Storm POV Itinulak ako ni Bea ng makita niyang initutok ng lalaki ang baril sa akin at saka ito ipinutok, pero ang mas ikinagulat ko ng sunod sunod ang ginawa niyang pagbaril kaya napapikit na lang ako pero wala man lang akong naramdaman na kahit na ako kaya mabilis kung iminulat ang aking mga mata ng maramdaman kung may yumakap sa akin. Nakita ko ang kapatid ko, hindi ako makapaniwala na siya ang sumalo sa balang dapat ay sa akin, hindi ko alam kung paano siya napunta sa pwesto ko at nakawala sa lalaking may hawak sa kanya. "K-kiara, bakit?" naluluhang tanong ko sa kanya. "I hope you c-could forgive me Kuya. Even I didn't save ate Bea I k-know I tried my best. N-naibalik ko siya sayo. I'm s-sorry Kuya." "H-hindi ako galit sayo Kia, hindi mo kailangan gawin ang bagay na 'to. You are really stupid Alcantara!" singhal ko sa kanya. "I w-want you to be happy, Y-you deserve it! Y-you're the best brother I ever had." "And you will always be the best sister for me." anas ko. Hindi ko n
Nigel POV Pagkatapos kung kausapin ang mga pulis ay agad akong dumiretso sa hospital kung saan dinala si Kiara, kanina ko pa gustong sumama kanila Storm pero hindi ko naman pwede hayaan na lang ang nangyari lalo na't para wala sa tamang wisyo ang kaibigan ko kanina. Nang makarating ako ay naabutan ko si Bea na nakaupo lang sa tapat ng emergency room, tinanong ko siya kung nasaan si Storm pero mayamaya din ay nakita ko itong naglalakad palapit sa amin. "May balita na ba?" tanong niya kay Bea. Umiling naman ito. "Hindi pa nakakalabas kahit isa sa mga doctor na nandyan sa loob, kaya hindi pa namin alam ang kalagayan ni Kia." Napabaling naman ito sa akin. "Kamusta ang lakad mo?" namumula na ang kanyang mga mata na halatang kagagaling lang sa pag iyak. "Halos namatay ang lahat ng mga nando'n sa lugar na 'yon at dalawa lang ang nabuhay." anas ko. "Sisiguraduhin kung hindi sila makakalabas ng kulungan. Nagsalita ba sila? Sinabi ba nila kung sino ang nag utos sa kanila?" Huminga muna
Storm POVIt's been two days simula ng mangyari lahat at hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising ang kapatid ko, pero ang sabi naman ng doctor ay stable na ang kanyang kalagayan at nalipat na din siya sa isang private room. Hindi na muna ako pumasok dahil gusto kung nasa tabi niya lang ako kung sakaling magising man siya. Kakaalis lang din ni Nigel dahil may meeting siya pupuntahan pero babalik din 'yon dito mamaya. Si Bea naman ay pinagpahinga ko na muna.Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ni Kiara habang hawak hawak ang kanyang kamay. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko kung bakit nakaratay siya ngayon dito sa hospital, pakiramdam ko ay naging masama akong kapatid."Ki, please wake up now. I'm here, waiting for you. I'm sorry kung hind kita nagawang iligtas, pero ako... nagawa mo akong iligtas and I'm so proud of you. You are so brave to do that.""Gumising ka na, tama na ang pahinga. M-marami na kaming naghihintay sayo." dagdag ko pa, hindi ko maiwasan ang hindi
Beatrice POVIlang araw na ang lumipas simula mangyari ang lahat at nakabalik na din ako sa trabaho bilang sekretarya ni Storm pero hanggang ngayon ay hindi niya pa din ako kinakausap, marahil ay galit ito sa akin dahil sa ginawa ko. Habang si Kiara naman ay unti unti ng nagiging maayos ang kalagayan, madalas si Nigel ang nag aalaga sa kanya.Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Storm ngayon dahil sa nangyari, hindi nga kami naghiwalay pero parang hangin lang naman ako sa paningin niya. Wala akong maisip na paraan kung paano kami magkakaayos na dalawa."Haler girl, okay ka lang ba?" napatingin ako sa katabi kung si Nicole, kasalukuyan kasi kaming kumakain ng tanghalian.Tumango naman ako. "Ayos lang ako, may iniisip lang." sagot ko sa kanya."Hindi pa rin ba kayo bati ng boss natin? Halos mag isang linggo na ah, alam mo girl uso galaw galaw ha. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang may kasalanan sa kanya."Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko din alam kung ano ang gagawin." pa
Kiara POVIsang buwan na ang lumipas simula ng mangyari ang lahat, naging okay na din ako at unti unti ng gumagaling ang sugat ko. Hindi muna ako pinapayagan ni Kuya na lumabas ng bahay ng walang kasama dahil delikado pa din lalo na't hindi pa nahuhuli si Kaye. Madalas ang sinusundo ni Nigel dito kapag may umaalis kami at kapag pumunta naman ako sa botique ay ihahatid niya ako o kaya si Kuya.Habang nag aayos ako ng mga papeles ay biglang tumunog ang phone ko, kumunot ang noo ko dahil isa itong unregistered number. Kaya para malaman ko ay sinagot ko na lang ito. "Hello, who's this?" bungad ko.Wala naman akong narinig na sagot sa kabilang linya na ikinataka mo. "Kung wala kang balak na magsalita ay ibababa ko na 'to. Marami akong ginagawa kaya wala akong oras na makiaglokohan sayo." inis na turan ko."Pero ako meron Kiara." halos manlambot ako ng makilala ko kung kaninong boses ito."Ate K-kaye," mahinang saad ko."Mabuti naman at hindi ko na kailangan na magpakilala sayo Kiara.""Nas
Lovely POVKaharap ko ngayon ang kabigan ko at masasabi kung sobrang stress ako sa mga ginagawa niya, ilang beses ko na siyang pinagsabihan pero hindi siya nakikinig sa akin."Ano ng plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya."Hindi ako papayag na basta lang matalo."Bumuntong hininga naman ako. "Hind mo ba nakikita na masaya na sila Kaye? Bakit hindi mo na lang tanggapin ang bagay na 'yon. Hayaan mo na lang sila at ituloy mo ang buhay mo. Ang daming lalaki diyan." saad ko."Hindi pa ako tapos Lovely, kung akala ng babae na 'yan ay nakuha niya na si Storm ay hindi ako papayag!""Anong magagawa mo eh iba na nga ang mahal niya? Baka nakakalimutan mong pinaghahanap ka ng mga pulis ngayon, pati ako nadamay sa kalaokohan mo. Nagulat na lang ako ng may mga pulis na nagpunta sa condo ko at hinahanap ka." anas ko."Hindi ako magpapahuli ng gano'n na lang.""Kung bakit kasi dinamay mo pa si Kiara, sa tingin mo ba papayag si Storm na hindi mo pagbayaran ang ginawa mo sa kapatid niya? For petes sake
Beatrice POVHabang ginagawa ko ang trabaho ko ay hindi ko maiwasan ang hindi matawa dahil sa mga sinasabi ni Nicole, hindi ko nga alam kung bakit nandito ang babaeng 'to ngayon sa table ko, mukhang wala siyang ginagawa kaya nakipagchika sa akin. Wala ngayon si Storm dahil may meeting siya pero mamaya ay nandito na 'yon."Ano kaya ang feeling na maging jowa ng isang Alcantara." halata sa mukha niya na parang nag deday dreaming."Wala naman special do'n babaita! Tao din naman si Storm." sagot ko sa kanya."Duh! Girl isang Storm Kyzer Alcantara ang nabingwit mo tapos ganyan lang ang reaksyon mo?"Inirpan ko naman siya. "Totoo lang kasi ang sinasabi ko, siguro iba siya kapag nasa trabaho at iba din siya kapag sa pamilya niya gano'n. Hindi ba kapag nandito sa kompanya ay focus kami sa trabaho." saad ko."Hay naku! Parang hindi ka naman proud niyan eh. Siguro kung ibang babae 'yan ay ipapangalandakan nila na pag mamay ari sila ng isang Alcantara.""Hindi naman kasi sila ako, at saka hindi
Kaye POV Inis na inis kung hinagis ang bag ko ng marating ako sa bahay na tinuluyan ko, ilang beses ko na nakitang masayang magkasama sina Storm at Bea. Isang malaking anay talaga sa buhay ko ang babaeng 'yan na hirap tanggalin sa buhay ng taong mahal ko. Nakita ko din silang magkasama ni Kiara no'ng isang araw kaya mas lalong nasira ang mood ko. Mukhang nakuha niya na talaga ng tuluyan ang loob ng kapatid ni Storm. Kaya kung tumabi at makalapit sa kanila anytime dahil nag didisguise ako, hindi naman ako tanga para magpakita sa kanila na gamit ang totoo kung mukha para mahuli ng tuluyan. Inuubos talaga ng babae na 'yan ang pasensya ko lalo na si Kiara. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Bea. Hindi ako papayag na maging masaya ka habang ako ay nagdurusa. "Hello, sino 'to?" tanong niya sa akin. "Ang bilis mo naman yata makalimot Beatrice," saad ko. Saglit na natigilan siya at ramdam ko 'yon dahil hindi siya nagsalita. "Oh mukhang gulat ka yata na tinawagan kita." dagdag ko pa.
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa