Share

Badboy's Pleasure
Badboy's Pleasure
Author: mamamia

Chapter 1

Author: mamamia
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Another day, another sakit ng ulo na naman!

Napaunat ng sariling kamay si Mariam Saavedra aka Maymay, the only girl of Saavedra clan.

“Oh my God! Late na ‘ko sa exam namin! Finals pa naman," pag-aalalang sabi ni Maymay sa sarili sabay tingin sa relo. Napakamot na lang siya sa ulo dahil late na siya that time!

Sakay si Maymay ng isang taxicab. Papunta siya sa USVC para mag take ng final examination nila. Pero mukhang male-late na talaga siya. Alam niyang ganito ang mangyayari. Paano ba naman ay routine na niya ito. Mula pa first year at hanggang ngayon na fourth year na ay lagi siyang late. Sa kabila nito, swerte pa rin siyang hindi bumabagsak sa kahit isang subject. Napakatalino kasi nitong babae.

"Mamang driver, pwede pakibilisan nang kaunti? Male-late na po kasi ako eh. Dodoblehin ko po pamasahe ko,” ani pa niya rito.

"Sure na sure, iha. Hawak ka nang mahigpit d'yan at paliliparin ko ang pedicab na 'to!" tugon ng driver. Ginawa nga ng driver ang sinabi nito. Umabot hanggang 100 kph ang takbo ng pedicab. Sa bilis ng takbo ay halos lumipad pati kaluluwa ni Maymay. Napakagaling umilag ng mamang driver sa lahat ng sasakyan. Buti na lang at magaling magmaneho ang driver, at nakarating sila ng ligtas. Subalit kahit mabilis na ng takbo nito ay late na talaga si Maymay. Pagkaabot ng pamasahe sa pedicab driver, agad na tumalon si Maymay at patakbong pumasok sa loob ng campus. Malayo pa ang building ng department nila mula sa entrance gate. Male-late pa siya nang dagdag na 10 minuto kung sa kalsada ng campus dadaan kaya diretsong gitna ng oval siya tumakbo.

Sa malayo ay kitang-kita siya ng mga mag-aaral na nasa grandstand. Aliw na aliw ang mga ito habang nanonood sa bilis ng takbo ni Maymay na sa sobrang bilis ay pwede nang pang laban sa olympics. Alam rin kasi nilang late na ito sa klase kaya ganoon nalang kung siya ay makatakbo. Malapit na sana siya sa department building nila nang ‘di niya napansin ang isang bato na nakausli sa daan. Sa kasamaang palad ay naapakan ito ni Maymay kaya siya nadapa. Lalapitan sana siya ng mga nakakita sa kanya pero parang walang nangyari at nakatayo siya kaagad.

Determinado talaga siyang makakuha ng final examination. Paano ba naman ay may isang pinaka-importanteng tao ang nangako sa kanya ng kasal pagkatapos niyang makapag-aral, ang fiancé niyang si CJ. Habol ang hininga at hindi pa makatakbo nang mabilis, dahan-dahang umakyat si Maymay sa hagdanan. Hanggang sa makarating na siya sa classroom nila. Nagtinginan ang lahat ng nasa loob ng classroom sa kanya. Imbis na mahiya ay dali-dali siyang pumasok sa loob at umupo.

Nang makita siya ng proctor ay sinabi nito, “Miss Mariam Saavedra, you’re 30 minutes late! Lagi ka na lang ganyan! Kailan ka pa ba magbabago? Kapag naranasan mo nang bumagsak sa isang subject?” sumbat ng proctor sa kanya.

“Sorry miss, ang laki kasi ng campus,” hinihingal na paliwanag ni Maymay.

“That’s so unreasonable! I've heard that a thousand times from you! But okay, sige take this paper. You now only have 30 minutes to answer the exam,” ani nito. Buti na lang considerate ang proctor. Kahit 30 minutes late na siya ay pinakuha pa rin ng exam final exam. Nakahinga siya ng maluwag, pagkatapos ay tiningnang ang papel. Wala s’yang choice kung ‘di bilisan ang pagsagot para makahabol sa na-missed niyang oras.

Lumipas ang dalawampung minuto, isang item na lang ang hindi nasasagutan ni Maymay. Ang bilis nga naman talagang magprocess ng utak nito!

Hindi nakapagtataka dahil siya ang pinakamatalino sa klase. Consistent dean's lister siya sa kursong Electrical Engineering mula pa noong first year. Lagi nga lang late.

Mini-maintain ni Maymay ang grades para makatulong sa magulang dahil sobrang mahal ng tuition fee. Maswerte naman ang magulang niya sa kanya dahil wala na silang inaalala pang bayarin sa matrikula. Bukod pa rito namamasukan din siya bilang part time crew sa isang restaurant, ang El Chico Cafe. Dito niya nakilala si CJ. First year pa siya nang namasukan doon. Nakilala niya bilang kasamahan si CJ as waiter noon.

Sa simula ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Magkasundo sila sa lahat ng bagay at laging nagdadamayan sa isa't isa. Akala ni Maymay na kaibigan lang ang turing ni CJ sa kanya hanggang sa nagtapat ito at nagkapalagayan ang loob nila sa isa't isa. Nahulog ang loob ni Maymay kay CJ at kalaunan ay naging magkasintahan silang dalawa. Sa unang taon ng kanilang relasyon inakala ni Maymay na simpleng tao lang si CJ, iyon pala ay may inililihim ito sa kanya.

Isang araw, may lalake at babae na bumisita sa restaurant at hinanap si CJ. On duty si Maymay noon. Napansin niyang magagara ang kasuotan ng mga ito.

Nabigla siya nang sinalubong si CJ ng babae at niyakap ito. Narinig niyang tinawag ni CJ ang babae na "Mom" at "Dad" naman ang lalake.

Mga magulang pala sila ni CJ ang mga ito. Ang ikipanagtaka niya ay bakit mukhang mayayaman ang mga ito. Kung gayon ay mayaman ang pamilya ni CJ at hindi man lang niya ito nalaman. Nanliit siya sa sarili at gusto na sana niyang umalis dahil nakakahiya sa mga magulang ni CJ. Na-realize din niya na hindi pa nga niya lubos na nakikilala ang kasintahan. Naisip niyang makipaghiwalay kay CJ pagkatapos na ito ay makausap ng mga magulang. Kaya hindi na lang siya umalis at hinintay na sila ay matapos.

Habang nagpupunas ng lamesa ay tinawag siya ni CJ. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at hindi na alam ang gagawin kung lalapit ba siya sa kanila.

Nanatili lang si Maymay sa kanyang kinalalagyan kaya lumapit na si CJ sa kanya. Inalalayan siya nito at lumapit sila sa kinaroroonan ng mga magulang niya. Habang papalapit sila ay kung ano-ano na ang naiisip ni Maymay. Nai-imagine niyang sasampalin siya ng mama ni CJ.

Nagbalik lang ang kanyang diwa nang sinabi ni CJ na mag relax lang siya dahil mabubuting tao ang mga parents niya. Lalo siyang nabigla nang ipinakilala siya ni CJ bilang girlfriend sa mga magulang niya. Hindi niya maubos maisip na gagawin iyon ni CJ. Sa pag-ooverthink, inakala niyang magagalit ang mga magulang nito dahil sa simpleng babae lamang siya gaya ng mga nangyayari sa soap opera. Nagulat na lang si Maymay nang niyakap siya ng mama ni CJ at masayang-masaya na nakilala siya. Matagal na palang alam ng mga magulang ni CJ ang relasyon nilang dalawa at masaya sila para sa kanila. Noon din niya nalaman na sila pala talaga ang may-ari ng El Chico Cafe. Nag trabaho lang si CJ bilang waiter para mas lalo pang malaman ang pinaka epektibong paraan sa pagpapatakbo ng mga restaurant nila.

Nahihiya man sa sarili ay binalewala na lang ni Maymay dahil ramdam naman niyang tanggap siya ng pamilya ni CJ at mahal na mahal din niya ito.

“Relax lang Maymay, kaya mo ‘to. May limang minuto pang natitira. Last na lang ‘to, hindi ka dapat mag-miss nang kahit isang item,” Encouragement ni Maymay sa kanyang sarili para makompleto ang pagsagot sa mga items ng exam.

Finals na nila at kailangan niyang pumasa para makapag-internship at grumadweyt na. Last item na lang na hindi niya nasasagutan kaya sinusulit niya ang pagkakataon na may mga minuto pang natitira.

“The last step to solve the superposition theorem is… ahm… Ano ba ‘yon? Review ko nga muna.

First is: Take only one independent voltage or current source. 

Second: Obtain the branch currents. 

Third: Repeat the above for other sources. And lastly, ahm… Hay naku! 2 minutes na lang,”

“Wait, naalala ko na! Yes! Last is: To determine the net branch current just add the current obtained above,”

Sa wakas ay nasagutan nga ni Maymay lahat ng items sa exam nila. Akmang tapos na rin ang oras.

“Okay, time is up! Finish or not, pass your paper!” utos ng proctor nila.

Masayang ibinigay ni Maymay ang papel at confident na papasa sa exam. Napansin ito ng kaklase niya at kinausap siya.

“Wow! Infairness, kahit late positive mood pa rin! Ang saya yata natin ter, ah! parang nabunutan ng tinik,”

“Siyempre, kahit papaano internship na lang aalalahanin natin at ga-graduate na tayo,” sagot niya rito.

“Buti ka, for sure papasa. Eh, ako, siguradong babagsak! Ang hirap kaya ng exam, ter!” pag-aalalang sabi nito.

Samantalang pinag-uusapan nila Maymay ang tungkol sa kanilang exam ay nahahalata naman ng proctor nila na maraming malungkot. Kaya sinabi nito,

“Class, this exam will not guarantee your success in this course. I know napakahirap ipasa ng Electrical Engineering, but you can make it up if all of your requirements are completed before your official grades are posted in the portal. Once submitted, we’ll update you if you pass or fail. Are we clear?”

“Yes, ma’am!” sagot ng buong klase sa proctor.

“Okay. Class dismissed,” paalam ng kanilang proctor.

Kahit nakaalis na ang proctor at iba sa mga classmates ni Maymay ay nanatili siya sa loob ng classroom. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi pakiramdam ni Maymay ay inaakyat siya ng mga ulap.

Excited siyang ipaalam sa fiance na sa wakas ay tapos na ang kanilang final examination. Konteng tiis na lang ay matutupad na nila ang pangako sa isa’t isa, na sila ay magpapakasal.

Isa-isa niyang niligpit ang mga gamit at dahan-dahang lumabas sa classroom habang ang nasa isip ay ang pagbabalik tanaw sa araw na nagpropose sa kanya ang fiancé na si CJ.

Related chapters

  • Badboy's Pleasure   Chapter 2

    Sa sandaling iyon ay nagbalik sa gunita ni Maymay ang lahat ng memorya niya kasama si CJ. She is so freaking in-love to him!Four months ago, nasa 4th year anniversary ng restaurant ni CJ, ang El Chico Cafe. Ipinagdiwang nila ito sa isang exclusive island. Lahat ng staffs and crews mula sa iba’t ibang branch ng kanyang restaurant ay nandoon, at isa na si Maymay.Saksing-saksi siya sa pagtatagumpay na natamo ng El Chico Cafe. Nakita niya kung paanong sinubukan muna ni CJ na magtrabaho bilang waiter sa sariling restaurant. Ginawa ito ni CJ para malaman ang napakalaking bahagi ng trabahante sa ikalalago ng negosyo.Ito rin ang naging dahilan kaya sila nagkalapit sa isa’t isa. Siya ang naging karamay ni CJ noong nagsisimula pa lang ito. Nakita ni CJ ang magagandang katangian ni Maymay. Bukod sa maganda, magiliw, masipag, magalang sa costumers, honest, mabait ay nahihigit sa lahat ang kabutihang loob ni Maymay na s’yang naging kanyang sukatan sa pagpili ng trabahante.Alam ito ni Maymay d

  • Badboy's Pleasure   Chapter 3

    Nagbalik sa alaala ni Maymay ang lahat noon. Fourth year anniversary ng restaurant ni CJ, ang El Chico Cafe. Ipinagdiwang nila ito sa isang exclusive island. Lahat ng staffs and crews mula sa iba’t ibang branch ng kanyang restaurant ay nandoon, at isa na si Maymay. Saksing-saksi siya sa pagtatagumpay na natamo ng El Chico Cafe. Nakita niya kung paanong sinubukan muna ni CJ na magtrabaho bilang waiter sa sariling restaurant. Ginawa ito ni CJ para malaman ang napakalaking bahagi ng trabahante sa ikalalago ng negosyo. Sa katunayan nga ay nasa memorya pa rin ni Maymay ang love letter ni CJ sa kaniya that time.And as follows, ganito ang sinulat ng lalaking mahal niya sa kaniya.My Dearest Maymay,As I sit down to pen these words, my heart swells with love and gratitude for the incredible woman you are. From the moment our paths crossed, my life has been graced with an abundance of joy, laughter, and boundless affection.Each day with you feels like a chapter from a fairy tale, filled wit

Latest chapter

  • Badboy's Pleasure   Chapter 3

    Nagbalik sa alaala ni Maymay ang lahat noon. Fourth year anniversary ng restaurant ni CJ, ang El Chico Cafe. Ipinagdiwang nila ito sa isang exclusive island. Lahat ng staffs and crews mula sa iba’t ibang branch ng kanyang restaurant ay nandoon, at isa na si Maymay. Saksing-saksi siya sa pagtatagumpay na natamo ng El Chico Cafe. Nakita niya kung paanong sinubukan muna ni CJ na magtrabaho bilang waiter sa sariling restaurant. Ginawa ito ni CJ para malaman ang napakalaking bahagi ng trabahante sa ikalalago ng negosyo. Sa katunayan nga ay nasa memorya pa rin ni Maymay ang love letter ni CJ sa kaniya that time.And as follows, ganito ang sinulat ng lalaking mahal niya sa kaniya.My Dearest Maymay,As I sit down to pen these words, my heart swells with love and gratitude for the incredible woman you are. From the moment our paths crossed, my life has been graced with an abundance of joy, laughter, and boundless affection.Each day with you feels like a chapter from a fairy tale, filled wit

  • Badboy's Pleasure   Chapter 2

    Sa sandaling iyon ay nagbalik sa gunita ni Maymay ang lahat ng memorya niya kasama si CJ. She is so freaking in-love to him!Four months ago, nasa 4th year anniversary ng restaurant ni CJ, ang El Chico Cafe. Ipinagdiwang nila ito sa isang exclusive island. Lahat ng staffs and crews mula sa iba’t ibang branch ng kanyang restaurant ay nandoon, at isa na si Maymay.Saksing-saksi siya sa pagtatagumpay na natamo ng El Chico Cafe. Nakita niya kung paanong sinubukan muna ni CJ na magtrabaho bilang waiter sa sariling restaurant. Ginawa ito ni CJ para malaman ang napakalaking bahagi ng trabahante sa ikalalago ng negosyo.Ito rin ang naging dahilan kaya sila nagkalapit sa isa’t isa. Siya ang naging karamay ni CJ noong nagsisimula pa lang ito. Nakita ni CJ ang magagandang katangian ni Maymay. Bukod sa maganda, magiliw, masipag, magalang sa costumers, honest, mabait ay nahihigit sa lahat ang kabutihang loob ni Maymay na s’yang naging kanyang sukatan sa pagpili ng trabahante.Alam ito ni Maymay d

  • Badboy's Pleasure   Chapter 1

    Another day, another sakit ng ulo na naman!Napaunat ng sariling kamay si Mariam Saavedra aka Maymay, the only girl of Saavedra clan.“Oh my God! Late na ‘ko sa exam namin! Finals pa naman," pag-aalalang sabi ni Maymay sa sarili sabay tingin sa relo. Napakamot na lang siya sa ulo dahil late na siya that time!Sakay si Maymay ng isang taxicab. Papunta siya sa USVC para mag take ng final examination nila. Pero mukhang male-late na talaga siya. Alam niyang ganito ang mangyayari. Paano ba naman ay routine na niya ito. Mula pa first year at hanggang ngayon na fourth year na ay lagi siyang late. Sa kabila nito, swerte pa rin siyang hindi bumabagsak sa kahit isang subject. Napakatalino kasi nitong babae."Mamang driver, pwede pakibilisan nang kaunti? Male-late na po kasi ako eh. Dodoblehin ko po pamasahe ko,” ani pa niya rito."Sure na sure, iha. Hawak ka nang mahigpit d'yan at paliliparin ko ang pedicab na 'to!" tugon ng driver. Ginawa nga ng driver ang sinabi nito. Umabot hanggang 100 kph

DMCA.com Protection Status