Belle “Anong oras ka uuwi Daniel?” tanong ni Scott sa kaniya nang ilang oras na kami nasa sala. Sumilip ako sa pambisig kong relo. Malapit na ang alas-onse ng gabi anong oras kaya uuwi si sir Daniel. Kaming tatlo na lang actually ang nasa sala. Ang tibay ng dalawang lalaking ito ako inaantok na. Ang dalawa kong kapatid kanina pa pumasok sa kuwarto nila, dahil may pasok din bukas ang dalawa. “Ikaw ang may-ari ng apartment?” tugon ni sir Daniel kay Scott kaya ako'y mariin pumikit. Nagkasukatan pa sila ng titig. Tumikhim ako ‘tsaka lang natigil ang dalawa. Susko talaga parang mga isip bata itong dalawa kaunti na lang pagbuhulin ko ito pareho kanina pa nagpapayabangan. Pero hindi ko rin naman din masisisi si Scott. Kasi wala naman siyang alam sa totoo tungkol sa 'min ni sir Daniel. Sasabihin ko sa kaniya kapag may linaw na ang lahat. Kapag lumabas na ang DNA test. Kahit na wala pa akong maalala sa nakaraan ko. Kung positive naman na magkapatid kami ni sir Daniel, sa lalabas na
Belle Nang pauwi si Scott kinaumagahan. Matagal bago ko napaalis. Hinatid kasi ako nito sa bakery hindi pumayag hindi ako muna niya idaan bago raw siya umuwi. “Ayaw mo pang umalis?” taboy ko ng ayaw pa akong pababain sa kotse niya. Fifteen minutes na kami naka park sa tapat ng bakery ko itong Scott Miguel ayaw pa akong pakawalan. “Woi! Magkikita pa tayo mamayang gabi sobra ka,” anang ko hindi ko maiwasang ngumiti. Sobrang clingy nito aba'y nakailang halik na sa ‘kin walang kasawa sawa ang boyfriend ko. “Seven pm mamaya ang dating ko, love,” sabi nito muli akong siniil ng halik. Nagtagal pa kami maghalikan bago ako nito tigilan. “Gusto mo bang magalit ang mommy mo sa ‘yo kanina pa panay tawag sa iyo. Inaantay ka ng lunch. Lakad na Scott.” “Love, ayaw mong sumama?" katwiran nito. Oo nga paggising namin kanina iyan na ang inuungot sa ‘kin sumama raw ako sa kaniya sa bahay ng parents niya. Hindi pa ako handa. Isa pa mamaya lang gabi pupunta naman kami sa party ng dad niya. At
Belle “Scott, hindi na ito kailangan,” bulalas ko ng isuot niya sa leeg ko ang isang white gold necklace. Kinapa ko iyon may pendant na heart. “Sobra-sobra na attorney, ang binigay mo. Sponsor na nga ang damit at shoes ko may pa necklace pa?” dinaan ko sa biro, pero ang totoo. Hati ang nararamdaman ko. Masaya na malungkot. Lagi kasing pumapasok sa isip ko kung deserve ko bang ganito bigyan ni Scott ng mamahaling regalo. Hindi ko pa nga nasabi sa kaniya ang totoong dahilan bakit agad akong sumama sa VIP room noong una naming pagtatagpo. Dahil ‘wag ko na raw isipin iyon. Nakaraan na kalimutan na namin. Pero hindi ko lang talaga maiwasang ma-guilty kasi ang bait ni Scott. “Love, ‘wag mong i-stress ang sarili mo. Hindi mo kailangan mag-alala. Dahil lahat ng binibigay ko sa ‘yo. Galing sa puso ko wala akong hinihinging kapalit.” “Sobra na ito, Scott,” “Walang magrereklamo. Let's go inaantay na nila tayo,” ani niya hinawakan na ako sa kamay ko. “Wait magpapaalam lang ako sa da
Belle Nang makarating kami ni Scott sa venue. Marami ng tao. Bawat madaanan namin tao binati si Scott kaya mabagal lang ang aming lakad. Humawak ako sa braso ni Scott. Ng mayroon may-edad na babae at lalaki sasalubong sa ‘min. Nahalata ni Scott ang kaba ko niyuko niya akong nakangisi. “Kasama mo ako, love,” paalala ulit niya. Makulit talaga ako ilang ulit na akong sinabihan ni Scott nito. Kanina pa bago pa kami bumaba sa kotse niya, ganito rin ang sinabi kasi matagal akong bumaba sa sasakayan niya. Pagpasok sa entrance ng Heretage place hotel. Ganito rin ang sinabi. Ngayon sinabi niya ulit sa ‘kin napangiti na lamang ako mabuti matiyaga itong boyfriend ko hindi lang nakita ang pagkainis sa ‘kin. “Pasensya na kung wala akong self confidence. Hindi kasi ako sanay sa ganitong okasyon. Sanay ako sa maraming tao. Pero sa ganitong party na may sinasabi sa buhay lahat ang invited hindi pa ako sanay.” “Hijo,” nagsalita ang babae ng nasa tabi na ‘min. Mag-asawa siguro ito kasi nak
Belle “Sana hindi mo pa ako niyaya. Bibigyan ko pa ng lecture si doktora Michelle. Baka magkaroon ng GMRC, kapag tinuro ko sa kaniya. Siguro hindi siya nagkaroon ng subject noong nag-aaral pa, kaya gano'n na lang ka epal ang ugali noon." Humalakhak si Scott, hinalikan ako sa gilid ng ulo ko. Pinihit ako paharap sa kaniya masayang nakatawa si Scott. Pinisti hinapit ako sa baywang ko hinalikan sa noo ko. Nanatili kaming nakatayo sa gano'n posisyon. “I love you," nakangiti kami sa isa't isa. "Ang tapang pala ng girlfriend ko,” naaliw pa rin na sabi ni Scott. “Na dapat lang naman! Kaya ‘wag kang ano sa ‘kin, hottorney. Baka makatikim ka rin ng lecture galing sa girlfriend mo," bumungisngis ko. “Takot ko lang sa ‘yo love. Alam ko naman grrr…matapang talaga ang girlfriend ko," aniya mahinang tumawa. Inirapan ko pero ang totoo kinilig ako. Mamaya binitiwan ako ni Scott. "Tara na nga nandoon sina mommy at daddy,” Napunta ang tingin ko sa itinuro ni Scott sa unahan. Hindi ko masyad
Belle Nang ilang hakbang na lamang kami ni Scott sa parents niya. Unang nakapansin na malapit na kami si Judge Edward Stewart. Lumingon kasi ang daddy ni Scott, kaya nakita na kami at masayang ngumiti sa ‘min. “Iyan si dad kasing pogi ko diba?” bulong pa ni Scott nangiti ako. “Ikaw ang batang version ng dad mo,” sagot ko sa kaniya nagustuhan ng Scott Miguel n'yo. “Medyo seryoso lang si daddy kaysa sa ‘kin pero cool na cool ‘yan. Alam ko mahuhuli mo ang ugali ni daddy,” pagbibida ni Scott. “Si mommy mo?” naitanong ko na rin. “Same mabait sila ‘wag kang matakot,” Lihim akong tumingin sa dad ni Scott. Dito pala talaga nagmana si Scott kasi parehong maputi. Parang maysinabi pa ang daddy ni Scott sa kausap na shipping line magnate kasi napunta ang atensyon sa ‘min. Mabuti wala na ang governor na sinabi ni Scott kanina. Naiwan na lang itong shipping magnet nag-uusap pa hanggang ngayon ng daddy ni Scott. Saktong nakalapit na kami. Nakahanda na ang maganda kong ngiti sa magu
Belle Pagkatapos kong mag-CR. Nanatili muna ako sa harapan ng bathroom sink. Inayos ko muna ang sarili ko upang hindi mapansin ni Scott, na umiyak ako. Pinagmasdan ko ang sarili sa harapan ng salamin. Malungkot akong napangiti. Kalma Belle, mama iyon ni Scott. Kayanin mo. Magugustuhan din ako niyon. Tama positive lang dapat. Sana lang hindi mapansin ni Scott na galing ako umiyak. Ayaw ko naman mag-aalala ito at birthday pa naman ng daddy niya. Sisirain ko pa ang masayang okasyon. Kaya ko ito kailangan ko munang unawain ngayon at ipakita na hindi sa yaman, kaya ko nagustuhan si Scott. Nang masiguro ko okay na ako at wala ng bakas na ako'y umiyak nagpasya na akong lumabas sa restroom. Walang ganang naglakad ako pabalik sa table ng magulang ni Scott. Nang nakikita ko na ang mga bisita sa party humugot ako ng hangin sa dibdib ko. Malayo pa ko sa table nila Tito Edward. Wala si Scott, nagtaka ako ang naroon ang magulang lang niya. Ha, nasaan kaya ito bakit Hindi ako inantay
Belle Napasentido ako. Tama ba uuwi agad ako kahit wala pang kalahati ang party. Hindi pa nga nag-speech ng pasasalamat ang mommy at daddy ni Scott, sa bisitang nagpunta. Ito ako nag-aaya na umuwi sa boyfriend ko. Humugot ako ng hangin. Muli akong umupo si Scott nagsalubong ang kilay niya. Kanina lang naman ako nagtatampo ngayon ayos na ako. Nagpasya akong makiusap kay Scott na ako na lang ang uuwi. “Mgta-taxi na lang ako. Kahit ihatid mo na lang hanggang makasakay ako. Birthday ito ng daddy mo Scott Miguel,” pigil ko sa kaniya kasi nag-aantay na nakatayo sa ‘king harapan. “Bigla ko kasi naisip na ang immature ko naman nito kung magta-trantrums dahil lang may hinatid kang bisita. Tapos birthday ito ng daddy mo kaya dapat igalang ko.” “I'll take care of explaining to my mom and dad. Ayaw ko rin napilitan ka na lang mag-stay rito, kung bad mood ka naman. Valid naman ang reason mo magalit kasi nagtagal ako sa labas." “Wag na nga! Dito na lang muna ako,” tumaas ang boses ko kay
Belle “Scott wala akong ginawa,” saad ko rito. Kahit ito lang ang maniwala sa ‘kin okay na ako. Nag-antay ako ng isasagot ni Scott. Napanguso ako ng pagmasdan niya ako pagkatapos naningkit ang mata niya palitan kaming binigyan ng tingin ni Scott. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Scott nakapa seryoso kasi kaya hindi na lang ako nagsalita. “Anong nangyari bakit kayo nag-aaway?” si tita Mabel ang nagtanong. Napayuko ako kasi nabasa ko sa mata nito ang dismayado. Kung sa akin lang o para sa ‘min dalawa ni Abril hindi ko mahulaan. “T-tita M-Mabel, wala po akong ginawa kay Abri. Nagulat po ako paglabas ko ng CR. Nakaabang na siya sa akin. Hinayaan ko po siya na insultuhin ako para umiwas po sa posibleng gusot na mangyayari. Ayaw ko po siyang patulan bilang respeto po sa inyo. Dahil pamamahay n'yo ayaw kong magkaroon ng gulo. Iiwan ko na siya rito para iwasan ngunit bigla na lang niya akong hinila sa buhok ko at sinabunutan niya ako. Iyong nadatnan n'yo po kanina. Bumitiw po si
Belle Nang matapos kaming maghapunan. Hindi nga kami umuwi ni Scott dahil sa kanila kami matutulog. Pumayag naman ako at nag-text na lamang ako kay Jaya at kuya Daniel na hindi ako uuwi kung pupunta siya sa apartment. Si Abril ewan ko sa babaeng ito kung bakit hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon e, alas-siyete na ng gabi naririto pa rin si Abril. Dito rin siguro matutulog ang dalaga kaya hindi lang kumilos para umuwi siya. Nasa office kasi ni tito Edward si Scott naiwan ako kina tita Mabel at asungot na si Abril, dahil ayaw kong sumama. Isinasama naman ako ni Scott hindi lang ako pumayag baka importante ang pag-uusapan nila ni Tito Edward kaya nagpaiwan ako. Ayaw pa nga akong iwanan kanina ni Scott. Matagal ko pang naitaboy kung hindi pa pinagalitan ng mommy niya at sinabihan ni tita Mabel, wala raw ba tiwala si Scott hindi naman daw nila ako gagalawin bakit ayaw akong iwanan sa kaniya. Lumipas ang thirty minutes. Hindi pa bumalik si Scott. Naiihi na ako gusto kong mag-CR
Belle Kahit paano mayroon nakipaglibing sa tiya Lena. Naihatid namin siya ng maayos sa huli niyang hantungan kahit na mabilisan lang at hindi ko na pinag-antay ng one week. Dalawang linggo na rin ang nakalipas. Balik sa dati, bahay at sa bakery lang ang daily routine ko. Sinundo ako ni Scott sa bakery dahil isasama niya ako sa kanila mayroon daw sakit ang daddy nito dadalaw si Scott. “Jaya, maaga kayong magsarado ha? At umuwi agad sa apartment ‘wag ng gumala kung saan-saan.” “Ay ang ate Love? Ganiyan naman kami parati hindi kami mahilig maglakwatsa,” laban niya. “Naniniguro lang,” tugon ko. Napangiti ako kasi napanguso ito. Biro ko lang iyon sa kanila ni Bebeng. Para din alam nila na bawal sila gumala lalo silang dalawa lang ni Bebeng sa apartment. Pero ang totoo naman may tiwala ako sa dalawa kong kapatid alam na nila ang gagawin sanay sila dati na silang dalawa lang sa bahay noong ako'y may trabaho pa. “Ate alas k'watro ba kami magsasarado?” si Bebeng ang nagtanong.
Belle “Sorry? Pinaghinalaan ko pa naman childhood sweetheart mo iyon,” pabiro kong sabi sa kaniya. Itinuloy ko ang pagkain. Mauubos ko pa yaya ang dala ni Scott na burger. Masaya lang akong pinagmamasdan ni Scott habang busy ang bibig ko sa kangunguya. Ubos na rin ang kinakain niya malaki kasi sumubo si Scott. “Tss nangalkal ka lang sa wallet ng may wallet. Hindi mo pa tinitigan ng maayos. Kamukha ko naman ah selos ka lang kasi at mas focus ka roon sa pagkuha mo ng pamasahe,” pang-aasar ni Scott, na kina bungisngis ko. Natawa na rin siya sa ‘kin. “Akala ko nga ipakukulong mo ako pagkakita natin ulit dahil pinakialaman ko ang wallet mo. Natakot kaya ako noon kunwari lang akong nagpakita ng tapang pero kapag sinampahan mo ako ng kaso baka hindi ko alam ang gagawin ko. Dami ko pa naman problema noon sa tiya Lena." “Kinulong naman kita," aniya na kinataas ng kilay ko. "Hindi nakuha ang jokes ko. Kinulong kita sa mga bisig ko nga lang,” anang Scott kinilig ako roon sa kaniyang
Belle Dumating si Scott saktong pauwi na rin ang pumuntang kapitbahay. Nakasimangot ako kay Scott pero ito chill lang kaya ako nauurat lalo sa kaniya. “Scott anong ginagawa mo bakit naka tunnganga ka r’yan maupo ka nga!” sinita ko na siya parang temang pinanonood ako. Wala naman akong ginagawa. Nakaupo habang ang atensyon ko nasa tiya Lena. Distracted sa papansin na bagong dating na si Scott. Ano naman kaya ang pautot nito’t may pamasid-masid siya sa ‘kin. “Scott Miguel!” Mahinang tumawa. Kung hindi lang siguro nasa funeral homes kami. Malakas na halakhak ang maririnig ko galing dito. Seriously? Inaasar ba ako nito aliw na aliw huh? Sa pagkairita ko sa kaniya. “Love, ‘tong pinabibili mo ayaw mo bang kainin? Mainit pa kainin mo muna,” wika pa at doon lang talaga kumilos si Scott hindi pa nga lang umupo lumapit lang sa tabi ko. “Pinabili ko lang ‘yan para ikaw ang kumain,” “Really? Akala ko gusto mo ito?” gulat pa ni Scott kumunot pa ang noo. “Bakit abala ba ako sa'
BelleNang pagdating ko sa funeral homes. Labis ang aking tuwa dahil may naabutan akong kapitbahay namin na nakikiramay. Dalawa lang sila pero malaking bagay na rin para sa tiya Lena. Kahit na marami itong kaalitan sa ‘ming lugar. Kahit paano may nakaalala ngayon sa tiya Lena.Pinagpasalamat ko sa kanila ng lubos sa pag-aabalang pumunta rito. Nagulat pa sila ng ipakilala ko si kuya Daniel, bilang kapatid ko tipid na ngiti na lang din ang isinukli ko sa kanila.“Nahihiya lang kami magtanong Belle rito sa guwapo mong kuya. Sabi ni Pacing may hawig sa iyo. Sabi ko nga baka malayo n'yong kamag-anak,” ani nila na hanggang ngayon hindi pa rin talaga makapaniwala sa bagong nalaman.“Opo kamukha ko kasi kapatid ko po talaga siya, aling Pacing. Mahaba pong istorya eh. Iyon na lang po hehe,” anang ko. Mabuti at nauunawaan din nila ako hindi na nila ako inusisa pa hanggang magpaalam silang uuwi na.“Kuya ikaw naman ang magpahinga rin,” saad ko rito ng kami na lang dalawa ang naiwan.“Wala kang k
Belle “Masaya pero umiiyak?” tukso ko kay Scott ng mabasag ang boses niya. Ngumiti na lamang siya pagkatapos niyakap ako sa likuran ko pinatong ang baba sa balikat ko. Sumandal ako naman ako sa dibdib niya ng ipatong ni Scott Miguel ang magkabila n'yang palad sa hindi ko pa halatang tiyan. “Gusto kong magtampo dahil ako na lang ang hindi nakakaalam pero dahil sobrang saya ko ngayon. Lahat ng tampo ko burado na. Dahil dito sa baby natin.” “Sorry na. Sasabihin ko na naman sana sa ’yo noong pauwi tayo galing sa inyo. Na busy naman tayo sa sunod-sunod na emergency nangyari,” “Woah! Tiyak matutuwa sina daddy sa ibabalita kong 'to na magkakaapo na sila. Wala ka bang gustong kainin, love? Bibilhin ko kahit ngayon ay hating-gabi na. Magsabi ka lang lalabas ako para bilhin ko? Diba ganoon maglihi ang mga preggy. Wala ka ba noon?” Umiling ako ang saya ko dahil walang kasing saya ni Scott ngayon. Tumingala ako sa kaniya hinalikan niya agad ako sa noo ko. Yumuko pa si Scott ng abutin
Belle Nang buksan ni Scott ang pinto ng apartment namin. Gising pa ang dalawa kong kapatid at bestfriend kong si Analisa. Naawa ako kay Jaya ng mapunta ang atensyon ko rito. Namumugto ang mata maging si Bebeng ngunit malala ang kay Jaya. Dahil hanggang ngayon panay pa rin punas sa mata nito senyales na umiiyak pa rin si Jaya hanggang ngayon. “Ate Belle,” sabay nila tawag sa 'kin nasa boses nila pareho marami silang isusumbong sa ‘kin. Tumayo ang dalawa sinalubong na kami at agad akong niyakap nila ni Jaya at Bebeng. Nakangiti akong ginulo pareho ng buhok nila. Hinaplos ang likuran nila upang patahanin. Apektado nga naman sila dahil bahay namin ang nawala. Doon kasi nabuo ang aming mga munting pangarap ng buhay pa ang Tatay namin. Nakaalalay ang palad ni Scott sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya dahil napako na kami tatlo nila Jaya sa pintuan. Dahil yakap pa ako ng dalawa kong kapatid ayaw pang kumilos. “Pasok ka na,” nakangiti ako nginuso si Analisa, upang doon siya pa
Belle “Kuya, basta tawagan mo agad ako kapag may problema rito, ha?” bilin ko pa sa kaniya bago kami tuluyang umalis ni Scott. “Noted bunso. Bukas ka na bumalik dito ha? Ako na muna ang bahala rito. Magpahinga ng maayos at kahit tanghali ka na pala bumalik dito, ayos lang. Alam naman ng mga tao sa minimart ang gagawin kahit hindi ako pumunta ng maaga," pagtataboy niya sa ‘kin. Nagtapikan sila ng balikat ni Scott walang katapusan ibinilin ako ni Kuya sa kaniya. Nang makarating kami sa sasakyan. Doon lang ako nakaramdam ng pagod. Inaantok agad ako kalalapat lang sa upuan. Naulinigan ko pa pinagtatawanan ako ni Scott dahil pipikit-pikit na ang talukap ko hindi ko mapigilan ang antok ko. Naulinigan ko pa ang tawang-tawa si Scott inaasar niya ako. “Kanina lang nakipagtalo ka pa sa kuya mo. Hindi raw siya pagod pero bagsak din pala,” pinaringgan ako ni Scott na kinangiti ko na lamang bago akong tuluyang hilahin ng sobra kong antok. “Love, narito na tayo sa tapat ng apartment n'y