Kabanata 9BedLabag man sa konsenSya ay bumalik ako sa loob. Tumabi ako agad kay Argo at umasbyerte sa kaniyang mga braso bago ko ito bahagyang tinapik."Ikaw naman para sandali pa lang akong nawawala miss mo na agad ako!" Lantaran ko pang kinurot ang tagiliran niya na siyang hindi napigilang makiliti."The fuck!" Pigil niya sa akin. Hindi nakaligtas sa'kin ang ngipin niyang kumawala dahil sa ginawa ko.Ah, malakas pala ang kiliti mo d'yan. Muli kong inulit ang ginawa at ngumisi dito."Stop it!" Hinuli na nito ang kamay ko matapos ay tumiim ang tingin sa'kin. "What the fuck are you doing? Really in front of my family and maids?" bulong naman nito.Ngumisi ako. "Eh, saan mo ba gusto?" I whispered back.Nakita kong namula ang pisngi nito na siyang hindi nakaligtas sa'kin. Kaya humarap ako sa mga magulang niyang nasa lamesa pa rin."Saan ho ba ang magiging kwarto namin?"*****Nilibot ko ng tingin ang guest room na nasa ikalawang palapag. Nasa may third floor pa raw kasi ang silid ni Ar
Kabanata 10Austin GreensmithHinanda ko ang sarili nang mamataan kong pababa na ng magarbong hagdanan ang mag asawang Greensmith. Sumilay ang matamis kong ngiti sa mga ito nang makababa sa hagdanan."Good morning, sunshine! You're breakfast is ready!"Ngumiti agad ang ginang sa'kin habang ang matandang abuelo ay pirmeng nakatiim ang mga labi.Hindi naman ako nagaksaya ng panahon. Matapos nilang maka-upo ay inagaw ko mula kay Aling Mareng ang dala niyang bandehado ng sinangag. Ako na ang naglagay ng kanin sa kanilang pinggan.I also held them the plate of hotdogs at ang iba pang ulam."Maupo ka na hija, sabayan mo na kaming kumain." "Hindi na ho, hintayin ko na lang po si Argo na magising." Ngumiti pa dito.Ngunit nakita kong nangunot ang noo n'ya sa'kin. "Hindi dito natulog si Argo kagabi. I think doon siya natulog sa condo," anito sa'kin.Agad na napawi ang mga ngiti ko sa labi. Pero agad ko rin isinantabi ang pagkadismaya."Kung ganoon ho ay sasabayan ko na kayo!" Walang pag-aalin
Kabanata 11DiveUmalis rin agad si Austin matapos kumain. May kinuha lang daw ito sa kaniyang silid at lumakad na. Ako naman ay naglibot sa hardin.Ang totoo ay na-miss kong mag alaga ng mga bulaklak. May mga halaman ako sa probinsya na siyang alaga ko sa harapan at likod ng aming bakuran. Pero madalas itong sirain ng alagang puso ng kapitbahay namin kaya ang ending... niligaw ko na lang si muning.May mga orchids akong natanawan at ilang daisy doon. May sunflower din akong nakita kaya mabilis akong lumapit doon at nag-selfie. I smiled as I could see my face smiling at the photo. Mabilis ko nang isinilid ang aking cellphone sa aking bulsa at muling nilibot ang bakuran.Hanggang dalhin ako ng mga paa sa may likod ng mansyon kung saan namataan ko ang rectangular shape na swimming pool. Sa palagay ko'y nasa 6-7 feet ang lalim no'n dahil sa may diving board pa akong nakita roon. Tiyak na madalas mag swimming dito ang magkapatid na Greensmith.Ang totoo niyan ay magaling rin akong lumango
Kabanata 12SexyParang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwalang natumbok ni Argo ang sinabing iyon ni manang. Shit na malagkit Natalia. Sana naman huwag niyang isipin na pinagpapantasyahan ko siya araw-araw at gabi-gabi. Kinagat ko nang mariin ang mga labi at isinantabi ang alalahanin na 'yon.Matapos kong makapagbihis ay bumaba na ako para tungohin ang komedor. Doon ay naabutan ko si Argo na nakaupo na sa isa sa mga silya doon. Nasa harapn niya ang kaniyang laptop habang ngininguya ang miryendang gawa ni manang.Tahimik naman akong naupo sa harapan n'ya at sumandok ng lasagna na gawa ni manang. Hindi ko mapigilang titigan ito habang nakasuot ng reading glasses habang nakatutok sa kaniya ang monitor ng kaniyang laptop."Done checking on me?" Kumurap ako nang ibuka n'ya ang mga labi habang hindi inaalis ang tingin sa monitor. I cleared my throat first and shifted my eyes."Ang gwapo mo kasi..." I murmured.Alam kong narinig n'ya ang sinabi ko dah
Kabanata 13 Restaurant Wala akong sinayang na oras, mabilis akong nag-impake ng gamit. Ilang damit at halos pantulog lang ang isinilid ko doon para ready to fight ang peg ko anytime. Sa tingin ko kasi ay magagawa ko ang mga plano ko kung nasa condo n'ya kami. Doon kasi ay tanging kami lang dalawa ni Argo ang naroon kaya walang magiging istorbo kung sakaling tuluyan ko na siyang akitin. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan. Halos talunin ko nga iyon sa pangambang maiwan ako ni Argo. "Natalia?" Nilingon ko ang mag-asawang Greensmith na siyang kausap ni Argo sa may living room. "Sinasabi mo bang kukunin mo dito si Natalia?" May pag-aalala sa tinig ng ginang. Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa likuran ni Argo at bahagyang sinilip ang mga ito habang nag-uusap. "Mas safe siya doon dahil maliit lang ang space nagagalawan n'ya. Kanina nakita kong nag-dive doon sa pool. Paano kung wala ako do'n?" Seryoso ang tinig ni Argo, tila sinesermunan pa nga ang mga magulang sa tono ng
Kabatana 14CondoHabang daan pauwi ng kaniyang condo ay tahimik lang ako. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko ang nalaman tungkol sa kanila ni Florisse.Kung talagang matutuloy pa ang kasal nila ay baka pwede na akong umiskapo? Ihahanap ko na lang siguro siya ng bata na pwedeng ampunin para ibigay sa kanya.Ngunit nagtatalo ang isip ko kung iyon ba talaga ang tamang desisyon. Isa pa baka hanapin nito sa'kin ang milyon-milyon na perang binigay n'ya. Tiyak na sa kulongan din ang bagsak ko kapagtapos kong makapanganak. Tiyak na iyon ang plano ni Argo kaya hindi pa rin n'ya ako pinapakawalan.Sinulyapan ko ito habang tahimik na nagmamaneho. Ang kilay nitong pirming magkasalubong ay tila wala na yatang balak pang tumuwid ng ayos.Gayon pa man ay nuknukan pa rin ito ng gwapo. Akala ko sa mga telenovela ko lang makikita ang mga ganitong itsura pero heto nasa tabi ko na lang ngayon. Hindi nga ito nalalayo sa itsura ni Burak Ozcivit ng Turkish at ni Richard Gomez naman ng Pinas. Kung pwede
Kabanata 15SinigangAgad akong naligo at nagtungo nga sa grocery. Kahit may mga stock na doon ay wala naman doon ang rekado na lulutuin ko para sa masarap na hapunan. Dahil natikman ko ang kare-kare na luto sa bahay nila Argo ay iyon ang plano kong lutuin kasama ng sinigang na baboy.Mataman akong namimili sa grocery store habang tulak ang push cart nang may tumawag sa aking pangalan."Natalia!"Nilingon ko ang boses na tumawag sa'kin at nang makilala ito ay siya akong nilapitan."Andra! Kamusta?" Ito busy sa bagong negosyo. Ikaw ang tagal na rin mula noong nagkita tayo. Remember first yeear college pa tayo no'n! Kamusta ka naman? Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"Bumaba ang tingin nito sa pinamimili ko at ngumiti sa'kin."Ito namimili ng iluluto ngayong hapunan." Kibit balikat ko. Wala naman kasi akong maibibida. Hindi naman ako nakapagtapos ng college at wala rin akong maiku-kwento dito."May asawa ka na?"Agad na lumuwang ang ngiti ko dito. "Oo, sa katunayan nga malapit na ka
Kabanata 16Sundot Kulangot Hinigit ko ang paghinga nang bumaling ang tingin niya kay Marco. Marco didn't hesitate to get up on his seat at binati si Argo matapos ilahad ang kaniyang kamay."Good evening, pare!"Ngunit hindi nito inabot ang kamay dito at bumaling muna sa'kin. Tila gusto akong tanungin kung ano bang ginagawa ni Marco dito.Tumayo na rin ako sa aking silya."Ah, in-invite ko kasi siya kaninang umaga. Sabi ko dito na siya maghapunan." Tumaas pa ang aking dalawang kilay dito.Argo shifted his eyes to Marco. Doon lamang niya tinanggap ang kamay nito."Continue your food," aniya kay Marco.Naglakad naman ito sa mismong sentro ng lamesa at naupo doon.Bahagya akong kumurap ngunit sa huli ay maliksi itong pinaglagay ng kanin sa plato. Inabot ko agad dito ang sinigang. Argo glanced up at me ngunit walang lumabas na salita mula dito kaya pinaglagay ko siya ng ulam.Hinintay ko muna itong makasubo at ang magiging reaksyon n'ya ngunit parang hindi nga ito naasiman sa sinigang ko
Special Chapter 1L’ amoureMatapos ng kasal ay diretso kami sa resort para batiin ang mga bisitang dumalo sa pagtitipon. Simple lang din ang naging salo-salo sa gabing ito. Halos mga piling bisita lang din ang um-attend sa reception.Halos lahat ay masaya sa tinakbo ng seremonyas lalo na sina daddy at Inay na tila hindi maampat ang pakikipag kwentuhan sa mommy ni Argo."Congratulations to our newly wed!" Malakas na bigkas ni Christof habang hawak sa kamay ang bote ng champange.Nilapitan ito ni Argo niyakap bago tapikin sa balikat. Gumawi naman ang tingin n'ya kay Paul at George na siya rin niyang niyakap."Salamat sa pagdalo, akala ko hindi na kayo makakarating.""Kami pa ba? Alam namin matagal mo na itong plano." Christof shifted his eyes on me and give a wink.So, totoo ngang naka-plano itong kasal at hindi lang basta naisipan bigla ni Argo. Talagang mamaya sasabonin ko siya ng sermon."Congrats, Natalia." Tumingala ako kay Paul na malawak ang ngiti sa'kin. Gano'n rin ang ginawa
Kabanata 58AisleHindi maampat ang aking luha habang sakay ng sasakyan. Panay naman ang alo sa akin ni Inay na walang tigil ang paghaplos sa aking likod."Huwag kang mag-alala hija. Magiging maayos rin ang lahat."Ngunit walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang pwedeng kahinatnan ni Argo. Sabi ni Inay ay naaksidente ito habang patungo dito sa Calatagan. Kaya pinadiretso ko na sa pinakamalapit na ospital ang sasakyan dahil dito daw malamang dinala si Argo.Ngunit nalampasan na namin ang ilang ospital ay hindi pa rin tumitigil ang sasakyan. Hindi ko na binigyan pansin ang bagay na 'yon pagkat gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyayari.Subalit nakalabas na kami ng Calatagan ay hindi pa rin humihimpil ang sasakyan sa ospital."Saan ba tayo papunta?" Hindi ko na napigilan itanong kay Inay.Ngunit hinaplos lang niya ang likod ko't tumango sa'kin.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas lalong tumahip ng malakas ang aking puso. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Saan
Kabanata 57LunchMaaga pa lang ay naghanda na ako para magtungo sa Nasugbu para bisitahin ang hotel doon ni Dad. Sabi n'ya ay ako na ang bahala mamahala doon mula ngayon.Naabisuhan na rin n'ya ang lahat ng staff at manager ng hotel kaya hindi na mahirap para sa akin ang magpakilala.Matapos ang kalahating oras na byahe ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel. Doon pa lang ay kita ko na ang mga staff na nakahilera na tila inaantabayanan ang pagdating ko.Naroon na rin si Rosario na siyang aking magiging personal assistant at si Shiela na aking sekretarya.Huminga muna ako ng malalim bago bumaba matapos akong pagbuksan ng isa sa aking mga security. Si Daddy ang nag request na bigyan ako ng seguridad dahil sa mga pagbabantay sa akin ni Andra at mga nangyari noong mga nakaraang linggo.Isa pa lumakalad na sa tatlong buwan ang batang dinadala ko kaya todo ingat ako sa mga kilos ko. Gustohin man akong pigilan ni Inay at mamalagi na lang sa Villa ay hindi ako pumayag.Gusto kong tulongan
Kabanata 56RealTanghali na nang dumaong ang sinasakyan naming yate sa Isla. Maluwang ang naging pag ngiti ko pagkat sinalubong kami ng ilang naka-unipormadong lalaki. May ilan pa ngang sinabitan kami ng mga bulaklak sa leeg na tiyak na gawa nila."Welcome to Isla Verde!" Malugod nilang pagtanggap sa amin.Gaya ng dati ay hindi pa gano'n kadami ang tao dito ngunit may ngilan-ngilan na rin na nagtatayo ng maliliit na negosyo dito para sa mga turista na gustong mamasyal.Katunayan kahit walang kuryente sa gabi ay nakadaragdag pa 'yon ng atraksyon sa mga turista na nais mag camping dito.Sa isang bungalow type kami dumiretso kung saan may inihanda na pa lang pagkain ang mga lokal para sa pagdating namin. Kasama na doon ang Mayor at ilang Konsehal na sumalubong sa amin kanina."Mabuti naman ho naisipan n'yong mag-invest dito sa Isla namin. Ang totoo ho ay nahihirapan kaming i-promote ang Isla dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente," anang Mayor kay Argo habang sinisimulan na namin ang
Kabanata 55Isla VerdeNagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking pisngi. Kasabay nito ang malamig na hangin na hinihipan ang puting kurtina. Mahigpit ang naging pagyakap ko sa unan at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin."Good morning, L'amoure?"Mabilis ang naging pagdilat ko at pagbalikwas akong bumangon nang marinig ko ang mababang boses ni Argo na nagsalita."Why are you still here?!"Hindi ako nagdalawang isip na ibaba ang comporter sa aking katawan at bumaba ng kama. Hinanap ko agad ang mga damit ko ngunit hindi ko makita.'Are you looking for this?"Umangat ang tingin ko kay Argo na hawak sa isang kamay ang hinubad kong white lose shirt. Dahil sa sobrang gulat at hiya ay halos lundagin ko siya sa kama para maagaw mula dito ang damit."Give me that!" Imbes na ibigay ay narinig ko ang malutong niyang halakhak matapos ay hinila ang balakang ko papalit sa kanya. Shit na malagkit, Natalia. You're completely naked. Gaya ko'y hindi pa rin ito nakakapagbihis kaya malaya
Kabanata 54Sweet Fire KissLumalim ang gabi, naging magaan para sa'kin ang mga eksena maging ang pagtanggap sa'kin ng mga bisita. Hindi na rin muli pang nag-krus ang landas namin nina Andra at Florisse. Pansin ko rin ang maagang pag-uwi ng mga Greensmith at maging ng mga Villarosa.Dahil hindi ako pwedeng magpuyat ay sinubukan ko nang magpaalam kina daddy at Inay. Pinuntahan ko rin ang lamesa ni Shiela at Rosario."Ayos lang ami dito madami pa naman boylet e," ani Rosario na panay tungga ng alak sa baso."Baka naman malasing ka n'yan?" Suway dito ni Shiela."Naka-ready naman na ang guest room para sa inyo," wika ko sa mga ito."Kung pwede lang nga sana mag-leave ako sa trabaho, kaso baka mapagalitan ako ni ma'am Andra." Nginuso pa n'ya ang grupo nina Andra at Florisse na siyang nasa isang lamesa habang kausap ang ilang pulitiko at business man."Kung gusto mo pumasok ka na lang secretary ko, do-doblehin ko ang sahod mo, o di kaya ay ti-triple-hin ko pa?" Agad na nagliwanag ang mukha
Kabanata 53Whore"Let us talk. . ."Nagpatiuna na itong naglakad palabas ng bulwagan na siya kong sinundan ng tingin.Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa ngunit narinig ko ang boses ni Inay. "Natalia, ayos ka lang ba? Kung mamahinga ka muna kaya sa silid mo?" Pigil niya sa aking braso."Ayos lang ho ako.""Baka makasama saiyo at sa baby mo ang gulong nangyayri?"Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago humarap dito. "Nay, ayos lang ho ako. Kakausapin ko lang ho si Argo saglit."Tila hindi pa rin ito kumbinsido sa aking sinabi kaya ngumiti na lang ako dito nang maluwang. Hindi na ako nagpapigil dito nang sundan ko si Argo palabas ng mansyon.Sa labas ay mas marami pa pala ang mga tao at bisita na siyang naagaw ko ang pansin. Naroon din ang orchestra na nagbibigay ingay sa gabing ito sa kabila ng mga bulung-bulongan.Pinagkibit-balikat ko na lang ang mga 'yon habang nakatuon ang pansin kay Argo na tiyak na patungo sa mga puno ng guyabano at mangga.Lakas loob kong hinakbang
Hindi naman ito nag-atubili at nagbigay ng daan sa bagong dating upang maisayaw ako.Lumunok ako nang maraming beses bago nagkaroon ng lakas ng loob na tingalain siya."May I dance with you?" he asked in a lower voice.I held my breath. Tumango ako at tinanggap ang nilahad niyang kamay.Sa paglapat pa lang ng mga kamay namin ay napapikit na ako. Iba ang hatid na init ng kaniyang mga palad sa'kin. His scent, his heated breath and his searing body progressively drained my power and energy.Napasinghap ako nang ang isang kamay niya'y gumapang sa aking likuran at dahan-dahan humaplos pababa sa aking balakang. Argo pulled me closer to him kaya napahawak ang dalawang kamay ko sa malapad niyang dibdib."Happy birthday, L' amoure. . ."Hindi ko napigilang pumikit nang dumantay ang mainit niyang hininga sa aking pinsgi. Tila nalasing ako sa init at amoy ng matamis na serbesa na humahalo sa kaniyang hininga. Ngunit mabilis kong pinaglitan ang sarili matapos ay tumingala dito upang salubungin a
Kabanata 51HeiressMaaga pa lang ay tumulak na kami ng patungong Calatagan Batangas. Dad wanted us to see our new home. Dito na raw kami titira mula ngayon.Sa byahe pa lang ay hindi na mawala ang kaba ko sa pananabik na makita ang villa na sinasabi ni daddy. Matagal na raw na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang villa na siyang pinamana pa kay daddy ng mga magulang n'ya.Sumilip ako sa may bintana nang matanaw ang malaking arko na sumasalubong sa amin. Naka-ukit doon ang pangalang Villa Falcon na siyang mas lalong nagbigay sa'kin ng matinding kaba."Nandito na tayo..." Narinig kong wika ni dad sa backseat.Bago namin marating ang destinasyon ay ekta-ektarya munang bungang kahoy ang madaraanan mo. Namangha ako sa nakitang puno ng calamansi at guyabano na nakahilera habang papasok kami ng bakuran. Gano'n rin ang ilang puno ng mangga sa bandang likuran, at sa tingin ko'y mas marami pang puno sa banda do'n.Hindi rin biro ang mahabang kalsada patungo sa aming destinasyon. Pakiramdam ko