May mga dots pang need e connect. Stay tuned. Dahil sa Sunday ngayon, baka no next update. Bukas ulit. Maglalaba pa kasi ako at may may iba pang gawain. haha
Rachelle Remadavia “Underground tunnel?” takang tanong ko kay Rico. “Kahit ako nagulat..” Ang sabi ni Rico habang hawak ang kamay ko at umaabante na palabas ng tunnel na ito. Madilim at halos nangangapa kami ni Rico sa tinatakbuhan namin. Nang biglang may liwanag na tumutok sa amin. “Dito tayo,” medyo nagulat pa ako nang namataan ko si manang na nasa unahan. “Manang, ano pong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko. “Tinutulungan ko po kayong makaalis dito Miss Raachelle,” aniya. “Ikaw ba si Teresita na sinasabi ni Butler Noli?” tanong ni Rico. “Opo. Ako nga. Bilisan niyo na bago pa makatunog ang mga bantay na wala na si Ms. Rachelle sa kwarto niya.” Sinundan namin si manang na papalabas ng underground tunnel na ito. Sa mga kilos at galaw niya ay parang alam niya talaga ang buong lugar na ito. Medyo malayo layo ang dinaanan namin at sobrang baho pa. Sa isang drainage entrance kami nakalabas. Si Rico pa nagbukas non at nasa tabi ko si manang na Teresita pala ang pangalan. Inak
Pagkadating namin sa airport, naroon na si Butler Noli. Nagulat pa nga ako nang makita ko siya doon na nakatayo at parang naghihintay sa amin. Bahagya pa siyang yumuko. “Mabuti at ang napili ng tagapagmana ay isang Shein,” nakangiting sabi niya. Ngumiti rin si Teresita. “Rachelle,” napatingin ako kay Henry. “Kindly tell my best friend na mamimiss ko siya,” nagulat ako at nagtaka. “Bakit? Please come with us,” Ngumiti siya at umiling. “My life is in Spain.. I cannot leave here.” “What? Why? You can start your life in the Philippines..” Ngumiti siya at lumapit sa akin pero humarang si Rico. Tumawa si Henry. “I am aware that she’s yours. Don’t worry,” Saka pa gumilid si Rico pero ramdam kong nakatitig siya kay Henry. Oo nga pala, hindi niya kilala si Henry. “See you when I see you princess,” bulong niya at niyakap ako. Nalulungkot ako. Malaki ang utang na loob ko kay Henry. Kung hindi dahil sa kaniya baka napahamak na kami ng anak ko. Baka nga patay na kami. “Salamat sa lahat
Pagpasok namin sa loob ng bahay, naabutan ko ang wala ng buhay na katawan ni PJ Daral na maraming saksak sa katawan. Nanlalaki ang mata ko nang makita si kuya Lando na hawak ni Mr. Shein ang kamay sa likuran. “Anong nangyari?” si Rico ang nagtanong. “After the long search of Dehlia, this afternoon, we found her cold body,” mahinang sabi ni Mr. Shein na nagpalaki ng mata ko. “She’s dead at nakalibing sa harapan ng bahay nila Rachelle sa probinsya.” Ano? Si ate patay na? Para akong kinapos ng hininga. Before I could know it, nagdilim na ang paningin ko. -------------------- “Why did you let Lando knew the truth?” sabi ni ma’am Lay. “Wife, he sneaked inside the room.” Ang sabi naman ni Mr. Shein. “Nilihim ko sa kaniya ang impormasyon about Dehlia pero mukhang nakatunog siya. Alam niyang hindi pa nakikita si Dehlia, Lor, so what would expect? Mag-iimbistiga siya.” Ang sabi ni uncle Lee. “Anong gagawin natin sa kaniya?” Nagmulat ako nang mata. “Sweetheart,” nasa tabi ko na si Ri
Hawak ko ngayon ang anak ni ate Dehlia na pinangalanan nina ma’am Lorelay na Raja. Ang ganda ng bata, kamukha ni ate habang si Timber naman ay hawak ni manang Teresita. Si mama ay umiiyak at nagluluksa ngayon sa harapan. Napa cremate na namin ang mga buto ni ate at labis ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Nilapitan ko si mama at nadudurog ako sa bawat pag-iyak niya. “Bakit naging ganito? Hindi ko man lang alam. Wala man lang akong ka alam-alam.. Anong klase akong ina?” Lumapit si Rico sa akin. Binigay ko sa kaniya si Raja. “Ma.. Sorry po…” Umiiyak na sabi ko. “Sobrang guilty ko ma. Dahil sa akin kaya nagawa ni PJ ito. Sorry mama..” Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni mama. Yakap na sobrang higpit habang pasigaw na umiiyak. “Hindi.. Kasalanan ko ito lahat.. Naging pabaya akong ina sa inyo… Anong klase akong ina?” “Ma..” Sa sobrang pagdadalamhati ni mama at iyak niya, nagulat nalang ako nang bumigay ang katawan niya dahil nawalan siya ng malay. Agad akong dinaluhan ni S
“Delilah, it’s been so long..” Tumango si mama kay Butler Noli. “Matagal din tayong hindi nagkita, Noli.” “Delilah,” ani manang Teresita. “Tere, kamusta ka na?” “Ayos naman… Sa awa ng Diyos, buhay pa.” Narito kami ngayon sa sala ng mga Shein. Kasama ko si mama, ako, Rico, manang, Butler Noli, at mga magulang ni Rico. “Ikinalulungkot ang nangyari kay Luis. Hindi ko aakalaing wala na siya.” Halos pabulong na sabi ni mama. “Pasensya na at hindi ko nasabi sayo Delilah. Alang-alang na rin sa kaligtasan mo,” sagot ni Butler Noli. “Naiintindihan ko, Noli. Wala kang dapat ikahingi ng tawad. At least nalaman ko na ngayon bakit hindi na ako tinawagan pang muli ni Luis. Akala ko ay galit siya sa akin na kahit ang anak niya ay ayaw niyang makita.” Malungkot na sabi ni mama. “Hindi ganoon ang nangyari Delilah. Nito ko lang din nalaman na may anak pala kayo ni Don Luis. Kung alam ko, sana nasuportahan ko si senyorita Rachelle sa pagpalaki niya.” Ani ni Butler Noli. “Pasensya na kayo. Alam
Sabado, at nagkakape kami ngayon ni Rico sa kusina. Pagkalapag ko ng sandwich na may cheese sa harapan niya ay umupo ako sa kandungan niya. “Aww.. gusto mo uli?” Mahina ko siyang nasapak. “Ikaw, iyang ugali mo! Ang sabihin mo, gusto mo pa,” nakasimangot na sabi ko. “Umiinom ka pa ban g pills?” tanong niya. “Bakit?” “Huwag na kaya,” ang sabi niya na seryoso ang tono. Kinuha niya ang isang paa ko para ipawesto sa kaniya paharap ng nakabukaka. “Gusto ko sundan natin si Timber,” ang sabi niya. “Masiyado pang bata si Timber at Raja. Gusto mo na sila sundan?” kumibot ang labi niya paitaas. “Sayang naman ang mga armies ko. Hindi nakakalusot sa patutunguhan..” Natawa ako sa konsepto niya ng reproduction. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?” tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. Lumiit ang mga mata nito at lumabi. “Hindi na yata unless na ikaw si Rachelle,” sabi niya. “Asus! Ang sweet naman ng lalaking ito ay..” “Talaga? Sweet ako?” Tumango ako na nagpipigil ngiti. “Kung ga
“Ma,” itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ang boses ni Raja sa likuran. “Can I help you with that?” hawak niya ang manika niyang bigay ni kuya sa kaniya. “Bakit? Ayaw mo na ba mag play anak?” “I just want to help you mama,” Lumabi ako at pinalapit siya sa akin. “Gusto mo tulungan si mama mag plant ng flowers?” Tumango siya. “Alright.. Come here,” binigay ko sa kaniya ang empty pot para lagyan niya ng lupa. “Put this in the center,” binigay ko sa kaniya ang isang tangkay ng itatanim namin. Ang bait na bata ni Raja at sobrang matulungin. Kabaliktaran sila ni Timber na makulit at maingay. Si Raja ay tahimik at mahinhin. “Sweetheart,” napatingin ako kay Rico na nagtutupi ng polo sa bandang siko niya. “Aalis ka na?” “Yeah,” napatingin siya kay Raja. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya habang nakatingin sa batang inosenteng nagtatanim sa tabi ko. Kung paano tratuhin ni Rico si Timber, ganoon din ang ginagawa niya kay Raja. Kami ang tumayong magulang ng bata at
“MAMA!! I WANNA COME!” “Hindi nga pwede anak. Delikado!” Agad siyang umiyak sa sahig dahil gusto niyang sumama sa akin sa pagpunta ng basement doon sa bahay ng lolo at lola niya. “Timber! Sabi ko na hindi kasi nga delikado,” “But I wanna see him.” Nilapitan ako ni Rico, may hawak siyang baril na agad niyang itinago sa likuran niya, at kinuha ang anak. “Timber, hindi tama na basta ka nalang iiyak because mama said no. You should respect that.” Tumigil siya sa pag-iyak pero ang mata ay patuloy pa rin sa pagtulo ang luha. “I’ll be good papa..” Ang sabi ni Timber. Tumingin si Rico sa akin kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay. Sobrang ini-spoiled niya ang mga anak kung kaya kahit anong hilingin ng dalawa ay agad niyang ibibigay kahit parang sobra na. “I’ll watch him,” o tignan niyo na? Bumigay din. Hindi ko maiwasang hindi siya irapan dahil ito talaga ang sakit niya. At wala na akong magagawa dahil magbibigay siya ng maraming rason sa akin para masama ang anak. Ganoon si Rico.