Malamig ang buga ng aircon at nakakaramdam na rin si Zarina ng panunubig pero tinatamad siyang bumangon at hayunin ang banyo. Alam niya na kapag iminulat na niya ang mga mata at sinunod niya ang gusto ng katawan niya sure siya mahihirapan siyang makabalik ng tulog. Ang plano niya ay deadmahin ang nararamdaman dahil alam naman niya mawawala rin ang panunubig niya.Kinapa niya ang isang unan sa tabi niya at kinuha ‘yon para ilagay sa pagitan ng hita niya. Inipit niya nang husto ang unan at ipinikit nang mariin ang mga mata para ituloy ang pagtulog.Ilang minuto pa ang lumipas ay inis siyang napahimalos sa mukha at iminulat ang mata.Agad na sumalubong sa mata niya ang isang madilim na kuwarto.Nasaan ako? Takang tanong niya sa sarili at napabalikwas ng bangon.Umupo siya sa kama at isinandal ang likod sa headboard. Napakamot siya sa ulo habang inaalala ang mga nangyari. Alam niya kasama niya si Antoine sa loob ng kotse bago siya nakatulog.Napatuptop siya sa bibig at nilinga-linga ang u
"I thought you had washed your face. Bakit parang may muta ka pa?”Mabilis pa sa alas kuwatro na naitulak niya si Antoine palayo sa kaniya at mabilis na tumalikod.Kinapa ni Zarina ang mata pero wala naman siyang makapa na muta na sinasabi nito.Niloloko ba siya nito?Inis na nilingon ang lalaki na nangingiting nakatingin sa kaniya.Ang mata nito ay nanunudyo na tila aliw na aliw sa ginawa nitong kalokohan sa kaniya.“Sayang-saya ka?” tanong niya na may kasamang irap sa lalaki.Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito at naglakad palapit sa kaniya. Inakbayan siya nito sa balikat na mabilis niyang iniwas ang sarili at naglakad palayo rito.“Don’t!” Gigil niya pang saway sa lalaki ng sumunod ito sa kaniya.“What?” tatawa-tawa pa nitong wika na hinila pa ang kamay niya para hindi na siya makalayo.“Akala mo nakakatawa ‘yon?”“Let’s eat. Im sure, na gutom na gutom ka na dahil kahapon ka pa walang kain.”Biglang parang nagparamdam ang tiyan niya dahil kumulo ‘yon nang malakas na nagpaka
“Hey! ‘Di ba tayo kakasuhan ng mga Raymundo kapag pumasok tayo sa lupain nila?” nag-aalala niyang tanong at hinawakan pa niya ang kamay ni Antoine na nasa harapan niya na nakahawak sa horse rein. Mahinang tawa ang pinakawalan nito. "Sweetheart, Hacienda Savic now owns this land." “What? Since when?” gulat niyang tanong. Dahil hindi niya nabalitaan ang na pag-aari na pala ng Savic ang lupain ng mga Raymundo at wala naman nababanggit ang Mommy Carol niya tungkol dito. Dahil ang Mommy Carol niya ang madalas na magbalita sa kaniya tungkol sa nangyayari sa buhay ng mga ito. Simula nang makita niya si Antoine na may kahalikan na babae ay hindi na talaga siya nagpunta sa Hacienda Savic. "Dad bought the whole hacienda from the Raymundo family when they chose to move to Canada." “What?” gulat niyang bulaslas. “You mean nasa Canada na sina Cody at Coby?” Pagtukoy niya sa magkapatid na madalas niyang nagiging kalaro noon kapag nagbabakasyon siya sa Hacienda Savic. Ang Ate Corine ng mga i
PAGKAPASOK na pagkapasok pa lang ni Antoine sa loob ng treehouse ay isang impit na tili ang pinakawalan ni Zarina. Halos sabunutan na niya ang maganda at mahabang buhok dahil sa inis niya sa sarili. Parang gusto niya tuloy hilingin na magkaroon ng isang superpower na puwedeng magbalik ng oras at baguhin ang mga nangyari kanina. Dahil kapag nagkataon na mayroon siyang superpower na ganoon ay babalik siya sa oras na kung saan hindi pa niya nasasabi ang salitang nabitawan niya. GOSH! Ang tanga! Ang tanga mo, Zarina Eunice! Ano 'yong mga pinagsasabi mo, kanina? Pagalit niyang tanong sa sarili. Napasapo siya ng ulo at napahilamos siya ng mukha. Halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. Pakiramdam niya mawawalan siya ng ulirat dahil sa nangyari. Bakit kasi may nalalaman pa kasi siya na ang English ng malaki ay BIG? Obvious tuloy na iba ang gusto niyang ipakahulugan doon. Napahawak siya sa batok na at hinimas-himas ‘yon. Shock! Papaano siya haharap sa lalaki ng hindi baba ang tingin ni
HALOS hindi na maipinta ang mukha ni Zarina sa pagkainip at bagot na nararamdaman niya. Lahat na lang ata ng klaseng pag-upo na ay nagawa na niya. Panay na rin ang paling ng ulo niya sa salamin na pader kung saan niya nakikita ang maganda at malinaw na tubig sa lagoon. Huminga siya nang malalim at muling tiningnan ang cellphone na hawak niya. Alas diyes na ng mga oras na ‘yon at dalawang oras na rin siyang nagpapansin kay Antoine. Nakatunganga lang siyang nakatingin sa lalaki na busy sa kung anong binabasa nito sa laptop. Bago siya nito iginiya papasok muli kanina sa treehouse ay sinabihan na siya nito na magpalit ng damit na panligo pero naudlot ang plano nila dahil nakatanggap ito ng tawag buhat sa ama nitong si Don Antonio. Napabuga na lang sa hangin si Zarina kapagkuwan inis na ipinatong niya ang dalawang paa sa lamesa na maliit kung saan nasa pagitan nilang dalawa ni Antoine. Ang dalawang braso ay nakabuka na ipinatong niya sa headrest ng inuupuan niya. Tumingala siya sa kisa
GUSTONG kumawala ng pagtitimpi ni Antoine nang agaran na tumugon si Zarina sa halik niya sa kung papaano lang nito alam. Bawat galaw ng labi niya ay sinasabayan ni Zarina na lalong nagpapawala sa kaniyang katinuan. Ang mata nito nanatiling nakapikit nang mariin habang ang dalawang kamay nito ay nakakapit nang mahigpit sa magkabilang hem ng t-shirt niya na para bang doon kumukuha ng lakas.Kung susundin ni Antoine ang gusto ng katawan niya. Bubuhatin niya si Zarina papasok sa loob ng kuwarto at ihihiga sa kama para pagsawain ang sarili, katulad ng mga babaing naka-fling niya sa America. Pero hindi niya kayang gawin ‘yon sa dalaga lalo pa’t alam niyang iba ito sa mga babaing nakakasalamuha niya. Kahit na ang totoo ay kagabi pa siya naligalig nang husto kay Zarina ng ipinulupot nito ang dalawang braso sa batok niya at iniabot nito ang labi niya para gawaran ng banayad na halik.Kaya nga gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil kung siya ay lulugo-lugo at walang sapat na tulog dahil sa gi
TUNOG NG CELLPHONE ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Zarina. Pupungas-pungas na iminulat ang mata at dumako ang tingin niya sa cellphone na nakapatong sa nightstand. Bagaman na inaantok pa siya at nasa kaisipan na hindi kaniya ang cellphone na 'yon kaya dapat hindi niya pakikialaman 'yon. Pero dahil dala ng kuryosidad at pagiging mosang niya ay kinuha niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa lalaki. HON? Takang tanong sa isip niya. Kunot-noo niyang binalingan ng tingin ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya kapagkuwan sa cellphone na hawak. HON CALLING... Bigla nanlalaki ang mga mata niya at napatuptop pa siya ng bibig dahil sa realisasyon na pumasok sa isip niya. His fiancé? Mabilis na pinindot ng kamay niya ang gilid ng cellphone para matigil ang pagtunog. Bigla ay para pa siyang natatarantang itinago 'yon sa ilalim ng unan nang pumihit si Antoine paharap sa gawi niya. Napahinga siya nang malalim at napalunok. Kahit malamig ang buong kuwarto pakiramda
PAKIRAMDAM NI ZARINA tila siyang isang Diyosa na naglalakad sa Enchanted Forest. Ang roba na kulay puti na nakasabit sa gilid ng banyo ay basta na lang niya ‘yon kinuha at ipinatong sa balikat. Tumayo siya sa gilid ng lagoon kung saan nakahilera ang ilang swimming lounge chair. Ang roba na nakapatong sa balikat niya ay basta na lang niya ‘yon inilapag sa upuan.Kapagkuwan tumingala pa siya sa kalangitan at itinaas pa ang isang kamay habang ang mata ay nakapikit. Ang init ng araw ay hindi direktang masakit sa balat kahit na pasado alas dos pa lang ng mga oras na 'yon. Marahil malaking naitutulong ng mga puno na nakapaligid sa buong Enchanted Forest kaya ang init ay hindi gaya sa Manila na masakit sa balat.Kung maghubad kaya siyang maligo?Biglang napangiti si Zarina sa naisip kapagkuwan ay basta na lang niya inalis ang suot na one-piece swimsuit. She isn't sure, but she wants to swim in the water without any clothes. She can do whatever she wants in the Enchanted Forest. Katwiran niy
Tahimik lang na umiiyak si Zarina habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marlon, pero sinabi na niya na huwag siyang ihatid sa bahay o kahit sa Savic Mansion.Gusto muna niyang mapag-isa. At isa pa, ayaw niyang makita siya ni Antoine na namumugto ang mga mata. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para lumakas lalo ang loob nito na saktan uli siya. Ayaw rin niya na magpaliwanag siya kay Uncle Anton bukas ng umaga kung sakaling makita siya.Huminga siya nang malalim para habulin ang hininga. Nanginginig pa rin siya sa inis at galit kay Antoine.Kinuha niya ang cellphone sa bag na nasa six percent na lang ang battery.Kahit alam niya na baka natutulog na ang mommy niya nagpadala pa rin siya ng message rito para ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ni Uncle Antonio.Mom, nandito pa po ako sa bahay ni Giselle, may tinatapos kami na report regarding the credit and collection subject namin. Baka kasi, mag-chat or mag-text si Uncle na hindi ako naka
Saktong alas siyete ng gabi nang makarating si Antoine sa school ni Zarina. Hindi siya lumalabas ng kotse at mataman na nakatingin lang siya sa mga estudyante na tumatawid sa kalsada para pumunta sa MK coffee shop na nasa tapat lang din ng eskwelahan. Patingin-tingin lang siya habang naghihintay sa loob ng kotse niya.Eksaktong kinse minuto nang mapansin niya ang isang pamilyar na babae na tila nagmamadali sa paglalakad. Zarina managed to move quickly despite her high heels. Marahil, nagmamadali ito dahil alam nito na nasa labas na siya. Hindi siya tumawag sa dalaga para ma-surprise ito sa dala niya.Napangiti siya at napatingin sa upuan.Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt niya bago niya dinampot ang isang bungkos na pulang rosas. Dumaan muna siya sa isang flower shop para ibili si Zarina ng bulaklak. It sound cliché. Pero, gusto niyang bumawi sa mga sinabi niya kagabi sa dalaga. Kahit na alam naman niya ang totoong nararamdaman ni Zarina para sa kaniya, hindi niya dapat si
Nanlaki ang mga mata ni Zarina nang yakapin siya ni Marlon sa hindi niya malaman na dahilan. Gusto man niyang palayuin ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nasa gitna sila halos ng quadrangle at labasan na rin ng iba pang estudyante. Kaya kung itutulak niya ang kaibigan baka mapahiya lang ito.Ano ba kasi ang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.Huminga siya nang malalim."M-Marlon....""Shhh... Give me a second, please," mahinang bulong nito sa tainga niya.“B-bakit? Ano trip mo?” sagot niya rin na pabulong. Kahit na naiinis siya kanina sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi naman niya makakayang magalit nang matagal.“Basta. Ngumiti ka at yumakap ka naman na pabalik sa akin na parang nami-miss mo ‘ko.”“Demanding ka!” Nakangiti siya bago niya iniangat ang dalawang kamay para yumakap sa katawan nito. Pinagbigyan niya ito para lang matigil lang ‘to. May ilang minuto rin na magkayakap sila bago kumalas si Marlon sa
Halos hilahin na ni Zarina ang oras para mag-alas siyete na ng gabi. Alas sais pa lang ay panay na ang tingin niya sa relo na suot at sa compact mirror na gamit niya na nakapatong sa lamesa. Sinisugurado niya na maayos ang kaniyang mukha. Kailangan fresh na fresh pa rin ang itsura niya kapag sinundo siya ni Antoine.“Hindi pumasok ang kaibigan mo?” narinig niyang tanong ni Giselle sa tabi niya.Napakunot-noo siya na napalingon sa bagong kaibigan at pumaling sa gawing likuran kung saan na umuupo si LC matapos itong magtampo sa kaniya.“Baka masama ang pakiramdam.”“Masama? Parang nakita ko siya kanina na sumakay sa kotse na nakahinto sa labas ng university.”Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Giselle. Hindi naman siguro ang kotse ni Antoine ang tinutukoy nito?Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo.Impossible!Impossible na magkita sina LC at Antoine kanina. Dahil kung nagkita sila, e ‘di sana nakita niya rin iyon kanina noong nilingon niya an
Mula sa gate ng Sullers University kung saan siya ibinaba ni Antoine ay malayo-layo pa ang lalakarin niya papunta sa Business Administration Bldg. Literal na tiis-ganda ang ginawa niyang paglalakad dahil sa three-inch na taas ng suot niyang black stiletto habang tirik na tirik ang araw. Hindi niya magawang lumingon sa likuran dahil pakiramdam ni Zarina ang mata ni Antoine nakatuon sa kaniya. Sinadya niya rin na ekendeng ang balakang para mas makuha niya ang atensyon nito.Kailangan panindigan niya ang suot niyang heels at kailangan poise na poise pa rin ang lakad niya kahit parang matatapilok pa siya dahil sa maliliit na bato na natatapakan ng sapatos niya. Taas-noo pa rin siya kahit parang pipikit na ang mga mata niya sa init ng araw. Open ang area na dinadaanan niyang quadrangle kaya wala man lang siyang masisilungan. Wala siyang suot na shades para man lang may proteksyon ang mga mata niya sa init. Wala naman siyang dalang payong kaya wala rin siyang pagpipilian kung hindi ang magp
Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Antoine sa manibela at nakayuko ang ulo. Nakatingin siya sa harapan ng patalon na suot niya na tila nag-umbrella dahil sa ginawa ni Zarina. Patigas nang patigas na iyon na parang ibig ng kumawala sa loob dahil sa pabitin-bitin na ginawa nito sa kaniya kanina. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto sa kaniya ng ginawa ng dalaga. Marahil, sa kawalan na rin ng mapaglalabasan kaya kahit simpleng hawak lang sa hita niya ay malaking impact ‘yon sa pagkalalaki niya. Kailan ba siya huling nakipag-sex? Napailing siya ng ulo ng hindi niya maalala kung kailan. Kaya siguro ganoon ang epekto sa kaniya dahil kulang na siya sa ganoong bagay. Alam niyang ikasasakit ng puson niya ang ginawa ng dalaga sa kaniya kanina. But, damn! Anong gagawin niya? Hindi naman puwedeng makipagsabayan siya sa laro na gusto ni Zarina. Kumbaga sa larong chess, si Zarina ang may control ng board at ang didikta ng laro. Kung magtuloy-tuloy iyon paniguradong checkmate iyon at
Habang nagmamaneho ng kotse si Antoine panay naman ang sulyap niya sa dalaga na tila hindi mababali ang leeg. Pirming nakatingin lang ito sa harapan o hindi kaya ay sa cellphone nitong hawak.Napakunot ang noo niya ng marinig na humagikgik ito habang may binabasa sa cellphone nito. Animo’y may ka-chat at tila nakikipagbolahan. Dahil sa tuwing nagtitipa ito ng message ay may pagkagat-kagat pa ito sa labi na parang kinikilig na hindi malaman. Kung tatawa ba o hindi.Huminga siya nang malalim.May palagay siya na baka kausap nito ang sinasabi nitong boyfriend nito. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya. Pero kung aayain si Zarina ng boyfriend nito sa kung saan mamayang pag-out nito sa eskwelahan ay hindi niya hahayaan. Hindi siya papayag na pumunta sa kung saan-saan si Zarina at gagabihin umuwi."Do you get what I'm saying?" tanong niya para makuha ang atensyon nito. Lumingon ito sa kaniya na may matamis na ngiti. Siya naman ay pinanatili niyang nakakunot ang mg
Pakendeng ang ginawa niyang paglakad pahayon sa may balkonahe kung saan naroon pa rin si Antoine at ang pagkain na marahil ipinahanda nito para sa kanila. Ang isang tasa na nakalapag doon ay wala ng laman. Nakaupo ito sa may pandalawahan na upuan at nakayuko habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung umuwi ba ito kagabi o natulog sa isa sa mga guestroom nila na nasa ikalawang palapag din. Gusto man niya tanungin ito ay hindi na lang niya gagawin baka kasi magtunog na interesado pa siya kapag nagtanong siya. “Nandito ka pa rin?” kunwaring inis niyang sita sa lalaki para makuha niya ang pansin nito. Nang makuha niya ang atensyon nito ay halos maningkit ang mga mata nito sa ayos niya. Taas-baba ang ginawa nitong pagsuri sa kaniya at tila sa cellphone nito ibinunton dahil pabagsak nito ibinaba sa lamesa. “Ano ‘yang suot mo?” may inis na sita nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa uniform na suot niya. Ang blazer na ipinatong niya sa balikat kanina ay inalis niya rin kanina b
Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya. Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya. Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.