Habang inaayusan ako ng katulong, biglang pumasok ng kwarto si Eli. Malalaki ang hakbang niya at sa itsura ay para na siyang sasabog. Bigla niyang hinablot ang braso ko at malakas akong sinampal. “Ayos akong umalis sa mga Shein, Rachelle, nagpaubaya na ako sayo pero hindi ako papayag na pati sa papa at yaman ko ay makikipag kompetensya ka!” Nakagat ko ng mariin ang labi ko. Bakit ba ang malas ko sa mga ate? “Hindi ako makikipagkompetensya sayo sa yaman, Eli. Hindi ko naman alam na papa ko pala ang papa mo.” Agad niya akong sinampal. “Don’t call my dad, papa dahil hindi ko matatanggap na anak ka niya!” “Tama na yan, senyorita!” Biglang pumasok Butler Noli. “No, Noli. This girl plans to steal everything from me!” Umiling ako kasi hindi yun totoo. “Eli, makinig ka naman. Wala akong balak na agawin sayo si papa. Wala naman akong balak sa yaman niyo. Ang mahalaga lang naman sa akin ay si Rico at ang anak namin.” Naluluhang sabi ko. “Sinungaling ka!” Akmang lalapitan na naman ako
May beard siya at straight lang ang paningin sa harapan. Para bang hindi niya ako kilala. “You stay in your room,” ang bulong ni manang. At sa bulong nay un, pakiramdam ko ay may gusto siyang ipahiwatig kaya tumayo ako. Tumango ako at tumingin pa ulit sa gawi ni Rico. “Please bring the heiress to her room,” sabi ni manang sa bodyguard at ang itinuro niya ay si Rico. Alam ba ni manang na may ugnayan kami ni Rico? Walang sali-salita na lumapit si Rico sa’kin. Nasa unahan niya ako at nasa likuran siya. Pinapakiramdaman ko siya. Nakatingin sa amin ang lahat ng bodyguards. Nang makapasok ako sa kwarto, sumunod siya agad. “Rico— Malalaki ang hakbang niyang lumapit sa akin matapos niyang e lock ang pintuan. Agad niya akong niyakap. Umiyak na ako sa pagkakataong ito. “Rico. Natakot ako. Akala ko hindi na makakalabas dito.” “Shh.. We need to get out of here, sweetheart.” “Si Timber? Yung anak natin?” “Na kay mama. Nasa Pinas na.” “Ano? Bakit?” “I’ll explain everything when we get
Rachelle Remadavia “Underground tunnel?” takang tanong ko kay Rico. “Kahit ako nagulat..” Ang sabi ni Rico habang hawak ang kamay ko at umaabante na palabas ng tunnel na ito. Madilim at halos nangangapa kami ni Rico sa tinatakbuhan namin. Nang biglang may liwanag na tumutok sa amin. “Dito tayo,” medyo nagulat pa ako nang namataan ko si manang na nasa unahan. “Manang, ano pong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko. “Tinutulungan ko po kayong makaalis dito Miss Raachelle,” aniya. “Ikaw ba si Teresita na sinasabi ni Butler Noli?” tanong ni Rico. “Opo. Ako nga. Bilisan niyo na bago pa makatunog ang mga bantay na wala na si Ms. Rachelle sa kwarto niya.” Sinundan namin si manang na papalabas ng underground tunnel na ito. Sa mga kilos at galaw niya ay parang alam niya talaga ang buong lugar na ito. Medyo malayo layo ang dinaanan namin at sobrang baho pa. Sa isang drainage entrance kami nakalabas. Si Rico pa nagbukas non at nasa tabi ko si manang na Teresita pala ang pangalan. Inak
Pagkadating namin sa airport, naroon na si Butler Noli. Nagulat pa nga ako nang makita ko siya doon na nakatayo at parang naghihintay sa amin. Bahagya pa siyang yumuko. “Mabuti at ang napili ng tagapagmana ay isang Shein,” nakangiting sabi niya. Ngumiti rin si Teresita. “Rachelle,” napatingin ako kay Henry. “Kindly tell my best friend na mamimiss ko siya,” nagulat ako at nagtaka. “Bakit? Please come with us,” Ngumiti siya at umiling. “My life is in Spain.. I cannot leave here.” “What? Why? You can start your life in the Philippines..” Ngumiti siya at lumapit sa akin pero humarang si Rico. Tumawa si Henry. “I am aware that she’s yours. Don’t worry,” Saka pa gumilid si Rico pero ramdam kong nakatitig siya kay Henry. Oo nga pala, hindi niya kilala si Henry. “See you when I see you princess,” bulong niya at niyakap ako. Nalulungkot ako. Malaki ang utang na loob ko kay Henry. Kung hindi dahil sa kaniya baka napahamak na kami ng anak ko. Baka nga patay na kami. “Salamat sa lahat
Pagpasok namin sa loob ng bahay, naabutan ko ang wala ng buhay na katawan ni PJ Daral na maraming saksak sa katawan. Nanlalaki ang mata ko nang makita si kuya Lando na hawak ni Mr. Shein ang kamay sa likuran. “Anong nangyari?” si Rico ang nagtanong. “After the long search of Dehlia, this afternoon, we found her cold body,” mahinang sabi ni Mr. Shein na nagpalaki ng mata ko. “She’s dead at nakalibing sa harapan ng bahay nila Rachelle sa probinsya.” Ano? Si ate patay na? Para akong kinapos ng hininga. Before I could know it, nagdilim na ang paningin ko. -------------------- “Why did you let Lando knew the truth?” sabi ni ma’am Lay. “Wife, he sneaked inside the room.” Ang sabi naman ni Mr. Shein. “Nilihim ko sa kaniya ang impormasyon about Dehlia pero mukhang nakatunog siya. Alam niyang hindi pa nakikita si Dehlia, Lor, so what would expect? Mag-iimbistiga siya.” Ang sabi ni uncle Lee. “Anong gagawin natin sa kaniya?” Nagmulat ako nang mata. “Sweetheart,” nasa tabi ko na si Ri
Hawak ko ngayon ang anak ni ate Dehlia na pinangalanan nina ma’am Lorelay na Raja. Ang ganda ng bata, kamukha ni ate habang si Timber naman ay hawak ni manang Teresita. Si mama ay umiiyak at nagluluksa ngayon sa harapan. Napa cremate na namin ang mga buto ni ate at labis ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Nilapitan ko si mama at nadudurog ako sa bawat pag-iyak niya. “Bakit naging ganito? Hindi ko man lang alam. Wala man lang akong ka alam-alam.. Anong klase akong ina?” Lumapit si Rico sa akin. Binigay ko sa kaniya si Raja. “Ma.. Sorry po…” Umiiyak na sabi ko. “Sobrang guilty ko ma. Dahil sa akin kaya nagawa ni PJ ito. Sorry mama..” Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni mama. Yakap na sobrang higpit habang pasigaw na umiiyak. “Hindi.. Kasalanan ko ito lahat.. Naging pabaya akong ina sa inyo… Anong klase akong ina?” “Ma..” Sa sobrang pagdadalamhati ni mama at iyak niya, nagulat nalang ako nang bumigay ang katawan niya dahil nawalan siya ng malay. Agad akong dinaluhan ni S
“Delilah, it’s been so long..” Tumango si mama kay Butler Noli. “Matagal din tayong hindi nagkita, Noli.” “Delilah,” ani manang Teresita. “Tere, kamusta ka na?” “Ayos naman… Sa awa ng Diyos, buhay pa.” Narito kami ngayon sa sala ng mga Shein. Kasama ko si mama, ako, Rico, manang, Butler Noli, at mga magulang ni Rico. “Ikinalulungkot ang nangyari kay Luis. Hindi ko aakalaing wala na siya.” Halos pabulong na sabi ni mama. “Pasensya na at hindi ko nasabi sayo Delilah. Alang-alang na rin sa kaligtasan mo,” sagot ni Butler Noli. “Naiintindihan ko, Noli. Wala kang dapat ikahingi ng tawad. At least nalaman ko na ngayon bakit hindi na ako tinawagan pang muli ni Luis. Akala ko ay galit siya sa akin na kahit ang anak niya ay ayaw niyang makita.” Malungkot na sabi ni mama. “Hindi ganoon ang nangyari Delilah. Nito ko lang din nalaman na may anak pala kayo ni Don Luis. Kung alam ko, sana nasuportahan ko si senyorita Rachelle sa pagpalaki niya.” Ani ni Butler Noli. “Pasensya na kayo. Alam
Sabado, at nagkakape kami ngayon ni Rico sa kusina. Pagkalapag ko ng sandwich na may cheese sa harapan niya ay umupo ako sa kandungan niya. “Aww.. gusto mo uli?” Mahina ko siyang nasapak. “Ikaw, iyang ugali mo! Ang sabihin mo, gusto mo pa,” nakasimangot na sabi ko. “Umiinom ka pa ban g pills?” tanong niya. “Bakit?” “Huwag na kaya,” ang sabi niya na seryoso ang tono. Kinuha niya ang isang paa ko para ipawesto sa kaniya paharap ng nakabukaka. “Gusto ko sundan natin si Timber,” ang sabi niya. “Masiyado pang bata si Timber at Raja. Gusto mo na sila sundan?” kumibot ang labi niya paitaas. “Sayang naman ang mga armies ko. Hindi nakakalusot sa patutunguhan..” Natawa ako sa konsepto niya ng reproduction. “Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?” tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. Lumiit ang mga mata nito at lumabi. “Hindi na yata unless na ikaw si Rachelle,” sabi niya. “Asus! Ang sweet naman ng lalaking ito ay..” “Talaga? Sweet ako?” Tumango ako na nagpipigil ngiti. “Kung ga