The next day, I woke up groggily. Pagkamulat ko sa mga mata ko ay unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Napangiwi pa ako nang maramdaman na sobrang sakit ng ulo ko. Kumikirot ito at parang hinahati sa dalawa. Oh, God… I’ll never drink alcohol again… Bulong ko pa sa sarili ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko kasi pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko. Muli kong iminulat ulit ang mga ito pagkaraan ng ilang minuto, tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kuwarto para tignan ang oras sa wall clock. Kumunot ang noo ko nang mapansin na iba ang disenyo ng kuwarto. Mabilis akong napaupo sa kama at iginala ang paningin sa paligid. The room looks very familiar. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero pilit ko namang pinaka-isip. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na ito iyong kuwarto na tinuluyan namin ni Primo sa Isla Amara noon. I must be dreaming… Oo! Baka nananaginip lang ako. I mean, paan
Just like what he said, we made love that day. Dalawang beses atang naulit kaya naman pagod na pagod ako pagkatapos. Kagigising ko lang din halos nang mangyari iyon, pero dala ng labis na pagod ay muli akong nakatulog. Mga bandang alas dose naman na iyon ng tanghali nang magising ako. Wala pa rin akong suot na kahit na ano, tapos si Primo ay wala na rin sa tabi ko. Bahagya akong napanguso kasi gusto ko sanang mag-cuddle. Pero hindi ko na lang masyadong binigyan iyon ng pansin. After all, nag-cuddle naman kami pagkatapos ng ginawa naming pag-iisa kanina. Pagkalipas ng ilang minuto ay umupo na ako sa kama, habang ang hubad na katawan ay nakabalot ng kulay white na comforter. Sakto rin na bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Primo. “I was about to wake you up. Mabuti at gising ka na,” wika niya habang naglalakad papalapit sa akin. Umupo pa siya sa gilid ng kama tapos ay marahang yumuko at dinampihan ako ng halik sa labi. Alam ko naman na sob
“I’m glad that you’re both okay now,” nakangiting wika ni Luigi habang magkakasama kaming nakapa-ikot sa bonfire. Alas diez na ata iyon ng gabi at medyo nakakarami na rin sila. Ako ay pakonti-konti lang ang iniinom. Hindi naman na kailangang itanong kung bakit, kasi obvious naman na ang sagot at ilang beses ko na ring nasabi. At isa pa ay medyo naparami ang nainom ko sa bar kagabi, pakiramdam ko nga hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin sa lalamunan ko ang alak. Wala talaga sana akong balak na uminom ngayon, kung hindi lang nakakahiya sa kanila dahil nga madalang lang mangyaru ang ganito ay hindi sana talaga ako iinom. “Yeah,” nakangiting sagot naman ni Primo tapos ay inakbayan pa ako. “It took us months, but I’m really that I finally got her back,” dagdag pa niya kaya bahagya akong napanguso. Ang madaldal kasing si Luna ay naikuwento agad dito kina Mario at Luigi ang mga nangyari sa pagitan namin ni Primo. Wala na nga sana kaming
Days turned real fast. Naging maayos naman ang relasyon namin ni Primo. Siguro ay totoo nga na love is sweeter and lovelier the second time around. Nang makauwi kasi kami mula sa Isla Amara ay naging all-out ang pagpapakita at pagpaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kinausap na rin niya ang mga magulang ko. Lalo naman si dad. Pagkauwi namin ay nagkausap sila ng masinsinan. Alam ko na hindi lang iyon tungkol sa pagbabalikan namin, tungkol na rin sa WGC. Wala na sanang balak si dad na pumayag dahil naibigay na ibalik sa kanya ni Primo sa kanya ang lahat, gayong naka-transfer na nga sa pangalan ni Primo ang mga ito, pero mapilit itong isa. He said that it’s either he will return everything back, or we’ll agree to his terms and conditions. Lumabas nga ang pagiging abogado niya sa part na iyon. He said that he’s willing to take over WGC, pero mananatili sa pangalan ng pamilya namin ang lahat. He even said that we’ll become family soon, and that mad
“This is great…” nakangiting sabi ni dad habang magkakasama kaming apat nina mom at Primo na nakaupo sa mga silya sa may poolside. Gaya kasi nang napag-usapan ay uminom ng alak sina dad at Primo pagkatapos naming kumain. Ni hindi na nga sila nagpahinga kaya medyo nag-aalala ako. Pero kung sabagay ay mukhang sanay naman na silang uminom, kaya hinayaan ko na lang. “Kung hindi dahil sa mga nangyari ay hindi ko makikita na mas mahalaga pa pala kesa sa pera ang relasyon ko sa pamilya ko. At sobrang laki ng parte mo kung bakit ko napagtanto iyon. Hindi na ako ulit hihingi ng sorry, kasi alam ko na hindi mo na gustong naririnig iyon mula sa amin. But I want thank you, hijo. I really do…” nakangiti at malumanay na wika pa ni dad, ang kinakausap ay si Primo. “Hindi na po kayo iba sa akin. You are more like a family to me, and soon, alam ko po na magiging pamilya na talaga tayo. So you don’t have to thank me as well, I just did what I think was right,” nakang
The next day, nagising ako na wala na sa tabi ko si Primo. Bahagya nga akong napanguso kasi mas nauna pa siyang nagising kesa sa akin gayong lasing pa siya. It’s just six in the morning. Sa totoo lang ay inaantok pa ako pero alam ko naman na kailangan kong tumayo na kasi ay papasok pa ako sa trabaho. Pagkatayo mula sa kama ay agad akong dumiretso sa banyo para makaligo na. Sobrang sarap sa feeling ng cold shower kapag umaga. Nakaka-relax. Nang matapos naman ay nagbihis na ako at nagpasyang bumaba na. Naabutan ko naman sa hapag sina dad at Primo na parehong umiinom ng kape, si mom naman ay kasama ang isang kasambahay sa may kusina at naghahanda ng agahan. “Good morning!” nakangiting bati ni dad na siyang unang nakakita sa akin. “Good morning, guys!” nakangiting bati ko rin naman sa kanilang lahat. Habang naglalakad ako palapit kay Primo ay napansin kong medyo basa ang buhok niya at nakabihis na rin. Iba ang suot niyang damit sa suot n
The next day, I woke up abruptly and feeling empty. Wala si Primo sa tabi ko pagkagising ko, at ang una kong ginawa ay ang mag-open ng social media. At as expected ay hindi pa rin humuhupa ang issue patungkol sa nangyari kahapon. A lot of people are still hysterical over what had happened, and a lot of them are still calling me names. Sobrang nakakatakot talaga ang social media. Nakakalungkot kung gaano karami ang mga tao na ang bilis maniwala sa kung ano ang una nilang mababasa. Hindi ba nila alam na may dalawang side ang bawat kuwento? Well, I guess it’s the toxic part of social media. Bukod naman sa mga harsh comments patungkol sa akin ay may mga comments din na nagsasabing masama raw kasi talaga ang ugali ni Ara. ‘Nilapitan namin ng sister ko iyan sa isang set kasi idol siya ng sister ko, pero sinigawan lang kami. Ang sama ng ugali!’ ‘For sure she did something to provoke the girl. Hindi ko kilala si ate, pero tignan niyo na may coffee stain ang likod niya.’ ‘Ara is a bit
Gaya nang sinabi ko ay sinubukan kong tawagan si Luna pagkatapos kumain, ang kaso ay un-attended ang phone niya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng mensahe sa mga social media accounts niya, at sa number niya mismo na tawagan niya ako agad kung may problema man siya. Iyon nga lang, lumipas ang mga araw na wala pa rin siyang paramdam sa akin na siyang nakakapagtaka. Although naging okay naman na ang lahat, at humupa na ang tungkol sa malaking issue na kinasangkutan ko ay sa kaibigan ko naman ako nag-aalala. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang abala sa negosyo niya. Sa kasalukuyan ay nandito ako sa opisina ko at inaabala na lang ang sarili ko sa trabaho. Habang abala na nakaharap sa laptop ko ay may kumatok sa nakasarang pinto ng opisina, napangiti nga ako sa pag-aakalang si Primo iyon pero nang magbukas iyon ay si Lyn ang pumasok. “Miss, may bisita ka!” nakangiting wika niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango. “Si Luna ba? Papasukin