Sunshine's Point Of View
"KUMUSTA ang usapan niyo?" tanong ko sa kanya nang kami na lang dalawa. Pero imbis na sumagot ay hinalikan na lang niya ako sa labi. Bakit ang hilig niyang humalik? Hobby lang?"Nagtatanong lang naman ako, eh. Hindi ko sinabing halikan mo ako.""Bakit, ayaw mo?" Gusto! Hahaha."Ewan ko sa 'yo!" 'Yon na lang ang nasabi ko. Nasa park kami ngayon, nakaupo sa isang bench at kaharap namin ang isang simbahan. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pero pagkatapos ng ilang segundo ay siya rin ang bumasag noon."Malaki ang dapat na ipagpasalamat ko sa Diyos." Napatingin naman ako sa kanya."Bakit naman?""Kasi, pinagtagpo niya tayo."Bigla-bigla ay parang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa puso ko. Shit! Aish! Feeling ko, namumula ako ngayon. Patrick naman, eh! 'Wag mo nga akong pakiligin!"It was a big mistake at first. But that was the mistake na hindi ko pinagsisisihan at nagbigay ng saya sa buhay ko ngayon. That was the best and most beautiful mistake I've ever made in my entire life—ang mapagkamalan kita." Nakikita ko sa mukha niyang sincere talaga siya. 'Di ako makapagsalita. Feeling ko, namumula pa rin ang mukha ko ngayon."Uhm. May dialogue ba ako?" Aww. Nagbibiro lang naman ako, eh. Pero hinalikan na naman niya ako."Sunshine, noong una, 'di pa talaga ako sigurado. Pero ngayon, more than one hundred percent sure na ako.""Sure na ano?""Na mahal talaga kita." Napatitig naman ako sa mga mata niya nang sabihin niya 'yon. Kinikilig ako, promise!"I love you, Sunshine.""Ang adik mo sa kiss!" Hinalikan na naman niya kasi ako, eh."Aww. Wala man lang I love you too?" Waah!Bakit ang cute niya 'pag naka-pout?! Haha."Loko!" sabi ko na lang sa kanya. Kinurot ko na lang ang dulo ng kanyang ilong. Ngayon ko lang nakita 'yung side niyang ganyan. Nakakagigil. Nakakakilig. He never fails to make me smile. Kahit sa simpleng bagay lang, napapangiti na niya ako."Sunshine." Kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko ay ang paghawak niya sa kamay ko saka iyon ipinatong sa lap niya. "Puwede ba akong manligaw sa 'yo?" Natahimik ako saglit. Really? As in for real?! Manliligaw siya? Haha. Ako na O.A!"Alam mo naman na ang isasagot ko, nagtatanong ka pa." Ang baliw ko lang kasi siguro kung nagpapahalik ako sa kanya then, 'pag nanligaw na, 'di ko papayagan. Haha."Para makasigurado. Haha. Ano nga?" Atat? "Oo na!""So, dapat na ba akong tumalon niyan sa tuwa?" Ngumiti naman siya nang nakakaloko."Nakakainis ka!" Pinalo ko nga siya sa braso. Nakakainis kasi, eh. Tumawa lang siya nang malakas habang ako naman, medyo badtrip sa kanya. Tss.▫▫▫🎈▫▫▫Buwan ang lumipas magmula noong nagsimulang manligaw sa akin si Patrick. Oo, buwan talaga ang inabot niya at hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya. Wala eh, trip ko lang patagalin. Hindi rin naman pati siya umaangal, eh. Haha! Hindi ako pa-cute, ah! Naghihintay lang talaga ako ng tamang pagkakataon para sagutin ko siya. And I think, this is the perfect time for that."Bakit mo ako pinapunta dito? Makikita ako ng parents mo, baka magalit pa 'yon sa akin," sabi niya nang makalapit na siya sa akin. Nasa may gate pa lang kami ngayon."Don't worry, alam nilang may gwapong darating," nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi pa nga pala sila nagkikita ng parents ko. 'Di bale, ipapakilala ko rin siya mamaya. Inaya ko na siyang pumasok at nagdiretso sa itaas. Tumigil lang kami sa paglalakad nang marating na namin ang pintuan ng kwarto ko."Kaninong kwarto 'to?" "Mine," simpleng sagot ko."Anong gagawin natin d'yan sa loob? Ikaw ha!" Ngumisi pa siya nang nakakaloko."Ang putek! Ikaw, ang green mo talaga! Buksan mo na lang kaya nang malaman mo kung ano 'yang nasa loob?" utos ko. Tss. Kahit kailan talaga, ang green ng utak!Sinunod naman niya ang utos ko at binuksan na ang pintuan habang natatawa pa rin. Pagkabukas, bumungad sa amin 'yung isang malaking heart-shaped balloon na kulay red na nakasabit sa pinakagitna ng kwarto ko. May maliliit din na balloon na heart-shaped din at kulay pula na naka-form din ng heart sa kama. Mapapansin mo 'yung pagka-romantic ng place kasi may mga petals sa daanan at maging sa kama ko, nilagyan ko rin no'n. Tapos, itinalikod ko 'yung malaking balloon na nasa gitna at nakita ko sa mukha niya 'yung pagkagulat sa nabasa."SINASAGOT NA KITA, MR. STRANGER!I LOVE YOU, PATRICK RAVENO!"♥"Is it true? Sinasagot mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong niya."Oh, parang 'di mo inaasahan, ah? Haha." ngumiti ako."Hindi naman sa gano'n. 'Di lang talaga ako makapaniwala. Thank you." Bigla-bigla ay niyakap niya ako."Grabe, gusto kong tumalon o 'di kaya ay sumigaw sa tuwa. Kaya lang, natatakot ako kasi baka marinig iyon ng parents mo at magalit pa sa akin," sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin."Go on. Hindi rin naman sila magagalit, eh. 'Di ba, Ma, Pa?" Bumitaw naman sa yakap si Patrick at tiningnan ang tinawag ko. Sa sobrang excited siguro, hindi niya na namalayan na nasa labas na rin pala 'yung parents ko, pinapanood lang kami. Nakangiti lang si Mama habang medyo seryoso naman ang mukha ni Papa."'Wag na lang, nagbago na isip ko. Hug na lang!" Tapos, niyakap niya ako pero 'yung pa-side view lang."Patrick, hijo, congratulations!" masayang bati ni Mama."Salamat po.""Mag-uusap tayo," seryoso namang sabi ni Papa. Si Papa talaga, oh! Tinatakot pa ang bebelabs ko! Haha."Sige, enjoy muna kayo diyan. Pero dapat, open lang itong pintuan, ha? Baka kasi may mangyaring...""Ma!" putol ko sa sasabihin ni Mama. Ayst. Naman, oh! Napakamot na lang ako sa ulo. Ayon, umalis na silang dalawa."Woah! First time ko silang ma-meet! Ang cool ng mom mo. And... uhm, dapat na ba akong kabahan sa dad mo?" tanong niya pero nakangiti."Nako, 'wag kang kabahan sa kanya. Gano'n lang talaga 'yon kung makatingin, masyadong seryoso."Mayamaya ay bigla na naman niya akong niyakap. "Salamat," sabi pa niya. Napangiti na lang ako."No. Thank you," pagtatama ko. "For making me happy, as always. Mahal na mahal kita, Patrick Raveno. Mr. Stranger guy!""I love you too, Sunshine Bernardo. My stranger girl." Tapos, hinalikan niya ang noo ko. Eeh! Nakakakilig! Parang nasa pelikula lang ang peg namin. Haha!"Bumaba ka na, kakausapin ka pa ng Dad ko, 'di ba? You know, boys talk," sabi ko, tapos ay mabilis niya akong hinalikan sa lips."I love you.""I love you, too!" Then, umalis na siya. Napa-dive naman ako sa kama ko pagkatapos. Oops! Buti na lang at hindi pumutok 'yung mga lobo. Haha! Kinuha ko 'yung unan na pinakamalapit sa akin saka ko inilagay sa mukha ko sabay sigaw."Aaahh! Kinikilig akooo!""Hoy! Naririnig pa kita!" Bigla rin akong napaupo dahil sa nagsalita. Omo! Nand'yan pa pala siya!"Takte ka! Bumaba ka na!" sigaw ko sabay bato ng unan. Pero, masyado siyang mabilis kaya hindi siya natamaan. Ayon, tawa lang nang tawa habang rinig ko 'yung footsteps niya pababa ng hagdan. Feel na feel ang bahay, ha? Haha. Ayst! Nakakahiya pa rin.▫▫▫🎈▫▫▫Patrick's Point Of ViewHindi ko talaga ine-expect ang araw na 'to na sasagutin ako ngayon ni Sunshine. Although, alam ko naman talaga na mangyayari ang araw na ito, pero mas maaga pala kaysa sa inaasahan ko. Haha. Grabe lang 'yung sayang nararamdaman ko, 'di ko ma-explain. Pababa na ako ngayon ng hagdan. At habang papalapit ako sa kinaroroonan ng parents ng babaeng mahal ko ay unti-unti nang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Tae! Nakakakaba pala kapag ganitong first time mong makaharap ang parents ng mahal mo. Pero mas kinabahan talaga ako sa dad niya, paano na lang kung biglang tututol siya sa amin? 'Di bale na sa mom niya, kasi nakahinga na ako nang maluwag, sa dad na lang niya. Phew!Pagkababa ko, tumayo naman ang mama ni Sunshine at sinabing magtitimpla lang daw siya ng maiinom naming juice. Nginitian ko lang siya bago siya tuluyang umalis."Sit," seryosong sabi ng dad ni Sunshine."Kailan pa kayo nagkakilala?" unang tanong niya. "Matagal-tagal na rin po.""Saan mo siya nakilala?"Noong umpisa ay nag-alangan pa akong sabihin ang totoo kasi baka pagalitan niya si Sunshine, pero ayaw ko rin namang maglihim sa kanya bilang respeto na rin."Sa bar po.""Mahal mo ba talaga siya? Paano ako makasisiguradong hindi mo nga siya lolokohin?" 'Yung mukha niya, ang seryoso pa rin. Ngumiti na lang ako sa kanya kahit naiilang pa."Mahal na mahal ko po siya. Mahal na mahal ko po si Sunshine. Hindi ko po siya lolokohin, pero hindi ko rin masasabing magsasama kami nang masaya lang. Dahil darating din 'yung panahon na mag-aaway kami, kasi gano'n naman talaga sa pag-ibig. Pero masisigurado ko pong magkakabati rin kami kaagad."Tiningnan ko ang expression ng mukha niya pero wala pa ring pinagbago, seryoso pa rin.He clears his throat bago pa nagsalita ulit."I just wanna say thank you," bigla-bigla ay nasabi niya. Nagulat naman ako doon. Ang seryoso kasi ng mukha niya, eh. Tapos, bigla-bigla na lang magpapasalamat."Hindi ko po kayo maintindihan.""For making my girl happy. Simula no'ng gabing iwan siya ni Bryan, iyak siya nang iyak no'n. To the point na inakala naming magmumukmok lang siya sa kwarto niya buong buhay niya. Pero nagulat na lang ako isang araw pag-uwi niya ay may nag-iba na sa kanya. Masigla na siya. Parang hindi niya naranasan ang masaktan. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita 'yung saya sa mukha niya. Kanina, hindi ko maipaliwanag 'yung saya ko noong makitang nakangiti siya habang kayakap ka. Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero nasisigurado kong mahal ka niya kaya para sa kaligayahan ng unica hija ko, hindi ako tumututol sa inyo."Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Sa totoo lang, gusto ko siyang yakapin sa sobrang tuwa ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang saya sa pakiramdam na harap-harapang sinasabi sa iyo ng tatay ng taong mahal mo na hindi siya tumututol sa relasyon ninyong dalawa. Hindi siya tutol sa amin!"Maraming salamatpo," ang tangingnasabi ko lang."Basta, ito lang tandaan mo, ha? Sa oras na magmumukmok ulit ang anak ko sa kwarto niya at malaman kong ikaw ang dahilan, siguraduhin mo lang na hindi ko makikita ang pagmumukha mo.""Hindi po mangyayari 'yon," confident kong sabi sa kanya saka ngumiti."That's good to hear. Then I must say, welcome to our family!" Tumayo naman siya at naglahad ng kamay na magalang kong inabot. Mayamaya lang ay nakita ko sa peripheral vision ko na may bumababa sa hagdan at nang tingnan ko, si Sunshine pala. Nakangiti naman akong nilapitan siya. Nag-smack kiss lang ako sa kanya saka ko siya niyakap. Pinandilatan naman niya ako pagkatapos. Haha."Ehem!" reaksyon ng Dad niya. "And one more thing, hindi por que't okay na kayo sa akin ay puwede na kayong maghalikan sa harap ko." Napahiya naman ako do'n. Haha. "Baka kasi kung saan pa mapunta ang halik na 'yan. Hindi pa ako handang maging... ahem... lolo," sabi niya sabay walk out. Shocked ako sa sinabi niya pero mas nangingibabaw pa rin 'yung saya ko. Gusto ko 'yung idea na 'yon, ah? Haha. Evil me."Pa! Kung anu-anong pinagsasasabi mo!" saway ng maganda kong girlfriend. Kita ko naman 'yung pamumula ng mukha niya. "At saka, smack kiss lang naman 'yon, eh!" patuloy pa rin niya kahit hindi na namin nakikita kahit anino lang ng Papa niya. Tinawanan ko na lang siya. Ang cute niya kasi. Haha."Tsk. Ikaw kasi, eh!" Hinampas naman niya ako sa dibdib."Ano namang kasalanan ko?" maang-maangan ko."Alam mo namang nasa harap lang natin si Papa, ipinakita mo pa rin 'yung pagiging kiss addict mo!" Kinurot ko na lang siya sa tungki ng kanyang ilong. Nakakagigil kasi 'yung ka-cute-an niya, eh. Hahaha!"Oh, sorry na po." Nag-ala-Chichay pa ako. Pero siyempre, 'yung mas HOT tingnan. Phew! HAHA!"Tss."Sunshine's Point Of View"BABE may gagawin ka ba ngayon?"Katatapos ko lang maligo nang may natanggap akong text galing kay Patrick."Wala naman. Bakit?"Habang hinihintay ko ang reply niya ay nagbihis na ako ng damit. Parang trip ko ngayong mag-mall. Isama ko kaya si Princess?"Wala lang. Ipakikilala lang sana kita sa mga kaibigan ko. Ano, free ka ba? I'll fetch you later."Hala! 'Di ako prepared! 'Di ako nakontento sa text niya kaya naman tinawagan ko siya."Uy, 'di ako prepared!" bungad ko."Kaya nga kita sinabihan ngayon, 'di ba? Haha.Pupuntahan kita diyan mamaya.""Err. Baka hindi nila ako gusto?" Baka kasi mamaya, lalaitin lang nila ako, eh."Hindi talaga. Kasi, ako lang dapat."Medyo loading ako doon sa sinabi niya, pero nang ma-realize na ang sinabi niya, feeling ko ay namumula na ang mukha ko. Gosh!"Okay, sige na. Pero puwede ko bang isama si Princess?" Natahimik siya saglit sa tanong ko. Okay naman na sila, 'di ba?"Okay."Good."Sige na, ibababa ko na 'to." Papatayin ko n
Sunshine's Point Of View"GUYS, hindi na akomagtatagal, ha? Baka kasi hinahanap na ako sa 'min. 'Di pa naman ako nagpaalam kanina," paalam ko sa kanila. Nagmo-movie marathon na kami ngayon. Pasado alas diyes na kasi kaya uuwi na ako. Si Princess, kanina pa siya nakauwi pagkatapos lang din kumain."Sige, Sunshine! Ingat na lang sa pag-uwi." "Balik ka ulit dito!""Next time, magdala ka na ng chicks, ha?"Natawa na lang ako doon sa huling nagsalita. Sino ba sa tingin niyo ang mahilig sa babae?"Kahit kailan ka talaga, Darwin! Puro na lang babae ang laman ng utak mo," saway sa kanya ni Miko. Tumawa lang siya."Hatid na kita," presenta naman ni Patrick sabay lahad ng kamay. Kinuha ko naman iyon at sabay kaming naglakad."Hoy! Bilisan mo lang, ha? Baka kasi kung ano pang kababalag—""Ulol!"Natigil lang sa pagsasalita si Darwin nang batuhin siya ng throw pillow ni Patrick sa mukha. Nailing na lang ako dahil sa kanila. Kahit ganito ang pinaggagagawa nila, natutuwa pa rin ako sa bonding nila.
Sunshine's Point Of ViewMAINIT. Sobrang init ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Bawat pagdampi ng labi niya sa katawan ko ay siya rin namang kilabot ang nararamdaman ko. Nakakapanindig-balahibo ang kanyang mga halik. He's kissing me hard and I response. Shit. This feeling. Once again, nasa isang malambot na bagay na naman kami nakahiga at patuloy na naghahalikan. But this time, pareho na kaming nasa katinuan. We didn't stop kissing until we were both gasping for an air."I love you, Babe!" sabi niya sa pagitan ng halik."I love you too, Babe!"His kisses become harder at nararamdaman ko na rin ang pagiging malikot ng kanyang mga kamay. Kung saan-saan na lang ito napupunta. Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa na-realize ko na lang na nasa ibabaw ko na pala siya. He took off my dress at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. I took off his shirt, at kitang-kita ko naman ang napaka-yummy niyang pangangatawan. Nakakasilaw! Basang-basa na ito ng pawis, na siya namang nakakadagdag
Sunshine's Point Of ViewALMOST a month din noong huling nagparamdam sa akin si Bryan. After that call, hindi na rin siya ulit tumawag pa. Buti naman. Ok na kasi ako, eh. Ok na ako kay Patrick at ayokong bumalik pa siya sa buhay ko.Kinabukasan lang din no'n ay nakapag-usap na ulit kami ni Patrick nang maayos—yung wala akong inis na nararamdaman. Sinabi ko sa kanya kung sino ang tumawag kaya tinanong niya ako."Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganito at hindi ko rin alam kung ano bang isasagot ko. Ano nga bang isasagot ko?"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Simula kasi nung nagparamdam siya kanina, may kung ano akong naramdaman—maliban sa galit, na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan na ewan."Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong 'Oo', eh." Napatingin ako sa kanya. "Kasi alam ko naman na ako lang ang pipiliin mo than any other guy, diba? So, wala akong dapat na ipangamba kung sasabihin mo
Sunshine's Point Of View"PRINCESS, samahan mo naman ako." aya ko sa kanya. Nandito pa rin kami ngayon sa tambayan. Mag-fo-food trip daw mamaya tapos movie marathon. Psh. Daming alam."Huh? Ok. Pero saan naman?"Napatingin ako sa direksiyon ng mga boys na ngayon ay nag-vi-video games na."Ah, mall? Shopping? You know, it's kinda boring here, tingnan mo naman sila lang yung nag-eenjoy sa paglalaro. At saka parang may bibilhin kasi ako, eh.""Ano naman 'yun?"Daming tanong. Pwede namang ok na lang, eh. Haha. "Hindi ko alam, eh. Alam mo 'yun? Yung parang may naiisip ka nang bilhin pero dahil di mo rin mabigkas, nakakalimutan mo na rin kung ano 'yun." napaatras naman ang ulo niya sabay taas ng isang kilay. Magulo ba explanation ko? Napakamot na lang ako. Nasa utak ko na, eh, di ko mabigkas kaya di ko malaman kung ano talaga. Ewan! Pero may bibilhin talaga ako, promise!"Praning ka. Gutom lang 'yan," napa-pout na lang ako. Pero nang ma-realize ko ang sinabi niya ay kaagad rin akong nagsali
Sunshine's Point Of View"Sunny! Sunny, wake up!"Mula sa pagiging blurred ay unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko at kita ko na ngayon ang mukha ng bestfriend kong alalang-alala na nakatingin sa akin. What happened?"Oh my God! Pinakaba mo naman ako do'n, eh!" sabi pa niya. Napaupo naman ako at inilibot ang paningin habang nakahawak ang mga kamay sa ulo na siyang sumasakit na naman. Nasa tambayan ba kami ngayon?"What happened?" kaagad kong tanong."Nag-collapse ka kanina," mabilis niyang sagot. "Ano, may masakit pa ba sa 'yo? May sakit ka ba? Bakit di mo sinasabi sa akin?" sunod-sunod niyang tanong. Kita kong nag-aalala talaga siya."Huh? W-Wala akong sakit, noh! Masyado lang siguro akong napagod kaya nahimatay." sagot ko naman saka ngumiti. "H'wag ka ngang OA d'yan!" tinawanan ko pa siya na siya namang nakapagpakunot ng kanyang noo saka ako hinampas sa braso nang hindi naman kalakasan."Nagawa mo pa talagang tumawa nang ganyan, samantalang alalang-alala naman ako." singhal niya
 Sunshine's Point Of View"BABE, 'asan ka ngayon?" text ko kay Patrick. Ilang araw na rin siyang di nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala na ako. Ano na kayang nangyayari dun? Nilagay ko muna sa side table ang phone ko pero wala pang limang segundo ay di pa rin iyon tumutunog. Shet. Bakit ang tagal niya magreply?'Di ko na siya nakakausap this past few weeks. Kapag nagtetext ako sa kanya, 'di naman siya nagrereply. Kapag tatawagan naman, walang sumasagot. Pumunta ako sa bahay nila, wala rin daw siya doon. The last time na pumunta ako sa tambayan, wala ring mga tao doon. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta. Nakakatampo na, ha! Dapat na ba akong kabahan? Kasi sa totoo lang, parang papunta na do'n 'yung nararamdaman ko.Again, nakatutok pa rin ako sa phone ko at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text message galing sa kanya. This is weird. Nagmadali akong nagbihis at kinuha ang sling bag ko saka ako lumabas ng bahay. Tama, pupuntahan ko siya s
Sunshine's Point Of ViewMAGDAMAG akong 'di nakatulog kagabi kaiisip sa nangyari kahapon at sa nangyayari sa akin ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Anong nangyayari?Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong siya talaga si Bryan. Sigurado na talaga ako this time. Bryan. Bryan. Peste! Anong balak mo, Bryan? Bakit nagpakita ka pa ngayon? 'Yon ba talaga ang rule mo sa buhay ko? Ang iwan ako at mawala na lang bigla? Tapos, 'pag naka-move on na ako, saka ka babalik ulit?"Hija, may bisita ka." Napalingon ako kay Mama sa nakabukas na pintuan."Sino ho?" tanong ko. Pero 'di pa man siya nakakasagot ay may nakita na akong aninong palabas doon sa dingding. At pagkatapos ay iniluwa niyon ang bulto ni Patrick. Right! May kasalanan pa nga pala sa akin ang isang 'to."Babe." Tinalikuran ko siya. Anong akala niya, makakalimutan ko na lang 'yung paglalandian nilang dalawa no'ng babaeng 'yon? Huh! Landian talaga."Galit ka ba sa akin?" Aba! At tinanong pa talaga, ha? Hindi pa
"WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.Hindi!"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?""Babe...""Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko."Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin.""Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nas
Patrick's Point Of ViewKANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text."Can't wait? Almost there!"Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.'Yon nga lang ba?Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inal
Sunshine's Point Of View"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan."Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako."Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbo
Sunshine's Point Of View"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko."Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan."Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may hu
Sunshine's Point Of ViewTULALA pa rin akong nakatingin sa singsing na iyon. How come na magkapareho talaga sila ng singsing na nakita ko doon sa ibaba ng kama ni Patrick? It must be coincidence. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Para sa 'kin talaga 'yung singsing na nakita ko noon."Oww. Look at your ugly face. Kawawa ka naman," sabi niya at tiningnan ang singsing na parang manghang-mangha ito. "This initials means Patrick and Sheena. Kaya 'wag kang mag-ambisyon na mahal ka nga talaga ni Patrick kasi hindi naman! Sawa na siya sa 'yo. Sawang-sawa na kaya naghanap siya ng iba which is better than you, bitch!"Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mawari kung bakit may gano'n din siyang singsing. Nagkataon lang naman, 'di ba? O baka naman, ninakaw niya kay Patrick 'yung isa? Hindi kasi ako naniniwalang lolokohin ako ni Patrick. Yeah, I doubt him once, pero narealize ko na mahal niya talaga ako noong gabing nagpaulan s
Sunshine's Point Of View"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya."Haha. Sorry naman. Eh kasi...""Ano ba 'yon?""Nasabi ko na kay Sweety!""'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya.""Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tata
Sunshine's Point Of ViewMASYADONG madrama? Overreacting? Gano'n na ba ako sa ginagawa ko ngayon? Oo, nandito nga ako ngayon sa bahay ni Princess, lumalayo kay Patrick. Wala akong ibang mapuntahan, eh. Nakakainis lang kasi talaga. Siguro nga nagiging OA na ako, pero wala akong pakialam. Ikaw kaya, makita mo 'yung boyfriend mong may kahalikang ibang babae, 'di ka rin kaya magmumukmok at iiyak nang bongga kagaya ng ginagawa ko ngayon?"Ayaw umalis, eh. Gusto talagang pumasok," sabi sa akin ni Princess nang makapasok na siya sa kwarto."Hayaan mo siya," matigas kong sagot. 'Di na rin naman siya sumagot pa at tumahimik na lang.Alam niya ang nangyari, sinabi ko kasi kanina. Siya ang tinawagan ko nang magkaproblema kami kanina ni Patrick."Alam mo, magpahinga ka na lang muna. Masama kasi para sa bata 'yang ginagawa mo, eh. Nagpapaka- stress."Ngumiti lang ako sa kanya saka pa humiga nang maayos sa kama niya. Pero pagkalapat na pagkalapat lang ng ulo ko sa unan ay siya rin namang biglang pa
Sunshine's Point Of ViewKAGAYA ng ipinangako ko sa kanya, naging masaya ako. Isang buwan na ang nakalipas magmula no'ng magpaalam ako kay Bryan sa huling hantungan niya. Mamimiss ko siya. Sobra. That day was one of my most painful days. Ang makita kong ililibing na 'yung taong minsang nagpasaya, naging bahagi, at naging mahalaga sa buhay ko. Kahit na hindi ko man aminin sa iba, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay may natitira pa rin akong pagmamahal para sa kanya. Sabi nila, "just move on because life goes on" kaya 'yon ang ginagawa ko ngayon. Sabi nga rin ni Bryan, "be happy" raw kaya susubukan kong maging masaya. At least, para sa kanya at para na rin sa kinabukasan namin.Hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko kaya hindi pa masyadong nahahalata ni Patrick na buntis pala ako. Naghihintay lang kasi ako ng tamang panahon para sabihin iyon sa kanya."Hello?" sagot ko sa tawag."Babe? Favor naman, oh? 'Yung damit kasi na susuotin ko ngayon sa shoot, naiwan. Please? Nasa kwarto ko
Sunshine's Point Of ViewMAGDAMAG akong 'di nakatulog kagabi kaiisip sa nangyari kahapon at sa nangyayari sa akin ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Anong nangyayari?Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong siya talaga si Bryan. Sigurado na talaga ako this time. Bryan. Bryan. Peste! Anong balak mo, Bryan? Bakit nagpakita ka pa ngayon? 'Yon ba talaga ang rule mo sa buhay ko? Ang iwan ako at mawala na lang bigla? Tapos, 'pag naka-move on na ako, saka ka babalik ulit?"Hija, may bisita ka." Napalingon ako kay Mama sa nakabukas na pintuan."Sino ho?" tanong ko. Pero 'di pa man siya nakakasagot ay may nakita na akong aninong palabas doon sa dingding. At pagkatapos ay iniluwa niyon ang bulto ni Patrick. Right! May kasalanan pa nga pala sa akin ang isang 'to."Babe." Tinalikuran ko siya. Anong akala niya, makakalimutan ko na lang 'yung paglalandian nilang dalawa no'ng babaeng 'yon? Huh! Landian talaga."Galit ka ba sa akin?" Aba! At tinanong pa talaga, ha? Hindi pa