Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
“Ano ka ba, Mateo. Bisita namin kayo,” nag-alinlangan pa ang matandang babae.“Honey, hayaan mo na sila.” Saway ng matandang lalaki sa asawa. “Asikasuhin mo na lang ang dinner natin mamaya.”“Ay, oo nga pala.” Nakangiting tugon ng babae. “Oh, siya, paano ba ‘yan…”“Salamat po, ako na po ang bahala sa kanya,” magalang na sabi ni Mateo sa babae.Napatawa ito ng mahina, may kislap ng kasiyahan sa mga matandang babae. “Napakabuti mong asawa, Mateo. Ingatan mo at buntis ang asawa mo.”Nakaawang ang bibig ni Natalie sa palitan ng salita ng tatlo ngunit hindi siya nagsalita para itama ang maling akala ng mag-asawa. Tumango lang si Mateo ay marahang hinawakan ang kamay ni Natalie para akayin paakyat sa kahoy na hagdan. Ang bawat hakbang nila ay nagdulot ng langitngit sa kahoy.Pagdating nila sa guest room, binuksan ni Mateo ang pinto at pinapasok si Natalie sa loob. Namangha siya, simple ngunit maaliwalas ang loob ng kwarto---may nakahanda ng mga sariwang kumot, tuwalya at comforter para sa l
Hindi lang basta-bastang hapunan ang inihain sa kanila. Masasabing pinaghandaan ng husto ng matandang mag-asawa ang ipapakain sa kanila. Stir-fried na gulay na galing mula sa hardin nila, seared lamb chops, mga sariwang prutas at ice cream. May onion soup din na bumalot sa buong silid kainan. Parang may selebrasyon sa bahay na iyon ngayong gabi. Sa kwarto na sila kumain.Alam ni Mateo na ang ganoong klase ng pagkain ay hindi pangkaraniwang isine-serve sa isang maliit na village—ito ay ginagawa lamang para sa mahahalagang bisita o espesyal na okasyon. Kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa kabutihan ng matandang mag-asawa.Ngunit sa kabila ng masasarap na pagkain na nakahain sa harapan nila, halos hindi man lang galawin ni Natalie ang pinggan niya.Agad itong napansin ni Mateo. “Kung hindi mo gusto ang pagkain, huwag mong pilitin ang sarili mo, Nat.”“Ayos lang ako,” agad siyang umayos ng upo at pinilit ang sarili na magmukhang natatakam sa mga pagkain. “Ayokong sayangin ang mga p
Pinigilan ni Natalie si Mateo bago pa ito tuluyang makalabas. Nakatuon ang pansin niya sa madilim na gabi na binabagyo pa rin. “Teka lang. Anong ibig mong sabihin? Nahihibang ka na ba? Hindi ito Manila at lalong walang bigas ang mga tao dito. Tsaka, hindi mo ba nakikitang bumabagyo pa?”Ngumisi si Mateo, naroon pa rin ang hindi matinag-tinag na kumpyansa sa mukha. “Paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba?”Tuluyan na nitong nabuksan ang pinto at lumabas. Napabuntong-hininga na lang si Natalie. “Ang tigas talaga ng ulo ng isang ‘yon.”Nag-alinlangan siya pero sumunod na rin siya pababa ng hagdan, marahan ang kanyang mga yapak. Pagdating niya sa hagdanan, narinig niya ang boses ni Mateo mula sa sala---kalmado, magalang pero may paninindigan.“…pero malayo ang pinakamalapit na supermarket, Mateo.” May pag-aalala na sabi ng matandang lalaking may-ari ng bahay. “Baka umagahin ka na. Bukod doon, malakas pa rin ang ulan.”“Ayos lang po,” sagot ni Mateo habang inaayos ang m
Bubuksan din sana ni Mateo ang pinto sa harapan ngunit nauna na itong bumukas ng kusa mula sa loob.Nagtagpo ang kanilang mga mata sa malabong liwanag ng buwan at parang may isang hindi nakikitang pwersa na humihili sa kanila palapit. Ang hangin ng gabi ay may bahagyang lamig na dala ng ulan. Mula sa basang damuhan sa malapit, maririnig ang mga huni ng mga kulisap na sumasabay sa marahang kaluskos ng mga dahong sumasayaw sa ihip ng hangin.Hinagod ni Natalie ng tingin ang anyo ni Mateo dahil basang-basa ito. “Ginamit mo ang kotse diba? Bakit parang lumusong ka sa ulan?”Lumalim ang kunot ng kanyang noo habang pumagilid para bigyan ito ng espasyo para makapasok sa loob ng bahay. Hindi pa rin niya maintindihan paano ito nabasa ng ganoon.Mahina ang buntong-hininga ni Mateo, tsaka hinaplos ang basa niyang buhok bago dumiretso sa kusina. Ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ang isang malaking plastic bag na para bang walang nangyari.“Nakabili na ako ng bigas at isda. Mabuti na lang at may 24
“Ang may-ari ng supermarket ay nakapangasawa ng isang Filipina. Katunayan, may minority pala ng mga pinoy sa area na ito kaya may stocks siya na pang-Filipino cuisine. ” Paliwanag ni Mateo habang maingat na inaayos ang natitirang pagkain. “Tinanong ako ng babae kung bakit dis oras ako ng gabi bumibili ng bigas. Ang sabi ko, buntis ang asawa ko at wala siyang ganang kumain at kanin ang hinahanap niya. Alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin? Ganyan din daw siya noong nagdadalawang-isip siya. Sa kanya nanggaling ang ideya ng rice balls. Akalain mo, epektibo.”Tahimik lang na nakikinig si Natalie habang inuubos ang natitirang hot chocolate niya. Sa isip niya, nakikita niyang nakasandal si Mateo sa isang supermarket counter, basa mula sa pagsulong sa malakas na ulan at kinakausap ang estrangherong mag-asawa at sinasabing, ‘buntis ang asawa ko’. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan niya ang mga katagang iyon.May kung anong kumirot sa dibdib niya dahil hindi naman iyon totoo---wala n
Dating mga sundalo sina Alex at Tomas. Mga ex-Special Forces kaya kapag may nararamdaman silang ganito, bihira silang magkamali.Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo. “Canada…sino ang may pakana nito? Sino kang hayop ka at ano ang atraso ko sayo? Bakit hindi ka lumaban ng patas? Bakit kailangan mong lumaban ng pailalim?”Paulit-ulit na nilang tinangkang patayin siya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kung ano ang dahilan sa likod ng mga atakeng ito. Palaisipan pa rin sa kanila ang katauhan ng taong may pakana nito.“Sir---”Biglang kumilos si Natalie sa kanyang upuan. Mabilis na lumamlam ang tingin ni Mateo at sa mababang tinig, pinutol niya ang mga sasabihin pa sana ni Alex.“Tama na,” malinaw ang ibig niyang sabihin. Na huwag na nilang ituloy pa ang usapan dahil baka marinig sila ni Natalie.Agad namang nakuha ni Alex ang ibig niyang sabihin kaya tumahimik na ito.Sa likod ng sasakyan, bahagyang gumalaw muli si Natalie. Naghahanap ito ng maayos na pwesto para sa pagtulo
Bumigat lalo ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Punong-puno ito ng hindi mabigkas na tensyon. Pagpasok nila sa city proper ng Calgary, liningon ni Alex si Mateo.“Sir, saan natin ihahatid si Natalie?”Hindi na kailangang itanong ‘yon dahil iyon naman talaga ang dapat na mangyari. Pero hindi pa nakakasagot si Mateo, nagising si Natalie.“Ibaba niyo na lang ako dyan sa may kanto. Alam kong out of the way ang tinutuluyan ko. Hindi niyo kailangang lumihis ng daan para sa akin. Kailangan ko din namang pumunta sa ospital.”Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Mateo dahil hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. “Natalie.”“Nangako ka sa akin.” Alam na alam na ni Natalie kung ano ang sasabihin ni Mateo kaya inunahan na niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata---mga matang walang alinlangan at malinaw ang pakay. “Tapos na tayo sa Wells, Mateo.”Wala ng kailangang sabihin pa. Panahon na para tuldukan ang lahat sa kanila.Bumalik ang mapait na lasa sa bibig ni Mateo, isang pait na mas mapait
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni
Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a
Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon
Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i