DANICA TRINA...
Pinakalma n'ya ang sarili at pinahid ang mga luha bago nagpasyang tumuloy na sa kusina para batiin ang pamilya."Hello everyone! I'm back!" masayang bati n'ya sa mga ito, ngunit ang totoo dinudurog ang puso n'ya ngayon.Natigilan naman ang mga ito at nagkatinginan. Kunot-noo n'yang tiningnan isa-isa ang pamilya."Hey! What's wrong? Hindi n'yo ba ako na miss?" may himig na pagtatampo na tanong n'ya sa mga ito. Nataohan naman ang mga ito at naunang tumayo si Elliot at sinalubong s'ya ng isang maiinit na yakap."Welcome home ate," bati ng kapatid sa kan'ya. Sumunod naman ang tatlo pang kapatid na si Ebrahim, Ethan at Eidan at isa-isang yumakap sa kan'ya.She feel love. With her brothers hug, nararamdaman n'ya ang pagmamahal ng pamilya sa kan'ya. Kumalas s'ya sa mga kapatid at lumapit sa kanilang ama at niyakap ito mula sa likod."I miss you dad," malambing na sabi n'ya rito."We missed you too princess! Ang tagal mong nagbakasyon, nabawasan tuloy ng isang sakit ng ulo ang bahay natin," kantyaw ng ama n'ya sa kan'ya na ikinahagalpak ng tawa ng mga kapatid at ikinabusangot n'ya naman sabay irap sa mga ito."Daddy talaga ang sama-sama sa akin," pagrereklamo n'ya rito sabay kalas sa ama at tumayo para lapitan ang kan'yang ina."Mommy I miss you!" masayang turan n'ya rito sabay yakap at halik sa pisngi ng ina."We miss you too baby! Mukhang hiyang ka sa farm anak ah, mas lalong gumanda ang kulay ng balat mo," puri pa ng ina sa kan'ya.Totoo naman kasi na mas lalong gumanda ang balat n'ya sa farm. Presko kasi ang hangin at walang polusyon. Fresh din ang mga kinakain n'ya doon na sa farm lang din nila nakukuha."Hiyang yan sa pag-aalaga kay kabol ma," sabat ni Ebrahim na s'yang pinakamaloko sa quadroplets. Nagtawanan naman ang tatlo pa nilang kapatid sa sinabi ni Ebrahim.Inirapan n'ya naman ito at pinakitaan ng kamao. Tanging ngisi lang ang isinukli ng kapatid sa kan'ya.Masaya s'yang sumalo ng pagkain sa kan'yang pamilya. Kahit papaano nakakalimutan n'ya ang masakit na balita na narinig kani-kanina lang.No one from her family mention about Joshua's wedding. Parang iniiwasan ng mga ito na mapag-usapan sa harapan n'ya. She knows it. Ayaw nang mga ito na mas masasaktan pa s'ya— but it's too late. Narinig n'ya na ang lahat kanina.Sobrang sakit ang nararamdaman n'ya dahil sa narinig na balita. Nagkunwari s'yang masaya sa harapan ng mga magulang at mga kapatid ngunit ang totoo, parang paulit-ulit na dinudurog ang puso n'ya sa loob.Puro tungkol sa bakasyon n'ya ang topic nila sa hapag-kainan. Salitan sa pagtatanong ang kan'yang mga kapatid na alam n'ya naman na ginagawa lamang ito ng mga kapatid n'ya para maiwasan na makapagtanong s'ya ng mga balita sa kanilang village ng mawala s'ya.Nang matapos silang kumain, nagkanya-kanya nang alis ang mga kapatid pati na rin ang kan'yang mga magulang.Naisipan n'ya ding umakyat muna sa kan'yang kwarto at magpahinga. Mamaya na s'ya lalabas para bisitahin ang mga kaibigan.Hindi pa alam ng mga ito na nakauwi na s'ya sa Manila. Humilata s'ya sa kama at nakatuon ang mga mata sa kisame.Bigla na namang nanubig ang kan'yang mga mata ng maalala ang narinig kanina tungkol sa nalalapit na kasal ni Joshua.Pinahid n'ya ang mga luha at bumangon para lang magulat ng makita ang kan'yang ina na nakatayo sa pinto at malungkot na nakatingin sa kan'ya."M-Mom," tawag n'ya rito. Lumapit ito sa kan'ya at naupo sa kan'ya tabi habang nakangiti ngunit kita ang lungkot sa mga mata nito."I know nasasaktan ka ngayon Trina. Bilang ina mo nararamdaman ko ang sakit sa puso mo anak. Pero alam kong matapang ka at matatag. Alam kong kaya mong lagpasan ang lahat ng ito," anang ina sa kan'ya.Kung may isang tao man na hindi n'ya kayang pagsinungalingan— ito ay ang mommy n'ya.Her mom knows her well. Alam nito kung kailan s'ya masaya at kung kailan s'ya malungkot.Mabilis s'yang yumakap dito at sumubsob ang dibdib ng ina. Ngayon n'ya lang nararamdaman na sobrang bigat na pala ng pakiramdam n'ya."Let it out Trina, it's ok! Iiyak mo lang anak para maibsan ang sakit sa dibdib mo," utos nito sa kan'ya na ikinahagulhol n'ya ng iyak.Hinihimas naman nito ang kan'yang likod habang umiiyak. Alam n'yang nasasaktan n'ya rin ang mommy n'ya sa nakikita nito ngayon sa kan'ya.Pinilit n'yang pakalmahin ang sarili at ipakita sa ina na matatag s'ya at matapang. Na hindi ang isang Joshua lamang ang magpapataob sa kan'ya.Kumalas s'ya rito at pinahid ang mga luha at ngumiti rito."Thank you mommy," taos pusong pasasalamat n'ya rito. Pinahid nito ang ilang butil ng luha na natira sa gilid ng kan'yang mata."Trina palagi mong tatandaan anak— na hindi ka nag-iisa, ok? Nandito kami ng daddy mo at ng mga kapatid mo. Huwag mong solohin ang problema mo, I know sobra ka ng nasasaktan at kung may magagawa lang ako para mawala ang sakit sa puso mo, matagal ko ng ginawa anak. Masakit din para sa akin na mommy mo na nakikita kang gan'yan at tinatrato ni Joshua na parang isang basura," mahabang sabi nito sa kan'ya.Nagulat s'ya sa huling salita na binitiwan nito. Maliban sa mga kaibigan, wala ng ibang nakakaalam tungkol sa mga ginagawa ni Joshua sa kan'ya."M-Mom!" tanging nasambit n'ya."I know Trina, I know everything anak. Nananahimik lang ako at hindi nangingialam dahil alam kong kaya mong e handle ang mga ganitong bagay. Anak nasasaktan tayo dahil nagmamahal tayo. Pero hindi ibig sabihin na katapusan na ng mundo natin kung hindi tayo kayang mahalin ng mahal natin. Marami pang mas deserving para sa pagmamahal mo Trina. Hayaan mo na si Joshua sa buhay n'ya. Magkakaanak na sila ng nobya n'ya at hindi mo naman siguro kayang manira ng pamilya lalo na kung may batang involve, tama ba ako?" seryosong tanong ng ina sa kan'ya."I already made a decision mommy. Bago ako umuwi dito, napag-isipan ko na yan. Akala ko kaya ko na, pero masakit pa rin pala na malaman na ang taong minahal mo simula pagkabata ay ikakasal na sa iba. Masakit mom, sobrang sakit, pero kakayanin ko. At tatanggapin ng bukal sa loob ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa. Kaya ngayon pa lang magpapaalam na ako sayo mommy," sagot n'ya sa ina."Whatever you think na makakabuti sayo at makakatulong sayo para mabilis kang maka move on anak just go on. Hindi kita pipigilan, susuportahan pa kita. But just don't do stupid things na mas lalong magpapalala sa sitwasyon. You know what I mean right?" seryosong bilin ng mommy n'ya.Tumango s'ya rito bilang tugon at yumakap ulit sa ina. Pagkatapos lumabas din agad ito para makapagpahinga daw s'ya.Kahit ganon ang naranasan n'ya kay Josh, she's still bless to have her family that stays besides her, lalong-lalo na ang mommy n'ya.Palagi s'ya nitong iniintindi at hindi s'ya nito hinusgahan kahit kailan. Not because she is her daughter but because her mom knows her well. At hindi ito naniniwala na magagawa n'ya ang lahat ng mga paratang ng ibang tao sa kan'ya.Nagpasya s'yang magpahinga na muna. Maaga pa naman at may oras pa s'ya para matulog. Mamaya na s'ya lalabas para makipagkita sa mga kaibigan. Bandang alas kwatro ng hapon ng magising s'ya. Nagpasya s'yang maligo at nagbihis ng isang t-shirt at short. Sinuklay n'ya ang buhok at kinuha ang kan'yang white sneakers at isinuot ito.Lumabas s'ya ng bahay na tanging cellphone lamang ang bitbit. Balak n'yang maglibot-libot muna sa village. Matagal na panahon din na hindi s'ya nakapaglibot sa village nila.Gusto n'ya munang aliwin ang sarili at kalimutan ang lahat. Lumabas s'ya ng bahay at nagsimula nang maglakad patungo sa clubhouse na nasa gitna ng naturang village.Malamig na simoy ng hangin ang tumatama sa kan'yang pisngi. Naglalakihang mga bahay ang nadadaanan n'ya na pag-aari lang din ng kan'yang mga ninong na kaibigan ng kan'yang ama.Pag-aari ng papa Tobias n'ya ang buong village at silang magkakaibigan lang din ang mga nakatira dito. Matapos ang sampong minutong paglalakad narating n'ya ang naturang clubhouse.Mukhang maraming tao sa loob. Naisip n'ya, siguro dahil sabado ngayon at walang mga pasok sa trabaho ang mga nakatira rito— kung kaya naisipan ng mga ito na tumambay sa clubhouse ng village para makapag relax."Hey Trina you're back!" masayang bati ni Neo sa kan'ya na hindi n'ya napansin na nagkukumpolan pala ang mga ito sa isang mesa na nasa gilid ng swimming pool.Kasama ng mga ito ang lahat ng mga anak ng mga ninong n'ya na mga kaibigan din nila. Nasa grupo din ng mga ito si Joshua na nakaupo katabi ang nobya nito.Iniwasan n'yang magawi ang tingin sa mga ito dahil ayaw n'ya nang magkaroon pa sila ng pag uusap o kahit sulyapan man lang ni Joshua."Hi Neo! Yes kauuwi ko lang," masayang bati n'ya sa anak ng ninang Flami n'ya.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nagbabasakaling makita n'ya ang pinsan ngunit wala ito. Nakuha naman ni Neo ang ibig n'yang iparating kaya nagsalita ito."She's here with us, may kinuha lang saglit sa kanila," pagbibigay alam nito sa kan'ya. Tumango s'ya bilang tugon rito."Would you mind to join us? I know may mga tao sa grupo na ayaw mong makasama pero huwag mo na lang silang pansinin," aya ni Neo sa kan'ya."No Neo, thanks but no thanks. May bibilhin lang ako sa loob kaya ako nagawi rito. Hindi din ako magtatagal," pagbibigay alam n'ya sa binata."Ganon ba? Sure Trina, hindi na kita pipilitin at baka mabugbog pa ako ng pinsan mo," natatawang sabi nito na ikinatawa n'ya din.Tumingin s'ya sa grupo ngunit iniwasan na magawi ang tingin sa pwesto ni Joshua at ng nobya nito."Bye guys!" paalam n'ya."Ayaw mong mag join sa amin?" tanong ni Kian na kumakain ng Pringles."Next time K, may bibilhin lang ako sa loob, uuwi din agad ako sa bahay dahil may trabaho pa ako," sagot n'ya. Alam n'yang naintindihan s'ya ng mga ito."Sasamahan na lang kita Dani pauwi para may kausap ka. Masaya naman akong kausap hindi ba?" presenta ni Brent na nakatanggap ng batok mula kay Zacheus na anak ng tito Zachary nila."Gago hindi ka masarap kausap kaya umupo ka na lang at ako ay naririndi na sa kakulitan mo," sikmat ni Zacheus dito na ikinasama ng tingin ni Brent sa huli.She wave her goodbye to the group at pumasok na sa loob ng clubhouse. Namili s'ya ng mga nagustohan n'ya at inilagay iyon sa loob ng basket na bitbit.Pagkatapos makapamili, pumila na s'ya sa counter para magbayad. Nang matapos makapagbayad inabot sa kan'ya ng clerk ang paper bag na ang laman ay ang kan'yang mga pinamili.Nagpasalamat s'ya rito at lumabas din agad para umuwi. Sa kabilang side s'ya dumaan para hindi makita at maiwasan n'ya ang grupo nila ni Joshua.Ngunit nagulat s'ya ng makita si Liezel na naka cross ang mga braso sa dibdib nito at nakataas ang kilay na nakatingin sa kan'ya.Hindi n'ya ito pinansin at lalagpasan n'ya na sana ito ngunit hinablot nito ang kan'yang braso at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa kan'ya.Pilit n'yang pinakalma ang sarili at iniisip na buntis ito at hindi n'ya pwedeng patulan."So what? Bumalik ka? Bumalik ka para manggulo na naman?" galit na sabi nito sa kan'ya. Iwinaksi n'ya ang kamay nito na nakahawak ng madiin sa kan'yang braso.Nakita n'ya pa ang marka ng kuko nito na bumaon sa kan'yang balat. Kinalma n'ya ang sarili bago ito hinarap at nagsalita."Can't you see na umiiwas na ako sa inyo? Ano pa ang gusto mong gawin ko Liezel. Joshua is all yours at wala ng aagaw pa sa kan'ya sayo. Ipanatag mo na ang loob mo dahil sayong-sayo na si Joshua," malamig na sagot n'ya sa babae."No Trina! Hangga't nasa paligid ka at umaaligid sa finacee ko, hinding-hindi ako mapapanatag," bulyaw nito sa kan'ya."Then problema mo na yon at hindi sa akin. Look Liezel, I'm trying to fix my life now. Gusto ko na ng tahimik na buhay, kaya pinapaubaya ko na sayo si Joshua. Rest assured na wala ng manggugulo pa sa buhay n'yo. Umiiwas na ako, sana ikaw din. Stop blocking my way dahil hindi ko maipapangako sayo kung hanggang kailan ako makakapagtimpi," malamig na sagot n'ya.Nginisihan naman s'ya nito at tiningnan mula ulo hanggang paa." Do you think takot ako sayo Trina? Kahit ano pang gawin mo, sa akin at sa akin pa rin maniniwala si Joshua. Sa paningin n'ya isa kang napakaduming basura. Look at yourself Trina! You look pathetic girl. Kaya siguro habol ka ng habol sa fiancee ko dahil wala ng pumapatol pa sayo. Paano naman kasi, bulok na siguro yang ano mo. Amoy basura na katulad mo," puno ng panunuya na sabi nito sa kan'ya.Gusto n'ya itong ingudngod sa sahig dahil sa mga pinagsasabi nito, ngunit kinalma n'ya ang sarili at pinili na lang na talikuran ang dalaga bago pa s'ya mawala sa sarili at kung ano pa ang magawa n'ya rito.Ngunit hindi s'ya nito hinayaan na umalis, hinablot nito ang kan'yang buhok dahilan para magulat s'ya at mabilis ang mga kamay na naitulak ang babae dahilan para mapasalampak ito sa sahig.Napasigaw naman ito sa sakit habang hawak-hawak ang puson nito at nakita n'ya ang pagdaloy ng dugo nito sa hita.Natigilan s'ya at biglang natuod sa kinatatayuan habang nakatingin sa babae."Ang baby ko! Help! Ang baby ko!" pagsusumigaw nito."Liezel!" malakas na boses ni Joshua ang pumukaw sa pagkatulala n'ya. Humahangos itong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila."Fvck! Anong nangyari?" balisang tanong nito sa nobya."Josh ang baby natin! Tulongan mo ako Josh! Ang baby natin, gustong patayin ni Trina," umiiyak na sumbong ng babae kay Joshua.Nanlilisik ang mga matang lumingon sa kinaroroonan n'ya si Joshua at walang pasubaling hinablot s'ya."Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa fiancee at anak ko. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulongan," malakas na bulyaw nito sa kan'ya at marahas s'yang binitawan sabay tulak dahilan para matumba s'ya sa sahig.Mabilis nitong binalikan ang nobya at mabilis na kinarga at umalis para dalhin sa hospital.Naiwan s'ya doon na nakasalampak sa sahig at tumutulo ang mga luha. Awang-awa s'ya sa sarili at kinakabahan din na baka mapaano ang anak nila ni Joshua at Leizel.JOSHUA HADES...Matapos makalabas ng hospital si Trina hindi n'ya na nakita pa ang babae. Hindi din s'ya interesado kung saan ito nagpunta. Focus s'ya sa buhay n'ya at sa babaeng mahal n'ya.Malaki pa nga ang pasasalamat n'ya na nawala na lang ito bigla sa kan'yang landas. Tahimik ang buhay n'ya at walang nambwebwesit sa kan'ya sa araw-araw na ginawa ng langit.Naunang nakalabas ng hospital ang kan'yang kasintahan at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay na binili n'ya para rito.Ayaw pa sanang tanggapin ng kasintahan ang bahay na binigay n'ya dahil nahihiya ito, ngunit ipinagdiniinan n'ya ito sa dalaga dahil naaawa s'yang nakikitira lang ang mga ito sa tiyahin nito sa isang squatters area.She don't look down Leizel dahil sa kahirapan din s'ya nanggaling. Lumaki din s'yang namamalimos sila dati ng kan'yang ina ng kaunting tulong para may pambili ng pagkain at nakikitira sa lola Teresita at mama Paulyn n'ya para may may matutulogan.He admire Leizel for being hardworking and independent
JOSHUA HADES...Masaya ang mga sumunod na araw n'ya. Walang Trina na sumisira sa kan'yang araw. Tahimik ang buhay n'ya, maganda ang takbo ng kan'yang negosyo at masaya ang pagsasama nilang dalawa ni Liezel at ng kanilang unborn child.Madalang silang magkita ngayon ng nobya, dahil madalas ang mga conference n'ya sa ibang bansa. Binibisita n'ya na rin ang mga negosyo n'ya sa overseas, since nandito na rin naman s'ya.Busy naman ang kasintahan sa trabaho nito at tanging sa telepono na lamang sila madalas na nag-uusap.Huling araw n'ya ngayon sa Brazil at pauwi na s'ya ng Pilipinas. Excited na s'yang umuwi at makita ang nobya.Nang tinawagan n'ya ito kahapon, sinabi nitong may surprise daw ito sa kan'ya pag-uwi, dahilan para gusto n'ya ng hilain ang mga oras para sa kan'yang flight.Dumating ang oras ng kan'yang byahe, pumasok s'ya sa eroplano na pag-aari ng tito Sebastian nila. Pati ang airport ay pag- aari din nito.Kampante s'yang naupo sa business class at agaran namang inistima ng
DANICA TRINA...Umuwi s'ya sa kanilang bahay matapos ang aksidente. Inihatid s'ya ni Brent na tahimik lang na umaagapay sa kan'ya sa paglalakad.Pagdating nila sa kanilang bahay nagulat s'ya ng may mga pulis na naghihintay sa kan'ya.It's Treavor Santorini, the chief of police na kaibigan ni Joshua at anak ng ninong Pharaoh n'ya. Laglag ang mga balikat nito habang nakatingin sa kan'ya na papalapit sa kanilang gate kung saan ito nakatayo.May idea na s'ya kung bakit ito narito at ngayon pa lang nasasaktan na s'ya."Shit! Bakit may mga pulis sa harapan ng bahay n'yo Dani?" usisa ni Brent sa kan'ya. Kambal ito ng kaibigan nilang si Bianca."To arrest me I guess," kibit-balikat na sagot n'ya sa binata. Hindi n'ya ipapakita sa mga ito na nasasaktan s'ya sa ginagawa ni Joshua."Putang'ina! Kaya n'yang ipaaresto ka? Hindi n'ya pa nga alam ang totoong nangyari. Ang nakita n'ya lang ang pagtulak mo sa nobya n'ya, hindi n'ya alam ang dahilan kong bakit mo itinulak ang babaeng iyon," gigil na sa
DANICA TRINA..."Tati and Bianca stop it," saway n'ya sa dalawa. Hindi makapaniwalang tiningnan s'ya ng mga ito."Seriously Trina? Ikaw na nga ang tinutulongan namin at inaalala dito, tapos ikaw parang wala lang sayo ang mga ginagawa nila?" galit na sita ni Tatiana sa kan'ya."Put your gun down you two," saway n'ya sa dalawang kaibigan. Hindi naman makapaniwala ang dalawa na tumingin sa kan'ya."Seriously Trina? Kami na nagpapakahirap dito, hindi ka lang makulong sa putang'inang kulongan na yan, tapos ikaw parang ok lang sayo ang lahat?" galit na sita sa kan'ya ng pinsan.Hayaan n'ya na muna ang mga ito sa mga ginagawa sa kan'ya. She's tired of depending herself to anyone. No one believes her at ang malala pa, s'ya pa rin ang lumalabas na masama.Kung ito ang ikakasaya ng pamilya ni Joshua, then be it. Ayaw n'ya na ng gulo pa, kaya tatanggapin n'ya kung ano man ang ihahain na kaso ng ninang Amber n'ya sa kan'ya."Hayaan n'yo na si ninang Amber sa gusto n'ya," seryosong sabi n'ya s
DANICA TRINA...."Open this fvcking door Treavor," malakas na sigaw ng isang taong kilalang-kilala n'ya.Napatayo agad s'ya ng bumukas ang pintoang bakal ng naturang selda at bumungad sa kan'ya ang mukha ng kan'yang ninong Red na puno nh pag-aalala at makikita ang galit sa mga mata nitong inilibot ang tingin sa paligid. Agad na sinugod s'ya nito ng yakap ng matapos nitong ilibot ang tingin sa buong paligid at tiningnan ang kan'yang katawan mula ulo hanggang paa."Ninong!" tawag n'ya rito. Umayos naman ito ng tayo mula sa pagkauklo dahil sinipat nito ang kan'yang mga paa kung may mga sugat s'ya o wala. Sinalubong nito ang kan'yang mga mata at iba't-ibang klase ng emosyon ang mababanaag n'ya rito."What the hell are you doing to yourself Trina? Bakit mo hinayaan ang mga El Frio na tratuhin ka ng ganito?" galit na sikmat nito sa kan'ya.Napayuko naman s'ya dahil nahihiya s'ya rito. Alam n'yang kalat na sa buong village ang nangyari sa kanila ni Joshua at sa kasintahan nito."N-Ninong
JOSHUA HADES...Matapos ang pambubogbog sa kan'ya ng ama ni Trina at ng tito Red nila naging tahimik na ang lahat.Hindi n'ya na rin nakita pa si Trina pagkatapos ng araw na iyon. Tahimik din ang kan'yang mga magulang at wala man lang may nabanggit sa kan'ya tungkol sa nangyari.Ipinagkibit balikat n'ya na lang ang pananahimik ng mga ito. Wala na rin s'yang kaibigan simula ng malaman ng lahat ang mga masasakit na salita na ibinato n'ya kay Trina.At wala naman s'yang pakialam sa mga ito. Hindi s'ya hihingi ng kapatawaran sa lahat ng binitawan n'yang salita kay Trina. Bagay lang sa kan'ya ang lahat ng narinig nito mula sa kan'ya.She deserves it dahil sa ginawa nito kay Liezel at sa anak nila. Muntik ng mawala ang kanilang anak dahil sa ginawa ni Trina dito. Hindi n'ya na rin itinuloy pa ang kaso pagkatapos ng lahat.Dahil hindi n'ya na rin naman nakikita ang babae kung kaya iniurong n'ya ang kaso laban dito. Ngunit gusto n'yang mag file ng restriction order against Trina.Ayaw n'ya n
JOSHUA HADES...Durog na durog ang kan'yang pakiramdam dahil sa nangyari. Halos hindi n'ya na makilala pa ang sarili.He was broken and hurt. Niloko s'ya ng babaeng tanging minahal n'ya. Pinaglaruan at inipotan sa ulo. Gusto n'yang magwala dahil sa sobrang galit at poot.Dumating ang mga pulis para aristuhin si Liezel. Nagpupumiglas pa ito at nagsisigaw ngunit wala ding nagawa ng sapilitan itong ipasok sa police car at dinala sa presento. Nakatungo lamang s'ya sa lupa habang walang imik.Parang hindi pa rin nag sink in sa utak n'ya ang lahat ng nangyari kamakailan lamang. Ang excitement n'ya sa kasal nila ay nagiging bangungot na hinding-hindi n'ya makakalimutan kailan man."Pack your things Joshua and leave. Lahat ng condo mo ay hindi mo na pwedeng tirhan. You cannot go to your company as well, you are totally ban. Lahat ng accounts mo ay naka freeze na din, you can't use your credit cards or any debit cards. Ang bar mo ay binawi na ng ninong Spike mo. You've got nothing now! Maghana
TATI & BIANCA...."Do you think he can survive?" "I hope so!""Naaawa ako sa kan'ya T.""Wala tayong magagawa, hindi tayo pwedeng makialam."Humihikbi si Bianca sa tabi ni Tati at nagpapahid ng luha na hindi maampat habang nakatingin sa nakakaawang si Joshua.Madungis na ito at parang hindi nakatikim ng pagkain dahil sa mabilis na pagsubo nito sa pagkain na pinagbigay nila ni Tati sa isang bata na nakita kanina.Nang mabalitaan ng dalawa na pinalayas ito ng kanilang ninang Amber at tinanggalan ng lahat ng karapatan sa mga ari-arian nito, ginawa nila ang lahat para mahanap ang binata.Nagkataon naman na ang pinapasunod na taohan ng ninang Amber nila kay close nilang dalawa ni Bianca, kaya napakiusapan nila ito.Kinutsaba ito ng dalawa at sinabing huwag ng e -report pa sa ninang nila ang pagbibigay nila ng pagkain dito. Lahat ng mga taong nilalapitan ng kuya Joshua nila para mag apply ng trabaho ay pinagbabantaan ng mga taohan ng kanilang ninang."Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni Tat
CALIXTA ASUNCION..."Nay inumin n'yo po ito tatlong beses sa isang araw ha, pagkatapos n'yo pong kumain. Kailangan may laman ang sikmura. Tsaka ito mga vitamins po ito para sa inyo. May schedule po tayo ng vaccination for flu at para sa baga para sa mga matatanda, pumunta po kayo, ok?" pagbibigay instruction n'ya sa matandang pasyente na nakaupo sa kan'yang harapan."Maraming salamat doctora. Malaki ang pasasalamat ng mga tao dito na nagkaroon ng doctor na may mabuting puso katulad n'yo para sa mga mahihirap na katulad namin. Imbes na kami ang magbayad sayo sa paggamot sa amin, ikaw pa itong nagbibigay ng libreng check up, mga gamot at mga vitamins para sa amin na taga baryo," naluluhang pasasalamat ng matanda.Matamis n'ya itong nginitian at inabot ang mga gamot at vitamins para rito."Ipinamahagi ko lang ang mga tulong na natatanggap ko nay. At huwag po kayong mag-alala marami po tayong sponsors sa mga medical missions na ginagawa ko rito sa atin," pagbibigay alam n'ya rito."Maramin
CALIXTA ASUNCION...It was indeed the best day of her life! Napakasaya n'ya, nilang lahat lalo na ang asawa at ang kanilang buong pamilya."Are you ready my love?" nakangiting tanong ng asawa sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay sa tanong nito."Ready for what hubby?""For our honeymoon! We're leaving now, are you ready?" "S-Saan tayo pupunta?" gulat na tanong n'ya rito. Wala naman kasi itong nabanggit na aalis pala sila."Secret! You will know later. C'mon let's go!" aya ng asawa sabay lahad ng kamay nito. Inabot n'ya naman ito at hindi na nagtanong pa.Madaling araw na natapos ang kasiyahan sa kanilang kasal at katatapos n'ya lang maligo at magbihis ngunit inaya na agad s'ya ng asawa na aalis.Tahimik silang lumabas ng bahay at nagpatianod lamang s'ya rito hanggang sa marating nila ang isang helicopter na naghihintay sa bakanteng lote sa likod ng kanilang bahay."We're going to use the helicopter, are you ok with this baby?" malambing na tanong ni Isaac."Anything hubby ba
CALIXTA ASUNCION...Masaya ang lahat na nagtungo sa kanilang bahay pagkatapos ng kanilang kasal para sa isang munting salo-salo na inihanda nila.Ngunit pagdating nila ay hindi naman munting salo-salo ang nakahanda dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa naka palibot na mga mahahabang mesa."Ang dami hubby, I thought simpleng salo-salo lang?" tanong n'ya sa asawa na mahigpit na nakahawak sa kan'yang kamay at inalalayan s'yang bumaba sa kanilang sasakyan."I invited the whole baryo wife para makakain din sila," balewalang sagot nito. May ngiti na sumilay sa kan'yang labi habang tinitigan ang mukha nito.Isaac is always the sweetest. Alam na alam nito kung paano s'ya pakikiligin at pasasayahin."Hmmm! Kaya mahal na mahal kita eh," nakangiting sabi n'ya. "And I love you more than anything else my gorgeous wife. Hmmm! I know na magiging masaya ka sa ganito kaya for my wife's happiness ay gagawin ko ang lahat dahil naniniwala ako sa kasabihan na— "A happy wife is a happy life," nakangitin
CALIXTA ASUNCION..."Isaac, tinatanggap mo ba bilang kabiyak si Calixta at nangangako kang magsasama kayo sa hirap at ginhawa habangbuhay?" tanong ng pari kay Isaac.Matapos ang pag-uusap at pagka- patawaran ng magkapatid kanina ay ipinagpatuloy ng pari ang pagkasal sa kanila."Opo padre," sagot ng asawa na ang mga tingin ay nasa kan'ya at mababanaag ang saya sa mga mata nito."Ikaw Calixta, tinatanggap mo ba itong si Isaac na maging kabiyak at katuwang sa buhay habangbuhay?" s'ya naman ang tinanong ng pari."Opo padre," sagot n'ya rito."It's time for your vows, Isaac you first," sabi ng pari. Ginagap ng asawa ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan. Nagpakawala muna ito ng hangin bago nagsalita."Ahmmm! Calixta Asuncion my love, hindi man ako perpekto na tao, marami akong pagkakamali na nagawa sa buhay ngunit nandito ako ngayon, buong pusong isinusuko ang aking sarili at nangangakong mamahalin ka hanggang sa aking huling hininga o kahit pa sa kabilang buhay. If I have given a ch
CALIXTA ASUNCION...The morning came and she still can't believe that she is going to marry the man she prayed for.Aaron Isaac Ponce ang nag-iisang lalaki na minahal n'ya ng sobra. Na sa pag-aakala n'ya ay nanakit sa kan'ya where in fact pinoprotektahan lang pala s'ya ng asawa na hindi masaktan ng ibang tao.She's so lucky to have him, sobrang mahal s'ya nito at pati na ang kan'yang pamilya. He is a full package na kumbaga. Gwapo, mayaman, mapagmahal, maalaga etc. Lahat na lang yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kay Isaac.Sino ang mag-aakala na magugustohan s'ya nito? She's nothing! A promdi girl na nakipagsapalaran sa Maynila para makapag trabaho para maiahon ang pamilya sa kahirapan.Isang tatanga-tanga at mang-mang na babae na walang alam sa buhay pero pinatulan at minahal ng isang Aaron Isaac Ponce— a billionaire!God gives her more than what she deserves. Sobra-sobra ang biyaya na kan'yang natanggap mula sa langit at ang pinakamalaking blessings na yan ay s
CALIXTA ASUNCION....Matapos ang ilang ulit na pag love-making dahil sa panlalandi n'ya sa asawa kanina ay nakatulog s'ya dahil sa pagod.Paano ba naman kasi, hindi na naman s'ya tinantanan ni Isaac hangga't hindi nasaid ang kan'yang energy at katas.Nag-unat s'ya ng mga kamay dahil pakiramdam n'ya ay nabugbog s'ya ulit. Pero napangisi din ng maisip ang sarap sa ginawa ng asawa sa kan'ya.Dahan-dahan s'yang bumangon at tinungo ang banyo. Mag aalas singko na pala ng hapon.Ang haba ng itinulog n'ya. Kasal na nila bukas pero ang asawa n'ya ay s'yang busy sa pagtulong sa preparasyon samantalang s'ya ay pahila-hilata lang dahil napagod sa kaldagan at sumasakit ang pukekay.Lihim s'yang natawa sa kan'yang iniisip. Itinapat n'ya ang sarili sa shower at binuksan iyon. Bumuhos ang malamig na tubig sa kan'yang katawan at nakaramdam s'ya ng kaginhawaan.Bumaba din s'ya pagkatapos maligo at naabutan ang mga tao na may kan'ya- kan'ya ng ginagawa."Oh Asun gising ka na pala? Kumain ka na muna d'ya
CALIXTA ASUNCION...Nagising s'ya kinabukasan na mataas na ang araw. Kinapa n'ya ang kan'yang katabi ngunit wala na ang kan'yang mag-ama.Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa kan'yang labi ng maalala ang lahat kahapon. Naka score na naman ang asawa n'ya at syempre patatalo ba s'ya? Umiskor din s'ya ulit kagabi hanggang halos umagahin na sila. Sinulit nila ang s'yam na taon na magkahiwalay at magkalayo sa isat-isa.Dahan-dahan s'yang bumangon at nagpasyang maligo ngunit agad ding napangiwi ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kan'yang pagkababae."Ayan, kaldag pa more Calixta," kastigo n'ya sa sarili. Kinalma n'ya muna ng ilang segundo ang katawan bago pinilit na tumayo at dahan-dahan na naglakad patungo sa banyo.Madalian s'yang naligo dahil gusto n'ya ng makita ang kan'yang mag-ama. Iniwan lang s'ya ng mga ito habang tulog pa.Matapos maligo ay agad s'yang nagpalit ng damit at nagpasyang bumaba ngunit pagbukas n'ya pa lang ng pinto ay ang maiingay at malakas na tawan
CALIXTA ASUNCION...Dinilaan n'ya ang paligid ng ulo ng pagkalalaki ni Isaac at ganon na lang ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg at pamumula ng mukha.Pinapungay n'ya ang mga mata na tiningala ang asawa habang ang kan'yang dila ay busy sa ginagawa nito."Oh fvck!" pagmumura ni Isaac ng sundot-sundotin n'ya ang butas ng pagkalalaki nito gamit ang kan'yang dila.She is not the innocent Calixta anymore. She studied medicine at kasama sa pinag-aralan n'ya ang tungkol sa sex. Natuto na din s'yang manuod ng porn kaya masasabi n'yang marami na s'yang alam pagdating sa ganitong bagay.Akmang isusubo n'ya na ang ulo ng paglalaki nito ng biglang maalala ang pintoan. She learned her lesson already at ayaw n'ya ng maulit pa ang nangyari na naging dahilan ng paghiwalay nila ni Isaac."Hubby did you lock the door?" tanong n'ya rito. Mukhang nataohan naman ito at mabilis na bumaba ng kama."Fvck!" mabilis ang mga kilos na lumapit ito sa pinto at agad na ni lock iyon. Bumalik din agad ito sa kama
CALIXTA ASUNCION..."H-Hindi ka galit kay daddy anak?" kinakabahang tanong ni Isaac kay Archer. Kita sa mga mata nito ang pag-alala sa maging sagot ng anak."Nope! Why would I dad? Mommy told me everything about you. How good you are, how you care for her, how you love her and how you hurt her too. But don't worry dad, naniniwala ako na may reason ka why you did that to her, am I right?" tanong ng anak dito.Sinapo ni Isaac ang magkabilang pisngi ni Archer at lumuluhang pinakatitigan ang mukha nito."Ang talino mo, your mommy taught you so well. I am very proud of you son and I'm so sorry na lumaki ka na wala si daddy sa tabi mo. Babawi ako anak, babawi ako sayo," umiiyak na sabi ng asawa sa anak nila. Nagpapahid din s'ya ng luha habang nakatingin sa dalawa."Asun ano tong sabi ng nanay mo na pupunta dito ang nobyo mo? Ano ba Asun ang sumagi d'yan sa u—," boses ng kan'yang tatay na kapapasok lang sa kanilang bahay ngunit naudlot ito nang makita si Archer."Hi lolo magandang hapon po.