CHAPTER 02
“ Ano kayang balita sa naging lakad niya? “ Pabulong na tanong ni Anna sa sarili habang nag c-cellphone, abala sa panonood ng mga random clips sa Pipol’s nang maalala ang naging pag-uusap nila kaninang tanghali ni Javier. Hindi siya makapali at para bang hindi niya magagawang makatulog hanggat hindi niya nalalaman ang resulta ng gagawing pakikipag-ayos ni Javier sa ina nito.
Bumangon si Anna mula sa pagkakadapa sa kaniyang kama para makapag-isip nang maayos dahil balak niyang i-message ang binata para kumustahin ito. Alas-nuebe na nang gabi, pero parang bente-kuwatro oras na simula nang umalis si Javier.
“ Kumusta, Sir? Anong balita? “ sambit ni Anna habang tinitipa ang mensaheng ipapadala ngunit binura din niya nang makaramdam ng pag-aalinlangan. “ Baka naman isipin niya ang chismosa ko? Hindi ba puwedeng concern lang as a friend? “
“Sino kausap mo, Anna? “ Gulat na napalingon si Anna sa pinto nang marinig ang boses ng mayordoma. Nakasilip ito sa maliit na awang ng pinto, bakas ang pagtataka sa naabutan sa kuwarto. “ Isang araw ka pa lang naiwang mag-isa sa kuwarto, may naging kaibigan ka na kaagad diyan? Pabalik na si Toyang, hintayin mo. “
Natatawang naupo si Anna sa kama at ibinaba ang cellphone niya. “ Manang Susan naman, eh. May kinakabisado lang pong linya. “
“ Linya para saan? “ usisa nito na tuluyang binuksan ang pinto para maharap si Anna. “ Linya bago kausapin si Sir Javier? Bakit? Ano na naman ba ‘yang pinasok mo? “
Napangiwi si Anna. Hindi na niya magawang itanggi dahil batid niya na kabisado na siya ng mga tao sa mansyon. “ Wala naman po. Iniisip ko lang po kung dapat po ba akong makibalita sa kaniya kasi makikipag-ayos na po siya kay Ma’am Sasha. Eh alas nuebe na po eh, wala pa siyang update. “
Napa-krus ng braso ang matanda. “ Bakit naman kailangan ka niyang i-update? Girlfriend ka ba? “
“ H-Hindi po. Makikibalita lang bilang kaibigan...” Napalabi si Anna sabay kamot sa ulo. “ Manag Susan naman, hindi niyo naman po kailangan ipaglandakan na wala kaming label ni Sir Javier. Medyo na-ouch po ako doon. “
Nakunot ang noo ng matanda. “ Eh ano bang masama sa sinabi ko? Totoo naman, ah? “
“ Opo, totoo naman din. Pero ‘di ba nga po, gusto rin naman po ako ni Sir Javier? Sadyang ano lang... hindi pa raw po ito ang tamang panahon para maging kami official gano’n? Busy pa siya sa career niya, at ganoon rin naman po ako...” Napanguso si Anna, nagtaka sa sariling sagot dahil wala naman siyang pinagkakaabalahan bukod sa paglilinis ng mansyon. “ Ah, basta, hindi naman po ako nagmamadali magka-jowa. Willing po ako maghintay ng taon or dekada para magkaroon kami ng label na dalawa. Alam niya po ‘yon. “
“ Paano ka nakakasiguro sa bagay na ‘yan, sige nga? “ Takhang tanong nito saka hinawakan ang doorknob ng pinto para isandal ang isa nitong braso. “ Anna, mabait ang mga Martinez pero hindi kasama doon si Ma’am Sasha. Hindi naman sa hindi kita sinu-suportahan diyan sa buhay pag-ibig mo, pero magpaka-totoo na tayo rito, hija. Hindi kita nakikitang masaya sa piling ng lalaking matatawag na itim na tupa sa pamilya. “
Hindi na nagawang magsalita pa ni Anna. Gustuhin man niyang ipagtanggol si Javier na tinaguriang ‘blacksheep’ ng pamilyang Martinez, tinikom na lamang niya ang bibig dahil mas nasaktan siya sa katotohanang binitawan ng matanda. Batid ni Anna ang mga butas ng karayom na kailangan niyang suotin para makamtan ang kaligayan sa piling ng binata. Magiging mahirap pero sapat na sakaniya iyong katotohanang may nararamdaman din para sa kaniya ang lalaking iniibig niya dahilan para hindi siya panghinaan ng loob.
“ Anna, bata ka pa naman. Marami ka pang makikilala na mapapantayan o mahihigitan iyong pagmamahal na binibigay mo, “ ani Manang Susan bago umalis sa pagkakasandal sa doorknob. Tumalikod na ito at marahang naglakad palabas. “ Huwag mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo sa taong hindi rin naman sigurado sa’yo. “
At lalong nagkaroon ng dahilan si Anna para manahimik nang tuluyang maisara ang pinto.
***
Pabagsak na nahiga si Javier sa sofa sa salas ng unit niya kasunod nang malalim na buntong hininga. Napatitig siya sa kisame habang paulit-ulit na naririnig ang mga masasakit na salitang binitawan ng ina laban sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang maririning muli ang mga iyon matapos niyang paniwalaan ang pagmamagandang loob nito noong araw na inabot sa kaniya ang invitation para sa tinitingala niyang kompetisyon.
“ Since high school, nagsisimula na siyang mag join sa mga photography contest, but he never wins. Puro sa second place or third place lang siya inaabot. Nagawa pa niyang ibenta ang kotse niya before para bumili ng digital camera pero wala naman siyang napala, ‘di ba? Nagasasayang lang siya ng panahon sa walang silbing passion na yan...” Mariing pumikit si Javier at ipinatong ang kanang braso sa noo habang dinarama ang sakit at bigat ng mga salitang hindi na bago sa kaniya. Sanay na siyang maliitin ng ina at makatanggap ng mga negatibong salitang dahil high school pa lang, pilit ng ibinabaon sa utak niya na wala siyang mapapala sa paghawak ng camera. Malaya siyang nakakasali sa mga patimpalak na may kinalaman sa photography dahil minsan ay palihim lang siyang sumasali para walang masabi ang ina kapag natatalo siya. Subalit kahit anong lihim niya, nalalaman at nalalaman pa rin ito ng magulang dahil na rin siguro sa koneksyon nito sa paaralang pinapasukan niya noon.
Napadilat si Javier nang may mapagtanto dahil sa pagbabaliktanaw. Lalong sumama ang loob niya sa mga katanungan at teoryang nabuo sa isip niya. Plano ng ina na manipulahin ang kompetisyon na dadaluhan niya sa isang linggo,kaya hindi malabo na baka may kinalaman din ang ina sa mga kompetisyon na sinalihan niya noong nag-aaral pa siya.
“ Shit.” Bumangon si Javier mula sa pagkakahiga sa sopa at saktong tumama ang mata niya sa cabinet kung saan nakapatong ang invitation card na galing sa ina. Tumayo siya para lapitan ito at damputin nang may bigat ang mga kamay. Lumapit siya sa kalan para buhayin ito at silaban ang hawak na papel hanggang sa ito’y maging piraso bago niya itapon sa lababo at tuluyang maging abo.
Lumakad siya papasok ng kuwarto at nakita ang maleta niyang naglalaman ng mga damit at ilang gamit na maaga niyang inimpake para hindi gahol sa araw sana ng pag-alis niya. Nilapitan niya iyon at maingat na inalis ang ilang camera at mga lente nito para ibalik sa dating puwesto. Iyong damit niya ay hindi na niya pinagkaabalahang alisin dahil kaunti lang naman ang bitbit niya kung ikukumpara sa mga gamit na dala. Nang kuhanin ang portfolio, may isang maliit na litrato ang nalagag mula sa pagkakaipit nito. Dinampot niya ito sa sahig at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang makita si Anna.
“ Things didn’t go as planned. “ Buntong hiningang wika ni Javier bago naupo sa kama at titigan ang hawak niyang litrato na siya mismo ang kumuha. Tila may kung anong mahika ang nakapaloob dito at unti-unting nawawala iyong bigat sa loob niya. Kinuha niya ang cellphone, binabalak na tawagan ang dalaga nang mapansin na alas diyes y medya na nang gabi. Alam niyang maaga itong natutulog dahil sa trabaho nitong kinakailangan nang maagang gising kaya hindi na niya itinuloy.
Muling nahiga si Javier habang ang isang kamay na hawak ang litrato ni Anna ay nakataas upang titigan muli ang dalaga. Kailangan niyang may paglabasan ng sama ng loob at si Anna lamang ang nakikita niyang tao na makikinig sakaniya nang walang bahid ng panghuhusga. Pakiramdam nga niya ay si Anna lamang ang taong kakampi niya laban sa pamilyang walang bilib sa kakayahan niya. Hindi lamang ang kanyang ina ang tutol sa tinatahak niyang larangan, dahil pati ang ilan sa kaniyang mga tiyo at tiya ay nasa panig ng ina.
“ Kuya? “ Napabalikwas ng bangon si Javier dahil sa boses na narinig niya sa labas ng kuwarto. Binalot ng pagtataka ang mukha niya nang makita si Jessie na para bang namatayan kaya napalitan ng tawa ang mukha niya.
“ Bakit ba ganiyan hitsura mo? Para kang malungkot na chihuahua “ aniya saka umalis sa kama. “ Paano ka nakapasok? Wala ka namang susi nito, ah. “
“ Eh hindi na naman kasi naka-locked pinto mo. “ Nakangusong saad ni Jessie bago pumasok sa loob at inilibot ang tingin sa kuwarto ng kapatid. Nakita niya ang maleta na bukas at mga gamit sa camera nitong nakalagay na sa isang tabi. Binalik niya tingin kay Javier. “ Kuya, about kanina sa nangyari sa bahay, I’m really sorry. Kung alam ko lang na may ganoon, hindi na kita pinatuloy sa loob. Kinailangan mo pa tuloy marinig ulit iyong mga masasakit na salita galing kay Mama. “
“ Hindi ka na nasanay. “ sagot na lamang si Javier at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya na inalis sa maleta. “ Bakit nandito ka? Huwag mong sabihing hindi ka tumuloy sa gimik niyo para i-comfort ang Kuya mo? “
“ Of course not! M-Malapit lang kasi dito sa condo mo iyong bar na pupuntahan namin kaya naisipan kong dumaan lang saglit. Masama bang pumunta dito? Bawal ba? “ ani Jessie na umiwas ng tingin sa kapatid na may pang-aasar na tingin. Hindi siya sanay magpakita ng emosyong madalang niyang ilabas sa kapatid kaya idinadaan na lamang niya sa pagsusungit para maiwasan ang drama. Uupo sana siya sa kama nang makita ang litrato ni Anna. Kinuha niya iyon at binalik ang tingin kay Javier. “ Iyong lucky charm mo, oh. Baka mawala pa, sabihin mo kinuha ko. “
Huminto si Javier sa ginagawa para kuhanin ang litrato nang inilayo ni Jessie ang kamay. “Ano na naman bang trip mo, Jessie? ”
“ Kayo na ba? “
“ Hindi, “ sagot ni Javier at mabilis hinablot ang litrato na hawak ni Jessie.
“ Obvious naman na may gusto ka rin sa kaniya, ah? Bakit ‘di mo pa siya i-date? “ Natawa si Jessie nang maalala ang pangyayari noon na aksidente niyang narinig ang buong-pusong pagtatapat ni Anna sa nakatatandang kapatid. “ What if isama ko siya minsan gumimik? Tutal wala ka namang balls para i-pursue siya. Marami akong ipakikilala--”
“ Subukan mo nang pati ikaw itakwil ko. “ Pagputol ni Javier sa balak sabihin ni Jessie na nakuha naman ang hinihintay na reaksyon kaya nakangisi itong naupo sa kama at pinanood si Javier na maingat na binabalik sa portfolio ang litrato ni Anna.
“ Ang complicated na nga ng buhay, mas pinapa-komplika mo pa dahil sa mga choices mo. I mean, okay naman ang takbo ng career mo. So, feeling ko deserve mo sumaya kahit sa love life man lang, ‘di ba? “ tila suhestiyon ni Jessie.
“ Pero hindi deserve ni Anna madamay sa gulo ng takbo ng buhay ko, “ sagot ni Javier na nagpatikom sa bibig ni Jeesie. Hindi tuloy niya maiwasan ang muling malungkot at makaramdam ng awa para sa kapatid dahil tila lahat ng mga gusto nito ay may kailangang sakripisyo.
" Javianna, baby, dito ka lang sa malapit! Huwag kang lumayo at baka mawala ka! " may pag-aalalang sigaw ni Anna sa kaniyang apat na taong gulang na anak, na abala sa paglalaro ng buhangin kasama ang mga kaklase sa playground." But, Mom, kukuha lang po kami ng rocks doon po sa grass! " sagot ng bata, sabay turo sa isang bahagi ng playground kung saan may mga batong nakapalibot sa isang halaman." Naku, hindi puwede ata doon. Mapagalitan tayo at display yata yon sa halaman, " ani Anna saka naghanap ng bato sa paligid nya. " Ito na lang, oh. Ang daming rocks dito. Saan niyo ba gagamitin? "" That's so small, Mom. " Nakasimangot na hayag ng bata, saka naghanap ng ibang may kalakihang bato para ilagay sa mga dalang laruang sand bucket. Nagsimula ring maghanap ng bato ang tatlong batang kasama ni Javianna bago sila bumalik sa puwestong kung saan may binunuong sand castle.Ngumiti na lamang si Anna bago tumayo at bumalik sa bench kung saan sya nakaupo kanina. Pinanood nya ang anak na masay
CHAPTER 01 " Hello, Este! Kumusta kayo dyan ni Sir? " Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Anna habang kumakaway sa harap ng phone na hawak nya. Makikita sa screen ang mukha ni Estrella, malaki rin ang ngiti habang kumakaway pabalik sa kaniya. " Maayos naman kami dito, Anna. Kayo diyan, kumusta? " tanong pabalik ni Estrella, iginilid bahagya ang cellphone upang ipakita sa tabi niya si Sebastian na abala sa pagkain ng takoyaki. Saglit itong kumaway sa camera bago subuan si Estrella. " Wow, ang sweet naman noon, Sir! " Kinikilig na komento ni Anna na ipinatong ang cellphone sa isang container upang ito'y tumayo. Pinagpatuloy niya ang paghihiwa ng carrots para sa nilulutong sopas. " Pero maayos rin naman kami dito, Este. Wala si Manang Susan ngayon, halos kaaalis lang para mag grocery. Maulan ngayon dito kaya naisip naming magluto ng sopas." " Hala, sopas? Na-miss ko bigla yan, ah. May bagyo ba ngayon dyan? " tanong ni Estrella matapos nguyain ang pinakain sa kaniyang takoyaki. "
CHAPTER 02 “ Ano kayang balita sa naging lakad niya? “ Pabulong na tanong ni Anna sa sarili habang nag c-cellphone, abala sa panonood ng mga random clips sa Pipol’s nang maalala ang naging pag-uusap nila kaninang tanghali ni Javier. Hindi siya makapali at para bang hindi niya magagawang makatulog hanggat hindi niya nalalaman ang resulta ng gagawing pakikipag-ayos ni Javier sa ina nito. Bumangon si Anna mula sa pagkakadapa sa kaniyang kama para makapag-isip nang maayos dahil balak niyang i-message ang binata para kumustahin ito. Alas-nuebe na nang gabi, pero parang bente-kuwatro oras na simula nang umalis si Javier. “ Kumusta, Sir? Anong balita? “ sambit ni Anna habang tinitipa ang mensaheng ipapadala ngunit binura din niya nang makaramdam ng pag-aalinlangan. “ Baka naman isipin niya ang chismosa ko? Hindi ba puwedeng concern lang as a friend? “ “Sino kausap mo, Anna? “ Gulat na napalingon si Anna sa pinto nang marinig ang boses ng mayordoma. Nakasilip ito sa maliit na awang ng pi
CHAPTER 01 " Hello, Este! Kumusta kayo dyan ni Sir? " Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Anna habang kumakaway sa harap ng phone na hawak nya. Makikita sa screen ang mukha ni Estrella, malaki rin ang ngiti habang kumakaway pabalik sa kaniya. " Maayos naman kami dito, Anna. Kayo diyan, kumusta? " tanong pabalik ni Estrella, iginilid bahagya ang cellphone upang ipakita sa tabi niya si Sebastian na abala sa pagkain ng takoyaki. Saglit itong kumaway sa camera bago subuan si Estrella. " Wow, ang sweet naman noon, Sir! " Kinikilig na komento ni Anna na ipinatong ang cellphone sa isang container upang ito'y tumayo. Pinagpatuloy niya ang paghihiwa ng carrots para sa nilulutong sopas. " Pero maayos rin naman kami dito, Este. Wala si Manang Susan ngayon, halos kaaalis lang para mag grocery. Maulan ngayon dito kaya naisip naming magluto ng sopas." " Hala, sopas? Na-miss ko bigla yan, ah. May bagyo ba ngayon dyan? " tanong ni Estrella matapos nguyain ang pinakain sa kaniyang takoyaki. "
" Javianna, baby, dito ka lang sa malapit! Huwag kang lumayo at baka mawala ka! " may pag-aalalang sigaw ni Anna sa kaniyang apat na taong gulang na anak, na abala sa paglalaro ng buhangin kasama ang mga kaklase sa playground." But, Mom, kukuha lang po kami ng rocks doon po sa grass! " sagot ng bata, sabay turo sa isang bahagi ng playground kung saan may mga batong nakapalibot sa isang halaman." Naku, hindi puwede ata doon. Mapagalitan tayo at display yata yon sa halaman, " ani Anna saka naghanap ng bato sa paligid nya. " Ito na lang, oh. Ang daming rocks dito. Saan niyo ba gagamitin? "" That's so small, Mom. " Nakasimangot na hayag ng bata, saka naghanap ng ibang may kalakihang bato para ilagay sa mga dalang laruang sand bucket. Nagsimula ring maghanap ng bato ang tatlong batang kasama ni Javianna bago sila bumalik sa puwestong kung saan may binunuong sand castle.Ngumiti na lamang si Anna bago tumayo at bumalik sa bench kung saan sya nakaupo kanina. Pinanood nya ang anak na masay