Share

Beautiful Mistake
Beautiful Mistake
Author: iammasteryel

Chapter 1

Author: iammasteryel
last update Last Updated: 2023-09-07 22:05:54

Sunshine's Point Of View

"BABE, what are you saying?" tanong ko sa boyfriend kong si Bryan.

Nasa rooftop kami ngayon ng bahay namin. All set na siya, may mga rose petals sa bawat daraanan, may mga balloons na nakasabit lang kahit saan, tapos may tali pa sa gitna na kung saan ay doon isinampay ang mga litrato naming dalawa. Mayroong magkahawak ang mga kamay namin habang nakatalikod at nakasandal ako sa balikat niya, may naka-kiss siya sa pisngi ko at kunwari ay shock ako, at marami pang iba na mga happy moments na p-in-icture-an naming dalawa ng magkasama. It was a romantic place for me. Kahit ako ang babae sa aming dalawa, ako pa rin ang nag-prepare ng lahat. Gusto ko kasi siyang i-surprise. Gusto ko siyang pakiligin kahit ngayon man lang. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya ka-mahal. Na ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Pero 'yung sayang naramdaman ko ay biglang nawala nang magsimula na siyang magsalita.

"What I'm saying is... I'm sorry," nakikita ko 'yung lungkot sa mukha niya. Pero hindi ko yata makakaya 'yung sinabi niya. Ayokong tanggapin kasi hindi ko alam kung makakaya ko ba.

"Shine, let's end this. Ayoko na." patuloy pa niya.

"Babe, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit bigla-bigla mo na lang sinasabi 'yan ngayon? Hindi mo ba nagustuhan 'yung surprise ko sa 'yo? Hindi ka ba natutuwa na nakaabot tayo ngayon ng tatlong taon?"

Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Dapat ba akong magalit sa kanya kasi, all of a sudden ay makikipaghiwalay na siya sa akin?

"Kagabi, may natanggap akong e-mail galing sa in-a-apply-an kong trabaho at c-in-o-congratulate nila ako dahil hired na raw ako. Shine, alam mo naman na ito talaga ang pangarap ko sa simula pa lang, diba? Alam mong mahal na mahal ko ang pagiging Photographer ko. Sabi nila sa akin, by tomorrow daw ay dapat nando'n na ako sa America para makapagsimula na ako sa trabaho ko. Alam mo, ang dami ngang projects na binigay agad sa akin, eh." nakan-ngiting sabi niya. Pero nakikita ko pa rin 'yung langkot sa mukha niya. "Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako rito. Ang alam ko lang ay aabutin ng taon ang pag-stay ko do'n." patuloy pa niya.

"Babe, hiwalayan ba talaga ang solusyon d'yan? Hindi naman kita pinipigilan, eh. At wala akong balak na pigilan ka. Natutuwa pa nga ako kasi 'yung pangarap mong magtrabaho sa ibang bansa ay matutupad na sa wakas. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan mo pa akong hiwalayan. Don't you love me?"

"I do love you,"

"Pero bakit? Papayag naman akong malayo ka sa tabi ko tutal may cellphone naman para maging connected pa rin tayo sa isa't isa. Iisipin ko na lang na nasa bahay ka lang ninyo at ako naman ay nasa bahay lang din. Hindi nga lang tayo magkikita pero Babe, may Skype naman diba? Puwede pa rin tayong makapag-usap 'dun. Iisipin ko na lang na nand'yan ka lang, hindi malayo sa akin." halos mangilid na ang luha sa mga mata ko. Ayoko kasi talaga siyang mawala sa akin. Siyempre, mahal na mahal ko siya, eh.

"Shine, hindi 'yon gano'n kadali."

Hindi ko siya maintindihan. Mahirap bang gawin ang mga sinabi ko? "So ano, itutuloy mo talaga ang break up-an? Sasayangin mo na lang 'yung tatlong taon natin na magkasama?"

"For the sake of my dreams, yes."

Gusto ko siyang suntukin ngayon sa totoo lang. Mas masakit kasi ang suntok kaysa sa sampal kaya 'yun ang gagawin ko. Pero nakakainis lang, bakit hindi ko magawa!?

"How dare you? Hindi mo man lang ba inisip na may masasaktan d'yan sa gagawin mo? Di mo man lang ba inisip ang nararamdaman ko?"

"Inisip ko 'yun. Kaya lang gusto kong mag-focus sa tranbaho ko. Ayoko nang may um-i-istorbo sa akin." napantig bigla ang tainga ko dahil sa huling sinabi niya.

"So, istorbo pala ang tingin mo sa akin? Sorry ha?" napakagat ako sa labi ko. Please luha, 'wag ka munang pumatak. Please? Please?

"Ang gusto ko lang naman kasi ay 'yung iparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal kahit ang layo mo pa sa akin. Pero kung istorbo ang tingin mo 'dun, then fine! Umalis ka. Puntahan mo 'yung pangarap mo at huwag na huwag ka nang babalik at magpapakita pa sa akin kahit kailan!" napasigaw na ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

"Shine..."

"Alis!"

Hindi na niya ako kinontra pa at umalis na nga. Nang mawala na siya sa paningin ako ay automatic na nanlambot ang mga tuhod ko at napa-upo na lang ako sa sahig. Nararamdaman ko na rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Bakit siya gano'n? Mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Ang unfair niya! Hindi man lang ba niya naisip na masasaktan ako ngayon nang sobra?

Ayoko siyang mawala sa akin. Pero siya na itong nagbigay ng rason para layuan ko na lamang siya. Ayokong ipagpilitan ko pa 'yung sarili ko sa kanya na alam ko namang hindi rin ako magwawagi.

Huminga muna ako nang malalim saka pa sumigaw ng napakalakas at kasabay no'n ay ang pagsira ko sa mga gamit na nakikita ko. Lahat, pati 'yung mga pictures namin dalawa.

"Sunshine, hija? Anong nangyari?" napalingon ako sa babaeng nagsalita. Kaagad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"What happened?" ulit niya.

"Mom... Hindi niya po siguro ako mahal," umiiyak na ako no'n. Kahit hindi ko na sabihin kung sino ang tinutukoy ko ay alam na niyang si Bryan 'yun. Open naman kasi kaming dalawa ni Bryan sa parents namin.

"What are you saying? Umabot kayo nang ganito katagal tapos sasabihin mong hindi ka niya mahal? Ano 'yun, all this time ay niloloko ka lang pala niya?"

Umiling ako sa sinabi niya. "No. Alam kong mahal niya ako, ramdam ko 'yun at sinabi niya 'yun sa akin kanina. Nagkataon lang na mas mahal niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Hindi ko na po alam. Gusto kong paniwalain 'yung sarili ko na mahal nga niya talaga ako, pero iniwan niya po ako. He broke up with me!" wala akong pakialam kung nakikita man ngayon ng Mama ko ang pag-iyak ko. Gusto ko lang ilabas 'yung sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangan niya pa akong hiwalayan kung mahal nga niya talaga ako? Hindi ko lang kasi matanggap 'yung kababawan ng rason niya."

"Anak, baka naman may iba siyang dahilan kaya niya ginagawa ito?"

"Then what is it, Mom? Ano 'yun? Willing naman akong makinig kung may problema man siya, eh. Para ano pa't naging Girlfriend niya ako diba?" hindi na siya sumagot pa at niyakap na lamang ako. Hindi pa rin matigil ang luha ko sa pagpatak. Ang sakit lang kasi talaga isipin na nakikipaghiwalay siya dahil lang sa ayaw niyang may um-i-istorbo sa kanya. Ang babaw lang no'n diba?

"Magpahinga ka na muna, ok? At kung ok ka na bukas, kung gusto mo mag-usap ulit kayo nang maayos." hinaplos pa niya ang likuran ko saka inalalayang tumayo. Mas mabuti pa nga siguro kung ipagpapahinga ko na muna ito. Baka sakaling pagdating ng bukas ay magbabago rin ang isip ni Bryan.

▫▫▫🎈▫▫▫

Patrick's Point Of View

"YES, Pare, uuwi ako d'yan sa Pilipinas." Sabi ko sa kabilang linya nang naka-ngiti. Gusto ko kasi silang i-surprise lahat. Lahat ng Ka-tropa ko, parents ko, ang best friend kong si James na kausap ko ngayon, at ang Girlfriend kong si Rhian.

Ang alam nila ay nasa Canada ako ngayon, nagtatrabaho bilang isang writer. Well, galing naman talaga ako 'dun. Ang hindi lang nila alam ay nasa Pilipinas na pala ako ngayon. Yes, sinabi ko nga sa kanya na uuwi ako pero hindi ko sinabi kung kailan. Haha. Bahala sila mag-isip kung kailan ako darating.

[Seryoso ba 'yan, Pare?] tanong niya.

"Bakit, ayaw mo bang umuwi ako?" Natatawa kong tanong.

[H-Hindi naman sa gano'n. A-Ano lang...]

"Oh, wala ka namang atraso sa akin pero bakit parang kinakabahan ka d'yan? Bakit ka nauutal?" natatawa kong tanong sa kanya.

[Wala naman. Haha. Sige, Pre! Busy kasi ako, eh.]

Natatawa pa rin ako nang ibinaba ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa. Hindi ko siya maintindihan kung bakit 'yon ang inasta niya pero natatawa pa rin ako sa kanya.

"Manong ihinto mo," kaagad kong sambit sa Taxi driver nang may mahagilap ang mga mata ko. Huminto naman kaagad ang sasakyan pagkatapos.

"Bakit ho, Sir?"

"Saglit lang." Sabi ko sabay labas ng sasakyan. Tinutukan ko muna siya nang mabuti kung hindi ba ako namamalikmata lang at nang makaharap na talaga siya, hindi na ako puwedeng magkamali. Ang putek! Akala ko ba ay busy siya? Pero bakit anong ginagawa niya dito sa labas ng Starbucks?

Sinabihan ko si Manong na may pupuntahan lang ako saglit. Pumayag naman siya kaagad kaya nilapitan ko na si James. Nang hindi pa niya napapansin na paparating na ako ay bigla ko na lamang sinuntok ang pisngi niya pero hindi naman kalakasa. Gano'n kasi ang nakasanayan ko sa kanya kapag na-mi-miss ko siya. Sinusuntok sa pisngi. Haha. Nang makita niya kung sino ang sumuntok sa pisngi niya ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Hindi ko maiwasan ang tumawa nang makita ang mukha niyang gulat na gulat. Haha. Tae.

"P-Partrick?" mas lumakas pa ang tawa ko nang makita ang pagmumukha niya.

"Priceless, Pre. Priceless 'yung hitsura mo. Haha."

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay ako naman ang sinuntok niya sa pisngi. "Loko ka! Ang sakit 'non, ah!" nagtawanan na lamang kami pagkatapos niyang magsalita.

"Kumusta ka naman?" tanong ko agad.

"Walang nagbago. Guwapo pa rin."

"Wala ngang nagbago. Mahangin ka pa rin. Haha."

"Baliw!"

"Eh si-"

"Sweety?"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang magsalita. Isang boses ng babae. Ang boses na matagal ko nang gustong marinig ulit. Napangiti ako saglit. Pero nawala rin ang ngiting iyon nang may na-realize ako sa tinawag niya. Hindi pa man ako makapagsalita ay nakita ko na siyang nasa tabi ni James at kaharap ko na ngayon. Gusto kong matuwa kasi sa wakas ay nakita ko na ulit siya. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko, eh. Parang... May mali.

"P-Patrick?" Kagaya ni james ay gano'n na gano'n din ang naging reaksiyon niya nang makita ako. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay hindi ko mahanap ang dila ko o di kaya ay kung may boses pa ba ako. Hindi ako makapagsalita.

"Oh my God, Patrick! Kailan ka pa dumating? Sana nagpasabi ka! Grabe, na-miss kita!" sunod-sunod niyang sabi. Napayakap pa siya sa akin at sa paglapat ng balat niya sa balat ko ay doon lang ako muling natauhan. Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siya nang seryoso. Napatingin rin ako kay James.

"Sa pagkakaalam ko, hindi 'sweety' ang tawagan nating dalawa." Natahimik si Rhian sa sinabi ko.

"No. Sweety ba 'yung sinabi ko? Sabi ko, Baby." Dahilan niya sabay yakap ulit sa akin pero humiwalay ako. "H'wag mo nga akong gaguhin! Hindi ako bingi at hindi ako puwedeng magkamali na hindi ako ang tinawag mo. Obvious din naman, diba?"

"Pare..."

"Hindi ako tanga para hindi kaagad mapansin 'yun. Sa pagtawag mo pa lang, alam ko nang may maling nangyayari. Ngayon pa na nagulat kang nakita ako? Tell me, kailan niyo pa ako niloloko?" hangga't kaya ko pang mag-pigil, pipigilan ko ang sarili ko. Kung maaari ay ayokong mag-iskandalo rito.

"Baby, ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka namin niloloko at saka, bakit ka naman namin lolokohin? Mahal kita." Muli siyang yumakap sa akin. Sinandal pa niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Isang tanong, isang sagot. Kayo ba?" walang sumagot sa tanong ko kaya napilitan akong lakasan ang boses ko. "Kayo ba!?"

"Oo!" napatingin ako kay James. Hayop ka, James! Paano mo 'to nagawa sa akin?

"James..." si Rhian sabay hinawakan ang braso ni James. Siguro sign 'yon na huwag nang ituloy ang kanyang sasabihin. So, totoo nga?

"Five years na kaming dalawa." patuloy pa ni James. Dahil sa galit ko ay hindi ko na nakayanan pa at sinuntok na siya ng malakas. Wala akong pakialam kung marami man ang makakakita sa amin dito ngayon. Gusto ko lang talaga ipakita sa kanya kung gaano siya ka-gago!

"Walang hiya ka, James! Bakit mo 'to nagawa sa akin!? Bakit niyo ako niloloko!?" sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kwelyo ng damit niya at sinuntok ulit pero hindi siya nanlaban. Inawat kaming dalawa ni Rhian pero hindi ko siya pinapansin. Nang makaramdam na ako ng pagod ay huminto rin ako. Binitawan ko na rin ang kwelyo niya at tumayo.

"Three years," sabi ko. "Three years akong nagtrabaho sa malayong lugar. Three years kong tiniis 'yung pagka-miss ko sa 'yo, tiniis ko 'yon dahl mahal kita, Rhian! Mahal na mahal! Tiniis ko ang lahat para sa 'yo. Pero hindi pa pala ako nakakaalis sa tabi ko ay may namamagitan na pala sa inyo ng unggong na 'to!?" sigaw ko sa kanilang dalawa. "Bakit mo nagawa sa akin 'to? Hindi pa ba ako sapat sa 'yo? Nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sa 'yo?"

Gusto kong magwala, sa totoo lang.

Napatingin naman ako sa direksiyon ni James na ngayon ay naka-upo lang sa sahig at himas-himas ang duguan niyang pisngi. "At ikaw naman, James! Pre, parang kapatid na ang turing ko sa 'yo! Ikaw pa naman itong pinagkakatiwalaan ko sa lahat, pero ito ang ginawa mo. Iniwan ko si Rhian sa 'yo para alagaan mo, hindi para ibigay sa 'yo!"

"Patrick, I can explain everything." sabi ni Rhian sabay hawak sa kamay ko. Umiling lang ako.

"No need. Magsama na lang kayo!" sabi ko sbay alis sa harapan nilang dalawa. Kita kong marami nang tao ang nakikiusyuso pero hindi ko na 'yun pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sumakay na sa Taxi na sinasakyan ko kanina.

"Buwisit!" sambit ko. Napasabunot pa ako sa sariling buhok dahil sa inis. Shit! Bakit nila ako pinagkaisahan? Pinagmukha nila akong tanga. Akala ko mahal niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Pero puta! May kahati pala ako sa puso niya. Ang nakakainis lang do'n, best friend ko pa. Bakit niyo ito nagawa sa akin?

"Nakita ko ho ang pag-aaway niyo kanina. Gusto kong tumulong, pero hindi ko po gawain ang mangialam. Sa nakita ko, parang pinagpalit ka ng Girlfriend mo sa ibang lalaki."

Gusto kong mainis kay Manong. Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa akin na niloko ako ng Gilfriend at best friend ko? Argh! Kainis sila!

"Sa bar ho tayo, Manong." sabi ko na lang.

"Maglalasing ho kaso, Sir? Naku, kahit naman po ilang bote pa ng alak ang inumin mo, hindi pa rin naman mawawala 'yung sakit na nararamdaman mo."

"Akala ko ba ayaw mong mangialam?" napakamot na lamang siya. "Alam kong di mawawala 'yung sakit. Pero kapag ininom ko ito, mawawala pa rin 'yon kahit saglit lang. Kahit saglit lang, ayoko muna silang isipin."

▫▫▫🎈▫▫▫

PAGKARATING ko sa bar ay kaagad akong umupo sa counter. Sumenyas lang ako ng 'isa' at automatic na nilagyan ako ng isang bote ng beer sa harapan ko. Pagkalagay ay kaagad ko iyon tinungga.

"Shit!"

Ilang ulit ko pa ba sasabihin ang salitang 'yan? Hindi ko lang talaga matanggap na niloko nila akong dalawa. Ang sakit lang, eh. Kung sino pa 'yung pinagkakatiwalaan mo nang husto, siya pa 'yung tatraydor sa 'yo. Pinagkatiwalaan ko sila, pero ito ang isinukli nilang dalawa. Argh! Buwisit na buhay 'to!

Hindi lang isa, dalawa o tatlong bote ng beer ang nainom ko. Hindi ko na nga mabilang, eh. Nahihilo na kasi ako at parang domodoble na 'yung paningin ko.

"Boss, kaya mo pa ba?" napatingin ako doon sa nagtanong. Ang sarap niyang sapakin!

"Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya 'yung sakit. P*tang *na nilang lahat! Bakit nila ako niloko!? Shit! Nagmahal lang naman ako, eh! Pero bakit ako nasasaktan nang ganito? Kainis!" nahihilo na talaga ako. Sinubukan kong tumayo pero napa-upo rin pabalik. Bakit gano'n? Lasing na ako. Natamaan na ako ng alak pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit naaalala ko pa rin sila?

"Ano pong address niyo, Sir? Ipapahatid ko na kayo." sabi sa akin ng bartender. Pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko at winawagayway. Sign na ayoko.

"Huwag na. Kaya kong umuwi mag-isa." Sabi ko sabay tayo ulit. Nang ok na ay nagsimula na akong maglakad palabas ng bar.

▫▫▫🎈▫▫▫

HINDI kalayuan ay may nakita akong babae sa gilid, malapit lang sa bar. Naka-upo siya at parang... Umiiyak? Hindi ko alam. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nga sa domodoble na ang paningin ko at madilim na rin. Ang tagal ko pala sa bar na 'yon, ang dami ko nang nainom pero hindi rin naman tumalab.

Habang nag-aantay ng Taxi na dadaan ay hindi ko maiwasan na ibaling ang tingin doon sa babae sa gilid. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero napapatingin ako kahit hindi ko naaninag ang mukha niya. Pero parang may kahawig siya sa posisyong iyon... Si Rhian!

Sinadya kong lumapit sa kanya, hindi para sisihin siya kundi para suyuin siya. Ayokong mawala sa akin si Rhian. Ayoko. Mahal na mahal ko siya at handa akong kalimutan ang nangyari, bumalik lang siya sa akin.

Pagkalapit ko sa kanya ay kaagad ko siyang niyakap. "Tell me you love me, tell me you need me at kakalimutan kong niloko mo ako. Please, just say you love me." Pagmamakaawa ko habang nakayakap na sa kanya.

"Let go of me!" tinutulak niya ako palayo pero hindi ko siya pinansin at niyakap ko pa rin siya. Nang sinubukan niyang itulak ako sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan ko na siya. Noong una ay nanlaban siya, pero hindi nagtagal ay humina ang pagtulak niya sa akin at sa gulat ko ay tumutugon na siya ngayon sa halik ko. Wala akong pakialam kung may makakakita man sa amin ngayon, ang gusto ko lang gawin ay ang halikan ang taong mahal ko. Hindi ko alam kung na-miss ko lang ba siya o talagang masarap talaga ang halik niya noon pa man? Parang ayoko nang itigil ito.

"I love you, Babe!" I said between our kisses. Di siya nagsalita at hinalikan ko na ulit siya.

"Please don't leave me. I love you too." Hindi ko alam kung bakit 'yun ang sinabi niya. Ako dapat ang magsabi no'n sa kanya, na sana 'wag niya akong iwan. Na 'wag niya akong ipagpalit kay James. Lihim akong napangiti nang malaman kong mahal niya talaga ako. Na mas pipiliin niya ako than James.

And the next thing I know, nararamdaman ko na lang na parang nasa isang malambot na bagay kaming dalawa, nakahiga at patuloy pa rin na naghahalikan.

Related chapters

  • Beautiful Mistake   Chapter 2

    Patrick's Point Of ViewNAGISING ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw. Nakabukas pala ang kurtina.Napahawak naman ako sa ulo ko na medyo sumasakit. Naalala ko, may nangyari nga pala sa aming dalawa ni Rhian. I can't believe na pumayag siya. Sinubukan ko na kasi dati na gawin ito pero hindi siya pumayag. Ang sabi niya, ibibigay lang daw niya 'yon kapag kasal na kaming dalawa, and I respect her decision. Pero laking pagtataka ko nang pumayag siya kagabi.Napatingin ako sa kanang banda ko and I saw her, nakatalikod sa akin at mahimbing na natutulog. Niyakap ko naman siya galing sa likuran."Good morning, Babe!" Hindi ko intensiyon ang gisingin siya pero naramdaman ko na lang na unti-unti na siyang gumagalaw paharap sa akin at nagulat ako nang hindi mukha ng taong mahal ko ang nakikita ko ngayon. Teka, s-sino siya? Magre-react pa sana ako nang maunahan niya akong sumigaw."Aaahhh!" sigaw niya sabay takip ng kumot sa katawan. Napatakip na rin ako ng kumot sa katawan ko dahil kahit hindi

    Last Updated : 2023-09-07
  • Beautiful Mistake   Chapter 3

    Sunshine's Point Of View"SINABI ko naman sa 'yo, 'di ba? Habang maaga pa ay hiwalayan mo na siya. Kasi pinagmumukha mo lang siyang tanga, eh," sabi ko sa ka-chat ko.Nasa bahay lang ako ngayon, nag-i-internet. Ka- chat ko ngayon ang long-time friend ko sa facebook. Yes, sa facebook lang talaga. 'Di ko pa siya na-mi-meet sa personal pero sa tingin ko, mabait naman siya. Ang gaan niya rin kasing kausap. Ang tagal na rin nang huli kaming mag-usap. Alam ko 'yung tungkol sa love life niya, siyempre."Alam kong kasalanan ko, pero anong magagawa ko? It was a dare game!""Yeah, I know." Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, kung sa kanya ba o doon sa niloko niya."Puwede ba tayong magkita?"Napatigil ako sa tanong niya. Hindi naman ako busy. Saka, bored din naman ako sa bahay so... gora na lang!"Uy, ano na?""Okay."Pagkatapos niyang sabihin ang address na pagtatagpuan namin ay kaagad akong naligo at nagbihis. Woah! First time kong makita ang mukha niya sa personal.▫▫▫🎈▫▫▫"Nasaan kaya si

    Last Updated : 2023-09-07
  • Beautiful Mistake   Chapter 4

    Sunshine's Point Of View"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?""Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?""Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa akin. Is he already falling for me? Hindi ko rin masasagot ang tanong niya. Parang ang bilis lang kasi ng pangyayari. Dapat nga, ako ang magtanong niyan sa kanya, eh. Am I falling for him that fast? Hindi ko talaga alam. Parang nakakatanga lang isipin na strangers pa lang kami pero ganito na ang nararamdaman namin sa isa't isa. Who on earth can tell me what's happening to me? Simula kasi noong mangyari sa amin iyon, siya na palagi ang laman ng utak ko. At ngayon namang nagkita na kami, hindi ko maipaliwanag 'yung sayang nararamdaman ko."Hindi ko alam."'Yon na lang ang isinagot ko sa kanya. Napaupo kami doon sa inupuan ko kanina."Hindi ka ba natatakot sa akin?" bigla niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya na

    Last Updated : 2023-09-13
  • Beautiful Mistake   Chapter 5

    Sunshine's Point Of View"KUMUSTA ang usapan niyo?" tanong ko sa kanya nang kami na lang dalawa. Pero imbis na sumagot ay hinalikan na lang niya ako sa labi. Bakit ang hilig niyang humalik? Hobby lang?"Nagtatanong lang naman ako, eh. Hindi ko sinabing halikan mo ako.""Bakit, ayaw mo?" Gusto! Hahaha."Ewan ko sa 'yo!" 'Yon na lang ang nasabi ko. Nasa park kami ngayon, nakaupo sa isang bench at kaharap namin ang isang simbahan. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pero pagkatapos ng ilang segundo ay siya rin ang bumasag noon."Malaki ang dapat na ipagpasalamat ko sa Diyos." Napatingin naman ako sa kanya."Bakit naman?""Kasi, pinagtagpo niya tayo."Bigla-bigla ay parang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa puso ko. Shit! Aish! Feeling ko, namumula ako ngayon. Patrick naman, eh! 'Wag mo nga akong pakiligin!"It was a big mistake at first. But that was the mistake na hindi ko pinagsisisihan at nagbigay ng saya sa buhay ko ngayon. That was the best and most beautiful mista

    Last Updated : 2023-09-22
  • Beautiful Mistake   Chapter 6

    Sunshine's Point Of View"BABE may gagawin ka ba ngayon?"Katatapos ko lang maligo nang may natanggap akong text galing kay Patrick."Wala naman. Bakit?"Habang hinihintay ko ang reply niya ay nagbihis na ako ng damit. Parang trip ko ngayong mag-mall. Isama ko kaya si Princess?"Wala lang. Ipakikilala lang sana kita sa mga kaibigan ko. Ano, free ka ba? I'll fetch you later."Hala! 'Di ako prepared! 'Di ako nakontento sa text niya kaya naman tinawagan ko siya."Uy, 'di ako prepared!" bungad ko."Kaya nga kita sinabihan ngayon, 'di ba? Haha.Pupuntahan kita diyan mamaya.""Err. Baka hindi nila ako gusto?" Baka kasi mamaya, lalaitin lang nila ako, eh."Hindi talaga. Kasi, ako lang dapat."Medyo loading ako doon sa sinabi niya, pero nang ma-realize na ang sinabi niya, feeling ko ay namumula na ang mukha ko. Gosh!"Okay, sige na. Pero puwede ko bang isama si Princess?" Natahimik siya saglit sa tanong ko. Okay naman na sila, 'di ba?"Okay."Good."Sige na, ibababa ko na 'to." Papatayin ko n

    Last Updated : 2023-09-26
  • Beautiful Mistake   Chapter 7

    Sunshine's Point Of View"GUYS, hindi na akomagtatagal, ha? Baka kasi hinahanap na ako sa 'min. 'Di pa naman ako nagpaalam kanina," paalam ko sa kanila. Nagmo-movie marathon na kami ngayon. Pasado alas diyes na kasi kaya uuwi na ako. Si Princess, kanina pa siya nakauwi pagkatapos lang din kumain."Sige, Sunshine! Ingat na lang sa pag-uwi." "Balik ka ulit dito!""Next time, magdala ka na ng chicks, ha?"Natawa na lang ako doon sa huling nagsalita. Sino ba sa tingin niyo ang mahilig sa babae?"Kahit kailan ka talaga, Darwin! Puro na lang babae ang laman ng utak mo," saway sa kanya ni Miko. Tumawa lang siya."Hatid na kita," presenta naman ni Patrick sabay lahad ng kamay. Kinuha ko naman iyon at sabay kaming naglakad."Hoy! Bilisan mo lang, ha? Baka kasi kung ano pang kababalag—""Ulol!"Natigil lang sa pagsasalita si Darwin nang batuhin siya ng throw pillow ni Patrick sa mukha. Nailing na lang ako dahil sa kanila. Kahit ganito ang pinaggagagawa nila, natutuwa pa rin ako sa bonding nila.

    Last Updated : 2023-10-03
  • Beautiful Mistake   Chapter 8

    Sunshine's Point Of ViewMAINIT. Sobrang init ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Bawat pagdampi ng labi niya sa katawan ko ay siya rin namang kilabot ang nararamdaman ko. Nakakapanindig-balahibo ang kanyang mga halik. He's kissing me hard and I response. Shit. This feeling. Once again, nasa isang malambot na bagay na naman kami nakahiga at patuloy na naghahalikan. But this time, pareho na kaming nasa katinuan. We didn't stop kissing until we were both gasping for an air."I love you, Babe!" sabi niya sa pagitan ng halik."I love you too, Babe!"His kisses become harder at nararamdaman ko na rin ang pagiging malikot ng kanyang mga kamay. Kung saan-saan na lang ito napupunta. Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa na-realize ko na lang na nasa ibabaw ko na pala siya. He took off my dress at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. I took off his shirt, at kitang-kita ko naman ang napaka-yummy niyang pangangatawan. Nakakasilaw! Basang-basa na ito ng pawis, na siya namang nakakadagdag

    Last Updated : 2023-10-05
  • Beautiful Mistake   Chapter 9

    Sunshine's Point Of ViewALMOST a month din noong huling nagparamdam sa akin si Bryan. After that call, hindi na rin siya ulit tumawag pa. Buti naman. Ok na kasi ako, eh. Ok na ako kay Patrick at ayokong bumalik pa siya sa buhay ko.Kinabukasan lang din no'n ay nakapag-usap na ulit kami ni Patrick nang maayos—yung wala akong inis na nararamdaman. Sinabi ko sa kanya kung sino ang tumawag kaya tinanong niya ako."Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganito at hindi ko rin alam kung ano bang isasagot ko. Ano nga bang isasagot ko?"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Simula kasi nung nagparamdam siya kanina, may kung ano akong naramdaman—maliban sa galit, na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan na ewan."Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong 'Oo', eh." Napatingin ako sa kanya. "Kasi alam ko naman na ako lang ang pipiliin mo than any other guy, diba? So, wala akong dapat na ipangamba kung sasabihin mo

    Last Updated : 2023-10-09

Latest chapter

  • Beautiful Mistake   Epilogue

    "WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.Hindi!"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?""Babe...""Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko."Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin.""Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nas

  • Beautiful Mistake   Chapter 20

    Patrick's Point Of ViewKANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text."Can't wait? Almost there!"Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.'Yon nga lang ba?Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inal

  • Beautiful Mistake   Chapter 19

    Sunshine's Point Of View"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan."Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako."Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbo

  • Beautiful Mistake   Chapter 18

    Sunshine's Point Of View"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko."Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan."Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may hu

  • Beautiful Mistake   Chapter 17

    Sunshine's Point Of ViewTULALA pa rin akong nakatingin sa singsing na iyon. How come na magkapareho talaga sila ng singsing na nakita ko doon sa ibaba ng kama ni Patrick? It must be coincidence. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Para sa 'kin talaga 'yung singsing na nakita ko noon."Oww. Look at your ugly face. Kawawa ka naman," sabi niya at tiningnan ang singsing na parang manghang-mangha ito. "This initials means Patrick and Sheena. Kaya 'wag kang mag-ambisyon na mahal ka nga talaga ni Patrick kasi hindi naman! Sawa na siya sa 'yo. Sawang-sawa na kaya naghanap siya ng iba which is better than you, bitch!"Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mawari kung bakit may gano'n din siyang singsing. Nagkataon lang naman, 'di ba? O baka naman, ninakaw niya kay Patrick 'yung isa? Hindi kasi ako naniniwalang lolokohin ako ni Patrick. Yeah, I doubt him once, pero narealize ko na mahal niya talaga ako noong gabing nagpaulan s

  • Beautiful Mistake   Chapter 16

    Sunshine's Point Of View"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya."Haha. Sorry naman. Eh kasi...""Ano ba 'yon?""Nasabi ko na kay Sweety!""'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya.""Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tata

  • Beautiful Mistake   Chapter 15

    Sunshine's Point Of ViewMASYADONG madrama? Overreacting? Gano'n na ba ako sa ginagawa ko ngayon? Oo, nandito nga ako ngayon sa bahay ni Princess, lumalayo kay Patrick. Wala akong ibang mapuntahan, eh. Nakakainis lang kasi talaga. Siguro nga nagiging OA na ako, pero wala akong pakialam. Ikaw kaya, makita mo 'yung boyfriend mong may kahalikang ibang babae, 'di ka rin kaya magmumukmok at iiyak nang bongga kagaya ng ginagawa ko ngayon?"Ayaw umalis, eh. Gusto talagang pumasok," sabi sa akin ni Princess nang makapasok na siya sa kwarto."Hayaan mo siya," matigas kong sagot. 'Di na rin naman siya sumagot pa at tumahimik na lang.Alam niya ang nangyari, sinabi ko kasi kanina. Siya ang tinawagan ko nang magkaproblema kami kanina ni Patrick."Alam mo, magpahinga ka na lang muna. Masama kasi para sa bata 'yang ginagawa mo, eh. Nagpapaka- stress."Ngumiti lang ako sa kanya saka pa humiga nang maayos sa kama niya. Pero pagkalapat na pagkalapat lang ng ulo ko sa unan ay siya rin namang biglang pa

  • Beautiful Mistake   Chapter 14

    Sunshine's Point Of ViewKAGAYA ng ipinangako ko sa kanya, naging masaya ako. Isang buwan na ang nakalipas magmula no'ng magpaalam ako kay Bryan sa huling hantungan niya. Mamimiss ko siya. Sobra. That day was one of my most painful days. Ang makita kong ililibing na 'yung taong minsang nagpasaya, naging bahagi, at naging mahalaga sa buhay ko. Kahit na hindi ko man aminin sa iba, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay may natitira pa rin akong pagmamahal para sa kanya. Sabi nila, "just move on because life goes on" kaya 'yon ang ginagawa ko ngayon. Sabi nga rin ni Bryan, "be happy" raw kaya susubukan kong maging masaya. At least, para sa kanya at para na rin sa kinabukasan namin.Hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko kaya hindi pa masyadong nahahalata ni Patrick na buntis pala ako. Naghihintay lang kasi ako ng tamang panahon para sabihin iyon sa kanya."Hello?" sagot ko sa tawag."Babe? Favor naman, oh? 'Yung damit kasi na susuotin ko ngayon sa shoot, naiwan. Please? Nasa kwarto ko

  • Beautiful Mistake   Chapter 13

    Sunshine's Point Of ViewMAGDAMAG akong 'di nakatulog kagabi kaiisip sa nangyari kahapon at sa nangyayari sa akin ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Anong nangyayari?Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong siya talaga si Bryan. Sigurado na talaga ako this time. Bryan. Bryan. Peste! Anong balak mo, Bryan? Bakit nagpakita ka pa ngayon? 'Yon ba talaga ang rule mo sa buhay ko? Ang iwan ako at mawala na lang bigla? Tapos, 'pag naka-move on na ako, saka ka babalik ulit?"Hija, may bisita ka." Napalingon ako kay Mama sa nakabukas na pintuan."Sino ho?" tanong ko. Pero 'di pa man siya nakakasagot ay may nakita na akong aninong palabas doon sa dingding. At pagkatapos ay iniluwa niyon ang bulto ni Patrick. Right! May kasalanan pa nga pala sa akin ang isang 'to."Babe." Tinalikuran ko siya. Anong akala niya, makakalimutan ko na lang 'yung paglalandian nilang dalawa no'ng babaeng 'yon? Huh! Landian talaga."Galit ka ba sa akin?" Aba! At tinanong pa talaga, ha? Hindi pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status