CHARLES MALCOLM... Matinding selos ang kan'yang nararamdaman sa nalaman at naipangako n'ya sa kan'yang sarili na hindi s'ya papayag na magsama ang dalawa bilang mag-asawa. Gagawin n'ya ang lahat na hindi matuloy ang pagiging kasal ng mga ito. Kaya naman ay nakapag desisyon s'ya na magpakita na kay Dee. Baka magbago pa ang isip nito kapag nakita s'ya. Ngunit ang kan'yang plano ay naging kabaliktaran. Huli n'ya na ng malaman mula sa abogado na ang pagkikita ng dalawa ay hindi para ayusin ang kanilang pagiging mag-asawa kundi ang mag file ng divorce. At dahil nakita na s'ya ni Dee ay nagbago ang isip nito at ngayon ay gusto ng sumama sa bahay ni Javier. Mas lalong nag-apoy sa galit ang kan'yang bumbonan sa nalaman at hindi napigilan na sugurin si Montero. Akala n'ya ay mapakiusapan n'ya ito ngunit ang gago ay hindi pumayag sa gusto n'ya bagkus ay sinabihan pa s'ya nito na nagbago na ang isip nito at nakapag desisyon na itutuloy ang pagiging asawa ni Dee. Parang gusto n'ya itong
CHARLES MALCOLM... "Welcome to my kingdom Mr—," "Number one rule, no name," awat n'ya sa pagsasalita ng hari. Nakapasok na s'ya sa loob at naabutan n'ya ito na nakaupo sa mala trono na upoan na gawa sa ginto. Mahaba ang suot nitong damit na katulad ng mga suot ng lalaking Arabo. May suot din itong turban sa ulo na konektado sa tela na nakatabon sa buong mukha ng lalaki. Tanging mata lamang nito ang nakalabas at s'yang nakikita n'ya. Nagulat ito at hindi agad nakapagsalita ng putulin n'ya ito sa pagsasalita. Hindi siguro nito inaasahan ang ginawa ng isang ordinaryong tao. Syempre namumuno ito sa kaharian nito at malamang n walang kahit na isa sa mga taohan nito ang sumasagot tulad ng ginawa n'ya. "Viola! No name it is! Anyway, are you aware why you are here? You are going to work with me but not just any ordinary work. I read your profile and I was impressed but you need to prove everything I read in your profile. Hmmmm!" masaya ang boses nito ngunit ang mga mata ay nakitaan n'ya
ABRIELLE DEE... Months had passed at kabuwanan n'ya na. Namimilipit s'ya sa sakit ng kan'yang katawan. Noon kahit tamaan s'ya ng bala ay hindi n'ya alintana ang sakit ngunit ngayon ay parang hinihiwa ang kan'yang katawan sa sakit. "Ahhhhhhhhh!" matinis na sigaw n'ya habang hawak-hawak ang kan'yang t'yan. "Lopez! What happened?" humahangos na tanong ni Peter sa kan'ya ng pumasok ito sa kan'yang silid. Simula ng umalis si Charles ay hindi na umalis si Peter sa kan'yang tabi Ayon dito ay inihabilin ni Charles na hindi s'ya iiwan nito at pababayaan. Kahit si Javier ay hindi n'ya na nakita simula ng huling pag-uusap nilang dalawa at hindi n'ya alam kung saan ito nagpunta. Wala naman s'yang pakialam sa lalaki at tanging si Charles lamang ang iniisip n'ya. Simula ng umalis ito ay wala s'yang narinig mula dito. Kahit tawag o mensahi ay wala s'yang natanggap mula sa lalaki at sobra s'yang nag-alala na baka may nangyari na ditong masama. Mabuti na lang at nasa tabi n'ya si Peter na palagi
ABRIELLE DEE... Pagdating nila sa hospital ay agad silang sinalubong ng mga nurses na nagmamadali ng makita s'ya na ibinaba sa ambulansya. "Damn!" pagmumura n'ya ng sumigid na naman ang sakit sa kan'yang t'yan. Kasunod nito ay nararamdaman n'ya ang pamamasa ng kan'yang pagkababae na parang may lumabas na tubig. "Fvck! May water broke! My water broke!" kahit masakit ang kan'yang t'yan ay nakuha n'ya pang magsusumigaw para ipaalam sa mga nurse na pumutok na ang kan'yang panubigan. Naramdaman n'ya ang pagbilis ng takbo ng stretcher na kinahihigaan. Nang tumigil ito ay nakita n'ya ang pangalan sa pinto na may nakasulat na delivery room. Bumukas ito at itinulak agad ng nurse ang stretcher papasok. "Fvck!" isa pang mura n'ya ng maramdaman ang sakit na sumigid ulit. Inilipat s'ya ng mga nurse sa hospital bed na naroon at agad na inasikaso para ihanda sa kan'yang panganganak. "Put the oxygen mask on her," narinig n'ya ang boses ng isang babae na nagsalita. Hindi na s'ya nag-abala pa na
ABRIELLE DEE... She woke up with the smell of a hospital at ng maalala kung nasaan s'ya at kung paano nagkaroon ng amoy ng hospital ang kan'yang kama ay agad s'yang nagmulat ng mga mata. Bumungad sa kan'ya ang purong puti na kulay ng silid. May nakakabit din na swero sa kan'yang kamay at medyo nangangalay ang kan'yang isang braso dahil na rin siguro sa mga IV na nakatusok sa kan'yang balat. "My babies! Nasaan na ang mga anak ko?" natatarantang tanong n'ya ng maalala ang kan'yang mga anak. Hindi s'ya nananaginip lang dahil totoong nanganak s'ya ng kambal. At para makasiguro ay kinapa n'ya ang kan'yang t'yan at nakahinga s'ya ng maluwag ng makapa na wala ng umbok ang kan'yang t'yan. Totoong nanganak s'ya kanina ngunit nasaan ang kan'yang mga anak? At parang sinagot naman ng langit ang kan'yang tanong dahil kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto ng silid na kinaroroonan n'ya at iniluwa si Peter na malapad ang ngiti sa labi ng makita s'ya na gising na. Sa mga bisig nito ay karga
ABRIELLE DEE... "Abrielle, I'm serious," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng magsalita ulit si Bailey. Ibinalik n'ya ang atensyon sa babae at pinakatitigan ang mukha nito. Maganda ang babae, napakaganda na dinaig pa nito ang isang anghel na bumaba sa lupa. Balingkinitan ang katawan nito at sobrang puti ng balat. Kung itatabi s'ya rito ay nagmukha s'yang utosan ni Bailey. Mapait s'yang napangiti dahil hindi n'ya maiwasan ang makaramdam ng insecurities sa asawa ni Charles. "Do you expect me to believe you?" natatawang tanong n'ya rito ngunit sa loob-loob n'ya ay nakaramdam s'ya ng pait at sakit. "Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin. Ginagawa ko lang kung ano ang ipinangako ko kay Charles. Wala akong balak na guluhin kayo ng mga bata o may gagawing masama sa inyo. That is not me, Abrielle. Doctor ako at trabaho ko ang pangangalagaan ang mga pasyente ko at hindi ipapahamak. May kapatid akong umaasa pa sa akin at hindi ko magagawa ang gumawa ng masama sa ibang tao lalo na sa
ABRIELLE DEE... Months had passed at wala pa ring Charles ang bumabalik. Ang dami ng nangyari sa buhay n'ya kasama ang dalawang anak. Noong una ay hindi n'ya pa matanggap ang dahilan ni Bailey kung bakit nasa Bhutan ito ngunit kalaunan ay unti-unti n'ya ng napatunayan na totoo ang babae. Ang daming ginawa nito sa kan'ya at sa dalawang anak. Pagkatapos n'yang manganak ang akala n'ya ay maaayos na ang lahat ngunit isang linggo ang nakalipas ay nagkaroon s'ya ng kumplikasyon na s'yang dahilan ng muntik n'ya ng pagkakapahamak. Hindi s'ya iniwan ni Bailey at Peter at ang dalawa ang nag-alaga sa kan'ya at sa mga anak nila ni Charles at tumayo na rin bilang mga doctor nilang tatlo. She, herself is also a doctor ngunit hindi n'ya magawang gamutin ang kan'yang sarili kaya wala s'yang nagawa kundi ang tanggapin si Bailey sa buhay nilang tatlo ng kan'yang mga anak. At sa ilang buwan na pag-aalaga nito sa kanila lalo na sa dalawang bata ay nakitaan n'ya ng tuwa at pagkahilig ang babae sa mg
ABRIELLE DEE... Hindi s'ya nagpapigil kay Peter at wala din itong nagawa sa kan'yang desisyon. Dumating si Bailey sa kanilang bahay ng malaman nito na aalis s'ya para sundan si Charles sa Libya. "Abrielle, hindi mo naman kailangan na gawin 'to eh. Baka mapapahamak ka lang doon, paano na ang kambal?" pigil nito sa kan'ya pagkadating ng babae sa kanilang bahay. Nagbuga s'ya ng hangin at hinarap ang babae na itinuturing ng kaibigan. "I know na dilikado Bailey pero para sa mga anak ko ay gagawin ko ang bagay na ito. And I trust you and Peter with my kids. Alam ko na kalabisan na itong hiningihi ko sayo at napakakakapal na ng pagmumukha ko para makiusap pa sayo na alagaan ang mga anak namin ng asawa mo pero ikaw lang at si Peter ang pinagkakatiwalaan ko," sagot n'ya sa babae. Natigilan ito at nakita n'ya na nagulat ng marinig ang sinabi n'ya. "Bailey..., hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo sa lahat-lahat ng ginawa mo sa amin ng mga anak ko. Hindi mo na dapat kami tinrato
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick