“Oh, from now on you’ll be using that new phone. ‘Yung dati mong selpon itapon mo na,” Kagagaling niya kasi sa labas na kung saan ay may binili siya at kung hindi ako nagkakamali ay itong selpon iyon. “Hala grabe ka naman sa itatapon Sir, huwag naman, pinaghirapang bilhin ng lola ko ‘yun e.” Hindi kakayanin ng konsensya kong itapon ang selpon na ‘yun. Bigay ‘yun ni Lola noong magsimula na akong magtrabaho. ‘Yun lang daw kasi ang magagamit niya para masiguradong ligtas ako kahit malayo siya. “Tsk! Oh sya bahala ka na basta kapag nasa school ka, ‘yan ang gamitin mo,” ani niya at dinuro ang box na kung saan nakalagay ang selpon na bili niya. “Sir,” pagtawag ko sa aking amo na abala sa paglagay ng kanyang seatbelt. Inaayos na nito ang sarili dahil papasok na kami sa school. “Oh?” “Paano ba gamitin ‘to?” Sa katunayan hindi ko alam kung paano gamitin ‘yun. Pangarap ko magkaroon ng ganoon kaso hindi ko alam kung paano gamitin baka kung ano mapindot ko at masira ko lang agad. Sigurado
“Oy lovers, nandito na pala kayo,” Nakipag-apir naman ako sa kanila samantalang si Haila ay nakangiti. “Mukhang blooming ‘tong yaya mo ha, anong meron?” Tumingin ang yaya ko sa akin. Ngising-ngisi pa kaya napailing ako. Nang-aasar talaga ang taong ‘to. Hindi na nahiya. Tumingin naman ang mga kaibigan ko sa akin at tumawa dahil mukhang alam na ang nangyari. “Teka nga, bakit nakajacket ka? Alisin mo nga ‘yan ang init-init e,” usal ni Chris sa akin na ikinagulat ko. Siya na rin ang nagpresenta na alisin. At nang tuluyan nang maalis ang suot ko na jacket at namilog ang mga mata nila sa gulat. “Hahaha! Bakit ganyan ang suot mo? Seriously, fitted? Mukha kang timang dyan, I swear,” at humalaklak ng malakas si Kenneth. “Oo nga naman, pagkakaalam ko hindi mo paboritong magsuot ng ganyan. Himala talaga,” ani Luis na nagpipigil ng tawa. “Tsk! ‘Yung isa kasi dyan tatanga-tanga, alam na ngang gagamit tayo ng P.E shirt nilabhan pa ‘yung akin. Kaya heto no choice, sinuot ko ‘yung pinahiram n
“Aware naman ako kung anong klase ng tao ang Kenneth na ‘yon. Hindi sila nagkakalayo ng ugali ng alaga ko, magka-uri sila. Malay ko bang gusto niya lang ako isali sa mga listahan ng mga babaeng pinaiyak niya.” Aware na aware ako sa pagkatao nilang magkakaibigan. Usap-usapan sa university kung gaano sila kalakas manloko ng babae, mga certified playboy. Minsan pa nga, may mga babaeng humaharang sa dinaraanan namin, nakaluhod na nagmamakaawa sa kanilang huwag silang makipagbreak ng ganon lang pero dinededma nila ito na parang aso. Ako naman, imbes na maawa ay nandidiri na lang. wala namang special sa apat e. Oo, mababait ‘yong tatlo pero ekis sa akin ‘yong pagpapaiyak nila ng mga babae. “Mabait naman si Sir Kenneth, naiimpluwensyahan lang siya sa tatlo kaya nagagawa niyang magpaiyak ng babae.” “Kung sabagay, mabait talaga ang isang ‘yon, hindi ko naman itatanggi ‘yon dahil nasaksihan ko naman. Ang sa akin lang ay baka pinagtritripan niya lang ako. Mahirap basahin ang nasa utak ng m
“Haila, milktea for you.”Muntik pang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang dalhan ako ni Kenneth ng meryenda. Narito kami sa may tambayan nila, mga ilang oras ko rin siyang hindi nakita, mukhang may pinuntahan siya. “Naks naman! Ang effort naman ng Papa Kenneth. Sana all.” Pambubuyo ni Luis sa kaniya nang abala niyang inilalapag isa-isa yong mga pinamili niyang meryenda sa akin.“Oh, magtiis kayo sa biscuit.” Hinagis niya kay Luis ‘yong idsang supot ng biscuit, nacatch naman non ni Luis.“Walanghiya ka! Kay Haila milktea saka burger tapos sa amin biscuit lang?” “Bakit, kayo ba ang nililigawan ko?” pamamaktol niya sa kanyang mga kaibigan na sabay-sabay na napamura. “Kumain ka na muna, Haila, mamaya na ‘yan.”Ginagawa ko na ngayon ‘yong assignment namin na ipapasa pa lang kinabukasan. Baka kasi mabusy ako mamaya sa mansyon kaya minabuti ko ng gawin ng maaga. “Oo, tatapusin ko lang ‘to. Salamat.” Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Inabala ko ang sarili ko sa essa
“Haila, can you go out with me again?” Hindi ako komportable dahil palagi silang magkatabi sa upuan at sa mismong harapan ko pa. Minsan sinusulyapan ako nina Luis. Sa tingin ko pinapakalma nila ako dahil alam nila ang ibig-sabihin ng mga tingin nilang iyon. “Sir?” “Ano ba! Tatay mo ba ako at palagi ka nalang ganyan everytime iniimbitahan ka ni Kenneth? Kusa ka na ngang sumama. Tsk! Bakit kailangan mo pa akong abalahin? Ha?” Singhal ng kaibigan ko. Makikita na naman sa mukha nitong naiinis siya. Natawa nalang kami dahil sa itsura niya. “E, sa amo kita, dapat magpaalam ako sa ‘yo,” medyo napalakas ang pagkakasabi ni Haila noon kaya pinagdilatan siya ng lalaki. “Sige lakasan mo pa! Tsk!” “Sorry naman.” “Tsk! Huwag kang magulo nanonood ako e,” asik ni Rhaiven dahil tutok na tutok siya sa kanyang selpon. May pinapanood siya at kung ano iyon ay hindi ko na alam. “Sige, Kenneth, sama ako, text nalang kita if kailan ako free, okay?” Nabalot ulit ng katahimikan ang pagitan naming l
“Kuya?” Kinabahan ako bigla. Naalala ko na si Sir nga pala ang nakasagot ng tawag nya kanina. Chineck ko kaagad kanina kung sino ang tumawag at si kuya ‘yun. Bigla akong kinabahan. Ano nalang ang sasabihin kong palusot sa kanya? Jusko! “Dederetsuhin na kita, Lala, sino ‘yung lalaking sumagot ng tawag ko kanina? Ha?” Sa tono palang ng boses nya alam kong galit na sya. “Ah, ano kuya, baka si teacher ‘yun. Oo baka ‘yung teacher ko. Nagpasurrender kasi sya ng selpon kanina baka nagkataon na tumawag ka kaya sya ‘yung nakasagot,” palusot ko’t napakagat ako sa aking labi. ‘Yun nalang ang naisip ko tutal nakwento ko na sa kanyang pinag-aral ako ng amo ko. Pero hindi nya alam na nag aaral ako’t nag-aalaga ng binata. “Sigurado ka?” Hindi pa sya kumbinsido kaya naman kinabahan na ako. “Oo naman Kuya, bakit naman ako magsisinungaling sa’yo? Ikaw naman oh.” Narinig ko syang bumuntong-hininga. “Nanin
“Hinahanap mo na naman sya, no? Sus! Patay na patay sya kay Haila, Chris oh,” biro ni Luis sa’kin ng mapansing aligaga ako. “Naku! Mukhang iba na ‘yan ah. Titino na ba ang isang Kenneth, ha? Baka magkasakit ka nyan, bro,” asar nya din saka at nagtawanan silang dalawa. “Tumigil nga kayo baka may makarinig sa inyo e, nakakahiya,” sita ko sa kanila ng pabulong. “Ngayon ka pa talaga nahiya e halos araw-araw na kayong lumabas ng magkasama e,” depensa ni Luis at dinuro ako gamit ang hawak nyang tinidor. “Manahimik nga kayo, ingay nyo e.” Pinagpatuloy ko ang pagsulyap sa paligid. Nagbabakasali kasi akong makikita ko sya. Namiss ko na sya kahit nakasama ko naman sya kahapon. Iba nga talaga pag-inlab.At sa hindi inaasahan ay may nahagip ang mata ko. Pababa si Haila sa may hagdanan na may dalang basket na puno siguro na kanyang lalabhan. Tumayo ako kaagad at tinulungan sya. “Tulungan na kita,” alok ko sa kanya nang salubungin ko sya sa may hagdanan.“Hindi na, Kenneth, kaya ko nama
Dumating ang kaarawan ni Maam Rachel. Napakabongga nun at talagang namangha ako ng sobra. Nagmistulang palasyo ang buong kabahayan dahil sa mga disenyo nito. Nagkalat na ang mga bisita nya at kung ilalarawan ko ay puro mayayaman.“Haila, huwag puro tulala dyan, magtrabaho ka na baka makita ka pa ni Madam e,” sita ng mayordoma sa’kin ng mapansing nawiwili ako sa view ng kabahayan. Nagtrabaho nalang ako ng maayos. Hindi naman kami nahirapan magserve dahil may ilang waiter din silang kinuha. May nagservice kasi sa ang kaarawan ngayon kaya gumaan ang aming trabaho. Tagahatid lamang kami ng maiinom at makakain o ‘di kaya naman ay inaasikaso ang mga bisitang parating.Hinatiran ko ng maiinom ang table nina Sir dahil sumenyas sya kanina. Gaya kanina, nakabusangot parin ito. Siguro nabuburyo sya’t hinihintay matapos ang party. Wala nga syang pakialam sa mga nangyayari.“Haila, ano bang nakain nitong alaga mo’t hindi maipinta ang mukha kakabusangot?” Nasa isang sulok kasi sila malapit sa ma
"Mahal mo pa? Balikan mo na." Napatingin ako kay Luis, naisipan nyang sadyain akong bisitahin dito sa opisina ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nito at naisipan nya akong puntahan. At alam ko naman na nabalitaan na nya ang nangyaring bukingan sa sikreto ni Mavi. "Not now, dude." Sagot ko, napasandal ako sa swivel chair ko habang hawak ang baso ng alak. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ibinaba ang magazine na hawak. Nasa sofa sya nakaupo habang abala kaninang sinusuri ang hawak na magazine sa kanyang mga kamay. "What's wrong? Nahanapan mo naman na ng baho ang Mavi na 'yon, it's now your time to shine, pre." "Luis, iniisip ko ang nararamdaman ni Haila, tsaka, gusto kong mairealize nyang mali sya. May balak naman akong balikan sya dahil mahal ko pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pa syang naiipit kaya bibigyan ko muna sya ng oras para makapag-isip.""Ikaw bahala, basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami." Paalala nito at tinapik ang balikat ko. Tumango
"Hindi ko priority ang pagkakaroon ng anak..... "Inaasahan ko na mag-eenjoy ako ngayong gabi, umasa ako na magiging maganda ang resulta ng pagpunta ko dito, hindi pala. Mas madadagdagan pala 'yong sama ng loob ko dahil kay Rhaiven ko mismo narinig ang mga katagang iniiwasan kong marinig sa lahat.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko na lang manahimik na lang at itago sa kanya 'tong pagbubuntis ko. Gusto ko ng tumigil sa pagpapantasya ng mga bagay-bagay na alam kong hindi nya kayang ibigay para sa anak ko. Baka nga tama si Kuya, hindi pa talaga ako sigurado kung seryoso ang pagmamahal ni Rhaiven sa akin ngayon. "Haila, ano meron? Ba't lumabas ka na?" Narinig ko ang boses ni Criza sa likod. Wala yatang nakapansin na umalis ako doon, sabagay nasa medyo madilim akong parte. Lahat kasi ng pansin nila ay na kay Rhaiven na seryoso nilang iniinterview. Mabilis kong pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. Ayokong magtanong si Criza, mas bibigat lang ang mararamdaman ko
"Bes, huwag na huwag mong kakalimutan lahat ng bilin ni doktora sa'yo lalong-lalo na 'yong mga makakasama kay baby. Sya nga pala, 'yong mga gamot na kailangan mong inumin, nabili ko na lahat."Nalulungkot lang ako ng sobra dahil sya dapat ang kasama ko dito sa second checkup ko hindi si Criza, well, naaappreciate ko naman sya. Iba lang siguro ang saya kapag daddy ng baby ko mismo ang kasama ko sa checkup ko ngayong araw. "Haila, dapat marunong ka na agad kung paano magpalit ng diaper at kung paano linisan ang pwet ni baby kapag nagdumi. Ngayon pa lang dapat matuto ka na ng mga basic step sa pag-aalaga ng sanggol para kapag time mo na e hindi ka na mahihirapan." Paalala ni Ate. Abala syang pinapalitan ang bunso nilang anak, natae kasi ito at tinulungan ko naman sya sa pag-asikaso sa bata. Tinuruan nya ako at hindi ko maiwasang maexcite. Nakakapressure mang gawin pero nakakaenjoy naman. Napahaplos tuloy ako sa tyan ko. "Bakit, buntis ba sya?"Napalingon kaagad kami ni Ate nang magsal
WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS A MATURED SCENES. READ AT YOUR OWN RISK."Miss Santiago, aware ka bang two months ka ng buntis?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig sa sinabi ni Doktora Genieva, ang OBGYNE na kakilala ko rito sa ospital. Sa kanya ako nagset ng schedule para magpacheck up, gusto ko rin kasing makasigurado. Baka kasi bulok lang 'yong pregnancy test na ginamit ko kahapon. Lantang gulay akong naglakad palabas ng naturang ospital. Hawak-hawak ko 'yong listahan ng mga vitamins at gamot na kinakailangan kong bilhin. Nakasulat din doon kung anong oras dapat ako uminom ng gamot. Binigyan pa ako ni doktora ng kaunting kaalaman kanina ukol sa pagbubuntis ko. Nirekomenda nya sa akin na huwag magpalamon sa stress dahil maaaring maapektuhan ang bata na nasa sinapupunan ko. Napaupo ako dito sa may bench, hindi ko namalayan na napadpad ako dito sa isang parke. May ilang bata na naglalaro doon, naagaw ng atensyon ko 'yong isang ina na abalang nagpapadede ng kanyang s
"Magreresign ka na?" Dahan-dahan akong tumango habang nakayuko, hindi ko kayang tumingin ng diretso kay Tito Gabby, ang daddy ni Mavi. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal na magresign na sa trabaho. Alam ko na wala si Mavi dito dahil lumipad sila ni Amarah papunta sa Dubai upang puntahan si Jayzel. Doon ko nalaman na buntis pala ito at kinakailangan nya si Mavi roon. "Tito, alam ko nakakagulat 'tong desisyon ko pero heto lang kasi 'yong alam kong paraan para makalimot sa mga nangyari. Gusto ko na rin pong mamuhay ng walang iniisip. Alam ko na hindi nyo rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin ng anak nyo. Pero, sana maintindihan nyo po kami." Tumikhim sya saka umalis sa pagkakasandal doon sa swivel chair. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Haila, naiintindihan kita." Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit at hindi napigilan ang maiyak. Nagpasalamat ako sa kanya dahil naiintindihan nya ako. Ang inaasahan ko kasi ay hindi sya papayag sa pagreresign kong ito sa komp
"Haila.."Hinabol ako ni Rhaiven pagkatapos kong magmoveon. Narinig ko ang yabag ng paa nya pasunod sa akin. Hindi ko naman sya magawang lingunin dahil nagagalit ako ng sobra sa nalaman ko. "Haila, let me explain, please. "Tuluyan nyang nahawakan ang braso ko, dahilan rin 'yon para mapahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Patuloy sa pag-agos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinarap ko sya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Puno sya ng pagmamakaawang pakinggan ko ang pagpapaliwanag nya. Pinapanood lang kami ni Mavi sa 'di kalayuan, hinayaan nya kaming makapag-usap. "Magpapaliwanag ako, please, maki-"Hindi ko na sya pinatapos sa dapat sasabihin nya nang malakas ko syang sinampal sa pisngi. Halos mapapikit pa sya sa lakas non. Namula pa iyon ng bahagya at hindi manlang ako makaramdam ng awa sa kanya dahil sa ginawa ko.Samantala, tumakbo si Mavi palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Mukhang sinusuway nya ako. Pilit nya akong pinapakalma pero hindi 'y
"Matagal na naming alam na niloloko ka ni Mavi."Naiyak pa ako lalo nang marinig ang sinabi ni Kenneth tungkol sa panlolokong ginawa ni Mavi sa akin. Sila mismo ang naisipan kong puntahan kinabukasan nang matanggap ang chat ni Jaime sa akin. Ni hindi ako nakatulog kinagabihan dahil doon. Gusto ko tuloy na pauwiin si Mavi at pagsasampalin hanggang sa magsawa ako. Galit na galit ako sa ginawa nyang ito sa akin. Wala naman akong alam na kasalanang ginawa sa kanya para gawin nya ang ganito sa akin. "Natatakot lang kami na sabihin sa'yo, baka kasi isipin mo gumagawa kami ng palusot para balikan mo si Rhaiven. Baka isipin mo rin na sinisiraan namin 'yong fiancee mo. Mahirap mangialam sa ganitong bagay lalo na't hindi biro 'tong sitwasyon na kinakaharap mo, Haila." Usisa naman ni Luis. Naglapag ulit sya ng panibagong rolyo ng tissue sa harap ko. Kumuha si Hana at iniabot ito sa akin. "Binalak talaga namin na dalasin kang yayaing lumabas, nagbabakasakali kasi kami na masasabi namin sa'yo an
"Omg! Rhaiven, you're here, I can't believe it."Napatakip si Jayzel nang makita ako papasok ng resort kung saan gaganapin ang kanyang birthday. Tumakbo sya para salubungin ako't niyakap ng sobrang higpit. Nahihiya tuloy ako dahil maraming bisita ang nakatingin sa'min. "Sorry, I'm late.""No, it's okay, man." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at nagbeso sa pisngi ko. Jaime invited me to her sister's birthday party here in Dubai. Kinakailangan ko pang bumyahe dito para makaattend ng birthday nya since inaasahan nya ang pagdating ko. She was my first ever business partner kaya ganoon nalang kami kaclose. Dahil sa pangshiship nila sa amin ay naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Una pa lang ramdam ko na kailanman hindi nya ako magugustuhan. Sabi nga nya, iba ang tipo nya sa lalaki, malayong-malayo daw sa akin. "Happy Birthday," bati ko sa kanya at itinaas 'yong babasaging baso ng alak na hawak ko. Nagtoast kami ay sabay uminom. "Thank you, bestie." Masayang usal nya. "Ak
"Kahit kailan talaga bwisit ka, Rhaiven."Pinanggigilan ko ng sobra 'yong hawak kong unan. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama. Aaminin ko, hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi nya. Ni wala syang ebidensyang makipakita sa akin na totoo ang paratang nya kay Mavi. Iniisip ko nga, ginagawa nyang gumawa ng kwento para magtiwala ako sa kanya't iwan ko si Mavi. "Hindi magagawang manloko ni Mavi, Haila. Huwag kang magpapauto sa Rhaiven na 'yon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa lawak ng mansyon ni Mavi dito sa may terrance. Siguro nga naprapraning lang ako dahil sa mga sinabi ni Rhaiven. Hindi naman dapat ako makinig sa gagong 'yon dahil una sa lahat, pwedeng magkatotoo lahat ng hinala ni Mavi tungkol sa kanya. Dapat kong paghandaan ang anumang plano na gagawin nya sa relasyon namin ni Mavi. "Masyado ka kasing stress dyan sa trabaho mo, 'yan tuloy sumasakit na ang ulo mo."Halos mabingi ako sa hindi pamutol na panenermon ni Criza sa akin habang inaasikaso ako.