CHARLES MALCOLM... Pareho silang pawisan at habol-habol ang hininga ng bumagsak s'ya sa ibabaw ng katawan ni Dee. Pinahupa n'ya muna ang kan'yang paghahabol ng hininga bago umalis sa ibabaw ng katawan ni Dee at umayos ng higa sa tabi nito. Agad n'ya ding hinatak ang dalaga at pinaunan sa kan'yang braso. Humarap naman ito sa kan'ya at ipinalibot ang braso sa kan'yang katawan. Ginawaran n'ya ito ng isang masuyong halik sa noo at inulit-inulit n'ya iyon ng ilang beses. Walang nagsalita sa kanilang dalawa ngunit nagkakaintindihan ang kanilang mga katawan na dalawa. He moved his body to face Dee at ipinalibot ang kan'yang braso sa maliit na bewang nito. "How are you feeling? Masakit pa rin ba?" masuyo at may pag-aalala sa boses na tanong n'ya rito. "Mahapdi ngunit masarap!" mabilis na tugon nito sa kan'ya na mahina n'yang ikinatawa. Malambing na kinagat n'ya ang tungki ng ilong nito at mas idinikit pa ang dalaga sa kan'yang katawan. "I'm happy! Masaya ako sa nangyari sa atin ngayon a
CHARLES MALCOLM... "Charles Malcolm Donnovan-Carson! Nakikinig ka ba sa akin na bata ka?" nahimasmasan lang s'ya ng marinig ang pagbunganga ng kan'yang abuela. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Lola! I'm sorry, kagigising ko lang kasi," pagsisinungaling n'ya rito. "What? Liar! I know you don't sleep until this hour, Charles. Huwag mong bilugin ang ulo ko na bata ka dahil kilala kita mula sa ugat ng buhok mo hanggang sa dulo ng bolbol mo!" galit na singhal nito sa kan'ya. Napakamot s'ya sa kan'yang kilay dahil dinaig pa ng kan'yang lola ang isang detective na lahat ay alam nito pati na ang pagsisinungaling n'ya rito. "Lola naman eh! Hindi ba pwede na pagod lang ako dahil tinulongan namin si Briggs na hanapin ang asawa n'ya," dagdag na pagsisinungaling n'ya sa abuela. "Still a lie! Pero palalampasin ko yan ngayon Charles dahil magkikita naman tayo sa susunod na araw. Be ready my dear grandson, hmmm! Adios!" hindi naniniwala na sagot nito sa kan'ya at a
CHARLES MALCOLM... Inalagaan n'ya ng maayos si Dee habang masakit ang buong katawan nito kasama na ang pagkababae na nagkaroon ng laceration. Sa mga hindi nakakaalam ay isa s'yang doctor sa military kaya marunong s'yang gumamot ng mga may sakit. At s'ya ang personal na tumingin kay Dee lalo na sa pagkababae nito na sobrang pula at may leceration kaya masakit at mahapdi. Silang mga Carson ay hindi normal ang mga size nila kaya panigurado na ang lahat ng mga babae na dumaan sa mga buhay nila ay nagkakaganito pagkatapos nilang pasarapan. Sa bahay n'ya rin natulog ng gabing iyon si Dee ngunit kinabukasan paggising n'ya ay dismayado s'ya ng hindi n'ya na ito nakita. Umalis ito at iniwan s'ya ng hindi nagpapaalam o hindi man lang s'ya ginising. At sobrang himbing din yata ng kan'yang tulog na hindi n'ya man lang naramdaman na wala na pala ang babae. Kaya hindi n'ya alam kung anong oras ito umalis ng bahay. Nakaramdam s'ya ng pagkahungkag ng malaman na wala na ito. Akala n'ya pa naman
CHARLES MALCOLM... Pakiramdam n'ya ay pinaglalaruan sila ng kumuha kay Tanya dahil pagkatapos silang tawagan ay hindi pa rin nila ito mahagilap kung saan. Ngayon lang nila naramdaman na tatlo ni Henry at Briggs na parang mga wala silang silbi dahil ang asawa pa mismo ng kan'yang pinsan ang hindi nila mahanap-hanap samantala ang ibang tao na pinapahanap sa kanila ay madali lang naman nila makita. Mukhang matagal ng pinagplanohan ang pagkuha sa asawa ni Briggs at ang kan'yang hinala ay isang magaling at professional na kidnaper ang nasa likod ng lahat. Ang ipinagtataka n'ya lang ay kung bakit hindi pa ito tumawag kay Briggs para manghingi ng ransom money kung ang pakay nito ay pera. Ang ibig sabihin na may ibang pakay ang taong ito at hindi ito interesado sa pera ni Briggs. At biglang pumasok sa isip n'ya ang mga taong pinakulong nila dahil sa ginawa ng mga ito kay Tanya at sa pamilya nito. Baka ang pamilya ng mga taong pinakulong nila ang may gawa at ang pakay ay paghihiganti at h
CHARLES MALCOLM..."Handsome! Hey! Are you ok? Galit ka ba na basta na lang ako pumasok sa bahay mo?" nahimasmasan lang s'ya ng marinig ang boses ni Dee na nagsalita.Hindi s'ya galit kundi nagulat na makita n'ya ito sa loob ng kan'yang bahay."Paano ka nakapasok dito?" hindi nakatiis na tanong n'ya rito."You left your door open. Akala ko nga nandito ka sa loob kaya pumasok na ako dahil ilang beses akong nag door bell pero walang sumasagot. I'm sorry, hindi ko dapat ginawa to at hindi ako dapat basta-basta na pumasok dito na walang tao," paghingi nito ng paumanhin.Nagsalubong ang kan'yang kilay ng marinig ang sinabi nito. Alam n'ya na naka lock ang bahay n'ya kanina ng umalis s'ya at hindi s'ya pwedeng magkamali.At kahit pa makalimutan n'ya na bukas ang pinto ay magkukusang magsarado ito at mag lock. May sariling security system ang kan'yang bahay kaya malabo ang sinasabi ni Dee na bukas ang kan'yang bahay.At isa pa ay mag-aalarm ang kan'yang cellphone kapag naiwan na bukas ang k
CHARLES MALCOLM... Umuklo s'ya para tingnan ang bagay na kumikinang sa sahig ng shower room. Pinulot n'ya ito at pinakatitigan habang salubong ang kan'yang kilay. It's a gold pendant ngunit katulad sa tattoo ni Dee ay parang pamilyar din sa kan'ya ang pendant na nakita at sigurado s'ya na pag-aari ito ng babae. Wala s'yang ganitong pendant at si Dee lang ang ang tanging tao na gumamit ng banyo n'ya kaya sigurado s'ya na sa babae ang napulot na pendant. Katulad ng tattoo nito ay kakaiba din ang pendant na nakita. Hindi n'ya maipaliwanag ang kan'yang nararamdaman ngunit may mga nakikita s'ya sa kan'yang balintataw na katulad sa tattoo ni Dee ngunit hindi n'ya lang maalala kung saan at kung kailan n'ya ito nakita. Hindi n'ya na napansin kung gaano na s'ya katagal na nakatulala habang nakatingin sa hawak na pendant. Naalimpungatan lang s'ya at nagbalik sa kan'yang sarili ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at pumasok si Dee. Binuksan nito ang glass door ng banyo at parang bale
CHARLES MALCOLM... Nang makita n'ya ang mga litrato na ipinadala ng nag-inform kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito ay doon at nakumbinsi s'ya na totoo ang lahat. Hindi n'ya pa matukoy kung ano ang pakay ng nagbigay alam kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito ngunit hindi na muna nila ito iisipin. Uunahin na muna nila ang pagligtas kay Tanya. Mukhang maayos naman ang intensyon ng nagpadala ng tip kay Briggs. Ngunit kahit ganon pa man ay kailangan pa rin nilang mag-ingat. Maaaring mabuti at maaari ding masama ang pakay ng nagbigay alam kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito. Naging busy na sila at hindi na nga s'ya nakauwi sa kan'yang bahay. Hindi n'ya na din nabalikan si Dee at alam n'ya na umuwi na din ito. Babawi na lang s'ya dito kapag naayos na nila ang lahat ng problema ni Briggs. Makakapaghintay ang sa kan'ya ngunit ang kay Briggs ay hindi dahil buntis ang asawa nito at kita sa mga litrato na ipinadala sa pinsan na malaki na ang umbok ng t'y
CHARLES MALCOLM... Narating nila ang lugar na sinasabi ng informant ni Briggs. At lahat sila ay nagulat ng makita ang naturang lugar. Hindi ito karaniwang lugar lamang ng isang mayaman na tao. Isa itong fortress at ang buong lugar ay fully secured at hindi madaling mapasok. May mga sensor ang buong paligid at kaunting galaw lang ng mga tao na hindi kabilang sa lugar na ito ay mag-aalarm agad ang buong lugar para e-alert ang mga tao sa loob. Ngunit dahil sa tumulong kay Briggs ay malaya silang nakapasok sa loob dahil dinis-alarm nito ang sensor at alarm system ng buong fortress para hindi magambala ang mga tao sa loob at hindi malaman ng mga ito na may nakapasok na mga kalaban. "Briggs wait!" narinig n'yang tawag ni Henry sa kanilang pinsan. Nang tapunan n'ya ito ng tingin ay nakita n'ya na tumakbo ito papasok ng mag-isa. "Damn! Atat na atat ang gago! Hindi na makapaghintay," mura n'ya at mabilis na gulamaw para sundan si Briggs. Hindi n'ya ito pwedeng pabayaan dahil ugali na yata