“Nakuha niyo na?”“Yes ma'am, nadala na po namin sa location na binigay niyo.”“Good, you can now do whatever you want to do with him. Pupunta na ako.”“Ariglado ma'am.” Isang ngisi ang pinakawalan ko bago nagmadaling nag-suot ng jacket.“May pupuntahan ka?” Nilingon ko ang nagsalita at tumango.“Yeah, why?” he asked as he handed me something. That's why my eyes settled on it.“Napirmahan ko na ’yan, sa ’yo na lang ang kulang.” agad ko iyong tinanggap at binasa bago pinermahan.“Thank you for everything, Marcus.”“Sana lang naparamdam ko sa ’yong mabuti akong asawa diba?” Natatawang sabi niya at niyakap ako.“You're a good husband, Marcus,”“Yeah, and you're a good wife, Ean.”“I doubt that,” naiiling na sabi ko.“So saan ka pupunta?”“May aasikasuhin lang.”“Wala ka bang balak isama ang anak mo?” nilingon ko ang pintuan at nakita ko roon si Erene na nakasilip. Agad na nawala ang ngiti ko.“Wala. Dito lang siya. Kung magbabalak kang ipasyal siya, ’wag mo nang iuuwi. Talagang ipapaamp
Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana.After saying that, he just left the room. Naiwan ako kaninang nakahiga at nakatitig sa kisame habang pinoproseso ang sinabi niya.Wala akong makitang ibang kabahayan, puro bukid at kakahuyan ang paligid. Though malamig at masarap sa pakiramdam dahil sariwa ang hangin, tapos tahimik pa. I tried to open my phone pero may part na walang signal at kung magkameron man napakahina!Wala man lang bang wifi rito?! Eh mabubulok ako rito kung gano'n! This place seems too boring to live in!I should escape, but how?! Wala na rin 'yong kotse na sinakyan namin kanina!Nakakainis 'yang Seigraine na 'yan!It's been 3 hours, tatlong oras na ako sa loob ng kwarto na ito and I have no plan to walk outside. I don't want to see him, makakita lang ako ng tsiempo tatakas ako rito.Nakarinig ako ng tunog ng pagbukas ng pintuan so I immediately closed my eyes, "It's already 12, kumain ka na.""Hindi ko siya pinansin, "I won't eat, ibalik mo na lang kasi ako.""I to
SeigraineI can't help but clench my jaw all the time that I remember her words. Now I know that feeling when someone's words become a knife slowly slicing your skin.It's excruciating.Hindi pa ako nakakabawi sa sakit na naramdaman ko no'ng malamang may asawa na siya, at nadadagdagan 'yon ngayon na para akong pagkain na hindi niya nagustuhan kaya pinipilit niyang iluwa.I know I wronged her, but you can't blame me. Now I want to fix everything, at kahit mahihirapan ako pipilitin ko.I took a deep breath before walking inside the kitchen, nagluto ako ng hapunan namin. Matapos niyang manood kanina ay bumalik siya sa kwartong pinagdalhan ko sa kaniya, at hindi na siya ulit lumabas.Hindi ko siya masisisi kung ganito nalang siya kahirap suyuin, masakit ang ginawa ko sa kaniya noon. At anim na taon ko iyong pinagsisihan.Matapos magluto ay hinanda ko na iyon sa mesa bago umakyat. Ilang beses akong kumatok sa pinto bago iyon pinihit upang buksan ang I saw her. She seemed looking for a sign
EanMariin ang titig ko sa messages na nagsipasukan sa phone ko.Napakahina kasi ng signal pucha!Karamihan galing kay Marcus at Pia."Ean, your daughter's looking for you, tinatawagan kita palaging out of coverage. Nasaan ka ba? Tell us, para hindi kami mag-alala.''"Girl asan ka? Chat mo ’ko, usap tayo marami ka pang sched. Hindi kita matawagan."Napahilot ako sa sintido dahil sa nabasa, marami pang messages doon pero hindi ko na lang tiningnan. This is Seig's fault.Since connected na ang phone ko sa wifi, lumakas na ang internet connection. Asa naman kasi ako sa data baka makatulog na ako hindi pa bumubukas ang facebook ko.Agad akong nagpadala ng message kay Pia since siya ang mahilig mag online sa mga social media, si Marcus kasi ay bihira.Matapos ay agad na akong nag-asikasong maligo. After maligo ay agad akong nagpalit ng damit na nakuha ko sa couch kanina. It must be Seig's clothes, but I don't care. Masyadong mahaba 'yong t-shirt, kaysa sa short, kaya napasimangot ako, but
Umalis si Seigraine matapos namin kumain, just like what he said.Before magtanghali ay kapansin-pansin ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. It was like, anytime by now the rain will pour.Kanina lang ay napakaganda pa ng sikat ng araw, tapos ngayon ay biglang magbabago? Napailing nalang ako at inabala ang sarili sa pag scroll sa facebook.Kausap ko rin si Pia, and I never told her who am I with.Napaayos ako ng upo ng marinig ang pagbagsak ng ulan. Napakalas noon na tila may bagyong paparating. Ilang minuto pa akong pinakinggan ang patak ng ulan sa bubong bago nagpasyang umakyat sa kwarto, kasabay ng tila pagdating ng sasakyan. Lalakad pa lang sana ako patungo sa pintuan ng pumasok na ang basang-basa na si Seigraine."Do you want to kill yourself?" Napalingon siya sa akin habang hinuhubad ang damit niya, kaya napaiwas ako ng tingin."No, why?""Ang init-init kanina tas nagpaulan ka? Siraulo ka ba?" Nailang ako ng pagtingin ko sa kaniya'y nakangiti siya sa akin ng nakakaloko."Nag-
Hindi ko alam kung ano itong ginagawa ko, I should have left the moment that he loses his consciousness.Pero heto ako at pinagtitiyagaan siyang punasan ng maligamgam na tubig.He's naked, inalis ko lahat ng damit niya kanina dahil basang-basa siya. Tinakluban ko lang ng kumot ang pang-ibaba niyang katawan at kapag naaalala ko kung gaano pa rin makalaglag panga ang katawan niya ay agad akong napapailing.Matapos ay ako na mismo ang kumuha ng damit at binihisan siya. I am so confused!Halos balisa akong nagpalakad-lakad sa gilid ng kama niya, iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. I should leave, pero bakit tila may maliit na sinulid na humihila sa akin pabalik.Sapo ang mukha na naupo ako sa gilid niya. Mariin kong ginumos ang mukha ko bago sinulyapan ang tulog na tulog na Seigraine.Hindi ko pa rin malimutan ang mga sinabi niya kanina, ang pagmamakaawa, ang paghiling ng ilang araw pa at 'wag ko siyang iwan and even his cries.While remembering what happened, I just found myself c
"Where are you going?" nilingon ako ni Seigraine dahil sa tanong ko. "At Tatay Roel's Farm." I bit the inside of my cheek. Nang papalabas na siya ay tahimik akong sumunod at halos mahiya ako ng lingunin niya ako. "Babalik ako before five, ako na bahalang magluto ng hapunan natin.""Pwedeng sumama?" paalis na sana siya ulit nang mapalingon siya sa sinabi ko."Are you sure?""Yeah," he offered his hand, bumaba ang tingin ko roon at napatitig. "Do I really need to hold your hand?" taas ang kilay na tanong ko kaya mahina siyang natawa. "Well I was just trying my luck." Napailing ako at nauna nang maglakad sa kaniya.Maiinip lang kasi ako sa bahay kaya minabuti kong maglibot muna at sumama sa farm. Hindi naman kalayuan 'yong farm sa malaking bahay, pero parang nakakapagod pa rin. Habang naglalakad ay may naramdaman akong bagay na tila sinuot sa ulo ko at nang kapain ko 'yon ay nalaman kong farmer hat iyon na suot ni Seig kanina. Nilingon ko siya ngunit nakatingin na siya ng deretso sa
"Gusto mo ba ng roasted chicken?""May manok na?" gulat na tanong ko. "Inutusan ko si Mang Isko kanina, na ipag-grocery tayo sa bayan.""Ako na lang magiihaw." I volunteered, nanlaki pa ng bahagya ang mata niya sa sinabi ko. "Are you sure?" Tumango ako."Inimbitahan ko rin sila Manang Cora at Mang Roel na rito na kumain ng hapunan." He licked his lip before facing me."Really?""Oo... bakit ba?" Napailing siya at lihim na ngumiti na nakita ko naman."Sa labas tayo kumain, may lamesa naman do'n para mas presko," Tumango siya at kinuha na ang mga gagamitin ko. He set up everything and let me do the rest. Nakasaing na rin naman siya, ulam nalang namin ang lulutuin. I was busy marinating the chicken when I felt his presence behind me. Naramdaman ko ang paghaplos ng daliri niya sa buhok ko at ang sunod ko nalang nalaman ay pinuyod niya iyon in a messy bun. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling mangiti sa ginawa niya. Nang magsisimula na akong mag-ihaw ay si na ang nagpaypay