Share

Chapter 2

Aurelia's POV

"DALAWANG kare-kare, sinigang, dalawang kanin at sa softdrinks Coke na lang."

Sinulat ko lahat ng order niya sa papel na hawak ko, matapos ko maisulat iyon ay ngumiti ako. "Okay ma'am, sir 10 minutes po, serve na namin ang order n'yo." Umalis na ako roon at binigay kay Ate Merna ang order. "Ate Merna, another order." Inabot ko sa kanya ang paper kong saan ko sinulat ang order.

"Relia pa-serve naman ito sa table 9," tawag pansin sa akin ni Kuya Nelo. Medyo punuan talaga ngayon dahil lunch time, karamihan sa kumain dito ay bumabyahe pa dahil katabi lang ito ng terminal ng buss.

Agad ko naman kinuha ang dalawang tray ng pagkain at serve sa sinabi niyang table number. "Enjoy your food ma'am, sir," nakangiti kong sabi at umalis.

This is my part time job, dahil bakasyon ay kailangan kong kumita ng pera para may maibigay ako sa pamilya ko at pangdagdag na rin sa tuition f*e ko para sa college. Tapos na akong sa highschool. Maliban sa pagiging waitress ko ay nagtatrabaho rin ako sa palengke, tinulungan ko si Mama at kumikita rin ako roon.

Hindi naman kasi ganon kalaki ang kita ko rito sa restaurant ni Kuya Joshua, kaya kailangan ko talaga ng another part time job.

Maaga pa pero marami na ang costumer, kadalasan dito talaga sila kumakain, malapit pala itong restaurant sa university dito sa amin, pero gusto ko talagang makapag aral sa sikat na paaralan sa Manila ang UP o ang University of the Philippines. 

Kaya inabala ko ang aking sarili sa pagtatrabaho para kahit papaano ay may pang tustos ako sa pangangailangan ko, nahihiya na kasi ako kong manghihingi pa ako kay Papa, siya na nga ang nagpapadala tuwing isang buwan at sakto lang yong para sa pagkain at baon ng mga kapatid ko.

Sa isang buwan magsisimula ang enrollment sa UP, kaya nagsusumikap akong magtrabaho at makaipon, para kahit papaano ay mabawasan ko ang tuition na babayaran, plano ko rin mag apply ng scholarship program sa universidad na iyon, sana lang ay makuha ako.

May dumating na buss at mula roon ay bumaba ang medyo maraming pasahero ang iba at dumiretso agad dito sa restaurant. Nadagdagan ang kumakain sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko, kaya naging busy rin ako, hindi ko ininda ang sakit ng likod ko at pagod, kailangan ko ng pera dapat ko itong paghirapan makuha.

Mula Lunes hanggang Biyernes ang trabaho ko rito samantalang sa Sabado at Linggo naman ay sa tumutulong ako sa palengke, may pwesto kami roon at ibinibenta namin ang tanim na gulay. Medyo malaki na rin ang naipon ko sa isang buwan na pagtatrabaho.

*Blagggg*

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pagkabasag ng plato at mangkok sa sahig, natuon ang atensyon ko roon, nanlaki ang mga mata ko ng makitang nanginginig sa takot si Vila ang pinakabatang nagtatrabaho rito, mayro'n matanda lalaki ang masama ang tingin sa kanya, nakakunot ang noo nito at malalim ang paghinga, medyo mataba ang lalaki at halatang hindi siya basta-basta lamang.

"Look what have you done to may business suit, woman! You ruined it, I have business meeting to attend five minutes from now but you mess up my suit! Stupid!" he angrily shouted to Vila, who's shaking right now, naluha ito at nangangatal ang mga manipis na maputlang labi.

Umiiling siya, namumula na rin ang mga mata niya at anumang oras ay maiiyak na siya.

"P-Pasenya na po S-Sir, hindi ko po sinasadya, hindi ko po kayo nakita, pasensya na po ulit," garalgal na paghingi niya ng tawad at yumuko pa ito.

Marami ng nakatingin sa kanila ngayon, nakakaistorbo na rin ito sa mga kumakain. Wala akong nagawa kundi at umentra sa eksena nila.

"Sir, I'm sorry for my co-worker did to you sir, I'll pay it instead," lakas loob kong sabi. 

Tanga kaba talaga Relia? Nagtatrabaho ka nga para makaipon tapos magbabayad ka sa kanya? Ang lakas naman ng loob mong magbayad eh wala ka ngang dalang pera ngayon, tanga ka talaga! Hindi ko maiwasan pagalitan ang sarili ko.

Mula sa namumula ng kanyang mukha, pagkakakunot ng kanyang noo at mabigat na paghinga at naging normal ito. Isang manyak na tingin at ngiti ang pumaskil sa kanyang labi matapos pasa dahan ng tingin ang kabuohan ko.

"You can pay me in other way, miss," he nodding while looking at me.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Gusto ba niyang ibayad ko ang sarili ko sa kanya? Gago ba siya? Putik manyakis pala itong gago na ito eh.

Magsasalita na sana ako ng mayro'n bagong dumating.

"What's happening to here?" Mula sa kong saan ay biglang dumating si Boss Joshua ang may-ari nitong restaurant.

Nagkagulatan pa siya nitong manyak. "Mr. Coren?" naguguluhan tanong ni Boss Joshua.

"Mr. Villar? What are you doing here? I'm sorry if I'm late, this workers ruined my business suit that's why I'm late," nagtitimping aniya habang umiiling.

Nanlaki ang mata ni Boss Joshua at napatingin sa akin, umiling ako. Nabasa kasi ng adobong baboy ang business suit nito, kulay puti pa naman ito kaya kitang-kita ang dumi.

"I'm sorry Mr. Coren for what my workers did to you," paghingi ng tawad ni Boss.

Nangunot ang noo ng lalaki at tumingin samin at tumingin muli kay Boss J. "It's okay, I hope this is won't happen again Mr. Villar," mahinahon na pahayag niya, pero ramdam ko parin ang galit at inis roon.

Ngumiti naman si Boss J. "I'll adjust the business meeting Mr. Coren, tomorrow morning, I'll text you the details." 

Tumango lamang ang lalaki at tinabig pa si Vila bago umalis.

"Linisin n'yo 'yan at mag-uusap tayo mamaya," madiin sabi ni Boss J. Wala akong magawa kundi ang tumango lamang. 

"Yes Boss J." 

Nang makaalis na sila ay hinarap ko si Vila, wala parin tigil ang pag-iyak nito, pinunasan ko ang kanyang luha ng dala kong panyo at pinantayan ko ito ng tingin.

Napabuntong hininga na lang ako. "Ayos kalang ba Vila? Wala bang masakit sa 'yo?" nag-aalala kong tanong, namamaga na ang kanyang mata at namumula rin ito, maging ang kanyang itong ay namumula na rin sa kakaiyak.

Tumango siya at ngumiti ng bahagya. "Yes Ate Relia, salamat po kanina sa pagtatanggol sa 'kin, hindi ko po talaga nakita yung lalaki na yon biglang sumulpot sa harapan ko kaya natapon sa kanya ang order, tinabig pa niya ang hawak kong tray kaya nalaglag sa sahig ang mga pagkain," pagsusumbong nito kahit putol-putol at nahihirapan siyang nagsalita dala ng pag-iyak at kapos ng hininga.

Napa kuyom ang kamao ko. Basta talaga mayayaman handang tumapak ng mahihirap para lamang makaangat sila, wala silang paki kung mayroon masaktan at mahihirapan sa ginagawa nila, pare-pareho lamang silang walang puso.

Ngumiti ako. "Hayaan mula Vila, pakuha na lang ako ng walis tambo at dustpan at lilinisin natin itong nasayang na pagkain." Tumango siya at sinusunod ang utos ko.

Napabuntong-hininga ako, hindi na ito bago sa amin, may mas malala pang kaganapan kumpara dito. mayroon aksidenteng nadulas ang costumer, napaso ang dila dahil sa init ng pagkain na serve at mas malala ay yong sumakit ang tiyan at nagsuka ang isang costumer. Hindi naman sa sinisiraan ko itong restaurant ni Boss J nagsasabi lamang ako ng totoo.

Bumalik si Vila dala ang pinapadala ko, nilinisan namin ang natapon na pagkain at nabasag na plato at mangkok sa sahig, nilampasuhan ko na rin ito para mawala ang amoy ng pagkain sa sahig, hindi  maiwasan ang napailing habang naglilinisan ito, sayang ang pagkain pinaghirapan pa naman itong iluto ni Aling Merna at ni Kuya Nelo, dahil silang dalawa lang ang pumasok ngayon, may sakit kasi ang isang chef dito at ang isa naman ay nasa hospital dahil makapanganak pa lamang ng asawa nito.

Maya-maya pa ay dumating si Boss J nakakunot ang noo nito at tiningnan ako–kami ni Vila ng nakakadissapoint look. "Follow me at my office, we need to talk now," utos niya, halata ang galit roon at pagtitimpi.

Napalunok ako at tumango, sumunod kami ni Vila sa office ni Boss J. Nakaupo ito sa upuan niya habang hinihilot ang kanyang sentido. "Alam n'yo bang maaaring mawala ang negosyo kong ito dahil sa kapabayaan ninyo? Mr. Coren is not just a Business man. In one clap of his hand this restaurant gonna be vanished."

Napakagat ako sa aking labi. "Sir Joshua hindi naman po sinasadya ni Vila ang nangyari, aksidente lang po 'yon," pagtatanggol ko kay Vila.

"Kahit aksidente man o sinasadya walang magbabago, naging pabaya pa rin kayo sa trabaho, ikaw Vila, menor-de-edad ka pa lang pinayagan lang kitang magtrabaho para makatulong sa 'yo at sa pamilya mo, pero naging pabaya ka, sa susunod na may mangyayari ulit na ganito ng dahil sa kapabayaan mo, I'm sorry but you need to leave my restaurant."

Nanlaki ang mata ni Vila at umiling ito, halatang takot at nagulat siya maging ako, alam kong nais lang ni Vila ang mga trabaho para may pangbaon at makatulong sa magulang niya kaya kahit bata pa ay nagtatrabaho na siya. "Boss J pangako po hindi na muling mangyayari ang kapabayaan ko, wag n'yo lang po ang tanggalin, kailangan ko po talaga itong trabaho," pakiusap niya, bakas ang takot at kaba sa boses niya.

Napabuntong-hininga si Sir J. "I give you one chance, Miss Vila and please ayusin mo ang trabaho ninyo Miss Relia, ayaw ko na muling makatanggap ng reklamo dahil sa kapabayaan ninyo, understand?"

"Yes Sir," sabay namin sagot ni Vila.

"You may leave."

"I'm sorry talaga Ate Relia, dahil sa akin ay nadamay ka pa sa galit ni Boss J sana po pinabayaan mo na lang ako roon," mahina at nahihiyang pahayag niya.

Tumaas ang kilay ko at nilagay ko sa harap dibdib ko ang dalawang braso ko. "At ano? Babastusin ka ng mayamang bastos na lalaking 'yon? At gusto mo rin bang matanggal sa trabaho Vila? Alam kong gusto mo lang makatulong sa pamilya mo pero kong hindi kita tinulungan baka ngayon ay wala kanang trabaho. Kaya mabuti pa ipagpapasalamat mo nalang na may trabaho ka pa 'rin–tayo," aniya ko habang nakatingin sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin ko at bahagyang ngumiti ito. "Okay po Ate Relia at salamat rin po pala sa pagtatanggol," sensiridad niyang sabi.

Tumango ako. "Basta sana mag-iingat ka para hindi ka mapahamak." 'Yon na lang ang sinabi ko at bumalik na kami sa trabaho.

Alas otso natapos ang trabaho ko, kunti na rin ang tao na kumakain sa restaurant, sabay na kaming umuwi ni Vila dahil pareho lang din kami ng lugar. Bukas pa rin ang ilaw ng bahay namin, hindi naman kami mayaman ang bahay namin ay simple lamang tulad ng bahay sa probinsya ay ganon din samin. Naabutan ko si Mama na gumagawa ng ice habang nanonood ng TV sa sala. 

Agad akong nag mano sa kanya bilang paggalang, nakasanayan narin namin limang magkakapatid 'yon, dahil gusto ng parents namin na gumalang kami sa matatanda.

"Mano po mama," magalang kong sabi.

Bakas sa mga ni Mama ang pagod pero hindi niya 'yon pinapahalata samin. "Kaawaan ka ng Diyos, kumain ka na ba? Kung hindi pa ay may iniwan akong ulam diyan sa lamesa kumain ka na, pasensya na at hindi na namin ikaw na antay, gutom na kasi si Thomthom," paliwanang ni mama.

Ngumiti lamang ako. "Okay lang po 'yon ma, sige po."

Nagpahinga lang muna ako at naligo bago kumain, maaga rin akong natulog dahil may pasok nanaman ako bukas sa trabaho, maaga ako natutulog para ipahinga ang katawan kong buong araw na nagtatrabaho.

"Ate Relia!" nagising ako dahil sa malakas na katok at sigaw ni Thomthom sa pintuan ng kwarto ko, napatingin ako sa oras ng cp ko, it's six twenty in the morning already. Kahit na wala pa ako sa hulog ay bumangon ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

"Ano 'yon Thom?" antok kong tanong at nag-inat ng katawan.

"Ate Relia nag post po ang F* page ng UP tungkol sa scholarship, ngayon araw lang po pwedeng mag take face to face po," sabi niya bakas ang kasiyahan ng boses niya.

Napahinto ako sa pag-inat at napabaling sa kanya. "Sigurado ka Thom?" nanlaki ang mata ko, natanggal ang pagkaantok ko bigla sa sinabi niya.

Tumango siya. "Opo nga po Ate, kahit ikaw pa mag check," aniya at umalis sa harapan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko, tinalon ko ang kama at kinuha ng cp ko, pinuntahan ko ang F* page ng UP, nanlaki ang mata ko dahil sa excitement at kaba. Kailangan kong makapag exam sa Manila. Alam kong aabutin ng thousands ang gagamitin kong pera, pero sayang kong hindi ako mag take ng exam for scholarships.

Mabilis akong kumilos at naligo at isang white sando, black jeans, white sneakers at jacket jeans ang suot ko, hinayaan ko lang na lumadlad ang kahabaan kong itim na medyo kulot ko na buhok ng matapos ko na maayos ang sarili ko ay pumunta na ako sa kusina, naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain para sa mga kapatid ko.

Nangunot ang noo ni Mama na makita akong bihis na bihis. "Oh Relia papasok kana, ang aga mo naman ata?" tanong ni mama.

Kumuha ako ng baso at kutsara. "Ma nag post po ang F* page ng UP for Scholarship at ngayon araw lang po 'yon, ayaw ko naman sayangin ang pagkakataon, kung maka pasa po ako sa Scholarship Ma ay mababawasan ang tuition f*e ko at makakakuha pa ako ng dagdag financial assistance," saad ko ay nagtimpla ng kape at sumabay sa kanilang kumain.

"Ah ganon ba? Oh sige kumain ka muna bago umalis dahil mahaba pa ang byahe mo."

"Opo, ma."

Nang matapos kaming kumain paalis na sana ako ng tinawag ako ni mama.

Nakangiting lumapit sa akin si Mama. "Aurelia, anak ito baunin mo, pasensya ka na ah, 'yan lang naipon ko," nakangiting saad ni mama at nilagay sa kamay ko ang pera.

Umiling ako at inabot ko sakanya ang pera. "Hindi na po ma, may ipon naman po ako, ito na lang muna ang gagamitin ko—"

"Bigay ko na sa 'yo 'yan anak, tanggapin mo na, mag-iingat ka roon ah," malambing na sabi mama.

Tumango ako at niyakap siya. "Opo ma, salamat po. Uuwi rin po ako agad."

Bago ako pumunta sa Bus Station ay dumaan muna ako sa restaurant pinagtatrabahuhan ko at nagpaalam, buti na lang at pinayagan ako, pagkarating ko sa bus station ay bumili ako ng ticket na nagkakahalagang one thousand five hundred pesos. Inabot ng tatlong oras ang byahe ko, bago pa lamang ako sa Manila kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot buti na lang ay mayro'n akong load at gumamit na lamang ako ng G****e map.

Successful naman nakarating ako sa UP, nagtanong tanong din ako at tinuro nila sa Administrasyon daw ako pumunta. Pagkarating ko roon ay mag-fill-up pa ako ng form ay nag antay. Maya-maya pa ay tinawag na ako, at dinala sa Audio-visual Room, marami rin akong kasabay ang nag exam.

Saktong ala una ako natapos mag exam, napagpasyahan ko munang kumain sa cafeteria nila. Medyo malawak at malaki pala talaga itong universidad kaya natagalan ako hanapin ang cafeteria nila, kunti lang ang tao sa loob nito. Masasarap ang pagkain nila rito mayro'n group ay isahan lang ang pagkain.

Nang paupo ako sa isang lamesa ay may nakabangga sa akin dahilan upang malaglag ang dala kong pagkain sa tray. Nabuhusan ng sabay ang damit ko.

"Anak ka ng nanay mo," gulat kung sabi.

Napabaling sa akin ang lalaking nakabangga sa akin.

"Sorry miss, hindi kita nakita. Papalitan ko na lang," sabi niya habang yumuko.

Napatampal ako sa noo ko. Buti na lang ay unti lang ang tao ngayon sa cafeteria kundi nakakahiya kong maraming nakakita.

Umangat siya ng tingin sa akin at napa-awang ang mapulang labi niya at napangiti ng bahagya. "Pasensya na talaga miss. Papalitan ko nalang ang na damage okay lang ba?" nahihiyang tanong niya.

Isa lang ang masasabi ko sa kanya. His shy, handsome guy. Hiss body is mascular, halata naman ito dahil bumabakat ang muscle niya sa kanyang puting tshirt, his skin is brown and hair a bit long it's dark brown na mas lalong bumagay sa kanya. He also wearing a black pants and black shoes.

Umiling ako at ngumiti. "No. Okay lang." Inilapag ko sa mesa ang pagkain na natapon at pinunasan ang damit kong nabasa.

"Uhm... May extra t-shirt pwede mo namang ipalit, kung gusto mo lang," offer niya.

Umiling ako. "Hindi na hindi naman malala eh. Mag-iingat ka na lang sa susunod kuya," sagot ko.

He smile, he have this cute dimple on his cheeks. "Okay then let me replace the food I ruined. Okay lang ba, pang bawi ko na rin hehe." Napakamot pa siya ng batok.

I nodded. Damn his a handsome cute guy in my eyes.

Umalis na siya at naupo ako sa bakanteng lamesa. Hindi ko maiwasan manghinayang sa pagkain nasayang, pero wala akong magagawa aksidente ang nangyari. Maya-maya pa ay may dala siyang shake at Lunch niya.

Ngumiti siyang inilagay ang shake at sinigang na baboy na naula sa akin kanina. "Take it. By the way I'm Adrious," nakangiti niyang pakilala.

"Relia," sagot ko pabalik. Ngumiti ako at nagsimula na kaming kumain.

I don't know but I feel comfortable when I with him. Nagkakwentuhan kami at mas lalo ko pa siyang nakilala. He's a good boy, halos ata lahat ng gusto ko lalaki ay sakanya ko nahanap, pero hindi naman dapat ako mag assume ng basta-basta. We became friends. Kinuha pa niya ang number at malugod ko yong binigay.

Dagdag pang bawi raw niya ay ilibot ako sa buong university, this university is really huge and expensive. Ang tuition f*e pa lang ay pang limang buwan pakakainin ang pamilya ko.

Sumapit ang alas kwatro ay napagpasyahan ko ng umuwi. Gusto pa sana niya akong ihatid ngunit umayaw na ako. Dahil alam kong nakakaabala ako sa kanya.

Sabi ng taong nagpa-exam sa 'min kanina ay ipost F* page ng UP at tatawagan lang kami once na nakuha kami sa scholarship.

Habang nasa byahe ako pabalik sa sa 'min ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Sana makapasa ako, I really want to be a successful Architect someday. Also my parent wants that or me.

Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag drawing ng mga bahay at iba't-ibang design nito. I feel comfort and chill when I'm doing it.

Ito talaga ang gusto ko a

ng maging isang architecture student in the University of the Philippines.

---

If you like this Chapter you may click the star button and also comment, thank you so much po! :)

—shesabillionaire

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status