Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para makapasok nang maaga sa paaralan. Dahil sa isa sa mga shareholder ang kanyang ama ng eskwelahang ito kaya napagbigyan siya na hindi muna pumasok ilang buwan din kasi siyang hindi nakapasok simula noong ikinasal sila ni Beast.
Ang New World University na pinapasukan niya ay isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas. Dahil sa isa sa mga shareholder ang kanyang ama ng eskwelahang ito. Hindi naman siya hirap sa paghabol ng mga kulang niya na project at exams sa professors niya dahil isa siya sa mga magagaling sa kanilang departamento.
Kilala rin ang NWU dahil sa puro mga naka-kotse ang estudyanteng nag-aaral dito at puro anak ng mga sikat na negosyante at government officials ang puwedeng pumasok dito pati rin sa makabagong paraan ng pagtuturo ng mga professor.
"Kumusta naman ang buhay may asawa, Kyenn?" nakangiting tanong ni Shaira sa kanya.
"Siguro lagi kang ginagabi-gabi ni Kuya John. Sabagay, hindi ka na lugi sa kanya kasi ang "yummy" siguro ng biceps at abs niya. Kung ako 'yon baka lagi lang ako bu... Aray naman Kyenn."
Kinurot ni Khrystal si Daniela sa kanyang tagiliran para matigil na ito sa kasasalita. Naisip niya na kaibigan niya nga ang dalawa kasi ang galing nila mambuwisit sa kanya.
"Tigilan niyo na nga akong dalawa. Nakakahiya sa mga nakakarinig sa inyo. Baka sabihin ng iba na nagkaasawa lang ako e malaswa na agad ang mga pinag-uusapan natin. Alam niyo namang kilala ako ng ibang mga estudyante rito bilang si Khrystal Kyenn Fuentebella-Montecillo na isang inosente, mahinhin at mabait," walang kangiti-ngiting sabi niya.
"Saka alam niyo bang wala pang nangyayari sa amin simula noong ikinasal kami. Siguro wala akong dating para sa kanya. Pero mas gusto ko na 'yon dahil virgin pa rin ako. Ibig sabihin may pagkakataon pa ako na maging kami ng crush ko," dagdag niya pa.
"Hay naku lukaret ka! Tigil-tigilan mo nga 'yan, Kyenn. Kasal ka na kaya wala ka ng takas sa pangako niyo sa isa't isa na magsasama habambuhay," nangangaral na sabi sa kanya ni Shaira.
"Kung alam niyo lang kung gaano ka-bipolar 'yong Beast na 'yon," naaawang sabi niya sa kanyang isip.
Nanahimik na lang siya para hindi na humaba pa ang usapan. Ayaw niya rin kasing sabihin pa sa kanila ang sitwasyon nila sa bahay dahil baka malaman pa ng daddy niya ay mag-alala pa ito. Kahit naman masama ang loob niya sa kanyang ama ay ayaw niyang problemahin pa nito ang tungkol sa kanya dahil matanda na rin siya.
"Alam kong hindi madaling mag-asawa Kyenn. Hindi mo lang siguro minsan maintindihan si John dahil sampung taon ang tanda niya sa 'yo pero kailangan mong tanggapin na kasal ka na," nagpapaunawang saad ni Danella.
"Sana nga tama 'yong sinabi mo," sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. "Tara na sa classroom baka mahuli pa tayo sa klase e hindi pa tayo papasukin ni Ms. Alexa."
Nauna na siyang tumayo sa bench kung saan sila nakaupo kanina. Nandito sila sa garden kung saan paborito nilang tambayan na tatlo.
Nakita ni Khrystal na pareho silang napatingin sa kanilang relo na pambisig. Pagkatapos nilang makita ang kanilang relo ay nagmadali na silang kumilos para tumayo. Sampung minuto na lang kasi ay mag-uumpisa na ang klase nila sa English kaya lakad-takbo na ang ginawa nila makarating lang agad sila sa klasrum.
Simula noong 1st year college hanggang ngayong 2nd year college ay magkaklase na silang tatlo sa kursong Marketing Management. Halos hindi na sila mapaghiwalay dahil nga sa pareho sila na nag-iisang anak ng mga magulang nila maliban kay Shaira na may half-sister at pare-pareho sila ng trip maliban sa ibang bagay. Itinuring na kasi nila ang isa't isa na magkapatid. Kaya ang ibang mga mag-aaral ay ilag sa kanilang tatlo dahil na rin sa impluwensiya na mayroon ang pamilya nila.
Si Danella Ruiz kasi ay anak ng may-ari ng sikat na Talent Agency sa buong bansa, habang si Shaira Arcilla naman ay anak ng isang retired General.
Bumalik lang sa ulirat ang isip niya nang biglang may humila sa kanyang kanang braso.
"Ano ka ba Kyenn bilisan mo naman ang maglakad kasi mahuhuli na tayo. Bakit ka ba kasi huminto?" hinihingal na tanong naman ni Danella kay Khrystal. Habang nakatayo naman si Shaira sa unang baitang ng hagdan.
"Wala naman," nakangiting sagot niya. "Tara na kasi limang minuto na lang ang natitira sa atin."
Sabay-sabay na silang nagmadaling umakyat para makarating sa pangatlong subject nila. Mas nasasabik pa siyang pumasok sa paaralan kaysa ang makasama ang asawa niyang si Beast.
Makikita mo ang gulat sa reaksyon ng mga kaklase nila dahil sa nakitang itsura nila na pawis na pawis.
"Ky-Kyenn talo ko pang hihimatayin sa ginawa nating pag-akyat sa hagdan. Mabuti na lang wala pa si Ms. Alexa rito kung bakit naman kasi hindi tayo gumamit ng elevator," sabi ni Shaira habang nagpupunas ng pawis sa kanyang mukha.
"Masyado na kasi tayong nagmadali kanina kaya hindi na natin naisip na mag-elevator. Pero okay na 'to kasi nakapag-exercise rin naman tayo," dagdag na sabi naman ni Danella.
"Umupo na tayo, baka kasi maabutan pa tayong nakatayo ng teacher natin ay sumimangot na naman siya. Alam mo na masyadong insecure sa kagandahan natin 'yon. Kung di lang magaling magturo e baka pinatanggal ko na 'yon," mahinang sabi niya sa kanila pagkatapos ay pumunta na kami sa kani-kaniyang upuan.
Mayamaya ay dumating na rin si Ms. Alex pagkatapos ay nagturo agad siya. Lumipas ang mga oras na nakinig lang kaming lahat sa mga idini-discuss sa kanila.
Natapos ang buong araw na nakaupo lang sila habang nakikinig. Talo pa nilang nasa misa habang nakikinig sa sermon ng pari. Wala man lang group discussion o kaunting games.
Pero masaya pa rin siya dahil kahit papaano ay may iba pa siyang makakasalumuha. Parang ayaw niya na ngang umuwi sa bahay kasi makikita niya na naman ang kinaiinisan niya. Napabalik lang siya sa ulirat ng tapikin siya ni Daniela. "Kyenn! Tara na, umuwi na tayo. Mukhang nagde-day dreaming ka pa habang dilat ka riyan."
"Pasensya na, may naalala lang kasi ako kaya nawala ako sa wisyo," hinging paumanhin niya sa kanila.
Kinuha niya na ang bag sa kanyang upuan at sabay na silang naglakad palabas ng classroom. Ayaw man niyang umuwi sa bahay ay kailangan, dahil baka magtaka sina Danella at Shaira kung bakit ayaw niyang umuwi sa bahay ni Beast.
Habang naglalakad sila papuntang parking lot ay wala siya sa sariling naglalakad. Kahit kinakausap siya ng dalawa ay hindi niya maintindihan, dahil nga ang nasa isip lang niya ay ang mamamayang pag-uwi niya. Nasa kulungan na naman kasi siya ng halimaw.
"Kyenn gusto mo bang gumala tayo? Mukha naman kasing wala ka pang balak na umuwi e tapos idagdag pang para kang loka-loka na naglalakad sa kalsada," tanong ni Danella sa kanya habang niyuyugyog siya sa kanyang balikat.
"Anong loka-loka ako? Ang ganda ko naman para maging baliw. May iniisip lang kasi ako kaya hindi ako makasabay sa pinag-uusapan niyo. Kung si Alec Montemayor pa 'yang pinagkukuwentuhan niyo puwede pa," sagot naman ni Khrystal sa kaibigan.
Matagal niya na kasing gusto si Alec. Bata pa lang sila ay kilala na niya ito dahil nga sa magkatabi lang ang bahay nilang dalawa. Naging malapit sila sa isa't isa simula noong tinulungan siya nitong itayo no’ng mabagsakan siya ng bike dahil sumemplang siya malapit sa tapat ng bahay nito. Hinangaan niya na ito dahil doon.
Simula no’n ay palagi na silang naglalaro kaya mas lalong nadadagdagan ang pagkagusto ni Khrystal sa kanya. Nagbago lang si Alec ng pakikitungo sa kanya noong nagsimula na siyang magdalaga at ito naman ay magbinata.
"Demanding pa ang babaeng 'to. Speaking of Alec, alam niyo bang break na sila ng girlfriend niyang bilasa na?" masayang kuwento naman ni Shaira.
"Aba, talaga? Kailan pa?" kinikilig na tanong naman niya sa kabigan.
"Hindi ko alam kung kailan. Huwag ka ng umasa na magkakaroon ka ng pag-asa kay Alec dahil hindi ka na dalaga, Kyenn," pambabara naman na sagot sa kanya ni Shaira.
"Bakit ba? Wala namang batas na nagsasabi na bawal na magkagusto sa iba 'yong may asawa na. Kaibigan ko ba talaga kayo? Alam niyo namang hindi ko gusto 'yong Beast na iyon e."
"Naku, tama na nga 'yan pumunta na lang tayo ng mall para naman makapag-relax ang utak ng kaibigan natin na 'yan at mawala na sa isip pa ang lumandi. Kung ako nasa kalagayan mo baka lagi akong naka-sexy dress kapag umuuwi siya," malanding saad ni Danella habang kinakagat-kagat pa ang kanyang kanang hintuturo.
"Kung alam niyo lang kung gaano ka-bipolar ang lalaking 'yon baka kainin niyo ang sinabi niyong iyan," sabi ko sabay irap sa kanilang dalawa. "Ano? Aalis pa ba tayo o hindi na?"
"Oo na aalis na po tayo," nakangising sagot naman ni Shaira sa kanya.
Nakita niyang nagsikuhan muna ang dalawa bago naglakad. Siguro nasa isip nila na nagbago siya simula noong ikasal siya kay Beast. Lagi na kasing mainitin ang ulo niya at madali na rin siyang mabuwisit. Pakiramdam niya ay nahahawa na siya sa lalaking 'yon at bumabalik na rin ang dating ugali niya.
Nakarating sila sa Robinsons Ortigas ng pasado alas-singko na ng gabi. Dumiretso muna sila sa comfort room sa may 2nd floor para maglagay ng kaunting pulbo at lip tint sa kanilang labi. Pagkatapos ay dumiretso sila sa 5th floor kung saan nandoon ang Tom's World.
Isang oras din ang ginugol nila sa paglalaro ng iba't ibang games. Nang makaramdam sila ng gutom ay kumain muna sila sa KFC, nagkuwentuhan at nagpahinga saglit bago umuwi sa kani-kanilang bahay.
Pasado alas-siyete na nakauwi si Khrystal sa bahay ni Beast. Panigurado siyang wala pa naman ito ng ganitong oras dahil masyadong workaholic ang lalaking 'yon. Pagkababa niya sa kotse na palaging naghahatid-sundo sa kanya ay nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito kaya unti-unting nakaramdam siya ng pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa kabang naramdaman niya.
"Manong Delfin, bakit po para kayong nag-aalala?" hindi makatiis na tanong niya rito.
"Mukhang nandiyan na kasi si Sir John. Baka po mapagalitan tayo dahil ginabi na tayo ng uwi," takot na sabi nito. Alam kasi nito ang ugali ni Beast kapag nagagalit.
"Ako pong bahala sa kanya. Huwag po kayong matatakot na mapagalitan," pilit na ngiting sagot niya rito.
Pumayag lang kasi kanina si manong na gumala sila ng mga kaibigan niya dahil sa pangungulit niya rito. At ayaw niyang madamay pa ito sa away nilang dalawa mamaya kung sakali, dahil medyo matagal na ruin niya itong drayber.
Tumalikod na siya at naglakad papunta sa pinto ng kanilang bahay. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at mala-ninjang naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Panatag siya na tulog na ang mga kasambahay at wala pa ang asawa niya ng ganitong oras.
Pero siyempre kailangan niya pa ring mag-ingat dahil baka umusok ang ilong nito sa galit oras na malaman nitong ginabi na siya ng uwi. Maingat niyang isinira ang pinto at humarap papuntang hagdan para umakyat na sa kanyang kuwarto pero parang nakakita ng multo si Khrystak dahil sa nanigas siya mula sa pagkakatayo dahil sa di niya inaasahang makita.
"Why are you late?" malakas na sabi ni Beast na ikinatalon niya dahil sa gulat. Nakita niyang salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot.
"Being single is smarter than being in the wrong relationship." "So what kung late na ako umuwi? May problema ba roon, asawa ko?" nakangising sabi niya sa kanyang asawa habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang.Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hinila sa kanyang kanang braso at iginiya paakyat sa taas. "Patay mukhang dadalhin pa ata niya ako sa kuwarto niya," sabi niya sa kanyang isip habang sumusunod sa bawat galaw nito dahil sa takot niya na mahulog o makaladkad sa hagdan."I think kailangan mong maturuan ng leksyon, asawa ko," seryosong sabi ni John sa akin habang puno ng galit ang kanyang mga mata."Ba-bakit? Anong
“Never build your emotional life on the weaknesses of others.”“Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito? Bakit hindi ko alam na ganoon na pala kalala ang kalagayan ng da-daddy ko?” hilam sa luhang nakatingin lang si Khrystal sa kanya. Nakita niyang punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito nang makita nito ang kalagayan ng kanyang ama na nakahiga sa kama.Umpisa pa lang bago sila pumasok sa mansion ng mga Fuentebella ay alam na niya kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang asawa sa itsura ngayon ng kanyang daddy.Mababakas kasi sa mapanglaw nitong mata ang pangungulila at pagkasabik na makita ang kanyang anak habang kita ang panghihina ng kanyang katawan dahil sa medyo humpak nitong pangangatawan.Ngunit hindi niya inaa
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kayang tanggapin ni Khrystal na may taning na ang buhay ng kanyang daddy. Ayaw niyang mawala ang Daddy Drixx niya dahil ito na lang ang nag-iisang tao na tanging kakampi niya sa mundo. Pero ano bang magagawa niya kung babawiin na ng Diyos ang buhay nito? Sa ngayon ay ibibigay niya na lang kung anong gusto ng daddy niya.Noong hinatid siya ni John sa bahay ng daddy niya para samahan ito sa loob ng isang buwan ay masayang-masaya siya dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon para maalagaan ito. Katulad ng ginawang pag-aalaga sa kanya ng kanyang magulang no’ng bata pa lang siya.Dahil nakaratay na ito sa kanyang higaan ay palagi niyang dinadalhan at sinusubuan ito ng pagkain. Pagkatapos ay sinasamahan niyang manuod ng mga paborito nitong palabas no’ng kapanahunan niya at makinig ng mga musik
Hinawakan ni Khrystal ang dalawa niyang kamay pagkatapos ay hinubad nito ang kanyang suot sando na naging dahilan para lumitaw ang makisig niyang dibdib. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito dahil siguro ngayon lang ito nakakita ng katawan ng lalaki.Pagkuwa’y dinala nito ang kamay sa kanyang dibdib na marahang pinadulas hanggang sa tiyan niya… Mayamaya ay marahang hinaplos-haplos ni Khrystal ang kanyang abs na parang nagmamasa ito ng tinapay. Hindi siguro siya makapaniwala na may “abs” ang guwapong asawa niya tapos idagdag pang may manipis na balahibo na bumabakat pababa sa kanyang pagkalalaki. Pakiramdam niya tuloy ay may apoy na unti-unting tumutupok sa kanyang katinuan dahil sa nakikitang kainosentehan sa babaeng kasama niya.Kita niya ang pamumula sa mukha ni Khrystal habang ginag
Naging mas mainit, mas mapangahas na ngayon ang uri ng paghalik ni John sa kanya. Tinitikman nito ang bawat parte ng kanyang bibig gamit ang kanyang mapusok na labi pati ng kanyang ngipin at dila. He was nibbling, sucking my lips and that wild kisses setting her body on fire.Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang mundo dahil sa ginagawa nito. Gusto niya lang na nakalapat ang kamay ni John sa umbok ng kanyang dibdib. She likes it so much that she even pushed his chest towards mine. He let out a throaty growl and somehow, that guttural sound made her more aroused.“Mmmm…” napaungol siya dahil sa ginagawa nitong paghawak sa kanyang dibdib at pagpapatuloy ng paghalik sa kanyang labi.Dumiin ang pagkakahawak niya sa likod nito nang isagad pa nito ang naglalabas-masok na dila nito sa loob ng kanyang bibig. She welcomed the intruder in her mouth by sucking it. Nagustuhan naman yata nito ang kanyang ginawa da
Kinabukasan ay gumising siya nang maaga na parang walang nangyari dahil naisipan pa niyang pumasok sa school. Pakiramdam niya kasi ay nananaginip lang siya kagabi na may nangyari sa kanila. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na isinuko niya kay Beast ang Bataan. But she just feels sore down there right now so she guesses it’s real.“Shocks, bakit kaya Bataan ang tawag sa virginity ng babae? Hindi puwedeng purity o Korea na lang kaya? Pati tuloy ako nakikigaya na, mga pinoy talaga ang hilig magpauso,” kunot-noong sabi niya sa kanyang isip.Mukhang totoo nga ang kasabihan na “The best way to a man’s heart is through sex…este through stomach pala”, kaya nga simula nang may nangyari sa kanila ni Beast ay parang may nagbago ng kaunti sa pakikitungo nito sa kanya.Bumaba na agad siya ng kotse noong makita niya na nasa parking lot na sila ng school. Nakita niya sa bandang school
HABANG nakahiga siya sa isa sa mga guest room ng bahay ni Tito Drix ay hindi niya maiwasang balikan ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Tulala lang siya habang nakatingin sa puting kisame ng kanyang kuwarto.“Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka sa kaibigan ng papa mo? Baka naman mahirapan ka at mahirapan din siya sa gagawin niyong pagpapakasal?” nag-aalalang tanong ng mama niya sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha. Siguro iniisip nitong mapapabago pa niya ang kanyang desisyon. “Ma, alam kong mahirap ‘tong pinasok ko pero gusto ko lang tulungan si Tito Drix. Alam niyo namang may taning na ang buhay niya at sa akin lang niya puwedeng ipagkatiwala ang nag-iisang niyang anak na babae pati ang kompanya nila. Kung inaalala niyo ang sakit ko huwag kayong mag-alala dahil pipilitin kong pigilan ang sarili ko,” nagpapaunawang paliwanag niya.
Kasalukuyan siyang nasa banyo nang marinig niya na may kumakatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Dali-dali siyang nagtapis ng tuwalya sa kanyang katawan pagkatapos ay pinuluputan niya nang maliit na tuwalya ang kanyang buhok.“Sino kaya ang kumakatok sa pinto?” tiningnan niya ang kanyang orasan na pambisig at nakita niyang alas-sais na ng umaga.Pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita niyang prenteng nakaupo lang si Beast sa kanyang kama na animo’y close silang dalawa. Kaya pala wala ng kumakatok sa pinto niya ‘yon pala may nakapasok na palang guwa…halimaw sa kanyang kuwarto. Dahil sa biglang pagragasa ng dugo sa kanyang ulo ay nakaramdam siya ng inis sa ginawa nitong pagpasok na walang permiso.“Shit! Aray h
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
Five months later…Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana.“So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumunod sa kanyang gusto,” bulong na sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay
“Long time no see, Khrystal! Oo nga pala condolence sa pagkamatay ng dad mo. Nalaman ko lang no’ng sinabi sa akin ng Papa nitong si John. Saka akalain mo ‘yon kayo palang dalawa ang itinadhana ng kalangitan na maging mag-asawa. By the way, pasok pala kayo sa loob. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko kayong magkasama e nakalimutan ko ng papasukin kayo,” natutuwang sabi ni Doc. Dormis sa kanila ni John.Saglit na tumingin si Khrystal sa mukha ni John upang makita ang reaksyon nito. Hindi siya nagkamali na makita ang pagtataka na mababakas sa mukha nito dahil sa nalamang kilala siya ni Doctor Dormis.“Kami rin po natutuwang makita kayo pero kailangan po muna namin ulit umalis Doc. Crystelle. Mukhang may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa…” sabi ni Khrystal na alanganing ngum
MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…“Totoo ba ‘tong mga nakasulat dito sa papel na ‘to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?” nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni
Hindi mapigilan ni John ang mag-isip habang naglalakad papasok sa pinto ng kanilang bahay. Pumasok siya at umuwi na walang ibang iniiisip kung di ang nangyari kagabi. Pinagsisihan niya na nasaktan niya ang kalooban ng asawa niya at higit sa lahat ay muntik na niya itong saktan. Gano’n siguro kapag lasing nawawala ang kontrol mo sa sarili at sa sasabihin mo. Iyon kasi ang sumunod na beses na nag-inom siya ulit.Mahal na mahal niya ang asawa at anak. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang maging masaya ito at ‘wag mawala sa piling niya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang hindi sila guluhin ni Marianne at huwag sabihin dito ang itinatago niyang sekreto.Maaga niyang tinapos ang mga gawain sa opisina para dumiretso sa Flower Shop at bumili ng isang pumpon ng pulang rosas na ibibigay niya sa kanyang asawa. Alam niya kasing paborito niya ito kaya ‘to ang naisip niyang peace offering sa kanya.
Kinagabihan ay dumiretso na agad siya sa kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Janice. Tumingin siya sa orasan na nasa dinding at nakita niyang alas-diyes na ng gabi.“Bakit kaya wala pa si Beast? Tapos hindi pa siya nag-text sa akin. Lagot talaga siya sa akin mamaya kapag pumasok siya rito sa kuwarto namin,” nakasimangot na sabi niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw sa kuwarto.Pagkatapos ay binuksan niya ang lampshade na malapit sa kama. Hindi mapakaling humiga siya roon habang nakatingin lang sa kisame at hinihintay na dumating ang magaling niyang asawa. Mayamaya ay nakarinig siya ng tunog ng sasakyang dumating kaya agad siyang tumayo at sumilip sa bintana.Nakita niyang bumaba si Beast sa BMW niyang kotse dala ang kanyang attache case. Pansin niyang tumin
“Good morning, my sweet lips,” nakangiting sabi ni John habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polong suot.“Good morning, Beast. Ba’t ang aga-aga bihis na bihis ka?” nagtatakang sabi ni Khrystal sabay ayos ng upo sa higaan habang kinukuskos ang kanyang mata.“Khrystal, you know what your voice sounds like rocks scraping across sand paper,” birong sabi ni John pagkatapos ay tumawa na animo’y nang-aasar kaya binato siya ng asawa ng unan na malapit sa kanya. “Kailangan ko kasing makipagkita sa isa sa kliyente ko. Baka gabihin na ako sa pag-uwi mamaya kaya magpahinga ka na agad nang maaga at huwag mo na akong hintayin.”Nakatanaw lang sa kanya si Khrystal habang sinusuklay ang buhok niya pagkatapos ay nagsuot na siya ng medyas.“Basta mag-text ka para alam ko kung anong nangyayari sa ‘yo ha? Kapag hindi ka nag-text sa labas ka matutu
Simula ng dumating si Marianne mula sa ibang bansa ay nagpasya siyang tumira sa pinsan niyang si Alec. Dahil malaki ang posibilidad na makita niya si John dahil nalaman niyang matalik na kaibigan nito noon si Khrystal at malapit ang bahay nito sa tinitirhan ng ex-live in partner niya. Hindi nito alam ang tungkol sa binabalak niyang pag-angkin muli kay John kaya malayang niyang nakikita ito mula sa bintana ng kanyang tinutuluyan. Pinili niya ang kuwarto kung saan makikita niya kung saan naglalabas-masok ang lalaki tuwing pumapasok at umuuwi ito galing sa trabaho.“Ate Marianne, napapansin ko lagi kang nakasilip diyan sa bintana? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nanunuring tanong ni Alec sa kanyang pinsan. Umpisa pa lang kasi ay napapansin niya na sa kanyang pinsang si Marianne na laging may kakaiba sa ikinikilos nito.“Naku naman Alec! Pinaghihinalaan mo ba ang pinsan mong maganda?” natatawang sagot ni Marianne