"What should I do?" Napasabunot ako sa 'king buhok habang nakahiga sa malambot kong kama.
My freakin' card!Saka lang nag-sink-in sa utak ko ang ginawa ko kanina sa mall nang nakauwi na ako ng bahay. Halos sampung minuto na akong nakakarating at ito pa rin ako, paulit-ulit na binabalikan ang maling desisyon na ginawa.I groaned and stamped my feet in the air. "Katangahan kasi palagi ang pinapairal, Khrystal," paninisi ko sa aking sarili.What if i-reach ng lalaking 'yon ang limit ng card ko? Damn, lagot ako kay Daddy!Wala pa man ay naiiyak na ako kung sakaling magkatotoo ang iniisip ko. Kaya kong harapin ang galit nina Mommy Francheska pero ayaw kong binibigo o ginagalit si Daddy.Tatlong katok mula sa pinto ang kumuha ng atensyon ko. Mayamaya pa bumukas iyon, mabilis akong bumangon nang natanawan si Mommy Francheska na papasok ng silid ko."Mom," usal ko."Prepare your things," bungad niya sa akin. "You're leaving tomorrow," she added.Hindi naman ako agad nakakilos at prinoseso ang sinabi niya.She smirked when she saw my reaction. Maarte niyang pinagkrus ang braso niya at tamad na tumingin sa akin."Nasa labas ng Vista Querencia ang kumpanya natin, Khrystal. Gugustuhin mong bum'yahe ng isang oras araw-araw papuntang trabaho?" she pointed.Slowly, I understand her point. Mom's correct. Masyadong hassle kung mananatili ako rito sa bahay habang nagtatrabaho sa labas ng lalawigan namin.But... is this real? She's really letting me go."Pero hindi pa po tapos ang huli kong project sa firm," saad ko."I will handle that. Magpapadala ako ng kapalit mo doon. Mag-focus ka sa gagawin mo. Besides, you want this right? Living apart from us," aniya.I bit my lip and lowered my gaze. "Hindi naman po sa gano'n, Mom," mahinang wika ko.She smirked and walked into my window area. Nakatanaw siya labas habang nanatiling nakakrus ang braso niya."Gawin mo ang lahat para makuha si Mr. Revelar para sa kumpanya natin, Khrystal," seryoso niyang sambit.Doon ay muli kong naalala ang pinag-usapan namin ni Nexus. Natatakot man ay nilakasan ko pa rin ang loob ko na magsalita."Bakit ako?" I asked lowly, enough for her to hear.She slowly glanced at me, then raised her eyebrow.I took a deep breath and carefully looked at her. "I found out that he's not a simple businessman nor an investor. He's a magnate tycoon. I am confused, why did you pick me—a newbie, for this project?" I asked."Because I want you out of our lives," she answered directly.Pain shot through me. Inaasahan ko na iyon, alam kong hindi nila ako gusto pero masakit pa rin pala na marinig mismo mula sa kinikilala kong ina."Pinili kita para mapalayo sa amin. Kung hindi dahil sa asawa ko, matagal na sana kitang hinayaan na mawala sa landas namin. You are a sore in my eyes, in everyone's sight. Kapag pumalya ka sa pinagagawa ko, magkakaroon ako ng rason para lalo kang kamuhian ng mga tao. At kung sakali naman na magtagumpay ka..." She smirked as if it was really impossible to happen. "May rason pa rin ako para mapaalis ka. I will just say that we already agreed on a deal. Na pinagbigyan lang kita sa bagay na matagal mo nang gusto."Napayuko na lamang ako at pinigilan ang luha kong nagbabadya."Kaya pilitin mo na magtagumpay sa pakikipagnegosasyon kay Mr. Revelar. It's better to leave quietly, right?" punto niya at tuluyan nang naglakad palabas ng k'warto ko.The moment she closed the door, my tears streamed down on my cheeks. Kagat-labi akong lumuha habang inaalala ang bawat salita niya.How did I... become this worthless?I BREATHE in and out for countless times while standing outside my family's business—the PIP Inc. Alas syete pa lang ng umaga ay nakatayo na ako rito sa labas ng kumpanya kahit alas otso pa ang oras ng opisina.Today is the day, Khrystal.I cheered myself. May mangilan-ngilan nang nakakakita sa akin na tauhan, naroon ang pagtataka sa kanilang mga mata marahil ay hindi ako pamilyar sa kanila.For sure, they will also be disgusted once they find out.Mapait akong ngumiti sa isip ko at bumuntonghininga. Asta akong lalakad nang may isang pamilyar na sasakyan ang pumarada sa harapan ng kumpanya. Agad na tumambol ang dibdib ko sa kaba.Slowly, a man in his 50s went outside the car. Nagtama ang paningin naming dalawa. Isang seryosong tingin ang ibinigay niya sa akin at saka munting tumango bilang pagpansin sa presensya ko."G-Good morning, D-Dad," I stuttered and slightly bowed my head."Come with me," he said and took his steps into the company.Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya. Ramdam ko ang tingin ng ilang tauhan na nadadaanan namin habang naglalakad ako sa likuran ni Daddy. Somehow, I realized how powerful he is. Watching him walked with confidence made me admire him more.Dahil sa pagiging abala ni Daddy sa trabaho. Dalawang beses sa loob ng isang buwan lamang siya nakakauwi sa bahay. Sa mga pagkakataong iyon ay umiiwas ako na mapalapit sa kanila. I felt like it was their family time, and I am not belong to it.Pagkatapos ng ilang pasilyo na nadaanan at pagsakay ng elevator. We finally entered his office. Alam kong kay Daddy iyon dahil ng label ng pangalan niya sa lamesa. Parang tuta naman akong tumayo sa kanyang harapan nang tuluyan na siyang nakaupo sa swivel chair niya. He looked at me seriously while scanning my whole presence."Do you really want to pursue this project?" he asked while intently looking into my eyes.Napalunok ako at palihim na pinaglaruan ang aking daliri. "Y-yes," tugon ko.He hummed and tapped his fingers on his table. "Mr. Revelar is an important client, Khrystal," he said. "We need him in our company."Sa tono pa lang ni Daddy ay alam kong ipinaaalam niya sa akin ang kahalagahan ng kinuha kong transaksyon. Na tila isang malaking kawalan kapag hindi ko nakumbinsi ang tinutukoy niyang tao."I will do my best to win him, Dad," puno ng kumpyansa kong wika.He then stared at me. Mayamaya pa ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi na na labis kong ikinagulat."I will trust you with this, Khrystal."Pitong salita lang iyon pero milyung-milyon ang idinulot na emosyon sa akin. Pinigilan ko mapaiyak kahit ramdam na ramdam ko na ang nalalapit na pagpatak ng luha ko."Welcome in our company. Now, prepare yourself because 20 minutes from now. We will meet Mr. Revelar in the conference room," Dad informed.Tumango ako saka yumukod ng sandali bilang paggalang at pamamaalam. Pinindot niya naman ang kanyang intercom at tinawag ang assistant para maihatid ako sa aking working space. Sandali pa naming nginitian ang isa't isa bago ako tuluyang lumabas ng kanyang opisina.I will make you proud, Dad.ALL my hopes and earned confidence faded when I met a familiar pair of eyes while entering the meeting room. The guy at I met at the mall! Ang nakaagawan ko sa bag.Ano'ng ginagawa niya rito?Wearing a black business suit, he's sitting next to my Dad's seat.Agad akong kinain ng kaba nang naalala ang nakaraan naming pagkikita. Nangangatal ang tuhod ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. His eyes never leave mine. Malamig siyang nakamasid sa akin na para bang sa gano'ng paraan ipinararamdam sa akin na hindi niya ako nakakalimutan."Mr. Revelar," my Dad greeted.I almost fell on my stand when I heard it.He's that magnate tycoon!Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya nang nakita ang reaksyon ko. "Mr. Dagsinal," he said and shook hands with my dad. "I didn't know you have a beautiful secretary," he added while staring at me.My dad chuckled and gently hold me to get closer to them. Pakiramdam ko ay sandali akong nawalan ng hininga habang kaharap siya."She's my daughter, Khrystal Dagsinal. She's the one in charge on this project," Dad stated.A sly smile appeared on his lips. "Oh, interesting," malaman na wika niya.I could feel my sweat forming on my head as my heart pounded loudly. Nanigas ako sa aking pagkakatayo nang hawakan niya ang kamay ko at dalahin sa labi niya."Nice meeting you, Miss," he uttered and planted a kiss on my hand. "Should I marry you now?"The way he looked at me, I know... I will fail this deal."I don't like it," he said directly after my presentation.Palihim kong naikuyom ang aking palad sa likuran ko. Inaasahan ko na ito. Gano'n pa man, umasa pa rin ako na mababago ang lahat pagkatapos nang paglalatag ko ng mga plano.Kita ko ang mapaglarong ngisi sa labi niya, pero hindi roon natuon ang mga mata ko. My dad's disappointed look caught my attention at all. Hindi man iyon mukhang naninisi ay alam kong nanghihinayang siya dahil ramdam niya rin na hindi namin makukuha si Mr. Revelar. Prenteng tumayo ang lalaki at itinipay ang ilang butones ng suit niya. "I'm sorry, but I am going to remove PIP Inc. in my list," imporma niya.Pilit na ngumiti ang ama ko saka sumunod na tumayo. "It's okay. I understand if we didn't reach your expectation," ani Dad at umastang makikipagkamay.Parang pinipiga ang puso ko habang nakamasid kay Daddy na kunwaring hindi nagpapaapekto sa bigong transaksyon.Mr. Revelar shook a hand with my dad, then glanced at me. I could feel him smirking behind his
I secretly played my fingers while sitting on his couch. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya habang nilalakad niya ang direksyon patungo sa kusina. Malaki ang unit niya, tama lang para sa isang tao na gusto ng marangyang espasyo. Hindi ko alam kung nasaan na ang lalaking kasama niya kanina, ang natatandaan ko lang ay humiwalay siya habang naglalakad kami. Siguro ay sa ibang ngunit siya nag-i-stay.Wala pang ilang segundo ay nakita ko na si Mr. Revelar na naglalakad pabalik bitbit ang dalawang liquor glass at isang maliit na ice bucket. Nakatuon ang kanyang mga mata sa akin na para bang hinihintay na may gawin akong masama. Napaayos ako ng upo nang pum'westo siya sa tabi ko, hindi man sobrang lapit ay nararamdaman ko pa rin ang mga galaw niya. "So, what brought you here, Ms. Dagsinal?" he asked casually as he opened the liquor.Wala sa sarili akong napalunok at tumikhim. "P-para kuhanin ang card ko," kinakabahan kong sagot. I knew, I planned this already. But I am still nervous bec
Pakiramdam ko ay nakipag-agawan ako ng kaluluwa kay Lucifer nang nagising ako. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang ibaba kong parte, maski ang ulo ko ay para bang pinupukpok ng martilyo dahil pumipintig-pintig iyon. "The promiscuous woman is finally awake."Mabilis akong napamulat nang narinig ang pamilyar na malamig at seryosong boses. Nakita ko si Mr. Revelar na nakaupo sa isang one seater couch na nakap'westo sa gilid ng kama. Wearing his usual business attire, legs crossed, the mighty tycoon was sternly looking at me.Promiscuous. A slut.This isn't the first time that someone talked ill to me. Sanay na ako, pero sa mga oras na ito ay hindi ko naiwasan na makaramdam ng kaunting sakit at kahihiyan. Maybe because this time, isa talaga akong malandi. I lured him. I faked a smile in the back of my mind and slowly rose up from the bed. Tinitiis ang sakit na nararamdaman sa pagitan ng hita ko at saka maingat na sinuot ang nahubad kong damit kagabi. Hindi na ako nag-abala pang ma
The coldness was spreading through my skin as I wrapped myself with the blanket across the room. I couldn't help but shivered my body from the sensation yet still manage to let out buds of sweats dripping through my forehead. Ano'ng nangyayari sa akin? Why am I suddenly having chills? May narinig akong kaluskos sa paligid ngunit hindi ko na inabala pang imulat ang mga mata ko. Bukod sa nanghihina ako ay mas gusto ko na lang magpahinga dahil sa sakit ng buong katawan ko. "Manang..." bulong na pagtawag ko. "It's cold," I continued.I know it's her. Siya lang naman palagi ang nand'yan tuwing nagkakasakit ako.Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko ang pagdagdag ng blanket na nakabalot sa akin. Akala ko ay sasapat na iyon para mabigyan ako ng init ngunit patuloy pa rin akong nanlalamig. I was trembling and mimicking Manang's name. Pakiramdam ko ay wala na ako sa aking sarili. Mayamaya pa ay umangat ang mga blanket mula sa aking katawan. Kasunod niyon ang paglubog ng kama at mahigpit
"How did you convince, Mr. Revelar?" my father asked on the phone.Napahinga na lamang ako nang malalim at saka inayos ang suot kong peplum dress. "I told you, Dad. Nag-offer lang ako na maging assistant niya paminsan-minsan," pagsisinungaling ko.Hindi naman siya agad nagsalita sa kabilang linya. Alam kong hindi niya tinatanggap ang palusot ko, pinagdadasal ko na lang na sana hindi na niya pilitin na alamin. Mayamaya pa ay narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. "Are you sure you want to do this, Khrystal?" seryoso niyang tanong sa akin.I bit my lower lip and nodded, it was as if he's in front of me. "Huwag kang mag-alala, Daddy. I can handle this," pagpapagaan ko sa loob niya.Sandali ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin habang hawak sa bandang tainga ko ang aking telepono."Okay," pagsuko niya. "Anyway, how's your apartment? I was not informed that your mom took an apartment instead of a condo for you."Tipid naman akong ngumiti. Hanggang ngayon ay naninibago
"M-Mr. Revelar..." kabado kong sambit habang pumapasok kami sa condo unit niya. "M-my car... naiwan," alanganin kong patuloy.Hindi naman siya sumagot at sinamaan lamang ako ng tingin."Does it still hurt?" he asked flatly.Wala sa sariling napaangat ang kilay ko sa pagtataka sa kung anong tinutukoy niya. Iyong paa ko ba?He lazily ran his fingers through his hair and tilted his gaze down to my...Eh?Pinamulahan ako ng mukha nang mapagtanto ang tanong niya. He's asking for my cherry's condition!Napalunok ako at nalilito sa kung ano'ng isasagot. Should I lie?Pero bago pa man ako nakaimik ay mabilis siyang lumapit sa akin at pinangko ako gamit ang matitipuno niyang braso. "K-Kagagaling ko lang," kabado kong paalala sa kanya.Tila bingi naman siya at diretyo lamang ang lakad patungo sa kanyang silid. Sa ilang araw kong pananatili sa condo niya ay saulado ko na ang bawat sulok; ang kwarto niya na tinigilan ko, ang guest room na tinutulugan niya noon, kusina, banyo, at iba pa.I shrie
It's been a week. Gano'n katagal akong hindi tinatawagan o tine-text ni Mr. Revelar. Hindi ko alam kung bakit pero ipinagpapasalamat ko na lamang iyon. After what happened that day, I don't think I can face him properly.Sa mga nagdaan na araw na iyon ay inintindi ko na lang ang pagde-design ng iba't ibang istilo ng silid para sa hotel bukod sa paminsan-minsang pagdalaw sa site. Ibinuhos ko ang panahon ko roon dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Tulad sa Vista Querencia ay wala rin akong kaibigan na matatawag dito sa kumpanya. Walang barkada na makakadaldalan o grupo na kinabibilangan tulad ng iba kong nakikita. Hindi man masama ang tingin nila sa akin ay iwas pa rin sila na makasalamuha ako nang nalaman na anak ako ni Daddy. Puros trabaho lang ang inilalapit nila sakaling may kailangan akong aprubahan.Nakakatawang isipin na kahit saan daanin, wala talagang may gusto na mapalapit sa akin. Kung sa Vista Querencia ay may mga lalaki pa rin na nakipagkaibigan sa akin, dito sa kumpa
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame ng apartment ko. Mula nang pumasok ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at nahiga. Paulit-ulit kong inisip ang ginawa ni Agustine, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga alam kung bakit siya umaakto ng gano'n.Napapikit na lamang ako at napahilot sa aking sintido. "I left my car," I uttered, and shook my head. "Sino naman kasi ang taong susundo sa gitna ng trabaho? I mean, it should be done after work!" I talked to myself.Sa halip na magpakabaliw sa pag-iisip ay iwinaksi ko na lang 'yon sa aking utak. Masyadong mahalaga ang oras ko para lang aksayahin sa kanya. Sandali akong nagpahinga at saka ginawa ng normal kong gawain sa araw-araw; naglinis ng sarili, nagbihis, nagluto, kumain, at iba pa. Kinagabihan, habang naghahanda sa aking pagtulog ay bigla na lamang pumasok ang isang ideya sa utak ko na nakapanindig ng aking mga balahibo.No, it's impossible.Hindi niya naman ako crush, 'no?I cringed. "Kun
"How are you, hija?" my mom spoke as we ate our dinner, she's talking to her friend's daughter, Lhea.I don't know why I always need to be present every time she's here. Alam kong gusto niya ang babae para sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako umoo sa plano niyang iyon. Though, I didn't decline also.I just let my mom thought that I am following her orders. Well, as of now, there's nothing wrong with her plan. I'm not in a relationship, I also don't have someone I like. There's no need to oppose."I'm doing good, Tita. Kayo po?" the girl answered.I lazily tilted my head to look at her. She's pretty, I admit it though. We're friends also. Hindi na masama para sa akin. I saw her looked at me, her cheeks flushed when she found me staring at her."Okay lang din naman. Kahit pa na-i-stress ako rito sa anak ko," reklamo ni Mama.The girl, Lhea, chuckled. "Why, Tita? Is there something wrong with your business?"Umiling naman si Mama at nakanguso akong nilingon. I just remained my stoic f
As I peered into the pitch-black abyss, the chilly breeze embraced my body. Even though it's past midnight, I'm back on the hospital's rooftop. I've been standing still and pondering things for practically an hour.I'll admit, Agustine's remarks stayed in the back of my head. I experienced conflicting emotions. Happy? Afraid? Bewildered.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at pinanuod ang mga bituin. Hindi na kami mga bata. Kung may mga desisyon man kami na kailangang gawin, hindi na namin kailangang magpaikot-ikot pa. Bigla kong naalala ang interview niya limang taon na ang nakararaan. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ay sinubukang hanapin iyon sa internet. Luckily, it's still there. Nanginginig kong pl-in-ay ang video. Pigil ang hininga ko nang nagsimula na siyang tanungin ng ilang reporter. "Mr. Revelar, would you confirm that you are the person featured in the audio recording?""Yes," diretyo at walang paligoy-ligoy na sagot ni Agustine."Are you being blackmailed th
"Khrystal." I felt a faint tap on my shoulder as I heard my mother's voice.Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo sa harapan ko. I doze off. Hindi ko iyon namalayan dahil siguro sa pagod. I glanced at Gio and found him still sleeping. Sunod ko namang hinanap si Gia. Napangiti ako nang nakita siyang kandong ni Daddy at bininigyan ng binalatan niyang mansanas."Bibili na muna ako ng pagkain natin sa labas," ani Mama.Agad akong umiling at saka tumayo. "Ako na po. May bibilhin din po ako sa labas."Hinarap ko si Daddy at ngumiti bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi ko pa ulit nakikita si Agustine mula ng sagutan nila ni Lhea. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Napahinga ako nang malalim habang naglalakad. Ngayong nabigyan na ng linaw ang nakaraan namin, hindi ko maiwasan na manghinayang. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatatag ako ng mga pinagdaanan namin. I am not a good for nothing bastarda anymore. Nakagawa na a
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Gio. "Anak . . ." nahihirapang usal ko. "Mommy needs to tell you something.""What is it, Mom?" mahina niyang tugon.I cleared the lump in my throat and moved a little. Hinayaan kong magkaroon ng espasyo para makita ng anak ko ang presensya ni Agustine. Gradually, my son's eyes grew bigger."S-Sir," he mumbled.Parang kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Hindi ko sinubukang tingnan si Agustine. Natatakot ako, nakukunsensya, at nasasaktan. Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Ang mga mata ng anak ko ay nakatuon lamang sa kaniya. Namamangha at nag-uulap ang paningin sa presensya ng kaniyang ama."Gio . . ." I barely managed to say. "A-anak, s-si Daddy . . . nandito siya para sa 'yo."Marahan na lumipat ang paningin niya sa akin. Mas lalong naipon ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Tila hindi makapaniwala na narinig. Once again, I tried to smile at him."Hindi niyo na kailangang magtago, anak . . ." I murmured.Gio's tears
"Omg, girls have some class."My gaze shifted when a familiar voice spoke. Napakunot ang noo ko nang nakita ang nanay ni Agustine. Prente siyang nakatayo habang nakasabit sa kaniyang braso ang isang mamahaling bag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka eleganteng naglakad palapit sa amin. Hindi nakalampas sa aking tainga ang bawat ingay ng takong niya habang tumatapak sa sahig ng ospital."Where's my son?" she asked when she's finally in front of me.I stared at her for a second. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya. I could not even decide whether to respond or ask back a question. "Mom." On cue, Agustine arrived. Mabilis siyang nagtungo sa ina at masuyong hinawakan ang braso nito. "What are you doing here?" he added."Well, I found out that you're here. May nangyari ba sa 'yo?" usisa ng nanay niya.Mabilis namang umiling si Agustine at tumingin sa akin. Humihingi ng pasensya kahit wala pa mang nangyayari. His throat moved before looking back at his mother. "M
I was pacing back and forth—waiting for him to show up—as I held tight on the pregnancy test. Almost two weeks had passed since I found out about it. I didn't know what to do; all I knew was . . . I must tell him about our baby.Dalawang oras na rin buhat nang makarating ako rito sa lobby ng condo niya. Pagkalapag ko pa lang sa airport ay dito na ako nagpahatid sa taxi. Gusto ko siyang akyatin sa unit niya, pero natatakot ako sa kaniyang reaksyon. I know he's mad at me, and it might trigger him to be impulsive. Kung dito ako sa lobby magpapakita, makakapagkontrol pa siya dahil may mga taong nakapaligid.I took a deep breath and calmed myself. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa takot na baka maapektuhan ang anak ko. Sandali akong umupo sa couch para makapahinga. Right after that, I finally saw him walking. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi sa daan. I was about to rise from my seat when a child suddenly grabbed his hand. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod ang fia
"Aren't you going to talk?"I took a deep breath and turned to face him. Halos sampong minuto na rin mula nang umakyat kami rito sa rooftop ng ospital. I invited him here so we can talk peacefully; that's what I believe."Hindi ko sila planong itago sa 'yo," panimula ko.He scoffed. "Really? That's why I recently found out that I have kids," he mocked along with his intense glare.Nakagat ko ang ibaba kong labi at napaiwas ng tingin. "I was planning to tell you today.""Today," he repeated and laughed wearily. Napahiyaw ako nang humarap siya sa pader at malakas iyong sinuntok. Magkakasunod pang mura ang binitiwan niya bago muling tumingin sa akin. I could see the pain and betrayal in his eyes."You should have informed me right away when you found out you were pregnant, Khrystal! Muntik na maging bastardo at bastarda ang mga anak ko!" His veins nearly burst while screaming."Paano ko ipapaalam sa iyo ang pagbubuntis ko kung buong akala ko pamilyado ka, Agustine?! Tingin mo ba ay ginu
My body seemed to be moving on its own. I don't know how to think properly. Nanginginig man ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumakbo. Lord, please, not my son."M-Miss, Giovani Dagsinal, please," I asked at the nurse assigned in the emergency ward."D-Dinala siya sa operating room," a familiar voice interrupted.Wala sa sarili akong napalingon sa direksyon niya. Her eyes were swollen. Sa gilid niya ay naroon ang anak niyang tahimik na umiiyak habang may benda sa kaniyang siko. Nakaupo silang pareho sa isang hospital bed."Lhea, why are you here? And what happened to Dianne?" usisa ni Agustine. Her throat moved slowly. Nakukunsensya siyang tumingin sa akin. Astang bubuka ang bibig niya para magsalita pero agad niya rin iyong itinikom. I chose to ignore her in the end. Wala akong pakialam sa kaniya. Ang kailangan kong makita ay ang anak ko. Mabilis akong tumakbo paalis, ramdam ko ang pagsunod ni Agustine sa akin pero miski siya ay hindi ko pinagtuunan ng atensyon."K-Khrystal,"
Hindi ko alam kung paano haharap kay Agustine. I know, he's inside my office. Noong umalis ang fiancee at anak niya ay nakita ko siyang pumasok ng building. Ipinahatid ko muna kay Mama ang mga bata sa malapit na park. I want them to breathe for a moment. Alam kong masakit sa kanila ang pangalawang beses na makitang kasama ni Agustine ang pamilya niya. But I don't want to delay this anymore. Kakausapin ko na siya, kami muna. Ilang beses akong kumuha at bumuga ng hininga bago marahang binuksan ang pinto ng opisina ko. Tulad ng inaasahan ko, nakaupo siya sa visitor's chair, hinihintay ang pagdating ko. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.Kung sa normal na mga araw, nagagawa ko siyang batiin kahit bilang partner sa negosyo. Ngayon ay hindi ko iyon magawa. Oo, hindi niya naman kasalanan na naabutan sila ng mga anak ko. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob. "Good morning, Ms. Dagsinal," bati niya.Hindi ako sumagot. Naglakad lamang ako patungo sa aking upuan at saka