Madeline's P. O. V.
Kinagabihan, pawis na pawis ako kakalagay ng mga damit ko sa malaking closet dito sa guest room. Sobrang laki ng kwarto, mayroon pang study table, queen size bed, aircon, 16 inches TV, book shelves na walang laman at banyo.
Napatigil ako saglit at humarap sa kulay puti na malaking vanity mirror. Nakaayos na doon ang mga gamit kong pampaganda, pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang absorbent oil control sheet. Naglagay ako ng lip therapy oil dahil natutuyo na ang labi ko. Bigla namang kumalam ang sikmura ko kaya napatingin ako sa oras.
"It's already 8 PM? Ang bilis naman ng oras, I'm just fixing my things at inabot na ako ng limang oras?" bulong ko sa sarili ko.
Lumabas ako ng kwarto, sa pag-apak ko palabas ng silid ay naamoy ko kaagad ang kakaibang amoy ng pagkain. Pamilyar ito ngunit hindi ko matandaan anong putahe iyon. Sa sobrang sarap ng a
Madeline's P. O. V.Kinabukasan, maaga akong gumising para kumuha ng special project at humingi ng sheets ng activities sa school. Nahuhuli na ang grades ko magmula nang ikasal kami ni Raven, nawala ang normal kong buhay dahil sa kaniya.Naka-uniporme na ako, bumaba ako sa hagdanan papunta sa kusina para kumuha ng fresh milk. Hindi ako sanay na walang magse-serve sa akin, I miss my Yaya making me hot chocolate drink. Ngayon kailangan ko nang kumilos sa sarili ko, what can I do?"How's your feeling?" tanong ni Raven.Nilingon ko siya pagbukas ko ng refrigerator. Parang may nagbago sa itsura niya na hindi ko mapagtanto. Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya at nagsalin ng gatas sa baso."Masakit pa rin ba ang puson mo?" tanong niya at lumapit sa ref, kumuha siya ng bottled water."Okay na ako, first day lang naman masakit." Ininom ko ang gatas."That's good," aniya at sinara ang ref.Inilagay ko ang baso sa sink. Napansin ko namang masama ang tingin sa akin ni Raven."Oo, huhugasan ko m
Raven's P. O. V. Kinabukasan, maaga ako gumising dahil may pasok ako sa trabaho. Madami akong kailangan asikasuhin ngayon lalo na at mayroon akong nakausap sa Amerika na kaibigan ni Mommy. They want our products, iba din ang impact namin sa food industry kaya kailangan ko rin puntahan ang factory."Good morning!" narinig ko ang boses ni Maddy.Nilapag ko sa lamesa ang ginawa kong hot chocolate drink dahil mukhang ito ang paborito niya, since she's asking for breakfast, I bought a 3 minutes to cook pasta, nilagay ko lamang iyon sa microwave at luto na."Sayo ba 'yang chocolate drink?" tanong niya."Nope. It's for you," ani ko at inusog ang tasa papalapit sa kaniya.Kita ko naman ang pagngiti niya, pansin ko na pagdating sa pagkain ay sumasaya siya. Nilabas ko mula sa microwave ang pasta."Wow, akala ko walang breakfast," aniya at naupo sa dining area."We'll eat this quickly," ani ko at nagbigay ng plato at saka tinidor.Napansin ko naman ang pagtingin ni Maddy sa kamay ko, napansin n
Madeline's P. O. V.Napaupo ako, mula sa pagkakahiga ko sa kama nang marinig ko ang malakas na tunog sa kabilang linya. Tila ba may nabasag, may nabangga, at may sumigaw, na hindi ko mapagtanto. Agad akong kinutuban ng masama."Raven!" sigaw ko ngunit biglang naputol ang call. "Sh*t! The hell happened!?" sigaw ko at binitawan ang aking cellphone. Tumakbo ako patungo sa landline ng bahay na nasa sala pa. Tumawag ako sa emergency call. Habang pumipindot ako ng numero ay ramdam ko ang kaunting nginig sa aking kamay habang malakas ang tibok ng puso ko."Hello, this is emergency call, how can I help---""Miss! Please locate a Ford white car ang plaka ay TG206, please! Feeling ko nabangga siya, I don't know where his exact location, so please find him---" "Yes, Ma'am, calm down. The team is in action na po." "Please do it faster as you can, si Mr. Raven Aguilar ang sakay ng Ford na 'yon. Please, Miss!" pagmamakaawa ko."Yes, Ma'am. The car is in Quezon ave. Street **********" "Thank yo
Raven's P. O. V. Manghang-mangha ako sa ganda ng bago kong sasakyan. It felt like nabangga ako for purpose, dahil doon I was forced to buy a new car. Here I am with my new BMW car. "Radio ba 'to?" tanong ni Maddy habang nakasakay sa passenger seat."Yup, it's touch screen, you can click it," ani ko.Pinindot niya ang radio at kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mukha. She appreciates my car so much, kaysa sa pag-aasikaso ko sa kaniya. Oh, how I wish I'm just like my car. "Hala! Ayan favorite ko!" ani Maddy at nagsimulang umindak habang sinasabayan ang kanta sa radio.This is a two seated car only, habang nasa highway na kami ay sinubukan kong pindutin ang roof remover."Hala! Ang galing!" sigaw ni Maddy habang pinapanood ang unti-unting pag-angat ng bubong.Napangiti ako sa reaksyon niya. Dahil walang masyadong sasakyan sa dinadaanan namin ay binilisan ko ang pagmamaneho. Nagulat ako nang biglang isigaw ni Maddy ang kaniyang kinakanta mula sa radio habang nakataas ang dalawa niyang
Madeline's P. O. V.Namasyal kami ni Raven, roadtrip. Hanggang sa sumapit ang lunch, nakaramdam na ako ng gutom kaya hindi na ako sumasabay sa tugtog ng radio rito sa kotse ni Raven. Nakatitig na lang ako sa kalsada na aming dinadaanan."It's getting hot, kanina mukhang uulan, ngayon tumitirik na ang araw. Madeline, I'll close the roof now," ani Raven.Tumango ako sa kaniya, unti-unting gumalaw ang bubong ng sasakyan at natakpan na kami mula sa sikat ng araw. "Why are you getting so silent, kanina lang ang lakas mo kumanta," puna sa akin ni Raven."Hhmmm, gutom na kasi ako," bulong ko at tinapat sa akin ang aircon ng sasakyan."Drive thru tayo?" tanong niya."Nasaan na nga pala tayo?" tanong ko. "Near tagaytay, fifteen minutes na lang papunta sa picnic grove. Gusto mo ba roon?" tanong niya.Nanlaki ang mga mata ko, sa tagal naming bumabyahe, hindi ko akalain na ang highway na dinadaanan namin ay patungo na pala sa tagaytay. Ibig sabihin hindi lang ito basta roadtrip?"Bakit hindi mo
Madeline's P. O. V."Are you still mad at me?" seryosong tanong ni Raven habang nagmamaneho ito.Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatitig sa bintana, pinapanood ko ang mga tao at sasakyan na nadadaanan namin o nakakasabay. "It's been hours, hindi ka pa rin ba magsasalita? Kapag hindi ka nagsalita, I'll believe that you're really jealous---""Fuck it, kahit kailan hindi magseselos ang isang Madeline na kagaya ko!" sigaw ko sa kaniya.Nang humarap ako sa kaniya at magtama ang mga mata namin ay bigla na lamang siyang natawa nang hindi ko malaman ang dahilan. Tinaasan ko siya ng kilay, kahit ano namang gawin kong pagtataray sa kaniya, it never worked!"Then why are you mad?" tanong niyang muli."Paano kapag nakita ng mga reporters 'yon, or yung picture lang mismo? They might fake it as you're a playboy, who dates four women at one time," ani ko.What a genius scenario, hindi imposible na mangyare 'yon. Feeling ko tama naman ang ipinaglalaban ko."Hhmmm, you have a point," aniya."A
Madeline's P. O. V.Hinawakan ni Raven ang kamay kong nakahawak sa buhok ni Bianca. Hindi ko siya binibitawan kahit na sumisigaw na ito sa sakit, mas lalo ko pang diniinan ang paghila sa kaniyang buhok na tipong malalagas na ang ilang hibla nito. "Madeline!" sigaw ni Raven.Bigla namang hinampas ni Bianca ang tiyan ko sabay sipa sa aking tuhod. Gumanti ako at sinipa rin siya. Dahil sa pagpigil ni Raven sa akin at ang pagpupumiglas ni Bianca ay tuluyan akong napabitaw sa kaniya. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang dalawang braso ni Raven na pumalupot sa aking beywang."WHAT'S WRONG WITH YOU!?" sigaw ni Bianca habang tinatanggal ang mga buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.Habang ang katawan ko ay biglang umangat nang buhatin ako ni Raven. Lumakad si Raven paatras upang mailayo ako kay Bianca. Dahil matipunong lalake si Raven ay hindi na ako makaalis sa kaniyang pagkakabuhat sa akin. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko."Stop flirting with my husband!" sigaw ko kay Bianca
Madeline's P. O. V.Kinabukasan, maaga akong gumising. Parang hindi ko na kaya harapin pa si Raven, gusto ko na lang lumayo sa kaniya. Parang mababaliw ako tuwing naaalala na nahalikan niya ako, nang hindi sinasadya. Ayoko na siyang makita, nakaka-trauma. Feeling ko kapag didikit siya sa akin mahahalikan na naman niya ako. I hate what I felt after that f*cking kiss!"6:30 am pa lang. Siguro naliligo pa lang 'yon, since 7 am kami umaalis. Magta-taxi na lang ako," bulong ko sa sarili ko habang nagsusuklay ng buhok ko.Kinuha ko ang aking paboritong shade ng liptint at naglagay sa aking labi. Kinuha ko na ang backpack ko at cellphone saka lumabas ng kwarto. Napansin ko namang tahimik sa sala at kusina kaya mukhang nasa kwarto pa si Raven. Mabuti naman.Naglakad na ako pababa ng hagdanan, dumiretso ako sa shoe rack at kinuha ang black shoes ko for school na may 1 inch na takong. Nang akmang isusuot ko na ang sapatos ko ay nagulat ako nang marinig ang mabibigat na yapak sa hagdanan. Alam k
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'
Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din
Madeline's P. O. V.Kinabukasan ay sabay kaming nag-umagahan ni Raven sa hapagkainan, siya na naman ang nagluto. Omelette ang aming almusal, wala ring mintis ang sarap ng kaniyang pagluluto. Kailan ko kaya matututunan ang ginagawa niya."Love, alam mo?" tumigil ako sa pagnguya."Don't speak when your mouth is full," aniya at binaba ang tasa ng kape."Psh, may sasabihin lang e'." Inirapan ko siya.Napansin naman niya ang pag-iba ng mood ko, binitawan niya kaagad ang hawak niyang kutsara saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry... Sige, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong niya."Wala na, ayoko na." Pag-iinarte ko."Love naman..." malambing ang tono ng kaniyang boses."Gusto ko lang sana itanong din," tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita. "May balak ka bang turuan akong magluto? I mean, alam ko naman kasing busy person ka, so... Gusto mo itanong kung maisisingit mo ba sa time mo yung pagtuturo sa akin sa kusina?" Napatango siya ng ilang beses at binitawan ang kamay ko. Naghintay ako
Madeline's P. O. V.Parang tumalon ang puso ko sa saya nang marinig ang pagbukas ng automatic gate, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Raven na papasok sa garahe. Bumangon ako mula sa sofa at binuksan ang main door. Nakita kong lumabas ng kotse si Raven dala ang kaniyang laptop bag. "Oh, what are you doing there?" tanong niya."Malamang sinasalubong ka. Ang boring kaya dito mag-isa," sabi ko.Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kaniya. Bigla akong napasandal sa bukas na pintuan habang sinisiil ako nito ng halik. Napahawak ako sa kaniyang leeg."I missed you," bulong niya nang humiwalay sa akin.Napalunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko ay nabitin ako. Tumalikod siya para ibaba sa sofa ang hawak niyang laptop bag. Napahawak ako sa labi ko, bigla siyang naging aggressive, not bad dahil masarap ang halik niya."Is there a problem?" tanong ni Raven.Nagising ako sa reyalidad. Napataas ang kilay ko at umiling.
Madeline's P. O. V.Nang matapos ang dinner date namin. Inuwi na ako ni Raven sa bahay niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at unang hakbang ko sa bahay ay tila napuno ako ng halo-halong emosyon."Is there a problem, Love?" tanong ni Raven at hinawakan ang beywang ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan siya."Na-miss ko dito. Punong-puno ng memories ang bahay na 'to, tayong dalawa... Kapag naaalala ko na sana may kasama na tayong batang malikot at makulit. Nakakalungkot, pero siguro hindi pa nga ngayon yung right time natin para maging isang ganap na magulang." Ngumiti ako ng pilit."I really appreciate your positive thoughts, na this isn't the right time. Umaasa naman ako na kung darating ang right time na 'yon, nasa tamang edad ka na. Walang problema sa trabaho ko, tapos hindi ka rin stress sa business niyo. May mas malaki na tayong bahay at---""Teka," pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Lilipat pa ba tayo ng bahay? Iyon ba ang plano mo?" tanong ko.