PROLOGUE
Ipinalibot ng batang si Klyade ang kaniyang mga mata paiikot sa mismong loob ng kuwarto kung nasaan siya. Madilim. Mabaho. Nalalanghap niya ang maalikabok na paligid. Nais niya sanang igalaw ang kaniyang kamay ngunit doon niya napagtanto na nakatali ang mga ito pati na ang kaniyang mga paa.Gusto niyang sumigaw, pero nakatakip ng tape ang kaniyang labi. Umiiyak ang batang si Klayde habang pilit na kumakalas sa tali at tinatawag sa kaniyang isipan ang Mommy at Daddy niya. Kahit alam niyang hindi na kailan man siya nito maririnig pa."Gising na pala ang anak ng malanding babae!" napatingin siya sa gawi ng pamilyar na boses at may pinindot ito.Doon na tuluyang kumalat ang liwanag. Naroon pala siya sa basement ng mansion. Nakita niya ang kaniuang Lola na gulo-gulo ang mahabang buhok. Pero nagtataka siya kung ano ang ginagawa nila rito. Hindi niya natandaan ang nangyari bago siya mapunta dito. Napatingin siya sa hawak nitong sinturon at baril. Marahas nitong tinanggal ang tape na nakatakip sa kaniyang labi.“Lola! Lola! Tulong po! Natatakot ako, Lola!" sigaw niya habang humahagulgol ng iyak.Bigla ay tumawa ng malakas ang Lola niya at biglang hinampas sa kaniya ang sinturon."Salot ka! Salot kayo ng malandi mong Ina! Pinatay niyo ang anak ko! Ang pinakamamahal kong anak!" sigaw nito habang paulit-ulit siyang hinagupit ng sinturon.“Aaah! Tama na po Lola! Aray ko! Masakit po! Tama na!" literal na napapakibot siya sa bawat pagtama ng sinturon sa kaniyang balat.Hindi niya inaasahan na ito pala ang may kagagawan ng kaniyang pagkakatali. Damang-dama niya ang bawat hagupit at pakiramdam niya ay bibigay na ang murang edad niyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang pangangapal ng kaniyang balat dahil sa lakas ng hagupit nito."Tulong! Tulungan niyo po ako!" sigaw niya pa habang umiiyak at nagbabakasakali na baka may makarinig sa kaniya."Walang makakrinig sa 'yo! Pinalayas ko na sila, para walang makakakita bago ko tapusin ang buhay natin!" sunod-sunod muli ang tawang pinakawalan nito.Alam niya sa sarili niyang wala na sa sarili ang kaniyang Lola. Hindi na ito nakakapag-isip oa ng tama at tiyak na nababaliw na. Ang kaniyabg Daddy at Mommy ay namatay sa isang car accident habang patungo sila sa Baguio. Siya lamang ang tanging nabuhay at siya ngayon ay nagdudusa sa nangyaring hindi naman niya ginusto.Bigla ay tinutok ng kaniyang Lola ang baril sa kaniyang ulo. Pinaputukan siya nito ngunit dumaplis lamang iyon sa braso dahil kaagad siyang umiwas. Halos manginig siya sa sobrang hapdi at ramdam na niya ang dugo na umaagos sa kaniyang braso.“L—Lola, stop na po. I love you, Lola. . . Please don't hurt me." umiiyak niyang pagmamakaawa."Hindi kita mahal. Hindi kita apo! Anak ka ng nanay mong malandi sa ibang lalaki!"Napailing si Klayde. "N—No. . . that's not true, Lola."“P—Papatayin kita. . ."Ikinalabit muli nito ang gatilyo, ngunit bago pa nito tuluyang makalabit upang pumutok ay may ibang putok ng baril siyang narinig at dahan-dahang tumumba ang katawan ng Lola niya sa sahig. Humalo ang dugo nitong umaapaw sa mahaba nitong buhok.Halos manginig ang kaniyang kalamnan at tuluyan na siyang nawalan ng malay.CHAPTER ONEMabilis na iminulat ni Klayde ang kaniyang mga mata habang patuloy na umaagos ang tubig mula sa shower. Ayaw na ayaw niya na habang naliligo siya o ʼdi kaya ay sandaling mapipikit ay mayroon siyang nakikita na isang babae na mahaba ang buhok.Heʼs been experiencing this for a decade.Sa halip na isipin kung sino ʼyon ay mas binilisan na lamang niyang maligo at nang matapos ay ʼagad siyang nagbihis ng pang-work attire. Dadaan siya ngayon sa bawat department ng kaniyang kompanya para sa isang monthly routine na ginagawa niya.Nang matapos siyang kumain ay binitbit niya ang kaniyang salamin sa mata. Ang salamin na ito ay hindi basta-basta dahil pinasadya niya ito na kapag nasa labas siya at tatamaan ng araw o liwanag ay magkukusang didilim ang mismong glass nito. It's his way para panandaliang maiwasan niyang makita ang mga babaeng may mahahabang buhok.Pagkalabas niya ng bahay ay tinapunan niya ng tingin ang bahay ng kaibigan niya. Mula sa malayo ay kitang-kita niya si Greys
CHAPTER TWOHalos umabot ng dalawang oras si Klayde sa pagche-check sa buhok ng mga babaeng empleyado kaya nang matapos ay dumiretso muna siya sa Sweet Grey Coffee Shop na pagmamay-ari ng kaibigan niyang si Greyson. Kilala na siya ng mga empleyado rito kaya nang makarating siya ay 'agad na dumiretso siya sa private place niya sa coffee shop. Klayde place ang nakalagay na karatula dito. His area are surrounding with a sensored black mirror.Sumimsim siya ng kape na dinala ng waiter. Hihintayin niya ang kaibigan para tanungin kung bakit ito uminom kagabi at kung sino ang babaeng nakita niyang lumapit dito kanina.Habang abala sa pagbabasa ng business magazine ay nagulat siya nang biglang may babaeng umupo sa harapan niya. Nakuha ng mga mata nito ang atensyon niya. It's blue eyes, sobrang ganda na halos 'di niya maialis ang tingin niya rito. Her nose are pointed and her lips. . . Damn it! Napalunok si Klayde nang mag-stay ang mga mata niya sa labi nitong kulay rose gold. Gusto niyang mat
CHAPTER THREEHinatid ni Greyson si Hadlee sa KW Hotel, ni-reccomend ito mismo ng kaibigan niya na dito muna tumuloy dahil kaibigan umano nito ang may ari ng hotel na 'to kaya alam niyang mahigpit sa security. Ayaw niyang mismong sa bahay nila siya tumuloy dahil wala naman siyang makakasama doon. Habang nasa elevator siya hindi niya pa rin maalis sa isipan ang nangyari. Hindi pa rin talaga niya lubos maisip na may ganoong takot pala dito sa mundo.Huminto sa 12th floor atsaka siya lumabas, tiningnan niya ang number ng room niya at napangiti siya sa nakita.Proverbs 16:3It's a bible verse sa pagkaka-alam niya. Ipinalibot ni Hadlee ang paningin niya sa ibang unit number at halos lahat ng ito ay bible verses din.Bago 'to sa kaniyang paningin kaya naman pinicturan niya at tinag ang KW Hotel at saka niya ipinost sa IG. Pagkapasok sa loob ng condo unit ay inayos niya ang mga gamit niya pagkatapos ay naligo dahil nanlalagkit na siya sa sarili.Matapos siyang maligo ay agad niyang naisip na
CHAPTER FOURㅡ Kissing scene ahead! "What is she doing with you?" kunot-noo'ng tanong ni Klayde sa kaniyang sikretarya."Mr. Mendoza, she's my assitant secretary," dahil sa narinig ay agad siyang napatayo."You're what?""My assistant," napasuklay siya sa kaniyang buhok. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa pagkakataong ito."N-nakalugay ba ang buhok niya?""Yes Sir, but-""Sabihin mo sa kaniya na itali niya ang buhok niya o di kaya mag suot siya ng wig na maikli ang buhok o kahit anong gawin niya basta dapat maiksi ang buhok niya!" singhal niya sa sikretarya at nagmamadali itong lumabas.Hindi niya alam kung ginagalit ba siya nito o pinagtitripan. Gayong alam naman na nito ang nangyayari sa kaniya kapag nakakakita siya ng babaeng may mahabang buhok. Kung hindi dahil sa pakiusap ng kaibigan ay hindi ito makakatapak sa mismong kompanya niya.××××HALOS hindi alam ni Hadlee ang gagawin niya sa loob ng opisina nila ni Jacob. Ayon dito ay kanina pa galit na galit si Klayde dahil na
CHAPTER FIVEHindi maipinta ang ngiti sa labi ni Hadlee habang inaayos niya ang kaniyang buhok. Plinano na niyang itali ang kaniyang buhok para naman mas lalo siyang makakilos sa loob ng kompanya. Ayaw na niyang takbuhan ang binata at baka isipin nitong lumalayo siya dahil sa isang halik.Pagkapasok niya sa loob ng kompanya ay siya nanaman ang pinagtitinginan ng mga ilang empleyado. Konting-konti nalang at masasanay na siya sa mga tingin nito."Oh woah!" salubong sa kaniya ni Jacob with matching palakpak pa."Do I look okay?""You look beautiful Hadlee! Sa wakas naman hindi ako masisigawan ngayong araw," nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi nito."Sorry kahapon, Jacob.""It's okay at saka ngayon lang ako nagkaroon ng kasama dito. I mean you, my assistant secretary ngayon lang nila ako binigyan ng sikretarya."Naalala naman niya kung bakit nga ba siya nandito sa kompanya ng binata."Mabuti at ako ang kauna-unahan, at least maganda ang nag simula," sabay tapik niya sa mukha niya.Na
CHAPTER SIXMag-iisang linggo na si Klayde sa sarili niyang bahay, at ngayon ay malalim ang kaniyang iniisip habang nakaupo siya sa upuan na nasa tabi ng swimming pool.He had whiskey beside him, ginusto niyang uminom habang iniisip kung paano niya kakausapin ang dalaga o kung dapat niya ba itong kausapin. Nagdadalawang isip siya dahil baka nag-aassume lamang siya sa ikinilos ng dalaga.Naalala naman niya ang nangyari nung nakaraang linggo. Hindi pa rin maalis sa isipan niya kung paano siya dinaanan ni Hadlee ng makita sila nito. Pakiramdam niya ay sobrang laki ng kasalanan niya rito. Kinausap niya si Greyson tungkol sa nangyari and he can't even say anything dahil pinaalis siya ng dalaga sa condo unit.He knows how Hadlee push Greyson away, dahil nagulat siya ng makatanggap siya ng text ng araw na 'yon mula kay Hadlee. Alam niyang na wrong send ito dahil ang nakalagay na pangalan ay Greyson Luxerio. At that time Kelsey saw his face worried kaya napagpasyahan nilang ipagpaliban ang me
CHAPTER SEVEN"Alam mo friend, alam kong mahaba ang buhok mo, pero gosh mas humaba yata at umabot hanggang EDSA. Biruin mo dalawang lalaki ngayon ang nasa bahay natin!" sambit ni Jelly kay Hadlee habang nasa veranda sila ng second floor at nakatingin sa garden kung nasaan si Colton at Sebastian. "Pakiputulan nga tapos idikit mo sakin," natatawang dugtong nito."Baliw ka talaga, 'di ko naman ginusto na magpunta sila dito." humarap siya sa kaibigan at nangalumbaba."Ay we? Si Mr. Pogi di mo ginustong magpunta dito? Maniniwala pa ako kung si Italian boy ang ayaw mong mag-punta dito."Napatingin naman si Hadlee sa dalawang binata na ngayon ay magkaharap at tila nagtatatalo sa pamamagitan ng isip at tingin sa isa't-isa.Tumunog naman ang phone niya senyales na may nag-text.Klayde:Hadlee, talk to me please!Nakatingala ngayon sa kaniya si Klayde. Makikita sa binata ang lungkot at pagkadisididong kausapin siya. Ang mga mata nitong kulay tsokolate ay nababalot ng lungkot."Hadlee look, hala
CHAPTER EIGHTNakatitig si Hadlee sa binatang katabi niya na mahimbing na natutulog. Bakas sa mukha nito ang pagod, takot, lungkot at sakit. Hindi niya alam kung saan ba nagmula ang takot nito. May mga bagay na pumapasok sa isip niya na posibleng dahilan pero paano niya malalaman? Paano niya mapapatunayan? gayong mismong binata ay walang alam sa kaniyang nakaraan.Hinaplos niya ang mukha nito na nakaharap sa kaniya. Ang ilong nitong matangos, ang matang may mahabang pilik-mata, ang labi nitong kulay pula na tila pagmamay-ari ng isang babae. Gumalaw ang binata kaya agad namang nilayo ni Hadlee ang kamay niya sa mukha nito. Marahil naramdaman nito ang pag haplos niya.Napabalikwas 'to ng bangon ng ma-realize na magkatabi sila. Sapo nito ang ulo na marahil ay masakit dahil sa kaiiyak. Lumapit siya sa tabi nito at ipinaharap ang mukha ng binata sa gawi niya."Are you okay?" ang mga mata nito'y nanatiling nakatitig sa kaniya."Yeah, I'm okay." nag-iwas ito ng tingin at saka hinawi ang sari
Kinakabahang pumasok si Hadlee sa shower room habang si Klayde naman ay naiwan niyang nakaupo sa ibabaw ng kama. Pagkapasok pa lamang nila kanina sa kanilang kuwarto ay kaagad na siyang hinalikan nito na animoʼy sabik na sabik sa kaniya. She canʼt refuse, dahil kahit man siya ay nakakaramdam ng pananabik sa binata.Kinuha niya ang nighties na inilagay ni Jelly sa kaniyang small pouch. Napanganga siya nang makitang halos wala ng tela ang kaniyang susuotin. Talagang takip lamang sa kaniyang utòng at sa kaniyang tinggíl.“What the heck?” bulalas niya sabay napatingin sa salamin.Ito na ang gabing aangkinin siya ni Klayde. Ang gabing pinakahihintay nila parehas. Klayde respect and protect her, kahit sa pinakamahirap na sitwasyon.Napangiti siya nang pumasok sa kaniyang isipan na asawa na niya ito ngayon. Na wala na dapat siyang ikahiya o itago pa sa binata, dahil iisa na sila. They vowed to each other, and she really love him.“Klayde, deserves me tonight.” sambit niya saka isinuot na niy
CHAPTER EIGHTEENNasa tapat na ngayon ng simbahan si Klayde. Ang lubha niyang inaalala ay mukhang may ikakasal ng araw na 'yon. Bumalik siya ng kotse at muling tinawagan ang numerong nagtext sa kaniya kanina."Nandito na ako, huwag kayong gagawa ng mali na makakasakit ng ibang tao." malumanay niyang sambit mula sa kabilang linya.Doon niya lang naisip na walang kailangan ang tumawag sa kaniya. Wala itong hinihinging malaking pera tulad ng mga sindikato. Ang ibig sabihin ba nito ay hindi ito kidnapper?Eh, ano sila?"Makakaasa ka. Lumabas ka ng kotse mo at pumunta ka sa tapat ng pinto. Hintayin mong may lumapit sa 'yo at dadalhin ka niya mismo kay Hadlee."Kaagad niyang pinatay ang tawag saka kinuha ang baril at nilagay sa likod ng kaniyang balakang. Naghintay siya ng ilang segundo bago niya nakitang may paparating na lalaking nakabarong. Hindi pa man ito nakakalapit ng tuluyan ay tila ba namumukhaan na niya ito."M–Mang Saldy? A–Anong ginagawa niyo rito?" imbis na sagutin nito ang tan
CHAPTER SEVENTEENNagising si Hadlee dahil sa ilang naguusap na sa palagay niya ay malapit lang sa kaniya. Sa pagkamulat ng mga mata niya ay agad niyang sinuri kung nasaan siya.Mabilis siyang napabalikwas ng bangon ng makitang hindi pamilyar ang kwartong pinaglalagyan niya. Nahagip ng mga mata niya ang dalawang lalaking nakaupo di kalayuan sa kamang hinihigaan niya."Gising ka na." sambit ng isang matandang lalaki na sa palagay niya ay nasa 60's na."S-sino kayo?" tanong niya."Marahil hindi mo kami kilala, pero matagal ka na naming hinahanap."Kunot-noo siyang tumitig sa dalawa. Iniisip niya kung ano bang ibig-sabihin nito."I am Mr. Eduardo Alvarez, and this is my son Erick Alvarez the one you should marry."Napaawang ang bibig niya sa narinig. "A-anong-""Sorry, it's just my father's want." nahihiyang sambit ng binatang katabi nito na nasa 30's na ang itsura."Hindi ko lang gusto, It's your father's choice also.""Si Dad? Paanong- Teka ano bang sinasabi niyo?" naguguluhang tanong
CHAPTER SIXTEENLabis na naguguluhan si Hadlee sa mga nangyayari, ang araw na 'to ang sinabi ni Sebastian na itatakas siya nito mula sa mga magulang pero ang sobrang pinagtataka niya tahimik ng bahay nila, kahit ang mga katulong ay wala din sa mga pasilyo."Saan mo dadalhin ang anak namin?" naluluhang tanong ng mommy ni Hadlee habang nakatali ito sa upuan kasama ng kaniyang ama."Mom!" akmang lalapit siya sa kaniyang mga magulang ng pigilan siya ng tauhan ni Sebastian."Hadlee, anak!""As I've said, Hadlee and I are engaged." at ipinakita nito ang singsing na suot nilang dalawa, "Alam ko naman na hindi ako mahal ni Hadlee at kinuha ko ang pagkakataon na kinulong niyo siya at ipinangakong itatakas siya dito." dugtong nito na tila natatawa."HAYOP KA SEBASTIAN! MANLOLOKO!" singhal niya rito at pinipilit makawala sa mga tauhan nito."Sebastian bakit mo ginagawa 'to?" naguguluhang tanong ng kaniyang ama.Paniguradong naguguluhan ito dahil sa pananatili nila sa Italy ay si Sebastian lang a
CHAPTER FIFTEENSa nagdaan pang dalawang linggo ay hindi pa rin makapaniwala si Hadlee sa naisip na paraan ni Sebastain na tumakas."Marry me.""Marry you? Nababaliw ka na ba?""That's the only way para maitakas kita rito"Mabilis niyang inalis sa isipan niya ang mga katagang binitawan ni Sebastain.Ang sabi nito kapag kinasal na sila ay pakakawalan na siya nito at ibabalik na kay Klayde ng sa gayon ay hindi na siya pakialaman ng mga magulang niya. Pero hindi niya lubos maisip kung bakit pakiramdam niya ay hindi magandang plano ang naisip nito."Anak, nandito si Sebastian."Hindi na siya nagsalita at nakita niya itong punasok na may dalang tray at may laman na pagkain. Hinapyawan niya ng tingin ang ilang pagkain na nakatengga sa mismong kwarto niya na nasisira lang dahil hindi niya man lang tinikaman ang mga ito."Hindi ka daw nagka-kakain, so Tita called me to brought you here a food dahil baka sakaling sa akin ay makinig ka."Tiningnan niya lang ito at wala man lang siyang reaction
CHAPTER FOURTEEN"Alam mo Klayde, hindi ko rin masisisi ang mga magulang ni Hadlee kung bakit nila nilayo si Hadlee sayo." sabay inom ni Greyson ng beer.Magkasama sila ngayon sa bahay niya habang umiinom. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas ng gumising si Hadlee, at hindi na siya pinahintulutan ng mga magulang nito na magkita pa silang dalawa.Bantay sarado ang dalaga ng mga gwardya, at halos gusto siyang ipakulong ng ama ni Hadlee dahil siya ang sinisisi sa nangyari. Dalawang linggo na rin niyang nilulunod ang sarili niya sa alak dahil sa bawat araw na iisiping hindi niya alam kung nasaan ang dalaga ay katumbas nito ay isang taong buhay niya.Gusto niyang makita ang dalaga, mayakap at mahalikan pero hindi niya magawa dahil hanggang ngayon palaisipan sa kaniya kung nasaan ito. Gusto niyang marinig mula sa dalaga na mahal siya nito ng walang halong misyon o panloloko."Konting-konti nalang mababaliw na ako sa pagkamiss ko sa kaniya." wala sa sariling sambit niya at sabay tungga n
CHAPTER THIRTEEN"Lalon gumanda na 'tong bahay niyo, Sir!" bati ni Mang Saldy sa bagong kulay ng bahay na sila mismo ang nagpintura. Kahit ang loob ng bahay ay naiba ang disenyo. Halos inabot din sila ng isang linggo dahil parang nirenovate nila ito. Bukod pa doon ay kinailangan niya rin ng ilan tao para makatulong mabuti nalang at may mga kakilala ang katiwala niya."Sa tingin niyo Mang Saldy magugutuhan 'to ng magiging misis ko?" tanong niya habang sinusuri ang kabuoan ng buong bahay."Ayy! Magugustuhan niya 'to nasisiguro ko 'yon!" masiglang sambit nito.Sandaling natahimik siya at naalala ang huli nilang pagkikita ni Hadlee kaya may sumilay na lungkot sa kaniyang mga mata."P-pero bakit mukhang malungkot ka?" naupo siya sa katabing upuan."Nagmahal na po ba kayo Mang Saldy?" nakatingin siya sa kawalan."Oo naman, ayon nga't naging misis ko na." napatingin siya sa katiwala na halatang bakas rito ang nagmamahal at masaya."May minahal po akong babae, nakasama ko po siya. Masaya ako
CHAPTER TWELVE"S—Sorry, Hadlee. I didn't know." parang hinampas si Hadlee ng isang kalembang na halos mabingi siya sa narinig mula kay Greyson.Nanginginig ang tuhod niya na halos unti-unti na niyang nararamdaman ang pagtumba. Mabilis siyang napaluhod at agad inalalayan ni Greyson at Jelly. Nakatulala siya na tila ba walang naririnig at nakikita. Naguunahanang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.Dumating na ang kinakatakutan niya, ang malaman ni Klayde ang tungkol sa misyon nila at ang pag-iwan nito sa kaniya na ngayon ay nangyari na."H-hadlee..." malungkot ang boses na 'yon na nanggaling kay Jelly."I-Iniwan niya na ako... Iniwan... na niya ako," pinipigilan niyang huwag gumawa ng ingay mula sa pag-iyak.Muling nanumbalik sa alaala ni Hadlee yung masasaya nilang alaala. Kasabay nito ang kirot sa dibdib niya at tila sinasakal siya dahil sa pagpipigil na humagulgol."Hey, Hadlee iuuwi ka na namin." sambit ni Greyson."Tara na Hadlee." dugtong ni Jelly na handa siyang alalayan sa pa
CHAPTER ELEVENUmalis sila kinabukasan sa rest house na tinutuluyan nila ni Klayde. Itinapon niya ang lahat ng accessories na mayroon siya dahil natatakot na siya sa pag-aakalang baka may tracking device pa rin 'yon."I'll pick you up at 7pm, okay?" ngumiti siya sa binata at saka ginawaran ng halik. "Call me if you need me or something bad happen to you.""Yes, I'll wait you here." ipinaandar na ni Klayde ang sasakyan nito at hinintay niyang mawala ito sa paningin niya bago pumasok sa mismong bahay nila ni Jelly."Oh Hadlee! Thank God at safe ka!" salubong nito sa kaniya matapos siyang yakapin. "Alam mo bang galit na galit si Sebastian nang malaman niyang itinakas ka ni Klayde? hindi ko nga alam kung paano niya nalaman, eh."Naalala niya ang tracking device na nilagay sa pendant ng kwintas niya."He found me using a tracking device.""Ha? Paano?""Naglagay siya ng tracking device sa pendant ng kwintas ko."Jelly gasp. "The heck, ang creepy niya!"Ikinuha siya ng kaibigan niya ng maiin