Share

Chapter 9

Author: Moonstone13
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Inilibot ni Cyrus ang paningin sa paligid at nakita nito si Jayden na nakaupo sa di kalayuan sa kanila at nakatitig sa kanya na pinakitaan siya ng middlefinger.

Napangisi naman si Cyrus sa inakto ni Jayden. "Kanina ka pa ba rito o kadarating mo lang?" mahinang tanong ni Cyrus na hindi sinagot ni Jayden.

"Do you know her?" seryosong tanong muli ni Cyrus.

Tumango lang si Jayden.

"She's safe with me, so don't worry. And stay where you are, Curtis. You know what to do, right?" mahinang bigkas ni Cyrus na ikinatangong muli ni Jayden.

Ngumising muli si Cyrus sa kanya at pinatay na ang tawag niya.

Sinenyasan naman agad ni Jayden ang waiter at inutos na dalhin sa kanya ang babaeng no.14 para makatable niya.

Kilala niya si Cyrus, alam niyang hindi ito gagawa ng bagay na ikagagalit niya at ikapapahamak niya kahit pa nga isa itong mafia boss.

Hindi niya alam na may transaction pala ngayon si Basmayor dito sa club dahil kanina ay nanggaling na sila sa lugar na ito.

"Boss, narito na ang makakata
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
jusmiyo jay hnd ka.kilala ni Berry tapos my pa. mine mine kna..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 10

    "Relax, hindi mo pa nga naipapakilala ang sarili mo sa kanya kung maka-mine ka wagas Curtis," paninitang saad sa kanya ni Cyrus."Naunahan mo lang akong makausap siya. Kaya nga ako narito, upang magpakilala sa kanya at tulungan s'yang makaalis sa lugar na 'to," mariing wika ni Jayden sa kaibigan."Tawagan kita, mamaya," saad ni Cyrus ng may lumapit na tauhan sa kanya at bumulong sa tenga nito.Hindi na nagsalita pa si Jayden dahil nakita niyang may kinakausap na muli si Cyrus sa mga lalaking ka meeting nito. Napabaling ang paningin niya kay Berry ng tumayo ito at umalis sa tabi ni Cyrus na sumunod na naglakad sa isang babaeng naunang tumayo rito."Pupunta yata ng banyo si Beery, Marife. Pwede mo siyang sundan at kausapin," pasimpleng utos niya sa kaibigan ni Berry."Sige, kakausapin ko siya at kukumustahin, magbabanyo na rin ako. Salamat Jayden," sagot sa kanya ni Marife.Sinundan niya ng tingin ang paglalakad ni Marife hanggang sa makapasok ito ng banyo ng mga babae.Inilipat niya a

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 11

    "Berry okay ka na ba?" nag aalalang tanong ni Ginalyn sa kanya.Nanginginig ang katawang tumango si Berry kay Ginalyn kahit ang totoo ay natatakot pa rin siya at nag aalala para kay Marife."Si Fe, ang inaalala ko, Ginalyn. Gusto kong malaman ang kalagayan niya. Nasaktan siya ng dahil sa akin," pumatak ang luha niya ng sumagot sa babae."Nauunawaan kita, Berry. Nag aalala rin ako sa kaibigan mo, pero wala tayong magagawa dahil hindi tayo makakaalis dito, para alamin ang lagay niya. Ipagdasal na lang natin na maging okay siya," wikang muli ni Ginalyn."Hindi na babalik pa rito sa club ang kaibigan mo Berry, dahil bayad na siya ng lalaking tumulong sa kanya. Sana ay bumalik ang lalaking yon dito para malaman naman natin ang kalagayan ni Marife," turan naman ni Aireen."Nanginginig ka Berry.., irelax mo ang sarili mo, uminom ka muna ng tubig," nag aalala pa ring wika ni Ginalyn na inabutan ng isang basong tubig si Berry na ibinigay naman ni Teresa kay Ginalyn kanina."Isipin mo muna ang

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 12

    "Kumusta siya, Marlon? anong sabi ng doctor?" tanong ni Jayden ng makarating siya ng ospital kung saan dinala ng lalaki ang kaibigan ni Berry."Unconscious pa rin, wala naman raw nakitang internal bleeding sa ulo niya pero kailangan pa rin daw obserbahan ang pasyente pag nagising na," aning sagot sa kanya ni Marlon."Tumawag pala si boss kanina, ang sabi niya ay ako na muna ang magbantay sa babaeng tinulungan mo," turan pa ng tauhan ni Cyrus na hindi naman na rin iba sa kanya dahil matagal na rin niyang kakilala ang lalaki."Thank you nga pala Marlon," aniya na tinapik pa niya ang braso ng lalaki."Pwedeng magtanong, kung hindi mo naman mamasamain? Sino ba siya at bakit ganun na lang ang concern mo sa kanya? curious lang din ako kung bakit ka naroon sa club.""Best friend siya ni Berry, bagong kakilala ko lang. Mga probinsyanang bagong luwas kanina na niloko ng kanilang recruiter," aniyang nakatitig pa sa natutulog na kaibigan ni Berry."Ang babaeng naka-table ni boss Cyrus?" napakuno

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 13 part 1

    Nag aalmusal na ang lahat ng mga kababaehan sa bahay pugad kinaumagahan pero si Berry ay walang ganang kumain at napansin iyon nila Ginalyn at Aireen."Berry, kumain ka. Huwag kang magpakagutom dahil lang sa wala na rito ang kaibigan mo. Kailangan mong magpalakas para sa sarili mo at sa kanya," mahinang saad ni Ginalyn kay Berry."Tama si Ginalyn sa sinabi niya sa 'yo Berry, kailangan mong kumain at magpalakas dahil kung manghihina ka baka lalo ka lang mawalan ng pagkakataon na makita siyang muli o makasama," nag aalalang turan na rin sa kanya ni Aireen at binibigyan ng rason si Berry para pilitin ang sarili nito para mabuhay."Wala talaga akong ganang kumain, pasensya na. Iniisip ko kase si Marife kung kumusta na s'ya, kung ano na ba ang lagay niya ngayon. Friday na rin bukas, hindi ko maiwasan na hindi maisip ang magiging kapalaran ko pagkatapos," malungkot na saad ni Berry."Ako rin nag aalala para kay Marife, pero iniisip kong mas magiging ligtas siya sa lalaking tumulong sa kanya

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 13 part 2

    Alas diyes ng umaga ng ipatawag ni Jessa si Berry na nakasuot na ng simpleng blouse at pantalon at flat na sapatos. Kinakabahan man at natatakot ay sumunod pa rin si Berry sa utos ni Jessa.Pagkababa niya ay naroon na sa loob ng sasakyan sina Trina at ang isang babaeng sa tingin niya ay yung Anne na sinasabi ni Janna kanina ng nag aagahan sila.Tama si Janna na maganda nga si Anne, mukha itong may dugo ng ibang lahi dahil sa tangos ng ilong at kulay na rin ng babae. Kung pakakatitigan ang babae ay palagay niya magkaedaran lamang sila.Napansin nya si Trina na inismiran siya kaya nagkibit balikat siya.Mauupo sana siya sa tabi ni Trina pero sininghalan siya nito. "Doon ka maupo sa likod, ayokong makatabi ka dahil naiinis ako sa iyong kaartehan.""Trina, magtigil ka na. Pare-pareho lang kayong nalalagay sa alanganing sitwasyon. Kaya pwede ba manahimik ka, ayoko ng maingay sa byahe!" paangil na wika ni Jessa."Kasalanan niya kung bakit pati ako ay nadamay sa pagpapaauction. Konti na lang

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 14. Part 1

    Bumangon si Anne ng dahan-dahan at maingat na tumayo. Naramdaman ni Berry si Anne at ganun din pala si Trina, kaya sabay silang napaupo sa pagkakahiga at tumingin sa babae na nakatayo na sa tapat ng pinto.Napansin naman sila ni Anne na sumenyas na huwag silang mag ingay at itinuro pa si Jessa na mahimbing na natutulog na patagilid na nakatalikod ang higa sa kanila.Binalingan ng tingin ng dalawa ang natutulog na si Jessa na bahagyang humihilik pa.Sa huling pagkakataon ay tinanong sila ni Anne ng pabulong kung sasama ba silang tumakas.Nagkatinginan sina Berry at Trina na parehong takot sa maaring mangyari sa kanila kung tatakas sila.Iniling iling ni Berry ang ulo niya, tahimik lang naman na nakatitig si Trina kay Anne.Napapikit si Anne at nang magdilat ng kanyang mata ay tinanguan ng ulo sina Berry at Trina at bumuntong hininga.Maingat na binuksan ni Anne ang pinto at sumilip sa labas ng pintuan. Walang bantay sa labas ng silid kaya humakbang na ito palabas at maingat na isinara

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 14 Part 2

    Lumipas ang magdamag na hindi na nahanap pa ng tauhan ni Madam Lorena si Anne na nakapagtago sa loob ng isang silid ng hotel na nakita niya na bahagyang nakabukas ang pinto ng madaanan niya kaya naglakas loob siyang pasukin iyon upang doon magtago.Nakatulog naman sina Berry at Trina na magkatabi sa isang kama na parehong nakatali ang mga kamay at paa.Kinaumagahan ay ginising sila ni Jessa at pinatanggal na sa kasama nitong lalaki ang tali sa kamay nila.Napainat ng katawan ang dalawang babae at hinilot ang nangalay nilang kamay, balikat at batok."Ayusin ninyo ang mga sarili ninyo at kumain na kayo ng almusal. Magpapractice kayo ng sexy dance para sa auction mamaya. Kailangan magpakita kayo ng talent sa mga dadalo sa auction at kailangan ninyong galingan ang performance ninyo," utos na wika ni Jessa."Nagbanta si Madam Lorena na kapag kayo hindi sumunod sa gusto niya ibibigay niya kayo kay boss Damian para maging sex slave ng mga tauhan ni boss. Naiintindihan n'yo?" pananakot ni Jes

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 15

    Maagang bumangon si Jayden sa kanyang kama dahil marami siyang gagawin ngayong araw.Alas syete pa nga lang ng umaga ay lumabas na siya ng kanyang silid."Good morning sir," bati kay Jayden ng isang kasambahay niya ng masalubong siya nito sa corridor."Good morning Mona, si Marife gising na ba?" aning tanong ni Jayden."Nasa kusina na po sir Jayden, tinutulungan si aling Delia na maghanda ng almusal n'yo.""Pakitawag naman at pakisabi na rin na puntahan ako sa may pool side. Pakipadalhan na rin ako ng kape, salamat," utos ni Jayden."Sa pool side na po ba kayo magbibreakfast sir?""No, hindi pa ako nagugutom mamaya na lang. Kape na lang muna, Mona.""Sige po sir Jayden, sabihin ko kay aling Delia na mamaya pa kayo mag aalmusal. Tawagin ko na po si Marife," saad pa ng kanyang kasambahay."Thank you Mona," aniya naman at umalis na sa harap niya ang kasambahay niya.Nagtungo si Jayden sa pool side at naupo roon habang hinihintay si Marife.Nakalabas na ng ospital ang kaibigan ni Berry da

Latest chapter

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter Finale

    Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 123

    Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 122

    "Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 121

    Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 120

    Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 119

    Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 118

    Nginisian ni Lawrence si Jayden at sinamaan naman ng tingin ni Jayden ang lalaki. Lumayo na ito sa kanya at kumuha ng dalawang baso at isang bote ng alak na nasa loob ng silid. Nagsalin ng alak at ng matapos ay iniabot ang isang basong may lamang alak kay Jayden na tinanggap naman niya. "Ikaw pala ang kuya na sinasabi ni Berry. Kanina ko pa naririnig ang name mo sa kanila pero hindi pumasok sa isip ko na ikaw ang kanilang tinutukoy." saad ni Jayden, na sa basong iniabot sa kanya ni Lawrence nakatingin habang pinaiikot niya ang lamang alak sa baso. "Don Alejandro, also told me na nagawa mo akong pasubaybayan kaya alam mo ang lahat sa akin at ang mga kilos ko. Ikaw rin pala ang may kagagawan kung bakit hindi ko mahanap-hanap si Berry dahil sa nililihis mo ang mga private detective na binabayaran ko. Now i know and no wonder kung paano mo nga naitago sa akin si Berry. Bakit ba hindi ko na isip kanina na isang Mafia Boss ang bukang bibig ni Berry at Don Alejandro na Lawrence?" aning du

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 117

    "I'm s-sorry.., sorry Jayden..," umiiyak na wika ni Berry na hindi na makatingin kay Jayden dahil alam niyang nagkamali siya. Lumapit si Jayden kay Berry at niyakap niya ito. Nakahinga na ng maluwag si Jayden dahil batid niyang nalinawan na rin si Berry. "Hush baby hush!! wag ka ng umiyak." pag aalo ni Jayden kay Berry na panay ang hikbi. "Apat na taon Jayden, four years ang sinayang ko. Ang nasayang sa atin. Namuhay ako sa ilang taon na iyon sa pighati at galit na nadarama ko para sa iyo. Maswerte lang ako ng malaman kung buntis ako sa kambal natin ay nakilala ko na si Dad at may kuya akong naging supportive sa akin, mula ng makilala namin ang bawat isa ay hindi nila ako pinabayaan. Kung wala siguro sila sa tabi ko ay hindi ko alam kung ano na ang naging buhay ko at ng mga anak natin Jayden. Dahil sa ginawa ni Ishie, nagalit ako sa iyo at halos isumpa na nga kita. Patawad Jayden, patawarin mo ko! dahil naging padalus-dalos ako ng desisyon at hindi ako naniwala talaga sa 'yo. Sobra

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 116

    Samantala habang sina Don Alejandro at Jade ay nasa pintuan pa ng garden ay magkaharap naman na sina Jayden at Berry ngayon. Kanina ng lumapit si Jayden sa magkaibigan ay nakiusap siya kay Anne na kung pwedeng iwan na muna silang dalawa ni Berry. Nagkatinginan muna ang mag beshy at ng tumango si Berry kay Anne. Walang salitang ibinigkas si Anne ng ito ay tumayo at humakbang na palayo matapos magbeso kay Berry. Huminga muna ng malalim si Berry bago muling binalingan ng tingin si Jayden. "Tulog na ang mga bata, bumalik ka na lang bukas kung gusto mo akong kausapin. Pagod ako sa mahabang byahe at hindi pa ko nakakapagpahinga." wika ni Berry na obviously ay umiiwas na naman. "Gusto kong ngayon na tayo mag usap, hindi bukas at hindi sa mga susunod pang araw na kung kailan mo gustuhin, Berry. Tingin mo ba ay hindi ko alam na gusto mo lang akong iwasan kaya ka gumagawa ng mga excuses. Matagal kong hinintay ang oras at pagkakataong ito para linawin ang lahat sa iyo, kaya dapat mo akong pa

DMCA.com Protection Status