Kiara POVNakatago lang ako dito sa isang lumang bahay, naisipan ko kasing sundan si Kaye at baka sakaling malaman ko kung saan niya dinala si Bea at hindi nga ako nagkamali. Hanggang ngayon ay kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, paano kung hindi ko maitakas si Bea? Paano kung pareho kaming mapahamak? Sana naman mabasa ni Kuya ang sulat na binigay ko bago mahuli ang lahat.Nakita ko ang paglabas ni Kaye sa isang kwarto at natitiyak akong nando'n si Bea, hindi mo na ako lumabas sa pinagtataguan ko at mahirap na kapag nakita nila ako dahil paniguradong hindi kami makakalabas na dalawa dito. Nang masigurado kung umalis na sila ay dahan dahan akong pumasok sa kwarto at nakita ko nga do'n si Bea na nakatali."K-kiara?" sambit niya sa pangalan ko."What happened Bea? Anong ginawa sayo ng babaeng 'yon?" tanong ko sa kanya."Anong ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka.""Don't worry about me, hindi niya ako sasaktan. Nandito ako para itakas ka." saad ko."P-paano?"Mabilis kung kinalag ang tal
Storm POV Dalawang araw na ang lumipas simula ng hindi na ako makatanggap ng tawag galing sa kapatid ko, marahil ay naging busy na siya sa botigue kaya gano'n. Kasalukuyang nasa bahay pa ako dahil maaga pa naman at mamaya pa ako papasok. Habang nasa pool area ako ay lumapit sa akin ni Nay Ana. "Iho hinahanap ka ni Nigel." saad niya sa akin. "Pakisabi na lang sa kanya Nay na pumunta na lang dito." anas ko at saka tumango naman ito at naglakad pabalik sa loob. Mayamaya pa ay narinig ko ang mga yapak. "Nakabalik ka na pala." panimula ko. "Kahapon pa ako nakauwi, napagod lang siya byahe kaya nagpahinga muna ako. Nagpunta lang ako dito para itanong kung nandito ba si Kiara?" Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Hindi ba at nasa condo mo ang kapatid ko?" saad ko. "Wala siya do'n Storm! Umuwi ako sa bahay kahapon at pagkatapos ay dumiretso ako sa condo ko at hindi ko siya naabutan do'n ang buong akala ko ay umuwi na siya dito. Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi sumasagot! H
Beatrice POV Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha ng makilala ko ang lalaking pumasok. "S-storm," pagbanggit ko sa pangalan niya. Agad naman siyang lumapit sa akin at kinalagan ako. "Shhh now Bea, papunta na sila Nigel dito at ang mga pulis. Okay?" saad niya. "Nasaan ang kapatid ko?" mabilis ko namang itinuro si Kiara, mukhang hindi niya ito napansin na nakahiga sa malapit sa kama at natutulog. Mabilis naman siyang lumapit sa kanyang kapatid na puno din ng pasa kagaya ko. "K-kiara," halos paos na boses niyang tawag sa kanyang kapatid. Unti unti naman napamulat ito at napatingin sa lalaking tumawag sa kanyang pangalan. "K-kuya." mahinang saad nito. "I-im sorry." hirap na sambit ni Storm at inalalayan ang kanyang kapatid. "We need to get out here." dagdag niya at at saka hinawakan din ang kamay ko. "Hindi tayo basta basta makakaalis dito Storm, may mga nagbabantay sa labas." anas ko. Binitawan niya muna kami at saka sumilip saglit sa pint
Storm POV Itinulak ako ni Bea ng makita niyang initutok ng lalaki ang baril sa akin at saka ito ipinutok, pero ang mas ikinagulat ko ng sunod sunod ang ginawa niyang pagbaril kaya napapikit na lang ako pero wala man lang akong naramdaman na kahit na ako kaya mabilis kung iminulat ang aking mga mata ng maramdaman kung may yumakap sa akin. Nakita ko ang kapatid ko, hindi ako makapaniwala na siya ang sumalo sa balang dapat ay sa akin, hindi ko alam kung paano siya napunta sa pwesto ko at nakawala sa lalaking may hawak sa kanya. "K-kiara, bakit?" naluluhang tanong ko sa kanya. "I hope you c-could forgive me Kuya. Even I didn't save ate Bea I k-know I tried my best. N-naibalik ko siya sayo. I'm s-sorry Kuya." "H-hindi ako galit sayo Kia, hindi mo kailangan gawin ang bagay na 'to. You are really stupid Alcantara!" singhal ko sa kanya. "I w-want you to be happy, Y-you deserve it! Y-you're the best brother I ever had." "And you will always be the best sister for me." anas ko. Hindi ko n
Nigel POV Pagkatapos kung kausapin ang mga pulis ay agad akong dumiretso sa hospital kung saan dinala si Kiara, kanina ko pa gustong sumama kanila Storm pero hindi ko naman pwede hayaan na lang ang nangyari lalo na't para wala sa tamang wisyo ang kaibigan ko kanina. Nang makarating ako ay naabutan ko si Bea na nakaupo lang sa tapat ng emergency room, tinanong ko siya kung nasaan si Storm pero mayamaya din ay nakita ko itong naglalakad palapit sa amin. "May balita na ba?" tanong niya kay Bea. Umiling naman ito. "Hindi pa nakakalabas kahit isa sa mga doctor na nandyan sa loob, kaya hindi pa namin alam ang kalagayan ni Kia." Napabaling naman ito sa akin. "Kamusta ang lakad mo?" namumula na ang kanyang mga mata na halatang kagagaling lang sa pag iyak. "Halos namatay ang lahat ng mga nando'n sa lugar na 'yon at dalawa lang ang nabuhay." anas ko. "Sisiguraduhin kung hindi sila makakalabas ng kulungan. Nagsalita ba sila? Sinabi ba nila kung sino ang nag utos sa kanila?" Huminga muna
Storm POVIt's been two days simula ng mangyari lahat at hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising ang kapatid ko, pero ang sabi naman ng doctor ay stable na ang kanyang kalagayan at nalipat na din siya sa isang private room. Hindi na muna ako pumasok dahil gusto kung nasa tabi niya lang ako kung sakaling magising man siya. Kakaalis lang din ni Nigel dahil may meeting siya pupuntahan pero babalik din 'yon dito mamaya. Si Bea naman ay pinagpahinga ko na muna.Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ni Kiara habang hawak hawak ang kanyang kamay. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit nakaratay siya ngayon dito sa hospital, pakiramdam ko ay naging masama akong kapatid."Ki, please wake up now. I'm here, waiting for you. I'm sorry kung hind kita nagawang iligtas, pero ako... nagawa mo akong iligtas and I'm so proud of you. You are so brave to do that.""Gumising ka na, tama na ang pahinga. M-marami na kaming naghihintay sayo." dagdag ko pa, hindi ko maiwasan ang hindi
Beatrice POVIlang araw na ang lumipas simula mangyari ang lahat at nakabalik na din ako sa trabaho bilang sekretarya ni Storm pero hanggang ngayon ay hindi niya pa din ako kinakausap, marahil ay galit ito sa akin dahil sa ginawa ko. Habang si Kiara naman ay unti unti ng nagiging maayos ang kalagayan, madalas si Nigel ang nag aalaga sa kanya.Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Storm ngayon dahil sa nangyari, hindi nga kami naghiwalay pero parang hangin lang naman ako sa paningin niya. Wala akong maisip na paraan kung paano kami magkakaayos na dalawa."Haler girl, okay ka lang ba?" napatingin ako sa katabi kung si Nicole, kasalukuyan kasi kaming kumakain ng tanghalian.Tumango naman ako. "Ayos lang ako, may iniisip lang." sagot ko sa kanya."Hindi pa rin ba kayo bati ng boss natin? Halos mag isang linggo na ah, alam mo girl uso galaw galaw ha. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang may kasalanan sa kanya."Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko din alam kung ano ang gagawin." pa
Kiara POVIsang buwan na ang lumipas simula ng mangyari ang lahat, naging okay na din ako at unti unti ng gumagaling ang sugat ko. Hindi muna ako pinapayagan ni Kuya na lumabas ng bahay ng walang kasama dahil delikado pa din lalo na't hindi pa nahuhuli si Kaye. Madalas ang sinusundo ni Nigel dito kapag may umaalis kami at kapag pumunta naman ako sa botique ay ihahatid niya ako o kaya si Kuya.Habang nag aayos ako ng mga papeles ay biglang tumunog ang phone ko, kumunot ang noo ko dahil isa itong unregistered number. Kaya para malaman ko ay sinagot ko na lang ito. "Hello, who's this?" bungad ko.Wala naman akong narinig na sagot sa kabilang linya na ikinataka mo. "Kung wala kang balak na magsalita ay ibababa ko na 'to. Marami akong ginagawa kaya wala akong oras na makiaglokohan sayo." inis na turan ko."Pero ako meron Kiara." halos manlambot ako ng makilala ko kung kaninong boses ito."Ate K-kaye," mahinang saad ko."Mabuti naman at hindi ko na kailangan na magpakilala sayo Kiara.""Nas