Chapter TwentyBeelzebub’s First LoveSA GITNANG BAHAGI ng gubat ng bayan ay dahan-dahang bumaba sa lupa sina Beelzebub na buhat-buhat si Rana at sina Belial na bitbit si Victoria, at si Endemion na agad napadako ang tingin sa isang malaking bahay na kung sa mga mata ng mga tao, creepy itong tingnan. May isang malaki at matabang puno sa tabi nina Beelzebub na walang kahit isang dahon na sumisibol doon, ganun din ang ibang nakapalibot na puno sa malaking creepy na bahay na itinuro ni Victoria habang nasa himpapawid sila.“Sa oras na malaman ko babaeng bampira na nililinlang mo kami, ako na prinsipe ng demon realm, hindi ako magdadalawang isip na sunugin ka kasama ng kaluluwa mo, kung meron kayong mga bampira.”pahayag ni Beelzebub na ikinalingon nito kay Victoria na ibinaba na ni Belial at pabagsak na iniupo ito sa tabi ng malaking puno.“Bakit kita lilinlangin kung buhay ko ang nakasalalay dito, nakakatakot si Vladimir pero mas kailangan akong matakot sayo matapos ng mga nakita ko. Nak
Chapter Twenty OneBeelzebub’s First Love“Ang lakas ng loob mo bampira na paglaruan at linlangin ang prinsipe ng demon realm na gaya ko, pinadadali mo talaga ang buhay mo bampira.”Nababalot ng galit ang namumulang mga mata ni Beelzebub dahil sa ginawang panlilinlang ni Vladimir sa kaniya matapos nitong i-divert sa mga tauhan nito ang atensyon nila upang makalapit ito kay Rana. Sa mga sandaling ‘yon walang ibang gustong gawin si Beelzebub kung hindi baliin ang leeg ni Vladimir at sunugin hanggang sa maging abo na ‘to.“Beel, si Be-Belial, wala na si Belial…”iyak na sambit ni Rana na nilingon ang nakahandusay sa lupa na katawan ni Belial habang si Victoria ay pabagsak na napaluhod sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa kamay nitong may bahid ng itim na dugo ni Belial.‘Endemion!” madiin na tawag ni Beelzebub kay Endemion na inalis agad ang tingin kay Malinoé na hindi nito inasahan na sa tagal ng panahon ay magkikita ulit silang dalawa.Agad na naglakad palapit si Endemion kay Beelz
Chapter Twenty TwoBeelzebub’s First LoveBINAGSAK ni Beelzebub sa harapan na kumakain na si Zeldris ang ulo ni Vladimir na pinutol matapos ang naging laban niya dito dahilan upang matigilan si Zeldris sa pagsubo sa noodles na kinakain nito.Naayos na at naibalik na ni Zeldris sa dating ayos ang bahay nina Beelzebub na nasira habang hinihintay ang pagbabalik nila, may mga kababaihan na nakita siya at nag-offer ng mga pagkain sa kaniya at walang tangging kinuha niya sa mga ito, na siyang kinakain ni Zeldris ngayon.“Ayana ng ulo na hinihingi mo, ano bang gagawin mo diyan? Kung hindi mo binilin na dalhin sayo ang ulo ng bampira na ‘yun baka pati ‘yan sinunog ko na kasama ang katawan niya.”ani ni Beelzebub na ikinababa ni Zeldris ng noodles na kinakain niya sa center table habang nakatingin sa ulo ni Vladimir.“Nice one aking kapatid, ito ang unang pagkakataon na ginawa moa ng binilin ko sayo.”natutuwang pahayag ni Zeldris na bahagyang ikinaingos ni Beelzebub.“Kung ang ulo na ‘yan ang p
Chapter Twenty ThreeBeelzebub’s First Love“Eh? Maagang umalis si Zeldris?”tanong ni Rana ng malaman na maagang umaalis pagsapit ng umaga si Zeldris.Napasarap ang tulog niya ay bahagyang late na rin na nagising, paglabas niya ng kwarto ay naabutan niya si Victoria na nagwawalis sa sala habang hawak-hawak ni Belial ang dustpan.“Madaling araw pa umalis ang kapatid ni master Beelzebub, nakapag-paalam na siya sa lahat maliban sayo dahil ayaw paistorbo ni master Beelzebub ang tulog mo.”ani ni Victoria habang nagwawalis ito.“Master?”“Iyon daw ang itawag ko sa kaniya dahil hindi niya ako sinunog katulad ng ginawa niya kay Vladimir, dahil din dito ako nakatira.”sagot na paliwanag ni Victoria.“Gising ka na pala, Rana, pinagluluto na kita ng umagahan.”ngiting ani ni Endemion na kalalabas lang ng kusina na ikinalingon ni Rana dito.“N-naku Endemion, kaya ko naman magluto ng pagkain natin. May maitutulong pa ba ako?”ani ni Rana“Wala na, matatapos na ako dito sa sala, nalinis na din ni Ende
Chapter Twenty Four: Beelzebub’s First LoveHINDI MAKAPANIWALA si Rana sa nakikita niya sa may bakuran ng bahay nila kung saan may nakikita siyang mga maliliit na sako ng buto ng rosas na pwedeng itanim sa bakuran ng bahay nina Beelzbub na may mga kasama ng mga gamit pantanim na ikinalingon ni Rana kay Beelzebub.“Saan mo nakuha ang mga ‘to?”tanong ni Rana na may pagturo pa siya sa mga maliliit na sako at mga kagamitang pantanim na nakikita niya.“Saan ba nakukuha ang mga ganiyan? Hindi ba sa tindahan? Bakit kailangan mo pang itanong ‘yan.”singhal ni Beelzebub sa kaniya.“Alam ko naman ‘yun pero paano ka nakakuha ng ganito? Huwag mong sabihin na ninakaw mo ‘to sa tindahan?”akusasyon na saad ni Rana na ikina poker ng gwapong mukha ni Beelzebub na mas umapaw dahil sa ayos ng gupit ng buhok nito.“Sa tingin mo ninakaw ko ang mga ‘yan?”ani ni Beelzebub na walang pakundangan na ikinatango ni Rana.“Alangan naman na binili mo ‘yan, Beelzebub demonyo ka kaya imposibleng binili mo ang ito. S
Chapter Twenty FiveBeelzebub’s First Love KINAGABIHAN, sa taas ng bubungan ng bahay nina Beelzebub ay nakahiga lang ito at nakapikit, kanina pa siya sa taas ng bubong at nag-iisip ng mga bagay na tungkol sa kaniya na hindi na niya maintindihan. Simula ng tulungan niya si Rana, dalhin sa unang bahay na tinirahan nila ay kakaibang mga gawi ang ginagawa niya para dito ang nagpapagulo sa utak niya , yet patuloy niyang ginagawa.Bago sa kaniya ang pag-aalala niya para sa isang tao, ang pagkamuhi niya sa mga tao ay para sa lahat dahil ang lahi ng mga ito ang pumatay sa kaniyang ina, pero hindi niya magawang kamuhian si Rana. Hindi niya mapigilan na panuorin lahat ng ginagawa nito at sa tuwing may mga bagay na ikakasakit nito ay ginagawa niya ng paraan upang hindi na ito masaktan. Ibinigay pa niya dito ang ilang bahagi ng apoy ng buhay niya na kahit siya ay nagulat sa sarili niya kung bakit kailangan niyang ibigay ang ilan sa apoy ng buhay niya para lang makakita si Rana. Wala siyang nagin
Chapter Twenty SixBeelzebub’s First Love“Umiyak ka ba, Rana?”Pagkabalik na pagkabalik nina Beelzebub at Rana sa kusina ay agad na pinansin ni Victoria ang mga mata ni Rana na pati sina Endemion ay napatingin na rin kay Rana na bahagyang nilingon si Beelzebub na nakakunot ang noo.“H-huh? Hi-hindi naman ako umiyak, Victoria.”tanggi ni Rana sa sinabi ni Victoria na ikinatitig ni Endemion sa kaniya.“Namumula ang ‘yong mga mata, Rana, pinaiyak ka ba ni Beelzebub?”ani ni Endemion na bahagyang ikinaingos ni Beelzebub.“Pwede bang kumain nalang tayo kaysa ang dami niyong pinupuna dyan.”singhal ni Beelzebub kay Endemion na ikinangiti lang nito.“Pinaiyak ka ni kamahalan nung hinila ka niya paalis di—““Gusto mo bang maging abo ng wala sa oras bampira?”putol na sita ni Beelzebub kay Victoria na ikinaayos ng pagkaka-upo nito.“Nagtatanong lang naman ako kamahalan.”“Okay lang ako Victoria, napuwing lang ako kaya namula ang mga mata ko.”ngiting ani ni Rana.“Mukhang ang prinsipe namin ay aya
NAKAUPO at nakadukmo sa pagitan ng mga tuhod nito si Rana habang humihikbing umiiyak sa bote na pinaglagyan ni Antaura sa kaniya, kanina pa siya sumisigaw at humihingi ng tulong at umaasang maririnig siya ni Beelzebub pero unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang hindi siya maririnig ni Beelzebub.Hindi alam ni Rana kung anong balak ni Antaura para agawin nito ang katawan niya at ikulong siya sa isang bote, hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa itong gawin ni Antaura para lang makuha ang pansin ni Beelzebub. Dahan-dahan ng na itinunghay ni Rana ang kaniyang mukha at pinunsan ang pisngi na nabasa ng kaniyang mga luha.“Hindi dapat ako umiiyak, alam ko na malalaman nina Beel na hindi ako ang nasa katawan ko kundi si Antaura. Naniniwala akong malalaman ni Beel kung sino talaga ang Rana na haharap sa kaniya, kailangan kong tatagan ang loob ko. Naranasan ko ng makulong ng ilang beses sa bodega ni tita, kaya hindi dapat ako panghinaan ng loob sa ganito lang. Makakabali
HINDI MAWALA ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway papasok sa classroom niya. Hindi niya maiwasan kiligin dahil bukas na ang araw ng kaarawan ni Abel at may date sila nito kaya sobrang excited ni Reina. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na may relasyon na sila ni Abel, at kahit kailangan nilang ilihim iyon para sa ikabubuti nilang dalawa ay ayos lang para kay Reina dahil ang mahalaga sa kaniya ay parehas na sila ng nararamdaman ni Abel sa isa't-isa."Excited na ako para bukas, saan kaya kami pupunta para i-celebrate ang birthday niya? Hindi na ako makapaghinta---" hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng may umakbay sa kaniya at sa paglingon niya ay Peter ang nakita niya."Mukhang maganda ang gising mo, Reina. Kanina pa ako sa likuran mo, pansin ko ang maaliwalas mong awra. Sinong may birthday ah?" ani na tanong ni Reina na inalis niya ang pagkakaakbay ni Peter sa kaniya."Huwag ka ngang bigla-biglang susulpot diyan Peter, pasalamat ka wala akong sakit sa p
Chapter 07MATAPOS ANG dinner ng pamilya ni Reina kasama si Abel ay sinabihan siya ng kaniyang ama na dalhin si Abel sa may rooftop nila para ipakita ang mini auditorium na pinagawa ng kaniyang ama. Habang tumutulong ang kaniyang ama sa ligpitin ng kaniyang ina ay excited na pinasunod na ni Reina si Abel sa kaniya.Hindi mawala ang ngiti ni Reina habang naglalakad siya sa hallway at alam niyang nakasunod si Abel sa likuran niya. Hindi mapigilan ni Reina ang saya na may halong kilig sa mga oras na 'yun dahil sa labas ng university nila, may mutual relationship na sila ni Abel. Masaya si Reina na ang umusbong niyang pag-ibig kay Abel ay agad din namang natugunan nito kahit nasungitan muna siya nito."Magugustuhan mo ang auditorium na pinagawa ni Daddy, may malaking telescope doon para makita mo ang buwan at bituin. May maliit na shelves din ako dun kung saan madaming history books na nakadisplay na puwede mong basah--"Hindi natapos ni Reina ang sasabihin niya ng mapalingon siya sa kamay
"Sigurado bang okay ka lang, Reina? Baka dapat hindi ka muna umalis ng clinic at nagpahinga ka pa ng maayos." ani ni Farrah kay Reina dahil kanina pa niya napapansin na tulala ito simula ng bumalik ito sa next calss nila pagkagaling nito sa clinic.Hindi maiwasan ni Reina na matulala dahil sa nangyaring paghalik ni Abel sa kaniya. Sobrang kabog ng puso niya sa mga oras na 'yun, na kahit si Abel ay ng marealize ang ginawa ay namumulang mabilis na lumabas ng clinic.Buong class ay walang ibang naiisip si Reina kundi angga labi nila ni Abel, ang mga sinabi nito. Ang pag amin din nito na gusto na din siya nito, pero may part na kinakabahan si Reina dahil pag nagkita sila ni Abel ay baka sabihin nito na mali ang mga sinabi nito, at hindi tama ang paghalik nito sa kaniya."Gusto mo bang samahan na kita pauwi sa inyo? Nag-aalala ako sayo, Reina." ani ni Paul."O-okay lang ako, hindi mo na ako kailangang ihati dahil ibang way ang daan mo pauwi, Paul. Salamat sa pag-aalala pero okay na naman a
BREAK TIME AT nakapangalumbaba lang si Reina sa may upuan niya. walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nalaman niya sa mga nag uusap na guro about sa kaarawan ni Abel na ngayong darating na sabado mangyayari. Naguguluhan si Reina kung bakit interesadong-interesado siya sa kaarawan ni Abel, hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa bagong guro nila na ilang araw palang niya nakikita."Ano bang nangyayari sa akin?" tanong ni Reina sa kaniyang sarili ng mapalingon siya kay Farrah na umupo sa harapan niya."Wala kang balak mag break time? Uupo ka lang diyan?""Busog pa naman ako, tsaka ayokong lumabas ng room." sagot ni Reina.Iniiwasan lang niyang makasalubong si Abel dah hindi niya alam paano ito haharapin lalo pa at bahagya siyang nasaktan ng sabihin nitong hindi big deal ang pagkakayakap nito sa kaniya."So tutunganga ka dito? Dahil mabait akong kaibigan, ibibili kita ng makakain mo. Bawal kang mamayat." ani ni Farrah na tumayo na at lumabas na ng room.Baha
"Damn it! What the heck did I do that?! She's my student, bakit ko siya niyakap!" angil ni Abel habang mag-isa siyang umiinom ng ilang can ng alak na binili niya kanina bago siya umuwi sa apartment niya.Naguguluhan si Abel sa kung anong nangyayari sa kaniya, hindi niya alam kung bakit simula ng makita niya si Reina ay may kakaibang nangyayari sa kaniya. Pakiramdam niya ay nakilala na niya ito, at ang kakaibang pakiramdam na biglang sumulpot ng makita niya si Reina ay may idea siya pero ayaw niyang i-entertain dahil maliban sa mali ay apat na taon ang tanda niya kay Reina."Get a hold of yourself Abel, you cannot have an interest with your student." ani pa na singhal ni Abel sa kaniyang sarili ng magpambuntong hininga siya at isandal niya ang likuran niya sa kaniyang maliit na sofa."At sino ang Rana na biglang pumasok sa isipan ko? Bakit sa kaniya ko nakikita ang Rana na lumilitaw sa utak ko? What hell! Ano bang nangyayari sa akin?" ani ni Abel.Walang ideya si Abel sa kung sino ang
LUNCH TIME na at bago pumunta si Reina sa canteen para kumain ay dumaan muna siya sa teacher's office upang silipon kung kinakain ni Abel ang binihlgay niyang lunch box dito. Alam ni Reina na may rules ang bawat paaralan na bawal magkaroon ng romantic relationship ang isang estudyante at isang guro, pero sinasabi ni Reina sa kaniyang sarili na hindi iyon ang rason bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Abel. Ang pakiramdan na parang matagal na niya itong kilala, ang wirdong pagkabog ng dibdib niya na tanging kay Abel niya lang nararamdaman, ay ayaw niyang isipin na pag-ibig o love at first sight.Bahagyang nakasilip lang si Reina sa may pintuan pero hindi niya nakikita si Abel sa loob, kahit sa mesa nito ay wala ito."Nasaan kaya si Sir Abel?" pagka-usap ni Reina sa kaniyang sarili."Lunch time na, anong sinisilip mo diyan?"Gulat na napaayos ng tayo si Reina sa kinatatayuan niya bago nilingon si Abel na kadarating lang at may hawak na mga lesson plan at libro."S-Sir...""May
“Good morning, Reina. Pasenya na talaga kung hindi kita nasabayan sa pag-uwi kahapon, nakakainis kasi ‘yung mga co-student council ko.” ani ni Farrah ng magkita na sila ni Reina sa classroom nila.“Okay lang, ganiyan talaga pag part ka ng student council” ngiting ani ni Reina.Ayaw niyang sabihin kay Farrah ang nangyari kahapon dahil alam niyang mag-aalala ito sa kaniya, Nagpapasalamat talaga si Reina dahil dumating si Abel at nailigtas siya nito sa mga holdapper na muntik ng makuha ang pera niya. At bilang pasasalamat ay dalawang lunch box ang niluto at binaon ni Reina, ang isa ay bilang pasasalamat kay Abel.Akala ni Reina kagabi ay ang muntik ng pagkakaholdap sa kaniya ang mapapanaginipan niya, pero same na panaginip parin ang dumaan sa kaniya kagabi. Panaginip parin sa lalaking Beelzebub ang pangalan, at ang naiba lang may tinawag siya nito sa pangalang Rana na akala niya ay narinig niyang sinabi ni Abel kahapon.“Sino kaya si Rana?” bulong na tanong ni Reina sa kaniyang sarili.“
"You really are familiar to me? Something is happening to my heart simula ng makita kita. Sino ka ba?" tanong ni Abel na hindi magawang makapagsalita ni Reina dahil kahit siya ay 'yun ang mga katanungan na tumatakbo sa isipan niya.Nakatitig lang si Reina kay Abel ng magbuntong hininga ito, bago paupong bumangon sa kama niya bago binalik ang tingin kay Reina na hindi makapag-salita sa kaniyang tinanong."Sorry for asking you, naguguluhan lang ako bakit iba ang dating mo sa akin but don't worry hindi ako perverted teacher, i'm just wondering and clueless." ani ni Abel."Pa-parehas tayo sir..." sambit ni Reina na ikinasalubong ng kilay no Abel."What do you mean?""May nararamdaman din po akong familiarity sa inyo, nang pumasok po kayo sa classroom at nakita ko kayo, nag-iba ang reaksyin ng puso ko. Hindi ko din po alam kung bakit, pero sir Abel wala po akong maisip kung nakita na po kita, wa-wala po talaga." pahayag ni Reina na bahagyang ikinatango ni Abel."Then huwag na nating pansin
TAHIMIK lang na nakaupo si Abel habang napapaisip sa isa sa kaniyang estudyante na pakiramdam niya ay pamilyar sa kaniya. Meron siyang pakiramdam na nakilala na niya ito o nakita pero wala naman siya maisip kung saan. Pamilyar ang magandang mukha nito sa kaniya, may nararamdaman pa siyang kakaiba dito. Bahagyang iniling no Abel ang kaniyang ulunan dahil sa kanina pa gumugulo sa isipan niya Reina. Ayaw niyang isipin na live at first sight ang nararamdaman niya dahil unang-una, estudyante niya ito at bawal ang relasyon sa loob ng eskwelahan ng guro at estudyante."Mr. Romero, kanina pa kita tinitingnan. Mukhang malalim ang naiisip mo, naninibago ka ba sa bagong university na papasukan mo?" malawak na ngiting tanong ng isa sa co-teacher ni Abel na ikinaligon niya dito."No, may iniisip lang ako but not that important." sagot ni Abel na binalik ang atensyon sa ginagawa niya sa mesa niya ng maupo sa gilid ang co-teacher niya sa kaniyang mesa."Gusto mo bang ikutin natin ang buong universit