“NASA Pilipinas na ulit ang bata, kaya imposibleng maging ligtas siya rito.”Kumunot ang noo ni Beckett dahil sa pagtataka. “It’s impossible. Vivianne made sure that Dylan would be adopted in another country so Alfred won’t be able to find him. Matagal na mula nang mangyari ‘yon at wala pa naman akong nababalitaang kahit ano mula sa mga tauhan.”“Ngayon lang ‘yon nangyari kaya wala ka talagang mababalitaan, at mas tuso kumilos si Alfred kaysa inaakala mo,” sagot ni Ella. Mahina ang boses nito. “Inayawan na siya ng mga umampon sa kan’ya noon, kaya ipinabalik siya sa Pilipinas. Narinig ko ang usapan nilang ‘yon noong nagtutulug-tulugan ako, at sigurado akong may kinalaman si Alfred kung bakit ‘yon nangyari.”Beckett gritted his teeth. Talagang hindi tumitigil si Alfred hangga’t hindi nito nagagawa ang gusto niya. Kahit kailan ay hindi siya nakuntento sa mga bagay na mayroon siya… at palaging tinutupad ni Alfred ang mga pangako niya.Alfred promised himself to kill the child, and Beckett
“MA!” natatarantang sigaw ni Vivianne bago mabilis na tumakbo papasok ng bahay.Sinundan naman siya ni Beckett. Nawala na ang ngiti nito kanina dahil naligtas nila Nathan si Dylan. Ngayon ay binalot na ng pag-aalala ang kan’yang pagkatao dahil sa narinig na sigaw.Nang makaakyat sila sa second floor, nakita nila roon si Ella na nakaupo sa sahig sa tapat ng kuwarto, at galit itong nakatingin kay Alfred. Si Alfred naman ay nakaamba lang ang kanang kamay na parang sasampal kay Ella habang nagtatangis ang bagang.“Ma!” Lumapit si Vivianne sa ina bago tiningnan ang mukha nito. “Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? May masakit ba sa ‘yo?”Umiling si Ella ngunit tumutulo na ang luha nito. Lumapit na rin si Beckett sa kanila at tiningnan ang mukha ni Ella.“She’s not hurt. There’s no bruises in her face and arms, and it’s not swelling, too,” saad ni Beckett, at nanatili ang tingin nito kay Ella. “She might have panicked because she thought she’s in danger. It’s the trauma that speaks for her
SUGATAN SI Dylan at takot na takot. Nakasiksik lang ito sa dulo at halatang iwas sa mga tao. Maging sa mga nagligtas sa kan’ya ay malayo ang loob nito. Mukhang na-trauma ito dahil sa sakit na naranasan.Vivianne suddenly remembered herself upon seeing Dylan’s situation. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa kan’yang puso dahil doon. She crouched on the floor, looking at Dylan.“Dylan…” pagtawag niya sa bata, ngunit sa gulat ni Vivianne ay biglang lumayo si Dylan at mas siniksik pa ang sarili sa dulo ng upuan. “S-Si ate Vivianne mo ito. Hindi mo na ba ako… natatandaan?” dagdag niyang tanong.Hindi naman siya tiningnan ni Dylan bago ito lumayo, kaya nanlaki ang kan’yang mga mata nang marinig ang sinabi ni Vivianne. Dahan-dahang humarap ang bata kay Vivianne upang tingnan kung nagsasabi ito ng totoo.“A-Ate Vivianne…” pagtawag ni Dylan sa isang mahinang tono. Takot pa rin ngunit hindi kagaya kanina ay nagkaroon ng pag-asa sa mga mata nito.Pag-asang ligtas na siya… at wala nang mas
“BAKIT ang dami mong biniling pagkain?” tanong ni Vivianne habang tinitingnan ang dala-dala ni Beckett na dalawang supot na pagkain. “Ganoon ba kalayo ang biyahe papunta roon sa Agrianthropos?” “Yes, but that’s not the main reason why I bought those foods. Hindi ka masyadong kumain doon sa eroplano kanina kaya alam kong nagugutom ka.” Inilagay ni Beckett ang isang supot ng pagkain sa hita ni Vivianne, habang ang isa naman ay nasa ibaba. “I also bought sweets. I heard it helps someone to feel better. I don’t know if it’s effective with you, but…” Hindi na itinuloy ang sasabihin at inayos na lang ang sarili. Namumula ang magkabilang tainga nito habang inaayos ang seatbelt ni Vivianne at pati na rin ang kan’ya. Hindi siya sanay na nanunuyo ng babae. Kahit sinabi niyang handa siyang gawin ang lahat para sa dalaga, hindi mawawala sa kan’ya na first time niya sa mga bagay na ito, and it somehow made him feel the discomfort. Hindi rin kasi siya sigurado kung maa-appreciate ba ni Viv
MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na sila sa Agrianthropos City. May iilang kinausap doon si Beckett bago sila tuluyang pumasok sa loob.Nakasunod lang siya kay Beckett na parang bata dahil sa laki ng lugar, para bang maliligaw siya.Pabaling-baling ang tingin ni Vivianne habang naglalakad. There are people cleaning the streets, selling their products, and other things just like what ordinary people do. Hindi ‘yon ang inaasahan niya. Akala niya, dahil masasamang tao rito ay masasamang gawain din ang makikita niya katulad na lang doon sa organisasyon nila. There’s no time for slouching, smiling, or even resting. Doon ay puro trabaho lang at kung makikipag-usap sila sa iba, dapat ay tungkol sa trabaho lang din.Vivianne also thought that the place only looked ethereal from the inside since they were hiding their real identities, but it’s not the case. Maganda talaga ang lugar.Ordinaryo, ngunit mapayapa… Isang bagay na hindi niya inasahan.“A penny for your thoughts?”Napakurap
[I HEARD you had a handsome client today at work. Brix, isn’t it?]Pagkatapos kumunot ang noo ni Vivianne, napalitan ito ng ngiti. Hindi muna tuloy siya umalis sa driver’s seat para roon magtipa ng ire-reply.[Why do you ask? Are you jealous?]Wala pang isang minuto ay may reply na ulit si Beckett. Para bang nag-aabang lang ito sa cellphone niya ngayon at walang ibang ginagawa.[You’re my wife. Why would I be jealous?][Eh bakit ka nagtatanong kung hindi?]Pagkatapos i-send ‘yon ni Vivianne, naging matagal ang reply ni Beckett. Hindi natanggal ang ngiti sa labi ng dalaga.Kilala niya kasi si Beckett. Alam niyang nagre–reflect na ito ngayon dahil sa tanong niya. Inilagay niya ang paper bag sa compartment, at ilalagay na rin sana muna niya ang phone sa bulsa.Pero tumunog muli ang phone niya.[I miss you.]Biglang pinamulahan si Vivianne ng mukha pagkatapos basahin ang message na ‘yon. Siya naman ang hindi maka-react. She was used to Beckett being straightforward, pero ganoon pa man, na
‘PAALISIN ang asungot, done!’ nakangiting saad ni Vivianne sa sarili habang ipinagpapatuloy ang mga dokumentong inaayos niya kanina. Pakiramdam niya, nakahinga siya nang maluwag dahil nawala na si Joan sa warehouse. Tila ba nawalan ng mga matang nagmamasid sa kan’ya, at puwede niya nang gawin ang lahat ng gusto mula ngayon. Siyempre ay hindi ‘yon totoo. Alam naman niyang halos lahat ng nasa loob ng warehouse ay loyal kay Alfred. Ganoon pa man, iba pa rin kasi talaga ang inis niya kay Joan. Tipong kumukulo kaagad ang dugo niya kada makikita ‘to. “Sana magtanda na siyang buwisit siya,” muli niyang bulong habang nagso-sort ng dokumento. Dahil si Joan ang nag-aasikaso ng karamihan sa mga illegal na gawain ng mafia rito sa main branch, kailangang saluhin ni Vivianne ang ibang trabahong maiiwan ng babae. Katulong naman niya roon si Jill, habang kinuha naman ni Alfred ang maseselang trabaho na hindi niya pa kayang ipagkatiwala kay Vivianne. Imbes na mainis, mas nasiyahan pa si Vivianne
TAMA naman si Vivianne sa kan’yang hinala. Nakakuha ang kalabang grupo ng tip na kasama ang anak ni Alfred Allamino sa susugod sa kanila ngayong gabi. Hindi nila puwedeng palampasin ang oportunidad na ‘yon.Puwede kasi nilang kunin si Vivianne at gamitin laban kay Alfred upang ipawalang-bisa nito ang utang nila, o kaya naman ay makahingi pa ng maraming pera.“Itatakas kita, dahil kapag nanatili kami rito, mawawalan ng saysay ang pakikipaglaban namin,” saad ni Riz.Ngunit nag-aalinlangan pa rin si Vivianne. Looking at how they are at a disadvantage, she was reluctant to leave.“We can defeat them. Team mo kami, hindi ba? Kaya magtiwala ka sa amin.” Ngumiti si Riz, at napatango na lang si Vivianne bilang tugon. “Let’s go.”Bryle and Riz nodded to each other. Hinila na siya ni Riz sa likuran, at ang magtatangkang humabol sa kanila ay kakalabanin ni Bryle at ng ilan pang natirang tauhan niya.Napadpad sila sa may gubat. Tatakbo pa sana ulit si Riz nang pigilan siya ni Vivianne. “Go back t
Hello, readers!Una po sa lahat, thank you po sa mga nagbasa ng story ni Beckett at Vivianne mula umpisa hanggang huli. Salamat po sa mga nagwa-watch ads, nagco-comment, nagbibigay ng reviews at gems, at bumibili ng coins para basahin ang next chapters. Kung hindi dahil sa suporta ninyo, hindi ko rin matatapos ang pagsusulat nito.Maraming salamat din po kay Ate Sophia at sa iba pang founders sa Wild Men Series! Sobrang saya ko na napabilang ako rito sa collaboration na ito.Ngayon po, ang ANNOUNCEMENT ko ay tungkol sa special chapters. If may curious sa inyo if may special chapters si Beckett at Vivianne dahil ganoon ang ending nila, YES PO. Pero bago ko pa man matapos ang story nila, matagal ko nang pinaplano na i-publish sila as a physical book at doon ilagay ang special chapters.Hindi pa ngayon, pero soon po ‘yan.Puwede rin po kayong mag-suggest kung ano ang gusto n’yong mabasa sa special chapters, and kung may message po kayo sa akin at sa story, go lang din po hahahaha. Sana po
ITINAAS ni Alfred ang kanang kamay, at lumabas ang lahat ng tauhan ng Allamino mafia. Ganoon din ang ginawa ni Beckett, at nagsilabasan din ang mga tauhan niyang nagtatago lang sa puno at mga damuhan kanina.Seeing how the two leaders are determined to clash with each other, it only means one thing: this place will be in bloodshed soon.At ganoon na nga ang nangyari. Nagsimulang maglabanan ang mga tao sa pagitan ni Beckett at Alfred. Dumanak ang dugo, at maraming buhay ang nawala. It was a long-time war between the two of them, and Beckett won.Ngayon ay nasa harapan na sila ng isa’t-isa. Si Alfred ay nakaupo sa sahig habang puno ng sugat at pasa ang katawan dahil sa pambubugbog ni Beckett sa kan’ya, habang si Beckett naman ay nakatayo. Nakatutok ang baril nito kay Alfred.“I know you want to kill me… But why can’t you fucking pull the trigger?” tanong ni Alfred habang nakangisi. “Bumalik na naman ba ang takot mong pumatay ng tao?”“Hah.” Beckett clicked his tongue, annoyed.Ngunit hin
SA GALIT ni Alfred, lumapit siya kay Vivianne sa malalaking hakbang bago hinawakan ang kuwelyo ng damit nito. “Bawiin mo ‘yang sinabi mo.”“Hindi kita tatay para sundin ka.” Ngumisi si Vivianne, lalo na nang makitang mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata ni Alfred. “Kahit kailan, hindi kita itinuring na ama dahil wala akong demonyong ama kagaya mo—”Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin dahil bigla na lang binitiwan ni Alfred ang kuwelyo niya at sinampal siya. Hindi lang isa, kun’di tatlong beses.Vivianne smiled painfully. ‘Yong masayang pamilyang pinapangarap niya… Kahit kailan ay hindi niya makukuha ‘yon. At kailangan niyang tanggapin ang masakit na katotohanan.“Wala kang modo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa ‘yo, ganito ang igaganti mo sa akin? Ang labanan ako at insultuhin?!” Pumalibot ang sigaw at galit ni Alfred sa buong office.Natawa si Vivianne nang sarkastiko. “Wala akong modo? At para sa akin ang lahat ng ginawa mo? Bakit, tinanong mo ba muna kung gusto
PAGKATAPOS no’n, pinag-usapan nila magdamag kung ano ang susunod nilang plano. Nagkasundo sila sa isang bagay. Itatakas nila si Ella sa ospital, at ituturok ang panibagong gamot na ginawa ni Beckett upang magising ito.“I will distract Alfred and his men,” ani Beckett bago itinuro ang kanang bahagi ng footprint. “We will go here, since Ella’s room is on the left side of the hospital. And while we’re here, use the opportunity to escape with your mother.”“Pero delikado ‘yon.” Umiling si Vivianne. “Baka napaghandaan ‘to ni Alfred, at ipapatay ka sa mismong ospital. Kayang-kaya niya ‘yon gawin. Maniwala ka sa akin.”“I believe you, but it doesn’t matter. What’s important for me right now is to save your mother, and fullfil my promise to you…” Muling humalik si Beckett sa noo ng asawa. “So let’s do this… and see the end together.”KINABUKASAN ay oras na para maisakatuparan ang plano. Nandoon na sa parking lot si Beckett, maging ang mga tauhan na magpapanggap bilang doktor, nurse, at janit
NAGPUNTA si Alfred sa ospital matapos no’n para tingnan ang kalagayan ni Ella. He’s making sure Ella will be alive, but not enough to wake her up. Ipagagamot niya lang ito sa oras na sumunod si Vivianne sa mga kagustuhan niya.Pero tila hindi yata umaayon sa kan’ya ngayon ang tadhana, dahil laking gulat na lang niya nang makitang kalalabas lang ni Vivianne sa kuwarto ni Ella, at may hawak itong isang malaking maleta.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ni Alfred sa isang malalim at galit na tono. “Iiwan mo ang nanay mo para sa lalaking 'yon?”“Kakapaalam ko lang sa kan’ya kanina, at sigurado akong maiintindihan niya ako,” sagot naman ni Vivianne.“How can she understand if she's already dead?”“She won’t die.” Nagtiim ng bagang si Vivianne, ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili. Hindi ito ang oras para makipag-away siya sa ama. Sobra na rin siyang pagod sa dami ng nangyari. “Aalis na ako.”Humakbang si Vivianne paabante, at akala niya ay hindi na magsasalita ang ama, ngunit nagkamali
“TWENTY million dollars.”“Twenty million? Dollars? Nahihibang ka na ba?!” biglang sigaw ni Vivianne nang mapagtanto kung ano ang gustong gawin ng asawa. “Huwag! Masyadong malaki ang pera na ‘yon! Iwan mo na lang ako rito!”“Shut up, lady,” saad ni Raul sa malalim na boses. Nakakunot ang noo nito at mukhang naingayan dahil sa pagsigaw ni Vivianne sa lenggwaheng hindi naman niya maintindihan.“Non maledire con mia moglie, Raul.” [Don’t curse at my wife.]At hindi rin naman nagustuhan ni Beckett ang ginawang pagsita ni Raul sa asawa, lalo na ang tono ng boses nito. Sumama ang tingin niya kay Raul, ngunit mabilis din naman niyang napakalma ang sarili.“So, is this enough for you to buy guns from their organization?” tanong ni Beckett bago itinaas ang diamond card. “You have collateral, and remember how I saved your ass when we’re in elementary school?”Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi lang basta magkakilala si Raul at Beckett. Magkaklase sila noon, at nang may magtangkang gumulpi kay Ra
“DON’T talk shit with me. Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit siya nawawala.” Lumapit si Beckett kay Alfred. Halata na ang galit sa mga mata nito. “Saan mo siya dinala?”“Hindi ko alam. Alin doon ang hindi mo maintindihan?” Padabog na inilagay ni Alfred ang diyaryo sa gilid bago tinapatan ang masamang tingin ni Beckett. “And don’t forget that you’re in my territory. Kaya kong pasabugin ang bungo mo ngayon mismo.”Ngumisi si Beckett. “Kung talagang balak mo ‘yon gawin, dapat kanina pa.”“Saka na, kapag nasa akin na ang lahat ng yaman mo.”Nang marinig ni Beckett ang mga katagang ‘yon, hindi niya mapigilang mapahalakhak. Tama nga ang hinala niya—Na may ibang binabalak si Alfred kaya pumayag ito sa kasal nila ni Vivianne, at kaya pilit siya nitong pinakikisamahan.“Mangarap ka lang,” bulong ni Beckett habang nag-iigting ang panga. “Mahahanap ko siya, kahit gaano pa katagal. Mark my words, Alfred Allamino.”Tumalikod na si Beckett at aalis na sana ng mansiyon, ngunit napatigil siya nang
KAAGAD nahampas ni Beckett ang pader nang maisip ‘yon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binilisan niyang maghanap ng papel at ballpen para isulat doon ang mga nasa isip niya.Mabuti na lang at memorize niya pa ang ingredients, at alam niya rin ang mga gamot na puwedeng makagulo sa chemicals.Dahil sa walang katapusang pag-iisip, naging mabilis tuloy para kay Beckett ang tatlong araw na lumipas. Ni hindi niya namalayang dalawang beses sa isang araw na lang pala siya kumakain, at halos buong araw ay nakaupo lang siya sa gilid at nag-iisip.Halos isang buong notebook na ang nasulatan at na-drawing-an niya ng kung anu-ano. Everything was settled, kaya naman ang kailangan na lang niyang gawin kapag nakalabas ay pumunta sa warehouse at i-test ang lahat ng naiisip niya.“Kung tama nga ang naiisip ko, ibig sabihin ay ‘yong isa pang ininom ni Ella ang dahilan kung bakit siya na-comatose. It was the reason for her nosebleed, too,” bulong ni Beckett habang nakatitig sa notebook niya.Nabo-bo
PUMASOK na si Vivianne sa loob ng kuwarto ng ina. Umupo siya sa gilid nito habang tahimik na umiiyak. Hindi siya mapakali dahil kanina lang ay nakakausap niya pa ito nang maayos, ngunit ngayon, para na itong lantang gulay. Namumula ang balat, at nakaratay sa kama.“Ma… I’m sorry,” bulong niya sa ina at bahagyang pinisil ang kamay nito.Pakiramdam ni Vivianne, kasalanan niya ang lahat ng nangyari. She couldn’t blame anyone on this, pero kanina ay sumabog na siya sa dami ng problemang pinagdaraanan.Her trauma hasn’t healed yet. Malaki ang trust issues niya. Alam niya rin na dapat hindi naging ganoon ang trato niya kay Beckett kanina, lalo na at gusto lang naman nitong tumulong. But because of what happened, her walls were up again.“I’m sorry, Beckett…” aniya, at maya maya ay tuluyan nang bumuhos ang luha nito.Pero lingid sa kaalaman ni Vivianne, sumunod si Beckett sa kan’ya. Nabuksan na nito ang pinto at handa na sanang pumasok sa loob, pero nang makita kung gaano kalungkot si Vivian