MELCU CHUCK... Kanina pa s'ya bagot na bagot habang nasa meeting. Gusto n'ya ng matapos ang kanilang pag-uusap dahil gusto n'ya ng bumalik sa kompanya ni Courtney para makita ang asawa. He is proud to say that he is head over heels sa kan'yang asawa. Na saglit lang na hindi n'ya ito makita ay hindi na s'ya agad mapakali. "Chuck what's wrong? Para kang bulate na pinaliguan ng suka!" singhal sa kan'ya ni Brook. Nasa meeting sila at kasama n'ya ang mga pinsan. May pinaplano silang itatayo na negosyo at lahat sila ay magka sosyo. "Fvck you!" inis na mura n'ya kay Brook na ikinatawa ng iba. "Aba! Brook, lumalaban na si Chuckadoll!" kantyaw ni Adrian na nakatanggap ng isang matalim na tingin mula sa kan'ya. "Hindi ko kayo pauutangin ng pagkain sa restaurant ko!" banta n'ya sa mga ito ngunit nagsipag tawanan lamang ang kan'yang mga pinsan. Gusto n'ya ng tawagan si Courtney dahil miss na miss n'ya na ang boses ng asawa. Pagkatapos ng meeting nilang magkakaibigan ay may isang meeting p
MELCU CHUCK... He rushed to get home para makita ang asawa. At habang nasa daan ay hindi n'ya alam kung ano ang kan'yang mararamdaman. Nanginginig s'ya habang igting ang kan'yang mga panga. S'ya ang may kasalanan nito! Kung hindi n'ya sana hinayaan na magmaneho at umuwi ng mag-isa si Courtney ay hindi ito mangyayari. Kung may nangyaring masama sa asawa n'ya iyon ay dahil sa kan'yang kapabayaan. Mabilis ang kan'yang pagpapatakbo ng sasakyan para makarating agad sa lugar na sinasabi ni Briggs. At wala pang kalahating oras ay narating n'ya na ang paakyat na bahagi ng daan. Malayo pa lang s'ya ay nakikita n'ya na ang maliwanag na ilaw ng mga pulis at rescue na s'yang rumesponde sa aksidente. May dalawang truck din s'yang nakita na nakatagilid sa gilid ng daan at sumalpok ang ulo nito sa mga poste ng kuryente sa gilid at ang isa naman ay nasa bandang bangin ang kalahating katawan nito at ang kan'yang hinala ay ito ang nakabangga sa kotse ni Courtney. Mas lalo n'ya pang inapakan ang ga
MELCU CHUCK... Wala s'yang tulog at wala ding maayos na kain ng ilang linggo na dahil sa paghahanap sa asawa. Ilang linggo na rin na s'yang pabalik-balik sa lugar kung saan nahulog ang sasakyan nito at kahit sa mga karatig lugar ay naghanap na din s'ya ngunit walang kahit na maliit na palatandaan na naroon si Courtney. Halos mabaliw-baliw na din s'ya sa paghahanap dito at hindi s'ya tumigil sa kan'yang ginagawa. Kahit masama ang panahon ay tuloy-tuloy pa rin s'ya. Katulad na lang ngayon na masama ang panahon ngunit nasa baba s'ya ng bangin at hindi alintana ang lamig ng hangin at tubig ulan. Mas mahalaga sa kan'ya ang makita si Courtney. Lahat ng mga malalaking bato at kasukalan sa baba ng bangin ay inisa-isa n'ya, sa pagbabasakali na makikita n'ya si Courtney ngunit bigo s'ya. Bigo s'ya na mahanap ang kan'yang asawa. "What the fvck are you doing, Chuck? Gusto mo na lang ba na matuloyan? Uso din ang pahinga bro," singhal sa kan'ya ni Briggs ng umakyat s'ya sa taas pagkatapos ng il
MELCU CHUCK... THREE MONTHS LATER... "How are you, motherfvcker?" nagulat s'ya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kan'yang mga pinsan. Halos araw-araw s'yang binibisita ng mga ito sa hospital ngunit madalas ay nagugulat pa rin s'ya kapag nagsabay-sabay ang mga ito. He was admitted in the hospital matapos ang nangyari sa kan'ya sa bahay nila ni Courtney. Bumigay ang kan'yang katawan dahil sa sobrang stress, pagod at sobra-sobrang pag-iisip. Bumagsak ang kan'yang immune system na s'yang naging dahilan ng paglabasan ng kan'yang ibang sakit sa katawan. He can't walk for three months and he undergoes some operation on his veins and nerves sa katawan lalo na sa paa. Mabuti na lang at magaling ang kan'yang mga pinsan na doctor na s'yang tumitingin sa kan'ya. Sa tulong ng therapy ay naibalik ang kan'yang lakas at nakakalakad na s'ya ulit ngunit hindi pa s'ya pinayagan na makalabas ng hospital hangga't hindi masiguro ng mga ito na maayos na ang kan'yang kalagayan at clear na ang
MELCU CHUCK...Pagkalipas ng isang linggo matapos n'yang makausap ang mga pinsan ay tuloyan na s'yang na discharge sa hospital. Maayos na din ang kan'yang pakiramdam at kaya n'ya ng bumiyahe kahit malayo pa ito.Nakaalalay din ang kan'yang ina at ama sa kan'ya sa lahat ng oras ngunit ipinaalam n'ya sa mga ito na hindi na s'ya iisipin pa dahil magaling na s'ya.Nang makalabas sa hospital ay agad n'yang pinlano ang kan'yang gagawing paghahanap kay Courtney. Babalik s'ya sa paghahanap sa asawa at sa pagkakataong ito ay kailangan na may mangyari na sa paghahanap n'ya rito.Hindi na muna s'ya umuwi sa bahay nila sa taas ng burol dahil naaalala n'ya lang si Courtney sa bahay na iyon at bumabalik lang ang sakit sa kan'yang puso kapag naalala n'ya si Courtney. Kailangan n'yang mag focus sa kan'yang paghahanap dito sa pagkakataong ito.Gumawa s'ya ng sariling imbestigasyon at sinimulan n'ya ito sa pagpunta sa dating bahay ni Courtney. Kailangan n'yang makahanap ng mga ebedensya na makatukong s
MELCU CHUCK... Para s'yang lutang ng nagmaneho patungo sa kanilang hideout ng mga pinsan. Hindi n'ya alam kung bakit doon s'ya dinala ng kan'yang pagmamaneho. Bumaba s'ya ng sasakyan ng makarating at pumasok sa loob. Pabagsak s'yang naupo sa sofa habang igting ang mga panga at kuyom ang mga kamao. Bahagya n'yang nilingon ang isang envelope na bitbit n'ya mula sa bahay ni Courtney kung saan ay nakalagay ang lahat ng mga kakailanganin n'ya sa paghahanap dito. Kahit masakit sa kan'ya ang natuklasan ay kailangan n'ya pa ring makita ang asawa para maitanong dito kung bakit nagawa s'ya nitong lokohin. Hindi n'ya lubos maisip na magagawa ito ni Courtney sa kan'ya. Ngunit kahit ganon ang kan'yang natuklasan ay may bahagi pa rin naman ng kan'yang puso na hindi naniniwala na magagawa iyon ng asawa sa kan'ya. Tumayo s'ya at tinungo ang bar counter. Kumuha s'ya ng isang bote ng whisky at binuksan iyon. Hindi na s'ya nag-abala pang magsalin sa baso. Agad n'yang tinungga ang naturang inum
MELCU CHUCK... 4 YEARS LATER... Ginawa n'ya ang lahat para hanapin si Courtney ngunit walang nangyari. Hindi n'ya natagpuan ang asawa kahit hinalughog n'ya na ang buong Pilipinas. Hindi din nagpabaya ang kan'yang mga pinsan at patuloy din ang mga ito sa pagtulong sa kan'ya sa paghahanap sa asawa. Marami ang nagsasabi sa kan'ya na baka wala na talaga si Courtney dahil kung buhay pa ito ay impossibly na hindi n'ya ito makita. Sa lawak ng connections ng kan'yang pamilya at ng mga pinsan na nasa posisyon ay hindi pwedeng wala silang makuhang lead kahit maliit lang kung buhay pa ito. At sa tagal ng paghahanap n'ya ay parang gusto n'ya na lang tanggapin sa kan'ya na sarili na wala na nga talaga ito ngunit may bahagi pa rin ng kan'yang puso na naniniwala pa rin na buhay pa si Annika. It's been four fvcking years na walang balita sa kan'yang paghahanap kaya nagpasya na s'yang ituon na lang ang kan'yang oras sa kan'yang mga negosyo na napabayaan n'ya ng ilang taon dahil sa paghahanap sa
MELCU CHUCK... Maaga pa lang ay nasa airport na s'ya at naghihintay na lang ng oras ng kan'yang flight. May layover s'ya sa London ng ilang oras bago lumipad ulit. Habang nakaupo ay nag-iisip na s'ya ng kan'yang mga gagawin sa Pilipinas. Panigurado s'yang tambak ang kan'yang mga trabaho dahil sa matagal na hindi nagagawi sa kan'yang kompanya. Mabuti na lang at maaasahan at mapagkakatiwalaan ang kan'yang mga pinsan na s'yang pinag-iwanan n'ya ng kan'yang mga negosyo pati na ang kompanya ng asawa. Malaki ang utang na loob n'ya sa kan'yang mga pinsan sa lahat ng mga tulong na ginawa para sa kan'ya. Kailangan n'yang bumawi sa mga ito dahil sa kagaspangan ng kan'yang ugali na ipinakita noong mga panahon a lugmok s'ya. Na imbes na magpasalamat sa mga ito ay kabaliktaran ang kan'yang ginawa. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa ng mga pinsan sa kan'ya, na imbes na talikuran s'ya ay mas nagpursigi pa ang mga ito na gawin ang lahat para tulongan s'ya. Natigil lamang s'ya sa kan'yang