Share

Erasing

Author: Remnis Luz
last update Last Updated: 2025-02-13 20:00:19

"Ate ano yan?" takang tanong ng kanyang kapatid pakababa niya mula sa kuwarto.

Kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya nila kaya naman sa kanya napukol ang atensyon ng mga ito.

Kaagad lumapit ang mama niya sa kanya para suriin ang hawak-hawak niyang box at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata nito.

"Hindi ba mga regalo iyan sa iyo ni Bobby," turan nito sa mga gamit na naroon, ganoon na lang ang pag-aalala nito nang masuri ang lahat ng naroon.

Mayroon teddy bear na gutay-gutay, mga larawan na punit-punit at ilang sulat na pira-piraso, nakalagay din doon ang mga iniingatan niyang niregalo ng lalake na damit, bag at posters ng paborito niyang mga artista at banda.

"Moving on na ako mama," taas noo niyang sambit. "Hindi ko kailangan aksayahin ang panahon ko sa walang kwentang lalake!" pagmamalaki niya dito.

Napahawak na lang ang mama niya habang napapakagat na lamang ng labi, bakas pa rin ang pag-aalala rito, pero hindi naman siya nito pinigilan nang magtuloy-tuloy na siya sa likod bahay nila.

Isinilid niya kaagad ang mga laman ng box sa isang basurahang lata, matapos noon ay binuhusan niya iyon ng gas bago magsindi ng posporo para silaban ito.

Ibinuhos niya na lahat ng galit niya sa mga bagay na iyon kagabi, kaya naman medyo magaan na ang kanyang pakiramdam, subalit hindi niya maipagkakaila ang panaka-nakang sikip sa kanyang dibdib habang pinanood niya kung paano lamunin ng apoy ang bawat isa sa mga naturang gamit.

"Nak, sigurado mo bang ayos ka lang?" tanong ng mama niya.

Nasa likod niya na pala ito at pinapanood rin kung paano niya burahin ang mga alaala ng kanyang kasintahan.

"Oo ma, ayos na ayos lang po ako," baling niya dito.

Panandalian niyang nilingon ang malaking silab na tila nagsasayaw habang unti-unting ginagawang abog ang mga natitirang bakas ni Bobby, tulad noon ay ipinangako niya sa sarili na kakalimutan na ito.

Wala siyang ibang nasa isip ng araw na iyon kung hindi ang gawin lahat ng mga hindi niya nagagawa noon dahil sa pagiging strikto at konserbatibo ng dating kasintahan, napag isip-isip niya na napakaraming bagay ang napalampas niya dahil lang sa kakasunod dito para lang mapanatili ang relasyon nila.

Matapos mag-almusal ay nagmadali na siyang magbihis para pumasok sa trabaho, may kakaibang pananabik ang naidulot ng natamo niyang kalayaan kahit naroon pa rin ang sakit, parang ang dami niyang gustong gawin ng araw na iyon, kaya naman hindi siya mapakali.

Natigil lang siya sa pagmamadali nang mapadaan sa isang bakeshop sa baba ng building na pinapasukan, bigla siyang natakam sa chiffon cake na nakadisplay doon, wala ng paligoy siyang pumasok roon kahit mahaba pa ang pila. Matapos ang halos kalahating oras ng paghihintay ay nagawa niya ng mabili ang naturang pagkain pero nabatid niya na halos ilang minuto na lang at malalate na siya kaya naman matapos bayaran ay ipinadeliver niya na lang ito sa pangalan nilang dalawa ng kanyang kaibigan kaysa hintayin pang ibalot ito.

Malapad ang ngiti ni Sheryll habang tumatakbo papasok sa kanilang opisina, hanggang sa makaupo siya sa kanyang lamesa ay litaw na litaw pa rin ang kakaibang lapad ng kanyang mga labi.

"Good morning Celina!" masaya niyang bati sa kaibigan, naabutan niya itong nakahawak sa sintido at malalim ang iniisip.

Isang tipid na ngiti naman ang ibinalik nito pakakita sa kanya. "Good morning Sheryll, mukhang okay ka na ah," baling ng kaibigan.

"Medyo. Eh ikaw, anong problema? Huwag mong sabihin nag-away kayo ni bossing," biro niya sa kaibigan.

Aksidente niya kasing nalaman na ang tatay pala ng mga anak nito ay ang bagong may ari ng kompanya nila, kaya pala napaka tahimik nito pag napag uusapan nila ang tungkol doon.

"Shhh, Sheryll! Baka may makarinig sa iyo," Agad na takip ni Celina sa bibig niya.

Kahit nalaman niya na ang bagay na iyon ay halatang may nililihim pa rin ang kaibigan sa kanya.

Marahan na lang niyang tinanggal iyon. "Okay, okay, bumili ako ng cake para may snack tayo mamayang lunch," masaya niya na lang pagbibigay alam dito.

Kahit papaano ay gusto niya rin naman makabawi sa lahat ng pag-suportang ibinigay nito sa kanya, kaya naisipan niyang bumili ng makakain nila para sa tanghalian.

"Sheryll, parecieve mo na ito," saad sa kanya ng isang ka-opisina pakalatag ng ilang mga papeles sa kanyang harapan.

Buong galak niya niya naman iyon kinuha at sasayaw-sayaw pa na tumungo sa departamentong pagdadalhan noon.

Hanggang sa pagbalik ay todo kembot siya sa paglalakad, natigil lang siya nang makita ang reflection sa salamin.

Nabatid niya na may mali sa kanyang kasuotan, doon niya lang napansin na masyado nga itong maluwag, kaya naman bigla niya na lang naisip na kailangan niya ng mga bagong damit.

Tulad kanina ay galak na galak siyang nagmadali sa paglalakad pabalik sa opisina nila para sabihin sa kaibigan na magpapasama siya ulit dito na mamili, natigilan lang siya nang mabatid na napaka-seryoso bigla ng lahat ng naroon, halos hindi magkanda maliw sa pagkilos ang mga katrabao na kala mo ba ay mga abala kahit wala naman masyadong gagawin ng araw na iyon.

Nakuha niya lang ang nangyayari nang makalapit na sa lamesa niya, naroon pala ang boss nila at kunot na kunot ang mukha habang pinag-didisikitahan ang isang security.

"I'm asking you again, who sent this!" Halos gusot na ang noo nito habang sinisita ang naturang lalake.

"Si...sir, hindi naman po sinabi nang delivery boy kung kanino galing, basta nabanggit po kasi na para po kina mam Celina," yuko nitong sagot.

"Sir naman, cake lang po iyan!" pilit paliwanag naman ni Celina dito habang nakapagitna sa boss nila at sa security guard.

Doon niya namalayan na ang pinagkakaguluhan pala ng mga ito ay pina-deliver niyang chiffon cake, kuyng kaya ganoon na lang ang pagkaripas niya ng lakad palapit sa mga ito.

"Sir, sa akin po iyan! Ako po bumili niyan na cake!" hangos niyang paliwanag.

Mabilisan ang naging pagsasalubong ng kilay nito nang bumaling na sa kanya, isang malalim na paglunok lang ang nagawa niya nang mapunta na sa kanya ang nanlilisik nitong mga tingin.

"Why the hell would you have it delivered!" singhal na puna nito.

"Malalate na po kasi ako kanina, kaya pina deliver ko na lang po kaysa maghintay po ako na ibalot nila," napahawak na lang siya na parang nagdarasal sa harapan nito.

Kahit sabihin pa na gwapo ito hindi niya maipagkakaila na talaga palang nakakatakot ang naturang lalake, parang mangangain kasi ang boss nila sa talim ng mga mata nito habang nagpapabalik-balik ng tingin sa security guard at sa kanya. Natigil lang ito nang pasimpleng sikuhin at pandilatan ng kanyang kaibigan nang hindi na nakatingin ang security guard, napapigil na lang siya ng tawa nang makita ang mabilis na pagkawala ng pagsasalubong ng kilay nito at naging parang maamong tupa.

"Ayan po si Sheryll iyong bumili ng cake, siguro naman po hindi iyon bawal!" taas kilay na saad ni Celina sabay namaywang kahit pa malumanay ang pakakasabi nito noon.

Bumuntong hininga na lang ito bago tiim bagang na tumalikod, nagmamadali na lang itong maglakad paalis doon, ganoon na lang ang paghinga nila ng maluwag nang tuluyan na itong makalayo.

"Kuya, pasensya ka na," paghingi niya na lang ng paumanhin sa guard bago ito makaalis.

Tumango naman ito ng may ngiti na nagsasabing ayos lang iyon, nang bumaling naman siya sa kaibigan para humingi rin ng tawad rito ay nakita niyang hinihilot na nito ang sintido nito.

"Friend, pasensya ka na" malambing niyang hawak sa kamay ni Celina.

Hindi niya lubos akalain na makakalikha ng kaguluhan ang pagpapadeliver niya ng cake sa kanilang opisina ng araw na iyon. Nakonsensya na lang tuloy siya sa mga nangyari.

"Hindi, wala iyon, ganoon lang talaga iyon kapag tinotopak" ngiting paliwanag nito.

Hindi niya na ito nagawang maaya pa dahil pakalabas pa lang nila ay nakaabang na ang sasakyan ng boss nila dito. Pero kahit mag-isa ay hindi pa rin nawawala ang gana niya na mamili, kaya tumuloy pa rin siya mall.

Sa unang pagkakataon ay hindi siya nagpigil na gumastos, noon kasi ay madalas siyang nagigipit dahil nag-iipon nilang dalawa ni Bobby, naroon din na madalas siya ang gumagastos kapag lumalabas sila kaya walang natitira sa sweldo niya, pero ngayon parang sobra-sobra ang pera niya kaya naman nabilhan niya ang sarili ng mga damit at sapatos pati na rin ilang mga bagay para sa magulang at kapatid.

"Wow ate! Ngayon ka lang yata nagshopping." Salubong kaagad ng kapatid sa kanya sabay usisa sa mga dala niyang paper bag.

"Che, tumigil ka! Sukatin mo na lang ito," bato niya sa isang bag na laman ang binili niya dito.

Ngiting-ngiting nanlaki ang mata ni Sherwin pakasalo noon. "Wow, thanks ate!" masaya nitong turan nang mailabas na nito ang laman noon na bagong polo at shorts na nasa uso.

"Nay, binilhan din kita nang damit na gusto mo at si tatay din." Baba niya sa mga paper bags sa lamesa na naglalaman ng mga binili niya sa mga magulang.

Napangiti naman ito sa pasalubong niya na siya naman ikinatuwa niya, matagal na rin panahon bago niya naregaluhan ang pamilya, kaya bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam, lalo niya tuloy natatanggap na marahil nakabuti ang paghihiwalay nila ni Bobby.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Anticipating   Changed girl

    "Sister, ikaw ba yan?" bati ni Delila pakalapit niya sa tindahan para bumili ng softdrinks. Napansin kaagad ng mga kaibigan ang suot niyang fitted na t-shirt at shorts na maong. "Ay ate, blooming!" masaya naman turan ni Paloma. "Winner ka ate!" dagdag naman ni Rosana. Napangiti na lang siya sa mga ito, kahit hindi ganoon kaiksi ang shorts niya ay maganda pa rin itong tingnan dahil sa pagkakahapit sa kanyang katawan at hindi kabastos-bastos ang hitsura. "Pagbilhan niyo na lang ako ng softdrinks," naiilang niyang sambit.

    Last Updated : 2025-02-14
  • Anticipating   Up's and down

    Hindi niya mapigilan ang paghinga ng mabilis habang pinagmamasdan ang mga labi ng lalake, ramdam niya ang kakapusan ng hangin dahil sa tuloy-tuloy na paglapit ng mukha ni Ray sa kanya. Isang pigil na ungol ang kumawala kay Sheryll

    Last Updated : 2025-02-15
  • Anticipating   Falling apart

    Hindi na mabilang ni Sheryll kung nakakailang bote na siya ng beer ng mga oras na iyon, natagpuan na lang niya ang sarili na sa bar na pinuntahan nila ng mga kaibigan ng wala sa oras sa sobrang sama ng loob, pakiramdam niya kasi ay doon siya magagawang matanggal ang nadarama.Wala siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kung hindi ang uminom muli upang kahit papaano ay makalimot at lunurin ang

    Last Updated : 2025-02-16
  • Anticipating   Saved

    "Gaga ka!" kurot ni Delila sa tagiliran niya. "Ganyan ka na ba kabaliw? Mabuti na lang at napadaan ako doon kung hindi, naku!" gigil nitong sambit sabay subok ulit na kurutin si Sheryll, ngunit nagawa niya ng umilag dito. "Ano ba kasing iniisip mo?" panggagalaiti ng kaibigan. "Bakit ba? Wala naman akong ginagawang masama ah," napanguso na lang siya dito. "Wala!" tili ni Delila.Napangiwi na lang siya dahil sa parang pagkakabingi sa lakas ng boses ng kaibigan dahil sa lapit ng bibig nito sa kanyang tenga."Eh muntik ka na sumama doon sa macho gwapitong lalaking iyon! Alam mo ba na tirador iyon ng mga shushunga-shunga na tulad mo," sermon nito.Subalit pansin niya ang kakaibang ngisi sa mukha ng kaibigan habang sinasabi ang mga iyon kaya naman napalabi na lang siyang muli habang napapataas ng isang kilay dito."Kung hindi ko pa nilandi iyong papable na bartender noon nakaraan ay hindi ko pa malalaman, kahit mukhang anghel iyon, Jusko! demonyo naman daw iyon sa mga babae niya," ngitngi

    Last Updated : 2025-02-18
  • Anticipating   Curiosity

    "You may now kiss the bride." Ganoon na lang ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Hindi mapigilan ni Sheryll ang kumawala ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang bagong kasal, kahit pa todo na ang pagpipigil niya sa pag-iyak. Parang mayroon kasing maliliit na karayom ang tumutus

    Last Updated : 2025-02-19
  • Anticipating   Big bang boom

    Hindi matigil sa pagkabog ang kanyang dibdib habang nakaupo sa malambot na kama, para siyang batang hindi matigil sa kakahimas sa makinis na puting kubrekamang nakabalot doon. "You want anything?" Napatuwid na lang siya kaagad ng upo nang madinig ang malalim at nanghahalinang

    Last Updated : 2025-02-20
  • Anticipating   Conscience

    Halos malalaglag na ang mga panga ng mga kaibigan ni Sheryll nang makita siyang bumaba sa magara at mamahaling kotse. Ganoon na lamang ang pagkakalabitan at bulungan ng mga ito."Salamat sa paghatid Ray," paalam niya sa binata.

    Last Updated : 2025-02-21
  • Anticipating   Haunting

    Halos ilang linggo rin ang lumipas bago nabatid ni Sheryll ang kapalit at epekto ng kanyang naging desisyon. Para nanaman tuloy siyang nauupos na kandila dahil sa mga bulong-bulungan na nagsimulang kumalat sa kanila, idagdag pa ang hindi pagpaparamdam ng lalaking umangkin sa kanya. Sinubukan niyang pumunta muli sa bar kung saan ito tumambay pero tila parang naglahong parang bula ang binata.Nakadagdag pa sa kanyang pasanin ang mga chismis na naging

    Last Updated : 2025-02-22

Latest chapter

  • Anticipating   The decision

    Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay

  • Anticipating   Cavalry

    Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.

  • Anticipating   Back and forth

    "Uy Bobby! ano na, ikaw na ba ang magdridrive para sa amin?" biglang sigaw ni Delilah sa kanya. Kararating niya pa lang sa bahay nina Sheryll ng mga oras na iyon upang maghatid ng mga paninda, iyon kaagad ang naging bungad nito sa kanya.Agad siyang napaharap sa mga kaibigan, doon niya lang naalala ang pakiusap ng mga ito noon nakaraang buwan ukol sa pagmamaneho ng sasakyan para sa plinano ng mga ito na

  • Anticipating   Broken request

    "Please sit down iha." Turo ng matandang lalake sa upuan sa harap ng office desk nito. Maingat naman siyang naupo na hindi pa rin ibinababa ang kanyang pagka-alerto, hindi niya pa rin mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan lalo pa at nandoon na rin si Raymond sa m

  • Anticipating   Deceit

    "I'm asking you again, Natalie," seryoso at malalim niyang saad. Nagsisimula na kasing magdilim ang kanyang paningin ng mga sandaling iyon nang maulinigan ang mga naturang pangalan ng mga dating kasambahay.Halata ang takot ng dalawang babae kay Raymond dahil na rin sa parang walang emosyon na tingin nito.

  • Anticipating   Lash

    "I'm glad you came back." Biglang pag-aamo ng mukha ni Raymond habang papalapit sa kanya na may matamis na ngiti. Sinalubong naman ito ni Sheryll ng isang malutong, malakas at magkapatid na sampal, halos mamanhid ang kanyang kamay sa ginawa subalit ininda niya lang iyon, naroon ang malalim na paghinga niya upang habulin ang hininga sa sikip na nadarama sa kanyang dibdib dahil na rin sa pag uumapaw ng galit ng mga sandaling iyon. Ganoon na lang ang pagtitiim bagang ni Raymond sa ginawa ni She

  • Anticipating   Confession

    Ang tahimik na kapaligiran nanggigising na amoy sa kapaligiran at ang pagkakatago nila sa isang gilid ng naturang lugar ang bahagyang nakapagpadulot ng pagkalma kay Sheryll.Dinala siya ni Natalie sa isang sikat na coffee shop upang makapag muni-muni at mahimasmasan. Parehas silang nakatulala sa mga dumadaang sasakyan sa labas. Laking pasalamat niya na lang at medyo may pagkapribado ang lugar kaya naman walang masyadong tao ang nakakakita sa kanila. Halos para siyang bata na nakabaluktot habang nakaupo, yakap-yakap ang tuhod dahil hindi pa rin siya makabawi sa tindi ng pagkabiglang di

  • Anticipating   Duped

    Duped"Salamat sa paghatid Bobby," pumupungay na paalam niya na lamang sa lalake pakababa sa owner jeep nito. Nandoon pa kasi ang kaunting pagkahilo at antok sa kanya dulo’t ng tama ng alak, kahit nakainom na siya ng kape at nakapagpahinga. Bigla na lang lumitaw

  • Anticipating   Atonement

    Nanlulumo pa rin siya ng mga sandaling iyon dahil sa inasal niya noon nakaraan. Hindi niya matanggal ang matinding panghihinayang sa pagkakataong nawala upang makausap muli ang dating kasintahan. Sigurado niyang nagalit si Sheryll sa mga tinanong niya kaya umalis ito kaagad. Pakiramdam niya tuloy ay parang walang kabuhay-buhay ang mga oras na sumunod matapos noon.Sa kakaisip

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status