MELCU CHUCK... THREE MONTHS LATER... "How are you, motherfvcker?" nagulat s'ya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kan'yang mga pinsan. Halos araw-araw s'yang binibisita ng mga ito sa hospital ngunit madalas ay nagugulat pa rin s'ya kapag nagsabay-sabay ang mga ito. He was admitted in the hospital matapos ang nangyari sa kan'ya sa bahay nila ni Courtney. Bumigay ang kan'yang katawan dahil sa sobrang stress, pagod at sobra-sobrang pag-iisip. Bumagsak ang kan'yang immune system na s'yang naging dahilan ng paglabasan ng kan'yang ibang sakit sa katawan. He can't walk for three months and he undergoes some operation on his veins and nerves sa katawan lalo na sa paa. Mabuti na lang at magaling ang kan'yang mga pinsan na doctor na s'yang tumitingin sa kan'ya. Sa tulong ng therapy ay naibalik ang kan'yang lakas at nakakalakad na s'ya ulit ngunit hindi pa s'ya pinayagan na makalabas ng hospital hangga't hindi masiguro ng mga ito na maayos na ang kan'yang kalagayan at clear na ang
MELCU CHUCK...Pagkalipas ng isang linggo matapos n'yang makausap ang mga pinsan ay tuloyan na s'yang na discharge sa hospital. Maayos na din ang kan'yang pakiramdam at kaya n'ya ng bumiyahe kahit malayo pa ito.Nakaalalay din ang kan'yang ina at ama sa kan'ya sa lahat ng oras ngunit ipinaalam n'ya sa mga ito na hindi na s'ya iisipin pa dahil magaling na s'ya.Nang makalabas sa hospital ay agad n'yang pinlano ang kan'yang gagawing paghahanap kay Courtney. Babalik s'ya sa paghahanap sa asawa at sa pagkakataong ito ay kailangan na may mangyari na sa paghahanap n'ya rito.Hindi na muna s'ya umuwi sa bahay nila sa taas ng burol dahil naaalala n'ya lang si Courtney sa bahay na iyon at bumabalik lang ang sakit sa kan'yang puso kapag naalala n'ya si Courtney. Kailangan n'yang mag focus sa kan'yang paghahanap dito sa pagkakataong ito.Gumawa s'ya ng sariling imbestigasyon at sinimulan n'ya ito sa pagpunta sa dating bahay ni Courtney. Kailangan n'yang makahanap ng mga ebedensya na makatukong s
MELCU CHUCK... Para s'yang lutang ng nagmaneho patungo sa kanilang hideout ng mga pinsan. Hindi n'ya alam kung bakit doon s'ya dinala ng kan'yang pagmamaneho. Bumaba s'ya ng sasakyan ng makarating at pumasok sa loob. Pabagsak s'yang naupo sa sofa habang igting ang mga panga at kuyom ang mga kamao. Bahagya n'yang nilingon ang isang envelope na bitbit n'ya mula sa bahay ni Courtney kung saan ay nakalagay ang lahat ng mga kakailanganin n'ya sa paghahanap dito. Kahit masakit sa kan'ya ang natuklasan ay kailangan n'ya pa ring makita ang asawa para maitanong dito kung bakit nagawa s'ya nitong lokohin. Hindi n'ya lubos maisip na magagawa ito ni Courtney sa kan'ya. Ngunit kahit ganon ang kan'yang natuklasan ay may bahagi pa rin naman ng kan'yang puso na hindi naniniwala na magagawa iyon ng asawa sa kan'ya. Tumayo s'ya at tinungo ang bar counter. Kumuha s'ya ng isang bote ng whisky at binuksan iyon. Hindi na s'ya nag-abala pang magsalin sa baso. Agad n'yang tinungga ang naturang inum
MELCU CHUCK... 4 YEARS LATER... Ginawa n'ya ang lahat para hanapin si Courtney ngunit walang nangyari. Hindi n'ya natagpuan ang asawa kahit hinalughog n'ya na ang buong Pilipinas. Hindi din nagpabaya ang kan'yang mga pinsan at patuloy din ang mga ito sa pagtulong sa kan'ya sa paghahanap sa asawa. Marami ang nagsasabi sa kan'ya na baka wala na talaga si Courtney dahil kung buhay pa ito ay impossibly na hindi n'ya ito makita. Sa lawak ng connections ng kan'yang pamilya at ng mga pinsan na nasa posisyon ay hindi pwedeng wala silang makuhang lead kahit maliit lang kung buhay pa ito. At sa tagal ng paghahanap n'ya ay parang gusto n'ya na lang tanggapin sa kan'ya na sarili na wala na nga talaga ito ngunit may bahagi pa rin ng kan'yang puso na naniniwala pa rin na buhay pa si Annika. It's been four fvcking years na walang balita sa kan'yang paghahanap kaya nagpasya na s'yang ituon na lang ang kan'yang oras sa kan'yang mga negosyo na napabayaan n'ya ng ilang taon dahil sa paghahanap sa
MELCU CHUCK... Maaga pa lang ay nasa airport na s'ya at naghihintay na lang ng oras ng kan'yang flight. May layover s'ya sa London ng ilang oras bago lumipad ulit. Habang nakaupo ay nag-iisip na s'ya ng kan'yang mga gagawin sa Pilipinas. Panigurado s'yang tambak ang kan'yang mga trabaho dahil sa matagal na hindi nagagawi sa kan'yang kompanya. Mabuti na lang at maaasahan at mapagkakatiwalaan ang kan'yang mga pinsan na s'yang pinag-iwanan n'ya ng kan'yang mga negosyo pati na ang kompanya ng asawa. Malaki ang utang na loob n'ya sa kan'yang mga pinsan sa lahat ng mga tulong na ginawa para sa kan'ya. Kailangan n'yang bumawi sa mga ito dahil sa kagaspangan ng kan'yang ugali na ipinakita noong mga panahon a lugmok s'ya. Na imbes na magpasalamat sa mga ito ay kabaliktaran ang kan'yang ginawa. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa ng mga pinsan sa kan'ya, na imbes na talikuran s'ya ay mas nagpursigi pa ang mga ito na gawin ang lahat para tulongan s'ya. Natigil lamang s'ya sa kan'yang
MELCU CHUCK... "Where is your parents?" hindi napigilan na tanong n'ya sa bata ng makabawi sa pagkagulat. "They're just around! Probably looking for me," balewalang sagot nito habang ang mga mata ay naka focus sa pinapanuod. "What?" gulat na tanong n'ya rito sabay sapo ng kan'yang noo. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at nakita n'ya na abala ang mga naroon sa kan'ya-kan'yang business. At mukhang wala sa mga pasahero na naroon ang magulang ng bata na nakakandong sa kan'ya. "Hey princess, where exactly your parents at? Can you remember?" pagbabasakaling tanong n'ya sa bata dahil balak n'ya na ihatid na lang ito sa kung nasaan ang mga magulang nito. "No, no recuerdo nada," sagot nito ngunit nasa screen pa rin ng kan'yang laptop ang mga mata. Nakaramdam s'ya ng pagkabahala na baka hinahanap na ito ng mga magulang kaya nagpasya s'yang dalhin ito sa customer service ng airport para mahanap ang mga magulang nito. "I think that's enough princess. I need to bring you outside so that you
MELCU CHUCK... Hanggang sa makalapag ang eroplano na sinakyan n'ya sa airport ng Pilipinas ay hindi pa rin mawala-wala sa kan'yang isip ang bata na nameet n'ya sa London at ang ama nito na si Carter Zobel. Hindi n'ya alam kung ano ang mayroon sa mag-ama na hindi mawala sa isip n'ya ang mga ito. May bahagi ng kan'yang puso na gusto n'yang makita ulit ang bata. "Pia Corinne! What a beautiful name," wala sa sarili na bigkas n'ya sa pangalan ng bata. Nagbuga s'ya ng hangin at ipinilig ang ulo. Inayos n'ya muna ang kan'yang sarili bago tumayo at kinuha ang kan'yang luggage. Sumunod s'ya sa ibang mga pasahero na bumaba habang hila-hila ang kan'yang hand carry luggage. Deritso lang s'ya sa paglakad ngunit nagulat s'ya ng biglang may nagsigawan sa di kalayuan. "Welcome home motherfvcker!" malakas na sigaw ng maraming boses. Nang hanapin n'ya ang pinanggalingan ng mga boses ay nakita n'ya ang kan'yang mga pinsan na may hawak na tarpaulin kung saan ay may larawan n'ya na naka swimming trun
MELCU CHUCK... Kinabukasan ay agad s'yang nagtrabaho. Inuna n'yang puntahan ang kompanya ni Courtney dahil may isang mahalagang meeting daw ang mangyayari ngayong araw. Kaya nagpasya s'yang unahin muna ang kompanya ng asawa dahil wala pa namang gaanong gagawin sa kan'yang kompanya. Naayos na lahat ni Brook at kaunting mga papeles na lang ang kailangan n'yang pirmahan. Nagmaneho s'ya patungo sa kompanya ng asawa. Na miss n'ya ang kan'yang trabaho at pati na si Courtney. Palagi n'ya pa ring nakikita sa kahit saang sulok ng kan'yang bahay ang magandang mukha ng babae. Nakaramdam s'ya ng sakit sa tuwing naiisip ito ngunit mas pinili n'yang maging masaya sa mga alaala ni Courtney dahil alam n'ya na ito ang gusto ng kan'yang asawa. Si Courtney ang laman ng kan'yang isip sa buong byahe at hindi n'ya man lang namalayan na nakarating na pala s'ya sa kompanya ng asawa. Agad s'yang bumaba ng sasakyan ng makaparada at pumasok sa loob. Nakita n'ya ang pagkagulat sa mga mata ng empleyado ng a