DANICA TRINA...
Isang buwan na ang nakalipas simula ng mag-agaw buhay s'ya sa hospital. Hinding-hindi n'ya makakalimutan ang araw na iyon.Iyon ang pinakabobo n'yang nagawa sa sarili. Itinago n'ya sa mga magulang ang nangyari dahil ayaw n'yang masisi ng mga ito si Joshua.Kahit ganon ang trato sa kan'ya ang lalaki, ayaw n'yang maging masama ito sa paningin ng kan'yang mga magulang, lalo na sa kan'yang ama.Nagpaalam s'ya sa mga ito na magbabakasyon muna. Pinayagan naman agad s'ya— kung kaya dito s'ya sa kan'yang rancho at hacienda inihatid ng mga kaibigan pagkalabas n'ya ng hospital.Nanikip na naman ang kan'yang dibdib ng maalala ang dahilan kung bakit ginawa n'ya iyon. At sa loob ng isang buwan na nakaratay sa hospital, kahit anino ng lalaking inaasam n'yang bibisita sa kan'ya ay hindi n'ya nakita.Ano pa ba ang aasahan n'ya? Hindi pa talaga nasanay ang puso n'ya sa trato ni Joshua sa kan'ya. Hanggang ngayon masakit pa rin, nasasaktan pa rin s'ya kung paano s'ya nito tratuhin.Dapat namanhid na ang puso n'ya sa ganong trato, pero hindi eh. Hindi nawawala ang sakit dulot ng mga binibitawang salita ng lalaki.Marahas s'yang nagpakawala ng hangin at itinuon ang tingin sa luntiang pastolan ng mga baka.Kailan kaya mapapagod ang puso n'ya sa kakahabol kay Joshua? Kung ang isip n'ya ang tatanungin pagod na s'ya pero ang puso n'ya— ang sinasabi ay hindi pa.Minsan hinihiling n'ya na lang na sana maaksidente s'ya, at mawalan ng alaala katulad ng mommy n'ya dati, para kahit papaano makakalimutan n'ya si Joshua at ang mga masasakit na salita na binibitawan nito.Ipinilig n'ya ang ulo at pilit na iwinaksi sa isip ang lalaki. Gusto n'ya munang kalimutan ang mga masasakit na karanasan sa kamay ni Joshua.Nagpasya s'yang bumaba para bisitahin ang kan'yang mga taohan. Binaybay n'ya ang mataas na hagdan pababa."Dani iha, gising ka na pala? Teka lang anak iinitin ko lang ang mga pagkain," bungad sa kan'ya ni nanay Meldy— na s'yang mayordoma sa mansyong ito."Magandang umaga nay," nakangiting bati n'ya rito."Maganda ka pa sa umaga anak. Ay teka, kamusta na pala ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka pa bang masakit?" nag-aalang sagot nito.Lihim s'yang natuwa sa nakikitang pag-aalala nito sa kan'ya. How she wished na magkakaroon s'ya ng abuela sa tuhod.Sa tantya n'ya, magkasing edad ang lolo Dracu n'ya at si nanay Meldy. Hindi n'ya alam ang kwento nito pero ayon sa naririnig n'ya, natagpuan daw ito ng daddy n'ya na duguan at nag-aagaw buhay.Kinupkop ito ng kan'yang ama dahil wala na itong pamilya na mauuwian at wala itong maalala tungkol sa kan'yang pagkatao.Ang hinala nila ay dahil sa aksidenteng natamo nito kung kaya nawala ang memorya ng matanda.Itinuring nila ito na parang pamilya at magaan ang loob n'ya sa matanda.Wala na kasi s'yang namulatan na lola sa tuhod ng lumabas s'ya sa mundo. Tanging ang lolo Dracu n'ya na lamang ang nakikilala at naabutan n'ya.Matanda na rin ito ngayon katulad ng kan'yang nanay Meldy pero eto, pinagsisilbihan pa s'ya."Nay ako na po! Malaki na po ako, kaya ko na ang sarili ko nay. Magpahinga na po kayo, ilang beses ko ng sinabi sa inyo na hindi n'yo naman kailangan magtrabaho pa rito. Marami naman tayong katulong para gagawa ng ibang gawain nay," sermon n'ya sa matanda habang sumasandok ng kanin at ulam.Natahimik naman ito at ng lingunin n'ya, nakita n'ya ang pamamasa ng mga mata nito."Ayan ka na naman nay, naging iyakin ka na naman," tukso n'ya sa matanda."Hindi ko lang mapigilan anak. Napakabait mo sa akin, kayo ng pamilya mo. Napakaswerte ng lalaking mapapangasawa mo Dani," naluluhang turan nito.Biglang lumitaw sa kan'yang balintataw ang mukha ni Joshua. Mapait s'yang napangiti at iniwas ang tingin sa matanda.Walang nakakaalam sa mga pinagdadaanan n'ya maliban sa mga matatalik n'yang kaibigan."Ok ka lng ba Dani?" pukaw ng matanda sa kan'ya. Nginitian n'ya ito at tinanguan."Ok lang ako nay, may naalala lang ako," sagot n'ya sabay ngiti dito. Tumango naman ito bilang tugon at hindi na nagtanong pa.Iniwan na s'ya nito at nagpaalam na pupunta sa garden para diligan ang mga halaman nito."Sana all dinidiligan," malokong sabi n'ya ng mapag-isa.Nagsimula na s'yang kumain habang nag-iisip ng gagawin n'ya sa araw na ito.Mabuti na naman ang lagay n'ya at wala ng sakit na nararamdaman. Pwede na s'yang sumakay sa karwahi at maglibot sa buong rancho.She had this place when she's seven years old. Regalo ito ng kan'yang ama noong ikapitong taong kaarawan n'ya.Ang mga kabayo naman at mga baka na puro magaganda ang breed ay nabudol n'ya sa kan'yang paboritong ninong na si ninong Red.Ninong Red is his second father. Sobrang lapit nila sa isat-isa. Mas close pa sila ng kan'yang ninong, kaysa daddy n'ya.Maliban kay Tati at mga kaibigan, tanging ang ninong Red n'ya lang ang may alam sa mga pinagdadaanan n'ya.Ilang beses na s'ya nitong pinagsabihan na tigilan na ang pagsunod-sunod kay Joshua dahil nakakababa na ito ng pagkababae n'ya, ngunit hindi s'ya nakinig.Kaya imbes na pigilan s'ya nito, sinuportahan na lamang s'ya ng ninong n'ya at inintindi, ngunit mahigpit ang banta nito na kapag sinaktan s'ya ni Joshua, he will step in at makikialam na.Mahal na mahal n'ya ang ninong Red n'ya at simula pagkabata palagi n'ya itong ipinaglalaban sa kan'yang ama.And speaking of the devil, biglang tumunog ang kan'yang cellphone at ng silipin n'ya ito, pangalan ng ninong Red n'ya ang nag pop out sa screen.Inabot n'ya ang cellphone at sinagot ang tawag."Hello ninong!" bungad n'ya rito."How are you Trina? Kamusta na ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka pa bang masakit? Sabihin mo lang at pupuntahan agad kita," sunod-sunod na tanong nito."Thanks ninong, but I'm good na. Magaling na ako at wala ng masakit sa katawan ko," masayang balita n'ya rito. Narinig n'ya ang pagbuga nito ng hangin sa kabilang linya."May nasagap na balita ang daddy mo, at kinukumpirma n'ya ngayon kung totoo na nahospital ka. But it looks like ok naman kahit puntahan ka n'ya d'yan dahil magaling ka naman," pagbabalita nito."Sino ang nagbalita sa kan'ya ninong?""No idea! Pinuntahan n'ya ako at tinutukan ng baril para magsabi ng totoo. Syempre hindi ako nagsalita no, hindi naman kami close para sabihin ko sa kan'ya ang nangyari, duhhhh!" sumbong nito sa kan'ya na ikinahagalpak n'ya ng tawa."Ikaw na ang bahala kay daddy ninong, alam mo naman kung paano s'ya linlangin," natatawang sabi n'ya sa ninong Red n'ya.Bigla naman itong natahimik at maya-maya lang seryoso itong nagsalita."Hindi ka pa rin ba titigil Trina? I mean durog na durog na ang puso mo, pati katawan mo nasaktan mo na rin dahil sa tukmol na Joshua, itutuloy mo pa rin ba ang balak mo?" seryosong tanong nito."As long as nasa panganib pa rin ang buhay ni Joshua ninong, hindi ako titigil at tatahimik lang sa isang tabi. Masakit na, sobra, pero hindi ko hahayaan na mahulog s'ya sa bitag ng mga taong iyon," malamig na turan n'ya dito."I understand Trina! Don't worry, I will help you if you need me, pero alam kong tatanggihan mo ang inaalok kong tulong para sa pinakamamahal mong h*******k na si Joshua. Kung hindi lang anak ni Howald yon, baka matagal ng pinaglamayan ang gagong iyon. Tandaan mo Trina, kapag hindi na katanggap- tanggap ang pananakit n'ya sayo, ako mismo ang puputol ng sungay ng gagong iyon," mahabang banta ng ninong Red.Nagpasalamat s'ya rito at nagpaalam na. Pinatay n'ya agad ang tawag at marahas na bumuntong hininga. Naalala n'ya na naman kung bakit galit si Joshua sa kan'ya.Naningkit ang kan'yang mga mata at naikuyom ang mga palad ng sumagi sa isip n'ya ang nangyari."Bitch!" mariing mura n'ya bago nagpasyang tumayo at lumabas na ng bahay.Kailangan n'yang sumagap ng preskang hangin. Dumeritso s'ya sa bahay ni Kabol— ang alaga n'yang toro."Kabol baby," masayang tawag n'ya rito ng makita n'ya ito. Kumakawag naman ito sa loob ng koral.Takot ang iba sa alaga n'ya at tanging s'ya lamang ang sinusunod nito.Lumapit s'ya rito habang tumatawa dahil parang hindi ito mapakali sa loob ng makita s'ya.Sa loob ng isang buwan na pananatili n'ya sa rancho ngayon n'ya lang ito nadalaw, dahil hindi pa s'ya magaling ng mga nakalipas na araw.Sinalubong s'ya nito pagkabukas n'ya ng gate ng koral at tumatawa s'yang niyakap ito sa leeg.Ang taba-taba mo na baby, ang takaw mo siguro sa pagkain no?" kantyaw n'ya sa alaga. Umingos naman ito sa sinabi n'ya na mas ikinatawa n'ya pa."Samahan mo ako baby, maglilibot muna tayo, pero behave ka lang dapat ha? Kasi may sakit si mommy, masakit ang katawan, pwede ba yon?" pagkausap n'ya sa alagang toro.Tumango naman ito bilang tugon na parang nainitindihan ang mga sinasabi n'ya. Hinimas n'ya ang katawan nito at hinatak na ito palabas ng koral."Behave kabol, kukunin lang ni mommy ang karwahi," bilin n'ya rito. Natutuwa s'ya na napaamo n'ya ang isang nakapahirap at delikadong hayop.Mabilis n'yang nilapitan at karwahe na pang-isahang tao lamang at hinatak ito palapit sa toro. Pagkatapos inilagay n'ya sa leeg ni kabol ang cushion para hindi masakit ang leeg nito kapag inilagay n'ya ang sabit na karugtong ng karwahi para s'yang hihilain ng kan'yang toro.Kabayo naman sana ang gagamitin n'ya, pero mas gusto n'yang ka bonding ngayon ang kan'yang alaga.Sumampa s'ya sa karwahi at pinausad na si Kabol. Mahina lamang ang lakad nito. Nag-eenjoy s'ya habang nakatingin sa luntiang tanawin.Napakalapad ng rancho na nabili ng ama sa kan'ya, ngunit mas lumaki pa ito ng bilhin n'ya ang lupain katabi nito.Ito ngayon ang taniman ng mga lansones at iba pang prutas na pangunahing produkto ng kan'yang kompanya.May pabrika s'ya ng mga canned and preserve fruits at sariling prutas n'ya rin dito sa kan'yang hacienda ang s'yang source na kan'yang ginagamit sa paggawa ng mga preserve fruits in can na s'yang inaangkat ng mga taga ibang bansa.S'ya ang main supplier ng mga ganitong products sa buong mundo at malaki ang pinapasok na pera nito sa account n'ya. Umakyat si Kabol sa isang burol kung saan paborito n'yang tambayan.Nakikita mula sa toktok ng burol ang kabuoan ng hacienda. Malamig at presko ang simoy ng hangin at parang dinuduyan s'ya sa antok dahil sa malamig ihip ng hangin sa taas ng burol kung nasaan sila ni Kabol."Baby ang sarap dito," pagkausap n'ya sa alaga. Naglikha naman ito ng tunog bilang pagsang-ayon sa sinabi n'ya.Kinuha n'ya ang lubid na nakatali sa leeg ni Kabol at hinayaan muna itong gumala para kumain.Umupo s'ya sa isang puno at nakatuon ang mga mata sa tanawin na naaabot ng kan'yang paningin.This place is really a paradise, kaya mahal na mahal n'ya ang lugar na ito. Kapag bibigyan s'ya ng pagkakataon na bumuo ng pamilya, she will chose to live here and raised her kids sa ganitong klaseng lugar.Tahimik, malinis at malayo sa gulo."Sabi ko na nga ba na nandito ka eh," boses ng pinsan na si Tatiana ang pumukaw sa malalim n'yang iniisip. Nilingon n'ya ito at napangiti ng makita ang pinsan.Ngunit natigilan s'ya ng makita ang hingal na hingal na si Bianca na nakasunod rito at nakabusangot ang mukha."Putang'ina ka Tatiana Callie, bakit mo ako iniwan na hayop ka?" malutong na mura ng kaibigan na hinihingal pa at naghahabol ng hininga."Tang'ina ka rin, kasalanan mo yan, dahil mukha kang patay gutom. Maano ba naman na tinira mo ang nadaanan mong bayabas. Inakyat mo ng walang paalam sa may-ari," sita ni Tati sa kaibigan nila."Bakit pa ako magpapaalam? Eh si Trina naman ang may-ari ng buong hacienda'ng ito. She's our bff though," pag-iinarte nito. Mahina s'yang natawa dahil sa hitsura ni Bianca.Namumukol ang mga bulsa nito dahil sa lamang bayabas at naka workout bra na lang ang kaibigan dahil hinubad nito ang suot na t-shirt at itinali ang dulo na may butas at doon inilagay ang mga nakuhang bayabas sa daan."Oi s***a Trina, nandito pala ang pangit na si Kabol?" puna nito ng makita si Kabol. Naglikha ng tunog ang kan'yang alaga ng marinig ang pangalan nito.Bianca is wearing a dark orange color workout bra at ng sinambit nito ang pangalan ni Kabol, lumingon ang alaga sa kan'yang kaibigan at nakita n'ya ang pagsipa ng mga paa nito sa lupa."Bianca, I think you need to run again," babala n'ya sa dalaga."What? No! Pagod na ako sa pag—,""Run Bianca!" sigaw n'ya ng makitang hahabulin na ito ni Kabol. Nakita naman ng kaibigan ang turo at mabilis na tumayo mula sa pagkasalampak sa damohan at mabilis na tumakbo. May bayabas pa ito sa bibig habang hindi magkamayaw sa pagtakbo."Putang'ina ka Trina, pigilan mo yang pangit mong alaga dahil kung hindi babarilin ko yan. Oh, fvck!" malutong na mura nito habang pilit na umiiwas sa kan'yang alaga.Hindi naman sila magkamayaw sa pagtawa ni Tati habang nakatingin sa kaibigan."Poor Bianca," sambit ni Tati habang tumatawa pa rin. Sasagot pa sana s'ya ngunit naagaw ang atensyon n'ya ng tumunog ang kan'yang cellphone.Nang silipin n'ya ito nakita n'yang isang voice message ang dumating. She play the message at pumailanlang ang boses ng lalaking pinakamamahal n'ya."It's not gonna happen dude! Trina? Its a big no. Kahit na siguro s'ya na lang ang natirang babae sa mundo, hinding-hindi ako papatol sa kan'ya. She's nothing to me, nothing at all, kaya kahit hindi na s'ya umuwi dito sa Manila, well..., who cares? Ako ang unang pinakamasayang tao kung mawala ang babaeng yon s'ya sa landas ko," mariing sagot nito sa kung sino mang kausap ng lalaki.She feel the pang in her heart. Naninikip ang kan'yang dibdib. Hinablot ni Tati ang kan'yang cellphone at tiningnan. Pagkatapos mariing tumingin sa kan'ya, ngunit nagbabanta ng panganib ang mga mata."Permission to kill Joshua ang that bitch Trina, sumusubra na talaga sila," malamig na paalam ng pinsan sa kan'ya."Dont! Let them be Tati. I'm fine! Nakapag isip-isip na ako," sagot n'ya rito."At hahayaan mo na lang sila? That Joshua is a bastard, hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kan'ya. Napaikot talaga s'ya ng babaeng yon," ngitngit ni Tati."Let them be! Kung masaya sila sa ginagawa nila sa akin then be it! Don't worry about me, sanay na ako," nakangiting sagot n'ya sa pinsan.Hindi n'ya ipapakita rito na nasasaktan s'ya. Kailangan n'yang itago sa lahat— ang totoong nararamdaman n'ya at ang mga ginagawa ni Joshua sa kan'ya. Ayaw n'yang magkasiraan ang mga magulang nila kapag nakialam ang kan'yang ama once na malaman nito ang lahat.Tuturuan n'ya ang sarili na na lumayo kay Joshua. Alam n'yang sa mata nito at sa ibang tao na hindi nakakaintindi sa kan'ya, nagmukha na s'yang tanga sa kakahabol sa binata.Kaya kailangan n'ya nang putulin ang anumang kabaliwan n'ya sa lalaki. Mamuhay s'ya na walang iniisip na Joshua, na hindi nasasaktan dahil sa trato nito sa kan'ya. Na hindi kinukutya dahil sa kan'yang nakaraan. At mas lalong hindi nahuhusgahan sa mga maling nakikita sa kan'ya.DANICA TRINA...Nanatili s'ya sa hacienda kasama ang pinsan at ang kaibigan. Ang sabi ng mga ito, gusto daw nila makalanghap ng sariwang hangin, pero duda s'ya sa rason ng mga ito.Alam n'yang pumunta ang mga ito sa hacienda para samahan s'ya habang nagpapagaling.Lihim s'yang nagpapasalamat sa mga kaibigan na hindi s'ya iniwan. Maliban sa pamilya n'ya, tanging ang apat na kaibigan lamang ang nakakakilala sa kan'ya.People always see her as a brat, a liberated and a happy go lucky woman , na wala nang ginawang mabuti sa buhay."Girls punta tayo sa gubat, maligo tayo sa ilog. Tapos magdala tayo ng mga pagkain at doon na tayo tumambay buong araw. How's that?" tanong ni Bianca sa kanilang dalawa ni Tati.Nasa garden silang tatlo at nagkakape. Kagigising lang nila at madilim pa ang paligid. Nakasanayan na nilang gumising ng maaga dahil sa naging training nila sa military.Minsan nga mas nauna pa silang magising sa mga kasambahay nila."Magandang suggestion yan Bianca, support ka namin d'
DANICA TRINA...Pinakalma n'ya ang sarili at pinahid ang mga luha bago nagpasyang tumuloy na sa kusina para batiin ang pamilya."Hello everyone! I'm back!" masayang bati n'ya sa mga ito, ngunit ang totoo dinudurog ang puso n'ya ngayon.Natigilan naman ang mga ito at nagkatinginan. Kunot-noo n'yang tiningnan isa-isa ang pamilya."Hey! What's wrong? Hindi n'yo ba ako na miss?" may himig na pagtatampo na tanong n'ya sa mga ito. Nataohan naman ang mga ito at naunang tumayo si Elliot at sinalubong s'ya ng isang maiinit na yakap."Welcome home ate," bati ng kapatid sa kan'ya. Sumunod naman ang tatlo pang kapatid na si Ebrahim, Ethan at Eidan at isa-isang yumakap sa kan'ya.She feel love. With her brothers hug, nararamdaman n'ya ang pagmamahal ng pamilya sa kan'ya. Kumalas s'ya sa mga kapatid at lumapit sa kanilang ama at niyakap ito mula sa likod."I miss you dad," malambing na sabi n'ya rito. "We missed you too princess! Ang tagal mong nagbakasyon, nabawasan tuloy ng isang sakit ng ulo an
JOSHUA HADES...Matapos makalabas ng hospital si Trina hindi n'ya na nakita pa ang babae. Hindi din s'ya interesado kung saan ito nagpunta. Focus s'ya sa buhay n'ya at sa babaeng mahal n'ya.Malaki pa nga ang pasasalamat n'ya na nawala na lang ito bigla sa kan'yang landas. Tahimik ang buhay n'ya at walang nambwebwesit sa kan'ya sa araw-araw na ginawa ng langit.Naunang nakalabas ng hospital ang kan'yang kasintahan at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay na binili n'ya para rito.Ayaw pa sanang tanggapin ng kasintahan ang bahay na binigay n'ya dahil nahihiya ito, ngunit ipinagdiniinan n'ya ito sa dalaga dahil naaawa s'yang nakikitira lang ang mga ito sa tiyahin nito sa isang squatters area.She don't look down Leizel dahil sa kahirapan din s'ya nanggaling. Lumaki din s'yang namamalimos sila dati ng kan'yang ina ng kaunting tulong para may pambili ng pagkain at nakikitira sa lola Teresita at mama Paulyn n'ya para may may matutulogan.He admire Leizel for being hardworking and independent
JOSHUA HADES...Masaya ang mga sumunod na araw n'ya. Walang Trina na sumisira sa kan'yang araw. Tahimik ang buhay n'ya, maganda ang takbo ng kan'yang negosyo at masaya ang pagsasama nilang dalawa ni Liezel at ng kanilang unborn child.Madalang silang magkita ngayon ng nobya, dahil madalas ang mga conference n'ya sa ibang bansa. Binibisita n'ya na rin ang mga negosyo n'ya sa overseas, since nandito na rin naman s'ya.Busy naman ang kasintahan sa trabaho nito at tanging sa telepono na lamang sila madalas na nag-uusap.Huling araw n'ya ngayon sa Brazil at pauwi na s'ya ng Pilipinas. Excited na s'yang umuwi at makita ang nobya.Nang tinawagan n'ya ito kahapon, sinabi nitong may surprise daw ito sa kan'ya pag-uwi, dahilan para gusto n'ya ng hilain ang mga oras para sa kan'yang flight.Dumating ang oras ng kan'yang byahe, pumasok s'ya sa eroplano na pag-aari ng tito Sebastian nila. Pati ang airport ay pag- aari din nito.Kampante s'yang naupo sa business class at agaran namang inistima ng
DANICA TRINA...Umuwi s'ya sa kanilang bahay matapos ang aksidente. Inihatid s'ya ni Brent na tahimik lang na umaagapay sa kan'ya sa paglalakad.Pagdating nila sa kanilang bahay nagulat s'ya ng may mga pulis na naghihintay sa kan'ya.It's Treavor Santorini, the chief of police na kaibigan ni Joshua at anak ng ninong Pharaoh n'ya. Laglag ang mga balikat nito habang nakatingin sa kan'ya na papalapit sa kanilang gate kung saan ito nakatayo.May idea na s'ya kung bakit ito narito at ngayon pa lang nasasaktan na s'ya."Shit! Bakit may mga pulis sa harapan ng bahay n'yo Dani?" usisa ni Brent sa kan'ya. Kambal ito ng kaibigan nilang si Bianca."To arrest me I guess," kibit-balikat na sagot n'ya sa binata. Hindi n'ya ipapakita sa mga ito na nasasaktan s'ya sa ginagawa ni Joshua."Putang'ina! Kaya n'yang ipaaresto ka? Hindi n'ya pa nga alam ang totoong nangyari. Ang nakita n'ya lang ang pagtulak mo sa nobya n'ya, hindi n'ya alam ang dahilan kong bakit mo itinulak ang babaeng iyon," gigil na sa
DANICA TRINA..."Tati and Bianca stop it," saway n'ya sa dalawa. Hindi makapaniwalang tiningnan s'ya ng mga ito."Seriously Trina? Ikaw na nga ang tinutulongan namin at inaalala dito, tapos ikaw parang wala lang sayo ang mga ginagawa nila?" galit na sita ni Tatiana sa kan'ya."Put your gun down you two," saway n'ya sa dalawang kaibigan. Hindi naman makapaniwala ang dalawa na tumingin sa kan'ya."Seriously Trina? Kami na nagpapakahirap dito, hindi ka lang makulong sa putang'inang kulongan na yan, tapos ikaw parang ok lang sayo ang lahat?" galit na sita sa kan'ya ng pinsan.Hayaan n'ya na muna ang mga ito sa mga ginagawa sa kan'ya. She's tired of depending herself to anyone. No one believes her at ang malala pa, s'ya pa rin ang lumalabas na masama.Kung ito ang ikakasaya ng pamilya ni Joshua, then be it. Ayaw n'ya na ng gulo pa, kaya tatanggapin n'ya kung ano man ang ihahain na kaso ng ninang Amber n'ya sa kan'ya."Hayaan n'yo na si ninang Amber sa gusto n'ya," seryosong sabi n'ya s
DANICA TRINA...."Open this fvcking door Treavor," malakas na sigaw ng isang taong kilalang-kilala n'ya.Napatayo agad s'ya ng bumukas ang pintoang bakal ng naturang selda at bumungad sa kan'ya ang mukha ng kan'yang ninong Red na puno nh pag-aalala at makikita ang galit sa mga mata nitong inilibot ang tingin sa paligid. Agad na sinugod s'ya nito ng yakap ng matapos nitong ilibot ang tingin sa buong paligid at tiningnan ang kan'yang katawan mula ulo hanggang paa."Ninong!" tawag n'ya rito. Umayos naman ito ng tayo mula sa pagkauklo dahil sinipat nito ang kan'yang mga paa kung may mga sugat s'ya o wala. Sinalubong nito ang kan'yang mga mata at iba't-ibang klase ng emosyon ang mababanaag n'ya rito."What the hell are you doing to yourself Trina? Bakit mo hinayaan ang mga El Frio na tratuhin ka ng ganito?" galit na sikmat nito sa kan'ya.Napayuko naman s'ya dahil nahihiya s'ya rito. Alam n'yang kalat na sa buong village ang nangyari sa kanila ni Joshua at sa kasintahan nito."N-Ninong
JOSHUA HADES...Matapos ang pambubogbog sa kan'ya ng ama ni Trina at ng tito Red nila naging tahimik na ang lahat.Hindi n'ya na rin nakita pa si Trina pagkatapos ng araw na iyon. Tahimik din ang kan'yang mga magulang at wala man lang may nabanggit sa kan'ya tungkol sa nangyari.Ipinagkibit balikat n'ya na lang ang pananahimik ng mga ito. Wala na rin s'yang kaibigan simula ng malaman ng lahat ang mga masasakit na salita na ibinato n'ya kay Trina.At wala naman s'yang pakialam sa mga ito. Hindi s'ya hihingi ng kapatawaran sa lahat ng binitawan n'yang salita kay Trina. Bagay lang sa kan'ya ang lahat ng narinig nito mula sa kan'ya.She deserves it dahil sa ginawa nito kay Liezel at sa anak nila. Muntik ng mawala ang kanilang anak dahil sa ginawa ni Trina dito. Hindi n'ya na rin itinuloy pa ang kaso pagkatapos ng lahat.Dahil hindi n'ya na rin naman nakikita ang babae kung kaya iniurong n'ya ang kaso laban dito. Ngunit gusto n'yang mag file ng restriction order against Trina.Ayaw n'ya n
CALIXTA ASUNCION..."Nay inumin n'yo po ito tatlong beses sa isang araw ha, pagkatapos n'yo pong kumain. Kailangan may laman ang sikmura. Tsaka ito mga vitamins po ito para sa inyo. May schedule po tayo ng vaccination for flu at para sa baga para sa mga matatanda, pumunta po kayo, ok?" pagbibigay instruction n'ya sa matandang pasyente na nakaupo sa kan'yang harapan."Maraming salamat doctora. Malaki ang pasasalamat ng mga tao dito na nagkaroon ng doctor na may mabuting puso katulad n'yo para sa mga mahihirap na katulad namin. Imbes na kami ang magbayad sayo sa paggamot sa amin, ikaw pa itong nagbibigay ng libreng check up, mga gamot at mga vitamins para sa amin na taga baryo," naluluhang pasasalamat ng matanda.Matamis n'ya itong nginitian at inabot ang mga gamot at vitamins para rito."Ipinamahagi ko lang ang mga tulong na natatanggap ko nay. At huwag po kayong mag-alala marami po tayong sponsors sa mga medical missions na ginagawa ko rito sa atin," pagbibigay alam n'ya rito."Maramin
CALIXTA ASUNCION...It was indeed the best day of her life! Napakasaya n'ya, nilang lahat lalo na ang asawa at ang kanilang buong pamilya."Are you ready my love?" nakangiting tanong ng asawa sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa tanong nito."Ready for what hubby?""For our honeymoon! We're leaving now, are you ready?" "S-Saan tayo pupunta?" gulat na tanong n'ya rito. Wala naman kasi itong nabanggit na aalis pala sila."Secret! You will know later. C'mon let's go!" aya ng asawa sabay lahad ng kamay nito. Inabot n'ya naman ito at hindi na nagtanong pa.Madaling araw na natapos ang kasiyahan sa kanilang kasal at katatapos n'ya lang maligo at magbihis ngunit inaya na agad s'ya ng asawa na aalis.Tahimik silang lumabas ng bahay at nagpatianod lamang s'ya rito hanggang sa marating nila ang isang helicopter na naghihintay sa bakanteng lote sa likod ng kanilang bahay."We're going to use the helicopter, are you ok with this baby?" malambing na tanong ni Isaac."Anything hubby ba
CALIXTA ASUNCION...Masaya ang lahat na nagtungo sa kanilang bahay pagkatapos ng kanilang kasal para sa isang munting salo-salo na inihanda nila.Ngunit pagdating nila ay hindi naman munting salo-salo ang nakahanda dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa naka palibot na mga mahahabang mesa."Ang dami hubby, I thought simpleng salo-salo lang?" tanong n'ya sa asawa na mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay at inalalayan s'yang bumaba sa kanilang sasakyan."I invited the whole baryo wife para makakain din sila," balewalang sagot nito. May ngiti na sumilay sa kan'yang labi habang tinitigan ang mukha nito.Isaac is always the sweetest. Alam na alam nito kung paano s'ya pakikiligin at pasasayahin."Hmmm! Kaya mahal na mahal kita eh," nakangiting sabi n'ya. "And I love you more than anything else my gorgeous wife. Hmmm! I know na magiging masaya ka sa ganito kaya for my wife's happiness ay gagawin ko ang lahat dahil naniniwala ako sa kasabihan na— "A happy wife is a happy life," nakangitin
CALIXTA ASUNCION..."Isaac, tinatanggap mo ba bilang kabiyak si Calixta at nangangako kang magsasama kayo sa hirap at ginhawa habangbuhay?" tanong ng pari kay Isaac.Matapos ang pag-uusap at pagka- patawaran ng magkapatid kanina ay ipinagpatuloy ng pari ang pagkasal sa kanila."Opo padre," sagot ng asawa na ang mga tingin ay nasa kan'ya at mababanaag ang saya sa mga mata nito."Ikaw Calixta, tinatanggap mo ba itong si Isaac na maging kabiyak at katuwang sa buhay habangbuhay?" s'ya naman ang tinanong ng pari."Opo padre," sagot n'ya rito."It's time for your vows, Isaac you first," sabi ng pari. Ginagap ng asawa ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan. Nagpakawala muna ito ng hangin bago nagsalita."Ahmmm! Calixta Asuncion my love, hindi man ako perpekto na tao, marami akong pagkakamali na nagawa sa buhay ngunit nandito ako ngayon, buong pusong isinusuko ang aking sarili at nangangakong mamahalin ka hanggang sa aking huling hininga o kahit pa sa kabilang buhay. If I have given a ch
CALIXTA ASUNCION...The morning came and she still can't believe that she is going to marry the man she prayed for.Aaron Isaac Ponce ang nag-iisang lalaki na minahal n'ya ng sobra. Na sa pag-aakala n'ya ay nanakit sa kan'ya where in fact pinoprotektahan lang pala s'ya ng asawa na hindi masaktan ng ibang tao.She's so lucky to have him, sobrang mahal s'ya nito at pati na ang kan'yang pamilya. He is a full package na kumbaga. Gwapo, mayaman, mapagmahal, maalaga etc. Lahat na lang yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kay Isaac.Sino ang mag-aakala na magugustohan s'ya nito? She's nothing! A promdi girl na nakipagsapalaran sa Maynila para makapag trabaho para maiahon ang pamilya sa kahirapan.Isang tatanga-tanga at mang-mang na babae na walang alam sa buhay pero pinatulan at minahal ng isang Aaron Isaac Ponce— a billionaire!God gives her more than what she deserves. Sobra-sobra ang biyaya na kan'yang natanggap mula sa langit at ang pinakamalaking blessings na yan ay s
CALIXTA ASUNCION....Matapos ang ilang ulit na pag love-making dahil sa panlalandi n'ya sa asawa kanina ay nakatulog s'ya dahil sa pagod.Paano ba naman kasi, hindi na naman s'ya tinantanan ni Isaac hangga't hindi nasaid ang kan'yang energy at katas.Nag-unat s'ya ng mga kamay dahil pakiramdam n'ya ay nabugbog s'ya ulit. Pero napangisi din ng maisip ang sarap sa ginawa ng asawa sa kan'ya.Dahan-dahan s'yang bumangon at tinungo ang banyo. Mag aalas singko na pala ng hapon.Ang haba ng itinulog n'ya. Kasal na nila bukas pero ang asawa n'ya ay s'yang busy sa pagtulong sa preparasyon samantalang s'ya ay pahila-hilata lang dahil napagod sa kaldagan at sumasakit ang pukekay.Lihim s'yang natawa sa kan'yang iniisip. Itinapat n'ya ang sarili sa shower at binuksan iyon. Bumuhos ang malamig na tubig sa kan'yang katawan at nakaramdam s'ya ng kaginhawaan.Bumaba din s'ya pagkatapos maligo at naabutan ang mga tao na may kan'ya- kan'ya ng ginagawa."Oh Asun gising ka na pala? Kumain ka na muna d'ya
CALIXTA ASUNCION...Nagising s'ya kinabukasan na mataas na ang araw. Kinapa n'ya ang kan'yang katabi ngunit wala na ang kan'yang mag-ama.Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa kan'yang labi ng maalala ang lahat kahapon. Naka score na naman ang asawa n'ya at syempre patatalo ba s'ya? Umiskor din s'ya ulit kagabi hanggang halos umagahin na sila. Sinulit nila ang s'yam na taon na magkahiwalay at magkalayo sa isat-isa.Dahan-dahan s'yang bumangon at nagpasyang maligo ngunit agad ding napangiwi ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kan'yang pagkababae."Ayan, kaldag pa more Calixta," kastigo n'ya sa sarili. Kinalma n'ya muna ng ilang segundo ang katawan bago pinilit na tumayo at dahan-dahan na naglakad patungo sa banyo.Madalian s'yang naligo dahil gusto n'ya ng makita ang kan'yang mag-ama. Iniwan lang s'ya ng mga ito habang tulog pa.Matapos maligo ay agad s'yang nagpalit ng damit at nagpasyang bumaba ngunit pagbukas n'ya pa lang ng pinto ay ang maiingay at malakas na tawan
CALIXTA ASUNCION...Dinilaan n'ya ang paligid ng ulo ng pagkalalaki ni Isaac at ganon na lang ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg at pamumula ng mukha.Pinapungay n'ya ang mga mata na tiningala ang asawa habang ang kan'yang dila ay busy sa ginagawa nito."Oh fvck!" pagmumura ni Isaac ng sundot-sundotin n'ya ang butas ng pagkalalaki nito gamit ang kan'yang dila.She is not the innocent Calixta anymore. She studied medicine at kasama sa pinag-aralan n'ya ang tungkol sa sex. Natuto na din s'yang manuod ng porn kaya masasabi n'yang marami na s'yang alam pagdating sa ganitong bagay.Akmang isusubo n'ya na ang ulo ng paglalaki nito ng biglang maalala ang pintoan. She learned her lesson already at ayaw n'ya ng maulit pa ang nangyari na naging dahilan ng paghiwalay nila ni Isaac."Hubby did you lock the door?" tanong n'ya rito. Mukhang nataohan naman ito at mabilis na bumaba ng kama."Fvck!" mabilis ang mga kilos na lumapit ito sa pinto at agad na ni lock iyon. Bumalik din agad ito sa kama
CALIXTA ASUNCION..."H-Hindi ka galit kay daddy anak?" kinakabahang tanong ni Isaac kay Archer. Kita sa mga mata nito ang pag-alala sa maging sagot ng anak."Nope! Why would I dad? Mommy told me everything about you. How good you are, how you care for her, how you love her and how you hurt her too. But don't worry dad, naniniwala ako na may reason ka why you did that to her, am I right?" tanong ng anak dito.Sinapo ni Isaac ang magkabilang pisngi ni Archer at lumuluhang pinakatitigan ang mukha nito."Ang talino mo, your mommy taught you so well. I am very proud of you son and I'm so sorry na lumaki ka na wala si daddy sa tabi mo. Babawi ako anak, babawi ako sayo," umiiyak na sabi ng asawa sa anak nila. Nagpapahid din s'ya ng luha habang nakatingin sa dalawa."Asun ano tong sabi ng nanay mo na pupunta dito ang nobyo mo? Ano ba Asun ang sumagi d'yan sa u—," boses ng kan'yang tatay na kapapasok lang sa kanilang bahay ngunit naudlot ito nang makita si Archer."Hi lolo magandang hapon po.