Inayos niya ang uniporme habang tinitignan ang kanyang relo. Alas sinco na ngunit wala pa rin ang sundo niya. Kanina niya pa tinitext ang driver nila ngunit hindi naman ito sumasagot sa mga texts niya hanggang sa na-dead battery na lang ang phone niya, wala oa rin itong response response.
Nasa waiting shed siya ngayon sa labas ng isang ospital ospital. Kanina pang alas tres tapos ang duty niyang dapat ay hanggang alas dos lang dahil sa dami ng pasyenteng inasikaso niya ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.
Hindi siya sanay mag commute kaya matiyaga siyang naghintay sa family driver nila na hanggang ngayon ay ni anino ay hindi niya makita.
Siya si Yvette del Valle Villareal, isang nursing student at kasalukuyang nasa ika-apat na taon na ng pag-aaral. Ilang buwan na lang ay gagraduate na siya.
She will pursue med school after grad at doon niya sa US balak ipagpatuloy ang pag-aaral.
Noong una ay tumutol ang daddy niya sa kagustuhan niyang maging doktor dahil nag-iisa lang siyang anak at walang ibang mamamahala ng Villareal Hotel Chains and Resorts kung hindi siya, ngunit matigas ang ulo niya at ipinagpilitan ang gusto.
Sinabi niya namang pag-aaralan niya ang pagpapatakbo sa kumpanya pagkatapos niyang mag-aral. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil matalino naman siya at mabilis makapick up.
Weird nga lang ngunit matalino siya. Maganda, maputi, matangkad, mayaman. Nasa kanya na ang lahat, sundo nga lang ang wala pa ang hanggang ngayon.
Napabuntong hininga siya nang makitang nagdidilim na ang kalingitan dahil sa nagbabadyang ulan.
Shit! Not now. I don't have any umbrella here.
Lumipas pa ang ilang minuto at napagpasiyahan niya nang maglakad. Tatawid na lang siya sa kabilang kalsada para makasakay na ng taxi.
Napabuntong hininga siya. Sa totoo lang ay hindi siya marunong tumawid. Sanay kasi siyang ibinababa na lang sa mismong harapan ng pupuntahan niyang lugar o gusali kaya maging ang simpleng pagtawid ay hindi niya man lang natutunan.
Kung may karga lang ang phone ko edi sana ngayon naka-grab na ako.
Napairap siya bago luminga-linga sa kaliwa't kanan niya. Nang makitang wala namang sasakyan ay mabilis siyang tumakbo papunta sa gitna ng dalawang lane dahil may mga sasakyan pa sa kabilang lane.
Abot langit ang kaba niya sa simpleng pagtawid lang.
Hinintay niyang maubos ang dumadaan na sasakyan sa kabilang lane bago kabadong tumawid.
Sa kabutihang palad ay nakatawid siya nang buhay. Napabuntong hininga siya.
Yehey! Marunong na akong tumawid. Simple lang pala, eh.
Napailing siya sa sarili. Para siyang bata dahil sa bagong natutunan.
Akmang papara na sana siya ng taxi nang may biglang humila at umagaw sa bag niya. Nagmamadaling tumakbo palayo sa kanya yung snatcher nang matagumpay nitong nakuha sa kanya ang bag.
Umabot ng dalawang segundo bago nagregister sa utak niyang itinakbo na ang bag niya mula sa kanya.
"Magnanakaw! May snatcher! Yung bag ko! Tulong!" Tili niya na nakaagaw ng atensyon ng iba pang tao na malapit sa kanya.
Itinuro niya yung tumatakbong lalaki na may bitbit ng bag niya.
She can't lose that bag. Maraming mahahalagang gamit ang nasa loob no'n.
Kahit pa habulin niya pa ang lalaki ay hindi niya na mahahabol iyon dahil mabagal siyang tumakbo.
Akmang tatawid na ang snatcher nang biglang may itim na mustang ang huminto ilang sentimetro mula sa katawan ng snatcher na ikinatumba nito sa sobrang gulat dahil sa biglang pagsulpot ng sasakyang iyon.
Lumabas ang driver na nakasuot ng itim na business suit at tinapakan ang sikmura ng snatcher na nakahiga na sa kalsada. Doon na siya naglakas loob na takbuhin ang kinaroroonan ng mga ito.
Kinuha noong lalaking naka-suit ang bag niya mula sa kamay ng snatcher.
"Hindi mo ba alam na krimen ang ginawa mo?" Matabang na sabi nito at mas lalo pang diniinan ng tapak ang tiyan ng lalaki na sumisigaw sa sakit.
Hinahapo siyang huminto sa tapat ng snatcher at lalaking naka-suit.
"Thank you so much, mister." Hinihingal na pasasalamat niya sa lalaking nakaitim.
Lumingon naman ito sa kanya.
"That's my bag." Aniya sabay turo sa bag niya na hawak nito.
Sinipat muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumikhim.
"Here." Inabot nito sa kanya ang bag niya.
"Salamat." Aniya at inabot iyon.
Bumaba ang tingin niya sa snatcher na nakahinga pa rin ngayon sa kalsada.
Medyo nagiging cause na sila ng traffic at nagsisimula na rin siyang makarinig ng mga busina mula sa mga sasakyan sa lane na kinatatayuan nila ngunit wala siyang pakialam.
Ang nasa isip niya lang ngayon ay ang makaganti sa snatcher. Lumapit sa uluhan nito bago yumuko.
"You! Tarantado kang gago ka!" Inis na pinaghahampas niya ang mukha nito gamit ang bag niya.
She could see red everywhere. Bihira siyang magalit at nasagad ng snatcher ang litid ng pasensya niya. Hindi pa sana siya titigil kung wala pang umawat sa kanya.
"Ma'am, tama na po." Hinila siya palayo ni Hilaryo mula sa kawawang snatcher na pumutok na ang kilay at labi dahil sa paghampas niya ng bag sa mukha nito.
That's inhumane, Yvette. You just hurt someone sa mismong labas ng ospital na pinag-du-duty-han mo. Very bad. Usig sa kaniya ng konsensya niya.
Hinihingal niyang tinanggal ang braso sa kanya ni Hilaryo.
"Bakit ngayon lang kayo kuya?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya driver niya.
"Pasensya na ho ma'am. Traffic ho papunta. May aksidente ho, eh."
Nanginginig na chineck niya ang loob ng bag.
"Nakikilala mo ba kung sino ako?"
Anang binata na hindi na niya napansin dahil busy siya sa pagchi-check ng bag.
Pinandilatan nito ng mata ang snatcher na nakahandusay sa kalsada. Ilang sandali lang ay parang tinakasan ng kulay ang mukha nito nang makilala na ang mukha ng binata.
"I don't want to see your face again." Tinanggal nito ang paa sa sikmura ng snatcher. "Now, go! Bago pa magdilim ang paningin ko sayo." Pabalang na sabi ng binata kaya naman nagkukumahog na tumayo ang snatcher.
Nang makitang walang nawala o nabasag sa loob ng bag nang ihampas niya iyon sa snatcher kanina ay agad niya itong isinara at inayos ng pagkakasukbit sa balikat niya.
Napakunot ang noo niya nang bumaling siya sa lalaking nakaitim at sa snatcher na nagtatatakbo na palayo sa kanila na tila takot na takot.
Bakit tumatakbo na 'yon?
"Thanks for the help. I owe you a lot." Pasasalamat niya dito nang mawala na sa paningin niya ang snatcher.
Tatawag sana siya ng pulis kaso nakalayo na ito. Ang sana lang ay hindi niya na makita ang mukha nung lalaking iyon dito sa labas ng ospital na pakalat-kalat.
"No biggie, Angel." He smiled at her, revealing his perfect set of teeth.
Napakunot ang noo niya.
"I'm not Angel." Umiling pa siya.
Hindi niya matandaang nagpakilala siya rito.
"Well, I thought you are. You look like one." Kumindat ito sa kanya.
Shit! Ang gwapo!
She cleared her throat para hindi mahalatang kinikilig siya.
"Parang lang, 'cause I'm wearing white." Ngumuso siya.
Natatawang napailing ito sa kanya.
"I'll get going. Ingat sa susunod." Paalam nito sa kanya bago tumalikod sa kaniya.
Inayos niya naman ang nagusot niyang uniform na puti at nagulong buhok bago muling binalingan si Hilaryo.
"Saan nakaparada ang kotse kuya?"
Itinuro nito ang kotse sa likod ng itim na mustang.
Muli niyang tinapunan ng tingin ang binata na ngayon ay papasakay na ng mustang nito. Gumilid siya sa sidewalk para mabigyang daan ang kotse nito.
Napailing siya. Hindi niya nabigyan ng pagkakataong purihin ang kakisigan at kagwapuhan nito kanina dahil sa lintek na snatcher na iyon pero ngayon ay nakita niya na ang nakadaupang palad niya, ay isang patunay na hindi lang sa Mt. Olympus nakatira ang mga Greek Gods. May isang naligaw din dito sa Pilipinas.
At nalimutan niyang itanong kung anong pangalan ng Greek God na tumulong sa kanya.
Pasimple niyang tinanaw ang papalayong kotse nito bago naglakad papalapit sa puting Trailblaizer nila.
She settled herself at the backseat.
Sa university-ng pinapasukan niya ay puno ng nag-gagandahang mga lalaki at nag-gagandahang mga babae kaya sanay na siyang makakita ng gano'n kahit saan ngunit ngayon lang may naka pukaw ng atensyon niya.
At take note: LALAKI pa. Napakabihira no'n para sa kanya kasi ayaw niya sa mga lalaki. Hindi naman lahat pero hindi siya masyadong sanay makisalamuha sa mga lalaki, lalo na sa mga kaedad niya. Gano'n siya ka-weird.
Ni malanghap nga lang ang pabango ng mga adonis ay napapangiwi siya, lalo na kung makalapit ang mga ito sa kanya. She'll definetly shoo them away. Pero hindi iyon ang nangyari kanina.
First time niya kaninang kumausap ng lalaking tingin niya ay halos kaedad niya lang. First time niyang kiligin sa simpleng papuri nito. At first time niyang magustuhan ang amoy ng pabango nito. Pakiramdam niya tuloy mas lalong naging weird pa siya ngayon.
Ang unang pagtatagpo nilang iyon ay nasundan pa pero patago. Yung tipong siya lang yung palihim na bumubuntot sa lalaki. Mabuti na lang at may bestfriend siyang agent wanna be kaya nalaman niya kung sino ang may ari ng itim na mustang na iyon.
KASALUKUYAN siyang nasa labas ng Wylvre Empire, ang kumpanyang pinapasukan ng binatang tumulong sa kaniya.
"Ma'am, diretso na po ba tayo sa airport? Naghihintay na po doon sila sir Roman at ma'am Stella." Ani Hilaryo sa kaniya.
Kontento siyang ngumiti.
"Sige kuya. Tara na po."
Nagpaalam siya na may dadaanan lang bago pumunta ng airport kaya pinauna na niya doon ang mga magulang niya.
Buo na ang araw niya dahil nakita niya na ang vitamin niya. Vitamin na babaunin niya sa kanyang pag-alis.
Sa mga lumipas na buwan ay mas lalo niyang hinangaan ang binata lalo nang malaman niyang successful na business man na ito sa edad na 22.
Kalat ang mukha nito sa cover ng magazines ng mga sought after bachelors ng Pilipinas.
Sa maiksing panahon ay nagawa niyang kumpletuhin ang pangongolekta ng magazines na ito ang cover o featured.
Ang binata ang naging dahilan upang mas pag-igihan niya pa ang pag-aaral. She finished college with flying colors. Isa ang binata sa mga dahilan kung bakit talaga siya nagsumikap ng husto. And she'll do everything para maging successful sa larangan niya in the future.
And she promise to herself na magkikita pa silang muli, 8 years from now pagbalik niya galing America. At hindi naman mahirap iyon dahil maliit lang ang mundong ginagalawan nila.
Ang binata ay anak pala ng matalik na kaibigan ng ama niya. She never expected to be charmed by her 'stick man' childhood mortal enemy that made her cry multiple of times during her childhood days. At hindi rin niya inexpect na magiging gwapo at hot na binata ito ngayon.
She'll see him soon. At kapag nagkita silang muli ay isa na siyang matagumpay na doktor.
At kapag wala pa itong asawa ay muli siyang magpapakilala dito at huhulihin ang puso nito.
***
THE employees on the 47th floor of Wylvre Empire were restless because their boss is having a bad mood right now. At sa mga panahong ganito ay bawal ang magkamali, kung hindi pagkasisante agad ang katapat."Gigi, where's my coffee?"Ani Dwayne sa sekretarya nito gamit ang mababa at malamig na tono.
8 years after...Napahilot ng sentido si Yvette matapos patayin ang tawag. Masyado na siyang stressed out these past few days dahil sa mga sunod-sunod na operasyon na kadalasang tumatagal ng hanggang walong oras at idagdag pa ang bad news na natanggap niya ilang sandali pa lang ang nakalilipas mula sa Pilipinas.
She smiled as she stepped inside their mansion. Sinalubong siya ng yakap ng mga pinsan niyang halos kaedad niya lang din.Pagkatapos ng walong taon, narito na siyang muli."We missed you, Yvette!" Ani Yssa, isa sa mga pinsan niya sa mother side.
"Ma'am, nandito na po tayo." Napabuntong hininga siya nang sabihin iyon ni Hilaryo.She glanced at the car's window and a solid black steel gate immediately blocked her sight.Mataas na kongkretong bakod at solidong gate ang mga bagay na nasa harap niya ngayon. She shook her head mentally.
She woke up feeling recharged though she could still see rashes and red spots on her skin. She also bets that her face is still swollen. Ngunit mas ayos na ang pakiramdam niya kesa kanina.Hindi na rin makati ang lalamunan niya kaya naman bumangon siya at nag unat. Napansin niyang bukas na ang mga ilaw sa kwarto kaya napakunot ang noo niya. Hindi naman kasi bukas ang mga iyon no'ng natulog siya.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay bigla siyang nagising dahil nakaramdam siya ng pagka-uhaw. She glance at the LED wall clock and it says that its already 1 o'clock in the morning.Pupungas-pungas siyang tumayo upang bumaba sa kusina. She needs water.Tanging dim lights lang ang tanglaw niya sa daan at sa sobrang tahimik ng paligid ay rinig na rinig ang mahihina niyang yabag h
Wala na si Hunter sa tabi niya nang magising siya kinaumagahan. Mag-isa na lang siyang naiwan sa kwarto kaya naman tumayo na rin siya kahit pa parang binibiyak ang ulo niya sa sakit.Alas otso na ng umaga nang mapatingin siya sa orasan kaya naman nagmamadali niyang isinuot ang bra bago dumiretso sa CR upang maghimalos at mag mumog. Nang matapos ay agad siyang lumabas sa kwarto ni Dwayne at bumalik sa kwartong inuokupahan niya.Wala na rin sa wakas ang kanyang mga pantal. Iyon ang dahilan kung bakit tiniis niyang 'wag kamutin ang mga 'yon. Para mawala agad. Pag kasi kinamot niya ay mag-iiwan pa ng mga marka.Kinuha niya ang phone sa ibabaw ng kama bago tuluyang bumaba para hanapin ang binata.
"H-hunter," Gulat na sabi niya nang makita ito sa dining."Kanina ka pa? I've been waiting for you. Tapos na kayo ni Luke?" Naglakad siya palapit sa binata.
EPILOGUEHINDI siya nakatulog magdamag mula noong pinaalis niya si Yvette. Ilang ulit nagrereplay sa utak niya ang umiiyak na hitsura ni Yvette.Her tears are his weakness but that time, tinatatagan niya ang kaniyang loob upang tikisin ito.He wanted to believe in her but he can't. Yvette already lied to him once. At ang idea na niloko lang siya nito. Na plinano lang nito ang lahat sa kanila para sa kumpanya ng ama nito at ang posibilidad na hindi talaga siya nito mahal ang labis ikinasasakit ng kaniyang kalooban.He loves her so much kaya ngayon ay labis din siyang nasasaktan.Kinompronta niya ang kaniyang ama dahil pikon na pikon din siya sa huli. Isa it
FINAL CHAPTER3 weeks before the wedding...Habang hinihintay ang nalalapit na kasal nila ni Dwayne ay inabala niya rin ang sarili niya sa pag aaral ng pamamahala ng kumpanya.Marami na rin siyang natutunan at sobrang thankful niya kay Cage na hindi siya pinabayaan at talagang naglalaan ito ng oras para maturuan siya kung paano mag handle ng kumpanya.Marami na rin siyang business related books na nabasa at nakatulong ang mga 'yon sa kaniya ng malaki.Most of the time ay nasa opisina niya lang siya sa kumpanya. Hindi naman siya nagpapaka-stress at pagod masyado.Kung hindi siy
CHAPTER 37Isang araw na naman ang lumipas at lalo niyang nararamdaman na nawawalan na siya ng ganang kumilos. Naroon na lang siya sa kwarto.Mag mula noong tumahan siya kahapon sa bisig ng kaniyang ina ay nagkulong na lang siya sa loob ng kaniyang kwarto.Nagpapahatid na lang siya ng pagkain kay Pacing na maging ito ay nawiwirduhan na sa mga nirerequest niyang pagkain.Kasalukuyan siyang nanonood ng Captain America sa cable channel ng plasma TV niya sa kwarto nang tumunog ang kaniyang phone.Nang abutin niya iyon ay pangalan agad ng pinsang si Cage ang nakarehistro. Hininaan niya muna ang TV bago iyon sinagot.
CHAPTER 36She woke up with a throbbing head and feeling dizzy. Pupungas-pungas na bumangon si Yvette habang pinagmamasdan kung nasaan siya. The room is not familiar to her.Puti ang pintura ng kwarto at mga kagamitan nito. Nang balingan niya ang digital wall clock sa side table ay sinasabi doon na alas siyete beinte na ng umaga.Kaagad na bumalik ang mga ala-ala kung bakit siya napunta doon. Tsaka niya lang napagtanto na nasa bahay siya ni Quinn.She searched for her phone and found it at the other side of the side table. She was about to reached for it when her felt the sudden urge to vomit. Napabalikwas siya at agad na tumakbo sa banyo. Doon niya sa sink inilabas ang laman ng sikmura niya na puro tubig at l
CHAPTER 35HE'S excited to meet his fiancee. Maaga niyang dinismiss ang kaniyang sekretarya na si Gigi para lang masundo ng maaga si Yvette. Mahirap na ang maabutan ng rush hour dahil matindi ang traffic.Kalalabas niya lang ng kaniyang opisina at kasalukuyang naglalakad papunta sa elevator nang may tumawag sa kaniya mula roon sa cubicle ng kaniyang sekretarya."Bro!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at naabutan niyang nakatayo si Luke sa gilid ng entrada ng cubicle ni Gigi.Napakunot ang kaniyang noo."What are you doing here?" Takang tanong niya dahil wala naman silang usapan na magkikita sila. He has his own company to run.
CHAPTER 34Isang buwan na ang nakalilipas mag mula noong maengaged sila ng kaniyang kasintahan. So far ay maayos ang kanilang pagsasama.Last week ay napagpasiyahan na nila kung kelan gaganapin ang kanilang pag iisang dibdib. Dwayne can't wait to tie the knots with her so he suggested the nearest date kung saan posibleng makapag daos ng magarbong kasalan nang hindi na-ru-rush ang lahat.Agad naman siyang pumayag. In six weeks, she's going to be Mrs. Wylvre. Nagsimula na silang kumuha ng wedding planner at suppliers. Inuna siyang sukatan ng wedding gown bago sila nag occular visit sa mga possible na venue nila for wedding.She wants a beach wedding but Dwayne wants a church wedding. Kaya naman parehas silang na
CHAPTER 33Napangiti siya habang pinagmamasdan ang kotse ni Dwayne palayo. Muli siyang hinatid nito sa ospital. Araw araw siya nitong hinahatid bago ito pumasok sa opisina.Masaya siya dahil natanggap na nito ang propesyon niya. Kung sa normal na pagkakataon lang ay hindi naman talaga dapat big deal ang propesyon dahil propesyunal naman talaga siya pero hindi para sa binata lalo na't may traumatic experience ito sa ospital at iba pang mga related dito."Good morning, doc!" Napalingon siya sa bumati sa kaniya. Napangiti siya nang makilala kung sino iyon.Agad siyang lumapit dito at yumakap."Kuya Nick!" Masayang bati niya rito.
CHAPTER 32Flashback..."What are we doing here? I mean what are you doing here? Hindi ka naman magbabar kung wala kang problema. Nag away ba kayo ni Yvette?" Mula sa pagsipat sa mga taong lango sa alak na sumasayaw sa dance floor ay napatingin siya sa lalaking katabi niya sa bar counter.He sighed."Wala na kami." Sagot niya bago inikot ikot ang laman na brandy ng glass na hawak niya."What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Luke sa kaibigan. Kumurap-kurap pa ito at umiling. "Seryoso ba, bro? Sinong nakipag hiwalay?""Ako."Nagkibit
CHAPTER 31"Dad, kain ka pa. Kailangan mong gumaling agad." Ngumiti siya sa daddy niya habang hawak ang kutsarang naglalaman ng pag kain.Umiling lang ang daddy niya."Anak, ayoko na. Matabang eh." Napailing na lang siya sa tinuran ng daddy niya. Palagi itong nagrereklamo dahil matabang ang pagkain sa ospital nila."Dad, last three na lang. Kailangan mong uminom ng gamot eh." She bargained.Her father sighed."Anak, wala ka bang rounds? Okay na ako dito. May nurse naman." Anito na ikinatawa niya.Ayaw nito na siya ang nagpapakain dito dahil pinipil