Share

Chapter Two

Author: Dias Sen
last update Last Updated: 2024-02-11 22:03:21

BUHAT NI LUCIOUS ANG NABILI NIYANG MIRACLE GIRL ALA BRIDAL STYLE. Naabutan niya sa sala ang kanyang Uncle Henry na naglalaro ng chess kasama ang business partner nilang si Joey Kracatoa ng Hawaii. Binilisan niya ang bawat hakbang at narating niya ang hagdan patungong ikalawang palapag. Nais niyang iwasan na makita ng Uncle niya ang estrangherang babae.

“Lucious? You are here?” Takang tawag nito sa kanya. Tumayo ito mula sa sofa at nakita nito ang dala niyang babae. “Oh my! Who’s that?” Usisa nito.

This is what he hates living in this family mansion, kasama niya ang kanyang natitirang family relative which is his late father’s younger brother. Kahit may kakayahan siyang lumipat ay hindi niya ginagawa dahil sa kanya nakapangalan ang pamamahay na ito. Hindi naman niya maaaring palayasin na lang basta ang kanyang Uncle Henry.

“She’s my own business to mind of,” sarkastiko niyang sagot at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-akyat sa hagdan. Ang miracle girl naman na buhat niya ay kanina pa pinipisil ang kanyang ilong at magkabilang pisngi. He just let her be. Para itong batang pinanggigilan siya.

Sumunod sa kanila ang nakabuntot niyang right hand man.

They reached one of the guest rooms. Maingat niyang ibinaba sa malambot na kama roon ang babae. She looked up at him curiously then she realized the soft mattress. Natuwa ito at lumundag lundag doon.

“Rick, arrange everything for her. She needs to have a legal identity.” Pag-uutos niya sa kanyang tauhan habang nakapako pa rin at nakamasid ang mga mata niya sa babae.

“Well, Young master. If I may suggest a name or rather tell you her real name?” Nagsalita ang kanang kamay niyang nakatayo sa likuran niya.

Samantalang siya ay nakaupo sa gilid ng kama.

“Her name? She has a name? Ibig sabihin nagsinungaling ang host na walang pangalan ang babaeng ito?” Bahagyang tumaas ang tono ng kanyang boses.

“Sort of. Maybe they weren’t able to open or look at the notebook Dr. Rivas left with the miracle girl. Nasa notebook nakasulat na Haraya ang pangalan niya ayon na rin sa nawawalang scientist,” Rick told him about what he found out.

Iniabot pa nito ang notebook na ito ang nagdala dahil abala siya sa pagbubuhat nitong babae kanina. Binuklat niya ang mga pahina hanggang marating niya ang introduksiyon. Nakasulat sa baybayin at sa modernong alpabeto ang pangalang Haraya. It’s what Dr. Rivas is claiming to be this miracle girl’s name.

“Haraya?” Nagtataka ang tinig niyang binasa ang pangalan ng babae.

Nagulat siya noong gumapang palapit sa kanya ang estrangherang lumulundag lang kanina sa kama. Tama nga ang nakasulat sa notebook. Haraya ang pangalan nito dahil alam nito iyon mismo.

“Haraya?” Muli niyang inulit bigkasin ang pangalang iyon.

Nasisiyahang tumango tango ang babae at itinuro pa nito ang sarili.

“So it is your name,” he concluded.

Ibinalik niya kay Rick ang notebook. “Please bring that to my safety in my study room. Pag-aaralan ko mamaya ang mga isinulat diyan ng scientist,” utos niya sa tauhan.

Kinuha ng kanang kamay niya ang notebook at yumukod sa kanya. “Masusunod, Young master,” tumugon muna ito bago nilisan ang guest room.

Tanging silang dalawa na lamang ni Haraya ang naiwan sa silid. Titig na titig ito sa kanya. Naghihintay ito ng susunod niyang sasabihin o kilos.

Sinalubong niya ang mga titig nito. He could only see her eyes that resembles a blank slate. Ang mga kamay niya ang kusang gumalaw. Hinawi niya ang nakatabing nitong buhok sa pisngi nito. Mas lalo siyang nabighani sa maamo nitong mukha. Ang inosente nitong mga mata ay kulay tsokolate, may mahahaba siyang pilikmata at malalim na eyelid. Matangos ang ilong nito at mapusyaw na kulay rosas ang manipis nitong mga labi.

Nakaramdam siya nang pagkaakit na hagk*n ito. Hindi niya alam kung anong sumagi sa utak niya at ginawa niya nga ang bagay na iyon. He kissed the girl as he closed his eyes.

The girl looked astounded and frozen in place. Napakurap kurap itong nakatingin pa rin sa kanya. Hinaplos nito ang mga labi nitong pinakawalan na niya.

“Oh f*ck!” He cursed when he realized what he just did. “I’m sorry, Haraya,” he immediately apologized and he held her by her cheeks. “Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nawawalan ako ng kontrol sa aking sarili kapag magkalapit tayo,” he confessed.

Nakalimutan niyang hindi nga pala ito marunong magsalita. Tumango lamang ito atsaka siya nginitian. He just took that as her response that everything’s alright.

“Maiwan na kita at kailangan mong magpahinga. Darating mamaya si Manang Dolores parq tulungan kang maligo at magbihis. Hayaan mo at sasabihan ko ang kusinera na maghanda ng maraming pagkain para sa iyong pagdating,” malambing niya itong kinausap. “I need to go,” nagmamadali niyang paalam. He kissed her forehead before he went out of the room.

Hindi kinakaya ng sarili niyang utak ang mga pangyayari. Walang ginagawa ang babae ngunit naaakit na lamang siya bigla. Umiling iling siya at dumiretso sa kanyang sariling silid upang magbihis.

Kailangan niyang pigilan ang sarili na maulit muli ang nangyari kanina. Isang halik lang iyon ngunit kapag nagtuloy tuloy na palagi niyang hahayaan ang sariling maakit dito ay baka mauwi sa pag-angkin dito ang magawa niya. He can’t do that. Haraya is supposed to cure his disease not to become his woman. Or he can claim that both.

NAGPANTING ANG TAENGA NI FREYA MATAPOS MARINIG ANG USAPAN NG MGA KATULONG NA NAGLILINIS SA SALA. Kadarating niya galing sa kanyang photoshoot para sa isang lokal magazine.

“Anong sinabi ninyo?” She confronted them in a very unfriendly manner.

Wala siyang pakialam kahit habang buhay siyang bansagang pangit ang ugali dahil sa mga asal niya at pagtrato sa mga ito. She’s legally adopted by Henry Maybach, her adopted father. Kung kaya’t gagawin niya lahat ng gusto niya dahil mas mataas ang kanyang kaantasan kumpara sa mga mababaho’t mababang uring mga taong ito.

She chooses who she respects and treats well, and that must be the people that is her own level.

“N-Nag-uwi po ng magandang estranghera ang Young master, señorita,” utal at nahintakutang sumagot ang isa sa mga katulong.

Sinumpong ang pag-aalburoto niya. No way!

“What did you call her?” She asked another question. Pinandilatan niya ang mga ito. “Sinong maganda? Hindi ba’t kabilin bilinan ko na ako lamang ang matatawag na maganda sa pamamahay na ito. Naiintindihan ba ninyo?” She let them be reminded.

“Pasensiya po, señorita,” sabay sabay nilang paghingi nang paumanhin.

“Dapat lang,” nakangisi at taas noong turan niya. Umalis siya sa sala upang hanapin ang kanyang ama.

Pinuntahan niya ang alam niyang palagi nitong kinaroroonan sa buong lupalop ng mansiyon. She went to his study room.

“Dad,” she called for him as she strode inside without even asking permission. Hinahayaan lamang siya nito na gawin ang lahat ng gusto niya. Ika nga nito siya ang prinsesa ng mga Maybach.

“Daddy! Where are you? I am home now. I need to talk to you,” she demanded as she kept on shouting inside the study room.

“Hey, hija. Calm down,” sumulpot sa kanyang likuran ang ama. “What’s wrong?” May pag-aalala sa tinig nitong tanong.

Umikot siya paharap dito. “Who’s that girl that everyone’s talking in the mansion?” Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagtanong siya pabalik. Halata ang iritable sa kanyang boses.

Bumuntong hininga ang kanyang ama. “I don’t know. Ask your cousin. Ask Lucious,” wala itong naibigay na sagot. Tinalikuran siya nito upang maupo sa swivel chair nito sa likod ng mesa na nasa kanilang gilid. Ito ang nagsisilbi nitong office room.

“Dad! Stop calling him my cousin. You already said to me that you’ll make way for us to get married,” saway niya rito at pinaalala pa ang pangako nito sa kanya noon.

Tama, hindi naman sila magkadugo ni Lucious kaya walang problema kung ikakasal silang dalawa. Mahal niya ang binata at sa kanya lamang dapat ito mapunta. Hindi siya makakapayag na may ibang babaeng aangkin dito.

“I know. Kailangan mo munang kumalma. I remember everything I told you. Ngunit hindi ganoon kadali ang mga bagay bagay. Sa papel ay legal kayong magpinsan dahil ampon kita at naging legal kitang anak sa kasulatan,” her father explained.

Napaismid siya, pinagkrus niya ang kanyang mga braso at humalukipkip. “Masyado namang natatagalan ang pinangako mong plano sa akin, Daddy,” nagreklamo siya.

“Freya, anak, maghintay ka pa ng kaunti,” humingi ang ama niya ng palugit.

“Huwag mong masyadong tagalan, Daddy. Alam mong ayaw kong pinaghihintay. Lucious is mine since we were kids. Hindi siya pupuwedeng maagaw ng iba,” maarte niya pahayag.

“I will try my best,” ito tanging naging tugon ng ama.

Nilapitan niya ito upang halikan sa pisngi nito at yakapin bago siya naglakad sa may pinto.

“Thank you, Daddy. You are the best,” pahabol niyang papuri rito bago umalis.

LUCIOUS HAD CHANGED INTO HIS HOUSE CLOTHES. Nakapamulsa siyang lumabas muli sa kanyang silid at pinuntahan si Haraya.

Napangiti siya matapos makitang nakabihis na rin ito. Suot nito ang isang maganda at mamahaling bestida. Kasalukuyan itong nakaupo sa vanity chair at sinusuklay ni Manang Dolores ang buhok nitong hanggang puw*tan ang haba.

“Kuya Lucious!” Pumailanlang ang matinis at nasasabik na boses ni Freya. Ang kanyang pinsan, ampon ito ng Uncle Henry niya.

Mabilis niyang isinara ang pinto sa guest room kung saan nakatuloy si Haraya. Ayaw niyang makita ito ni Freya. Tiyak na kamumuhian nito ang estrangherang pinatuloy niya sa mansion.

Nagtaka man ito sa naging kilos niya ay pinili nitong huwag kwestiyonin ang kanyang ginawa. Freya will never go against him.

“How’s your day, princess?” He asked. Since they were kids, that’s their endearment to her.

Lumapad ang ngiti nito at tumingkayad upang gawaran siya ng halik sa pisngi. That’s how she shows her sweetness to them.

“It’s kinda tiring, Kuya but it’s fine. It’s worth it. Ako ang bagong cover girl sa local magazine this month. Of course I am happy dahil naibalandra na naman ang maganda kong mukha,” she excitedly reported.

Nagpanggap siyang natutuwa para rito.

“That’s good to know. Keep up the good work,” pineke niya ang masiglang boses.

He knows that Freya has romantic feelings for him but he kept on acting ignorant about it. He only sees her as a little sister. They are family and it should stay that way.

Ang masaya nitong mukha ay biglang nagbago sa naiinis at malungkot na awra. “Nabalitaan kong mayroon kang estrangherang inuwi rito sa mansion. Sino naman ang babaeng iyon?” She started to interrogate him.

“Freya, huwag kang makialam sa sarili kong buhay. She’s not a stranger. Her name is Haraya,” tugon niya at ngayon pa lamang ay sinusubukan niya ang sariling pasensiya na pahabain para rito.

“Haraya huh?” She coughed to show annoyance. “Atsaka makikialam ako dahil nasa iisa tayong pamamahay.” Umiral na naman ang pagiging pakialamera nito.

Kung hindi lang sila magpinsan sa papel ay matagal na niyang pinatulan ang kamalditahan nito. Matagal na siyang nagtitimpi rito para sa patuloy na ikatatahimik ng relasyon niya sa kanyang Uncle Henry. His uncle treasures Freya like a real blooded daughter.

Magsasalita pa sana siya ngunit bumukas ang pinto ng guest room at lumabas doon si Manang Dolores.

“Young master, tapos ko na pong bihisan si Señorita Haraya,” puno ng kagalakang saad ng katulong.

Tumambad naman sa likuran ni Manang Dolor ang magandang mukha ni Haraya. Tila ito kumikinang at kumikintab sa taglay nitong natural na eleganteng kagandahan. Ang ngiti nito ay hindi mapalis. Naroon pa rin ang kainosentehan sa bawat kilos nito.

Haraya’s beauty radiates in her exquisite pastel blue dress. That dress belongs to his late mother. Hindi niya sukat akalain na mayroon pang mas titingkad sa ganda ng kanyang yumaong ina suot ang naiwan nitong bestida.

Alam niyang magagalit ang pinsan niyang si Freya kung ang mga damit nito ang ipapahiram kay Haraya. That’s why he decided to tell Manang Dolores that they better use his late mother’s old clothes for the meantime.

“You look stunning,” bulalas niyang komplimento kay Haraya.

Nasisiyahang lumapit sa kanya ang dalaga at umikot ikot pa sa harapan niya upang ibida ang kasuotan nito.

But he was too stunned by what she unexpectedly did next. Haraya tiptoed and firmly pressed her soft lips to his.

Napasinghap ang lahat ng saksi. Hindi siya nakagalaw sa sobrang gulat. What should be the rightful thing to do to save their as*es out of this situation?

Related chapters

  • Auctioned: Bought by the CEO Billionaire   Chapter Three

    LUCIOUS REMAINED SILENT FOR A COUPLE OF SECONDS AFTER HARAYA KISSED HIM. Maski ang mga tao sa kanilang paligid na nakakita ng pangyayari ay hindi pa rin makabawi sa pagkagulat. “Aba! Walang hiya kang babae ka!” Si Freya ang naunang nagreact at akma na nitong sasabunutan si Haraya. “Sino ang nagbigay ng karapatan sa iyo para halikan si Lucious?” Hysterical nitong pagwawala. Pinigil niya ang mga kamay ng pinsan niyang hahaklit na sana sa buhok ni Haraya. He lightly pushed Freya away. “Stop overreacting, Freya. Haraya has all the rights because she is my fiancée,” he announced. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang bumuo ng kuwento para hindi mabuking ang tunay na dahilan nang biglaang pagsulpot ni Haraya sa kanyang buhay. “Walang masama sa ginawa niya. It’s normal for couples to kiss,” pagtatanggol pa niya. Mas lalong nasindak si Freya. Ang mga katulong at tauhang saksi ay nagsibalikan sa kani kanilang trabaho matapos ng kanyang naging anunsiyo. They accept everything he does

    Last Updated : 2024-02-19
  • Auctioned: Bought by the CEO Billionaire   Chapter Four

    HARAYA LOCKED THE DOOR OF HER ROOM. Noong masigurong nakaalis na papuntang trabaho si Lucious at iniwan na siya ni Manang Dolores ay nakahinga siya nang maluwang. Kinuha niya ang kanyang ipad at airpods na nakatago sa closet. No one knows she has them or even her laptop.She’s pretending to be dumb and a fool to gain the sympathy of Lucious. Tagumpay niyang naisagawa ang plano, nakapasok siya sa buhay ng mga Maybach ng walang kahirap hirap. Kasabwat niya ang auction house at suportado siya ng secret government detective organization kung saan siya nagtatrabaho, mainly sa intelligence unit, at kilala bilang Code Red. Ang detective agency ay funded ng iba’t ibang pribadong mga kliyente at korporasyon. She raised this mission to seek revenge. Ngunit kailangan muna niya ng pruweba at matunton kung sino nga ba ang tunay na kumitil sa buhay ng kanyang buong katribo tatlong taon na ang nakakalipas. Ang tanging alam niya ay nasa loob ng Maybach family o kabilang sa pamilyang ito ang salarin.“

    Last Updated : 2024-03-03
  • Auctioned: Bought by the CEO Billionaire   Chapter One

    “MAKE SURE TO SECURE HER,” bulong ni Lucious na komando kay Rick, ang kanyang trusted right hand man.“Masusunod, Young master,” yumukod ito sabay tugon.Nasa ikalawang palapag sila ng auction house, the VIP area. Samantalang ang mga kalaban nilang bidders ay nakaupo sa unang palapag sa harap ng entablado.Umugong ang malakas na usapan at napasinghap ang lahat sa gulat matapos mahawi ang kurtina at maihantad sa paningin nila ang babaeng sadya nilang lahat.Nakakulong sa isang malaking bughaw na hawla ang tinaguriang miracle girl. Puno ng pasa ang katawan, nanghihina ito at duguan pa ang bibig. He cared less about her appearance, all he wanted is her blood which the auction house promised to possess a healing power.Napahawak siya sa kanyang baba matapos mapagmasdan ang itsura ng babae. Nakasuot ito ng puting mahabang bestida, hindi man lang ginawang presentable ito. Nagmukha tuloy itong takas sa mental ospital.“Magandang gabi po sa atin, mga bidders!” Puno ng enerhiya at malakas ang

    Last Updated : 2024-02-07

Latest chapter

  • Auctioned: Bought by the CEO Billionaire   Chapter Two

    BUHAT NI LUCIOUS ANG NABILI NIYANG MIRACLE GIRL ALA BRIDAL STYLE. Naabutan niya sa sala ang kanyang Uncle Henry na naglalaro ng chess kasama ang business partner nilang si Joey Kracatoa ng Hawaii. Binilisan niya ang bawat hakbang at narating niya ang hagdan patungong ikalawang palapag. Nais niyang iwasan na makita ng Uncle niya ang estrangherang babae.“Lucious? You are here?” Takang tawag nito sa kanya. Tumayo ito mula sa sofa at nakita nito ang dala niyang babae. “Oh my! Who’s that?” Usisa nito.This is what he hates living in this family mansion, kasama niya ang kanyang natitirang family relative which is his late father’s younger brother. Kahit may kakayahan siyang lumipat ay hindi niya ginagawa dahil sa kanya nakapangalan ang pamamahay na ito. Hindi naman niya maaaring palayasin na lang basta ang kanyang Uncle Henry.“She’s my own business to mind of,” sarkastiko niyang sagot at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-akyat sa hagdan. Ang miracle girl naman na buhat niya ay kanina pa pi

  • Auctioned: Bought by the CEO Billionaire   Chapter One

    “MAKE SURE TO SECURE HER,” bulong ni Lucious na komando kay Rick, ang kanyang trusted right hand man.“Masusunod, Young master,” yumukod ito sabay tugon.Nasa ikalawang palapag sila ng auction house, the VIP area. Samantalang ang mga kalaban nilang bidders ay nakaupo sa unang palapag sa harap ng entablado.Umugong ang malakas na usapan at napasinghap ang lahat sa gulat matapos mahawi ang kurtina at maihantad sa paningin nila ang babaeng sadya nilang lahat.Nakakulong sa isang malaking bughaw na hawla ang tinaguriang miracle girl. Puno ng pasa ang katawan, nanghihina ito at duguan pa ang bibig. He cared less about her appearance, all he wanted is her blood which the auction house promised to possess a healing power.Napahawak siya sa kanyang baba matapos mapagmasdan ang itsura ng babae. Nakasuot ito ng puting mahabang bestida, hindi man lang ginawang presentable ito. Nagmukha tuloy itong takas sa mental ospital.“Magandang gabi po sa atin, mga bidders!” Puno ng enerhiya at malakas ang

DMCA.com Protection Status