MGA MUMSH ISANG UPDATE LANG MUNA TAYO TODAY DAHIL SOBRANG BUSY KO NGAYONG ARAW. BAWI AKO BUKAS! THANK YOU! SIOBELICIOUS ❤️
MELCU CHUCK... 4 YEARS LATER... Ginawa n'ya ang lahat para hanapin si Courtney ngunit walang nangyari. Hindi n'ya natagpuan ang asawa kahit hinalughog n'ya na ang buong Pilipinas. Hindi din nagpabaya ang kan'yang mga pinsan at patuloy din ang mga ito sa pagtulong sa kan'ya sa paghahanap sa asawa. Marami ang nagsasabi sa kan'ya na baka wala na talaga si Courtney dahil kung buhay pa ito ay impossibly na hindi n'ya ito makita. Sa lawak ng connections ng kan'yang pamilya at ng mga pinsan na nasa posisyon ay hindi pwedeng wala silang makuhang lead kahit maliit lang kung buhay pa ito. At sa tagal ng paghahanap n'ya ay parang gusto n'ya na lang tanggapin sa kan'ya na sarili na wala na nga talaga ito ngunit may bahagi pa rin ng kan'yang puso na naniniwala pa rin na buhay pa si Annika. It's been four fvcking years na walang balita sa kan'yang paghahanap kaya nagpasya na s'yang ituon na lang ang kan'yang oras sa kan'yang mga negosyo na napabayaan n'ya ng ilang taon dahil sa paghahanap sa
MELCU CHUCK... Maaga pa lang ay nasa airport na s'ya at naghihintay na lang ng oras ng kan'yang flight. May layover s'ya sa London ng ilang oras bago lumipad ulit. Habang nakaupo ay nag-iisip na s'ya ng kan'yang mga gagawin sa Pilipinas. Panigurado s'yang tambak ang kan'yang mga trabaho dahil sa matagal na hindi nagagawi sa kan'yang kompanya. Mabuti na lang at maaasahan at mapagkakatiwalaan ang kan'yang mga pinsan na s'yang pinag-iwanan n'ya ng kan'yang mga negosyo pati na ang kompanya ng asawa. Malaki ang utang na loob n'ya sa kan'yang mga pinsan sa lahat ng mga tulong na ginawa para sa kan'ya. Kailangan n'yang bumawi sa mga ito dahil sa kagaspangan ng kan'yang ugali na ipinakita noong mga panahon a lugmok s'ya. Na imbes na magpasalamat sa mga ito ay kabaliktaran ang kan'yang ginawa. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa ng mga pinsan sa kan'ya, na imbes na talikuran s'ya ay mas nagpursigi pa ang mga ito na gawin ang lahat para tulongan s'ya. Natigil lamang s'ya sa kan'yang
MELCU CHUCK... "Where is your parents?" hindi napigilan na tanong n'ya sa bata ng makabawi sa pagkagulat. "They're just around! Probably looking for me," balewalang sagot nito habang ang mga mata ay naka focus sa pinapanuod. "What?" gulat na tanong n'ya rito sabay sapo ng kan'yang noo. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at nakita n'ya na abala ang mga naroon sa kan'ya-kan'yang business. At mukhang wala sa mga pasahero na naroon ang magulang ng bata na nakakandong sa kan'ya. "Hey princess, where exactly your parents at? Can you remember?" pagbabasakaling tanong n'ya sa bata dahil balak n'ya na ihatid na lang ito sa kung nasaan ang mga magulang nito. "No, no recuerdo nada," sagot nito ngunit nasa screen pa rin ng kan'yang laptop ang mga mata. Nakaramdam s'ya ng pagkabahala na baka hinahanap na ito ng mga magulang kaya nagpasya s'yang dalhin ito sa customer service ng airport para mahanap ang mga magulang nito. "I think that's enough princess. I need to bring you outside so that you
MELCU CHUCK... Hanggang sa makalapag ang eroplano na sinakyan n'ya sa airport ng Pilipinas ay hindi pa rin mawala-wala sa kan'yang isip ang bata na nameet n'ya sa London at ang ama nito na si Carter Zobel. Hindi n'ya alam kung ano ang mayroon sa mag-ama na hindi mawala sa isip n'ya ang mga ito. May bahagi ng kan'yang puso na gusto n'yang makita ulit ang bata. "Pia Corinne! What a beautiful name," wala sa sarili na bigkas n'ya sa pangalan ng bata. Nagbuga s'ya ng hangin at ipinilig ang ulo. Inayos n'ya muna ang kan'yang sarili bago tumayo at kinuha ang kan'yang luggage. Sumunod s'ya sa ibang mga pasahero na bumaba habang hila-hila ang kan'yang hand carry luggage. Deritso lang s'ya sa paglakad ngunit nagulat s'ya ng biglang may nagsigawan sa di kalayuan. "Welcome home motherfvcker!" malakas na sigaw ng maraming boses. Nang hanapin n'ya ang pinanggalingan ng mga boses ay nakita n'ya ang kan'yang mga pinsan na may hawak na tarpaulin kung saan ay may larawan n'ya na naka swimming trun
MELCU CHUCK... Kinabukasan ay agad s'yang nagtrabaho. Inuna n'yang puntahan ang kompanya ni Courtney dahil may isang mahalagang meeting daw ang mangyayari ngayong araw. Kaya nagpasya s'yang unahin muna ang kompanya ng asawa dahil wala pa namang gaanong gagawin sa kan'yang kompanya. Naayos na lahat ni Brook at kaunting mga papeles na lang ang kailangan n'yang pirmahan. Nagmaneho s'ya patungo sa kompanya ng asawa. Na miss n'ya ang kan'yang trabaho at pati na si Courtney. Palagi n'ya pa ring nakikita sa kahit saang sulok ng kan'yang bahay ang magandang mukha ng babae. Nakaramdam s'ya ng sakit sa tuwing naiisip ito ngunit mas pinili n'yang maging masaya sa mga alaala ni Courtney dahil alam n'ya na ito ang gusto ng kan'yang asawa. Si Courtney ang laman ng kan'yang isip sa buong byahe at hindi n'ya man lang namalayan na nakarating na pala s'ya sa kompanya ng asawa. Agad s'yang bumaba ng sasakyan ng makaparada at pumasok sa loob. Nakita n'ya ang pagkagulat sa mga mata ng empleyado ng a
MELCU CHUCK... "Me amego! You are here," masayang sabi ni Pia sabay akyat sa kan'yang mga hita at naupo sa kan'yang kandungan ngunit bago ito tuloyan na nagpakandong sa kan'ya ay inabot muna nito ang kan'yang leeg at hinatak sabay halik sa kan'yang pisngi na ikinasikdo ng kan'yang puso at ikinalabog ng sobrang lakas. "Pia, come here! Don't disturb Mr. Carson, princess," nahimasmasan lamang s'ya ng marinig ang boses ni Zobel. Papalapit ito sa kanila ni Pia para kunin ang bata ngunit ng makita ito ni Pia ay mabilis itong yumakap sa kan'ya at isinubsob ang mukha sa kan'yang dibdib. He can't explain what he feels at the moment Pia hug him tightly at parang ayaw nitong umalis sa kan'yang kandungan. "Jesus Christ! Pia Corinne!" may banta sa boses ni Zobel ngunit umiling lang ang bata habang nakasubsob pa rin ang mukha sa kan'yang dibdib. "Mana ka talaga sa katigasan ng nanay mo, Pia. Mahilig dumikit sa maling tao," dagdag pa ni Zobel na ikinasalubong ng kan'yang kilay ng marinig ang si
MELCU CHUCK... "Mr. Carter Zobel owns the five percent of the company's stocks —," "I want to make it fifteen, I'm going to buy the ten percent that an old man owns. What do you think Mr. Carson?" sabat ni Zobel sa pagsasalita ni Brook at hinarap s'ya pagkatapos at parang sa kan'ya nagpapaalam. "No one dares to cut me off when I'm talking, Mr. Zobel!" matigas na sabi ni Brook kay Carter ngunit nginisihan lamang ito ng huli. "It's an honor for me then," nang-uuyam na sabi ni Carter kay Brook na ikinaigting ng bagang ng kan'yang pinsan. "No! The ten percent of Mr. Delos Reyes will go to—," "Can I have the ten percent amego? I want to have a shares too," sabat ni Pia sa usapan nila. May hindi makapaniwalang tingin na sinilip n'ya ang batang babae at naabutan n'yang nakatingala ito sa kan'ya habang puno ng kislap ang mga mata. "How did you know about the share thing princess?" tanong n'ya kay Pia. "Of course she's my daughter and she knows everything at her age," sabat naman ni Ca
MELCU CHUCK... Mahigit isang buwan ng hindi n'ya nakikita si Carter pati na si Pia at sa loob ng mga panahong iyon ay aaminin n'ya na namiss n'ya ang bata. Pagkatapos ng huling pagkikita nila ni Zobel noong ka meeting n'ya ito at nalaman n'ya na isa din pala ito sa mga investors ng kompanya ni Courtney ay wala na s'yang narinig sa lalaki. Nahihiya din s'yang magtanong sa kan'yang pinsan para alamin ang bahay nito dahil baka kung ano ang iisipin ng mga pinsan n'ya. Baka sabihin pa ng mga ito na nababakla na s'ya at may gusto s'ya kay Zobel. Ang totoo n'yan ay hindi naman si Zobel ang gusto n'yang makita kundi si Pia. Ang bata lang ang gusto n'yang makita at wala ng iba. Nasa restaurant s'ya ng mga oras na iyon dahil kulang s'ya ng mga staff dahil tatlo sa mga taohan n'ya ang nagkasakit kaya s'ya na muna ang nag presenta na tumulong sa pagseserve sa mga customer. Minsan ay nasa kitchen din s'ya at s'ya mismo ang nagluluto ng mga order. Simula ng mawala si Courtney ay hindi n'ya n