Naging mas mainit, mas mapangahas na ngayon ang uri ng paghalik ni John sa kanya. Tinitikman nito ang bawat parte ng kanyang bibig gamit ang kanyang mapusok na labi pati ng kanyang ngipin at dila. He was nibbling, sucking my lips and that wild kisses setting her body on fire.
Pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang mundo dahil sa ginagawa nito. Gusto niya lang na nakalapat ang kamay ni John sa umbok ng kanyang dibdib. She likes it so much that she even pushed his chest towards mine. He let out a throaty growl and somehow, that guttural sound made her more aroused.
“Mmmm…” napaungol siya dahil sa ginagawa nitong paghawak sa kanyang dibdib at pagpapatuloy ng paghalik sa kanyang labi.
Dumiin ang pagkakahawak niya sa likod nito nang isagad pa nito ang naglalabas-masok na dila nito sa loob ng kanyang bibig. She welcomed the intruder in her mouth by sucking it. Nagustuhan naman yata nito ang kanyang ginawa da
Kinabukasan ay gumising siya nang maaga na parang walang nangyari dahil naisipan pa niyang pumasok sa school. Pakiramdam niya kasi ay nananaginip lang siya kagabi na may nangyari sa kanila. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na isinuko niya kay Beast ang Bataan. But she just feels sore down there right now so she guesses it’s real.“Shocks, bakit kaya Bataan ang tawag sa virginity ng babae? Hindi puwedeng purity o Korea na lang kaya? Pati tuloy ako nakikigaya na, mga pinoy talaga ang hilig magpauso,” kunot-noong sabi niya sa kanyang isip.Mukhang totoo nga ang kasabihan na “The best way to a man’s heart is through sex…este through stomach pala”, kaya nga simula nang may nangyari sa kanila ni Beast ay parang may nagbago ng kaunti sa pakikitungo nito sa kanya.Bumaba na agad siya ng kotse noong makita niya na nasa parking lot na sila ng school. Nakita niya sa bandang school
HABANG nakahiga siya sa isa sa mga guest room ng bahay ni Tito Drix ay hindi niya maiwasang balikan ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Tulala lang siya habang nakatingin sa puting kisame ng kanyang kuwarto.“Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka sa kaibigan ng papa mo? Baka naman mahirapan ka at mahirapan din siya sa gagawin niyong pagpapakasal?” nag-aalalang tanong ng mama niya sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha. Siguro iniisip nitong mapapabago pa niya ang kanyang desisyon. “Ma, alam kong mahirap ‘tong pinasok ko pero gusto ko lang tulungan si Tito Drix. Alam niyo namang may taning na ang buhay niya at sa akin lang niya puwedeng ipagkatiwala ang nag-iisang niyang anak na babae pati ang kompanya nila. Kung inaalala niyo ang sakit ko huwag kayong mag-alala dahil pipilitin kong pigilan ang sarili ko,” nagpapaunawang paliwanag niya.
Kasalukuyan siyang nasa banyo nang marinig niya na may kumakatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Dali-dali siyang nagtapis ng tuwalya sa kanyang katawan pagkatapos ay pinuluputan niya nang maliit na tuwalya ang kanyang buhok.“Sino kaya ang kumakatok sa pinto?” tiningnan niya ang kanyang orasan na pambisig at nakita niyang alas-sais na ng umaga.Pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita niyang prenteng nakaupo lang si Beast sa kanyang kama na animo’y close silang dalawa. Kaya pala wala ng kumakatok sa pinto niya ‘yon pala may nakapasok na palang guwa…halimaw sa kanyang kuwarto. Dahil sa biglang pagragasa ng dugo sa kanyang ulo ay nakaramdam siya ng inis sa ginawa nitong pagpasok na walang permiso.“Shit! Aray h
Isang buwan na ang nakalipas mula noong hinatid-sundo na siya ni Beast sa paaralang pinapasukan niya. Habang tumatagal feeling niya napaka-clingy na ni John. Sabagay sa ganda ba naman niya? Talagang dapat maging clingy ito dahil kung 'di e baka mawala ang isang nagngangalang si Khrystal sa tabi niya sa isang iglap.Napahawak na lang siya sa kanyang ulo dahil naalala niyang September 20, 2018 na ngayon. Ibig sabihin ngayon ang ikaapat na buwan simula ng ikasal sila noong June 20, 2018 at naging Mrs. Montecillo siya. Sabagay hindi rin naman sila nagse-celebrate kaya ayos lang. Normal day lang kumbaga sa mga “single”.Tumayo na siya sa kanyang higaan para maligo. Balak niya sanang maglakad-lakad sila ng daddy niya ngayon sa garden. Kaya gumising talaga siya ng alas-singko para hindi pa tirik ang araw sa
“Seryoso Khrystal? Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng tandang?” seryosong tanong ni John habang nakakunot ang noo.“Anong pakialam mo sa ibig sabihin ng tandang na ‘yan? Puwede ba mag-drive ka na lang at baka mabangga pa tayo! Saka labinlimang minuto na tayo nasa kalsada wala pa rin tayo sa pupuntahan natin,” napasimangot na lang siya pagkatapos niyang magsalita.Nagulat na lang siya nang bigla may dumampi sa mga labi niya na malambot at mamasa-masa. Iyon pala ay labi ni Beast ‘yon. Parang bigla tuloy uminit ang pakiramdam niya dahil sa ginawa ng lalaki.“Hindi ba sinabi ko sa ‘yo huwag kang sisimangot?” nakangiting sabi ni John na ikinainis niya.“E, ba-bakit nanghahalik ka? Close ba tayo para halikan mo ako?” sagot niya habang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.“Oo,” matapang na sabi pa ni Jo
“It’s easy to fall in love. The hardest part is finding someone to catch you once you fall for the wrong person-anonymousIlang araw ang lumipas simula noong nag-date kuno raw sila ni Beast sa may Gateway Mall. Akala niya nga sisimangot lang siya no’n buong araw at masisira lang ang kanyang araw pero hindi pala. Kahit papaano ay may ka-sweet-an pala si Beast na natitira sa kanyang katawan kahit may pagka-bipolar siyang umasta. Nakatitig lang siya rito habang inaalala ang nangyari kagabi.Dire-diretso lang silang pumasok sa loob ng Savory. Nagtaka pa nga siya kasi karaniwan dito ay pipila pa muna dahil laging maraming kumakain, pero sila parang VIP pa dahil sa paraan ng pag-aasikaso sa kanila. Idagdag pang walang ibang customer ang nandito sa loob kung ‘di sila lang dalawa pati mga waiters at chef na nag-aasikaso sa kanila. Sabagay baka nga nirentahan ni Beast para sa kanilang dalawa ang esta
UMAGANG-UMAGA ay masaya silang naglalakad ni Seb sa may hardin kasama ang asawa niyang si Beast pati ang kanyang daddy. Ito ang ginagawa nilang exercise tuwing umaga para maarawan at mas maging masigla pa ang daddy niya. Pakiramdam niya ay para silang masayang pamilya at parang anak namin nila si Seb. Mabuti na lang talaga ay napakabait na bata ng pamangkin ni Beast dahil hindi siya iyakin. Kaya hindi siya nahihirapang alagaan ito kahit wala pa siyang karanasan kung paano ang maging isang ina o mag-alaga ng kapatid.“Khrystal, kailan ko kaya makikita ang apo ko sa inyo ni John?” nakangiting tanong ng daddy niya sa kanya habang nilalaro-laro nito ang daliri ni Seb.Pakiramdam niya ay nawalan siya ng dila dahil sa hindi siya mapakapagsalita. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito.Nakaupo sila ngayon sa damuhan kung saan napapalibutan ng maraming puno kaya hindi gaanong mainit sa
Isang linggo na rin ang lumipas simula nang ma-ospital ang daddy niya. Pakiramdam niya noong inatake ito ay magugunaw na ang kanyang mundo.Ang Daddy Drixx na lang kasi niya ang natitirang pamilya niya bukod kay Beast. Ang mga kamag-anak kasi nila bukod sa mga sakim sa kapangyarihan at pera ay baka gawin pa siyang mala-Cinderella ang buhay kaya ipinagpasalamat niya na hindi pa ito kinukuha sa piling niya. Sabi pa nga ni Doc. Dela Rosa, "Malayong kunin agad ang dad mo ni God dahil sa para itong may pusa na may siyam na buhay. Mahirap kasi siyang patayin at pabalikin sa langit kahit tapos na ang kanyang misyon sa mundo dahil sa napakagandang niyang anak na dalaga." Si Beast naman ay palagi siyang sinasamahan tuwing bumibisita sila sa dad niya. Siyempre hindi pa rin nawawala sa kanila ang pagiging aso't pusa nila. Talo pa nilang tubig at langis na pilit pinagsasama sa isang lalagyan pero hin
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
Five months later…Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana.“So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumunod sa kanyang gusto,” bulong na sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay
“Long time no see, Khrystal! Oo nga pala condolence sa pagkamatay ng dad mo. Nalaman ko lang no’ng sinabi sa akin ng Papa nitong si John. Saka akalain mo ‘yon kayo palang dalawa ang itinadhana ng kalangitan na maging mag-asawa. By the way, pasok pala kayo sa loob. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko kayong magkasama e nakalimutan ko ng papasukin kayo,” natutuwang sabi ni Doc. Dormis sa kanila ni John.Saglit na tumingin si Khrystal sa mukha ni John upang makita ang reaksyon nito. Hindi siya nagkamali na makita ang pagtataka na mababakas sa mukha nito dahil sa nalamang kilala siya ni Doctor Dormis.“Kami rin po natutuwang makita kayo pero kailangan po muna namin ulit umalis Doc. Crystelle. Mukhang may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa…” sabi ni Khrystal na alanganing ngum
MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…“Totoo ba ‘tong mga nakasulat dito sa papel na ‘to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?” nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni
Hindi mapigilan ni John ang mag-isip habang naglalakad papasok sa pinto ng kanilang bahay. Pumasok siya at umuwi na walang ibang iniiisip kung di ang nangyari kagabi. Pinagsisihan niya na nasaktan niya ang kalooban ng asawa niya at higit sa lahat ay muntik na niya itong saktan. Gano’n siguro kapag lasing nawawala ang kontrol mo sa sarili at sa sasabihin mo. Iyon kasi ang sumunod na beses na nag-inom siya ulit.Mahal na mahal niya ang asawa at anak. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang maging masaya ito at ‘wag mawala sa piling niya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang hindi sila guluhin ni Marianne at huwag sabihin dito ang itinatago niyang sekreto.Maaga niyang tinapos ang mga gawain sa opisina para dumiretso sa Flower Shop at bumili ng isang pumpon ng pulang rosas na ibibigay niya sa kanyang asawa. Alam niya kasing paborito niya ito kaya ‘to ang naisip niyang peace offering sa kanya.
Kinagabihan ay dumiretso na agad siya sa kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Janice. Tumingin siya sa orasan na nasa dinding at nakita niyang alas-diyes na ng gabi.“Bakit kaya wala pa si Beast? Tapos hindi pa siya nag-text sa akin. Lagot talaga siya sa akin mamaya kapag pumasok siya rito sa kuwarto namin,” nakasimangot na sabi niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw sa kuwarto.Pagkatapos ay binuksan niya ang lampshade na malapit sa kama. Hindi mapakaling humiga siya roon habang nakatingin lang sa kisame at hinihintay na dumating ang magaling niyang asawa. Mayamaya ay nakarinig siya ng tunog ng sasakyang dumating kaya agad siyang tumayo at sumilip sa bintana.Nakita niyang bumaba si Beast sa BMW niyang kotse dala ang kanyang attache case. Pansin niyang tumin
“Good morning, my sweet lips,” nakangiting sabi ni John habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polong suot.“Good morning, Beast. Ba’t ang aga-aga bihis na bihis ka?” nagtatakang sabi ni Khrystal sabay ayos ng upo sa higaan habang kinukuskos ang kanyang mata.“Khrystal, you know what your voice sounds like rocks scraping across sand paper,” birong sabi ni John pagkatapos ay tumawa na animo’y nang-aasar kaya binato siya ng asawa ng unan na malapit sa kanya. “Kailangan ko kasing makipagkita sa isa sa kliyente ko. Baka gabihin na ako sa pag-uwi mamaya kaya magpahinga ka na agad nang maaga at huwag mo na akong hintayin.”Nakatanaw lang sa kanya si Khrystal habang sinusuklay ang buhok niya pagkatapos ay nagsuot na siya ng medyas.“Basta mag-text ka para alam ko kung anong nangyayari sa ‘yo ha? Kapag hindi ka nag-text sa labas ka matutu
Simula ng dumating si Marianne mula sa ibang bansa ay nagpasya siyang tumira sa pinsan niyang si Alec. Dahil malaki ang posibilidad na makita niya si John dahil nalaman niyang matalik na kaibigan nito noon si Khrystal at malapit ang bahay nito sa tinitirhan ng ex-live in partner niya. Hindi nito alam ang tungkol sa binabalak niyang pag-angkin muli kay John kaya malayang niyang nakikita ito mula sa bintana ng kanyang tinutuluyan. Pinili niya ang kuwarto kung saan makikita niya kung saan naglalabas-masok ang lalaki tuwing pumapasok at umuuwi ito galing sa trabaho.“Ate Marianne, napapansin ko lagi kang nakasilip diyan sa bintana? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nanunuring tanong ni Alec sa kanyang pinsan. Umpisa pa lang kasi ay napapansin niya na sa kanyang pinsang si Marianne na laging may kakaiba sa ikinikilos nito.“Naku naman Alec! Pinaghihinalaan mo ba ang pinsan mong maganda?” natatawang sagot ni Marianne