“Sino ka ba talaga?”
Mabilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanatiling diretso at seryoso ang tingin nito sa akin at ayokong iwasan iyon dahil makakadagdag lang ‘yon sa suspetsya niya. Matalim ang tingin namin sa isa’t isa na halos hindi na rin kami kumukurap.
Maya-maya ay ngumisi ako sa kaniya. Bigla siyang nagtaka dahil sa ekspresyon ko.
“Akala ko ba mag-la-law ka?” sakastikong tanong ko rito na dahilan ng pagsalubong ng kilay niya. Pero sa totoo lang ay abot langit na ang kaba ko ngayon. “Why don’t you find it yourself, then?”
Mas lalong naging matalim ang tingin niya sa akin pero tinatapatan ko rin ‘yon. Nanatili kami sa gano’ng posisyon ng mga ilang segundo.
“Jiro.”
Sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ng boses ng sumigaw na ‘yon. Nang makita naming si Ryven &l
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. What the hell? Tinatamad pa akong bumangon dahil tatlong oras lang ang tulog ko. Sabado ngayon kaya dapat ay binabawi ko ang tulog ko dahil simula nang pumasok ako sa university ay ilang oras na lang akong nakakatulog. Ang hirap ng kurso ni Ryven, dagdag pang pang-doctor ang sulat niya.Inis akong napabangon nang makarinig ulit ng katok.“Ano ba!” sigaw ko. Nang buksan ko ang pintuan ay kinukusot ko pa ang mga mata ko. Pero nang makita ko na kung sino ‘yon ay nagsalubong ang kilay ko.“Fellin?”“What the hell happened to you?” iyon agad ang bungad niya sa akin. Siguro ay napansin na nito ang eyebags kong busog na busog.“This is your fault,” sagot ko.Paano ba naman kasi, tinambakan kami ng assignments kahit weekends na. Tapos may pinagawa
He needs protection. Seriously, hindi na tama ang ginagawa ni Matthew kay Ryven. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang saktan ang sarili niyang anak.“Nasaan ang medicine kit mo?” tanong ko rito. Seryoso pa rin ang mukha ko at nahahalata kong naiilang na siya dahil doon.Tinuro niya sa akin ang kinaroroonan non kaya agad ko itong kinuha at sinimulang gamutin ang mga sugat niya. Wala na siyang damit ngayon dahil pinatanggal ko ito para mas mapadali ang paggamot.Pinilit ko talaga siyang sabihin sa akin ang totoo at tama nga ako. Lahat ng sugat at peklat na ‘to ay galing sa kademonyohan ni Matthew. Hindi na ako nakapagtanong pa kung bakit dahil nahalata kong ayaw niya nang pag-usapan pa ‘yon.Seriously? Anong klaseng demonyo ba ang sumapi kay Matthew para magawang ganituhin ang anak? Si Dad nga na pinalaki si Gin kahit hindi nito tunay na anak ay hindi niya natamo ang
Malakas ang tibok ng puso ko ngayong nandito kami sa basement. Kaming dalawa lang ni Fellin ang nandito dahil hindi pa rin nakakauwi si Fion galing sa misyon na binigay ni Dad. Si Gin naman ay wala rin dito. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta dahil hindi rin naman sinasabi ni Dad kung anong pinagawa nito sa kaniya.Ilang beses na akong napalunok nang magsalita siya.“So, pumunta ka sa condo ni Ryven pero hindi mo sinabi sa akin,” panimula nito. Naging sarkastiko ang tono niya kaya mas lalo akong kinabahan. Narinig niya ang usapan namin ni Ryven noong isang araw.“B-biglaan kasi. Nakalimutan ko ring sabihin sa ‘yo.” Napayuko ako dahil sa pagkautal. Nang tingnan ko siya ay wala pa ring emosyon ang mga mata nito.“Anong pinag-usapan n’yo?” tanong niyang muli. Tumikhim ako bago sumagot.“Tungkol lang sa project,” sagot
“What are you doing here?” tanong kaagad ni Ryven nang makababa na si Matthew mula sa sasakyan. Pero halata pa rin dito ang kaba na pinagtakhan ko.“I didn’t came here for you. I came here for Fevianna.” Saka ito tumingin sa akin. Inilibot ko ang paningin sa paligid dahil binanggit niya ang totoo kong pangalan, baka may makarinig. Buti na lang ay iilan na lang ang mga estudyanteng napapadaan at malayo sila sa amin kaya walang makakarinig sa kung ano mang pag-uusapan namin.“What do you want?” tanong ko. Kahit na kinakabahan din ay pinilit kong magmukhang hindi nababahala sa presensya niya.Ngumisi ito at humakbang palapit sa akin pero biglang pumagitna si Ryven. Laking gulat ko nang gawin niya ‘yon, napaatras pa ako habang nanlalaki ang mga mata. Likod niya na lang ang nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung anong ekspresyon nito.“You’re o
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang pumunta si Matthew sa university. Dalawang linggo na rin akong naging mailap kay Ryven. Hindi sa iniiwasan ko siya, bumalik lang kami sa dati na halos walang pakialam sa isa’t isa. Pero tuloy pa rin ang trabaho kong obserbahan siya.Mabuti nga at hindi ito nangungulit. Ramdam niyang hindi ko siya gustong kausapin kaya siya na rin ang dumidistansya.Christmas break ngayon at nandito lang ako sa kwarto, nakakulong. Ilang beses na akong niyayaya nina Jasper na mamasyal pero lagi rin akong tumatanggi. Ewan ko ba, bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Dagdag pa ang pag-iwas sa akin ni Fellin.Simula kasi nang tanggalin ko ang camera sa ID ko ay alam kong na-disappoint siya. Mas naging malamig ito sa akin at mukhang wala na siyang balak na sabihin pa sa akin ang mga plano niya. Si Fion naman ay hindi pa rin umuuwi. Ewan ko kung dito siya magcecelebrate ng Christmas. Wala nam
New Year’s eve na. At nandito kami ngayon sa bar. Sa ilang araw na pag-aaya nila Jasper sa akin ay ngayon lang ulit ako nakapayag. Well, gusto kong maranasan kung anong pakiramdam nang may kasama sa pagsalubong ng bagong taon.Wala namang bago sa mansyon. Hindi pa rin ako pinapansin ni Fellin dahil mas naging busy siya ngayon. Ewan ko ba sa batang ‘yon, napakabata niya pa para magpakalubog sa trabaho. Medyo nakokonsensya lang ako dahil ang kapal ng mukha kong magchill samantalang ako itong nakatatanda. Hindi rin nakauwi si Fion at ang alam ko ay nasa Palawan siya ngayon.Mas nakakagalaw ako nang naayon sa gusto ko ngayon dahil wala rito si Jiro. Out of town siya simula no’ng Christmas Break kaya hindi namin siya kasama. Mabuti nga iyon dahil mas nakakagalaw ako nang maayos.“Vanna, let’s dance,” nakangiting aya sa akin ni Emma. Bigla kong naalala ang ginawa ko sa party ni Jasper noong
Hindi ako nakatulog. Dalawang araw matapos ang nangyari sa bar ay hindi na talaga ako nakatulog. Hindi mabura sa isip ko ang ginawa ni Ryven.Sinusubukan kong ipilit pero sa tuwing pumipikit ay mukha niya ang nakikita ko at labi naman nito ang nararamdaman ko. Para na akong tangang paikot-ikot dito sa kama habang sinasabunutan ang sarili dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.Pasukan na naman. Bagay na iniiwasan ko dahil ibig sabihin lang non ay makikita ko ulit si Ryven. Hindi ko rin inaasahang gagawin niya ‘yon at mas lalong naguluhan ang isip ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko makalimutan ang kuryenteng naramdaman ko no’ng magkadampi ang mga labi namin.“Good morning class,” bati ng prof at kasabay niya sa pagpasok si Ryven kaya naman muli na namang nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap pa
Nakaupo kami ngayon ni Jai sa bench sa likod ng building habang hinihintay siyang magsalita. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil sa pagkailang.“U-uh… Kayo na ba ni Ryven?”Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “No. B-bakit mo naman naitanong?”Ngumiti siya. “Nakita ko kung paano siya tumingin sa ‘yo,” sagot niya. Napaiwas ako ng tingin saka muling bumuntong-hininga.Maraming ibig sabihin ang tingin na ‘yon. Hindi dapat basta-basta nag-aasume. At kung tama nga ang hinala niya, hindi pa rin pwede.“That’s impossible,” sagot ko na lang, “‘yan ba ang balak mong itanong kaya mo ako gustong makausap?”Umiling siya. “No. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang nararamdaman mo.”Muli akong napatingin sa kaniya. Bakit? Ano namang p
“Ahhh!”Hawak-hawak ko ang balakang ko nang pwersahan akong mapaupo sa sahig. Pang-ilang araw na naming training dito pero parang wala pa ring nagbabago sa akin. Gano’n pa rin ako... Mahina.“Tayo!” sigaw ni Selena.Agad ko ring inayos ang sarili ko at muli siyang hinarap. Ngayon ay matalim siyang nakatitig sa mga mata ko na tila ba may hinahanap ito roon.“Show me your wrath!”Mariin ko siyang tiningnan at naghanda na sa susunod na pag atake pero nalalabanan niya iyon lahat.“Kulang pa iyan!” muling sigaw niya at tila ba mas galit pa siya sa akin ngayon.Muli akong sumubok pero wala talaga, sadyang mas malakas siya sa akin at wala na akong magagawa roon!Huminto muna ako at ipinatong ang mga kamay sa tuhod ko habang hinihingal. She's just watching me at tila ba disappointed ito sa mga nagiging kilos ko.“Is that all you’ve got, Fevianna?” she asked, irritated.“Pagod na ak—”“Do I gav
I have a bad feeling about this. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na dapat talaga ako sumama, e!And to that woman, Selena! Bakit kung makatingin siya sa akin ay iba? Para bang handa ako nitong sakmalin anumang oras o kaya naman may binabalak siyang hindi maganda sa akin.I should be careful.Nagpapahinga na kami ngayon sa kaniya-kaniya naming kwarto. Thank God I’m alone now. Ang tanging sinabi lang sakin ni Matthew ay mas mapapalakas ako rito. And I think the person he was talking about na makakatulong sa akin ay si Selena. But what's with her presence?She’s a filipino residing here in England kaya nakakaintindi pa rin siya ng tagalog although mas na-aadapt niya na ang slang dito. And I need to get ready dahil magsisimula na bukas ang training namin. Malakas ang pakiramdam kong iba kung magtrain si Selena, sa presensya niya pa lang ay natitinag na ako, paano pa kaya kung nasa mismong training na kami?Gawa na rin ng sobrang pagod
“Are you all set?”Nalipat ang tingin ko sa repleksyon ni Gin sa salamin nang bigla na lang itong pumasok ng kwarto habang inaayusan ko ang sarili ko.I put on my lipstick before I stood up and turn to look at him.“Let's go,” I answered, blankly.Ngayon na ang alis namin at nagdesisyon akong baguhin ang lahat-lahat sa akin.I wore a skin-toned backless crop top and black high waist jeans. Naka-pony tail din ako kaya naman lantad na lantad ang balat ko sa likod.Hindi rin makatingin ng diretso sa akin si Gin na tila ba naiilang ito pero wala na akong pakialam. Inayos ko na lang ang mga gamit ko bago ito binigay sa kaniya. Pero bago pa ako lumabas ng kwarto ay pinagmasdan ko muna ang sarili sa salamin.I smirk as I saw my reflection on the mirror. Who would've thought that I actually became the bitch I didn't what to be?I put on my stilettos and compose myself. Bumagay ang suot ko sa pulang-pulang mga labi ko. A
I swear to myself that this will be my last tears. Sawang-sawa na akong makaramdam ng sakit. Sa sunod-sunod na sakit na nalalaman ko ay unti-unti ako nitong minamanhid. And this is what I want...To be numb.Magdamag ko na atang naibuhos lahat ng luha ko dahil kinabukasan ay tila wala na akong maramdaman na kahit ano. Blangko na ang lahat-lahat sa akin. I can't trust anyone anymore, even myself.Or rather... I don't know myself... anymore.Umiling ako saka dumiretso na lang ng banyo para maligo. After doing my morning ritual ay lumabas na rin ako ng kwarto at naabutan pa si Gin na mukhang papunta ng kwarto ko.He stopped for a while when he saw me but later on continue to saunter towards me.“I have something to tell you,” he said.Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.“We’re going in England,” he added that immediately fixed my
Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak. Luckily, I was alone since Gin gave me time for myself. Hinayaan ko lang ang sarili kong maging mahina at mugtong-mugto na ang mga mata.I can’t even remember if I ate dinner. I just let myself be tired of crying until I fell asleep.Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan.“Are you awake? I brought you food,” rinig ko ang mahinahong boses ni Gin mula sa labas.I was just staring at the ceiling for a few minutes until I heaved a deep sigh.“Come in,” I utter.Maya-maya lang din ay pumasok siyang may dalang tray ng pagkain. He first look at me as if observing me and my next move. “Kumusta ka?” With that question, I froze. Hindi ko alam na sa simpleng tanong lamang na ‘yon ay mahihirapan akong sagutin. I didn’t mean to make its meaning doubled but I just can’t distinguish what kind of question he wanna ask.Kumusta ako physically? Emotionally? Mentally? No. I am not okay, but this will gonna be okay... s
Tears are still streaming down my face when I hurriedly hopped inside of Gin’s car. “Lady Fev—”“Let’s go.”He didn’t question anymore when he saw my reaction. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at mas malumanay na lang ngayon ang patakbo niya.Later on, he grope something in front and gave me the tissue. I hesitated first from accepting it but this is not the time to higher my pride. Kinuha ko ‘yon at naging tahimik na kami sa buong biyahe habang hinahayaan niya akong ilabas lahat ng luha ko. I am even sobbing but he’s just acting like he can’t hear me so that I can have a privacy.I feel like crying is not enough to ease my madness. I felt like I am enduring the problem of a whole nation. Sobrang bigat sa pakiramdam!I don’t know where he’s taking me but it was like we’re going up a mountain. Hinayaan ko na lang siya dahil sa ngayon ay wala pa akong ganang makipag-usap.Until later on, we stopped at the edge
I slowly open my eyes when I heard the door open. Where am I? This is not my room and this is also not familiar to me.My vision is still blurry since I just woke up but when the person went near me, I slowly distinguish who it is.“Lady Fev...”His concerned eyes darted at me. Soon after, he touched my forehead with the back of his palm. “I brought soup and medicine. You should eat first,” he offered.This scene is familiar.I tried to rose up but I felt my head hurts. Inalalayan niya ako sa pag-upo hanggang sa mapasandal ako sa headboard.Later on, he just volunteered to give me a hand for me to eat. Hindi na ako tumanggi pa dahil sa nararamdamang gutom at hilo.Hinipan niya muna ito bago isinubo sa akin at habang kumakain ay wala akong ibang maisip kundi ang nangyari kahapon. Unti-unting bumabalik ang lahat ng sinabi ni Matthew na hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan.“Your medicine
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just want to disappear from this world.I don’t even care even though I’m walking at the middle of the road, hearing the different kinds of horns. Why can’t they just kill me so this will end already?“Hoy! Magpapakamatay ka ba?!”I heard someone shout at me but I didn’t turn to look whoever it is. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa matunton ko ang puro punong lugar. I went under the tree and let myself rest there. Napakatahimik... Napakapeaceful. I sat on the ground and leaned against the tree. Pinapakinggan ko lang ang tunog ng pagsayaw ng mga dahon kapag nahahanginan ito. I’m aftaid at the darkness but it’s a surprise that I found it calming now.When I open my eyes, There was no moon either stars. Until I suddenly feel a small liquid streaming down my face. I thought it’s my tears but I couldn’t cry anymore added that it’s cold. Later on, they simultaneously fall a
I waited. I waited for it to hit me but damn this car! It stopped!Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko nang tumayo at pinaghahampas ang harap ng sasakyan.“Just fucking kill me!” I continue to hit it even though I’m already hurting my own hands. “Kill me now!”“Fev!”“Kill me!”“Fevianna!”I was stopped when I heard that familiar voice. It was dark already but when he got near me, that was the time I almost lost my energy. But he managed to hold me still and that’s when I didn’t waste a time and wrapped my arms around him.“Ryven!” I sobbed just by smelling his scent again. I missed him so much. I missed this man.“Fev, sorry... I-I’m really really sorry from what I did,” he said as he tightened our hugs and kissed the side of my head.I wasn't able to answer since I just want to feel his warmth. I feel like home inside of his embrace. Ngayong halos maubos na ang lakas ko ay unti-