“Kuya, Ate Haila’ s birthday is coming. Anong balak mo?” Pagbubunganga ng kapatid ko habang nakaunan sa aking binti. Abala ako sa panonood ng anime ng pumasok sya’t kinulit na naman ako. As usual, ugaling-ugali na nya ito noon palang.Napailing ako. Do I need plan for her birthday? Babatiin ko nalang sya. Sapat na ‘yun, tutal naman may manliligaw syang kayang magplano sa birthday nya. Baka pagnagplano ako, pag-isipan pa ako ng masama noong loko.“Kailangan pa ba ‘yun? Tsk! I don’t have enough time to plan anything for her birthday.” Pasinghal na sagot ko. Nakita kong nag angat sya ng tingin sa akin. Masama iyon at para bang may mali sa sinagot ko.“You’re so bad, Kuya. Hindi ba’t mabait ka na sa kanya. Why don’t you surprise her. Para naman magkapuntos ka sa kanya kahit papaano,” maarteng sagot ni Rhaivee.“What are you talking about?”“Gosh! You’re so slow. Hahayaan mo nalang ba na talunin ka ni Kuya Kenneth? C’mon, do somenthing to make her happy. And for your information, Kuya, Mom
“Kuya, pinapatawag ka ni Mommy sa kwarto nila. May sasabihin raw syang importante sa’yo,” usal ng aking kapatid ng mapansin kong bumukas ng bahagya ang pintuan ng aking kwarto’t dumungaw sya roon. Nakaramdam ako ng inis sa presensya nya.“Tsk! Nagsumbong ka na naman kasi,” inis na singhal ko rito. Alam ko na ang pag uusapan namin ni Mommy. Malamang, ‘yung tungkol sa party na plano nila. Hindi nya ako napapayag kaya nagsumbong na sya kay Mommy. Lakas talaga! “Hoy! Hindi ah, kapal nito.”“Ang laki mong epal e, tabi nga,” tinapik ko sya ng tuluyan na akong makarating sa may pintuan. Nakaharang kasi ito at sumimangot sa ginawa kong pangtatapik sa kanya. Epal.“Mas epal ka,” binelatan nya ako’t lumaban rin ako. Nasa ganoon kaming postura habang papunta sa kwarto nina Mommy at Daddy. Nagkukurutan kami o ‘di kaya naman ay naghahampasan. Sanay naman na ako sa ugali ng kapatid ko. Sarap lang ibalibag.“Mommy si Kuya oh, sinuntok ako.” Pagsusumbong ng kapatid ko nang tuluyan na kaming makapaso
“Lalim ng iniisip mo ha? Hindi yata kayang sisirin ng kahit na sinong swimmer ‘yan,” usal ni Luis na pumukaw sa nalulutang kong wisyo. Napansin kong nasa akin pala ang kanilang tingin, kasama na roon si Haila. Doon ko rin napansin na wala ang kanyang manliligaw.“Tsk! Wala ka ng pakialam doon,” singhal ko. Sumimsim ako ng iced tea habang iniisip parin ‘yun. Hindi ko talaga kayang kumalma. Nasa akin pa rin ang tingin ng yaya ko. Mukhang sinusuri nito ang aking kabuuan.“Ang sungit nito! May regla? May regla?” Saad ni Luis. Sinimangutan nya ako. Hindi ba nya alam na wala ako sa mood? Taenang ‘yan.Napailing ako. Bukod sa stress sa school, nakakapagod na rin mag-isip kung dapat ba akong sumama sa gimik nina Mommy. Parang gusto ko na kasi na hindi. Basta hindi pa ako totally decided. Baka pagtawanan ako ng mga kaibigan ko. At baka pagselosan pa ako ng Kenneth na ‘yun.“Nga pala, Haila, nasaan si Kenneth? Mukhang wala sya,” pag-iiba ni Chris sa usapan. Hindi ako nag aksaya ng oras para ta
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam pero mula kahapon nawalan na ako ng gana sa lahat. Epekto ba ito ng napanood kong surprise ni Kenneth kay Haila? Hanggang sa panaginip ‘yun ang nakikita ko. Masyado na yata akong nababaliw sa bagay na ‘yun. Hindi naman bigdeal e pero hindi ko maiwasanBukas na ang birthday nya, sabado. Kay bilis ng araw na dati ay pinagtatalunan lang namin ‘yung tungkol sa party. Kahit hindi pa ako pumayag, tinuloy parin nila ito. Nagbabakasakali kasi silang magbabago ang isip ko. Doon palang na nagkwento si Haila gustong-gusto ko na pero ng isurprise sya ni Kenneth, umatras na ako. Natalo ako.“Sir, here’s your milk.”Pumasok ito ng hindi ko namamalayan. Tinapunan ko sya ng tingin. Dahan-dahan na akong bumangon at inayos ang sarili. Nakatayo ito sa ‘di kalayuan sa akin.“Thank you.”Ininom ko ang dala nitong gatas. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi pagkainom lahat noon. Doon ko sya sinuri. May kakaiba na sa kanya. Naging maarte na sya sa katawan mula ng manli
Hindi ko maiwasan ang malungkot. Mula kaninang umaga, hindi ko na pa nakita ang anino ng alaga kong pinakamagaling sa mundo. Malamang naroon sya sa kanyang kwarto at nagpapalamon sa anime. Sabing pagbati lang ang kaya nyang ibigay pero hindi naman nya magawa. Wala syang kaeffort-effort.Nakakatampo ka, Sir.“Haila, nakalimutan kong patayin ‘yung ilaw sa may bodega kanina. Pakipatay mo nga,” saad ni Maam Rachel sa akin ng busy ako sa paghuhugas ng mga ginamit nyang kubyertos sa pagluluto. “Sige po, Maam,” sagot ko. Pinunasan ko ang aking kamay matapos kong maghugas. Pumaroon ako sa bodega tulad ng utos ni Maam Rachel. May kalayuan iyon kaya natagalan ako. Kinailangan ko pang tapangan ang sarili ko dahil itsura palang ng bodega ay nakakatakot na. Sa takot na baka mapagalitan ako kay Maam ay nilakasan ko na lamang ang aking loob.Pagkapasok ay hinanap ko na ang switch ng ilaw upang mapatay ito. May kalakihan rin ang bodega nila. Hindi ito magulo sapagkat nakaayos ang mga gamit na nakat
Tatlong araw makalipas ang birthday ko. Hindi ko alam kung bakit nag-iba bigla ang pakikitungo ni Sir sa’kin. Dapat na ba akong kabahan? Talagang nakakapanibago ang mga kilos sa mga nagdaang araw. Kapag nakikita nya akong nagtratrabaho, kinukulit niya ako. Nakakatuwa naman siyang kasama. Hindi ko lang talaga maiwasan ang manibago. Kung dati hindi ako naiilang, ngayon ay kahit boses nya, iba na ang dating sa’kin.Anong nangyayari sa’kin?Napansin ko ang pag-iiba rin ng ugali ni Kenneth. Mas malala na ito at hindi ko na maintindihan. Naging mahigpit siya sa’kin kahit pa naman nanliligaw palang siya. Siguro ay pati siya ang pagbabago ng tuluyan ni Sir. Naiinis na rin ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko pa nga inaasahan na sasabihin niya ang mga katagang ‘yun.“Haila, ‘yung ice cream mo natutunaw na,” ani Kenneth kaya bumalik ang isip ko sa reyalidad. “Sorry.” Pinunasan ko ang aking kamay na nalagyan ng ice cream. Tumulo na ito sa kamay ko ng hindi ko namamalayan. Kunot-noo akong tinigna
“We need to talk, Haila.”Paggising ko ay ‘yun ang bumungad sa’kin pagkahawak ko sa aking selpon. Natanggap ko ‘yun mula kay Kenneth kaya bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba sa pakiramdam. Pagkaraan ng ilang linggo ay naisipan na nitong makipag-usap sa’kin. Matagal ko ‘tong hinintay pero ngayong nandito na, para akong mauubusan ng hininga.Hindi na ako nakapagpaalam kay Sir dahil tulog pa ito. Napuyat ito kagabi dahil tinapos ang mga schoolworks niya. Sa pangungulit niya sa’kin, ‘yung sa kaniya ang ‘di natapos. Tanging sa mayordoma lang ako nakapagpaalam. Pinayagan naman niya ako. Hinintay ko munang huminto ang ulan bago tuluyang lumabas ng mansyon. Nakasuot ako ng medyo mahabang damit dahil malamig dito. Wala pa si Kenneth ng makarating ako kaya naupo muna ako sa may bench malapit sa malaking puno.Napakayakap ako sa aking sarili dahil malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Mahit pa man tumigil na ang ulan, maulap pa rin ang kalangitan. Nalim
Binalikan ko si Haila dahil napalakas ng ulan. Pero hindi ko akalain na masosopresa ako sa aking makikita. Lalo akong nanginig sa takot ng makita ang tao na may hawak na payong. Pinapayungan nito ang babaeng mahal ko, si Haila. Para akong magwawala sa galit na aking nararamdaman.Kaming dalawa lamang ni Haila ang nakakaalam na magkikita kami. Nakapagtataka kung bakit narito siya. Paano niya alam na mag-uusap kami? Sinabi ba ni Haila? Fuck!Nasaktan ako sa kadahilanang naunahan ako ni Rhaiven na payungan si Haila. Nasaktan ako dahil ako dapat ‘yun at hindi siya. Makita ko lamang sila na magkasama ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Wala akong gustong mangyari kundi ang magwala sa galit.Nakita ko kung paano inalalayan ni Rhaiven si Haila na tumayo. At sa hindi inaasahan ay nakita kong yumakap ito sa lalaking tumulong sa kaniya. Napayukom ako ng kamao sa inis. Handa na itong sumuntok sa pagmumukha ni Rhaiven. Pero hindi ko magawang takbuhin ito dahil naestatwa ako sa aking kinau
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.