Happy Easter Sunday, folks! Sana po ma-try niyo po ang ibang stories ko dito. Search niyo lang po AVA NAH. Completed na po mga yon, no more bitin na. Heheheh O, siya, ingats. AVA NAH
RUTH’S POV “BEN, ano ba!” ani ko nang balingan siya sa aking tabi. Ngahuhugas ako noon ng plato na ginamit namin nang mag-lunch kami. Oo, nandito pa siya sa bahay namin. Ang buong akala ko nga uuwi na, hindi pa pala. Inalok kasi ni Nanay na dito na daw mag-lunch, at ayon pumayag naman siya. Nakiligo na rin siya. Saka prepared sin Benrick, may baong damit sa sasakyan. “Ang kamay mo!” ani ko pa kay Benrich nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop. Tinanggal niya pa ang sponge sa akin kamay. Ang lakas ng loob niya dahil naki-birthday si Nanay, apat na bahay mula sa amin kasama ang bunso kong kapatid. “Naiinis ka?” tanong ni Benrick nang tingnan ako. “Obvious?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Oh, my Ruthy… Bad ang mainis. Pero okay lang ‘yan. Para magbago ang isip mo dahil marami ka ng kasalanan. You’re too bad para sa kumbento,” anitong nakangisi. Nakatikim tuloy siya ng siko sa akin. “Ah, Ruthy, bukas na ako uuwi. Hindi naman pala uuwi ang Tatay mo.” “Ano?” “You he
RUTH’S POV HINDI na ako nakaimik pagkatapos sabihin iyon ni Ben. Kinabig na lang niya ako lalo at niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. “Hihintayin ko na lang kung kailan ka handa,” aniya. Alam kong nalungkot siya. Wala naman kasi talaga akong masabi. “S-salamat, Ben,” ani ko nang balingan siya. Bahagya siyang ngumiti. “Okay lang ba kung magkatabi tayo ngayon matulog? Promise, wala akong gagawin na hindi mo gusto.” Napatitig ako sa kanya. Tumango din ako mayamaya sa kanya, pero matagal din. “Thank you, Ruthy.” Wala naman kaming maisip na gawin kaya nag-movie marathon na lang kami. Dahil wala naman akong alam na title, hinayaan ko na lang si Benrick na mag-play ng gusto niya. Naaupo kami sa sahig. At ang posisyon namin, nakapaloob ako sa hita niya habang nakasandal sa kanya. Siya rin nakasandal sa sofa. “B-Ben,” “Hmm,” aniya nang banggitin ko ang pangalan niya. “F-forward mo nga,” utos ko. “Bakit?” aniyang natatawa. Paanong hindi ko sasabihin,
BENRICK ILANG na nagpabalik-balik ako sa telepono kong naka-charge. Hindi na nag-chat si Ruth. Baka mamaya iniisip nitong nagalit nga ako. Hindi ko naman magawa kung tutuusin. Hindi ko siya kayang tiisin. Bigla lang kasing namatay ang telepono ko pagkatapos kong magsalita. Saktong nasa r***k ako ng inis pa naman. Tinanggal ko muna sa pagkakasaksak at nagtipa ulit ng mensahe kay Ruth. Sinabi ko ring tatawag ako at may sinabi akong oras. Basta hindi ako matutulog ngayon nang hindi ko siya nakakausap. Nagpasya akong umidlip mayamaya. Sabi ko, mga isang oras lang para may lakas akong kausapin si Ruth. Siguradong tapos naman na siguro ang kasal. Imbes na isang oras, inabot ng limang oras ang aking tulog. Parang gusto kong magwala dahil nag-reply si Ruth na hihintayin niya ang tawag ko. Pero anong ginawa ko? Tinulugan ko siya. Napagod kasi ako sa maghapon ko dito sa San Jose. Pagkatapos ng dalawang meeting ay sinundo ko pa ang isa sa kambal naming bunso sa Meadowlands na ilang araw nan
RUTH’S POVSIMULA nang makita ko si Benrick at ang babae na iyon ay hindi na nawala sa isipan ko kaya minsan wala ako sa sarili. Kung hindi pa gugulatin ng dalawang bata ay hindi babalik sa kamalayan.“Tita Ruth, may sinasabi po si Daddy.”“Huh?” Tumingin ako kay Sir Kyrie na noo’y nakakunot ang noo.“Are you with us, Ruth?”“O-opo.” Napakagat ako ng labi kapagkuwan.“Magdala ka na lang extra damit ng mga bata dahil may dinner tayo mamaya.”“S-sige po.”Akmang tatalikod si Sir Kyrie nang may naalala. “Nga pala, ilang araw na kitang hindi ma-contact. Nasaan ang phone mo?”Ang totoo niyan, naka-off ang telepono ko para hindi ako tawagan ni Benrick. Buti na lang hindi siya pumupunta dito sa bahay.“Um, nawawala po ang simcard. Bibili na lang po ako mamaya pagkahatid po namin sa dalawa.”“Okay. Tawagan mo ako para malaman ko ang number mo.”“Sige po, Sir.”Bahagyang kumunot ang noo ni Sir Kyrie. “Kyrie, Ruth. Call me Kyrie. Ilang beses ko nang sinabi ‘yan.”Tumango ako. “K-Kyrie.”Natakot
RUTH’S POV NAHIHIYANG naupo ako sa upuan. Nakatingin sa akin si Sir Kyrie. “A-ang tagal mo sa banyo,” “Um, nagpahangin lang ako pagkatapos.” Gusto kong ngumiwi, nagsinungaling kasi ako. Si Benrick ang kasama ko doon at hindi ako lumabas para magpahangin. “Okay.” Ngumiti si Sir Kyrie. Sana maniwala siya. Nakakahiya kapag nalaman niyang si Benrick ang kasama ko ng mga oras na iyon. Akala ko, hindi magpapakita si Benrick sa amin. Wala pang sampung minuto nang lumapit siya sa amin at binati ang dalawang bata, na tuwang-tuwa naman. Pero si Sir Kyrie, seryoso lang na nakipag-usap kay Benrick. Saka parang may kakaiba sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Unlike before na nagbibiruan pa. Kinandong ko si Jam para may maupuan si Benrick dahil mukhang magtatagal. May pinag-uusapan sila at tungkol naman sa business kaya wala akong imik. Tumayo si Jam at lumapit sa Daddy niya kaya napaayos ako ng upo. Akang iaangat ko ang kamay ko nang naramdaman ang kamay ni Benrick na humawak sa akin. Naitago
RUTH’S POV NAPALABI ako nang maramdaman ang kamay ni Benrick na masuyong humahaplos sa aking katawan. Wala na kaming suot na dalawa noon. At tanging liwanag na nagmumula sa lampshade ang ilaw namin. Sapat naman para makita namin ang isa’t isa. Ramdam ko ang init na hatid ng kamay niya nang muling naglakbay iyon. Kaya naman parang napapaso ang aking katawan na ikinakapitlag ko. “It's a pleasure to see your beautiful body, Ruthy,” anas niya kapagkuwan habang pinagsasawa ang tingin sa akin. “B-Ben,” ani ko sabay hila ng kumot. Parang nahulasan ako bigla. “Don’t,” pigil niya sa akin. “N-nahihiya ako, Ben.” “You don’t have to, baby.” Sinabayan niya nang halik na masuyo sa aking labi nang ipagpantay niya ang sarili sa akin. Tinugon ko iyon kaya muling naghinang ang aming labi. Akmang baba ang labi niya sa aking leeg nang makarinig kami nang sunod-sunod na katok at boses ng isang kasambahay. “T-tinatawag ka, B-Ben. Labasin mo muna baka importante.” “I think so. Last time na kumatok
RUTH’S POV “ANG ganda naman dito sa farm niyo, Ben.” “Yeah. Super. Nakaka-relax pa ang paligid.” “Kaya nga, e. Ang presko pa ng hangin.” “Kaya isa 'to sa paborito kong place. Umuuwi ako dito kapag stressed ako o 'di kaya nalulungkot ako. ” Napatitig ako sa kanya. “So, stressed at malungkot ka ngayon?” aniya. “Nope. Noon ‘yon.” Ngumiti siya sa akin. “Nandito ako para ipakita ito sa 'yo ang isa sa mga haven ko at para mabago naman ang environment mo, baby.” “Okay. Akala ko malungkot ka nang sagutin kita.” Ngumiti siya sa akin. “Malungkot talaga, Ruthy.” Napaharap ako sa kanya. “At bakit, huh?” “Dinatnan ka, e. Hindi man lang ako pinaisa,” natatawang sabi niya. “Grabe ka, Ben! ‘Yan lang pala ang habol mo sa akin. Sana hindi na lang kita sinagot!” Pinaghahampas ko ang braso niya, hinayaan lang niya. Pero nang tumigil ako dahil sa pagod ay kinabig niya ako. “Nagbibiro lang ako, baby. Ang cute mo kasing asarin.” “Tse! ‘Wag mong sinasamantala ang kainosentehan ko.” Ang malas
RUTH’S POV AKMANG pipindutin ko ang button ng elevator nang may humila sa kamay ko. “B-Ben… Bitawan mo nga ako.” Hindi niya ako pinakinggan. Hinila lang niya ako pabalik ng opisina niya. Hindi ko maiwasang mapalabi dahil nakatingin sa amin ang halos na nandoong empleyado. Ngumiti lang sa akin ang sekretarya. Pagkapasok namin sa loob ng opisina ay binitiwan niya ako pagkuwa’y ni-lock ang pintuan. “B-Benrick,” tawag ko sa pangalan niya nang bigla niyang higitin ang beywang ko. “Nakalimutan ko palang sabihin sa ‘yo na hindi ikaw ang masusunod sa relasyon na ito, Ruthy. Ako.” Tinuro pa niya ang sarili. “Para sabihin ko sa ‘yo, baby, mahirap na kumawala sa akin. Kaya kahit na sabihin mo pang break na tayo, hangga’t wala akong sinasabi, hindi pa tayo break. Maliwanag? Akin ka lang, Ruth,” seryosong sabi niya sabay diin ng daliri niya sa ibabang labi ko. Wagas kung mang-angkin. Pero binaliwala naman niya ako. “Pero tama bang baliwalain mo ako, huh? Alam mo bang nag-aalala ako kung nak
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth