Beatrice POVHabang ginagawa ko ang trabaho ko ay hindi ko maiwasan ang hindi matawa dahil sa mga sinasabi ni Nicole, hindi ko nga alam kung bakit nandito ang babaeng 'to ngayon sa table ko, mukhang wala siyang ginagawa kaya nakipagchika sa akin. Wala ngayon si Storm dahil may meeting siya pero mamaya ay nandito na 'yon."Ano kaya ang feeling na maging jowa ng isang Alcantara." halata sa mukha niya na parang nag deday dreaming."Wala naman special do'n babaita! Tao din naman si Storm." sagot ko sa kanya."Duh! Girl isang Storm Kyzer Alcantara ang nabingwit mo tapos ganyan lang ang reaksyon mo?"Inirpan ko naman siya. "Totoo lang kasi ang sinasabi ko, siguro iba siya kapag nasa trabaho at iba din siya kapag sa pamilya niya gano'n. Hindi ba kapag nandito sa kompanya ay focus kami sa trabaho." saad ko."Hay naku! Parang hindi ka naman proud niyan eh. Siguro kung ibang babae 'yan ay ipapangalandakan nila na pag mamay ari sila ng isang Alcantara.""Hindi naman kasi sila ako, at saka hindi
Kaye POV Inis na inis kung hinagis ang bag ko ng marating ako sa bahay na tinuluyan ko, ilang beses ko na nakitang masayang magkasama sina Storm at Bea. Isang malaking anay talaga sa buhay ko ang babaeng 'yan na hirap tanggalin sa buhay ng taong mahal ko. Nakita ko din silang magkasama ni Kiara no'ng isang araw kaya mas lalong nasira ang mood ko. Mukhang nakuha niya na talaga ng tuluyan ang loob ng kapatid ni Storm. Kaya kung tumabi at makalapit sa kanila anytime dahil nag didisguise ako, hindi naman ako tanga para magpakita sa kanila na gamit ang totoo kung mukha para mahuli ng tuluyan. Inuubos talaga ng babae na 'yan ang pasensya ko lalo na si Kiara. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Bea. Hindi ako papayag na maging masaya ka habang ako ay nagdurusa. "Hello, sino 'to?" tanong niya sa akin. "Ang bilis mo naman yata makalimot Beatrice," saad ko. Saglit na natigilan siya at ramdam ko 'yon dahil hindi siya nagsalita. "Oh mukhang gulat ka yata na tinawagan kita." dagdag ko pa.
Kiara POV Ilang araw ng hindi kami nagkikita ni Nigel at kahit mga tawag ko ay hindi niya sinasagot na ikinataka ko, kahit busy siya ay naglalaan siya ng oras sa akin o kaya ay tatawagan niya ako pero ngayon ay hindi. Ano kaya ang nangyayari? At dahil hindi ako mapakali ay nagpasya akong puntahan siya sa kanyang condo, walang pasok ngayon kaya alam kung nando'n siya. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Kuya ng makababa ako. "Pupunta lang ako kay Nigel." sagot ko naman. Kumunot naman ang noo niya. "May prolema ba?" Umiling naman ako. "Wala ah, bakit mo natanong?" tanong ko sa kanya. "Ilang araw ko na kasing napapansin na hindi kayo magkasama kaya akala ko ay nag away kayo." Tumawa naman ako. "Tamang hinala ka na naman r'yan kuya, pareho lang kaming busy kaya hindi kami masyadong nagkikita." saad ko at nagpaalam na sa kanya, hapon na din kasi. Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive papunta sa condo ng fiance ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.
Nigel POV Nang makaalis na si Kiara ay napasalampak na lang ako sa sofa, hindi ko gustong masigawan at mapagbuhatan siya ng kamay pero 'yon lang ang paraan para mapaalis ko siya. Ayaw kung magtagal siya dito dahil baka mas masaktan ko lang siya. Alam kung mali ang nagawa kung pagdadala ng babae dito pero dahil sa sobrang kalasingan ko kagabi ay hindi ko na alam ang ginagawa ko pero hindi ko sinasabi na tama 'yon dahil kahit saan anggulo ay mali 'yon dahil may fiance ako. Pero masisisi niyo ba ako? Sobrang sakit ng nararamdaman ko kaya hindi ko magawang kausapin siya, iniiwasan ko dahil alam kung ito ang mangyayari. Pakiramdam ko ay unti unti akong nadudurog ng makita ko ang mga litrato na 'yon at bakas sa mukha niya kanina na totoong nagawa niya ang bagay na 'yon. I trusted her so much kasi mahal na mahal ko siya pero ngayon hindi ko na alam kung kaya ko pa siyang paniwalaan. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala sa akin ng folder na 'yan na may mga litrato ni Kiara na may kasamang
Storm POVIlang araw ko ng napapansin na tahimik ang kapatid ko, minsan ay nakatulala pa itong nakatingin sa kawalan. Pakiramdam ko ay may problema siyang dinadala. Ilang araw na din siyang umaalis ng bahay pero kapag umuuwi siya ay parang wala siya sa kanyang sarili. At ngayon ay kakauwi ko lang galing sa opisina, tinanong ko ang kasambahay kung nandito na ba si Kiara at ang sabi nga nila ay nasa pool area. Agad akong naglakad do'n para puntahan siya at nakita ko siyang tahimik na nakaupo sa swimming pool habang nakalublob ang mga paa sa tubig."Are you okay?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako.Agad naman siyang napatingin sa akin at ngumiti. "Nandito ka na pala kuya, Hows your work?" pag iiba niya sa usapan kaya do'n pa lang ay alam ko ng may problema siya."It's fine, marami lang ginagawa sa opisina pero okay naman ang lahat. How about you? Kamusta ang work?" tanong ko din sa kanya."Bukod sa maganda ako ay maayos naman ang lahat.""Kahit kailan puro kahanginan ang utak mo." saa
Kiara POVDalawang linggo na ang lumipas simula ng mag away kami ni Nigel, ilang beses ko na din siya sinubukan na puntahan sa condo at kanyang opisina pero hindi niya ako hinaharap. Ilang beses ko na din siya nakikitang may kasamang iba't ibang babae, aaminin ko sobrang sakit sa akin ng bagay na 'yon pero wala naman akong magagawa.At ngayon nandito na naman ako sa kanyang opisina at susubukan na kausapin siya, sana lang ay hindi niya ako itaboy kagaya ng mga ginagawa niya minsan sa akin. Nang makarating ako sa Monteverde Company ay dumiretso na ako sa opisina ni Nigel."Good morning Ma'am Kiara." nakangiting bati sa akin ng kanyang sekretarya."Good morning. Gusto ko lang sana tanungin kung nandito ang boss mo?" tanong ko sa kanya.Nagkamot naman siya ng kanyang ulo. "Umalis po si Sir kanina eh at hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik." sagot niya sa akin."Gano'n ba? May meeting na siya?" pagtatanong ko pa."Ang alam ko po wala naman siyang schedule ngayong araw, pero may kasam
Storm POV Kanina pa ako nakarating dito sa bahay pero hindi ko naabutan ang kapatid ko, nasaan na naman kaya 'yon nagpunta? Bumaba ako para pumunta ng kusina dahil iinom ako ng tubig. Naabutan ko si Nanay Ana na nagluluto. "Nay nakauwi na ba si Kiara?" tanong ko sa kanya at kumuha ng tubig sa ref. at sinalin ito sa baso. "Nasa kwarto niya yata, dumating na kanina eh. Iho kausapin mo nga 'yang kapatid mo at baka may problema." Kumunot naman ang noo ko. "What do you mean?" tanong ko sa kanya. "Napapansin ko kasi ang pagiging tahimik niya, halos dalawang linggo na. Hindi din siya kumakain lalo na kapag wala ka dito. Hindi mo ba napapansin na nangangayayat siya?" Saglit naman akong natigilan dahil sa sinabi ni Nay Ana, nakaraan ko pa din napapansin ang kakaibang kinikilos ng kapatid ko. Ang akala ko ay pagod lang siya sa trabaho pero hindi naman daw ito pumapasok at nagkukulong lang dito sa bahay at kapag umaalis naman siya pagbalik niya ay parang wala na siya sa kanyang sarili. "Si
Nigel POVNandito lang ako sa condo k at nilulong ang sarili sa alak, kung tutuusin ay nawalan na din ako ng gana na pumasok sa opisina pero wala akong choice dahil baka magpagalitan ako ni Mommy at Daddy kapag nalaman nilang napapabayaan ko ang kompanya.Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok, wala sana akong balak pagbuksan ito pero mukhang ayaw tumigil ng kung sino man ang nasa labas kaya tumayo na ako. Pabukas ko pa lang ng pinto ay isang malakas na suntk ang sumalubong sa akin at nakita ko ang kaibigan kung si Storm, bakas sa kanyang mukha ang galit."Tangina ka Nigel, sinabi ko sayo ng una pa lang na huwag mong sasaktan an kapatid ko pero ginawa mo pa din." galit na utas niya.Tumayo naman ako at pinunasan an dugo na galing sa bibig ko. " Sa tingin mo ba gusto kung nasasaktan siya? Hindi Storm! Pero masisisi mo ba ako? Nasasaktan din ako, alam kung hindi mo 'yon maintindihan dahil wala ka naman sa posisyon ko." mahinahon na saad ko."Kung may pagkakamali ang kapatid ko hindi sapa
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa