Balik daily update na po si Beckett! Simula bukas po ay tuwing 3 pm ang update ko. Maraming salamat po sa inyong lahat! <3
“TELL ME, who is it?”Napalunok si Vivianne at tila napako sa kan’yang kinatatayuan. Sanay naman siya sa ganitong ugali ng ama. Bigla na nga lang naghahagis ng kutsilyo si Alfred paminsan-minsan pero hindi siya nagugulat doon.Pero ngayon ay may kakaiba kay Alfred… Para bang handa itong pumatay ano mang oras. Vivianne wondered what she said that triggered her father to be like this.“Saan mo nakita ang tattoo na kaparehas ng sa akin?” muling tanong ni Alfred. Mas malalim na ang boses nito kaysa kanina.“Hindi pa ako sigurado.” Yumuko si Vivianne at huminga nang malalim para mapigilan ang panginginig ng katawan niya. “Common ang infinity sign tattoo, kaya nagtataka ako kung bakit gan’yan na lang ang reaksyon mo.
[You’re probably busy at work, so I didn’t bother calling you. We’ll have dinner in the mansion tomorrow. I won’t take no for an answer.] The message came from her father, Alfred. Hindi niya inaasahang magte-text ito sa kan’ya. Madalas kasi ay kinukulit siya nito sa tawag lalo na kung may mahalaga itong sasabihin kaya naman ay nagtaka siya, lalo na nga sa sinabi nitong “dinner.” It just didn’t sound right for her. “Excuse me, magbabanyo lang po ako,” pagpapaalam ni Vivianne kay Fiona, at tumango lang ito. Ni hindi nga siya nito tinapunan ng tingin at nanatili lang ang pagkakatitig ng manager kay Beckett. Vivianne only shrugged. Mula kasi nang pumasok siya sa Syneverse Entertainment bilang dress stylist ay malamig na ang pakikitungo sa kan’ya ni Fiona—Or maybe neutral. Kahit papaano naman kasi ay pinupuri siya ni Fiona kapag maganda ang pagtatrabaho niya. She wondered if Fiona knew something about her relationship with Beckett, or if she’s jealous dahil mas malapit si Beckett sa kan
Tila binuhusan si Beckett ng malamig na tubig sa narinig. Pagkatapos matulala nang ilang saglit ay mabilis siyang lumabas ng warehouse. Tinatawag pa siya ni Nathan dahil may mga ilan pang kailangang asikasuhin si Beckett sa trabaho ngunit hindi na niya iyon pinansin pa.Using his car, Beckett went to the Allamino mansion as fast as he could. Magkalayo ang distansya ng warehouse sa mansiyon pero dahil sa paharurot niya ay nakarating din siya kaagad sa Manila.“Shit. Shit,” paulit-ulit na mura ni Beckett habang mahigpit ang hawak sa manibela. He’s trying to call Vivianne, too, pero hindi ito sumasagot. “Fuck, Vivianne. Answer the phone, goddamn it.”Sa bawat paglipas ng oras ay mas lalong dumadagdag ang kaba sa puso niya. Naiipon na rin ang pawis sa kan’yang noo, ganoon na rin ang galit sa katawan niya. If only he knew that Alfred would make Vivianne as his tester, sana ay hindi na niya pinagbentahan pa ang gagong ‘yon.Makalipas ang ilang minuto ay ipinarada na ni Beckett ang kotse sa
As if on cue, Beckett’s mind went back to that day, especially when Alfred re-enacted exactly what the killer did that night. Naghuhubad ito ng pang-itaas na damit habang pinaglalaruan ang tinidor sa kanang kamay nito.Napatigil si Beckett sa paggalaw kasabay ng panginginig ng katawan niya. Ganoon na naman ang nangyayari. Tila napupuno ng dugo ang buong lugar gawa ng kan’yang imahinasiyon. Napigil na rin niya ang paghinga, at hindi niya namalayang nabitawan na niya si Vivianne.Gladly, Vivianne was sober enough to balance herself, but she was confused about why Beckett suddenly stopped walking when it was he who was eager to take her out of the house in the first place.“Beckett?” pagtawag ni Vivianne sa nobyo sa isang mahinang boses, pero hindi ito sumagot. Nanatili lang itong nakatitig kay Alfred kaya naman ay dumako rin ang kan’yang paningin sa ama.Kumunot ang noo niya nang makitang tanggal na ang pang-itaas nito, at nakaharap na sa kanilang dalawa. There, she saw the tattoo again
ISANG LINGGO na ang nakalipas mula nang sumugod si Beckett sa Allamino mansion. Pagkatapos no’n ay muli silang nagbalik sa kani-kanilang trabaho. Like before, they were doing their best not to get caught, lalo na ngayon at gumaganda pa lalo ang career nilang dalawa.“Joan, puwede mo bang kunin ‘yong isang blower doon sa kabilang kuwarto? Hindi kasi maganda ang buga nitong isa,” ani Vivianne habang inaayusan ang isang amateur model ng Syneverse Entertainment. “Kumuha ka na rin ng hair spray, just in case kulangin ito.”“Okay!” sagot ni Joan, ang assistant ni Vivianne, bago nito sinunod ang utos niya.Vivianne was still Beckett’s exclusive dress stylist, but she started to get out of her comfort zone, too. Nitong nakaraan lang ay sinubukan niyang mag-style ng buhok, at naging bagong hobby niya iyon. Her company was generous enough to let her pursue her new passion with amateur models.“Ito, Viv.” Ibinigay na ni Joan ang blower at hair spray pagkabalik nito.“Thank you.” Kumindat si Vivi
BECKETT STOPPED breathing for a second upon the mention of his late mother’s name. Ni hindi niya napansing nakakunot na pala ang noo niya habang nakakuyom din nang matindi ang kaliwang kamay. Mas lalo lang siyang binalot ng kaba dahil unti-unting itinuturo ng kan’yang mga natutuklasan ang relasyon ni Alfred sa ina noon. “Do you have his file?” tanong ni Beckett kay Nathan. Umiling si Nathan habang binabasa ang dokumentong hawak sa isang kamay. “Mayroon, boss. Pero kaunti lang ang laman nito. Ang hirap hanapan ng impormasyon ng bata dahil mukhang may pilit nagtatago no’n sa publiko.” Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Beckett. “Any idea or hunch who it is?” “Puwedeng ang mama mo boss, o kaya naman ang papa niya. Si Dyrus Hechanova.” Ini-scan ni Nathan ang file habang hinahanap ang nakalap na impormasyon tungkol kay Dyrus. “Ayon dito, magkasama sila ni Ma’am Ylona sa isang maliit na kumpanya at sabay din silang nag-resign. Pagkatapos no’n ay wala nang nakaalam pa kung saan
“I will not even ask you about this if I can’t handle what you’re going to say, Vivianne,” sagot ni Beckett. Malalim ang kan’yang boses at maging ang paraan ng pagtingin nito. “I just wanted to know the truth.” Tumango si Vivianne bago ngumiti nang malungkot. “Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat. Lahat-lahat.” Nagbalik ang isip ni Vivianne sa oras kung saan ay nandoon siya sa Allamino warehouse. Doon ginagawa ni Alfred ang mga ilegal na transaksiyon kung saan siya nagbebenta ng droga at mga babae. She didn’t like to be there, pero kung hindi siya pupunta ay baka kung ano ang gawin ni Alfred sa mama niya. Despite her lack of will, Vivianne endured all the trainings Alfred had prepared for her. Tapos na siya sa physical training dahil iyon ang inuna sa kan’ya noong bata pa lang siya, kaya ngayon ay focus na si Alfred sa pagtuturo tungkol sa negosyo at tamang pakikipagtransaksiyon. “Puwede na ba akong umuwi?” bored na tanong ni Vivianne bago sumulyap sa kan’yang wristwatch. “May trabaho pa
A FEW seconds later, Beckett was snoring heavily. Sa sobrang himbing ng tulog nito, kahit lumindol ngayon sa El Continental Hotel ay hindi siya magigising. Hinaluan kasi ni Vivianne ng pampatulog ang wine ni Beckett kanina.Hindi niya gustong umabot sa ganito ang lahat, pero alam niyang mahihirapan siyang iwan si Beckett kung gising ito. Beckett would surely stop him from leaving, at baka tuluyan siyang madala sa agos ng kan’yang damdamin.But their relationship needs to end now.“Mahal kita. Mahal na mahal kita…” bulong ni Vivianne habang hinahaplos ang pisngi ng binata. Patuloy rin sa pagtulo ang luha nito. “At sana, kapag nagkita tayo ulit, huwag mo akong patawarin.”Vivianne kissed Beckett for the last time before wiping her tears. Ilang saglit siyang tumitig sa lalaki bago tuluyang umalis. Sobrang hirap ang lumisan sa piling ng pinakamamahal niya, pero kung hindi niya ito gagawin, masisira ang buhay nila.Tahimik na lumabas si Vivianne sa kuwarto nila ni Beckett. She looked aroun
Hello, readers!Una po sa lahat, thank you po sa mga nagbasa ng story ni Beckett at Vivianne mula umpisa hanggang huli. Salamat po sa mga nagwa-watch ads, nagco-comment, nagbibigay ng reviews at gems, at bumibili ng coins para basahin ang next chapters. Kung hindi dahil sa suporta ninyo, hindi ko rin matatapos ang pagsusulat nito.Maraming salamat din po kay Ate Sophia at sa iba pang founders sa Wild Men Series! Sobrang saya ko na napabilang ako rito sa collaboration na ito.Ngayon po, ang ANNOUNCEMENT ko ay tungkol sa special chapters. If may curious sa inyo if may special chapters si Beckett at Vivianne dahil ganoon ang ending nila, YES PO. Pero bago ko pa man matapos ang story nila, matagal ko nang pinaplano na i-publish sila as a physical book at doon ilagay ang special chapters.Hindi pa ngayon, pero soon po ‘yan.Puwede rin po kayong mag-suggest kung ano ang gusto n’yong mabasa sa special chapters, and kung may message po kayo sa akin at sa story, go lang din po hahahaha. Sana po
ITINAAS ni Alfred ang kanang kamay, at lumabas ang lahat ng tauhan ng Allamino mafia. Ganoon din ang ginawa ni Beckett, at nagsilabasan din ang mga tauhan niyang nagtatago lang sa puno at mga damuhan kanina.Seeing how the two leaders are determined to clash with each other, it only means one thing: this place will be in bloodshed soon.At ganoon na nga ang nangyari. Nagsimulang maglabanan ang mga tao sa pagitan ni Beckett at Alfred. Dumanak ang dugo, at maraming buhay ang nawala. It was a long-time war between the two of them, and Beckett won.Ngayon ay nasa harapan na sila ng isa’t-isa. Si Alfred ay nakaupo sa sahig habang puno ng sugat at pasa ang katawan dahil sa pambubugbog ni Beckett sa kan’ya, habang si Beckett naman ay nakatayo. Nakatutok ang baril nito kay Alfred.“I know you want to kill me… But why can’t you fucking pull the trigger?” tanong ni Alfred habang nakangisi. “Bumalik na naman ba ang takot mong pumatay ng tao?”“Hah.” Beckett clicked his tongue, annoyed.Ngunit hin
SA GALIT ni Alfred, lumapit siya kay Vivianne sa malalaking hakbang bago hinawakan ang kuwelyo ng damit nito. “Bawiin mo ‘yang sinabi mo.”“Hindi kita tatay para sundin ka.” Ngumisi si Vivianne, lalo na nang makitang mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata ni Alfred. “Kahit kailan, hindi kita itinuring na ama dahil wala akong demonyong ama kagaya mo—”Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin dahil bigla na lang binitiwan ni Alfred ang kuwelyo niya at sinampal siya. Hindi lang isa, kun’di tatlong beses.Vivianne smiled painfully. ‘Yong masayang pamilyang pinapangarap niya… Kahit kailan ay hindi niya makukuha ‘yon. At kailangan niyang tanggapin ang masakit na katotohanan.“Wala kang modo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa ‘yo, ganito ang igaganti mo sa akin? Ang labanan ako at insultuhin?!” Pumalibot ang sigaw at galit ni Alfred sa buong office.Natawa si Vivianne nang sarkastiko. “Wala akong modo? At para sa akin ang lahat ng ginawa mo? Bakit, tinanong mo ba muna kung gusto
PAGKATAPOS no’n, pinag-usapan nila magdamag kung ano ang susunod nilang plano. Nagkasundo sila sa isang bagay. Itatakas nila si Ella sa ospital, at ituturok ang panibagong gamot na ginawa ni Beckett upang magising ito.“I will distract Alfred and his men,” ani Beckett bago itinuro ang kanang bahagi ng footprint. “We will go here, since Ella’s room is on the left side of the hospital. And while we’re here, use the opportunity to escape with your mother.”“Pero delikado ‘yon.” Umiling si Vivianne. “Baka napaghandaan ‘to ni Alfred, at ipapatay ka sa mismong ospital. Kayang-kaya niya ‘yon gawin. Maniwala ka sa akin.”“I believe you, but it doesn’t matter. What’s important for me right now is to save your mother, and fullfil my promise to you…” Muling humalik si Beckett sa noo ng asawa. “So let’s do this… and see the end together.”KINABUKASAN ay oras na para maisakatuparan ang plano. Nandoon na sa parking lot si Beckett, maging ang mga tauhan na magpapanggap bilang doktor, nurse, at janit
NAGPUNTA si Alfred sa ospital matapos no’n para tingnan ang kalagayan ni Ella. He’s making sure Ella will be alive, but not enough to wake her up. Ipagagamot niya lang ito sa oras na sumunod si Vivianne sa mga kagustuhan niya.Pero tila hindi yata umaayon sa kan’ya ngayon ang tadhana, dahil laking gulat na lang niya nang makitang kalalabas lang ni Vivianne sa kuwarto ni Ella, at may hawak itong isang malaking maleta.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ni Alfred sa isang malalim at galit na tono. “Iiwan mo ang nanay mo para sa lalaking 'yon?”“Kakapaalam ko lang sa kan’ya kanina, at sigurado akong maiintindihan niya ako,” sagot naman ni Vivianne.“How can she understand if she's already dead?”“She won’t die.” Nagtiim ng bagang si Vivianne, ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili. Hindi ito ang oras para makipag-away siya sa ama. Sobra na rin siyang pagod sa dami ng nangyari. “Aalis na ako.”Humakbang si Vivianne paabante, at akala niya ay hindi na magsasalita ang ama, ngunit nagkamali
“TWENTY million dollars.”“Twenty million? Dollars? Nahihibang ka na ba?!” biglang sigaw ni Vivianne nang mapagtanto kung ano ang gustong gawin ng asawa. “Huwag! Masyadong malaki ang pera na ‘yon! Iwan mo na lang ako rito!”“Shut up, lady,” saad ni Raul sa malalim na boses. Nakakunot ang noo nito at mukhang naingayan dahil sa pagsigaw ni Vivianne sa lenggwaheng hindi naman niya maintindihan.“Non maledire con mia moglie, Raul.” [Don’t curse at my wife.]At hindi rin naman nagustuhan ni Beckett ang ginawang pagsita ni Raul sa asawa, lalo na ang tono ng boses nito. Sumama ang tingin niya kay Raul, ngunit mabilis din naman niyang napakalma ang sarili.“So, is this enough for you to buy guns from their organization?” tanong ni Beckett bago itinaas ang diamond card. “You have collateral, and remember how I saved your ass when we’re in elementary school?”Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi lang basta magkakilala si Raul at Beckett. Magkaklase sila noon, at nang may magtangkang gumulpi kay Ra
“DON’T talk shit with me. Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit siya nawawala.” Lumapit si Beckett kay Alfred. Halata na ang galit sa mga mata nito. “Saan mo siya dinala?”“Hindi ko alam. Alin doon ang hindi mo maintindihan?” Padabog na inilagay ni Alfred ang diyaryo sa gilid bago tinapatan ang masamang tingin ni Beckett. “And don’t forget that you’re in my territory. Kaya kong pasabugin ang bungo mo ngayon mismo.”Ngumisi si Beckett. “Kung talagang balak mo ‘yon gawin, dapat kanina pa.”“Saka na, kapag nasa akin na ang lahat ng yaman mo.”Nang marinig ni Beckett ang mga katagang ‘yon, hindi niya mapigilang mapahalakhak. Tama nga ang hinala niya—Na may ibang binabalak si Alfred kaya pumayag ito sa kasal nila ni Vivianne, at kaya pilit siya nitong pinakikisamahan.“Mangarap ka lang,” bulong ni Beckett habang nag-iigting ang panga. “Mahahanap ko siya, kahit gaano pa katagal. Mark my words, Alfred Allamino.”Tumalikod na si Beckett at aalis na sana ng mansiyon, ngunit napatigil siya nang
KAAGAD nahampas ni Beckett ang pader nang maisip ‘yon. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Binilisan niyang maghanap ng papel at ballpen para isulat doon ang mga nasa isip niya.Mabuti na lang at memorize niya pa ang ingredients, at alam niya rin ang mga gamot na puwedeng makagulo sa chemicals.Dahil sa walang katapusang pag-iisip, naging mabilis tuloy para kay Beckett ang tatlong araw na lumipas. Ni hindi niya namalayang dalawang beses sa isang araw na lang pala siya kumakain, at halos buong araw ay nakaupo lang siya sa gilid at nag-iisip.Halos isang buong notebook na ang nasulatan at na-drawing-an niya ng kung anu-ano. Everything was settled, kaya naman ang kailangan na lang niyang gawin kapag nakalabas ay pumunta sa warehouse at i-test ang lahat ng naiisip niya.“Kung tama nga ang naiisip ko, ibig sabihin ay ‘yong isa pang ininom ni Ella ang dahilan kung bakit siya na-comatose. It was the reason for her nosebleed, too,” bulong ni Beckett habang nakatitig sa notebook niya.Nabo-bo
PUMASOK na si Vivianne sa loob ng kuwarto ng ina. Umupo siya sa gilid nito habang tahimik na umiiyak. Hindi siya mapakali dahil kanina lang ay nakakausap niya pa ito nang maayos, ngunit ngayon, para na itong lantang gulay. Namumula ang balat, at nakaratay sa kama.“Ma… I’m sorry,” bulong niya sa ina at bahagyang pinisil ang kamay nito.Pakiramdam ni Vivianne, kasalanan niya ang lahat ng nangyari. She couldn’t blame anyone on this, pero kanina ay sumabog na siya sa dami ng problemang pinagdaraanan.Her trauma hasn’t healed yet. Malaki ang trust issues niya. Alam niya rin na dapat hindi naging ganoon ang trato niya kay Beckett kanina, lalo na at gusto lang naman nitong tumulong. But because of what happened, her walls were up again.“I’m sorry, Beckett…” aniya, at maya maya ay tuluyan nang bumuhos ang luha nito.Pero lingid sa kaalaman ni Vivianne, sumunod si Beckett sa kan’ya. Nabuksan na nito ang pinto at handa na sanang pumasok sa loob, pero nang makita kung gaano kalungkot si Vivian