ng tingin pagkaangat ko ng atensiyon ko.
Mahinang napasinghap ako at pinasadahan ng mabilis na tingin ang kabuoan ng gwapo niyang mukha at napakurap-kurap ako ng bigla at agaran kong maramdaman ang mabilis, malakas, at maingay na lagabog ng puso ko.
Hindi ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng gwapong lalaki dahil nga nakatira ako sa Spain and I've been to different places with good looking guys. Admittedly, Spanish boys are super gwapo pero iba itong lalaking ito, e. Siya lang ang una at bukod-tanging lalaking nagpatibok ng puso ko dahil lang nagkatitigan kami. Hindi ko namalayang nakahawak na pala ang kaliwang palad ko sa naghuhuramentado kong puso.
“Akin na ang sketch pad ko,” ani ko sa tahimik at kontroladong boses pagkatapos kong mapakalma ang nagwawala kong puso.
“Ang OA mo.”
Kumunot ang noo ko dahil iyon ang nabasa kong galaw ng bibig niya. “Excuse me?” naiirita kong tanong bago marahas na tinanggal ang earphones sa tainga ko para marinig ko siya ng maayos.
Isang naglalarong ngiti ang sumilay sa mamula-mula at mamasa-masang labi niya dahil sa naging reaksiyon ko.
“Ang sabi ko ay ang OA mo,” pag-uulit niya sa naglalarong boses. Napaawang ulit ang bibig ko sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita at maipagtanggol ang sarili ay naunahan na niya ako’ng magsalita at ininsulto. “Para sa ganitong linya lang at kaunting punit ay ganiyan talaga ang naging reaksiyon mo? Tsk. Buti sana kung maganda itong drawing mo, e hindi naman.”
Napapanganga ako’ng nakatingin sa kaniya na kunwari ay binubusisi ang laman ng sketch pad ko.
Pakiramdam ko ay lalagnatin at hihimatayin ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Did he just insulted me, my work, and my creativity?
Díos mío! [My God!]
No one—and I meant that no one—had ever insulted my work in my entire life except this… this uber handsome boy at hindi ko ito mapapalagpas... Kahit pa ang gwapo niya.
I shook my head.
Sapat ko na talagang tigilan ang kalandian ko at itong kakapuri ko sa lalaking ito.
Now that he insulted my work he's now my enemy! And my Papa taught me to never show any act of kindness or mercy toward the enemies.
Padabog na tumayo ako dahilan para mapaatras siya ng tatlong hakbang palayo sa akin. Umuusok ang ilong at tainga kong dinuro siya gamit ang nanginginig kong hintuturo.
“I-Ikaw—!”
Nanginginig ang labi ko sa pinaghalong pagpipigil na galit, pagkapahiya, at inis sa sitwasyon lalo na’t nagtatawanan lang ang mga kaibigan niya.
Pinagtatawanan nila ako’ng lahat.
Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko na parang inflatable balloon dahil sa insulto niya at sa tawanan ng mga kaibigan niya.
“Yes?” Nangingiti pa ang baliw sa tuwa dahil sa nakikita niyang reaksiyon ko.
Nandilim ang paningin ko and before he knew it ay naagaw ko na sa kaniya ang sketch pad kong hawak-hawak niya at mabilis at malakas ko itong isinampal sa mukha niya dahilan para mapahiyaw sa tuwa at pang-aasar ang mga kaibigan niyang lalaki at mapatili naman sa gulat ang mga kaibigan at kaklase niyang babae.
“Woah!”
“Oh my God! Is she crazy?”
“How dare that biatch hurt William?”
Capítulo Dos: The Brat Napaling pakaliwa ang mukha niya dahil sa ginawa kong pagsampal ng sketch sa kaniya. Bahagyang na-guilty naman ako sa pananakit na ginawa ko sa kaniya pero siya ang humingi sa akin noon! Siya ang huminging saktan ko siya dahil sa pang-iinsulto niya sa passion at craft ko. Pinanuod ko ang pagtatagis ng bagang niya at ang bahagyang pagmasahe ng kamay niya sa kaniyang kanang bahagi ng mukha. Namumula ang kanan niyang pisngi at bumakat talaga doon ang sketch pad ko. “Sino ka sa tingin mo para saktan at ipahiya ako ng ganito sa harap ng maraming tao?” Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Gusto kong matakot sa pagbabanta sa boses niya at mapaatras sa dilim na nakikita ko sa mukha niya pero ang mataas kong pride ang siyang nagpipigil sa aking gawin iyon. Isa pa ay alam kong hindi niya ako kayang saktan lalo’t nasa classroom kaming dalawa. “Ako? Hmm…” nang-aasar kong tanong kahit pa medyo kinakabahan na ako sa kaniya at sa naging reaksiyon niya. “Ako la
Capítulo Tres: The Truth Nakahalukipkip at nakataas ang kilay na tinitigan ko ang maarte at OA na si Olivia habang nanginginig hindi lang ang mga kamay niya kundi maging ang bibig niya sa kaba. Namumutla na rin siya pagkatapos niyang makitang pumasok sa loob ng Guidance Office ang mga magulang niya. Pfft! Takot siya sa parents niya? Poor Olivia. I scoffed loud enough for all of them to stare at me for a good one minute before they looked away after I raised my right brow at them. “Alam ninyo ba kung bakit ko kayo ipinatawag lahat sa opisina ko, Ma’ams and Sirs?” Umismid ang pulang-pula na labi ni Mrs. Vanderhurst at matalim at dismayadong tinapunan ng tingin si Olivia na mas lalong napayuko at napaiwas ng tingin. “Ano pa nga ba sa tingin mo, Dr. Herrera? Malamang ay may kalokohang ginawa na naman iyang si Olivia.” Ooh! Sweet! Isang ngiti ang sumilay sa labi ko pagkarinig ko sa sinabi ni Mrs. Vanderhurst. Mukhang alam niya rin kung gaano kaloko, kasinungaling, at ka-loser ang an
Capítulo Cuatro: The Mischievous Brat Kinabukasan ay late na ako’ng pumasok dahilan para pagtinginan ako ng lahat maging ng gurong nasa gitna. “You are early for your next class, Miss?” patanong na sita sa akin ng babaeng guro. Ngumisi ako sa kaniya bago ko hinawi ang mahaba at kulot-kulot kong buhok na kulay kayumanggi patungo sa kanang balikat ko. “Sasha,” tugon ko habang may maliit na ngiting naglalaro sa bibig ko. “Yo soy Sasha Domingo Miranda, Señora. Encantada de conocerte.” [I am Sasha Domingo Miranda, Ma’am. Nice to meet you.] Napatango-tango siya habang istrikto pa rin ang bukas ng mukha niya. “I supposed ay nagpapakilala ka ng sarili mo.” Nakangiting tumango ako at dinilaan ko ang labi ko habang nakatingin pa rin sa mga mata niya at bumulong sa sarili ng, “Obviously, I did.” “Dahil late ka ay tatayo ka riyan sa labas hanggang matapos ang klase natin at may tig-dalawang libro ang nakapatong sa likod ng mga kamay mong nakadipa. Isang oras kang tatayo riyan sa labas dahil
Capítulo Cinco: The Cafeteria Incident Mariing ipinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko yata madadaan sa mga malalalim na buntong-hininga ang galit at inis na unti-unting umuusbong at tumutubo sa puso kong kasalukuyang bumibigat at namimilipit sa galit at inggit kay Olivia. Pagdilat ng mga mata ko ay nakatingin silang lahat sa akin. Ang nagmamalaking ngisi ni Olivia at ang tuwang mababakas at nakapinta sa mukha niya ang pinakanakakapagpagalit talaga sa akin. Gusto kong burahin ang nakakainis na ngising nakaukit sa mukha niya at ang tuwang kumikinang sa kulay asul niyang mga mata. “What?” asik ko sa kanilang lahat habang halos habulin ko ang sarili kong hininga dahil sa galit na namumukadkad sa dibdib ko. “Kung ayaw mo pang mag-order or kung hindi ka pa decided ay mauuna na lang kami ni William na um-order lalo’t nagugutom na kami.” “Nasa likuran ka namin, hindi ba, Olivia? That only means one thing; maghintay ka kung kailan turn mo ng um-order. Simple at basic na common sense l
Capítulo Seis: The Punishment Gusto ko ng umuwi sa bahay, magkulong sa kwarto ko, at umiyak sa unan ko. Hindi ko pa lubos na kilala si William pero nasasaktan na ako ng ganito dahil lang sa nalaman kong girlfriend niya ang epal na si Olivia. Yes, alam ko at ramdam ko na may namamagitan sa kanila pero ang makumpirma iyon mismo sa bibig ni William? Iyon ang masakit. Iyon ang parasite na ngumangatngat sa dibdib ko at nagpapanginig ng kalamnan ko. Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa Guidance Office. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi namin kasama si Olivia habang papunta roon. The epal is scared of her parents kaya I’m sure ay hindi niya gugustuhing makarating ulit ang ganitong bagay sa parents niya dahil tiyak na mapapagalitan na naman siya nila. “Can we agree to one thing, Sasha?” I subtly glanced at him at hindi ko mapigilan ang sarili kong mas lalong humanga at mamangha sa kaniya dahil nagmukha siyang gwapong artista na may nakatapat na spotlight sa katawan niya dah
Hindi naman pala kasingsama ng ugali ni Ma’am Cruz ang iba ko pang subject teachers dahil sila mismo ang nagsabing umuwi na muna ako dahil sa nangyari sa Guidance Office pero ako na ang umayaw sa offer nila. Pabida si Betty kaya sinabi niyang tutulungan niya ako sa parusa ko kahit na sinabi ko ng hindi ko kailangan ang tulong niya at umuwi na lang siya pero hindi talaga siya nakinig sa akin. Sabi pa nga niya sa akin ay, “What are friends are for?” sinupalpal ko nga siya ng pabalang na sagot at sinabing hindi naman kami magkaibigan pero ngumiti lang siya kahit kitang-kita ko sa mga mata niyang nasaktan ko siya dahil sa sinabi ko. Pagpasok namin sa cafeteria ay wala ng tao bukod sa ilang trabahador na papauwi na at hinintay lang talaga ako para i-brief at i-orient ako sa kung ano ang dapat na gawin ko. “Gets niyo po ako, Ma’am?” Kumurap-kurap lang ako bilang sagot sa tanong ng babaeng crew. “No
Napatango-tango lang ako sa sinabi ni Mommy because she was really right with what she said. Napalabi ako, “Okay, but I won’t apologize to her now kasi hindi ko pa rin alam kung bakit ako pa ang mali when Gloria literally started it.”I heard her sighed on the other line again, “Okay, Sweetpea at pag-uusapan natin iyan when you get home, but for now ay gawin mo na muna ang punishment mo—ninyong tatlo, so the employees could go home and rest na.”“Okay.”“Good luck and, please do your best at huwag mo silang bigyan ng sakit ng ulo at huwag mong pairalin iyang pagiging elitist mo because, remember we are no longer in Spain and your father is not always here para ipagtanggol ka kahit na ikaw pa ang mali and take note that I will no longer tolerate you if you misbehave, okay?”“I misbehaved kaya kahapon kaya nga ay may punishment ako ngayo
It’s been almost four months, since Mommy and I transferred her sa Philippines and so far so good naman. Marami ako’ng mga bagay na dito ko lang naranasan sa Pilipinas. Iyon iyong mga bagay na hindi ko kailanman naranasan back when we were in Spain—being called in the Guidance Office, being yelled by a grumpy teacher, having myself kicked out in a class, then having detention because of it, to being punished for my mischiefs, then, to cleaning the whole cafeteria, sweeping and mopping the floor, cleaning and disinfecting the tables, washing the dishes and the most controversial of all… This is my first time belonging in a clique, my first time having a circle of friends with the weird people. I belonged to a group of weird people (not that I had much of a choice); ako, si Betty, the nerd, the double trouble cousins, Gil and Geronimo, Rex aka Scar Face, the bantay of the Detention Jail and Gloria, the one I insulted back in my first day of punishment. Gloria wa
Pumalahaw ako at napabulalas ng malakas na iyak. This time ay hindi na lang dahil sa sakit at frustration na dulot ni William sa akin kundi dahil ngayon ko higit na napatunayan na ang suwerte ko dahil may mga kaibigan ako’ng gaya nila. Suminghot ako.I don’t care kung nasa gitna kami ng lobby ng Saavedra Towers or kung nakaka-attract kami ng atensiyon dahil sa nakakahiyang pag-iyak ko. All I know was that I have to let this all out. That I have to let all this disappointment, pain, and the fury slowly bubbling within me—all because of William and that Olivia. Dahil kung hindi ko sila mailabas ay baka mabaliw ako.Baliw na nga ako kay William, e kaya ayaw ko ng madagdagan pa ang pagkabaliw ko. Rex heaved a deep sigh and clicked his tongue bago ako binuhat sa mga braso niya paalis sa mga kuryuso, nagtatanong, at mga mapanghusgang mga tingin ng mga taong nandoon sa lobby.I sniffed bago ko sinubsob ang mukha kong puno ng pinaghalong luha at sipon. Kadiri na ako but Rex doesn’t seem to
Nang mapagod ako sa paglaro-laro sa buhok niya ay niyakap ko na lang siya at pinatakan ko ng halik ang kaliwang balikat niya, ang labi niya, at ang noo niya. Sobrang saya ko ngayong gabi dahil bukod sa nakasama ko siya ay nayakap at nahalikan ko siya.I sighed dreamily. Ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Ayaw ko ng magising sa napakagandang panaginip na ito. Me and William in one bed and the fact that something almost happened to us is enough to keep me awake the whole night.He murmured something again kaya bahagya ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko at tinanong ulit. Pero dapat pala ay hindi na ako nagtanong pa dahil ako lang naman pala ang mag-isang umaasa sa wala at ang siyang nananaginip ng gising. Ako lang naman pala ang tangang umaasa na sa wakas ay nakita na niya ako bilang ako, bilang isang babaeng nagmamahal sa kaniya, at bilang isang taong handang gawin ang lahat para lang sa kaniya at sa pagmamahal niya.He murmured, “Olivia.” With a fucking smile on his drunk face tha
Papá will seriously freak out if he saw me, his favorite daughter, become this domesticated to a man whom was not even her boyfriend!“!M*****a sea!” [Damn it!] bu-bulong ako sa sarili ko habang nakangiwi at nandidiring pinupunasan at nililinisan ang marumi at amoy sukang sahig. Sa sobrang kalasingan kasi ni William ay sinukahan niya ang sarili niya, maging ako, dahil nakaalalay ako sa kaniya kanina at pinupunasan siya ng warm water na may halong alcohol para maging presko ang pakiramdam niya at para hindi siya makatulog na amoy alak pero sa sobrang kalasingan nga niya ay sinukahan niya ang sarili niya—maging ako—at tumulo iyon sa sahig niya at sa comforter niya dahilan para mapatili ako sa inis. But hindi naman kaya ng konsensiya ko na hayaan siyang matulog ng amoy suka ang damit at comforter niya, so nilinisan ko siya. Nanghiram ako ng unused clothes sa closet niya. After kong maligo at masigurong hindi na ako amoy suka niya at feeling fresh na ako ay lumapit ako sa kaniya, pinalit
“Damn it!” bulong ko sa sarili ko at malakas na hinablot si William na astang susugod na naman sa tatlong lalaking kaaway niya.As if naman ay kaya niya silang tatlo.“B-Bitawan mo ako! I will teach this bastards a lesson! Hindi nila dapat na binabastos si Olivia!” he roared, although his speech is slurred dahil nga lasing na siya.Ni hindi nga niya magawang makakaalis sa pagkakahawak ko sa wrist niya kahit na ano’ng pagpupumiglas pa ang gawin niya.“Ano’ng tinawag mo sa aming gago ka?” Nakangiting hinarap ko ang tatlong lalaking nagngingitngit sa galit dahil sa mga pinagsasabi ni William.“Uhm, hi,” bati ko pero nananatiling salubong ang mga kilay nila, nagngingitngit at nagkikiskisan ang mga ngipin sa galit at matatalim at nakamamatay ang mga tingin nila kay William kaya napahinga ako ng malalim. “I’m really sorry sa inasal ni William. There is no excuse for his behavior—”“Why the fuck are you apologizing to them? Binastos nila ang girlfriend ko!”“Yo
Ang bilis talaga ng panahon.Parang dati-rati ay nagtatampo pa ako kay Mommy kasi mas pinili niyang manatili at manirahan dito sa Pilipinas for good after her divorce with Papá but now? I am loving this country and its people.I made friends and experienced a lot of things just by being with them all this years... That is something I never experienced back in Spain.“Sasha! Hello? Earth to Sasha!”I was snapped out from reminiscing the good, old past when someone snapped their fingers in front of me. It was Gil and he looked so drunk. There was a huge grin on his face as he handed me the tequila sunrise and shouted, “Care for another drink?”Mabilis kong dinampot ang inaalok niyang inumin at sinimsim iyon. “What?” pasigaw kong tanong dahil kung hindi ako sisigaw ay hindi kami magkakarinigan sa ingay dito sa loob ng bar.Ang lasing bagama’t seryoso niyang mga tingin ay nakatitig sa akin and it’s making me conscious and rethink all the decisions, bad decis
Habang pinapanuod kong sabunutan ni Sena ang plastic na si Olivia, na dati niyang sinusunod to the point of dubbing the bitch, Olivia as the queen of St. Benilde High, ay may malawak na ngisi ang naglalaro sa madilim na mukha ko.Sige, lang at mag-away kayong dalawa. Kahit magsaksakan at magpatayan pa kayong dalawa ay pabor sa akin.Olivia shrieked dahilan para magising sa pagkakatulala at pagkagulat si William. He pushed Sena off of his girlfriend dahilan para mas lalong dumilim ang mukha ko. Sena’s butt kissed the floor with a thud. Their friends immediately contained her sa isang pautos na sigaw ni William sa kanila.“Ayos ka lang ba, Babe?” William checked on her.“Babe, the hell? So freaking disgusting. Argh,” I muttered.“What the fuck is your problem, Sena? Bakit mo sinugod at sinaktan ang girlfriend ko? Ang mismong kaibigan mo?” His voice boomed and everyone in the class left speechless. Some left the room kasi ayaw nilang madamay sa gulo. Some stayed beca
Hindi ko alam kung bakit pero dito sa rooftop ng St. Benilde High ako dinala ng mga paa ko nang mag-walk out ako kanina sa garden.Humigpit ang pagkakakapit ko sa railing at malalim na napabuntong-hininga.Ayaw ko man pero ang mga salita ni William… ang mga salita niya au tumatak talaga hindi lang sa isip ko kundi sa buo kong pagkatao. It will surely leave a scar. A scar that is not easy to erase. Grabeng pagkapahiya ang naramdaman ko kanina. Kahit nga ngayon na mag-isa na lang ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkapahiyang naramdaman ko dahil sa pag-e-eskandalo niya, dahil sa mga masasakit na salitang ibinato niya sa mukha ko at dahil sa pananampal niya.Those degrading words, humiliating insults, and him hitting me is a huge disrespect to me. A big fucking slap to me—well, technically and figuratively. Palaging sinasabi sa akin ni Papá na huwag na huwag ako’ng magpapauto sa mga lalaking kaya ako’ng insultuhin at saktan ng pisikal kahit na gaano ko pa raw ito kagu
Alas dos ng hapon. May faculty meeting ang teachers kaya free cut kami buong hapon at imbes na umuwi ay mas pinili naming tumambay dahil na rin sa hiling ng magpinsang kambal-tuko na sina Geronimo at Gil.Nakatambay ako at ang mga kaibigan ko—that sounded weird and cringe-worthy but maybe hindi lang ako sanay to have friends—sa garden. Betty—I mean, Hannah, hindi talaga ako sanay na tawagin siya sa real name niya but whatever—she’s busy practicing how to properly braid my hair. Nagpaturo raw kasi siya sa Yaya niya at gusto niyang gawin iyon sa buhok ko.“Argh!”We all whipped our head sa direksiyon ni Gloria. Kunot-noong tinitigan niya ang bond paper sa harap niya. Sa inis niya ay halos mabali ang lapis na hawak niya. Binato siya ni Geronimo ng mga damo at inasar, “Tumahimik ka nga, taba at ang ingay-ingay mo! Kita mong natutulog ang tao, e!”Gil and I smirked nang gumanti siya at binato si Geronimo ng mga crumpled papers at tinamaan ito sa mukha. “Tao ka p
“Tingin mo ba ay hindi ko alam na ang mga lalaking nasa paligid natin ngayon na nakapalibot at siyang nagtatago sa likod ng mga puno ay bayad ninyo ni Olivia para saktan ako at pagtangkaan ng masama?”She gulped hard and gasped loud in shock as fear and confusion assaulted her being. Confusion swirled in her eyes filled with fear and anxiousness. Slowly, a surge of rage filled her eyes and she pushed me hard, away from her. Patalon na umalis siya sa harap ko at tiningnan ako ng masama. “Magbabayad ka sa lahat ng pambabastos at pang-iinsultong ginawa mo kay Olivia. Narinig mo ba ako bagong-salta? Magbabayad ka!” banta niya sa akin bago kumaripas ng takbo paalis na ikinailing-iling ko.Nakangiting inilibot ko ang tingin ko bago nagsalita, “Magtatago na lang ba kayo riyan?” nang-aasar kong tanong.Dahil sa sinabi ko ay lumabas ang… Tatlo… Lima… Pito… Walong mga