“Mali ba ‘yung ginawa ko, ha? Im just saying the fact na sya ang nagkamali. Imagine, pinahiya nya ako sa harap ng maraming tao.” Galit na bulalas ni Rhaiven. Narito kami sa isang restobar. Dito na namin naisipang mamalagi muna dahil sa postura ni Rhaiven.“Tsk!” Singhal ko kaya napunta ang lahat ng tingin sa’kin lalong-lalo na si Rhaiven na alam kong minasama nya iyon. “Kung tutuusin, tama ang ginawa nya. Dapat lang talaga na malaman ng lahat na hindi kami magpinsan kundi yaya mo sya. Wala namang mali sa ginawa nya, ikaw lamang itong immature mag-isip,” prangka ko sa aking kaibigan.“Kenneth,” sita ni Luis sa’kin dahil pinapakiramdam si Rhaiven na baka mamaya ay masapak nya ako. Pabilog ang mesa na gamit namin kaya malapit si Luis sa gawi ni Rhaiven samantalang si Chris naman sa’kin.“Can’t you see, Kenneth, napahiya ako,” pagmamatigas nya parin at napailing pa sya.“Mas mahalaga ba talaga ‘yung sasabihin ng ibang tao sa’yo kaysa ‘yung nararamdaman ng yaya mo? Be matured enough, Rhai
“Kuya, are you listening to me?” Hindi ko namamalayan na tinapik ako ng aking kapatid. Nawala sa isip kong nagkwekwento pala sya ngayon sa tabi ko about sa hindi ko na alam. “Ha? Ano ba ‘yun?” Naiinis na ani ko. “Gosh! Akala ko ba nakikinig ka? Ang dami ko ng nakwento dito tapos wala ka palang naintindihan? Kuya naman, nag-effort akong magkwento tapos hindi ka pala nakikinig?” Naiinis na wika ng kapatid ko. Napaflip hair ito. Inis na inis sa inasta ko. “Tsk! Alam mo na ngang wala ako sa mood makinig, nagkwento ka pa kasi. Umalis ka na nga lang, gusto ko mapag-isa.” Pagtataboy ko sa kanya. Tinulak-tulak ko sya paalis sa tabi ko. “Duh! Ayoko nga,” inirapan nya ako saka ito nagcross arms. Napabuga ako ng hangin. “Teka, are you sick or something, kuya? You look so pale, what happened to you?” Maarteng bulalas nya at chineck ako. Dinampi nito ang likod ng palad sa aking noo. Napailing ako’t hinawi ang palad nya. “I’m okay, Rhaivee, stop doing that,” sita ko sa kanya dahil patuloy n
“ Sige, isang insulto nyo pa sa kanya, buburahin ko na talaga ‘yang mga nguso nyo,” maangas na wika ko ng tuluyan na akong makalapit sa kanilang kinaroroonan. Lahat ng tingin ay naagaw ko. Lahat ay nagulat sa pagsulpot ko at sinamaan ng tingin ang lalaking nakaakbay sa kanya. Kung ibabase ko, sya ang mas nakakarami. Sarap nyang bigwasan. Hinarap ko ang lalaki. Tinignan ko ito ng matalim mula ulo hanggang paa. Kung makainsulto, akala mo naman gwapo. “Ano naman kung may yaya ang isang Rhaiven Mendoza, ikakamatay mo ba sa tuwa? Oo nga’t yaya nya ako pero huwag nyo syang insultuhin na parang kilalang-kilala nyo sya. Bakit, masama na bang magkaroon ng yaya ang isang tulad nya na mayaman? Anong magagawa nyo kung marami syang pera pampasweldo sa akin?Psh! Lahat ng sweldo ko, napupunta sa lola kong maysakit. Dahil sa pagiging yaya ko sa kanya, napapagamot ko ang lola ko. Eh kayo, anong ambag nyo sa mundo? Kung tutuusin, salot kayong mapanghusga sa lipunan. Hindi ko alam kung bakit kinakaila
Tawanan ang maririnig sa paligid dahil sa mga puncline ng mga bakla. Dalawang bakla ang naroon sa stage na nagpapatawa. Kung ano-ano ang mga sinasabi nila na bentang-benta sa:ming manonood. Hindi ako naramdam ng bored kundi tuwa lang. “Ay! Mukhang taken na ‘yung isa, kasama yata ang jewa,” ani ng baklang nasa left side. Napatingin naman ako sa kanyang tinutukoy at laking gulat ko ng nasa pwesto namin ni Kenneth ang tingin ng mga tao. What the? Hindi ko inaasahan na magkatabi kaming dalawa. Akala ko ay si Chris ang katabi ko dahil sa sobrang excitement nina Sir ay puwesto sila sa harapan. Nahiya tuloy ako sa mga asar ng mga tao. Ngiting ngiti nalang si Kenneth na akala mo naman totoo ang akala nya. “Tara kausapin natin sila, madalas kasi natin silang makita dito sa Restaurant e,” bulalas ng isa pa at bumaba ng stage at pumarito sa aming pwesto. Doon pa ako mas kinabahan. Bakit hindi sinyesan ni Kenneth na mali sila? Wala ba syang balak sabihin ang totoo? “Hello, what’s your name?”
“Hindi mapakali ang mata, mukhang may hinahanap,” rinig kong biro ni Luis na tumawa pa. Tatlo nalang kaming natira. Nagpaalam si Kenneth na may pupuntahan silang dalawa at kung saan man ay hindi ko na alam.“Baka kasi malate kami sa class namin, bawal na ba syang hanapin?” Singhal ko. Uminom ako sa aking iced tea habang nasa akin ang tingin nina Luis. Bakit pa nga ba ako magtataka sa pagiging mapang-asar nilang dalawa ni Chris. Dapat pa nga masanay na ako.“Sus! Ang sabihin mo, hindi ka mapakali kasi kasama nya si Kenneth. Kung sabihin mo na kaya ‘yung totoo mong nararamdaman sa kanya. Wala namang mawawala eh.”“How many times do I have to tell you na wala akong gusto sa kanya? Isn’t obvious, huh?” Depensa ko. “Masyado kang indenial e halatang-halata na. Kung patuloy mong itatago ‘yan, mas lalo kang masasaktan.” Luis said.“Agree, baka kasi natatakot ka lang masaktan mo si Kenneth? Bro, grow up, itry mo lang naman eh. Walang masama doon,” sabat ni Chris at naghandgestures pa.“ ‘Yun
Liligawan kita, whether you like it or not. Kinilig naman ako ng konti doon pero hindi ko maiwasan ang matakot. Baka kasi mapahiya ako sa mga pwedeng iasar nina Luis at Chris sa akin. Kilala ko pa naman ang dalawang ‘yun. Lalo na si Sir na kung makapagsalita kala mo sya lang may karapatang magmahal. Natapos ang dalawang discussion na lipad ang isip ko. Talagang wala sa mood ang kasama ko. Diretso ang titig nya sa guro pero ‘di ako sigurado kung nakikinig rin sya gaya ko. Mukhang nawiwindang kaming dalawa. Kung puyat sya, ako naman nalamon ng kaharutan. Ewan kung kaharutan na ba iyong ganap namin ni Kenneth kanina. Sinulyapan ko si Sir. Naawa ako sa postura nya. Mukhang masama ang pakiramdam ng isang ito. Naalala ko maulan pala kagabi. Pero napapaisip ako kung bakit sya ganito. Naulanan kaya sya? May nakapa akong kendi sa aking bulsa kaya naman kinalabit ko sya. Tabi kami ng upuan dito sa may likod. Hindi ko naman sya pwedeng pabayaan dahil amo ko sya. Kinalabit ko sya at agad nama
Nadatnan ko ang aking amo na nakahiga sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya dahil baka magising ko sya. Pero doon ko napansin na nakamulat pala ito. Nakuha ko kaagad ang kanyang tingin. Ngumiti ako sa kanya pero wala akong natanggap na kahit anong tugon.Nagkalat ang mga pinagbalatan ng prutas sa kanyang side table kaya naman nilinis ko ito. Sinuri ko ang kabuuan ng kanyang kwarto at sinigurong maayos. Alam kong pinapanood nya ako. Hindi nalang ako umimik basta itinuon ang pansin sa aking ginagawa.Wala akong alam na sabihin. Marami akong katanungan sa kanya ukol kay Althea. Gusto kong malaman ang kanyang saloobin dahil nga involved sya doon. Marahil, marami rin syang masasabi. Napuno na kasi ng katanungan ang utak ko na gustong-gusto kong bigyan ng kasagutan.“Please, stay, Haila,” rinig kong usal ni Sir at humawak sa braso ko. Palabas na sana ako ng kanyang kwarto. Huhugasan ko lang ang mga kobyertos na nagamit nya.Napatitig ako sa braso kong hawak nya. Nagawa nyang abutin iy
Maaga akong umuwi dahil kinakailangan ko pang asikasuhin si Sir. Baka kasi biglang bumalik sina Maam Rachel sa trabaho. Nahihiya rin ako na ang nanay nito ang umako sa trabahong dapat ay sa akin. Sinabi ko kay Kenneth na sa ibang araw na kami lalabas dahil kailangan ako ni Sir.Hindi nya parin maiwasan ang mapraning. Hindi naman ako nagsawang ipaintindi sa kanyang mali sya ng iniisip. Aminado naman si Sir na wala syang gusto sa akin. Sadyang mapang asar lang sina Luis kaya siguro sya ganoon mag-isip.Hindi naman ako papayag na magkaproblema sina Kenneth at Sir ng dahil lang sa akin. Kaya kung kinakailangan na itanim ko sa utak ni Kenneth ang mga sinabi ni Sir sa akin, talagang gagawin ko. Ayokong pag-isipan nya ng masama ang mga kinikilos ni Sir. Magkasundo na nga kami, pag-isipan pa nya ng masama? Hindi naman na dapat dahil harap-harapan na mismo sinabi ni Sir na wala syang gusto sa akin.Nadagdagan lang ‘yung closure naming dalawa. Masasabi kong masaya na ako roon. May mga bagay na
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.