"Aaminin? bakit Dad, may inilihim kayo sa akin?!ano yung aaminin mo? kinakabahan ako sa sasabihin mo sa akin, Dad." "Gusto mo bang sabihin ko pa sa iyo o wag na lang?" tanong ni Don Alejandro sa kanya. "Sabihin mo na Dad na-curious na ako eh! ano po ba yun?" kinakabahan na sagot ni Berry. Nagbuntong hininga muna si Don Alejandro bago siya ulit nagsalita. "Alam namin ng kuya Lawrence mo na hanggang ngayon ay hinahanap ka pa rin ng ama ng mga anak mo." pagpapabatid ni Don Alejandro sa anak. Natigilan si Berry sa sinabi ng kanyang ama at hinintay ang susunod na sasabihin sa kanya. "Hindi siya tumigil sa paghahanap sa iyo, Berry. Gumagawa lang ng paraan ang kuya mo para hindi ka niya matagpuan magpasa-hanggang ngayon." ani pang saad ng Don. "Alam ko pong kayang gawin ni Kuya na maitago ako ng matagal kay Jayden. Hindi ko lang inaasahan na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya 'ko." aning wika ni Berry sa ama. Itinango lang ni Don Alejandro ang ulo niya sa naging komento
"Magpakita ka na sa ama ng mga anak mo at sabihin mong may anak kayo. Sabihin mo ang lahat ng hinanakit mo sa kanya para gumaan na ang kalooban mo. Ang paghahanap niya sa iyo ng matagal na panahon at paghihintay na makita ka ay patunay lang na ikaw talaga ang mahal niya, Iha." payo ni Don Alejandro sa anak. "Gusto mong balikan ko si Jayden, Dad?! pero Dad, sabihin na nating ganun nga ang nangyari sa kanila ni Ishie, hindi pa rin ako naniniwala na mahal niya talaga ako. Gusto niya lang ako mahanap dahil gusto niya ako ulit na gawing parausan niya. Baka hanggang ngayon ay nanghihinayang siya sa ibinayad niya na twenty million sa auction kaya di pa siya tumitigil sa paghahanap sa akin." mapaklang wika ni Berry. "Ang mabuti pa ay komprontahin mo siya at pakinggan mo ang sasabihin niya sa iyo." muling payo ni Don Alejandro na ikinailing ng ulo niya. "Dad, hindi kita maintindihan kung bakit mo ipinipilit pa sa akin ang bagay na iyan. Nasabi ko na sa inyo ni Kuya Lawrence ang dahilan k
Ilang araw ang lumipas at nag flight na pabalik ng pinas sina Don Alejandro, Lara, Berry at ang kambal. Kasabay naman nila si Marco sa eroplano dahil nagkataon din na kailangang bumalik ng lalaki sa pinas ng araw ding iyon, kaya napakiusapan na rin ng kanyang kuya Lawrence ang kaibigan nito na alalayan sila Berry sa byahe. Masyadong maaga ang alis ng flight nila Berry sa New Zealand Airport dahil mahigit sampung oras din ang byahe nila pa-Manila kaya ang lapag ng eroplano nila sa Philippine Airport ay hapon na. Samantalang sina Jayden at Jade kasama si Julius at ang girlfriend na nitong si Arianne na naaya ni Jayden ay magkakasama na sa Philippine Airport. Magbabakasyon sila sa Sydney, Australia ng ilang araw. Si Jade ang pumili ng bansang pupuntahan nila dahil hindi pa raw ito nakakapunta roon. Pinagbigyan na ni Jayden ang trip ng kakambal dahil ito naman ang nagbayad ng flight ticket niya back and forth. 6:30 pa ng gabi ang flight nila pero alas tres pa lang ng hapon ay naroon na
"Ang tagal naman lumabas ng dalawang yun." sambit ni Jayden na naiinip na sa paglabas ng kapatid at ni Arianne. Nasa labas lang siya malapit sa toilet room na pinasukan niya kanina. Nakita niyang naunang lumabas si Arianne at sinenyasan siya nitong lumapit siya. Nagtataka man ay lumapit na rin siya. "Bakit?" tanong ni Jayden ng makalapit sa girlfriend ng kaibigan. "Dito ka lang. Hintayin nating lumabas si Jade at ang kasabay niya." wika ni Arianne. "Huh?! bakit, anong nangyari?" "Nakikita mo itong batang ito, Jayden? Kamukha mo di ba? may kakambal din ito na lalaki." saad ni Arianne at napatingin nga siya sa bata. Ngumiti si Jayden sa batang tinutukoy ni Arianne. "Jayden po ang name mo? same po kayo ng name ng Daddy namin ni Jay-Dee." ang tanong ni Jay-Vee kay Jayden. "Sir, sorry po sa pagiging madaldal ng batang ito." wika ni Lara na parang nakukuha na niya ang nangyayari kaya inawat nito sa pagsasalita ang apo ni Don Alejandro. "JV, don't talk to stranger di ba, ang sabi
Bago sila tuluyan na makarating sa immigration ay nakatanggap ng tawag si Jade mula kay Arianne ipinaalala nito ang mga hand carry na maleta na dala nila ni Jayden. Sinabi ni Arianne na salubungin na lamang ni Jayden si Julius dahil itinakbo na nito ang mga gamit nilang magkapatid sa pagmamadali. Buti na lang at wala silang ibang luggage na dala bukod sa hand carry at laptop. Si Jayden ay agad na nakipagsalubungan kay Julius at hinintay naman siya nila Jade, Don Alejandro at Berry kahit na sa isip ni Berry ay gusto niyang takasan si Jayden pero hindi naman niya magagawa dahil nakabantay si Jade sa kanila lalo na sa kanya. Pagkalabas nila ng airport ay nakita agad ni Marco ang puting kartolina na hawak ng isang lalaki na ginawang poster na may nakasulat na Welcome back Don Alejandro at nakilala din agad ni Marco kung sino ang lalaking iyon. Iwinagayway ni Marco ang isa niyang braso sa lalaki at dun lang ibinaba ng lalaki ang hawak-hawak nitong poster. "Don Alejandro, si Randy po a
Pagpasok nilang lahat sa loob ng van na sasakyan ay sa tabi ng driver pinaupo ni Don Alejandro si Jayden habang si Jade ay sa tabi ng Don. Sa likuran naman naupo sina Berry at ang kambal katabi si Lara. "I know na nagtataka kayong magkapatid sa nakikita ninyo." pagbasag ni Don Alejandro sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Nadidinig ng matanda ang pagbuntong hininga ni Berry ng paulit-ulit dahil nasa tapat ito ng likuran niya. Nakikita naman ng matanda ang pagsulyap-sulyap ni Jayden sa anak niya. Kaya hindi na nakatiis ang matanda na hindi magsalita. "Alam po ninyo Don Alejandro tama kayo ng iniisip. Ang dami kong gustong malaman tungkol kay Berry. Anak po ba talaga ninyo si Berry o inampon mo lang?" sagot naman ni Jade sa matanda. Ngumiti si Don Alejandro. "Berry is my real daughter, my flesh and blood. Mahabang istorya pero science ang nagpatunay na kami ay talagang mag ama." "Nahanap din pala kayo ni Berry." saad na komento ni Jayden na sa likuran ng matanda nakatingin.
"Babae din ako, Jayden. Hindi ko naman masisi si Berry sa ginawa niyang paglayo sa iyo noon at pag iwas pa rin sa iyo ngayon. Sa mga mata niya may kasalanan ka sa kanya. Kaya nga siya hindi makatingin sa iyo dahil dama ko na nahihirapan ang kalooban niya." "Yung inasal niya kanina kay Don Alejandro sa loob ng sasakyan, patunay lang iyon na naguguluhan ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin sa biglaan ninyong pagkikita. Jayden. Hindi mawawala sa isip at puso niya ang sakit na ibinigay mo sa kanya dahil totoo ka niyang minahal. Haggang hindi mo ipinapakita sa kanya ang dahilan kung bakit at paano mo yun nagawa ay hindi kayo magkakabalikan." "Sa totoo lang naiinis din ako sa kanya ngayon dahil gina-ganito ka niya, nasasaktan ako para sa 'yo, pero nagagawa ko pa rin siyang unawain kapag naiisip ko kung papaano kaya kung ako ang nalagay sa kanyang sitwasyon? Ang sakit naman kase talaga iyong makita mo ang lalaking mahal mo na nakikipags3x sa ibang babae. Para mo na siyang sinaksak
"Matanda na ako Jayden, hindi ko alam kung hanggang kailan pa tatagal ang pananatili ko sa mundong ito pero ramdam kong nalalapit na ang hangganan ng aking buhay. Paano na si Berry at ang mga apo ko kapag wala na ko? Kung ikaw ang makakasama nila ay mapapanatag ako na iwanan na rin sila, dahil alam kong mahal mo ang anak ko at aalagaan mo ang mga apo ko kahit na hindi ko iyon ipakiusap pa sa 'yo." malungkot na saad ng ama ni Berry. "Pareho lang kayong naging biktima ni Berry ng anak ni senator Mallari, kaya Alam namin ni Lawrence na naghirap ka rin tulad ng paghihirap ni Berry. Sa ilang taon na wala sa tabi mo ang anak ko ay hindi mo sinubukan na maghanap ng iba at kalimutan siya. Hindi ka sumuko sa paghahanap sa aking anak at kahit na nga pwede mo naman na siyang palitan ng ibang babaeng mas higit pa sa kanya ay hindi mo naman ginawa bagkus ay umasa kang makikita pa siya at dahil doon ay napatunayan mo sa akin na karapat-dapat ka pa rin na ibigin ng aking si Berry." dugyong pang t
Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si
Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under
Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo
Nginisian ni Lawrence si Jayden at sinamaan naman ng tingin ni Jayden ang lalaki. Lumayo na ito sa kanya at kumuha ng dalawang baso at isang bote ng alak na nasa loob ng silid. Nagsalin ng alak at ng matapos ay iniabot ang isang basong may lamang alak kay Jayden na tinanggap naman niya. "Ikaw pala ang kuya na sinasabi ni Berry. Kanina ko pa naririnig ang name mo sa kanila pero hindi pumasok sa isip ko na ikaw ang kanilang tinutukoy." saad ni Jayden, na sa basong iniabot sa kanya ni Lawrence nakatingin habang pinaiikot niya ang lamang alak sa baso. "Don Alejandro, also told me na nagawa mo akong pasubaybayan kaya alam mo ang lahat sa akin at ang mga kilos ko. Ikaw rin pala ang may kagagawan kung bakit hindi ko mahanap-hanap si Berry dahil sa nililihis mo ang mga private detective na binabayaran ko. Now i know and no wonder kung paano mo nga naitago sa akin si Berry. Bakit ba hindi ko na isip kanina na isang Mafia Boss ang bukang bibig ni Berry at Don Alejandro na Lawrence?" aning du
"I'm s-sorry.., sorry Jayden..," umiiyak na wika ni Berry na hindi na makatingin kay Jayden dahil alam niyang nagkamali siya. Lumapit si Jayden kay Berry at niyakap niya ito. Nakahinga na ng maluwag si Jayden dahil batid niyang nalinawan na rin si Berry. "Hush baby hush!! wag ka ng umiyak." pag aalo ni Jayden kay Berry na panay ang hikbi. "Apat na taon Jayden, four years ang sinayang ko. Ang nasayang sa atin. Namuhay ako sa ilang taon na iyon sa pighati at galit na nadarama ko para sa iyo. Maswerte lang ako ng malaman kung buntis ako sa kambal natin ay nakilala ko na si Dad at may kuya akong naging supportive sa akin, mula ng makilala namin ang bawat isa ay hindi nila ako pinabayaan. Kung wala siguro sila sa tabi ko ay hindi ko alam kung ano na ang naging buhay ko at ng mga anak natin Jayden. Dahil sa ginawa ni Ishie, nagalit ako sa iyo at halos isumpa na nga kita. Patawad Jayden, patawarin mo ko! dahil naging padalus-dalos ako ng desisyon at hindi ako naniwala talaga sa 'yo. Sobra
Samantala habang sina Don Alejandro at Jade ay nasa pintuan pa ng garden ay magkaharap naman na sina Jayden at Berry ngayon. Kanina ng lumapit si Jayden sa magkaibigan ay nakiusap siya kay Anne na kung pwedeng iwan na muna silang dalawa ni Berry. Nagkatinginan muna ang mag beshy at ng tumango si Berry kay Anne. Walang salitang ibinigkas si Anne ng ito ay tumayo at humakbang na palayo matapos magbeso kay Berry. Huminga muna ng malalim si Berry bago muling binalingan ng tingin si Jayden. "Tulog na ang mga bata, bumalik ka na lang bukas kung gusto mo akong kausapin. Pagod ako sa mahabang byahe at hindi pa ko nakakapagpahinga." wika ni Berry na obviously ay umiiwas na naman. "Gusto kong ngayon na tayo mag usap, hindi bukas at hindi sa mga susunod pang araw na kung kailan mo gustuhin, Berry. Tingin mo ba ay hindi ko alam na gusto mo lang akong iwasan kaya ka gumagawa ng mga excuses. Matagal kong hinintay ang oras at pagkakataong ito para linawin ang lahat sa iyo, kaya dapat mo akong pa