“Alam natin na hindi sila basta na lang makukulong. Kaya kaylangan pa rin nating mag-ingat,” agad na babala ni Payne sa mga kaibigan na agad din nilang ikinatingin sa kanya.
Alam ni Payne na kahit hindi niya sabihin, alam na rin naman ng mga kaibigan niya kung anong klaseng tao ang mga ito. Alam nilang lahat na matagal ng pagala-gala ang mga ito, at matagal na silang kilabot pero hindi naman sila nakukulong at nakakalaya pa rin sila ng paulit-ulit. Malakas ang kapit ng mga iyon, at hindi sila mapipigil maliban na lamang kung patay na sila.
“We can't move either, not until we got commands,” dugtong ni Sienna.
Dahil doon ay napabuga ng malakas na hangin si Payne, habang nananatiling tahimik ang iba nilang kasama. Tama si Sienna, kaylangan muna nila ng permiso mula sa mga nakatataas bago sila kumilos. Kaylangan nilang gawin ‘yon, dahil parte pa rin sila ng organization. At nasisiguro ni Payne na sa mga oras na ito, kapag nakuha na nila ang mga iyon ay hinding-hindi na sila makakatakas pa. Maniningil siya ng mahal sa mga ginawa nila sa kanya.
“May kaylangan din tayong bantayan,” mayamaya ay sabad ng kapapasok lang na si Chasey kaya sabay-sabay rin silang napalingon sa pinto na pinasukan nito.
Naka-all black na naman na suot ang dalaga ito at tila nanggaling pa ito sa kung saan. Siguro ay nag-trabaho na naman ito ng hindi nila nalalaman, at dumiretso lang din marahil ang babae dito sa hospital na kinaroroonan niya dahil narito ang lahat.
Agad ding lumapit si Chasey kay Payne at lumapit din sa kanila ang mga kaibigan nila, saka ipinakita ni Chasey video sa cellphone nito na ikinagulat naman nilang lahat. Dahil doon ay lalong abot-abot ang kaba ni Payne, kinakabahan na nga siya sa maaaring gawin ng mga kaibigan niya para sa kanya. Ngayon ay may panibago na naman siyang aalalahanin.
Bakit ginawa iyon ng lalaki? Para ba iyon sa kanya? Hindi ba ito nagiisip? Hindi nito kilala ang kinakabalan nito. Tiyak na mapapahamak ito at ang mga kaibigan niya. Tiyak na hindi sila lulubayan ng mga iyon, hanggang hindi sila namamatay. Bakit pa ito sumali sa gulo niya? Tiyak na mapapahamak sila ng husto dahil dito.
Pakiramdam ni Payne ay lalo siyang nanghina, sa mga nakita niya. Kasalanan niya kung bakit ganito ang nangyari, hindi siya nagingat at ngayon tuloy ay mas maraming nalagay sa alanganin dahil sa kanya.
“This is bullshit!” mura ni Payne at pakiramdam niya ay lalong nanghina ang katawan niya.
Napansin din marahil ni Cree iyon kaya agad siya nitong inalalayan para makaupo muli sa kama niya. Walang nagawa si Payne kung hindi ang maupo na lamang, at kahit gusto niya ng tumayo dito para masiguro ang kaligtasan ng lalaki ay hindi niya magawa.
“Magpahinga ka na muna, kami na ang bahala sa kanila at kay Thunder,” Hella said to her na sinunod naman niya kaagad.
Wala rin naman siyang magagawa kung hindi ang makinig na lang sa mga ito. Nanghihina pa siya at alam niyang kaylangan niya pa ng lakas. Buti na lang talaga at nandito rin ang mga kaibigan niya para sa kanya. Pakiramdam kasi ni Payne ay hilong hilo pa rin siya, pakiramdam niya ay nakalutang lang siya lagi at hindi iyon maganda sa pakiramdam.
“Pakiramdam ko ang gulo ng sitwasyon natin,” mayamaya ay sabi rin ni Harper sa kanila, na siyang bumasag sa namuong katahimikan.
Naka-doctor’s robe pa ito at ito ang kasama niya kapag wala ang iba. Inilipat din kasi agad siya sa hospital kung saan nagta-trabaho ang kaibigan kaya ito ang nagbabantay sa kanya.
“Same,” sang-ayon ni Heleen sa doctor nilang kaibigan.
Dahil doon ay muling napabuntunghininga si Payne, totoo ang sinabi ng kaibigan at alam niyang dahil sa kanya iyon. She even heard that Hunter and Sacha got into this mess also, public figure ang mga ito and being involved in this shit can affect their images. That makes Payne sad again, pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta na naman niya.
Heto nga at nadamay niya na ang mga kaibigan sa issue na ito dahil lang sa kashungahan niya, at isa pa si Chasey, siya na nga lang ang inaasahan ni Chasey na katuwang sa mga kaibigan ay siya pa ngayon ang sakit ng ulo.
Payne never wanted this to happen, she never wanted to give this kind of chaos to them pero nandito na ito at wala na siyang magawa. Sa ngayon kaylangan niya na lang na magpalakas para ayusin ang gulo na ginawa niya. Kaylangan niyang bumawi sa mga kaibigan.
“Nasaan ang mga kasama mo?” bungad ni Thunder kay Payne ng dalawin niya ang dalaga na mag-isa sa hospital room na kinaroroonan nito ngayon.
Agad din namang napalingon sa kanya ang dalaga na mukang malalim ang iniisip, kahit na may hawak itong laptop at mukang nagta-trabaho. At alam ni Thunder na tungkol pa rin sa nangyari ang iniisip ng dalaga. Hindi rin naman ito kumibo at pinagmasdan lang sila ng dalaga, kaya sunod-sunod na lang din silang pumasok kasama rin kasi ng binata ang ibang kaibigan.
“Nagsi-pasok na sila sa kani-kanilang trabaho,” casual na sagot ng dalaga na saka ito muling bumalik sa ginagawa niya sa laptop.
“You should not do that now, you should rest first Payne,” sita rin sa kanya ni Hunter habang inilalapag ni Thunder ang mga pagkain at bulaklak na dala nito sa side table ng kama.
“Siya nga pala Hunter, kamusta ang kaso namin? May pag-asa ba kaming manalo?” mayamaya ay tanong ni Payne sa lalaki pero nananatili pa ring hawak ng dalaga ang laptop niya.
Tila hindi nito pinansin ang bilin ni Hunter at napakunot na lang din ang noo ni Thunder dahil tama ang iniisip niya. Talaga ngang binabagabag pa rin ang dalaga ng tungkol sa kasong iyon. Dahil naman doon ay kapwa napabuntunghininga si Thunder at Hunter pero nanatiling tahimik si Thunder.
“Nakalabas sila, Payne. We didn’t even know kung paano sila nakapag-bail. Those fvckers is really something,” sagot ni Hunter sa dalaga.
Hindi na sumagot si Payne pero nabahala rin agad siya sa narinig kaya agad siyang napaiwas ng tingin. She then close her laptop, saka niya dali-daling kinuha ang cellphone niya na naka-charge. Siguradong babalikan sila ng mga ito sa lalong madaling panahon, lalong-lalo na sina Thunder, kaya kaylangan niya na ring balaan ang mga kaibigan.
Kilala na ni Payne ang mga iyon. Hindi sila magsasayang ng oras, at alam niya rin na kaya nilang kumilos ng harap-harapan kaya mas kaylangan nilang mag-ingat. Isa pa ay wala pa silang mission na natatanggap ukol sa grupo at kapag kumilos sila ng hindi naaayon sa organization ay malalagot sila.
“Chasey? Where are you?” tanong agad ni Payne sa kausap ng sagutin ng kaibigan ang tawag niya, “Umuwi ka agad after school, don’t go anywhere. Okay? Take care,” dagdag ni Payne at hindi niya na rin hinintay na sumagot ang kaibigan.
Tahimik kasi sa kabilang linya, malamang ay nasa klase ito. At si Chasey ang una niyang tinawagan dahil alam niyang mas malapit ito sa gulo kaysa sa kanila. Agad ding pinatay ni Payne ang tawag, and she dialled another number again. Pero napalingon si Payne sa humawak sa braso niya at napatigil, it’s Thunder. Hinawakan nito ang nanginginig niyang kamay, saka ito ngumiti sa kanya na parang sinasabing huwag na siyang magalala.
“I’ll call them for you,” prisinta nito saka kinuha ang cellphone niya.
Nakaupo pa rin naman ang ibang kaibigan ni Thunder sa maliit na sala ng kinaroroonan niyang kwarto at tila wala silang pakialam sa nangyayari pero naroon sila.
“You should be careful too, baka mamaya balikan nila tayo. Ang sabi ng lawyer ko delikado sila, at kung nakaya nilang gawin sa akin ‘yon in public, pwede rin nilang gawin sa inyo ‘yon. At malamang ay gaganti sila ngayon sa atin,” paalala ni Payne sa binata saka siya lumingon sa mga kaibigan nito pero napatingin lang din ang mga ito sa kanya.
Dapat maghanda sila sa bagay na iyon at kaylangan niya na rin sigurong lumabas sa hospital na ito, hindi na nagiging ligtas dito para sa kanila. Hindi rin naman pwedeng malaman ng mga kasama niya ngayon kung sino sila, magiging masyadong delikado ang lahat para sa kanila.
Pagkatapos tawagan ni Thunder ang mga kaibigan ni Payne ay tinulungan siya nitong kumain. He insist of helping her hanggang sa sabay-sabay na rin silang umuwi, sinabi rin kasi ni Payne na parating na sina Chasey kaya nauna na silang umuwi. Mapupuno kasi ang kwarto niya sa dami nila.
Pero ang totoo ay hindi naman dadating ang mga kaibigan niya. Ang totoo ay nagaayos na sila, at nakahinga ng maluwag si Payne ng umalis na ang mga bisita niya ilang sandali pa ang lumipas. Hindi na kasi siya mahihirapan na paalisin ang mga ito, at makakauwi na rin siya ng tuluyan. Inaasikaso na rin naman ni Cree ang release papers niya, and Harper is helping her.
“Let’s go?” Nilingon ni Payne ang nagsalita sa likod niya na pumasok sa pinto ng kwarto niya.
Hindi siya nagsalita pero tumango lang siya sa kaibigan, nakapagbihis na siya at naayos na niya lahat ng gamit niya, pag-alis na lang talaga nila ang hinihintay niya. Cree and Harper help her sa mga dala niya at lumabas na agad sila sa kwartong iyon, nagmamadali rin kasi sila dahil baka biglang bumalik ang mga bisita niya kanina.
“Nasaan ang iba?” Tanong ni Payne sa mga kasama ng makasakay sila sa kotse at ngayon ay pauwi na sa bahay niya.
“Sa bahay mo,” Harper answered.
Dahil doon ay bigla ring natawa si Payne, na ikinatawa lang din ng dalawa niyang kasama. Kaya naman pala dalawa lang ang sundo niya ngayon ay dahil, talagang naisipan na naman ng mga ito na bulabugin ang bahay niya. Sabagay alam ni Payne na mabuti na rin iyon, safe naman ang bahay niya. This exclusive village are secured hindi basta magtatangkang pumasok ang sinuman dito, at hindi rin basta makakapasok ang sinuman sa village na ito unless dito ka nakatira.
Mabilis lang din naman na nakauwi ang tatlo, at pagdating nila ay seryosong naghihintay ang mga kaibigan sa kanila, at lahat sila ay nasa sala. Hindi inaasahan ni Payne ang ganito nilang sitwasyon, siguradong may nangyari. Kung wala ay siguradong kanina pang nagsasaya ang mga ito ngayon.
“Dumating na ang hinihintay natin,” salubong ni Marzia sa kanila.
Agad din nitong iniabot sa kanila ang sobre na kinuha naman agad ni Payne saka binasa, ipinasa niya rin agad ang sulat kay Cree at Harper at matapos basahin ng dalawa ang sulat ay sinunog na rin nila iyon.
“Simulan na natin ang paghahanap sa kanila, hindi na natin pwedeng patagalin ang lahat, baka marami pang madamay,” Payne said to them ng maupo sila ni Cree at Harper kasama ng mga ito.
“Sinubukan na namin silang hanapin, pero hindi namin sila makita,” Heleen answered.
“She’s right, kaya wala tayong choice kun’di ang hayaan silang sumulpot na lang bago tayo kumilos,” Thyra also said na ikinabuntunghininga ni Payne, saka siya napatingin kay Chasey.
“I lose touch, sabi mo tigilan ko eh,” inosenteng sagot ng kaibigan na tinawanan niya lang din naman.
Dahil doon ay natawa na rin ang iba pa sa kanila, and that lighten the mood.
“Know what? Bumili na lang muna tayo ng pagkain sa minimart,” mayamaya ay yaya ni Sacha na sinangayunan naman ng lahat.
Dahil doon ay natawa na lang din si Payne sa kanila, mukang balak na naman ng mga ito na dito na matulog. Sabagay, ang bahay niya ay bahay nila at ganoon din ang kani-kanilang bahay.
Sabay-sabay silang lumabas ng bahay ni Payne at hindi na sila nag-abala na I-lock ang bahay nito. Lumabas na lang sila, at hindi sila nagaalala dahil alam nila na safe rito. Sa kabilang kalye lang din naman ang minimart na pakay nila.
Ganito palagi sila, hindi sila mapaghiwalay at tila hindi sila makumpleto kapag hindi sila magkakasama. Hindi na rin sila nag-abala na sumakay sa van nila, naglakad na lang din sila, dahil malapit lang din naman ang minimart. Pero sa totoo lang ay ngayon lang nila ito ginawa, palagi rin kasi silang naka-van sa tuwing pupunta sa minimart kahit malapit lang ito.
Pero para kay Payne ay okay na okay ang lakad nilang ito, masaya naman ang maglakad kasama sila. Hindi rin siya nangangamba sa mga kaibigan dahil alam niya na malalakas ang mga ito, pero inaalala niya pa rin ang mga hayop na nanakit sa kanya, delikado pa rin sila kaya hindi niya pa rin maiwasang mapaisip.
“You know what? Hanggang ngayon talaga nagtatampo ako na hindi niyo naman kami niyaya agad na uminom,” mayamaya ay reklamo ni Sacha kay Payne na tinawanan din kaagad ng dalaga.Ito na naman sila, parang simple lang talaga ang pangyayaring iyon. At saka matagal ng nangyari iyon pero ngayon niya lang nalaman na may tampo pala ang kaibigan.“Same,” sabay-sabay ring sagot noong iba na tinawanan lang naman nila ni Chasey.“Hindi namin kayo nasabihan agad kasi occupied nga ang VVIP room noong araw na iyon hindi ba?” Payne explain to them again.Sa toto lang ay balak na nga nilang lumipat kahit sa VIP Room lang noong araw na ‘yon, bago dumating ang mga kaibigan nila. Ngunit bigla namang ganoon ang nangyari.“Alam niyo kalimutan na lang muna natin ‘yan okay?” Harper then said to them at nagtawanan lang naman sila dahil doon.Hindi tuloy malaman ni Payne kung nangaasar pa rin ang kaibigang si Harper o talagang concern siya sa dalaga.“Saan kaya dito ang bahay ng boss ko?” mayamaya ay sabi ni S
Pakiramdam ni Thunder ay pagod na pagod na siya, kahit hindi pa naman nangangalahati ang araw na ito. Kanina pa rin panay ang buntunghininga niya na kanina pa rin napapansin ng sekretarya niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya maiwasang mainis kapag naaalala niya na iniiwasan siya ni Payne. Hindi na ito katulad noon, mula ng malaman nito ang totoo ay hindi na siya nito hinahabol. Hindi katulad noong wala pa itong alam at hindi pa sila nagkikita, kahit na alam niya na hinahabol lang naman siya ng dalaga para sa kontrata. Masayang-masaya na siya noon kapag nakakatanggap siya ng proposals sa dalaga, kahit hindi niya iyon sinasagot. Kahit na siya ang umiiwas noon ay masaya na siyang malaman na nakuha niya ang atensyon ng dalaga. Pero ngayon ay hindi na ganoon ang sitwasyon, bukod pa doon ay naiinis din siya sa ginawang paglabas ng dalaga sa hospital ng walang pasabi. Sabagay, hindi niya na inaasahan na magpapaalam ang dalaga pero nakakainis pa rin iyon para kay Payne. At kanina ay tin
Kanina pa hindi makausap ng mga kaibigan si Thunder, he was abducted, he was in the middle of hell earlier pero si Payne pa rin ang nasa utak niya. She was nowhere to be seen, and he feels fvck. Pakiramdam niya ay napakahina niya dahil napatulog lang siya ni Payne ng ganoon kadali. Hindi niya na nalaman kung anong sunod na nangyari matapos siyang iligtas ng dalaga.Basta ang alam lang niya, pagkagising niya ya nasa bahay niya na siya kasama ang mga kaibiga. Pero hindi sila ang gusto niyang makita, kahit na ganoon ang nangyari gusto niya pa ring na makita ang dalaga. Gusto niyang malaman nito ang saloobin niya, gusto niyang malaman nito sa kanya lang siya sasaya at hindi kung kanino pa man.Gusto niyang malaman ng dalaga na nagpapasalamat siya sa pagligtas nito sa kanya, at hihingi rin siya ng tawad dahil naging mahina siya. Naloko siya ng mga ito, mabilis siyang nahulog sa patibong ng mga hayop na iyon. Dahil doon ay kinailangan pa siyang iligtas ng dalaga at ng mga kaibigan niya.Hin
Payne enjoyed their trip to the extent that the one-month vacation turns into 3 months; after that trip, she felt healed and refined. She misses those moments with those girls so bad at ngayon na lamang nangyari ang ganoong bonding sa pagitan nila.You know, as you turn adult you’ll realize you’ll be busy making a living that you forgot to enjoy. So as for Payne, she doesn’t want that to happen. She needed to keep in touch with her girls like how Chasey did it to be with them kahit na busy rin ito.“Ma’am? So blooming!” bati ng sekretarya niya sa kanya ng pumasok na siya sa trabaho na ikinatawa naman kaagad niya.Malamang ay marami nang trabahong naghihintay sa kanya sa ngayon. Maraming nangyari sa nakalipas na tatlong buwan at alam ‘yon ni Payne. Lalo na sa trabaho, madalas din naman kasi ang pagpapa-update niya sa sekretarya niya ng mga bagay bagay kahit na naka-bakasyon sila kaya alam niyang maraming nangyari.Sa dami nga ng nangyari, Payne felt like three months was a year. And th
“Broken hearted ka ba little Chasey?” mayamaya ay dinig nilang hiyaw ni Hunter doon but Chasey didn’t look at them.Nakatanaw pa rin siya sa malayo, habang nakatitig si Payne sa kaibigan.“Let’s pretend that we didn’t know anything. Can we? Can you do that for me? Isa pa hindi naman yata alam ng iba,” Payne then said to her friend na agad ding nakapagpalingon dito sa kanya.Tinitigan siya ni Chasey na tila ba inaalam nitong mabuti kung seryoso ba siya sa sinabi niya, kaya ngumiti si Payne sa kaibigan.“Little Chasey? Payne? Come on? sit here!” Sabay silang lumingon sa nagyaya sa kanila, its Zeus and he smile to them.At agad ding pinagsisihan ni Payne na nilingon niya ang binata, ang kaninang hiling niya ay hindi nagkatotoo. Agad na nagtama ang paningin nila sa isat-isa but Payne hurriedly look away, katabi ni Zeus si Thunder at hindi niya iyon inaasahan.Sabagay, bakit nga ba inaasahan niya na wala ang binata? Kaibigan ito ni Hunter at palagi silang magkakasamang lumabas. Bakit nga b
Walang pagsidlan ang saya ni Thunder at hindi niya maitago ang mga ngiti niya habang papunta siya sa school na pinapasukan ni Chasey. Para man siyang baliw ay hindi niya mapigilan ang sarili lalo na at nakuha niya na ang approval ng mga kaibigan ni Payne, maliban sa isa at si Chasey na nga ‘yon.At hanggang ngayon ay natatawa pa rin si Thunder kapag naaalala niya na sinamahan pa siya ng mga kaibigan niya, sa pagkausap sa mga kaibigan ni Payne hanggang ngayon. Ayaw daw kasi nilang mabugbog siya ni Chasey, but for all he know ay mangaasar o magpapabayad na naman ang mga ito. Dahilan lang talaga nila na ayaw lang nila na mabugbog siya ni Chasey at alam niya iyon, but kidding aside alam naman niya na seryoso ang mga kaibigan sa pagsama sa kanya.Pagdating ni Thunder sa entrance ng school kung saan nag-aaral si Chasey, ay agad siyang pumarada sa main entrance ng school at bumaba. Kasunod niya rin ang mga kaibigan niya at tulad niya ay nagsi-sandal din sila sa kani-kanilang kotse katulad n
Halos alas syete na ng gabi ng makarating sila Payne at Thunder sa bahay nina Jace at Jett. Sa dami ng pinamili nila ay nagtagal talaga sila but they also enjoyed it, iyon nga lang ay naabutan na sila ng traffic, kaya lalo silang ginabi. Pagdating naman nila ay nagluluto na ang iba nilang mga kasamahan habang nagkakasiyahan na ang iba.“Guys nandito na ‘yong couple!” pangaasar ni Hurricane sa kanila but Thunder just laugh at them at si Payne naman ay tila muling nahiya sa mga nangyayari.“Damuho ka talaga! Ang sabi mo manliligaw ka lang!” mayamaya ay hiyaw ni Chasey saka niya sinugod si Thunder habang dala-dala niya ang tako ng bilyar.Agad namang napatakbo si Thunder para makalayo kay Chasey and everyone laugh maging si Payne, na nagulat din sa ginawa ng kaibigan.“Chasey, wait! Nagbibiro lang si Hurricane!” agad na hiyaw ni Thunder saka siya agad na nagtago sa likod ni Payne, habang hinahabol siya ni Chasey.Dahil doon ay agad namang napatigil si Chasey sa paghabol kay Thunder, she
Payne feels like it takes year before five in the afternoon arrives. She wanted to talk to him, pero hindi niya ito magawang tawagan. Gusto niyang sa personal kausapin ang binata, gusto niyang malaman dito kung totoo ba ang sinabi ng ina nito o hindi. Pero alas sais na ng hapon ay wala pa si Thunder, ni hindi rin ito tumatawag kaya nagpasundo na lang siya kay Chasey pero wala pa ring paramdam ang lalaki.Hindi siya magawang tawagan ni Payne, hindi niya alam pero natatakot siya at habang lumilipas ang oras na hindi siya tinatawagan ng binata pakiramdam niya totoo ang sinabi ng ina nito. Pakiramdam niya ay niloloko talaga siya ng binata, and slowly it kills her trust to him. Pakiramdam ni Payne ay sinasakal siya ng tiwalang iyon sa binata.“Ano ba talagang nangyari?” agad na tanong ni Sacha sa kanya pagpasok pa lamang nila sa bahay niya.Nandito na ang mga kaibigan niya, and because of that Payne didn’t even know why she hurriedly cried and tell them what happened today.“No, don’t call
“Kamusta naman ang biglaang get away?” agad na bungad ng sekretarya ni Payne sa kanya na agad niya ring ikinatawa. Alam niya na kasi ang ibig nitong sabihin, siguradong magpapa-kwento na naman ito sa status ng relasyon nila ni Thunder.“Alam mo naman na palagi akong nage-enjoy kasama ang girls di ba?” pagmamaang-maangan ni Payne na agad din namang ikinatawa ng sekretarya. “Dahil lang ba talaga sa kanila?” muling tanong nito na may panunukso.Dahil doon ay muling natawa si Payne saka siya napailing, ibang klase talaga ang sekretarya niya. Talagang mausisa ito at ginawa na yatang live romance story ang buhay niya. Syempre alam nito ang tungkol sa quick get away nila dahil nag-paalam siya rito, ginawa niya iyon para alam ng sekretarya ang gagawin kapag may mga biglaan siyang appointments.“Sige na nga mamaya ka na lang mag-kwento,” muling hirit ng sekretarya niya kaya natawa n
“Alam mo ikaw napaka-arte mo! Ganyan ba talaga ang mga artista? Bakit si Sacha hindi naman ganyan?” malakas na reklamo ni Chasey kay Hunter dahilan para agad na mapalingon si Payne at ang mga kasama niya sa dalawang paparating.“Ano na namang kasalanan ko little Chasey? Kanina ka pang ganyan!” malakas na reklamo ni Hunter na agad na ikinatawa ng mga kasama nila and Chasey just sat down on the sand kasama ng iba pa habang nakapalibot sila sa bonfire.“Mukang may malalagasan na naman ng pera,” gatong ni Rain sa usapan na malakas nilang tinawanan. “Ikaw na lang kaya kuhanan ko ng pera,” singhal rin ni Chasey kay Rain na agad na natahimik at napa-zipper pa ng bibig.Dahil doon ay nagtawanan na naman sila pero nananatiling nakakunot ang noo ng dalaga habang papaupo na rin si Hunter sa tabi nito.“Ano ba kasing ginawa mo dyan kay Chasey ha Hunter?” Zeus ask Hunter pero tiningnan lang siya ng masama ng kaibigan. “Wala! Gagatong ka pa, kapag ako hiningian nito ng pera maghahati tayo,” singhal
Nasa garden na si Payne at ang mga kasama ng may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay niya. Dahil doon ay kinabahan si Payne dahil sabay-sabay na napalingon ang mga kasama niya sa sasakyan. Mukang nagkamali siya ng desisyon na huwag ng sabihin sa mga ito na ihahatid si Chasey ng kaklase. Ito nga at tila curious na curious na ang mga ito sa kung sino ang sakay ng sasakyan na iyon.Hindi nagtagal ay may bumabang lalaki mula sa driver’s seat saka ito umikot para buksan ang kabilang side kung saan bumaba sina Chasey at Sienna. Agad ding nagkatinginan ang mga kasama ni Payne kaya nauna na siyang lumapit sa mga ito at sinenyasan niya ang mga kaibigan na huwag ng lumabas.Sinalubong ni Payne ang dalawa at naiwan naman ang mga kasama, walang sumunod sa kanila ngunit alam ni Payne na pinagmamasdan sila nito. Paglabas niya ay naabutan niyang nagpa-paalam na ang dalawa sa lalaki kaya ngumiti na lang siya ng mapalingon ang mga ito sa kanya.
Hindi mapalagay si Payne, pakiramdam niya ay may dapat siyang gawin. Pakiramdam niya ay siya dapat ang mamagitan na nagaganap na tensyon sa pagitan ng grupo nila at ng organization. It started from her, sa kanya nagsimula ang mga nangyayari ngayon. Alam niya na dapat niya iyong ayusin. Dapat siya ang gumawa ng paraan para ayusin ang gusot na iyon. Hindi dapat si Chasey ang gumawa ng paraan, dapat ay sa kanya manggaling ang lahat. Kaya lang ay kaylangan niya ring sumunod sa procedure, kaylangan niyang sumunod sa rules. Kung may gagawin siyang hakbang dapat dadaan muna siya kay Chasey, iyon ang una niyang dapat gawin. After all Chasey’s rank in the organization is far higher than her, kaya nga siya ang lider nila kahit siya ang pinakabata. Pangatlo lang siya sa ranking ng grupo, una si Chasey sumunod ay si Cree. Isa pa ay hindi naman nila nakakaharap ang pinaka-handler nila, si Chasey lang ang may kakayahan na gumawa noon. At alam ni Payne n
“Walter?” Napalingon sila sa may main door pagpasok nila sa gate ng bahay ni Jett at nakita nila doon si Chasey, bakas na bakas pa ang mga bangas at sugat sa kanya na parang siya lang naman ang meron sa kanilang lahat. “Let’s talk, and you? ikaw na ang bahala sa mga kaibigan ko,” muling sabi ni Chasey in her cold tone. She looks so gloomy and deadly pero tumango na lang din si Thunder sa sinabi ni Chasey, saka sila umalis ni Hurricane at naiwan naman silang lahat na nakatingin sa isat-isa. “Magkakasama ba sa organization iyong mga ‘yon? Bakit parang si Chasey at Hurricane lang naman ang magkakilala?” Mayamaya ay tanong ni Rain na ikinakunot din ng noo nila dahil hindi naman nila alam kung anong sagot sa tanong na iyon. “Bumili na lang tayo ng mga pagkain at inumin kaysa isipin natin ‘yan. Hindi natin alam ang sagot dyan,” sabad ni Storm kaya kumilos na rin agad sila. Kaylangan na nilang gawin ang sinasabi ni Chasey sa kanila. Mahirap na, baka mamaya ay malintikan sila sa babae. M
Pakiramdam ni Payne ay nagkatotoo na nga ang sinabi ni Chasey sa kanya, ito nga at may mission na naman sila na hindi naman nila pwedeng ipagwalang-bahala o tanggihan. This time pakiramdam ni Payne ay iba ito kahit na sanay naman na sila sa mga misyon.Sa ngayon ay naipon silang muli sa bahay ni Payne, at sa totoo lang ay kinakabahan din si Payne sa mission na ito, na hindi naman niya naramdaman sa ibang mission nila. Maliban na lamang noong huli nilang mission na involve si Thunder, at pakiramdam ng dalaga ay involve na naman si Thunder sa mission na ito.Alam ni Payne na kaya siya kinakabahan ay dahil kay Thunder, alam niyang ang kaba na nararamdaman niya ay para sa binata. Alam niyang kahit na naiinindihan nito ang lahat ay magaalala pa rin ito, alam niyang hindi ito mapapalagay sa gagawin nila.Hindi rin alam ni Payne ang gagawin sa mga oras na ito, hindi niya alam kung sasabihin niya na ba kay Thunder ang tungkol dito o hindi pa. Hindi niya pwedeng talikuran ang mission lalong la
Those two days for Payne was so happy, masaya siya na para bang araw-araw siyang hinehele ng mga ulap. Kanina ngang umaga paggising niya akala niya ay nananaginip siya, pero hindi, hindi siya nananaginip, talagang totoo ang mga nangyari.Pinatunayan iyon ng lalaking sumundo sa kanya kanina at naghatid sa kanya sa opisina niya. Maging ang mga empleyado niya ay hindi magkamayaw ang pagbati sa kanila, lalo na si Jessica na may regalo pa sa kanila.Alam na ng lahat, alam na nila na ikakasal na siya sa lalaking mahal niya. At sa totoo lang, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin si Payne sa isipin na iyon. Talaga ngang kanya na ang lalaki, at alam ni Payne sa puso niya na para sa binata lang din ito. Bagay na ni sa panaginip ay hindi niya naisip noon.“You!” Napatunghay si Payne sa babaeng sumigaw, and because of her active reflexes ay agad niyang nailagan ang vase na ibinato ng babae sa kanya.“Security? Tumawag kayo ng security,” nagmamadali namang hiyaw ni Jessica ng tumawag ito sa landlin
At hindi nga nagtagal, hindi pa man sila nakakatayo sa kani-kanilang upuan, mayamaya lang ay napatigil sila sa kwentuhan nila ng sumulpot si Cree. At kasamana nga nito ang naka-posturang bad ass na naman na si Chasey. Naka-simpleng black sleeveless polo top lang ito, saka black skinny jeans, nakaitim na naman itong ankle boots at itim na cap. Dala rin nito ang gitara, at mukang alam na ni Payne kung saan ito galing.“Hey girls? Come here, lets eat?” agad na bati ng ginang sa dalawa at agad naman silang lumapit sa kanya.“Kunwari pa kayo Tita, alam ko naman na si Chasey lang ang tinatawag niyo. Ayos lang naman ho ‘yon,” agad na sagot ni Cree sa ina ni Thunder na malakas nilang tinawanan habang nananatiling tahimik si Chasey.Sa gitna rin siya ng mag-asawa naupo na ikinatuwa naman ng husto ng ginang, at hindi rin iyon minasama ng asawa nito. Agad din namang ipinulupot ng ginang ang braso nito sa dalaga at ang ama naman ni Thunder ay agad na nag-alok ng inumin sa babae.“Feeling kapatid
“Hey? don’t you wanna hold my hand? Don’t you wanna show the world that I am marrying a very lovely woman?” napatunghay si Payne sa lalaking nagsalita sa harapan niya, and she just saw Thunder there in front of her.He’s smiling at her, pero nakatitig lang siya sa lalaki because she was shock. Napatingin pa siya sa mga kaibigan niya na katabi niya pero ang mga ito ay nakangiti lang din sa kanya na parang sinasabi nilang totoo ang lahat.“It was you Payne, it is always you and no one can replace you in my heart. Now hold my hand, get up and accept my love again,” Thunder said again na nagpabalik ng atensyon niya sa binata.Hindi ba panaginip ito? Hindi ba siya nangangarap ng gising? Totoo ba ito? Hindi alam ni Payne per dahil na rin sa narinig ni Payne sa lalaki ay hindi niya na mapigilan ang sarili na yakapin ito at umiyak sa mga tinuran nito. Thunder also hug her tighter, and no noise from the crowd can ever beat the loud beating of her heart for him. Hindi makapaniwala si Payne, so