Maaga akong umuwi dahil kinakailangan ko pang asikasuhin si Sir. Baka kasi biglang bumalik sina Maam Rachel sa trabaho. Nahihiya rin ako na ang nanay nito ang umako sa trabahong dapat ay sa akin. Sinabi ko kay Kenneth na sa ibang araw na kami lalabas dahil kailangan ako ni Sir.Hindi nya parin maiwasan ang mapraning. Hindi naman ako nagsawang ipaintindi sa kanyang mali sya ng iniisip. Aminado naman si Sir na wala syang gusto sa akin. Sadyang mapang asar lang sina Luis kaya siguro sya ganoon mag-isip.Hindi naman ako papayag na magkaproblema sina Kenneth at Sir ng dahil lang sa akin. Kaya kung kinakailangan na itanim ko sa utak ni Kenneth ang mga sinabi ni Sir sa akin, talagang gagawin ko. Ayokong pag-isipan nya ng masama ang mga kinikilos ni Sir. Magkasundo na nga kami, pag-isipan pa nya ng masama? Hindi naman na dapat dahil harap-harapan na mismo sinabi ni Sir na wala syang gusto sa akin.Nadagdagan lang ‘yung closure naming dalawa. Masasabi kong masaya na ako roon. May mga bagay na
Tinext ko kay Haila na papasok ako. Sa second class na kami nagkasama dahil nalate nga ako ng pasok. Hinintay ko pang makaalis ng bahay sina Mommy at Daddy. Kinuntyaba ko naman ang mga yaya na huwag magsumbong. Nakuha naman sila sa tingin.Naunang pumaroon sa canteen si Haila dahil tinapos ko pang maglecture. Marami akong namiss na lesson sa tatlong araw na pagliban ko ng klase. Nakaexcuse naman ako dahil nga may sakit ako. Sinundo ni Kenneth si Haila at sinabi kong susunod na lamang ako. Nang matapos ako ay pumaroon narin ako sa canteen. Nakaramdam kasi ako ng gutom.Nadatnan ko ang dalawa sa pwesto namin. As usual, naghaharutan na sila na para bang highschool student. Tsk! Mga yawa sila. Kala mo naman bumalik sa pagkabata. Napansin ko na wala ‘yung dalawang bugok, sina Luis at Chris. Huwag nilang sabihin na sasamahan ko ang lovebirds? Ano pa nga ba?“Where’s Luis and Chris?” tanong ko ng tuluyang na akong maupo sa kanilang harapan. Ibinaba ko ang dala kong bag sa tabi ko.“May pinun
“Tsk! Kung alam ko lang na wala kayo doon kanina, sana hindi na ako kumain. Imagine, kasabay ko ‘yung lovebirds na akala mo naman mag-asawa kung maglambingan sa harap ko,” ani ko na naiinis.“Oh anong masama doon? As if kung nagseselos ka,” ‘yun na naman ang simula ng pang-aasar ni Luis sa akin. Wala na ang dalawang babae na nakahawak sa magkabila nilang braso. Nakita ko rin na ngumuso si Chris. Dito pala sila magkasundo, ‘yung asarin ako.Tinignan ko ito ng masama. Heto na naman sila’t nagsisimula sa mga birong hindi ko gusto. “Eh kung pukpukin ko ng bote ‘yang mga ulo nyo para tumigil na kayo kakaasar sa’kin? Ha?” saad ko’t kunyaring hinawakan ang bote ng alak sa mesang nasa harap namin.“Hahaha! Relax, we’re just kidding you,” pagpapakalma ni Luis at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa bote. “Tsk!”“And for your information, nandoon kami kanina, pinapanood ka. Hahaha!” At umingay na naman ang napakawalang kwentang tawa ni Chris. Doon pa ako lalong nainis. What? Naroon sila? Me
“Kenneth, naprapraning ka na naman,” ani ko ng kami nalang dalawa ang natira. Hinarap ko sya dahil gusto ko syang makausap nang masinsinan tungkol sa bagay na ‘yun. “I’m sorry,” humawak sya sa kanyang batok at yumuko pa. Hinawakan ko sya kamay kaya napatingin sya roon. Sumulyap sya sakin na para bang nagulat sa inasta ko. Gusto kong malaman nya na mali ang kanyang iniisip. Mabait si Sir, wala syang ibang gustong ipakita kundi kabaitan. Masyado nga talagang nakakapanibago ang mga kilos nya.“Nakapag-usap na tayo sa bagay na ito, ‘diba? Pinapakita lang ni Sir na suportado sya sa’yo, sa’tin. Huwag mo naman syang pag-isipan ng masama, Kenneth. Alam kong naprapraning ka lang kaya ka ganoon kanina. Pero kasi, hindi tama ‘yun e, kahit nililigawan mo ko, amo ko ‘yun. Pasalamat nga tayo, pinapayagan pa nya akong sumama sayo kahit kinakailangan kong umuwi ng maaga para magtrabaho sa kanila. Doon palang, maswerte na tayo dahil hinahayaan nya ako,” paliwanag ko.Kung ibang amo lang siguro, bak
Another week, isang linggo na naman ang lilipas. Hindi ko pa nakakausap si Sir. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kung saan magsisimula. Hindi ko mawari kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya. Parehas kami ni Kenneth na hiyang-hiya sa kanya. Sa lahat ng ginawa nya para sa akin, heto ang hindi ko inaasahan.On the way ako papunta sana sa canteen. Gutom na naman ako. Hindi na ako nasundo ni Kenneth dahil nasa class pa sya. Ang sabi ay mauna na lamang ako roon at susunod nalang sya. Mag-isa tuloy akong hinahatak itong hallway papuntang canteen.Habang naglalakad ay may nahagip ang mata ko. Hindi ko iyun inaasahan kaya halos matigilan ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong gagawin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.Nasa ‘di kalayuan si Sir. Oo, si Sir. Mag-isa sya at para bang may hinihintay. Nakasandal ito sa pader habang pumipindot sa kanyang hawak na selpon. Mukhang hindi nya ako nakita dahil nasa hawak nito ang tingin. Sinuri ko ang kanyang postura. Maangas par
Today is Saturday. Maghapong puro higa at kain na naman ang gagawin ko. Tutal natapos ko na lahat ng assignments ko. Sapat naman ang tulog ko sa nagdaang araw e. Siguro, bubusugin ko nalang ang mata ko sa panonood ng anime. Sanay naman ako na nandito lagi sa bahay. Wala naman akong pupuntahan e. Bukod sa school ay sa bar lang ang punta ko. Speaking of bar, hindi ko parin malimutan ang sagutan namin ni Kenneth kagabi. Tsk! Nabulag ng pag-ibig. P*****a.Ramdam ko ang init ng panahon kaya naisipan kong maligo sa swimming pool. Matagal na rin ng huli akong lumangoy roon. Kaya naman naghanda ako para sa aking pagswimming. Nagsuot ako ng short na masasabing gamit panligo. Hindi na ako nagsuot ng pang itaas na damit. Tutal maliligo na ako hindi na ako nagsuot pa. Kinuha ko ang aking towel sa may banyo. Bumaba na ako’t pumaroon sa pool area.Nagtagal ang pag-iikot ko sa swimming pool hanggang sa magsawa na ako. Umupo ako sa gilid at sakto na dinalhan ako ng mayordoma ng makakain. Nginitian k
“Kung hinayaan mo lang kasi ako kahapon na ihatid ka, sana nakapagpahinga ka ng maayos. Tignan mo tuloy ang nangyari,” ani ng kaibigan ko. Nanisi pa ang loko. Tsk!Tahimik lang ako na kunwaring natutulog dito sa may sofa. Naroon parin si Kenneth sa tabi ni Haila. Wala yatang balak iwan. Tsk! As if naman may kukuha sa malditang ‘yan? Hindi ko nalang sila pinansin bagkus pinakinggan ang kanilang usapan.“Okay naman na ako.”“Paano nalang kung hindi ka nya dinala rito? Ano nalang kaya mangyayari sayo.”“Kaya nga dapat na magpasalamat tayo e, hindi ko rin akalain na ginawa nya ‘yun sa’kin. Alam kong galit si Sir dahil sa mga nangyari." Sa tono nito ay halatang nanghihina pa sya. Inapoy ba naman sa lagnat.Narinig kong bumuntong hininga si Kenneth.”Ang sakit lang sa part na dapat ako ‘yung nagligtas sa’yo at hindi sya,” malamig na wika ni Kenneth. Hindi ‘yun nakaligtas sa pandinig.“Kenneth, baka marinig ka ni Sir. Nakakahiya,” sita ng babae sa kanya.“Haila, totoo naman kasi. Dapat ako
“Sa akin na sya sasabay,” wika ni Kenneth nang tuluyan na kaming malakabas ng ospital. Pumaroon kami sa parking lot habang tulak tulak ni Luis ang wheelchair na kung saan ako nakaupo. Samantalang si Sir at Kenneth ay parehas na namang nag-uunahan. “No! I told her last night, she will go with me, tutal sa iisang bahay kami uuwi,” depensa ni Sir at binuksan ang pintuan ng kanyang kotse’t isinenyas sa akin na doon ako sasakay. Nakita kong napailing si Kenneth. Siguro nga ay alam ko na ang punta ng usapan na ito. Gaya kahapon na halos magpatalo pa sila mismo sa harap ko. Hindi ko nga alam kung bakit sila ganyan. Alam ko naman na gusto lang nila akong tulungan pero kung magtalo sila sa bagay na ‘yun ay hindi na tama. Nakita ko rin na hindi napigil nina Chris at Luis ang matawa sa inaasta ng dalawa nilang kaibigan. “Sarap magkaroon ng dalawang manliligaw, no?” Asar ni Luis sa akin na nasa aking likod. Tutal sya ang nagprisintang magtulak sa aking wheelchair. Tumabi na rin si Chris sa am
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.