Mabilis na pina harurot palayo ni Nora ang kanyang kotse palayo sa department store na kanyang pinag bilihan. Nasa kilos nya ang pag ma- madali na baka may maka- kilala at maka- kita sa kanya roon.
Nang ma pansin nya na naka layo na sya at hindi na sya mapa- pansin pa ninoman, ay muli nyang ini- hinto at i- ginilid ang kanyang kotse. Sobrang bilis ng kabang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Halos panikipan sya ng kanyang hininga.
Nai- subsob nya ang kanyang mukha sa harapan ng manibela at napa mura.
'Shit' at kasabay nito ay nai- pukpok nya ang kanyang kamay rito. Nanatili muna sya sa ganoong ayos ng may ilang sandali bago muling nakuha ang sariling composure.
Ng maramdamang medyo kalmado na ang kanyang pakiramdam ay agad na inilabas ang kanyang phone at idinayal ang numero ng kanyang kasama n
Habang nasa byahe patungo sa lugar kung saan sina sabing naroon ang kanyang anak na si Vince, ay hindi rin matigil sa malakas at mabilis na pag tibok ang kanyang dibdib. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Para syang pina ni- nikipan ng kanyang dibdib. Siguro nga ay dala lang ng kanyang sobrang nerbiyos dahil sa pag kakataon. Halos nasa mahigit na dalawang araw na rin na hindi nya nakita ang kanyang anak. Kaya labis- labis ang pag a- alala nila rito. Napa buntong- hininga na lang ang dalaga ng maramdaman ang bahagyang pag pisil ng ginang sa kanyang palad habang mag ka- tabi sila na naka upo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nasa harapan naman nila ang dalawang binatang Marco. Nasa sasakyang kasunod naman nila mag kasama sina Norman at don Gregorio. May ilang convoy rin naman silang pulis na nasa harapan nila. &nbs
Kasalukuyan noon na nag pa- pahinga at nag i- isip ang dalagang si Nora. Wala itong kaalam- alam ng mga oras na iyon sa naka takdang mangyari. Mataman syang nag i- isip kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Kasalukuyan syang nasa loob ng isang silid ng malaking bahay na iyon. Habang nasa labas naman ang kanyang kasama na si Roger upang bantayan ang bata sa kabilang silid. Tahimik ang buong paligid ng mga oras na iyon. Naka bi- binging katahimikan na ang dala ay walang kasiguruhan. Unti- unti at dahan- dahang naka lapit ang mga grupo ng pulis ng bayan na iyon na kinuhang back- up ng ilang officer na syang may hawak sa kaso ni Vince. Maingat pa rin sa kanilang bawat kilos ang mga ito na huwag na maka likha ng ingay. Napa- tayo si Nora mula sa kanyang pag kaka- upo at hindi sinasadyang napa tayo at napa- tanaw sa may labas
APHRODISIAC DRUGS? Lahat ng mga naroon ay nagulat sa sinabi na iyon ni Nora. Lalo na si Norman na aware kung ano ang gamot na tinutukoy nito. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit ganoon na lang katindi ang pag nanais nya noon na angkinin ang babae na ngayon ay si Angela pala. Samantalang si Angela naman ay lalong naguluhan rin dahil wala naman syang ideya kung ano nga ba ang tinutukoy ng babae. Naging dahilan naman iyon para muli na naman bumangon ang galit sa puso ni Norman para sa babae, matapos ng kanyang mga nalaman. Kaya siguro simula pa man ay malayo na ang loob nya na mapa- lapit sa babae. Hindi nya sukat akalain na a- abot sa ganoong bagay ang gagawin ng babae. Tanda nyang kasama nya ang mga ito ng gabing iyon sa club, dahil sa kaibigan rin ito ng pinsan nyang syang nag- akit
Mabilis na nai- sugod sa pinaka- malapit na hospital ng Nueva Ecija ang binata na si Norman habang wala itong malay. Wala namang humpay sa pag- iyak nito ang batang si Vince habang lulan sila ng kanilang sasakyan pa- balik ng maynila. Bakas rin sa braso nito ang ilang mga pasa na dala ng mahigpit na pag kaka- kapit rito ng babaeng si Nora matapos na mapansing may mga pulis sa kanilang paligid. "Nasaktan ka ba, anak?" masuyong tanong ni Angela sa anak. Masuyo nya itong yakap habang hina- haplos ang mga braso nito na may bakas pa ng pasa. "Konti lang naman po ito, mama. Pero paano na po si tito Norman? Ano na po ang mangyayari a kanya?" tanong ng bata na bahagya pang tumingala sa kanya. Namu- mula at bahagyang nama- maga pa ang mga mata nito na dala ng labis- labis na pag- iyak, at bahagya pang humi- hikbi.&
"Si Norman!" mahina lang ang pag kaka- bigkas nya sa mga salitang iyon ngunit malinaw pa ring umabot sa pandinig ng kanyang kaibigang si Karen na nasa kabilang linya. "Ano?" gulat na bulalas nito na hindi maka paniwala. Ilang saglit pa muna itong na- tahimik sa kabilang linya na tila hindi siguro alam ang tamang nais na sabihin, o marahil ay nagulat rin ng husto at hindi rin ma proses ng isip nitong isipin ng ganoon lang kadali ang kanyang mga sinabi. "T- totoo ba iyan? Sigurado ka ba na talagang sya nga ang ang..." hindi niyo magawang ituloy- tuloy ang nais sabihin dahil alam nyang masakit iyon para sa kanyang kaibigan. "Oo, sya nga, at talagang nagulat rin ako. Hindi ko tuloy ngayon alam kung paano ko sya haharapin ngayon matapos nito. Parang hindi pa kaya ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko, na si
Nasa bungad pa lang ng hospital building sina Angela ay hindi na mapigil ang malakas at mabilis na pag kabog ng kanyang dibdib. Hindi nya magawa na mapigil ang kanyang damdamin sa kanyang bagong pakiramdam. Bakit ba tila may nara- ramdaman syang concern ngayon para sa binatang si Norman? Na kung tu- tuusin ay ang tao ring kanyang lubos na pilit ibina- baon na sa limot. Bakit mas nangingibabaw yata ngayon ang pag nanais nya na makita rin ito at alamin kung ano na nga ba ang kalagayan nito. Hindi nga ba at ang kanya lang naman na anak na si Vince ang tanging may gusto na makita ito at madalaw?, ngunit bakit maging sya ay may ganoon na rin yatang pakiramdam para rito?, kasabay naman nito ay ang puso nya na may lihim na yatang pag- tangi sa binata, na pilit pa rin nyang itina- tanggi sa kanyang sarili. Tila unti- unti ng nahu- hulog ang loob nya rito.
Nagulat naman si Angela sa ginawang pag amin sa kanya ng ginang matapos nitong malaman ang ginawa ng anak nito sa kanya. Hindi nya tuloy maiwasan ang mapa luha sa ipina kita nitong concern sa kanya at sa kanyang anak. Ngayon rin nya nalaman na maging sa binata ay labag rin sa loob nito ang nagawang pag kaka- mali na iyon. Parang muling may humiwa sa puso nya sa mga mapapait na ala- alang iyon. Takot, pangamba, pagka- wasak at kawalang pag- asa ang mga tanging naramdaman nya noon na sa tuwing maa- alala iyon ay agad na nag hahatid lang sa kanya ng sakit. Ngayon na nasa harapan na nya ang taong gumawa noon sa kanya at kasalukuyan ring nakaratay matapos na magawang iligtas ang anak nya, tila hindi na nya kayang sumbatan pa ito. Naramdaman na lang nya ang muling pag- patak ng luha sa kanyang mga mata at wala sa loob na napa- yakap sa ginang na n
Dahil sa mga nalaman ni Angela ay tila unti- unting nag bago ang pananaw nya sa kung bakit nagawa iyon sa kanya ng binata. Kaya naman mas pinili nyang unawain ng husto ang mga nangyari noon at maging sa kanilang kasalukuyan. Hindi rin naman siguro masama kung mag papatuloy na lang sya sa kung ano ang nasa sa kanila ngayon kesa ang patuloy na mabuhay sa kanyang naka raan. Mahal nya ang kanyang anak, kaya naman nais pa rin nyang maging masaya ito. At alam nyang lubos ang magiging kasiyahan nito kung malalaman nito kung sino ang kanyang ama na pina niwalaan na nitong nasa heaven na. Hini- hintay na lang nila ang muling magising ang binata upang personal nya na maipa kilala sa kanyang munting si Vince. Alam nyang hindi na sya mahihirapan pang pag paliwanagan ang kanyang anak dahil malapit na rin naman ito sa binata matapos n